Pages

Sunday, December 20, 2015

Axcel Sports (Part 3)

By: Axcel

Azrael served the ball. Hindi siya nag error napasok niya, but our opponent managed to receive it. Isinet ng setter sa likod na hindi namin inexpect. Tapos ay tumalon na ang best spiker nila. Solid hit yung bola at parang nagslow motion ang paligid. Inispike ng kalaban ang bola sa bandang likod pero alam kong kung tumama na yun sa sahig ay in yun. At ang taong nasa likod ay si Azrael lang dahil kakatapos lang niyang magserve. Medyo malayo ang bola sakanya kaya alam kong hindi niya na iyon makukuha. TInitigan niya ko at ang alam ko nalang ay nanalo kami ngunit namamalipit siya sa sakit habang nakahiga sa sahig. Lumapit ako agad sakanya. “Paano mo nagawa yun?” Tanong ko. “Para sayo e.” Sabi niya ng nakangiti kahit na alam mong nasasaktan siya. Dumating na ang mga first aiders at dinala na siya sa clinic. Kahit ganoon kalayo ang bola ay hinabol parin niya. Wala siyang pakyelam kung mapano siya. Tumalon siya upang habulin ang bola at nagawa niya iyon, pagkatapos ay natama sa net kaya agad bumagsak ang bola sa court ng kalaban.

“Congrats Axcel!” Sabi nila Brey. Naglalakad kami ngayon papuntang clinic. “Thank you guys. Napagod ako dun haha.” Kumatok na si Troy sa pinto ng clinic at bumukas ang pinto. Nandun ang nurse na nagaalaga kay Azrael, pinapasok niya kami at umupo sa loob. Nakita ko si Azrael na nakahiga at may kung ano sa paa. “Napalakas ang pressure ng pagbagsak ng pasyente kaya medyo natamaan ang buto sakanyang paa. Wala namang dapat ikabahala ngunit kailangan niya ng pahinga. Kailangan nating pagalingin ang pamamaga ng kanyang paa.” Pagpapaliwanag ng nurse. Nagpaalam na ang nurse at nagpasalamat kami sakanya. “Paano na yung lunch natin mamaya, di ka nga makatayo.” Pangiinis ko sakanya. “Anong hindi? Wala kaya to.” Sabi niya habang hirap na hirap na ginagalaw ang paa. “Tayo ang champion ang galing natin.” Sabi ko habang nakangiti ng pagkatamistamis. Tumango naman siya at nginitian din ako. Narinig ko ang mapapanuksong tawa ng mga barkada ko at binigyan ko sila ng nakakamatay na tingin kaya tumahimik din sila. “Azrael aalis muna kami, manonood muna kami ng laban ni Brey.” Ang kaninang nakangiting mukha ay napalitan ng panlulumo. “Iiwan mo nanaman ako?” Sabi niya ng nakanguso. Shit ang cute haha. Wala akong choice kaya sinabi ko na mauna na muna sila Troy. Wala akong ginawa buong hapon na yun kung di ang makipagkwentuhan at bantayan siya. Di narin gaano namamaga ang kanyang paa at nakakaya na niyang maglakad. Dismissal na kaya nagpaalam na ako sakanya at umuwi narin siya.

Wednesday. Third day ng Intrams. Tapos na ang mga laro namin. Kailangan nalang malaman kung sino ang 3rd, at 4th. Automatic na second na ang seniors at maglalaban nalang mamaya ang Grade 9 at Grade 7 para malaman ang 3rd at 4th. Pababa nako ng kotse ng makita ko si Gregory. “Good Morning.” Bati ko sakanya. Tinignan lang niya ko, at nagpatuloy sa paglalakad. Baliw ata yun e. Pumasok na rin ako sa school at nakipagkita sa mga barkada ko. Nanood kami ng mga games at nagpalipas kami ng oras. Lunch na kaya pumunta kami sa Canteen. Nagorder si Brey at naupo kami sa table na lagi naming inuupuan. Nilabas ko ang cellphone ko at nag COC. Tae naman ang daming nag attack sakin kawawa trophies ko. Dumating na si Brey kaya tinigil ko ang paglaro at sinimulan naming kumain. Nanakaw ng taong pumasok ang aking paningin. Si Azrael, may kalampunan nanaman. Nakaakbay siya sa babae at ang saya saya nila. Ano namang pake ko? Axcel you should stop! Kahit magsex pa sila sa harap mo dapat wala kang pake. Di ko nalang pinansin at minadali kong kumain at lumabas na kami ng canteen. Buong araw ay iniiwasan ko si Azrael. At habang nakaupo kami sa gym ay may natanggap akong text. “Ba't di mo man lang ako pinansin sa canteen kanina ha? Tapos parang iniiwasan mo pako. May problema ba?” At nireplyan ko siya na wala. As in wala lang. “Ano bang problema ha? Tandaan mo may utang ka pang lunch sakin.” Oo nga pala di pa kami naglulunch sa labas ng sabay. Tinamad nako kaya di ko na siya nireplyan.

Palabas na sana ako ng school ng hinarang ako ni Azrael na salubong ang mga kilay. “Masyado bang mabigat ang mga daliri mo kaya di moko mareplyan?” Sarkastikong tanong niya. Hindi ko alam ang isasagot ko, di ako makatingin sakanya ng deretso kasi ang talim ng mga titig niya. “Sagutin moko Axcel.” Maawtoridad niyang sabi. “So-sorry di ko namalayan yung text mo. Busy ka-kasi kami sa panonood ng laro.” Pagsisinungaling ko. pakiramdam ko, ang sama sama ko. Pero alam kong kailangan kong dumistansya sa mga taong paasa. “Ah ganun ba. Alam mo na ba na mag oouting tayo ng volleyball boys ng grade 8 council sa Biyernes at Sabado? Para daw sa panalo natin.” Di nako nabigla sa sinabi niya. Tuwing may mananalo kasi ay ganun naman talaga ang ginagawa nila. Tumango naman ako at nagpaalam na sakanya.

Thursday. Last day of Intrams. Awarding nalang ang gagawin namin ngayong araw nato. Nandito kaming lahat sa gym. Nagsalita na ang Principal namin at nagpalakpakan ang mga estudyante. Tinawagan na ang mga estudyante na nagwagi sa aming intrams. Kasama na dun si Brey na isang gold medalist. “The champion of the volleyball boys, GRADE 8 COUNCIL!” Sigaw ng emcee at naghiyawan ang mga estudyante. “And our MVP is Axcel Vin Sanchez.” Umakyat na kami upang kunin ang aming trophy at mga medal. Di ko alam ba't ako ang MVP. “Congrats, MVP.” Bati sakin ni Azrael habang pinipicturan kaming buong team ng photographer ng school. Ngumiti naman ako sakanya at nagpasalamat.

Tapos na ang awarding kaya pauwi na sana kami ng nakita ko si Azrael. Hinila ko siya sa isang room dahil may gusto akong ibigay sakanya. “Miss mo nako? Hehe” Pangaasar niya sakin. “Hindi, may gusto lang sana akong ibigay sayo.” Inilabas ko ang trophy ng mvp sa bag ko at binigay ko sakanya. “Ikaw naman talaga kasi ang MVP.” Ayaw niyang kunin pero pinilit ko siya kaya niyakap niya ko at nagpasalamat. “Salamat talaga Axcel.” Sabi niya habang nakatitig sa mga mata ko, pababa sa labi ko. Nginitian ko siya pero nakatingin parin siya sa labi ko. Nailang ako kaya medyo umatras ako pero lumapit siya sakin. “Azrael, stop looking at--” “Damn, I can't resist it anymore.” And with that, his lips suddenly claimed mine.

Itutuloy...

No comments:

Post a Comment

Read More Like This