Pages

Sunday, December 13, 2015

Bi the Sea (Part 1)

By: BM

It has been a long time since I started visiting this blog. It has always been an inspiring experience to be able to read different erotic or even romantic stories here. Sa paniniwala ko lahat naman ay may kanya-kanyang kwento dba? And I also believe that it's the right time for me to share mine. I hope you enjoy!

Seaman po ako. Mga ilang beses na din akong pabalik balik sa barko pero hindi ko makakalimutan ang panahong sumampa ako sa barkong tawagin na lang nating MT Hiruka. Japanese-owned ship yun pero mixed crew. Ang mga management officers ay Indian at ang support officers at ratings ( sila yung mga nasa mababang ranks) ay Filipino. It was the first time na sumampa ako as an officer at 22 years old lang ako kaya medyo may kaba talaga dahil sa responsibilidad plus pa na ang pagseseaman ay para sa mga bruskong brusko lamang (stereotype). Pero sanay naman na ko sa ganoong systema dahil tropa ko simula pagkabata ay mga lalaki din at nag aral ako sa all-men maritime school nung college kaya kumbaga alam ko na kung paano dalhin ang sarili ko kahit na bi(sabihin na nating bakla) ako. Pero hindi ako halata. Kung may best paminta award sa school namin malamang grandslam
na ko.

Isang bwan pa lang ako nun sa MT Hiruka at medyo nakapag adjust na din sa trabaho at oras nang napabalitang magkakaroon ng crew-change. Ibig sabihin may panibagong tao na naman kaming makikita bukod sa pareparehong mukha araw araw. Nakakasawa na. Medyo excited din naman ako at umaasang may sasampang gwapo. Haha. Bakla nga dba? Hinanap ko agad ang message sa inbox ng barko at inisa isa ang mga mensahe hanggang sa nakita ko.

" Badtrip! Ni wala man lang may itsura sa mga damuhong to. Meron ngang medyo may itsura sa picture pero agnas na. Matanda pa ata sa tatay ko at umayos lang picture dahil sa kakaedit o di kaya matagal na kuha yun. Nung mga wala pa siyang apo siguro." mahina kong sambit sa sariling may pagkaasar sabay patay ng computer.

" May sinasabi ka Third?"
Biglang may nagsalita sa likod ko na siyang ikinagulat ko ng husto.
( Third for Third Engineer. By rank kasi ang tawagan sa barko and not by names except aa mga ratings na pangalan nila ang itinatawag.)

" Putragis naman Sec! Ginulat mo ko ah. Mag eemail ka ba? Kapapatay ko lang ng PC eh." gulat na tugon ko kay Secondmate.
 
" Andyan na ba details ng mga sasampa? May kilala ka ba jan?"

" Wala nga Sec eh. Tsaka mukhang senior citizen ata mga pasampang yan. Ang tatanda na eh. Baka ikaw may kilala jan."

" Hindi ata siya matutuloy dito eh. Sa kabilang barko siya naka line up. Sayang nga eh. Bata pa yun. May makakasama sana tayong pogi pang akit chiks pag lumabas. Ikaw kasi puro ka trabaho eh."

Biglang lumabo pandinig ko at tanging salitang "pogi" na
lang rumehistro sa naging usapan namin ni 2ndmate kaya nagpaalam
na lamang ako at nagsabing lalabas ako pag dumating na yung
mga baguhang crew.

Dumating ang araw ng crew-change subalit nawalan na ko ng ganang makita pa kung sinuman ang mga darating na iyon sapagkat busy din sa trabaho. At walang sasampang gwapo.

Hiwalay ang kainan ng officers at ratings pero madalas akong kumakain dun kasabay ang mga ratings dahil ayaw kong kasabay ang mga indian crew. No disrespect pero amoy anghit talaga ang iba sa kanila. At hindi ko trip ang amoy ng kinakain nila. Yun.

Nagkikwentuhan na ang mga crew at ang mga bagong sampa nang dumating ako sa kainan at nakipagkamay din ako sa kanila bilang pagbati.

" Third Engr po. Kamusta byahe?" tanong ko sa Bosun.

" Okay lang third. Tagal lang at nakakapagod pero ganyan talaga eh. Kailangan natin magtrabaho." Sagot naman nito sa tonong ilonggo.

" Oo nga Bos eh. Kailangan talaga natin magtrabaho." sagot ko naman sa kanya ng may simpatya.

" Batang opisyal mo pa third ah. Ilang taon ka na ba?" nakangiting tanong nito.

" 21 Bos. Medyo nag aadjust pa rin sa trabaho pero sige lang at kakayanin to. Oh sige Bos at may aayusin pa ko sa makina pagkatapos kumain. Welcome on board na lang sa inyo."

Tinapik ko sa balikat si Bosun at dun na muna ako kumain sa officers mess at medyo masikip dun sa kainan nila.

Dahil sa sobrang busy sa trabaho ay hindi na kami halos nagkikita ng ibang crew at madalas na di nagkakasabay sa kainan. May inspection kasi pagdating sa Europe kaya ang daming kailangan gawin. Ni hindi nga ako nakapagpaalam sa mga umuwi hanggang sa naglayag na lamang kami.

Mahaba-haba din ang byahe from America to Europe at matataon na ang Sabado ay nasa dagat kami kaya magkakaroon ng inuman. Nakaugalian na kasing nag iinuman during saturday nights at nagkakaraoke. Excited ako sa mga pagkakataong iyun dahil mahilig akong magkaraoke at uminom. Mahilig din akong gumawa ng pulutan dahil nakakawala ng stress.

Kkkkrrriinggg !! kkkrriinnnggg!!! ( may sound effects pa ang hitad ) lol

" Hello. Third Engineer speaking."

" Oh third gawa na tayo pulutan para sa inuman mamaya." excited na wika ng kaduty kong rating sa makina.

" Sige brad. Punta na ko jan sa kusina." tugon ko naman at dali daling naghilamos at nagbihis ng damit.

Abala ang dalawang rating sa paghihiwa ng karne samantalang may isa namang naghahanda ng mga gagamiting baso at lagayan ng pulutan.

" Ano ba lulutuin natin mga brad? Mukhang mapapalaban tayo sa inuman ngayon ah." pabirong inakbayan ko ang isa sa kanila na matagal ko nang crush ngunit hindi lang makaporma kaya tsansing tsansing lang pag may time. Haha.

" Kinilaw daw third tsaka sisig. Welcome party daw kasi to ng mga bagong sampa eh. Diba Will?" nakangiting sabi ni Robert sabay turo ng tingin sa naghuhugas na ngayon ko lng naaninag ang mukha.

Halos hindi ako kaagad nakapagreact sa sinabi ni robert nang makita ko ang mukha ng crew na iyon. Napakaamo ng gwapo niyang mukha at ang ngiti nitong mapang akit. Halos nagkakahawig sila ng artistang si Jason Abalos. Ang ngipin nitong mapuputi at ang mga labing mapupula. Ang sarap halikan at dilaan ang buong katawan niya.

" Third..Third....Third!!! Ayos ka lang? Mukhang namumutla ka ah." nag aalalang tanong ni Charlie saken.

" Huh??Ayos lang brad. Ayos lang.."
Inayos ko ang sarili, ngumiti kay Wil at kumuha ng kutsilyo para tumulong sa paghahanda.

"Bakit hindi ko siya nakita sa pinadalang email." sa isip isip ko.

Hindi ako masyadong nagsasalita habang gumagawa ng pulutan at nakikinig lamang sa usapan.

Robert: Will, san ba probinsiya mo?

Will: Ah taga Iloilo po Sir.

Robert: Hwag mo nga ako siniser.
Pantay pantay lang tayo dito kaya hwag na sir. Robert na lang. Ilang taon ka na ba?

Will: 25 na po.

Robert: Naku magkasing edad lang pala kayo nitong si Third eh. Ang babata nyo pang nagbabarko ah. Lalo na tong si Third. Special child kasi kaya opisyal na.

" Grabe ka naman Brad. Sinwerte lang. Tsaka anong 25. Kaka birthday ko lang lastweek at 22 pa lang brad. Masyado kang nagmamadali ah." pabirong singit ko sa usapan sabay patay malisyang kumindat kay Wil na halos ikawala ko ng malay habang nakatingin sa kanya.

Natapos din ang ginawa naming pulutan at hinatid na ni Charlie at Robert sa pinag iinuman habang naiwan naman si Will para magligpit. Hindi kami nagkikibuan at tila may tensyon sa pagitan namin. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong tensyon. Hindi ko ugaling maging awkward sa katrabaho ko pero iba kay Will. Minabuti kong umalis na lamang at hayaan siyang magligpit subalit bigla siyang kumibo.

" Matagal na ba kayo dito Sir?" nag aalangang tanong  ni Will.

" Magdadalawang buwan pa lang brad. Tsaka hindi ako sanay na tinatawag na Sir. Third na lang." tugon ko naman habang nakangiti.

" Parang hindi ko nakita sa email yung picture mo brad?" dugtong ko at ibinaling ang tingin at baka mapaghalataang nakatitig ako ng husto sa kanya.

" Eh ipinalit lang kasi ako dun sa sasampa dito kasi nagkaproblema sa medikal Third." magalang namang sagot nito.

" Ah kaya pala. Buti na lang ikaw ang ipinalit dito." nagulat din ako sa sinabi kong iyon subalit pinigil ko ang sariling mataranta para hindi niya lagyan ng malisya subalit tila sinakyan din ang tanong ko.

" Talaga lang Third ha?" nakangiting tanong nito sakin.

Hindi ko alam kung ako lang ba yun o sadyang may tinutukoy siyang iba. Feelingera din kasi ako minsan kaya nilagyan ko ng malisya ang tanong niyang yun. At may kakaibang awkwardness sa tinginan naming dalawa pero pinilit kong ayusin ang mga kilos ko. Ayokong mabuking ng ganun ganun na lang.

" Oo brad para may kaedaran din ako dito. Nakita mo naman puro matatanda kasama natin di ba?" wika ko naman subalit hindi na ko nakatingin sa kanya.

" Bata at mga pogi Third. Sabay tayo  pag labas sa Europe ha?" bigla siyang lumapit sakin at tumingin sa mga mata ko na halos ikatunaw ko. Mas lalong gumwapo siya sa malapitan. Bagay na bagay sa kanya ang kanyang itim na itim na buhok at ang makinis niyang mukha at mapuputing ngipin. Halatang maingat siya sa katawan.

" Oo ba. Sige brad bihis lang ako dahil amoy kusina na damit ko. Kita tayo dun sa inuman."

Pilit akong nagmadali umalis at baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at kung ano pa masabi ko.

Dali dali akong nagbihis pagdating sa kabina(kwarto) at naghilamos. Dumiretso na ko sa pinag iinuman pagkatapos.

Halos puno na mga upuan dahil halos naandun lahat sa inuman. Minsan kasi ay may mga hindi nagpupunta at pagod daw. Pero iba ng gabing yun. Marahil ay dahil nga welcome party yun ng mga baguhan. Halos nakangiti lahat ng pumasok ako at medyo may tama na yung iba. Maingay ang sintunadong kumakanta. Sumenyas si Robert na dun na lang ako umupo sa table nila. Medyo mausok na din dahil maraming nagyoyosi. Napansin kong dun din nakaupo si Will kaya pumagitna ako sa kanila ni Robert.

" Dito tayo sa tropang pogi." pabiro ko nang makaupo.

Inabutan ako ng beer ni Will at pagkakuhay biglang kampay.

" Welcome onboard Will." tinapik ko siya sa pigi subalit hindi ako makatingin sa mga mata nya. Natatakot ako na baka matulala na naman ako kapag nagtapo ang mga tingin namin.

1 am na nang magsimulang magsibalikan sa kabina ang mga crew at ang tanging naiwan ay ang mga huling dumating. Kadalasang kami ni Robert ang naiiwan sa inuman. Mahilig din kasi magvideoke kaya nagpapahuli para walang kaagaw sa
mic. Parang naging Kuya ko na siya sa barko kaya kami lagi nagkikwentuhan.
Lumipat ako sa kabilang upuan dahil kami na lang tatlo ang natira. Halatang medyo may tama na din si Will pero tumatagay pa rin habang ayaw naman paawat sa kakakanta ni Robert.Lumayo ako sa table nila para malayang makapagyosi.

Nagulat ako nang biglang sumunod si Will at tumabi din sa upuan ko.

" Di ko kasi masyadong makita lyrics dun sa gilid eh." nakangiting sabi ng namumulang mukha ni will.

Medyo nawala na ang awkwardness sa pagitan naming dalawa ni Will. Marahil ay dahil sa alak. Ikinwento niya ang tungkol sa matagal na niyang girlfriend. At ang balak niyang pagpapakasal. Naging palagay ang loob ko kay Will at siya din sa akin. Hindi ko matandaan kung bakit umabot kami sa usapang iyon pero nagulat ako sa biglang ikinwento ni Will saken.

Naging biktima daw siya ng teacher niya nung highschool. Nagyaya daw itong makipag inuman sa kanilang magkakabarkada hanggang sa malasing siya. Dahil hindi na daw niya kayang umuwi. Nakitulong daw siya dun sa bahay ng teacher niya. Hindi niya inakalang may pagnanasa pala ito sa kanya kaya siya napagsamantalahan nito.

..." hindi inakalang may pagnanasa???hindi mo ba alam na napakagwapo mo?? talagang pagnanasahan ka ng lahat ng makakasalubong mong bakla...well maliban siguro saken na malakas ang pamigil"...sa isip isip ko.

" Oh bakit pumayag ka naman sa ginawa niya? Dapat sinumbong mo."  medyo tumaas ang boses ko nung time na yun. At hindi ko alam kung bakit. Selos? Asar?

" Eh wala na kong magawa Third eh. Tsaka lasing ako nung time na yun." paliwanag nito.

" Baka nagustuhan mo naman." pabiro ko pa at tumawa.

 " Okay lang naman sana kung naging maayos yung approach niya saken eh. Pagbibigyan ko naman siya."

Muntikan ko nang malunok pati ang baso dahil sa sinabi niyang iyon. Sa isip isip ko. " May chance ka te! Sige push lang!" Marahan kong ibinaba ang baso sa lamesa at tumingin sa kanya.

" Ganun ba? Kung sabagay eh may kanya kanyang pananaw naman tayo patungkol jan. Tsaka mukhang habulin ka talaga ng mga bading brad sa pogi mo ba namang yan eh." ngumiti na lang ako sabay saltik ng baso ko sa kanya at sabay kaming uminom.

" Yun lang naman naging experience ko Third. Tsaka may gf naman na ko kung kailangan ko ng sex. Ikaw third, siguro nakaranas ka din. Pogi ka din naman ah."

...." Ano ka ba? Maganda kaya ako? Makapagparebond nga. Medyo kumukulot na buhok ko eh." sabi ko sa sarili...

" Naku brad may mga nagtangka pero di ko kaya yun." pagmamalinis ko naman kahit na ang totoo ay marami na ding bakla na naglamutak sa katawan ko nung college para may extra cash.

Bigla siyang nanahimik. Ipinasa ni Robert ang mic saken. Tinagay niya ang natitirang beer sa baso at sumenyas na aalis na. Pagiwang giwang na ang lakad nito at halatang nakarami na.

Tahimik lang si Will habang kinakanta ko ang kantang Collide ni Howie Day.

" Hanep pala sa boses Third." natutuwang wika ni Will pagkatapos kong kumanta.

" Eh medyo kumakanta kasi tayo nung college kaya nakapagpractice." modest na sagot ko naman.

" Girlfriend ko kumakanta din kasi eh. Magaling din yun. Parang ikaw."

" Talaga lang ha. Eh ikaw?"

" Wala akong talent diyan Third. Sa iyutan lang ako magaling." panunukso ni Will sabay inom ng beer habang natahimik na naman ako sa sinabi nito.

SHIT. Bakit ka ganyan? Nakakalibog kang putragis ka. Sumampa ka ba dito para torturin ako? Biglang nag init ang buong katawan ko sa sinabi niyang iyon. Tinitigan ko siya sa mukha. Gwapong gwapo pa rin at bagay na bagay sa kanya ang suot niyang manipis na puting tshirt at basketball shorts. Pasimple kong sinulyapan ang ibabang bahagi at nakita ang nakabukol doon. May kalakihan kahit hindi pa tumitigas. Tantya ko ay malaki talaga ang kargada nito dahil ang laki ng kamay at sa height na 5'9 ay malamang may kalakihan nga siguro.

" Okay ka pa ba Third?" nasulyapan siguro ng mokong na sinascan ko ang buong katawan niya at nakangiting nagtanong. " Baka matunaw ako sa kakatingin mo." dugtong nito.

Parang tatambling ako sa hiya sa kanya. Pero bigla kong iniwas ang tingin. Nararamdaman kaya niya?Naamoy ka ya niya ang lansa ko?

" Tulog na tayo brad." sabi ko.

" Antok ka na ba Third?"

" Hindi pa naman pero kailangan na magpahinga."

" Wala namang trabaho bukas Third. Takot ka ba saken?"

" Ulol. Nauna pa kong nagbarko sayo panong matatakot ako." natatawang tugon ko.

Hindi ko man alam kung anong ibig sabihin niya ng takot pero iba ang tumatakbo sa isip ko.

Is he seducing me? o iba lang ang reaksyon ko. Kahit ano pa man ang dahilan. Isa lang ang gusto kong gawin. Gusto kong kainin si Will ng buong buo. Wala akong ititira. Haha. Gusto kong madama ang init ng halik nito at dilaan lahat ng parte ng katawan niya. Gusto kong ubusin ang lahat ng natitirang katas niya. Libog na libog ako ng panahong iyon. Sobrang nag iinit ang katawan ko na halos hindi mahupa ng nagyeyelong beer. Gusto ko nang dakmain ang nakabukol sa shorts niya subalit pinipigil ko lang ang sarili ko.

" Tara Third pahinga na tayo. Alas 3 na pala." Hindi ko alam kung naoffend siya sa sinabi ko o talagang nahihiya lang siya saken at pumayag na magpahinga na.

Paakyat na kami ng hagdan ng bigla siyang muntikang matumba. Buti
na lang at sa gawi ko siya na outbalance at nasalo ko. Haayy naku... Damang dama ko ang init ng kanyang katawan ng akin siyang saluhin at amoy na amoy ko ang lalaking lalaking amoy niya. Parang hindi ko mapigilan ang sarili ko subalit pinilit kong magpakatatag.

" Kaya ba brad?" inangat ko ang nakayukong mukha niya at tmambad sa akin ang namumulang mukha nito. Antok na antok na ang mapupungay nitong mga mata. Tinapik ko siya sa balikat at siyay tumugon na okay pa siya. Nasa sunod lang na deck yung kabina niya at sa taas naman noon ang deck naming mga engineers. Dahil dadaan naman ako sa deck nila ay minabuti ko namang ihatid siya. Tahimik naming tinungo ang kabina niya at nang marating namin iyon ay binuksan niya ang pinto. Pumasok siya at nang tangka na kong umalis ay hinawakan niya ang kamay ko at nagsabing..

" Salamat Third."

Hindi ko alam kung para saan ang pasasalamat na iyon. Ang tanging alam ko lang ay sasakit ang puson ko kinabukasan kapag hindi ko nairaos ang libog na iyon. May iba akong naramdaman sa pagkakahawak ni Will sa
kamay ko. Hawak na tila ba ay ayaw niya muna akong umalis doon. Yung tipong, " dito ka na lang matulog." hahahaha..Hayyy...libog layuan mo
ako!

Tinanggal ko ang pagkakahawak ni Will at tuluyan na kong namaalam.

Halos hindi pa rin mawaglit sa
isip ko ang mga nangyaring pahaging ni Will. Alam kong may something sa bawat tinginan naming dalawa. May kakaiba sa pag uusap namin na hindi ko maintindihan. May gusto siyang sabihin na ayokong tanggapin. May ilang minuto na rin ang nakalipas at hindi pa rin makatulog. Tawagan ko kaya siya sa telepono. Balikan ko sa kabina? Paano kung masupalpal ako at pagtawanan niya. Haay buhay bakla nga naman oh. Ah bahala na...!

Inakma kong tawagan siya sa kanyang telepono. Hinahanap ko sa directory ng barko ang telephone number niya nang biglang may kumatok sa aking kabina. Pambihira
naman oh, baka may emergency na
naman sa makina. Binuksan ko ang pinto at nagulat nang makitang nakatayo sa tapat si Will. Nagtama ang mga mata naming dalawa. Tila nagbabaga sa init ang tinginan namin. Sinubukan kong magsalita para tanungin subalit sinuong niya ko ng halik sabay tulak papasok. Halos hindi ako makahinga sa ginagawa niyang paghalik sa akin. Pinipilit niyang ipasok ang dila sa bibig ko at hinihimas ang buo kong katawan. Parang dinadaanan ng napakalakas na kuryente bawat kalamnan ko sa ginagawa ni Will. Tinangka kong dakmain ang ngayo'y galit na titi niya at nagulat ako sa sobrang laki at taba.  Pinasok ko ang aking kamay sa kanyang brief at dahan dahan kong hinaplos haplos ito. Napapaungol na din si Will. Napapahinga  na lang ako ng malalim sa sarap subalit pilit kong nilalabanan. Hindi ko gusto ang pakiramdam na parang  ginagamit lang ang katawan kong parausan. Tapos na ang parte ng buhay kong iyon. Marahil ay binago na ko ng panahon. Tinulak ko si Will na ikinagulat niya. Bigla ko namang pinagsisihan ang ginawa ko nang makita ko siyang napaupo sa kama. Tila ba natauhan din siya sa ginawa niya at nahihiya. Kung gaano namumula ang kanyang mga labi ay gayundin ang kanyang mga mata. Halatang hiyang hiya siya sa kanyang ginawa. Hinila ko ang isang upuan at naupo sa harap niya. Hinawakan ko ang kanyang mga kamay at hinihimas himas ito.

Binalot ng katahimikan ang kabina. Walang umiimik. Hindi ko rin alam  kung ano ang sasabihin sa kanya. Maya maya pa ay inangat niya ang kanyang mukha at nagtanong.

" Hindi mo ba ko type Third?" mahinahong tanong ni Will.

Huminga ako ng malalim at seryosong sinabi sa kanya ang tunay kong nararamdaman para sa kanya.

" Brad, alam ko namang alam mo na gusto kita diba? Pagkakita ko pa lang sa'yo kanina sa kusina. Tang ina brad parang gusto na kitang hilahin pabalik sa kabina at gawin ang gusto ko. Gusto kitang halikan, dilaan, gusto kong angkinin lahat ng katawan mo. Pero mas gugustuhin kong kuhanin muna ang respeto mo bilang tao bago ko gawin ang mga iyon. Sana maintindihan mo brad. Alam ko marami ang nagkakandarapang angkinin ka at siguro isa na ko doon. Pero sa ngayon, focus muna ako sa trabaho. Tama na saken na
makita ka araw araw bilang inspirasyon. Tama na sa akin na makitang nakangiti ka kapag makakasalubong kita sa alleyway. Tama na saken na naramdaman kong interesado ka rin."

Medyo humupa na ang tama ng alak sa akin. At sa tingin ko ganoon din kay Will. Hinila ko siya sa kamay papunta saken. Niyakap ko siya ng sobrang higpit. Matagal ang pagkakayakap na iyon. Walang usapan. Walang kibuan. Amoy ko ang bango niya at nararamdaman ko ang paghinga niya sa batok ko. Ilang segundo pa. Ilang minutong tagal ng pagyayakapan naming dalawa. Kumalas ako sa pagkakayakap at hinarap siya saken. Tinitigan ko siya sa mga mata at walang anu ano'y hinalikan ko siya. Binigay ko ang pinakamasarap kong halik. Ginalingan ko ang paghalik. Palitan ng laway at salpukan ng dila. Nang matantya kong palalim na at mapupunta na naman sa hindi maganda, bumitaw na ko.

Inakay ko siya at hinatid palabas ng pinto habang hawak hawak ang kanyang kamay. Maya maya pa ay kusa siyang bumitaw sa akin subalit bago tuluyang tumalikod at umalis ay muli kong narinig ang katagang iyon. Ang mga katagang kanina lamang ay hindi ko maintindihan kung para saan.

" Salamat Third."

Ngayon, malinaw na sa akin kung para saan ang pasasalamat niyang iyon. At alam kong hindi doon nagtatapos ang yugto sa kwento naming dalawa.

Or...feelingera lang talaga ang lola nyo at wala nang kasunod iyon?

No comments:

Post a Comment

Read More Like This