Pages

Saturday, September 17, 2016

Ang Tangi kong Inaasam (Part 2)

By: Confused Teacher

“We write our own chapters on love, it’s up to us how we turn these pages”

Paul

    “Anong pag-aano, linawin mo nga ano bang tinatanong mo?” kahit alam ko ang ibig niyang sabihin kunwari ay hindi ko naiintindihan.  Pansin ko talagang nahihiya siya, ang cute lang niyang tingnan.  Hindi malaman kung magtatakip ng mukha o haharap sa akin para ipaliwanag ang gusto niyang sabibin.

    “Yung pag-aano nga, ano ba naman Kuya, alam mo na iyon.” Naiinis niyang sagot saka muling sumubsob sa unan.  Tawa lang ako nang tawa na lalo niyang ikinapapahiya.

    “Ewan ko hindi ko naman alam ang sinasabi mo, puro ka ano at pag-aano, malay ko mamaya magkamali ako ng sagot, iba pala ang sinasabi mo sa iniisip ko.” Saka ko siya kiniliti para alisin ang takip sa mukha niya. Umupo siya sa tabi ko pero sa ibang direksyon nakatingin.

    “Kasi naman si Kuya Paul, yung ano nga, pano ba yun sabihin, kakainis ka nga talaga Kuya Paul, yung pagmama masturbate.” Sabay takip sa muka niya. Kitang kita ang pamumula niya sa kanyang sinabi.saka ulit nahiga patalikod sa akin

    “Ikaw talaga Patrick, yun lang nahihiya ka pa, tayo lamang naman dalawa dito sa room. Hindi naman nakakahiyang pag-usapan iyon e, halika nga, harap ka sa akin,” Kahit ayaw niyang humarap dahil nahihiya pa rin, hinawakan ko sa balikat niya at marahang hinatak paharap sa akin. Kita  ko ang pamumula ng pisngi niya.  Tawa naman ako nang tawa sa reaction niya. “Nag ma masturbate na ba ang baby ko?” nakangiti kong tanong.  Hindi siya makasagot pero alam ko base sa reaction niya ginagawa na rin niya iyon hindi naman nakakapagtaka, normal naman iyon sa kabataang gaya niya at ako man dumaan din sa ganoong stage.

    “Don’t worry Pat, normal lamang iyon, halos lahat naman ng lalake dumaan sa ganon at ginawa ang ganon kaya huwag ka ng mahiya.” Muli kong ginulo ang buhok niya.  “Dun sa tanong mo kung nakakatangkad. Hindi rin ako sure, marami ang nagsasabi pero hindi ko alam kung totoo kasi lahi naman namin ang matangkad kita mo naman ang Papa ko mas matangkad pa sa akin.” Totoo naman iyon marami ang nagsasabi na nakakatangkad raw iyon pero wala naman scientific explanation kung may effect nga ang sabi ng biology teacher namin  na associate daw kasi iyon sa period of adolescence kung saan kadalasan ay curious ang mga kabataan na gawin iyon tapos ito rin naman yung period na mabilis ang pagtangkad ng lalake dahil sa hormones niya na nadedevelop sa panahong iyon. Kaso kahit siya walang kasiguraduhan ang sagot.

    Para naman siyang nakahinga ng maluwag sa narinig sa akin.  Siguro natatakot siya na pagalitan ko o pagbawalan.

    “Gusto ko po kasing tumangkad iyong kahit kasing tangkad mo, kasi gusto ko ring maging basketball player.” Muling sabi niya pagkatapos na parang nawala na ang hiya.

    “Iyon lang ba talaga ang dahilan kaya ginagawa mo iyon?” ang pilyo kong tanong sa kanya.

    “Kuya kasi, naman si Kuya e, huwag na nga nating pag-usapan iyon, tara matulog na tayo.” Pero kinukulit kopa rin niya ako.  “ Pero Pat, kahit sinabi ko sa iyong normal lang iyon dapat alam mo pa rin ang limitasyon ha, private na gawain iyon kaya dapat private mo lamang din ginagawa.  Hindi iyon basta naisipan mo lang kahit kailan o kahit nasaan ka pwede mong gawin. Tatandaan mo iyan ha” Muling paalala ko sa kanya.

“Opo kuya, Siyanga pala, Kuya Paul, thank you potalaga natatakot akong magtanong kasi akala ko po magagalit ka.”

“Siyempre Pat, kapag wala kang ginagawang masama hindi ako magagalit, saka kahit pa may ginawa kang masama, gusto ko sa akin mo pa rin sasabihin, magalit man ako tandaan mo mahal pa rin kita.” Bakit ganon parang may ibang dating sa akin ang pagsasabi ng mahal kita sa kanya.  This is not the first time na sinabi ko iyon sa kanya pero parang may kakaiba sa akin ngayon. Hanggang hindi na siya nagsalita, maya maya naramdaman kong naghihikab na siya kaya  lumapit ako sa kanya at hinalikan ko siya sa noo saka ko kinumutan.  Good night baby Pat, sweet dreams.” At nakatulog na kami parehas.

Lumipas pa ang mga araw, ayokong i entertain ang nararamdaman ko, ayokong aminin na nahuhulog na ako sa batang iyon, Mali iyon at alam kong hindi pwede.  Bagamat alam kong hindi pa ako ready sa commitment dahil nag-aaral pa ako, niligawan ko na ang dati kong crush noong high school si Dianne.  Hindi naman nagtagal at naging kami.Minsan ay nagkayayaan kaming manood ng sine.  Pagkabili ng ticket papasok na sana kami nang may makita kaming nagbabalikan dahil standing na raw sa loob.  Kaya nagpasya narin kaming huwag na munang tumuloy sa halip ay kumain muna saka bumalik pagkatapos.  

“Paul, CR muna ako bago tayo bumaba,” malambing na sabi ni Dianne saka bumitaw sa kamay ko.

“Sige, hintayin kita dito.” nakangiti kong sagot sa kanya.  Sumandal lamang ako sa stainless na railing ng mall at pinanood ang paglayo niya.  “Ang sexy talaga ng girlfriend ko” naibulong ko sa sarili ko.  Nang mapansin kong palabas naman si Pat.

    “Pat, Patrick…” tawag ko sa kanya, nakalampas na kasi siya sa akin, mukang bad trip at parang wala sa sariling nagkakalad.  Ilang saglit parang nag-isip pa siya bago lumingon.  Nang makita niya ako tumitig muna sa akin saka ngumiti.  Naguguluhan ako sa naging reaction niya.  Usually pag nakita niya akong ganon tatakbo iyon papalapit sa akin o kaya naman ay tatawagin ako kahit malayo, na walang pakialam kung may makakita o makadinig sa kanya,  Mukhang bad trip ang loko.

    “O narito ka rin pala, kasama mo ba si Ninang?” tanong ko sa kanya kahit hindi pa naman siya ganon kalapit. Pakiramdam ko nga ay ayaw talagang lumapit kaya ako na ang naglakad papunta sa kanya.

    “Hindi po Kuya, may bibilhin lamang akong gamit para sa experiment sa Science, ikaw po Kuya anong ginagawa mo dito, mag-isa ka lamang po ba?” malungkot niyang tanong sa akin na sa ibang direksyon nakatingin parang umiiwas saka ko lamang napansin ang pamumula ng mata niya.  Pero hindi ko magawang tanungin nag-aalala akong mapahiya o baka biglang umiyak. Malikot din ang mga mata niya na para bang may hinahanap.  Naguguluhan talaga ako sa batang ito,

“Ganon ba, may kasama ako nasa CR lamang, manonood sana kami ng sine kaso puno pa, mamaya na lamang kami babalik, kakain muna, ikaw gusto mo bang sumama sa amin, baka nagugutom ka?” tuluyan na akong lumapit sa kanya at inakbayan ko siya, hindi ko alam kung pakiramdam ko lamang parang naiilang siya sa ginawa ko samantalang dati na naman inaakbayan ko siya kahit nasa maraming tao kami.  Mukang nagbibinata na nga ang baby ko kaya inalis ko ang pagkakaakbay sa kanya dahil parang palayo siya sa akin. Pero lalo akong naguluhan sa sagot niya.

    “Huwag  na po Kuya, saglit lamang po ang paalam ko kay Mommy, baka hanapin ako non saka gagawa pa ako ng experiment ko, tapos madami po kaming assignment, maglilinis din po ako ng kwarto ko, saka ng buong bahay at saka magpapahinga na rin po ako,”  “Ang dami mo namang gagawin kaya mo ba talagang tapusin iyon? Alam ko namang hindi siya naglilinis ng kwarto niya, minsan ako ang gumagawa noon,  madalas ay si Ninang. At never siyang tumulong sa paglilinis ng bahay.  Parang natataranta itong nagpaalam saka dali-daling umalis.  Naiwan akong naguguluhan sa ipinakita niya.

    “Dahil Sabado noon, expected kong pupunta siya sa bahay kaya hindi na ako nagpunta sa kanila.     Pero wala pa siya kaya kumain na lamang muna ako.  Dapat kasi sabay kaming kakain.  Pagkahugas ng pinagkainan, nanood muna ako ng TV habang naghihintay pero tinext ko siya.

“Pat, nasaan ka na?”

Hindi siya nagreply kaya tinawagan ko, pero hindi rin sinagot, naalala ko ang sinabi niya na gagawa siya ng assignment niya. Kaya naghintay na lamang ako.  Inaantok na ako nang naisipan kong itext ulit siya.


“Busy ka pa rin ba sa assignment mo, lika na bukas na iyan tutulungan kita.”

Gaya ng nauna, wala ring reply.  Umakyat na ako sa kwarto pagkatapos patayin ang TV at nahiga. 9:00 pm na wala pa. tinext ko ulit

“Baby Pat dito ka ba matutulog, mukang busy ka talaga”

Nakatulugan ko na ang paghihintay sa reply niya nagising ako 11;00 pm wala parin siyang reply.  Tinawagan ko, naka on naman ang phone at hindi lowbat, pero hindi sinagot. Naisip ko busy siguro talaga, dapat kasi pumunta na lamang ako sa kanila, nakakaawa anong oras na tiyak gumagawa pa iyon ng project niya. Pero tinalo na rin ako ng pagod at antok. Kaya nagtext na lamang ako.
   
“Sige Pat, bukas na lamang pupunta ako diyan, tutulungan kita, kawawa naman ang baby ko, gabi na gumagawa pa rin ng assignment matutulog na ako good night Baby Pat Sweet dreams!.”

Pagkatapos non natulog na ako, nakakapanibagong matulog na hindi katabi ang baby ko, wala akong mayakap. Namiss ko rin ang kiss niya sa akin.  What a weird feeling, kapag pumikit ako yung cute niyang mukha ang nakikita ko para siyang angel, ang sarap pagmasdan ng mukha niya.  Putek naman ano ba ito.  Kakatapos lang namin mag date ni Dianne, dapat yun ang iniisip ko ngayon pero bakit ganito sa halip na maging masaya ako parang nakaka bad trip dahil wala dito si Pat sa tabi ko. Nakatulugan ko na ang ganong pag-iisip.

Kinabukasan maaga akong lumipat sa kanila.  Missed ko agad ang baby ko.

‘Ninang good morning,” bati ko kay Ninang pagkakita ko, sabay bless.

“Kaawaan ka ng Diyos Paul, wala si Josh, sa bahay daw ng classmate niya gagawa ng project nahihirapan yatang gawin mag-isa papatulong daw.” Biglang sabi ni Ninang kahit hindi pa ako nakakapagtanong.  Naupo lamang ako sa sofa.  Kaya siguro gabi na hindi pa tapos mahirap siguro talaga.

“Ninang, sino pong classmate iyon, sunduin ko na lamang mamaya, yayain kong magbasketball.” Sigaw ko tiyak nasa loob na iyon ng tindahan.

“Hindi ko alam Paul, iniwan din ang phone niya dahil lowbat daw, hintayin mo na lamang sinabihan ko naman na umuwi din agad pagkatapos.” Sigaw din niya mula sa tindahan.

“Hmp, nakakadismaya naman, kung kailan gusto ko ng kausap walang gustong makipag-usap sa akin.” Umuwi na lamang ako at naglarong mag-isa ng basketball, Pagkakain ay pumunta ako sa bilyaran at sakto naroon ang mga tropa ko naglaro kami sandali pero hindi pa rin mawala sa isip ko si Pat, kaya nagpaalam din ako sa kanila at pumunta sa bahay nila pero sabi ni Ninang nagtext dawna nagkayayaan magbasketball kaya nagsabing gagabihin ng uwi.  Nayayamot akong umuwi sa amin at inayos na lamang ang mga gamit kong dadalhin sa dorm.  Kakainis ka Patrick. Kapag nakita kita kukutusan talaga kita, ngayon ka lamang umalis ng hindi ko alam, bulong ko sa sarili ko habang naiinis na nilalagay ang mga damit sa aking bag. Pero hindi pa rin ako makatiis lumipat ulit ako at diretsong pumunta sa room niya.  Nakita ko siya mukhang pagod na pagod.  Nakakaawa namang gisingin ang baby ko.  Hindi na ako nagparamdam.  Maingat kong isinara ang pinto saka naiinis na umuwi sa amin.



Josh


    Isang sabado pumunta ako sa mall, hindi ako sinamahan ni Kuya Paul dahil may lakad daw siya.  Bibili kasi ako ng mga gamit sa Biology.  Nakita ko si Kuya Paul, may kasama siyang babae habang bumibili ng ticket sa sinehan.  Lalapitan ko sana siya nang mapansin kong magkahawak ang kanilang kamay.  Bigla akong natigilan.  Parang hindi ko maihakbang ang mga paa ko, pinanood ko lamang sila,  pero nang papasok na sila sa sinehan, nakita kong humawak si Kuya Paul sa bewang nong babae at halos magkadikit na ang katawan nilang naglakad. Nakapasok na sila ay nakatayo pa rin ako.  Hindi ko na matandaan kung gaano ako katagal nakatayo hanggang hindi ko na sila makita dahil pumasok na sila. Nang mahimasmasan ako ay parang wala ako sa sarili na pumasok sa CR at doon hindi ko mapigilan ang pagtulo ng mga luha ko. Hindi ko alam bakit parang ang sakit sa akin ng nakita ko. Hindi ko alam kung magagalit ba ako kay Kuya Paul. Bakit ganon, hindi ko gusto ang nakita ko pero mukha naman siyang masaya.  Bago sa akin ang pakiramdam na ito.  Mula pagkabata hindi ako nagalit kay Kuya Paul. Para sa akin lahat ng ginagawa niya ay tama.  Lahat ng sinasabi niya sa akin ay totoo.  Pero iba ngayon, parang gusto kong magalit sa kanya, hindi ko naman alam kung bakit. Naiinis akong may kasama siyang iba.  Humarap ako sa salamin, nakita ko pa rin ang pagpatak ng luha ko.Pero wala naman siyang ginagawang masama.Siguro girlfriend niya iyon.  Mabuti na lamang at wala akong kasama sa loob ng CR.  Naghilamos ako at inayos ang sarili ko.  Hindi ito totoo, hindi ako nagseselos, mali iyon, wala akong gusto kay Kuya Paul.  Hindi ko siya mahal.  Ahh, mahal ko si Kuya Paul, kasi kuya ko siya.  Tama naiinis lamang ako kasi may iba pa siyang mahal bukod sa akin.  Kaya lamang tama naman iyon diba, magmamahal talaga siya pagdating ng araw, diba sabi ni Kuya Paul gusto niyangmagkaron ng masayang pamilya.  Saka maraming anak, ayaw niya sa isang anak lamang kasi malungkot. Ayaw niyang maranasan ng anak niya ang mag-isa. Noon ang saya ko pag naiisip ko ang masayang pamilya ni Kuya Paul, pag kinukwento niya sa akin ang gusto niyang mangyari, excited ako dahil makikita ko ang mga anak niya., pero bakit ngayon naiinis ako pag naiisip kong may girlfriend na siya, tapos mag-aasawa na siya at ang susunod doon magkakameron na siya ng mga anak.  Bakit ako nasasaktan kapag naiisip ko iyon.  Muling kong naramdaman ang pagpatak ng mga luha ko. Naghilamos ulit ako, at pagkatapos tuyuin ang pisngi ko sa pamamagitan ng maraming tissue ay lumabas ako papunta sa bookstore. 

    “Pat, Patrick…” bigla kong narinig mula sa aking likuran. Kinabahan ako iisang tao lamang naman ang tumatawag sa akin ng ganon.  Paglingon ko nakita ko nga si Kuya Paul.Nag-iisa.Parang nabawasan ang galit ko nang makita ko siyang nakangiti.

    “O narito ka rin pala, kasama mo ba si Ninang?” tanong niya kahit hindi pa naman siya ganon kalapit.

    “Hindi po Kuya, may bibilhin lamang akong gamit para sa experiment sa Science, ikaw po Kuya anong ginagawa mo dito, mag-isa ka lamang po ba?” kunwari ay ngayon ko lamang talaga siya nakita.

    “Ah, may kasama ako nasa CR lamang, manonood sana kami ng sine kaso puno pa, mamaya na lamang kami babalik, kakain muna, ikaw gusto mo bang sumama sa amin, baka nagugutom ka?” lumapit siya saka ako inakbayan, ang bango talaga ni Kuya Paul.

    “Huwag  na po Kuya, saglit lamang po ang paalam ko kay Mommy, baka hanapin ako non saka gagawa pa ako ng experiment ko, tapos madami po kaming assignment, maglilinis din po ako ng kwarto ko, saka ng buong bahay at saka magpapahinga na rin po ako,” Umusod ako para matanggal ang pagkakaakbay niya sa akin. Nakita kong kumunot ang noo niya. Kasi alam naman niya hindi ako naglilinis ng bahay kahit ng kwarto ko.

    “Ang dami mo namang gustong gawin, kaya mo ba talagang gawin lahat iyon anong oras na? ganito na lamang kapag hindi mo natapos ang experiment at assignment mo,  bukas tutulungan kita wala naman akong gagawin. Tapos magbasketball tayo, namiss ko na iyong paglalaro natin.” Muli ay aakbayan  niya ako.  Pero lumakad na ako papalayo sa kanya.

    “Sige po Kuya, aalis na ako, ingat ka na lamang po.” Hindi ko na hinintay ang sagot niya, pero kita kong naguguluhan ang mukha niya, e kahit naman ako naguguluhan din hindi ko alam bakit parang naiilang ako sa twing ipapatong niya ang braso niya sa balikat ko.  Dali-dali akong pumasok sa bookstore at hinanap ang mga kailangan ko.  Hindi ko alam parang natatakot ako baka sundan ako ni Kuya Paul. Kinagabihan hindi rin ako pumunta sa bahay nila para doon matulog.  Naramdaman ko tumunog ang phone ko mga 8:30 pm pero hindi ko tiningnan kung sino ang tumatawag.  Kinaumagahan tanghali akong nagising may note si Mommy sa kusina na nagsimba siya at iinit ko na lamang ang pagkain pag kakain na ako.  Tiningnan ko ang phone ko 5 messages, yung isa kay Mommy, ganon din ang message gaya ng nasa papel.  Yung apat galing kay Kuya Paul.

“Pat, nasaan ka na?”

“Busy ka pa rin ba sa assignment mo, lika na bukas na iyan tutulungan kita.”

“Baby Pat dito ka ba matutulog, mukang busy ka talaga”

“Sige Pat, bukas na lamang pupunta ako diyan, tutulungan kita, kawawa naman ang baby ko, gabi na gumagawa pa rin ng assignment matutulog na ako good night Baby Pat Sweet dreams!.”

    11 pm yung huling message niya, napansin ko rin may 2 siyang missed calls. Dali-dali akong kumain, naligo at pagkatapos ay sinagot ko ang note ni Mommy.

    “Ma, pupunta ako sa bahay ng classmate ko doon ko gagawin ang project namin.”

    Sakto naman palabas na ako nang bumukas ang pinto at pumasok si Mommy,

    “O paalis ka rin?”
    “Ma, don ako gagawa ng project sa bahay ng classmate ko para magkatulungan kami.” Nakita niyang dala ko ang mga gamit ko.

    “O sige, mag-iingat ka lamang at umuwi ka agad pagkatapos ha.”Inabutan niya ako ng pera.  “Ma huwag ka palang tatawag ha, drained na battery ng phone ko kaya iniwan ko sa kwarto ko.

    “Hmm, bahala ka basta ang bilin ko mag-iingat ka, at makitext ka sa classmate mo pagdating mo doon.” Tumango lamang ako.  Dahilan ko lamang iyon kasi baka sundan ako ni Kuya Paul pag alam niya kung nasaan ako,  dati na niya iyon ginagawa sinusundo ako pag matagal akong hindi umuwi kaya mabuti na iyon hindi alam ni Mommy kung nasaan ako.  Hindi ko alam parang ayoko munang makaharap si Kuya Paul.  Hindi ako galit sa kanya pero hindi ako sure sa nararamdaman ko.

    Pagkatapos naming gumawa ng assignment hindi ako umuwi agad sa halip ay nagbasketball kami.  Hapon na ng maisipan kong umuwi pero nakapag text naman ako kay Mommy na nagbabasketball kami at male late ako ng uwi.  Pagdating ng bahay, nakatulog ako dahil sa pagod.  Naramdaman kong bumukas ang pinto ng kwarto ko  kaya nagising ako pero nagkunwari akong tulug na tulog.  Sigurado akong si Kuya Paul iyon.

    Nang sumunod na Friday, umaga pa lamang ay nagpaalam na ako kay Mommy na mag sleep over ako sa classmate ko kasi may gagawin kaming report.  Gaya ng dati puro paalala si Mommy, tinawagan din niya ang Mommy ng classmate ko at ipinagbilin ako.  At kinabukasan tanghali na ako nakauwi sa bahay.  Dahil sa puyat kumain lamang ako at naligo pagkatapos ay pumasok na sa kwarto ko para matulog.  Halos hatinggabi na nang magising ako,  Kumain lamang ulit ako at sandaling nag online pero inantok din agad. Kinabukasan ay pumunta ako sa mall wala naman akong bibilhin pero gusto ko lamang magpalipas ng oras.  Nakita ko yung mga kalaro ko sa basketball at nagyayang mag arcade.  Buti na lamang hindi namin kasama si Kuya Paul dahil sabi niya huwag akong babarkada sa kanila dahil mga basag ulero. Si Kuya Paul pa naman gusto niya kilala pati mga kaibigan ko.  Haist tapos ako hindi man lamang ipinakilala sa girlfriend niya.  Sabagay hindi naman niya ako maipakikilala dahil nagtatago ako sa kanya.  Ah basta habang hindi pa kami okay ni Kuya Paul dito muna ako sa mga bago kong tropa.

    “Napapadalas yata ang kaaalis mo, Josh?” biglang bati ni Mommy sa akin pagpasok ko. Teka, pinaghihigpitan na ba ako ni Mommy, hindi naman siguro nagpapa alala lng si Mommy  sa kin.  Ayus na rin yun hindi naman lagi.

    “Ma kilala mo naman po ako, hindi ako gagawa ng masama, nabo bored lamang ako dito sa bahay, ikaw naman po laging nasa loob ng tindahan sino kakausapin ko dito?”

    “Hmm, nagbibinata na ba ang baby ko? Baka may dine date ka na kaya lagi kang nasa labas. Dati sabi mo ibili kita ng computer para hindi ka na laging lumalabas dahil ayaw mo akong iwan mag-isa, Nang magka computer ka naman, nabo bored ka ng kasama ako,” ang parang may pagtatampo sabi ni Mommy. Oo nga pala nalimutan kong sabihin naging close kami ni Mommy nang mag college na si Kuya Paul, no choice dalawa lamang kami sa bahay. Kawawa naman si Mommy second choice lang, pero hindi bale masaya naman siya na close na kami. Saka marami din siyang ka close lagi niya kausap si Ate Carol pati na customers niya saka iyong mga tsismosa sa aming lugar ka close na rin ni Mommy

    “Ma, wag kang OA, hindi po bagay sa yu, sandali lamang naman akong umaalis as if naman ay iniwan kita ng matagal.  Saka Ma, ayaw mo ba akong nakikitang masaya? Gusto mo ba dito lamang ako sa bahay at nagmumukmok?”

    “Ah basta, sasabihan mo ako pag may girlfriend ka na ha, wag kang maglilihim sa akin, magagalit talaga ako sa iyo pag pinaglihiman mo ako.”

    “Oo na po, sige na Ma, gutom na ako, kain na tayo. May gagawin din akong assignment mamaya.” At tumuloy na kami sa kusina.

    Ilang linggo na halos ganon ang ginagawa ko.  Maraming missed calls si Kuya Paul at text pero lagi kong sinasabi na madami kaming assignment o kaya ay projects na kailangang tapusin.  Isang umaga.

    “Maeto ang new number ko, na locked yung luma kong SIM.  Pero promise mo Ma, huwag mong ibibigay iyan kahit kanino ha, ulitin ko Ma, kahit kanino kasi pag binigay mo iyan sa iba, magpapalit ako ng SIM ulit at hindi ko na sasabihin sa iyo ang new number ko.” Hind nakapagsalita si Mommy, nabigla yata sa sinabi ko basta na lamang inabot sa akin ang baon ko. Parang wala sa sarili hanggang nag kiss ako at lumabas na ng pintuan.

    Mula noon, hindi na nga nakapag text si Kuya Paul. Gaya ng dati wala naman ako sa amin kapag weekend kaya hindi kami nagkikita.  Pero aaminin ko missed na missed ko na siya at nalulungkot ako pag naalala ko ang ginagawa ko sa kanya.  Pero mula ng ma confirm kong may iba akong nararamdaman sa kanya nagpasya akong ito na ang gawin.  Mas mabuti na ito kesa mahulog ako ng tuluyan sa kanya at lalo lamang akong masasaktan dahil alam ko naman na hindi ganon ang nararamdaman niya.  May girlfriend siya at hindi niya ako pwedeng mahalin gaya ng pagmamahal ko sa kanya. Kuya Paul, pasensiya ka na alam ko nagtataka ka kung bakit kita iniiwasan pero mas mabuti na ito kesa malaman mo ang dahilan at ikaw ang umiwas sa akin. Siguro darating panahon na mawawala din ito at sa panahong iyon saka ko na lamang sasabihin sa iyo ang totoo.  Sa ngayon hayaan mo muna akong sarilinin kung ano man ang nararamdaman ko para din ito sa kabutihan natin pareho.  Ayoko rin malaman mo nasasaktan ako sa pagkakaroon mo ng girlfriend dahil baka hiwalayan mo siya dahil ayaw mo akong masaktan.  Tapos ako naman ang masasaktan pag nakita kitang malungkot. Haist, ano ba tong naiisipko hihiwalayan ni Kuya Paul ang girlfriend niya para sa akin.  Hindi kaya masyado na akong assuming nito.  Pero kung sabihin ko kayakay Kuya Paul na mahal ko siya tapos hindi ko alam mahal din pala niya ako.  E di ayus na,  Pero hindi, mahal lamang ako ni Kuya Paul kasi kapatid ang turing niya sa akin.  Kung ibaling ko kaya sa iba ang nararamdaman ko, pero ayoko sabi ko kay Kuya Paul dati hindi ako mag gi girlfriend hanggang hindi pa ako tapos ng high school. Magagalit iyon pag nalaman, strikto pa naman yun saka minsan din masungit. Ah oo nga pala iyon din ang sabi niya sa akin mag gigirlfriend siya pag college na siya.  Ang bait nga pala talaga ni Kuya Paul, tinupad niya ang promise niya sa akin.  Lahat kaya ng sinabi ni Kuya Paul gagawin niya.  Sabi niya pag kinasal siya ako ang best man, tas lahat ng babies nila ninong ako. Pwede naman yun kasi may iba pa naman silang ninong bukod sa akin,  Saka sa bahay nila may isang room ako don para kahit anong oras pwede akong matulog sa kanila.  Saka kahit na mag asawa at magkaanak pa siya ako pa rin ang baby niya. Ako pa rin kaya ang baby niya hanggang ngayon? Nahawakan ko ang noo ko, ilang beses na ba akong hinalikan ni Kuya Paul dito siguro nag start siya mga 9 years ago, 9 X 365 tas mga 2x a day niya akong hinahalikan, minus yung nagcollege siya na 5 days a week kasi hindi kami nagkikita saka iyon pa palang iniiwasan ko na siya ilang weeks na ba kaming hindi nagkikita?  Ano ba to mababaliw na yata ako, basta ang daming beses na ang hirap kayang  magmultiply pag nakahiga.Mahina pa naman ako sa Math. Hayy Kuya Paul ano kayang ginagawa mo ngayon. Naalala kaya niya ako ngayon, dati lagi ko siyang katabi dito. Haist magdamag na naman ba akong makikipag titigan sa kisameng ito. Nong natutulog dito si Kuya Paul hindi ko napapansin ang kisameng ito kasi lagi akong nakatagilid matulog paharap sa kanya. Naalala ko pa ng lagyan niya ito ng mga glow in the dark na wala namang silbi kasi ayoko ng patay ang ilaw pag matutulog, kaya kahit gusto niyang tingnan namin iyon sa gabi,  ako pa rin ang masusunod kasi hindi ako makakatulog pag madilim. Ayoko ka nang tingnan kisame ka.Nalulungkot lang ako , naalala ko si Kuya Paul. Papalitan ko kaya ang kulay nito.  Bakit kasi ito blue, ah sabi kasi ni Kuya Paul, maganda ang kisameng blue para pag tumingin ako nakakarelax, makakapahinga ako ng maayos.  Hmp, hindi nga ako narerelax, naalala ko siya. Hindi iyon totoo, hindi nga ako makatulog, buti na lang walang pasok bukas.  Papalitan ko ito ng ibang kulay,  anong kulay ba ang maganda?  Tama, black para hindi ko siya titingnan, nakakatakot kayang makipagtitigan sa black. Kaso mukang horror naman, baka magalit naman si Kuya Paul pag pumasok dito.Hindi na pala siya papasok dito, lagyan ko kaya sa labas ng bawal si Kuya Paul pumasok. Kaso baka naman magalit si Mommy . Si Kuya Paul kaya nakikipagtitigan din sa kisame, alam ko blue din ang color ng ceiling nila. Gising pa kaya siya, tawagan ko kaya nope, ayoko pala hindi ko siya tatawagan.

    Lunes ginabi ako ng uwi, kumain muna ako sa baba bago ako umakyat sa kwarto ko, Si Mommy naman nasa kwarto na niya.  Pagbukas ko ng pinto nagulat ako si Kuya Paul nasa study table nagbabasa. Multo! Kaagad kong isinara ang pinto, hindi pwedeng siya iyon may pasok siya kaya tiyak nasa school iyon o kaya nasa boarding house.  Pero hindi naman mukhang multo saka diba dapat pag may multo medyo madilim tapos malamig, saka wala namang multo na nagbabasa. Isapa wala naman akong nabalita na namatay na si Kuya Paul.  Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at sumilip kailangang ma confirm ko munang multo nga iyon ni Kuya Paul bago ako sumigaw. Pagsilip ko.

    “Oh Pat, nariyan ka na pala, ginabi a yata ng uwi?” nakangiti niyang bati sa akin. Nako po ano ba naman iyan akala ko kay Mommy lamang ako magpapaliwanag pag ginagabi ng uwi pati ba naman sa multo?” Isasara ko sana ulit ang pinto pero lumapit siya at hinawakan ako sa kamay.  Patay na nahuli ako ng multo.  Sisigaw na sana ako ng bigla niya akong hinalikan sa noo.  “I missed you Pat” Hindi ko naituloy ang pagsigaw ko kasi wala naman sigurong multo na nanghahalik sa noo. Saka kung Pat ang tawag sa akin, hindi naman ako kilala ng multo, Si Kuya Paul nga siguro ito.

    “Kuya Paul, ikaw ba talaga iyan? Hindi ka ba multo?” naguguluhan ko pa ring tanong.

    “Ano bang kalokohan iyan Patrick, siyempre ako ito,” ang parang naiinis niyang sagot.

    “Akala ko po talaga multo ka kasi diba may pasok ka, bakit ka po narito diba dapat naroon ka sa boarding house mo, saka anong ginagawa mo dito, hindi mo ba alam Kuya  na may invisible po na signage na bawal ka na dito?” sagot ko naman sa kanya habang nagtatanggal ako ng sapatos.

    “Ano ba iyang pinagsasabi mo, nasaan ang signage na yun, saka bakit naman naging bawal na ako dito?”

    “Haist, ano ba naman yan Kuya nag college ka lang bumaba na ang IQ mo, invisible nga paano mo po makikita, nevermind bakit ka nga po naririto?”napapailing kong tanong sa kanya.

    “Hindi ako pumasok kasi kailangan kitang makausap, ilang linggo mo na akong iniiwasan, akala mo ba hindi ko ramdam angmga  ginagawa mo, galit ka ba sa kin, ano bang kasalanan ko, bakit mo ginagawa ito, kina cancel mo ang calls ko tapos hindi ka rin nagrereply sa mga text ko, pati sa FB,  hindi mo binabasa ang mga messages ko, wala rin naman maisagot si Ninang kung ano ipinagkakaganyan mo.”

    “Ang dami mong tanong Kuya, pero wala akong sasagutin sa mga iyan, kasi antok na ako, maliligo lang ako sandali tapos matutulog na ako, Ikaw umuwi ka na at matulog ka na rin kasi nga bawal ka na dito.” kita ko ang pagkunot ng noo niya pero hindi pa siya nakakasagot pumasok na ako sa CR at naligo.  Alam kong naaasar na siya sa akin mas mabuti iyon para umalis na siya, paano ko ba sasagutin ang mga tanong niya e biglaan naman wala man lang ako preparation kahit mga one day man lang.  Haist, ang Kuya Paul ko talaga, pero ang gwapo pa rin niya.  Saka hinalikan pa rin niya ako sa noo.  Sana nga umalis na siya hindi ko kasi siya matingnan, eto na naman yung malakas na kabog ng dibdib ko, kaya nga lumalayo ako sa kanya kasi baka madinig niya.  Narinig kong bumukas ang pinto, maya-maya ay sumara din,  Haist Salamat at umalis na rin ang Kuya kong pogi.

    Pagkabukas ko ng pinto ng CR naka boxer na lamang ako ay naka sandong black. Pero nabigla ulit ako dahil naroon pa rin siya at nakaupo.

    “Nariyan ka pa rin po Kuya?” nagtataka kong tanong.

    “Malamang, nakikita mo pa ako diba?” halata ko na ang inis sa mukha niya dahil hindi na siya nangingiti.Bumalik ang pagka masungit kahit gwapo.

    “Sino pala yung lumabas Kuya?” tanong ko.

    “Iyong multo lumabas na, uuwi na raw kasi naasar na sa iyo.” Wala sa loob niyang sagot.

    “Kuya naman kasi e, ang kulit mo sino nga po iyon?May kasama ka po ba kanina dito, bakit hindi ko nakita, invisible din ba?”

    “Ang pasaway mo pa rin Patrick, ang Mommy mo yung sumilip pero hindi pumasok tinanong lamang kung nakauwi ka na, noong sinabi kong oo at naliligo ka na, umalis din agad at matutulog na raw.”

    “Ah ganon ba, sabi mo kasi multo e, Ikaw bakit hindi ka pa lumalabas, ikaw kaya ang pasaway.”

    “Patrick pwede mo bang kausapin ako ng matino, napakagulo mong kausap, lahat ginagawa mong kalokohan.” Alam kong napipikon na siya pero hindi ko nga alam ang isasagot ko, buti pa ang Math may time na mag compute etong si Kuya Paul ang daming tanong hindi ko naman alam pano sagutin. Parang recitation lang buti na lamang hindi ito graded.

    “Kuya Paul, remain standing na lamang po ako kasi I don’t know the answer,” sagot ko saka tumayo ng tuwid, pero maya-maya ay  tumungoako kasi baka mapatawa ako pero ang gusto ko mapikon siya at iwan na lamang ako.

    “Patrick!” sigaw niya.  Natakot ako, iyon ang second time na sumigaw si Kuya Paul.  Iyong una ay noong nakipag away ako sa basketballan na nakita niyang may dugo ako sa labi, galit na galit siya sa mga nakaaway ko at kung pwede lamang sigurong pumatay ng tao ginawa na niya noon.  Bigla akong umupo sa kama at nagtakip ng tenga.

    “Kuya Paul naman huwag kang sumigaw, huwag ka ng magalit please promise hindi na kita kukulitin, nakakatakot ka naman po kasi.”ang natataranta kong pakiusap sa kanya. Mabuti na lamang at sound proof ang room namin kung hindi baka napabangon si Mommy.  Eto kasing taong ito parang may built in na loud speaker sa katawan.  Nakakagulat.

    “Ano ba kasi ang ipinagkakaganyan mo, bakit ba ayaw mo akong kausapin ng matino?” mahinahon na siya, salamat nakapag isip-isip din siguro na ang sakit kaya sa lalamunan ng sumisigaw, baka bukas wala kang boses.

    “E kasi po Kuya, ah wala pala, basta, kuya please matutulog na ako may pasok pa ako bukas magrereport pala ako bukas sa Math.” Nagrereport ba kami sa Math? Ayy hindi nga pala iyon pala yung subject na walang report.  Wala na kasi akong maisip , ano ba ito bakit ayaw gumana ng utak ko, parang ang gusto ko yakapin lamang si Kuya Paul kasi kahit nagagalit siya ang gwapo pa rin niya saka ang bango.  Teka hindi naman siya bagong paligo pero bakit ang bango niya, pabango na ba ang pampaligo niya ngayon? Ang lakas pa naman ng kabog ng dibdib ko.  Bakit kasi sumasabay pa itong kabog na ito sa pagkataranta ko hindi tuloy ako makaisip ng magandang alibi. 

    “Patrick huwag mo akong lokohin, tumawag ako sa school ninyo kanina, Academic Consultation bukas, kaya alam kong half day lamang ang pasok at hindi ka magrereport dahil busy ang mga teachers sa paghahanda ng Report Cards.” Ang galing talaga ng taong ito ang daming alam, nalimutan ko yun mali ang aking palusot.  Minus one tuloy ako don.

“So tell me, bakit mo nga ako iniiwasan, ano bang ginawa kong kasalanan sa iyo, Hindi mo ba alam na sobra akong nasasaktan sa mga ginawa mo, sobra akong nasasaktan naiintindihan mo ba iyon?” madiin ang pagkakasabi niya kahit mahina.

“Nagpalit ka ng SIM hindi mo rin ako sinabihan.” Dagdag pa niya, naisip ko ang dami ko ngang kasalanan sa Kuya ko.  Pero hindi ako dapat magpahala na guilty ako. Isip ulit ng paraan.

    “Wala ka namang sugat, bakit ka masasaktan, kunwari ay iniaangat ko ang braso niya na parang naghahanap ng sugat. Tiningnan naman niya ako ng masama, kaya binitiwan ko ang kamay niya at tumungo.

“Para iyon lang hindi ka lamang pinansin, masasaktan ka na, pag ba naging college na nagiging OA na, bakit ka naman masasaktan sa ganon hindi ka naman dating ganyan, diba dati hindi din kita pinapasok dito noong hindi mo ako isinama sa field trip ninyo, hindi ka naman nasaktan?Dinalhan mo pa nga ako ng chocolates non ah” nakatungo pa rin ako.

    “Sa iyo para iyon lang sa akin big deal yun.” Ramdam ko ang pagtitig niya sa akin kahit nakatungo ako.

    “Bakit nga naging big deal sa iyo iyon?” patuloy ko pa ring pangungulit ko.

    “Patrick kasi mahal kita, pwede naman akong hindi umuwi dito kapag weekend kasi bihira din naman kaming magkita ng parents ko at kung nasa bahay man sila natutulog naman, pero ginagawa ko yun umuuwi ako kasi gusto kitang makita pero anong ginagawa mo pinagtataguan mo ako.” Seryosong sambit niya. Hindi ko alam kung tama ang narinig ko mahal ako ni Kuya Paul. Umuuwi lamang siya kasi gusto niya akong makita.” Medyo napangiti naman ako ang sweet naman ng masungit kong Kuya, mahal daw niya ako. Totoo kaya iyon?

“Hmp, hindi naman po totoo iyon, nakikipag date ka kaya pag umuuwi ka akala mo ba hindi ko alam na may girlfriend ka na, nilihim mo papo  sa akin,  pero nanood kayo ng sine noong nakita kita sa mall hindi ba?” hindi ko alam kusa na lamang lumabas sa bibig ko ang mga salitang iyon kahit hindi ko naman planong sabihin.

“So iyon ang dahilan kaya mo ako iniiwasan?” Hinawakan niya ako sa balikat at iniharap sa kanya. “Sabihin mo ang totoo, nagseselos ka ba?” diretso ang pagkakatingin niya sa mga mata ko.

“Kuya bitawan mopo  kasi ako, nasasaktan ako,” binitawan niya ang balikat ko pero nakatitig pa rin siya sa mukha ko.  Lalong lumakas ng kabog ng dibdib ko, gusto ko na sanang tumakbo palabas pero nakaharang siya. “Kkkasi Kuya…” ang pautal kong sagot.

“Okay, okay, aaminin ko girlfriend ko si Dianne at nanood nga kami ng sine noong nakita mo ako.” Ang seryoso niyang sabi saka tumingin sa ibang direksyon.

“Kuya mahal mo po ba siya?” malungkot kong tanong, ewan ko baalam ko na naman iyon pero ang sakit pa rin pala pag mismong kay Kuya Paul nanggaling.

“Oo Pat, pero mahal din kita sana maintindihan mo iyon.”

“Sa ngayon hindi kita naiintindihan, don’t worry mag gi girlfriend na lamang din ako baka sakaling maintindihan kita.” Iyon na lamang ang naisagot ko kasi wala na akong ibang maisip, kahit alam kong darating ang ganitong pagkakataon ang hirap pa din pala.  Akala ko madali lamang tanggapin, hindi pala. Ang sakit pa rin.Lalo pa at siya ang magsasabi.  Bwisit kasi bakit naitanong ko pa iyon.

“Hindi iyan pu pwede, hindi ka pwedeng mag girl friend.” Matigas niyang sagot sa akin.

“Okay fine! e di boy friend!” saka ako lumayo ng konti sa kanya.

“Mas lalong hindi pwede, Patrick tumingin ka sa akin, hindi pwede!Naiintidihan mo ba? At kahit pwede, ayoko, kaya hindi mo iyon gagawin.” kita ko ang pagka galit sa mukha niya.

“Pambihira ka Kuya Paul, bakit hindi pwede ikaw kahit dalawa pwede, mahal mo ang girlfriend mo tapos mahal mo ako, ako naman hindi pwedeng magmahal kahit isa, youre so unfair. Haist, ang selfish ng kuya ko. Makatulog na nga lamang.” Wala na akong ibang maisasagot kaya umusod ako sa isang side ng kama at hinila ang kumot.

“E di mahalin mo ako, hindi naman kita binabawalan na mahalin mo  ako, basta hindi pwedeng sa iba.” Nakangiti niyang sagot saka inalis ang kumot sa katawan ko.

“Mukha mo, may mahal ka ng iba tapos ikaw ang mamahalin ko, ayoko, maghahanap na lamang ako ng iba,” at muli ay ibinalik ko ang kumot. “Ikaw umuwi ka na, o kaya puntahan mo iyong mahal mo doon ka na lamang.”Nakakainis kaya siya, pero mamahalin ko pa rin naman siya kahit hindi ko sinasabi sa kaniya.  Mamahalin ko na lamang siya hanggang mawala ang nararamdaman kong ito.

“Patrick naman kasi, alam mo bang bata ka pa mahal na kita, kahit alam kong kuya lamang ang tingin mo sa akin ay mahal pa rin kita?”

“Hindi ko po alam kuya, wala ka namang sinabi na ganon diba?” naiinis kong sagot sa kanya.

“Okey, sige ngayon sasabihin ko, mahal na mahal kita Josh Patrick Villanueva, mahal kita kahit noon pa kahit noong bata ka pa.” Kinikilig ako sa loob ko pero kailangang huwag kong ipahalata sa kanya.

“Wala ka bang isasagot sa akin?” nagtatakang tanong niya saka muling hinatak ang kumot ko.

“Wala, wala ka naman pong tinatanong Kuya, wala namang question mark don sa sinabi mo diba.” Papilosopo kong sagot sa kanya.

“Haisst, ang gulo mo talaga, ang ibig kong sabihin, mahal mo rin ba ako??? Ayan tatlong question mark na iyan ha, baka pwedeng sumagot ka na, ” alam kong naiinis na siya kaya lamang ay nagpipigil sya.

“Oo naman po Kuya Paul Jacob Rivera mahal na mahal po kita bata pa ako mahal na mahal na kita alam mo naman iyon … kasi diba ikaw ang kuya kona  nag alaga sa akin, mahal na mahal kita siyempre kasi kuya kita.” Ang sarkastikong sagot ko saka ulit nagkumot.

“More than your kuya, may iba ka bang nararamdaman, yung ibang level ng pagmamahal, yung hindi dahil kuya mo ako.” Nakatitig siya sa akin ang lapit ng mukha niya sa akin, ramdam ko ang mainit niyang hininga, ang gwapo talaga niya kitang-kita ko yun ng malapitan, ano ba itong nararamdaman ko sobrang lakas ng kaba ko gusto kong sabihin na hindi pero ayaw makisama ng dila ko parang may iba itong gustong sabihin, hindi ko kayang magsinungaling sa kanya.

Paul

Hindi normal sa akin ang nangyayari, Hindi siya nagrereply kapag nagtetext ako madalas din naka off ang phone niya.  Ang nakakainis pa hindi man lang nagsasabi na hindi makakatulog sa amin.  Hindi naman niya dati ginagawa ang ganon.  Buong weekend busy sa school projects? Hindi ko naranasan ang ganon noong second year high school ako.  Saka pagpupunta ko naman sa kanila laging tulog.

Naguguluhan na rin ako kasi sa oras ng klase, siya pa rin ang nasa isip ko.  Hindi ko na nga rin maasikaso si Dianne kasi laging si Pat ang gumugulo sa isipan ko, Ano na kaya ang nangyari sa taong iyon.  Hanggang hindi ko na siya makontak.  Hindi na nagriring ang phone niya.  Isang Sabado kinausap ko si Ninang at sabi sa akin ay ayusin ko kung ano man ang problema namin.  Pansin daw niya na nagtatampo sa akin si Pat at laging matamlay.  Hindi rin niya gusto na laging ginagabi sa labas kaya lamang wala naman siyang magawa dahil alam niyang nabo bored lamang.  Nangako naman ako kay Ninang na gagawa ako ng paraaan na kausapin at nang malaman namin ang nagyayari.

Isang Friday afternoon, vacant ako at sumagi sa isip ko ang bilin ni Tita.  Tinawagan ko ang adviser ni Pat, hindi naman iyon bago sa kanya lagi naman akong tumatawag sa kaniya para kumustahin si Pat, para ma guide ko kasi alam kong nahihirapan din iyon sa adjustment niya sa pagpasok mag-isa kahit pa lagi niyang sinasabi na ayus lamang siya at may mga kabarkada na siya sa school.

Ayon sa adviser niya, half day lamang ang pasok sa Tuesday dahil Academic Consultation at nakapagpadala na naman siya ng letter sa mga parents.  Bumuo ako ng plano.  Kinalunesan hindi ako pumasok.  Bagamat first time kong ginawa iyon ay nagdesisyon ako.  Hapon nang pumunta ako kanila para kausapin siya kaso badtrip wala pa siya. Napansin yata ni Ninang na hindi maganda ang mood ko. Marahil nakita niyang hindi ko ginagalaw ang meryendang inihanda niya.

“Paul, sabihin mo sa akin ang totoo, magka galit ba kayo ni Josh,” tanong niya sa akin kahit sa TV nakatingin.

“Hindi po Ninang,” maikli kong sagot.

“Nagtataka kasi ako ni hindi ka niya nababanggit ngayon samantalang ilang linggo na kayong hindi nagkikita alam ko namang hindi kayo nagkakausap sa phone dahil nga hindi mo alam ang number niya.” Humarap siya sa akin na parang naghihintay ng totoong sagot.

“Wala din po akong idea, ako man nagtataka sa ginagawa niya, at aaminin ko po Ninang, sobrang nasasaktan ako sa nangyayari.  Hindi ko po maintindihan parang mababaliw ako sa ginagawang pag-iwas sa akin ni Pat kaya nga po nagdesisyon na akong kausapin siya ng hindi weekend.”

“Anong ibig mong sabihin Paul?” parang nagulat siya sa mga sinabi ko.  Ako man ay nabigla rin sa mga pinagsasabi ko. Pero huli na para tumanggi.

“Ninang, naguguluhan po kasi ako, Iba po ang nararamdaman ko kay Pat, parang mahal ko na po siya.” Halos magiyak-ngiyak kong pagtatapat sa Ninang ko.

“Ano bang pinagsasabi mo, alam ko iyan, alam kong mahal mo si Josh at nagpapasalamat ako sa iyo sa lahat ng kabutihang ipinapakita mo sa kanya, Iyong pagmamalasakit mo at pag-aasikaso na hindi ko nagawa ay napupunan mo.” Nakangiti niyang sagot.

“Hindi ninyo po naiintindihan, mahal ko po si Patrick higit pa sa kaibigan o kapatid, Hindi ko po alam Ninang paano nangyari ang ganito pero bigla ko na lamang pong naramdaman, sorry po” tuluyan ng bumuhos ang aking emosyon, napatakip ang kamay ko sa aking mukha.

“Diyos ko Paul, bakla ka ba? Naiintindihan mo ba ang sinasabi mo? Alam ba ni Josh ang tungkol diyan?” napaantanda siya tanda ng pagka gulat.

“Hindi ko po alam, ang alam ko po lalake ako at ang totoo niyan may girlfriend po ako na mahal ko.  Pero hindi ko rin po maalis sa isip ko si Pat, dati nararamdaman ko na ito para sa kanya, pero nitong mga nakaraang linggo dahil sa ginagawa niya, na confirm ko sa sarili ko na mahal ko siya, parang mababaliw po ako kapag naiisip ang pag-iwas niya sa akin.  At  handa po akong i give up ang girlfriend ko para kay Patrick.  Wala po siyang alam tungkol dito Ninang.” Bagamat nakakahiya ang sinasabi ko nakatingin ako ng diretso sa kanya kahit umiiyak ako.

“Paul, sa totoo lamang, hindi ko alam ang sasabihin ko hindi ako sang ayon pero gusto kitang unawain, gusto kong intindihin ang sinasabi mo.  Alam ko namang may malasakit ka kay Josh at alam kong hindi mo siya sasaktan.  Pakiusap lamang Paul, huwag mong hahayaang masira ang buhay niya ha.  At kung malaman mong hindi kayo parehas ng nararamdaman, sanay manatili ka pa rin sa tabi niya.  Baka iyan din ang dahilan ng ipinagkakaganyan niya.  Baka may nararamdaman din siyang hindi masabi o maiparating sa iyo. Hindi ko alam kung sigurado ka sa nararamdamn mo, pero kung dumating ang panahon na ma realize mong yung girlfriend mo ang gusto mo, sana hindi masaktan si Josh.  Mahal ko si Josh, alam mo iyan, at kung mahal ka rin niya, sige hahayaan ko kayo basta ipangako mo sa akin na bilang mas mature ikaw ang gagabay sa kanya ha.  Hindi ko alam kung tama ang desisyon ko Paul, pero para sa kaligayahan ni Josh, gagawin ko ang lahat.” Umiiyak na rin niyang pahayag.  Lumapit ako sa kanya at niyakap siya.

“Salamat po Ninang, asahan ninyo po anuman ang mangyari mananatili akong Kuya para sa kanya.  Marami pa kaming pinag-usapan mga paalala niya bilang magulang sa aming dalawa.  Mahal ko si Ninang at alam ko mahal din niya ako bilang anak kaya naniniwala akong tama ang mga sinasabi niya.  Hanggang sa pagkain ay iyon pa rin ang pinag-uusapan namin.  Desidido na ako na hintayin si Pat kahit anong oras pa siya dumating.  Kailngang alamin ko kung ano ba ang tumatakbo sa isipan niya.

“Paul, papasok na ako sa tindahan at may ipagbibilin kay Carol, bukas kasi pupunta ako sa school ni Josh, hindi ko na siya maipagbilin sa iyo gaya ng dati.  Mas mabuti pa siguro ay sa kwarto mo na lamang siya hintayin.”

“Sige po Ninang, at maraming salamat po ulit.

Umakyat ako sa kwarto ni Pat, at nagbubuklat sa mga gamit niya.  May dalawang oras na yata ako doon nang maramdaman kong gumalaw ang door knob.  Sumilip siya at nang makita ako ay isinara ulit ang pinto.  Hindi naman ako nagtaka, ilang linggo na rin naman niya akong iniiwasan.  Ilang sandali pa ay nakita kong marahan niyang binuksan ang pintuan saka sumilip.

“Oh Pat, nariyan ka na pala, ginabi a yata ng uwi?” bati ko sa kanya nang magtama ang aming paningin.  Kita ko sa mukha niya ang pagkabigla.  Missed na missed ko na talaga ang lokong ito.  Muli sana niyang isasara ang pintuan nang hawakan ko siya sa braso.  Hinalikan ko siya sa noo.  Gosh, namiss ko talaga itong gawin. “I mised you Pat.” Hindi siya nagsalita.  Saglit na natigilan parang nag-iisip saka nagpasyang pumasok.

“Kuya Paul, ikaw ba talaga iyan? Hindi ka ba multo?” alam kong nagpapatawa siya, para pagaanin ang sitwasyon namin.  Kilala ko si Pat, madalas dinadaan niya sa biro kapag alam niyang may ginawa siyang pwede kong ikagalit.

    “Ano bang kalokohan iyan Patrick, siyempre ako ito,” kunwari ay naiinis kong sagot pero ang totoo gusto ko siyang yakapin. 

    “Akala ko po talaga multo ka kasi diba may pasok ka, bakit ka po narito diba dapat naroon ka sa boarding house mo, saka anong ginagawa mo dito, hindi mo ba alam  Kuya  na may invisible po na signage na bawal ka na dito?” muling sabi niya saka tumalikod sa akin naupo sa isang bangko malapit sa kanyang cabinet at nagtanggalng sapatos. 

    “Hindi ako pumasok kasi kailangan kitang makausap, ilang linggo mo na akong iniiwasan, akala mo ba hindi ko ramdam ang mga  ginagawa mo, galit ka ba sa kin, ano bang kasalanan ko, bakit mo ginagawa ito, kina cancel mo ang calls ko tapos hindi ka rin nagrereply sa mga text ko, pati sa FB,  hindi mo binabasa ang mga messages ko, wala rin naman maisagot si Ninang kung ano ipinagkakaganyan mo.”

    Tumingin siya sa akin, “Ang dami mong tanong Kuya, pero wala akong sasagutin sa mga iyan, kasi antok na ako, maliligo lang ako sandali tapos matutulog na ako, Ikaw umuwi ka na at matulog ka na rin kasi nga bawal ka na dito.” saka pumasok sa CR at isinara ang pinto.  Nang mga oras na iyon gusto kong mapikon sa kanya pero ewan ko ba hindi ako makaramdam ng inis.  Alam ko namang niloloko niya ako sa mga sagot niya para maiwasan lamang na sagutin ang mga tanong ko.  Maya-maya, binuksan ni Ninang ang pinto.

    “Nariyan na ba si Josh?” mahina niyang tanong.

    “Opo, nasa CR naliligo,” sagot ko sa kanya.

    “O sige, bahala ka na, diyan ka na rin matulog at gabi na baka makagalitan ka sa inyo kung uuwi ka ng ganitong oras.” Tumango lamang ako at isinara na ulit niya ang pinto. Nang lumabas si Patrick ay balik na naman sa kakulitan niya, lahat ng sabihin ko ay sinasagot ng paloko.  Hindi magaling magsinungaling si Pat, alam ko iyon kapag may sinasabi siyang alam kong hindi totoo, madali iyong mapansin dahil hindi siya makatingin ng diretso at madalas ay kung saan-saan dinadala ang usapan.  Pero kahit anong gawin ko hindi ako makapasok.

   
    “Patrick!” malakas na sigaw ko.  Alam ko namang sound proof ang kwarto nila kaya hindi ako madidinig ni Ninang. Kitang-kita ko ang takot sa mukha niya.  Bigla siyang  umupo sa kama at nagtakip ng tenga.

    “Kuya Paul naman huwag kang sumigaw, huwag ka ng magalit please promise hindi na kita kukulitin, nakakatakot ka naman po kasi.”ang natataranta niyang pakiusap. Lihim naman akong napangiti.

    “Ano ba kasi ang ipinagkakaganyan mo, bakit ba ayaw mo akong kausapin ng matino?” lumapit ako sa kanya.  Pero kahit ganon ay nahirapan pa rin ako dahil umiiral pa rin ang kakulitan niya.  Para sa kanya maliit na bagay lamang ang ginagawa niyang pag-iwas sa akin.

“Patrick kasi mahal kita, pwede naman akong hindi umuwi dito kapag weekend kasi bihira din naman kaming magkita ng parents ko at kung nasa bahay man sila natutulog, pero ginagawa ko yun umuuwi ako kasi gusto kitang makita pero anong ginagawa mo pinagtataguan mo ako.” Halos maiyak na ako nang maalala kung gaano kasakit iyong sa twing pupunta ako sa bahay nila ay wala siya at sa sabado naman halos magdamag akong gising baka kasi bigla siyang magtext na nasa labas siya. 

“Hmp, hindi naman totoo iyon, nakikipag date ka kaya pag umuuwi ka akala mo ba hindi ko alam na may girlfriend ka na, nilihim mo pa sa akin,  pero nanood kayo ng sine noong nakita kita sa mall hindi ba?” ang tila nagtatampo niyang sagot sa akin. Bigla akong napa isip,  tama nagsimula ang lahat noong makita ko siya sa mall.  Nakita niya kaming magkasama ni Dianne, iyon ang dahilan kaya namumula ang mga mata niya.  At kaya hindi siya sumama sa amin na kumain.  Bakit hindi ko naisip agad iyon.  Ibig bang sabihin mahal din niya ako at kaya siya umiiwas kasi nagseselos siya? Wala na akong magagawa, una hindi ko naman balak ilihim sa kanya, nawalan lamang ako ng pagkakataon dahil pagkatapos noon ay hindi na kami nagkausap.

 “Okay, okay, aaminin ko girlfriend ko si Dianne at nanood nga kami ng sine noong nakita mo ako.” Kita ko naman ang paglungkot ng kanyang mukha. Saka nagtanong kung mahal ko si Dianne.  Ayokong isipin niya na niloloko ko si Dianne, ayokong matanim sa kanya na pwedeng gawin iyon sa isang babae.

“Oo Pat, pero mahal din kita sana maintindihan mo iyon.”

Pero nainis ako sa naging sagot niya, na para maintindihan niya ang sinasabi ko ay mag gi girlfriend din siya, at nang sabihin kong hinde pwede ay boyfriend na lamang daw. Nang gigil ako sa kakulitan ng taong ito.  Pero ano bang magagawa ko.

“Pambihira ka Kuya Paul, bakit hindi pwede ikaw kahit dalawa pwede, mahal mo ang girlfriend mo tapos mahal mo ako, ako naman hindi pwedeng magmahal kahit isa, youre so unfair. Haist, ang selfish ng kuya ko. Makatulog na nga lamang.” Iyon ang naiinis niyang sagot

“E di mahalin mo ako, hindi naman kita binabawalan na mahalin mo  ako, basta hindi pwedeng sa iba.” Nakangiti kongsagot saka inalis ang kumot sa katawan niya.

“Mukha mo, may mahal ka ng iba tapos ikaw ang mamahalin ko, ayoko, maghahanap na lamang ako ng iba,” at muli ay ibinalik niya ang kumot. “Ikaw umuwi ka na, o kaya puntahan mo iyong mahal mo doon ka na lamang.”

“Patrick naman kasi, alam mo bang bata ka pa mahal na kita, kahit alam kong kuya lamang ang tingin mo sa akin ay mahal pa rin kita?”

Hindi ko na alam kung paano ko ipapaliwanag sa kanya ang gusto kong sabihin.  Kasi dinadaan niya ang mga sagot sa kalokohan.

“More than your kuya, may iba ka bang nararamdaman, yung ibang level ng pagmamahal, yung hindi dahil kuya mo ako.  Natatakot ako sa magiging sagot niya.  Ayoko maging dahilan iyon para iwasan niya ako, pero ito lamang ang tamang pagkakataon para dito.  Kung sasabihin niyang hanggang kuya lamang ang nararamdaman niya, tatanggapin ko at gaya ng pangako ko kay Ninang, hindi mawawala ang pagiging kuya ko sa kanya.  Pero kung sasabihin niyang mahal niya ako bilang Paul.  Ipinapangako kong mamahalin ko siya higit pa sa aking sarili at hinding-hindi ko siya sasaktan.

No comments:

Post a Comment

Read More Like This