Pages

Friday, September 9, 2016

Ang Boss at ang Driver (Part 2)

By: Asyong Bayawak

Ipinarada ni Gabe ang sasakyan at inihatid si Daniel, dala-dala ang mga gamit nito. Pagdaan nila sa lobby, napatigil Gabe.

May isang lalaking nakaupo sa sofa. Matangkad, katawan na parang modelo, maliit na mukha na perpekto ang bawat anggulo.

‘Hey, hon,’ bati ni Bandon kay Daniel, sabay halik sa pisngi.

Nag-init ang mukha ni Gabe, nagpanting ang mga tenga. Hon? Honey?

‘Hi! What are you doing here? Oh, wait, is it tonight?’

‘I knew you’d forget!’

‘Ugh, sorry, there’s just so many things in my mind right now. I’ll just change my shirt. Will you wait here?’

‘Of course. Don’t take too long, though. We’re already late.’ Tinanguan ni Brandon si Gabe. ‘Gabe, hi. Doing good?’

Gustong batiin ng suntok ni Gabe ang mukha ng lalaki. ‘Very good, Sir.’

Sumakay ng elevator si Daniel, kasunod si Gabe.

‘San kayo pupunta?’

‘Huh?’ tugon ni Daniel, parang lumilipad ang utak. ‘Oh. Oh, birthday ng dad ni Brandon.’

Kumunot ang noo ni Gabe. ‘Bakit pupunta ka? Kayo pa ba?’ naiinis niyang sabi.

Bumukas ang pintuan at dere-deretso silang papasok ng penthouse.

‘What’s this about?’ Tinanggal ni Daniel ang suot na coat.

‘Sabi ko, kung kayo pa ba.’

‘Why are you asking?’ Nakakunot na rin ang noo ni Daniel, tumaas ang boses.

Huminga ng malalim ni Gabe. ‘Masama bang magtanong?’

Lumapit si Daniel hanggang sa ilang pulgada nalang ang layo ng kanilang mukha. Matigas ang boses nito. ‘I told you…’

‘Na ano?’ Nagpupuyos siya. ‘Sabihin mo!’

Ilang segundong katahimikan ang nakalipas bago magsalita ang kaharap. ‘I think you should go.’

Parang may humila sa sikmura niya pababa. Binuksan ang kanyang dibdib at hinugot ang puso. Pero hindi na kailangang ipagtabuyan pa siya. Ibinaba ni Gabe sa sahig ang mga gamit at saka tumalikod pabalik ng elevator. Pagbukas ng pinto ay nagsalita ang lalaking mahal, ‘Date somebody else, Gabe.’

Lumingon si Gabe, gulat sa narinig.

‘I… I think it will be better…’ Lumunok si Daniel. ‘It’s just that… I’m not ready to be in a relationship yet. And you don’t have to wait for me.’

Umalis si Gabe bago pa pumatak ang mga luha. Doon siya sa likod ng reception dumaan palabas ng bulding para hindi niya makita si Brandon sa lobby.

Nagsusumigaw ang kanyang damdamin. Ito na nga ba ang kanyang kinatatakutan—ang umasa sa wala. Pagpasok sa kotse ay hindi na niya napigilang mapahagulgol; inilabas ang lahat ng lungkot na nararamdaman, habang parang pinupunit ng paulit-ulit ang puso.

----------------

Tatlong araw nang hindi pumapasok sa opisina si Daniel. Wala sa penthouse, at walang nakakaalam kung nasaan ito. Nang tinawagan ni Gabe ang Sir Manny niya ay sinabihan lang siya na huwag mag-alala. Ito rin ang sabi ni Erika. Normal lang daw para kay Daniel na biglang nawawala, tapos babalik din, nagbakasyon lang pala.

‘Ay, wait, friend. Check ko yung IG niya—’ 

‘IG?’ tanong ni Gabe. Nakatayo siya sa harap ng mesa ng secretary.

‘Instagram, friend. Nag-a-update yun minsan eh.’ Nag-type si Erika sa laptop. ‘There you go! Ahh… here. Ay, nasa Hong Kong si boss! At kasama niya si Brandon and family! My gosh, Gabe, hindi mo naman sinabing nagkabalikan na sila! Alam mo, bumait talaga yan si Boss nung nag-break sila ni Brandon. Siguro natauhan na walang makakatagal sa ugali niya kapag hindi siya nagbago. So, there. Ayan. Boom, pak, balikan! Mabait kasi yan si Sir Brandon. Super gwapo at super mayaman pa, so sobrang bagay talaga sila, don’t you think? Anyway, sorry, friend, ha? Uwi ka nalang muna. Siguro hindi pa babalik yan si Boss since Friday na bukas. Balik ka nalang dito sa Monday, okay? I need to go, may lunch pa kami ni Digna. Byeeee!’

Gustong sipain ni Gabe ang sofa. Gigil na gigil siya. Mukha na naman siyang tanga. Bakit ba hinahayaan niyang gawin sa kanya ni Daniel ‘to?

Mali. Ang tanong, bakit ba niya pinapaasa ang sarili sa wala? Malinaw naman na sinabi sa kanya ni Daniel na sex lang talaga ang namagitan sa kanila. Siya itong hindi maka-intindi. Ang hirap talaga ‘pag tanga. Kapag nagbubulag-bulagan. Gusto niyang iuntog ang ulo sa pader. Hindi nga siya mahal at kahit kailan man ay hindi mamahalin. Dapat na siyang magising sa katotohanan.

Panahon na para kalimutan si Daniel. Simula ngayon, hindi na siya iiyak para dito. Putangina lang. Putangina lang talaga. Kung ano mang namagitan sa kanila, wala na ‘yon. Burado nang lahat.

Paalis na sana siya nang makitang nagkukwentuhan sa lobby ng building ang dalawang kaibigan: si Dean na messenger, at si Ken na crew sa Facilities. Palagi nila siyang niyayaya mag-inom, pero hindi siya makasama dahil sa trabaho. Pwes, ibang usapan na ngayon. Ngayong gabi ay magpapakalango siya sa alak.

Natawa si Gabe sa sarili. Magpapakalango sa alak dahil sa pag-ibig? Umiling-iling siya at saka huminga ng malalim. Putanginang pag-ibig yan. Mag-iinom siya dahil gusto niya at hindi dahil sa walang kwentang putanginang pag-ibig na yan. Birthday niya kaya’t karapatan niyang gawin ang gusto niya.

‘Mga ‘tol,’ bati ni Gabe. ‘San kayo?’

‘Uy, ‘tol,’ sagot ni Dean. ‘Pauwi na. Ikaw?’

‘Gusto nyo mag-inom? Sagot ko.’

‘Uyy!’ Gulat na sabi ng dalawa. Sumunod sila kay Gabe palabas.

‘Sinong namatay, bakit ka magpapainom?’ tanong ni Ken nang makarating sila sa parking lot.

‘Wala si Boss eh, dapat magcelebrate. Minsan lang mangyayari ‘to.’

Tuwang-tuwa si Ken at Dean nang makasakay sa BMW. Nang makalabas ng BGC, pumunta sila sa Hap Chan para maghapunan, at saka dumaan sa supermarket para bumili ng tequila, asin, kalamansi, beer, pulutan, bottled water, softdrinks, at kung anu-ano pa. Sagot ni Gabe lahat. Yung gagastusin niya para sa date sana nila ni Daniel, dito nalang niya gagamitin.

Laking gulat ng dalawa niyang kasama nang sa halip na pumunta sa bahay ay dumeretso sila sa Sofitel. ‘Tol!’ pabulong na sabi ni Dean habang naglalakad sila papunta sa kwarto. ‘Bakit andami mong pera?’

‘Itong pang hotel natin, napanalunan ko lang sa raffle. Lagi kasi pumupunta si Boss dito eh,’ pagsisinungaling ni Gabe. Hindi naman nila malalaman ang katotohanan dahil noong isang linggo pa siya nag-book—surprise sana para dun sa walangkwenta niyang amo. Manghang-mangha naman ang kanyang mga kasamahan lalo na nang makapasok sa kwarto. May king-sized bed, sofa set, malapad na coffee table, malaking shower.

Mahaba ang kanilang mga naging araw at malagkit ang mga pakiramamdam, kaya’t minarapat nila na mag-shower na muna para deretcho tulog kapag nagkalasingan na. May dalang extrang damit at shorts si Gabe kaya’t ito muna ang kanilang hiniram.

Magkatabi sa sofa sina Ken at Dean, habang nakaupo naman sa armchair si Gabe. Kakasimula pa lamang nilang mag-beer ay nagkasarapan na agad nang kwentuhan. Dahil ngayon lang talaga nila nakasama si Gabe, siya ang nasa hot seat.

‘Nagka-girlfriend ka na?’ tanong ni Dean.

‘Hindi pa,’ sagot ni Gabe.

‘Paano yon, bata ka pa lang, alam mo na na bading ka?’

‘Oo.’ Lumagok si Gabe ng beer.

‘Eh may boyfriend ka ngayon?’ paguusisa ni Ken.

‘Wala. Matagal nang wala.’

‘Hindi ka naman tigang?’ Pinisil ni Ken ang pisngi niya. ‘Cute-cute mo na yan, walang boyfriend!’

Tumawa si Gabe. ‘Sa awa ng Diyos, hindi tigang.’

Tawanan silang tatlo. ‘Kinakantot mo si Boss ‘no!’ sabi ni Dean.

‘Hoy huwag mo ‘kong pagbintangan. Walang kahit anong nangyari sa amin, sumpa man. Baka magyelo titi ko ‘don. Alam mo naman, parang hari ng North Pole yun si Boss. At parang nangangagat. Kawawa naman si manoy ko.’ Gustong bigyan ni Gabe ang sarili ng Best Actor Award sa kasinungalingan.

Napaisip si Dean. ‘Kunsabagay. Kahit sobrang gwapo ni Boss, parang nakakatakot.’

‘Kayo ba,’ tanong ni Gabe, ‘nakatikim na ng lalaki?’

‘Ako nagpa-blowjob lang sa bading nung high school, sa Boyscout. Sarap nga eh,’ sabi ni Ken, sabay tawa.

‘Ako wala. Sa babae lang,’ sabi ni Dean habang hinimas ng konti ang bukol sa harapan. ‘Masarap ang babae, ‘tol, tikman mo kahit isang beses lang.’

‘Tangina, ‘wag na.’

Sa pagkukwentuhan nila, nalaman ni Gabe na kasal na si Ken kahit bente-dos pa lamang ito, at mayroong dalawang anak na hindi pa nag-aaral. Si Dean naman ay bente anyos at isang binata. Hindi rin nakapagtapos ng pag-aaral ang dalawa kaya’t ganito lamang ang kanilang trabaho. Doon din sila lumaki sa Visayas kaya’t malakas ang kanilang punto. Napagtanto ni Gabe na gwapo pala ang mga kasama at batak sa gym ang mga katawan. Hindi lang niya napapansin dati dahil lagi nga siyang nakatutok sa amo.

Chinito si Ken, kagaya niya, samantalang may pagka-Mexikano ang hitsura ni Dean. May cleft chin si Dean na napakalalim at parang ang sarap halikan.

Naloko na, isip-isip ni Gabe. Tinatamaan na yata siya. Parang gusto na niyang gapangin ang magkaibigan. Lalong pinipigilan ang sarili ay lalong tumitigas ang kanyang alaga.

‘Marami kang nami-miss sa buhay ‘tol kapag hindi ka nakatikim ng lalaki,’ udyok ni Gabe kay Dean.

‘Bakit ikaw, hindi ka pa naman nakakatikim ng babae, papano mo nalaman na hindi mo gusto?’ sagot naman nito.

‘Wala kasing burat ang mga babae kaya alam kong hindi ko gusto.’ Tumawa si Gabe. ‘Teka nga, tirahin na natin itong tequila.’

Nag-rounds sila ng tequila shots habang nagkukwentuhan ng mga kabastusan.

May naisip si Gabe nang mapansin na parang nahihilo na ang dalawa. Hindi rin maikakaila ang bukol ng kanilang mga shorts. Dahil dito ay hinubad niya ang kanyang t-shirt, pinatakan ng kalamansi ang kaliwang utong at binudburan ng asin ang kanan. Titig na titig sa kanya ang magkaibigan.

‘Shot ka, Dean, tapos himurin mo yung utong ko,’ utos ni  Gabe.

Walang tanong-tanong, tinira ni Dean ang isang shot at agad na lumapit kay Gabe. Una’y dinila-dilaan nito ang utong na may asin at saka mariing sumupsop. Napaungol si Gabe sa sarap. Lalo namang ginalingan ni Dean ang pagsuso, at saka ito lumipat sa kabilang utong.

Napapikit si Gabe, sarap na sarap sa pagsuso ni Dean. Napalunok siya nang maramdamang lumapit si Ken. Nagkatitigan sila bago maglapat ang mga labi. Pareho silang umuungol habang naghahalikan. Swabe ang hagod ng dila, malapot at mainit ang laway.

Kakaiba talaga rumomansa ang mga ‘straight.’ Ilang may asawa na rin ang pumatol sa kanya lalo na noong high school pa lamang siya, noong wala pa siyang pakialam kung sinong dapat kantutin at hindi.

Umangat ang ulo ni Dean mula sa dibdib. Pumatong ito ng upo sa hita ni Gabe at saka sabik na nakipaghalikan sa dalawa. Palitan ng laway; mga kamay na kung saan-saan humihimas at lumalapat.

Humiwalay si Gabe at pinanood na naglalaplapang sina Ken at Dean. Sarap na sarap ang magkaibigan. Hinalik-halikan ni Gabe ang leeg ni Dean bago kinagat ang isang bahagi. Ang kanang kamay naman niya ay pumasok na sa shorts ni Ken at hinimas ang matambok na pwet sa loob ng brief.

‘Teka, tol,’ sabi ni Dean. Kumalas sa halikan at bumalik sa sofa, humihingal pa. ‘Hi—hindi ko pa yata kaya.’

‘Wag ka mag-alala ‘tol,’ tugon ni Gabe. ‘Wala namang pilitan.’

Tumayo si Gabe at hinila si Ken papuntang kama. Nginitian niya ito at saka hinalikan sa noo, sa pisngi, sa labi. Mas maliit si Ken kaya’t walang hirap na itinulak ni Gabe sa kama, at saka hinila ang shorts at underwear. Siya man, nagtanggal na ng saplot sa katawan. Gumapang siya; hinalik-halikan ang leeg ni Ken. ‘Relax ka lang, ‘tol,’ sabi niya. ‘Mas magaling ako dun sa kung sino mang gumamit sa ‘yo dati.’

Mahinang tawa lang ang sagot ni Ken. Malakas ng kabog ng dibdib. Buong pagmamahal niyang hinalikan ito sa labi. Hinawakan niya ang mga kamay ni Ken upang idantay sa ulunan. ‘Huwag mong tatanggalin yan sa pwesto,’ utos niya.

Tumango si Ken at sinimulang himurin ni Gabe ang kili-kili nito. Nilaplap, dinuraan, hinimod mula kili-kili hanggang sa matatambok na braso. Sunod naman niyang tinutukan ang mga utong ni Ken.

Walang nagawa ang lalaki kung hindi ang umungol at magmura habang pinaglalaruan ng bakla. Napapaliyad siya sa sarap, subalit hindi tinatanggal ang pagkakadantay ng mga kamay sa higaan. Nang makarating ang mga halik ni Gabe sa kanyang singit ay halos mapanawan ng ulirat si Ken. At nang isubo na ni Gabe ang kanyang pagkalalaki ay napasigaw siya ng malakas.

‘Shit, ‘tol! Fuuuckkk!’

Ganado si Gabe sa pagsubo ng burat. Hindi ito kalakihan pero iba ang tama ng libog kapag lalaking may asawa ang naghahandog ng tamod sa kanya. Habang naka-deep throat ay hinabaan niya ang kanyang dila para mapaglaruan ang bayag ni Ken.

‘Putangina mo, Gabe. And sarappp…’

Habang binabate ni Gabe ang sarili ay dumudulas ang mga daliri dahil sa pre-cum. Ginamit niya ang mga ito sa pag-finger sa ka-sex. Dinig niya na parang naiiyak si Ken sa libog.

Makalipas ang ilang saglit ay itinaob niya si Ken. Hinila niya ito patungo sa gilid ng kama. Nakadapa ang itaas na bahagi ng katawan, nakataas ang pwet, habang nakatikdi sa carpet ang mga paa.

Malakas ang paghampas ng palad ni Gabe sa matatambok na pwet ng lalaki. Palibhasa’y maputi ito kaya’t kitang-kita ang lapat ng kanyang mga kamay. Sa bawat pag-aray ni Ken ay lalong tinitigasan ni Gabe. Hinalik-kalikan at kinagat-kagat niya ang mga pisngi ng pwet at saka hinagod ng himod ang spine ng lalaki, hanggang makarating siya sa leeg nito. Lumingon si Ken at maalab silang naghalikan. Dumagan si Gabe habang ikinukuskos ang ari sa hiwa ng lalaki.

Sandaling tumayo si Gabe upang kuhanin ang lubricant sa bag, at bago pa man siya makabalik sa kama ay basang-basa na ng pampadulas ang ari. Titig na titig sa kanya si Ken habang nakadapa. Nakabuka ng bahagya ang bibig na parang nang-aakit. Titirahin niya ang bibig nito mamaya, pero ngayon ay may mas masarap na putaheng naghihintay sa kanya.

Dumeretso siya sa likuran ni Ken at kumapit sa maliit na bewang. Hinila ng konti para lalong tumaas sa ere ang pwet. Itinutok ni Gabe ang ulo sa butas at unti-unti niya itong pinasok. Napakasikip, pero dahil sa tigas ng kanyang alaga ay walang nagawa ang hiwa kundi magbigay daan. Nangangalahati na siya ay panay pa rin ang aray ni Ken. Nagmamakaawa itong itigil na ang pagpasok sa kweba.

Hindi tumigil si Gabe, at sa halip ay muli siyang dumapa para kagatin ang leeg ng lalaki. Gumapang din ang kanyang kanang kamay sa ari nito. Buong lambing niyang hinalikan ang batok ni Ken habang nilalaro ang nanlalambot nitong tarugo.

Dahil sa alak at sa halu-halong sensasyon ay nawala sa isip ni Ken ang sakit. Napangiti si Gabe nang makapasok ng buong-buo sa biyak, at ungol na lamang ang naririnig mula sa kaulayaw.

Nakapatong ang pisngi ni Ken sa kama, nakapikit ang mga mata, hirap sa paghinga. Humugot siya ng malalim na hininga habang sinasanay ang katawan sa batutang nagwawasak sa kanyang puke.

‘Gabe… dahan-dahan lang—ahhhh…’

Unti-unting hinugot ni Gabe ang kanyang ari.

‘Shit shit shit shit shit…’

Marahang nilalabas-masok si Gabe ang kargada sa mainit na butas. Swabeng hagod, hanggang sa unti-unting naging steady ang pagkabayo.

‘Unghhhh…. Gabe…shit… sige pa, Gabe… bilisan mo pa… ibaon mo, Gabe…’

‘Ano ‘yon, ‘tol?’ Nakapatong ang noo ni Gabe sa batok ni Ken, nakayapos ang kanyang mga braso sa matipunong katawan nito. ‘Anong gusto mong gawin ko?’ tanong ni Gabe habang muling binagalan ang pagkantot.

‘Wag mong itigil… Idiin mo pa, ibaon mo…’

‘Ganito ba?’ Muling binilisan ni Gabe ang pagbayo.

‘Fuck! Shit-shit-shit-shit-shit-sige pa!!!’

Itinodo ni Gabe ang pagkabayo. Ibinigay niya ng husto ang pagbayo sa pwet ni Ken. Buong lakas ang paghampas.

‘Ugh-ugh-ugh-ugh-ugh-ugh-ugh!!!’

Nanginig si Ken, senyales na pumuputok na ang kanyon nito. Hindi na napigilan ni Gabe ang sarili sa pagsabog. Kung naka-ilang putok ay hindi na niya nabilang. Hingal na hingal siyang dumagan sa katawan ng kasama. Basang-basa sila ng pawis.

Napatawa silang dalawa sa mga nangyari, nakalimutan na may kasama pa pala silang iba sa kwarto. Hinugot ni Gabe ang tarugo sa pwet, talsik ang tamod, at saka hinila ang mas maliit na lalaki papuntang banyo.

Subukan niyang kantutin ito sa bathtub.

----------------


Huwebes ng gabi nang mag-Sofitel silang magkakaibigan, kung saan natikman niya ang dalawang kasama. Umuwi sila ng maaga kinabukasan, at dahil walang pasok, nakapag-pahinga si Gabe buong araw. Pagdating naman ng gabi ay kumain sila sa Shakeys ng mga kapatid para i-celebrate ang kanyang kakatapos na kaarawan.

Akala niya’y wala na siyang gagawin ng Sabado’t Linggo, kaya’t nagulat siya nang makatanggap ng text mula kay Dean. Niyaya siya nitong pumunta sa apartment sa Pasong Tamo dahil umuwi daw ang mga housemates sa probinsya. Mabilis naman niyang nahanap ang tirahan ng kaibigan. Sikat pala sa lugar ang paupahan ni Ben Sumibol.

Wala nang patumpik-tumpik pa nang makapasok siya sa apartment, deretso agad sa kama. Wild na wild si Dean, akala mo matagal nang nakakatikim ng titi. Naka-anim na round yata silang dalawa, kaya’t ang himbing ng tulog ni Gabe kinagabihan.

Pagdating ng Lunes ay pumunta ng penthouse si Gabe. May kirot pa rin, pero nakatulong ang mga nakaraang araw sa paglimot.

Gising na si Daniel pagdating ni Gabe; nag-aalmusal ito. Binati lang ni Gabe ng ‘good morning’ ang amo at deretsong umupo sa sofa. Ka-text si Dean, nakikipag-asaran lang.

‘You look happy,’ puna ni Daniel habang nakatingin si Gabe sa cell phone.

‘Okay lang.’ Wala siyang ganang makipag-usap dito. ‘May dadalhin ka sa kotse?’

‘Yung laptop lang.’

Tumayo siya, kinuha ang laptop bag sa ibabaw ng coffee table, at lumakad papuntang elevator. ‘Intayin nalang kita sa lobby.’

‘Gabe,’ tawag ni Daniel.

Lumingon siya. ‘Sorry, gagamitin mo pa ba?’

May halong gulat sa mukha ng lalaki. ‘Ah, wala—wala naman. Nevermind.’

Tumango lang si Gabe at saka umalis.

----------------

Ilang araw nang pasimpleng iniiwasan ni Gabe si Daniel. Ayaw niyang magmukhang obvious kaya’t doon pa rin siya sa private pantry tumatambay. Dati naglalaro lang siya ng games sa cell phone, pero palagi siyang ginugulo ni Daniel kapag ganon. Kinailangan niyang umisip ng ibang paraan para huwag siyang abalahin. Saka niya naalala na may mga ebooks nga palang isinave si Mike sa cellphone niya. Mahilig magbasa ng libro si Gabe noong high school at college, pero natigil nang mag-focus na siya sa pagtatrabaho.

Kung makikita siya ni Daniel na nagbabasa, baka hindi na siya abalahin. (Dahil si Daniel man ay ayaw nang kinakausap kapag nagbabasa.) Hinanap ni Gabe ang ebook app, Aldiko, at nakita niya yung librong ibinibida ng kapatid: Ready Player One. Sinimulan itong basahin at halos ayaw na niya itong bitawan sa ganda ng istorya.

Makalipas ang tatlong oras ay saka lamang siya tumayo mula sa kinauupuan nang hindi na niya mapigilan ang tawag ng kalikasan.

Sakto namang dumating ang taong kinaiinisan. ‘What’s that?’

‘Ready Player One.’

‘Game?’

‘Libro. Teka, ihing-ihi na ko.’ Patakbong pumunta sa banyo si Gabe.

Matapos umihi ay nagtagal pa sa banyo si Gabe. Naghilamos, nagsipilyo, inayos ang damit. Siguradong pagbalik niya ay wala na si Daniel.

Doon siya nagkamali.

Prenteng-prente itong nagkakape sa mesa.

Pinilit ni Gabe na umaktong normal, kahit gusto niyang ibalik ang mga titig ni Daniel. Pero takot siyang muling paglaruan kaya’t umiiwas nalang siya. Masakit pa rin pala. Kung akala niya’y ganon kabilis makalimot, ngayon niya napagtanto na mas mahirap pala itong gawin ng totohanan. Parang hindi siya nagpakalasing sa alak at sex ng mga nakaraang araw. Parang kakabalik lang niya mula sa penthouse—tandang-tanda pa niya kung paano siya ipagtulakan sa ibang lalaki. Ang hirap pala ng ipinamimigay ka. Ayaw mong lumisan pero wala kang magawa.

Kumuha si Gabe ng kape sa coffee maker at umupo sa tabi ng lalaki, subalit hindi pa rin niya ito kinausap. Sa halip ay muling binuksan ang cell phone at nagbasa.

‘What’s it about?’

‘Hmm… may gamer na bata tapos may hinahanap silang easter egg.’ Hindi tinitingnan ni Gabe ang katabi.

‘And then?’

‘Hindi ko pa tapos eh.’

‘Maganda ba?’

‘Oo.’

‘Gabe.’

‘Hmm?’

‘Gusto mong manood ng movie tonight?’

‘Sorry, may gagawin ako maaga bukas kaya kailangan kong umuwi agad mamaya.’

‘Ano?’

‘PTA meeting.’

‘Ni Alice?’

‘Anton.’

‘I see… Sa Sabado, free ka ba?’

‘San mo kelangan pumunta?’

‘Wala naman. Hang-out lang.’

‘Sorry, may lakad na ako eh. Baka magalit yung mga kaibigan ko kapag hindi ako pumunta.’

‘May… dine-date ka na ba?’

Nag-init ang mga tenga ni Gabe. Paano ba naman siya makakalimot kung ganito ang usapan. Tiningnan niya ng masama ang amo. ‘Dan.’

‘Sorry… I was just... I just want to know. Wala namang masama, diba? We’re friends—’

‘Ayoko lang pag-usapan.’

‘Please don’t get mad…’ May lungkot sa boses nito. Para itong basang tuta na iniwan sa tabi ng daan. 

Pinipigilan ni Gabe ang sarili hilahin sa isang mahigpit na yakap si Daniel. Kung pwede lang sana. ‘Hindi ako galit. Hidi ko yata kayang magalit sa ‘yo kahit kailan.’ At totoo yon. Hindi niya kayang magalit sa taong nagbigay sa kanya ng pag-asa. Nagturo sa kanya kung anong pakiramdam ng tunay na magmahal—kahit hindi man ito kayang suklian.

Pinatay muna niya ang cell phone. Panahon na para mag-usap sila. Tiningnan niya si Daniel sa mata. ‘Alam mo ang naramdaman ko sa yo, diba? Alam ko rin naman na… hindi… na wala akong aasahan, at iginagalang ko yon. Sa totoo eh nagpapasalamat ako sa lahat ng pagkakataon na ibinigay mo sa akin. Tinatanaw ko yon na utang na loob. Pero… kasi, ano kasi… kung anong meron tayo, sana relasyong propesyonal nalang. Propesyonal nalang muna. Kaibigan mo pa rin ako, hindi yon magbabago, pero kailangan ko lang ng space—’

Napahinga ng malalim si Daniel.

‘—sa ngayon lang. Naiintindihan mo naman diba?’

Ayan. Nasabi na niyang lahat. Pwede na siyang makahinga ng maluwag. Pero may luha pa rin na pumatak sa kanyang mga mata. Agad niyang pununasan ang mga ito at nag-excuse. Mabilis siyang bumalik ng banyo para magtago.

----------------

Malakas ang patak ng ulan; dumadagundong sa bubungan.

Nakatalukbong ng kumot, nakapasak ang earphones sa tenga, paulit-ulit ang Secret Love Song ng Little Mix:

“Why can't you hold me in the street?
Why can't I kiss you on the dance floor?
I wish that it could be like that
Why can't we be like that?
'Cause I'm yours”

May maliliit na kamay na umuuga sa kanyang balikat, pero nagtulug-tulugan si Gabe. Ayaw niya munang makipag-sap kahit kanino, at ayaw niyang makita na umiiyak ng bunsong kapatid. Simula nang mag-usap sila ni Daniel ay lalong sumama ang kanyang pakiramdam. Masakit ang ulo. At ewan ba niya, parang tuwi nalang makakarinig siya ng love song eh parang may tumuturok sa puso niya.

Hinila ni Anton ang taklob sa kanyang mukha. ‘Kuya.’

‘Hmm?’

‘Bakit ka umiiyak?’

Madilim ang kwarto pero wala siyang ligtas sa kapatid. ‘Masakit ulo ko eh.’ Parang gusto na naman niyang humagulgol pero pinilit niya ang sarili na maupo. Gutom na siguro ang kapatid kaya’t ginigising na siya. Umalis ang iba nilang kapatid, may practice daw sa school, kaya walang ibang magpapakain dito.

‘Anong oras na?’ tanong ni Gabe.

‘Two.’

‘Kumain ka na?’

Umiling ang kapatid. ‘Iniintay kita eh.’

‘Sorry ha.’

Niyakap siya nang mahigpit ng mapapayat na braso ng kapatid. ‘Wag ka nang umiyak.’

Pinunasan niya ang luha at sipon. ‘Sige, hindi na.’ Ngumiti si Gabe at saka tumayo. ‘Halika na, iinitin ko na yung ulam.’

Habang kumakain ay tinatanong niya ang kapatid tungkol sa school. Wala siyang kagana-ganang kumain, pero ayaw niyang mag-alala ang bata, kaya’t pinipilit niyang kumain kahit parang lasang buhangin ang tinola.

‘Sabi nga ng ma’am ko, sumali daw ako ng singing contest sa school.’

‘Oo nga, sumali ka. Hindi ka naman mahiyain, di ba?’

Tumawa si Anton. ‘Konti lang.’

‘Ano bang gusto mong kantahin?’

‘One call away!’

‘Oh, maganda nga yon. Sino daw magtuturo sa yo—’

May narinig silang tumatawag mula sa labas. Tumalon si Anton sa kinauupuan at tumakbo papuntang pintuan.

Muntik nang maibagsak ni Gabe ang baso nang makita ang dumating. Bigla siyang napatayo at lumapit sa lalaki.

Niyakap ni Gabe ang taong hindi niya akalaing makikita pang muli, ang taong missed na missed na niya. Humihikbi si Gabe habang tumutulo ang luha.

‘Rusty…’

Mahigpit ang pagyapos ni Gabe sa dating kasintahan. Para siyang malulunod kapag bumitaw dito.

Hinagod ni Rusty ang kanyang likuran. ‘I missed you,’ sabi ni Rusty, at saka siya hinalikan sa pisngi.

Humiwalay si Gabe na natatawa. ‘Sorry. Masaya lang ako na dumating ka. Akala ko hindi na kita makikita kahit kelan.’

‘Pwede ba naman yon?’ Pinawi ng lalaki ang mga luha ni Gabe. ‘Si Anton na ba ang cute na batang ito?’ 

‘Ay, sorry! Oo, si Anton na yan. Anton, si kuya Rusty mo. Baby ka pa nung huli ka nyang nakita. Inaalagaan ka nyan dati.’

‘Sino sya, kuya, boyfriend mo?’

Napatawa si Rusty.

‘Sira, hindi,’ sagot ni Gabe.

‘Dating boyfriend,’ sundot naman ni Rusty.

‘Teka, kumain ka na ba? Halika, sabayan mo na kami.’

Si Rusty ang kaisa-isang naging boyfriend ni Gabe. Marami siyang naging fling pero ito lamang ang nagtyaga at tunay na nag-alaga sa kanya. Dati’y inakala ni Gabe na si Rusty na ang makakatuluyan niya at makakasama hanggang sa pagtanda, subalit kinailangan nitong umalis ng bansa para tuparin ang mga pangarap. Gusto siyang isama ng binata sa Korea pero hindi pwede. Gusto din ni Rusty na ipagpatuloy ang kanilang relasyon kahit long-distance. Walang duda sa puso ni Gabe na totoo ang pangako nito na hindi siya titingin sa ibang lalake habang magkalayo sila, pero ayaw din naman niyang maging hadlang sa kinabukasan nito. Si Gabe ang nakipag-hiwalay kay Rusty. Muntik pa itong bumalik mula sa Korea pero pinigilan niya lang. Ito na ang unang pagkakataon na makabalik si Rusty mula sa ibang bansa at si Gabe ang isa sa mga unang taong kanyang pinuntahan.

Lumubog na ang araw nang umalis si Rusty sa kanilang bahay. Napakarami nilang napagkwentuhan, subalit hindi ang mga pribadong bagay dahil nandoon at nakikinig si Anton. Nagkasundo na lamang sila na muling magkita kinabukasan.

Bago magtanghalian ay dumating na si Rusty sakay ng Land Rover. Hindi na ito bumaba ng sasakyan dahil agad namang sumakay si Gabe.

Wala pa ring ipinagbago si Rusty. 6’2” ang taas, slim ang katawan, at rugged manamit. Black boots, skinny jeans, at black leather jacket. Mahaba pa rin ang buhok nito. Bago pa man mauso ang manbun ay nauna na si Rusty; ngayon nga lang ay may goatee na ito, at lalo pa yatang dumami ang tattoo sa katawan. Matagal nang gwapo si Rusty, pero lalong lumakas ang appeal nito dahil sa confidence. Medyo mahiyain kasi ito dati, ibang-iba sa Rusty ngayon, pero magaan pa rin kausap at mahilig pa rin mag-joke. Napawi talaga ang lungkot ni Gabe sa katatawa sa mga kwento ng dating nobyo.

Dahil maulan pa ay pumunta na lamang sila sa mall. Kumain sila sa isang restaurant na maraming nakasabit na lampara sa ceiling. Warm at homey ang kapaligiran, kaunti ang mga customer, at masasarap ang mga pagkain na kanilang inorder.

‘Dati sa Jollibee mo lang ako nililibre, ngayon sa mamahaling restaurant na,’ nakangiting sabi ni Gabe.

Tumawa naman si Rusty. ‘Sige, simula ngayon, sa mamahaling restaurant lang kita papakainin.’

‘Hindi ko naman sinabing ayaw ko sa Jollibee. Masarap kaya yung spaghetti nila.’

‘At yung Chicken Joy.’

‘At yung burger steak.’

Tandang-tanda pa ni Gabe ang pagsasalo nila ni Rusty ng makakain. Kalimitan ay inililibre lamang siya nito kahit pareho silang hirap sa pera. ‘Thank you, ha,’ sabi ni Gabe. ‘Sa… alam mo na... sa lahat.’

Ngumit si Rusty. ‘Alam mo naman, basta para sa ‘yo. Kaso… huli na yata para sa akin eh. Mahal mo siya ‘no? Kaya ka umiiyak kahapon?’

Bumagsak ang mukha ni Gabe. Naalala na naman niya. Saglit lang niya itong binanggit kay Rusty kahapon kaya ngayon ay ikuwento niya ang buong istorya, mula nang magkita sila ni Manny hanggang sa ‘pakikipag-break’ sa kanya ni Daniel.

‘Alam ko naman na hindi ako magugustuhan ni Daniel dahil mahirap lang kami,’ saad ni Gabe. ‘Ano ba namang panlaban ko dun sa Brandon na ‘yon? At anong sasabihin ni Sir Manny? Baka akalain niya sinasamantala ko lang yung pamangkin niya.’

‘Gabe, hindi naman siguro iisipin ‘yon ni Sir Manny, eh napakabait nung tao. Si Daniel naman, sorry—alam ko mahal mo—pero I think he’s an asshole. Mahirap aminin pero baka nga kasi tinitingnan niya ang katatayuan mo sa buhay. Pero ayokong manghusga dahil hindi ko siya kilala. Nagagalit lang ako na nasasaktan ka dahil sa kanya.’

‘Hindi ko nga alam kung anong gagawin ko kasi mabait si Dan—si Boss, at maayos yung trabaho ko, magaan lang at malaki naman ang sweldo. Iyon nga lang, broken hearted naman ako araw-araw.’

Dahil magkatabi sa upuan ay inabot ni Rusty ang kamay niya sa ilalim ng mesa, at saka ito pinisil. ‘Pwede kitang tulungan, kung gusto mo. Alam no naman na nandito lang ako kung kailangan mo.’

Biglang kumanta si Rusty:

“At kung kailangan mo ako
Sa oras ng iyong pag-iisa
Kung naninimdim
Asahan mong ako ay darating
Kung kailangan mo ako
Sa sandaling bigo na ang lahat
Pusong kay tamis
Kailan ma'y di kita matitiis…”

Tawa naman nang tawa si Gabe. Sanay na siya kay Rusty na bigla nalang kakanta kahit saan, walang pinipiling lugar, akala mo nasa isang musical.

‘Rusty!!!’

Napatingin sila sa babaeng sumigaw.

‘Ohmygod, it’s you!!! Akala ko biglang dumating si Ariel Rivera, ikaw lang pala!’

Lumapit si Janelle kay Rusty at niyakap ito ng mahigpit. Si Janelle ang panganay na anak ni Manny. ‘Hi Gabe! Ohmygod, it’s so good to see you together!’ Niyakap din ni Janelle si Gabe.

Hindi naman makagalaw ng maayos si Gabe; hindi niya alam kung anong gagawin. Dahil kabuntot ni Janelle si Daniel, na hindi maipinta ang mukha.

Tumayo si Gabe, hindi matingnan sa mukha si Daniel. ‘Rusty, boss ko nga pala, si Boss Daniel. Boss, si Daniel po.’

Tumayo si Rusty at nakipagkamay kay Daniel. ‘Nice to meet you.’

Tumango lang si Daniel.

‘Would you like to sit down?’ tanong ni Rusty.

‘Of course!’ bulalas ni Janelle. ‘I missed you guys! Sorry ha, pwede bang mang-abala?’

‘Oo naman,’ sagot ni Rusty, nakangiti, at umupo na silang apat. Magkatapat si Daniel at Gabe, habang magkaharapan naman si Rusty at Janelle.

‘We’re not interrupting anything, are we?’ sabi ni Daniel.

‘Actually, cuz, we’re interrupting their date, obviously, but I don’t care! I wanna hear about what you’ve been up to, Rusty, so spill!’

Nakangiti si Daniel, pero kita ni Gabe na may inis sa mga mata nito. Hindi naman siya makapagsalita. Para siyang daga na na-trap sa gitna ng mga leon.

‘Oh, you know what, Danny,’ sabi ni Janelle. ‘Background lang. Remember when we used to run that coffee shop in Kamuning? Regular customer namin si Rusty. I was like, who’s this super gwapo guy na laging nandito? Turned out, si Gabe ang pinupuntahan niya! Of course, crush namin syang lahat, and lahat kami nag-aassume na kami ang pinupuntahan ni Rusty, but no, si Gabe ang nagwagi. Valentines day, binigyang niya ng flowers and chocolates si Gabe. Oh, diba, super sweet??’

Pulang-pula ang mukha ni Gabe habang nagtatawanan si Janelle at Rusty, pinagpapawisan siya ng malapot. Nakangiti si Daniel, pero walang kahit anong bakas ng ligaya sa hitsura nito.

‘So, what are you,’ sabi ni Daniel, ‘band vocalist?’

‘Music professor, actually. Sa Korea National University of Arts.’

‘Oh, wow! Kaya pala super mas magaling ka na kumanta ngayon!’

‘Thank you—’

Biglang tumayo si Daniel. ‘Gabe,’ wika niya, ‘may I speak with you in private?’

---ITUTULOY---

No comments:

Post a Comment

Read More Like This