Pages

Sunday, December 6, 2015

Axcel Sports (Part 1)

By: Axcel

I am Axcel, I study in a fine university here in Cavite. Grade 8 student ako. 5'8 and I have a fine body. I'm bisexual, syempre pormang lalaki parin. So here it goes.

Monday. “Malapit na yung intrams ah.” Sabi ni Elijah, barkada ko. “Kailangan mo ng ipakita yung powers mo sa volleyball para naman may laban na yung grade 8 council!” Natawa nalang ako sa mga sinasabi niya. “Sige haha sasama nako sa volleyball” Wika ko. Ngumiti naman siya at pinagpatuloy ang pagkain ng pepero niya haha. Nasa canteen kami ngayon kasama ang iba naming barkada. 4 kami sa barkada, si Elijah, Ako, Troy, and Brey. Alam nilang bi ako kaya komportable ako sakanila. Si Brey ang nagiisang babae sa grupo namin. “Bilisan mo naman Troy malalate tayo.” Sabi ni Brey kay Troy. “Oo na” Sagot niya naman. Kaya bumalik na kami sa classroom.

Ayun late nanaman. Nadatnan namin yung teacher na nagdidiscuss na. Pumasok kami ng deretso. Tinignan ako ng teacher ng salubong ang kilay. “Napaka bastos niyo naman, sino sa tingin niyo kayo para pumasok sa klase ko ng walang pahintulot!?” Pasigaw na sabi ng teacher. The hell I care haha. “Eh mababastos din naman po namin kayo kung hihingi kami ng pahintulot habang nagdidiscuss kayo. Maaabala pa namin yung pagtuturo niyo” Walang emosyong sabi ni Brey. “Walang respeto! Kababae mong tao! Respetuhin niyo ko! Teacher niyo ko, estudyante ko lang kayo!” Kunot noong sigaw niya. “Mali po teacher lang namin kayo, estudyante niyo kami.” Sabi ko. Nainis na ng sobra ang teacher pero wala siyang nagawa haha kaya pinaupo nalang niya kami kaso may parent's note kami syempre haha. Oo bastos kami haha. Kaya walang gustong umaway samin e kasi iba ang barkada ko haha.

Nagdiscuss ng nagdiscuss ang teacher. Seryoso kami kapag nag-aaral. Kami kasing magbabarkada ay matatalino rin, walang nagpapatalo. “By the way, Class our intrams will be next week. So if you want to join any activity just go to the bulletin board to see the schedules of the try outs and trainings.” Sabi ng teacher.
Dismissal na kaya nagpunta kami sa may bulletin board, maraming tao don. Nakita ko ang time at place ng try out ng volleyball tapos ay nagpaalam ako sa barkada at umuwi na.

Wednesday. Try out ng volleyball. Naka shirt ako, jersey shorts, and volleyball shoes. Oo, magaling akong magvolleyball. My parents are both volleyball players kaya naman may pinagmanahan ako. Tsaka bata palang ako tinetrain na nila ako. “Volleyball boys!” Sigaw nung coach. Pumunta kami dun at gumawa ng circle. 30 kami lahat, pili lang ang mapipili haha. Napansin ko agad yung lalaking tingin ng tingin sakin. Nacurious tuloy ako hahaha. Nagsimula na yung try out. Unang gagawin namin is service. Jusko easy haha. Tumira na yung isa, supot. Sumunod na yung mga iba hanggang sa tumira na yung lalaking tumitingin sakin kanina.
Woah jumping serve, nice. Tapos ay tumingin siya sakin at ngumisi. Naguguluhan ako, pero kinalimutan ko yun kase ako na. Pa spike din yung serve ko pero di jumping pero mabagsik naman. Pag katapos ng service ay pag receive naman. Ayun nagpatuloy-tuloy ang try out hanggang matapos ito. Sinabi samin na bukas daw ay pumunta kami ulit dito upang malaman ang mga napili.

“Musta ang try out?” Sabi ni Troy. “Easy haha naboring nga ako e” Natatawa kong sabi. “Hambog!” Sabay-sabay nilang sabi kaya natawa nalang kami. “E ikaw Brey musta?” Sabi ko. “Ayun kawawa kalaban ko hahaha” Nag-aarnis kasi si Brey haha. Pagkatapos ay bumalik na kami sa room.

Thursday. Nasa court kami para malaman ang mga napili. “Volleyball Boys!” Sigaw nung coach. “I will now say those students who were chosen to represent our council for the incoming intrams.” Tinawag yung isang magaling mag habol, libero siguro. Tapos yung setter. Tas ako. “Azrael Mendoza” Sabi nung coach sabay lapit nung lalaking tumitingin sakin nung try out, nakatingin siya sa mga mata ako, kaya nailang ako, umiwas ako ng tingin. Natapos na ang pagpili kaya bumalik nako sa room. Napansin kong may kasabay akong naglalakad pero nasa likod ko siya. “Congrats, ang galing mo.” Sabi niya, si Azrael. Humarap ako sakanya at ngumiti. “Ikaw din, ganda ng pangalan mo.” Sabi ko sakanya. “Ikaw din naman, pero mas maganda pag na sayo na apelyido ko hahaha. Biro lang bro.” Nabigla ako dun ah hahaha. Gwapo naman pala, kamukha si Sendo sa slamdunk haha. “Sge na una nako malalate na naman ako niyan e.” Tsaka siya tumango at tumalikod. Iba section niya sa section ko, Nasa star section ako, siya ewan ko lang haha.

Friday. “Ngayon training niyo no, Cel?” Tanong ni Elijah. Tumango ako at kumain ng flat tops. Sarap kaya neto haha. Tapos biglang may dumaang Anghel. Tumingin silang lahat sakin. Alam lahat nilang patay na patay ako sakanya haha. Binigyan nila ako ng mapanunuksong tingin. Ang dumaan lang naman ay si Gregory Guevara, captain ng varsity volleyball dito sa school. Sobrang hot at gwapo haha. Binatukan ako ni Brey. “Nagdadaydream nanaman” Sabi niya kaya natawa kami. Di ko na sila pinansin at bumalik na kami sa room.

Di kami nalate. Discuss discuss. Dismissal. Training.

Monday. Mamaya pang hapon una naming game. Pumunta muna kaming canteen kasi gutom nanaman si Troy. Papasok palang nakita ko na yung Azrael, may kalampungan na babae. Pumunta ako sa line para umorder. Pagkatapos ay dala ko na yung mga inorder ko medyo mabigat kasi set tapos biglang may tumulong. Si Azrael. “Ako na.” Sabay ngiti. Tapos pumunta kami sa table namin. Kinamusta nila si Azrael pagkatapos ay nagpasalamat ako at umalis na siya. “Sino yun?” Sabi ni Elijah. “Team mate ko.” Sabi ko. “Team mate lang huh” Sabi niya na may nanunuksong ngiti. “Oo nga haha” Tapos ay nagpatuloy kami sa pagkain.

Naka-jersey. Handang manalo. Nagsisimula na ang una naming laro laban sa mga grade 7. Mula sa peripheral vision ko, nakita kong nanonood sila Troy. At higit sa lahat nakita kong nanonood din si Gregory my loves haha. Nagserve ang kalaban, nireceive nung libero sinet at pinalo ko. Pasok! Haha. Narinig ko yung mga cheer ng grade 8 council lalo na sila Elijah. Service ni Azrael. Nakaka 3 serve na siya sunod-sunod. Nagpatuloy-tuloy ang laro Hanggang matapos ang laro at syempre nanalo kami haha. Pumunta ako kina Brey. “Congrats!” Sabay nilang sabi. Nagpasalamat ako sakanila at nagkwentuhan. Pumunta kami sa gym para makita ang nga nagbabasketball. Maraming tao. Hahanap na sana kami ng mauupuan ng biglang may humila sakin at inilabas ako sa gym. Malakas siya kaya di ako nakapaglaban, marami pang tao, sabay pa ng pagkapagod ko sa laro. Matangkad siya ng kaunti sakin. Bigla siyang tumigil sa paghila. It's him. Nakatingin siya ng deretso sakin. It's Gregory my loves kyaaaaah haha.

Itutuloy...

No comments:

Post a Comment

Read More Like This