Pages

Friday, September 23, 2016

Favorite Accident (Part 1)

By: Arkinberg

Salbahe, walang-hiya, bastos, tarantado at salbahe, yan ang mga salitang dinedescribe sa akin. Totoo naman na salbahe ako. Marahil dala noon ng kabataan ko kaya siguro naging ganun ako. Lumaki ako sa isang broken family kaya marahil naging ganun na lang ang ugali ko sa kabila ng magandang pagpapalaki sa akin ng Daddy ko. Ewan ko ba, innate na yata sa akin ang maging ganun. Sobrang waldas din ako sa pera at walang nagtatagal na relasyon sa akin. Mag-drugs at gumawa ng krimen na lang ang kulang sa akin para masabing patapon ang buhay ko, sa kabutihang palad ay hindi ko ginawa yun dahil naniniwala pa din ako na masaya at masarap pa ding mabuhay.

Hindi ko inaasahan ang nangyari sa aking buhay. Sa kaisa-isahang taong totoong nagmahal sa akin.

Ako nga pala si Jared Aldous Borromeo o Jab. Sabi nila may hawig daw ako sa modelong si Nick Bateman, ang Dad ko kasi ay Half American kaya marahil may pagka-mestisuhin ako. May katangkaran din ako at hindi sa pagbubuhat ng bangko ay masasabi ko na physically attractive ako dahil sa laki ng katawan ko dala ng madalas na pag woworkout. Marahil nakadagdag yun sa mga dahilan kung bakit naging masama ang ugali ko. Dala ng kabataan, hindi ko na naisip noon na madami akong pwedeng masaktan, at isa na dun ang kaisa-isang taong totoong nagmahal sa akin.

Matagal ko nang kilala si Max, simula College pa lang kami ay kilala ko na sya, pero hindi kami close. Tipikal lang syang estudyante. Hindi ganun ka-attractive si Max. Pango ang ilong nya, chubby sya at hindi sya ganun kayaman. Pero kahit na ganun ay matalino sya. Madalas syang napapasama sa Dean’s list noon. Alam ko na may gusto sya sa akin dahil sa sabi ng mga ilan naming common friends pero ni minsan ay hindi ko sya pinansin at medyo inis pa ako sa kanya sa hindi ko din maipaliwanag na pagkakataon.

Magkasabay kami grumaduate ni Max noon, Nursing ang kurso nya at ako naman ay Business Administration. Pagkatapos noon ay hindi na ako nagkaroon ng balita sa kanya. Hindi ko kasi sya gusto noon at ang tanging koneksyon lang namin ay ang pinsan kong si Chelsea na bestfriend ni Max.Pero sa hindi ko inaasahan ay magkikita pa din pala kami makalipas ang tatlong taon.

Kasalukuyan ako noong lugmok dahil sa hiniwalayan ako ng partner kong si Jeff. Si Jeff ay kaklase ko nung College at nung grumaduate kami ay naging kami din. Hindi kami parehong halata kaya malaya naming nagagawa ang mga gusto namin. Nabawasan ang pagiging salbahe ko nung naging kami ni Jeff, pero hindi namin maiwasang mag-away dahil sa madalas akong magselos. Sobrang mahal ko si Jeff noon at nung magpasya syang pumunta ng ibang bansa para sa internship nya para sa MBA nya ay pinapili ko sya kung ako o ang internship nya. Nasaktan sya dahil sa akala nya ay susuportahan ko sya dito. Pero nakuha nya akong iwanan dahil sa kasakiman ko. Hindi ko alam ang gagawin ko nun. Halos gabi-gabi akong umuuwi na lasing. Isang gabi ay minalas ako at nabangga ang sasakyan ko sa isang puno.
“Jab! Jab!” ang sabi ng lalaking nurse na umaakay sa akin habang papasok ako sa isang kwarto. Hindi ko maaninag ang mukha nya dahil sa hilong hilo ako. Hanggang sa naipasok na ako sa isang malaking kwarto at nawalan ako ng malay.

Kinabukasan ay nagising ako sa isang kama. Wala akong kilalang mukha dahil parang nasa isolation ako. Maya maya pa ay lumapit ang nurse sa akin.

“Jab, kamusta na? Anong nararamdaman mo?” ang sabi nya sa akin. Tinitigan kong mabuti ang mukha nya at nakilala ko sya.

“Max?” ang sagot ko sa kanya.

“Buti naman kilala mo pa ako” ang sabi nya sa akin. Hindi pa din nagbago ang itsura ni Max, mas tumaba sya ng konti at mas naging maputi sya. Hindi ko inaasahan, sa lahat ng pagkakataon at sa lahat ng ospital ay magkikita kami ulit. Naging kampante ako kahit papaano kasi kilala ko ang nag aasikaso sa akin. Pero nakaramdam ako ng awkwardness dahil sa hindi naman kami naging close noon. Nalaman ko din sa kanya na nasa ICU ako dahil sa tinamo kong sugat sa ulo at inoobserbahan kung naapektuhan ang utak ko.

“Sabi ko nga sa doktor mo walang mangyayaring masama sa utak mo, diba tough guy ka nung College?” Ang biro nya sa akin at nagkatawanan kami.

Madalas pinapapasok ni Max ang Daddy ko sa ICU kahit na hindi na visiting hours. Malamang naiintindihan nya ang nararamdaman ko. Natuwa ako sa kanya dahil sa kahit na hindi kami naging close noon ay maalaga sya sa akin. Kung siguro ganyan lang ang pagiging maalaga ni Jeff ay ipaglalaban ko sya, ito kasi yung isang bagay na hindi ko naramdaman kay Jeff.

Nang cleared na akong ilipat sa regular room ay nirequest namin na si Max pa din ang mag asikaso sa akin. Dahil sa Uncle ko ang Medical Director ay madali namin itong nagawa. Panandalian ay nakalimot ako sa sakit na dala ng paghihiwalay namin ni Jeff. Marahil ay naaliw ako kay Max. Hindi ko kasi inaasahan na ganun na lang ang pag aasikaso nya sa akin. Isang bagay na hindi ko naranasan sa mga naging karelasyon ko.

Nang madischarge ako sa ospital ay inaamin ko na nakaramdam ako ng kaunting lungkot. Kahit kasi papaano ay nagkaroon na ako ng kaunting bond kay Max. Hindi ko din alam pero ganun na lang ang naging pakiramdam ko. Sa isang iglap ay nabago ang tingin ko sa kanya. Sa pamamagitan nya ay nakalimot ako sa sakit na nararamdaman ko. Hindi ko alam pero ayokong isipin na pwede syang pumalit kay Jeff dahil para sa akin, mahal ko pa din si Jeff at kung bumalik man sya ay tatanggapin ko pa din sya.

Simula noon ay napapadalas na ang pagbisita ko sa ospital kahit hindi pa araw ng check up. Gusto ko din kasi makita si Max, nagkalakas ako ng loob na ayain sya na lumabas at kumain. Sinabi ko na lang sa kanya na bumabawi ako sa mga kabutihang ipinakita nya sa akin. Pumayag naman sya at dinala ko sya sa mga kainan na alam ko. Naging masaya ang bawat paglabas namin at nakilala ko sya ng mas mabuti.

Minsan ay inaya nya ako na pumunta sa kanila dahil birthday nya. Hindi sila ganun kayaman, maliit lang ang bahay nila pero puno ito ng pagmamahal ng pamilya nya. Isang bagay na wala ako. Doon ko lang narealize kung gaano kaswerte si Max sa buhay. Hindi din marami ang handa nya. Spaghetti at cake lang ang tangi nyang handa da birthday nya, pero kahit na ganun ay hindi sya nahiya na ipakita kung ano talaga sya at dahil dun mas natanggap ko sya. Sa isang iglap, nakalimutan ko ang pagiging may kaya ko, ang alam ko lang ay masaya ako na kasama ko sya.

Pagkatapos nun ay nagkakwentuhan kami tungkol sa buhay namin pagkatapos ng College.

“Ako? Ganun pa din. Binigyan ako ng Dad ng ilang business na imamanage, ayun lang. Wala naman masyadong bago sa akin. Ah oo nga pala, naghiwalay kami ni Jeff” ang sabi ko sa kanya. Hindi na sya nagulat na naging kami ni Jeff dahil sa matagal na din naman daw itong open secret sa mga common friends namin.

“Ikaw?” ang sabi ko sa kanya.

“After College, nagtrabaho ako as private nurse. Nag ipon lang ako ng konti pang training. Alam mo naman satin hindi ka makakapagtrabaho sa ospital pag wala kang training. Pagkatapos nun nagsisideline din ako kasi volunteer lang ako noon. Ilang buwan din akong walang sahod noon kasi volunteer lang ako kaya nung mapasok akong regular sa ospital ang saya ko. Kasi kahit papaano, kahit maliit ang sahod at least meron na” ang sabi nya sa akin at ngumiti sya.

“Nagkaroon ka ba ng partner?” ang tanong ko sa kanya.

“Partner? Naku hindi uso yan sakin. Wala din naman kasi nagkagusto sa akin. May ilan akong nagustuhan pero pag nagkikita kami palagi akong natuturn down kaya hindi na din ako umasa na magkakaroon pa. Hindi ako kasing attractive mo” ang sabi nya sa akin at ngumiti sya. Nakaramdam ako ng kurot sa puso ko kaya biniro ko sya,

“Ang drama mo” at nagkatawanan kami. Makalipas ang ilang minuto ay nagpasya na akong umuwi. Habang papauwi ay hindi ko maitatanggi na napasaya nya ako ng sobra nung gabing yun. Inisip ko kung ano ba talaga ang nararamdaman ko kay Max? Pagmamahal na nga ba talaga o sadyang natutuwa lang ako sa kanya? Litong lito ako pero isa lang ang alam ko, masaya ako kapag kasama ko sya.

Simula noon ay sinubukan kong dumistansya sa kanya. Hindi ako nagtetext sa kanya. Gusto ko kasi malaman kung ano nga ba talaga ang nararamdaman ko sa kanya. Sinubukan kong makipag-date sa iba, pero hindi ko maiwasan na isipin sya palagi. Sa tuwing may kadate ako ay lumilipad ang isip ko. Walang araw na hindi ko inisip si Max.

Hindi ako nakatagal at nakipagkita ako kay Max. Bigla ko syang niyakap at ipinagtapat ang nararamdaman ko sa kanya. Wala na akong pakialam sa sasabihin ng iba. Basta ang alam ko mahal ko sya at gusto ko syang makasama. Tinanong ko sya nung gabing yun kung pwede ko ba syang maging partner, hindi na nagpatagal si Max at sinagot nya ako. Sobrang saya ko nun at dahil dun ay na wipe out ang lahat ng sakit na dulot nang paghihiwalay namin ni Jeff.

Inaya ko na din si Max na tumira kasama ako sa condo unit ko. Pinag isipan itong mabuti ni Max at makalipas ang ilang linggo ay lumipat na sya kasama ako. Naging masaya ang pagsasama namin ni Max. Sa kanya ko lang naramdaman ang pag-aalaga at pag-aasikaso ng walang katulad. Sobrang bait na partner ni Max. Kahit na pagod na sya galing trabaho ay ako pa din ang inuuna nya. Bilang ganti ay ako ang naging provider sa amin. Ayoko kasi na mabawasan pa ang sahod ni Max dahil tumutulong pa din sya sa kanila. Sa tuwing magkakasakit ako ay umaabsent sya para lang alagaan ako at dahil dun ay mas lalo ko syang minahal. Hindi ko na nakita ang panlabas na anyo, para sa akin walang makahihigit sa pagmahahal na ipinapakita sa akin ni Max.

Habang kami pa ni Max ay masasabi ko na nawala na ang pagiging salbahe ko. Natuto ako ng mas maraming bagay kagaya ng pagiging responsible at pagiging matipid sa pera. Palagi nyang sinasabi kung gaano ako kaswerte dahil hindi ko na kailangan magtrabaho pa para lang  magkapera. Naisip ko na tama sya kaya mas lalo kong pinahalagahan kung anuman ang meron ako. Si Max din ang nagturo sa akin ng pagmahahal sa pamilya at sa Diyos. Madalas na akong magsimba kesa dati na kung maisipan ko lang. Dahil doon mas naging maliwanag ang pananaw ko sa buhay at mas naintindihan ko ang mga bagay bagay. Mas napatawad ko ang sarili ko at ang Mommy ko na ilang taon ko na din na hindi nakikita. Laking pasalamat ko kay Max dahil tuluyan na nyang nabago ang buhay ko. Malayong-malayo na ako sa dating Jab na kilala ng mga tao.

Bilang ganti sa pagmamahal nya ay binigyan ko sya ng singsing na tanda ng pagmamahal ko sa kanya. Laking tuwa ni Max dito at napansin ko na pinahahalagahan nya ito. Palagi nya itong suot at ni minsan ay hindi ko ito nakitang nawala sa daliri nya.

Dumating ang araw na importante sa buhay ni Max, ang makagraduate sya sa Masters nya sa UP Manila. Masaya ako para sa kanya dahil matagal na nyang pangarap ito. Nung araw ng graduation nya ay napagkasunduan namin na mauuna na sya sa venue at susunod na lang ako dahil sa dadaanan ko ang Daddy ko para sa ilang papeles na pipirmahan nya para sa aming negosyo. Nang paalis na ako ay biglang may nag doorbell. Akala ko ay may nakalimutan lang si Max.

“May nakalimutan ka…” ang naputol kong sabi nang binuksan ko ang pinto. Ibang tao pala ang nasa pinto, si Jeff. Bigla nya akong hinalikan at niyakap ng mahigpit. Sa isang iglap ay nagulat ako at hindi nakapagreact agad. Ramdam ko na parang bumalik ang pagmamahal ko kay Jeff. Hindi na ako nakaimik pa at bigla nya akong hinalikan ulit. Mas naging mapusok ang halikan namin at may nangyari sa amin nung araw na yun. Nakailang text si Max sa akin at hindi ko din nasagot ang mga tawag nya. Nakaramdam ako ng saya sa pagbabalik ni Jeff at nakalimutan ko ang importanteng araw sa buhay ni Max.

Inamin ko kay Jeff na kami ni Max, nalungkot sya pero sinabi nyang hihintayin nya ako kapag kaya ko na syang mahalin ulit. Isang bagay na hindi ko alam kung mangyayari pa dahil sa pagmamahal ko kay Max.

Naguilty ako sa nangyari sa amin ni Jeff. Sa mahigit na isang buwan kasi na pagsasama namin ni Max ay wala pang nangyayari sa amin. Marahil hindi ko kailangan na gawin yun sa kanya. Para kasi sa akin sapat na yung pagmamahal ni Max, na kahit na yung bodily desires ko ay nakalimutan ko na din.

Pinaalis ko na si Jeff at nagbihis ako. Sumunod ako sa restaurant na pinareserve ko para sa pamilya ni Max, dito ay naabutan ko sila na nandoon na. Ramdam ko ang pagtatampo sa akin ni Max nung araw na yun, pero hindi sya yung tipong nagtatantrums. Nakangiti pa din sya sa akin na parang walang nangyari. Dito ay tinanong nya ako.

“Anong nangyari bakit hindi ka na nakasunod sa PICC?” Ang sabi ni Max sa akin.

“Si Daddy kasi tumaas ang blood pressure ayun inobserbahan ko muna kung lalala” ang sabi ko sa kanya. Biglang nag-alala si Max nung nga oras na yun pero inassure ko sya na ok lang ang Daddy ko. Sobrang guilty ang nararamdaman ko nung mga oras na yun at ipinangako ko sa sarili ko na hindi ko na gagawin ulit yun. Ayoko kasing masaktan si Max.

Makalipas ang ilang linggo ay nagkakausap na kami ni Jeff. May mga pagkakataon na palihim kaming nagkikita. Dito ay bumalik ang pagmamahal ko kay Jeff. Alam ko na nararamdaman na ni Max na medyo nanlalamig na ako sa kanya. Kaya isang gabi ay ibinigay na nya ang sarili nya sa akin.

Bigla nya akong hinalikan at nadala ako nito. Inihiga ko sya sa kama sabay ng paghubad ko sa mga damit nya. Marahan ko syang hinalikan sa labi, habang nakatingin ako sa kanya ay si Jeff ang naiisip ko. Maya maya pa ay pinasok ko na sya. Nakaramdam ng kirot si Max dahil first time nya ito. Dahil na din siguro sa pananabik ay mas naging marahas ako sa pagbayo sa kanya. Hindi ko napigilan na matakpan ang mukha nya at sinigaw ang pangalan ni Jeff nung nilabasan ako. Hindi ko alam kung paano magpapaliwanag sa kanya pagkatapos nun.

“Sorry” ang sabi ko sa kanya.

“Ok lang” at nginitian nya ako sabay halik sa noo ko. Pumasok sya sa banyo at naglock ng pinto. Rinig ko ang pag agos ng shower. Pinakinggan ko ding mabuti sa pinto, hindi ako nagkakamali at umiyak si Max sa loob. Nasaktan ko sya dahil sa ginawa ko. Alam ko na sobrang mali at hindi ko alam kung papaano ko maaayos ang ginawa ko. Nahiga na ako at hinintay syang makalabas, pero hindi ko namalayan napalalim na pala ang tulog ko.

Nagising ako ng madaling araw na wala si Max sa tabi ko. Hinanap ko sya at nakita ko sa sala sya natulog. Nasaktan din ako sa ginawa ko. Pakiramdam ko napakasama kong tao nung puntong yun. Binuhat ko sya habang natutulog at dinala sa kwarto. Niyakap ko sya ng mahigpit at humawak sya sa braso ko, at nakatulog na din ako. Napansin ko din na may bahid ng dugo ang suot nyang shorts, naawa ako dahil sa marahas kong pagpasok sa kanya. Halos doble kung saktan ko si Max, sa damdamin at sa pisikal.

Kinabukasan ay nagising ako sa amoy ng omelette. Ang paborito ko na niluluto nya. Paglabas ko ng kwarto ay nakangiti sya sa akin, na parang walang nangyari kinagabihan. Pinaupo nya ako at pinanood habang kumakain. Hindi ko pa din maalis sa isip ko ang nagawa ko kaya humingi ako ng sorry sa kanya.

“Ok lang yun, naiintindihan kita at iintindihin kita kasi mahal kita” ang sabi nya sa akin at hinalikan ako sa noo.

Napagkasunduan namin na susunduin ko sya sa trabaho nung gabing yun dahil pupunta kami sa despedida ng bestfriend kong si Miguel. Pagkatapos ng duty nya ay sinundo ko sya at dumating kami sa venue. Doon ay proud ako na kasama ko sya hanggang sa dumating din si Jeff.

“Oh, Jab, bakit di mo kasama si Jeff? Iba yata kasama mo ha” ang bati ng kaibigan naming si Kevin na walang ideya na wala na kami ni Jeff. Hindi ko alam ang sasabihin ko dahil sa napako ang tingin ko kay Jeff at sa kasama nyang lalaki. Nakaramdam ako ng selos at nawala ako sa focus.

“Ah eto nga pala si Max, friend ko” ang sabi ko na ikinagulat ko din. Napatingin na lang sa akin si Max at ngumiti sya. Alam ko na nasaktan sya sa ginawa ko at pinilit kong bumawi pero huli na.

Habang nasa party ay tahimik lang si Max, habang ako ay na kay Jeff ang atensyon. Sobrang selos ang naramdaman ko nung mga oras na yun. Alam ko din na halata ni Max ang nararamdaman ko, ang pagsulyap ko kay Jeff ay ramdam ko na alam nya. Maya maya pa ay nag aya na akong umuwi. Nang tumayo na kami ay saktong papaalis na sila Jeff. Hindi ko alam pero bigla kong hinatak si Jeff at inaya sa sasakyan. Hindi ko alam kung anong sumapi sa akin kaya nagawa ko yun. Nang makasakay na si Jeff ay bigla kong pinatakbo ang sasakyan. Nagulat si Max sa nangyari at nakita ko sya sa side mirror ko na nakatingin sa amin habang umaandar papalayo. Sobrang napahiya si Max sa nangyari at hindi ko din alam kung anong pumasok sa akin kaya ko nagawa yun. Alam ko pagkatapos nun ay maaaring hindi na ako balikan ni Max. Dinala ko sa isang hotel si Jeff at may nangyari sa amin nung gabing yun.

Umaga na nang makarating ako sa unit. Wala si Max doon. Malamang hindi na sya uuwi dahil sa nasaktan ko sya at sa kahihiyang inabot nya sa party. Sobrang sising sisi ako na nagawa ko yun. Kung pwede lang magrewind ay hindi ko gagawin yun sa kanya, pero nangyari na at wala akong maisip kung paano ko sya mababawi ulit. Isang text lang ang ipinadala ko sa kanya.

“I’m so sorry. Uwi ka na pls”

Kinabukasan paggising ko ay nasa unit na si Max at parang back to normal nanaman kami. Hindi ako pinakitaan ni Max ng mga sama ng loob nya sa akin. Ayaw na nyang pag-usapan ang nangyari at nirespeto ko ang kagustuhan nya. Nakalimutan ko na birthday ko pala kinabukasan at inaya ako ni Max na i-celebrate ang birthday ko sa isang restaurant na treat nya sa akin. Alam ko na dapat ako yung bumabawi sa kanya pero sya pa yung lalong nagpupursige para magkaayos kami. Sobrang Natuwa ako sa gesture nya at ipinangakong dadating ako. Hinatid ko sya sa ospital nung araw na yun at umuwi ako. Namili ako ng damit na susuotin ko at maya maya pa ay may nagdoorbell. Pagbukas ko ay binati ako ni Jeff at pumasok sya. Dito ay niyakap nya ako ng mahigpit at inaamin ko na bumalik na nang tuluyan ang nararamdaman ko sa kanya. Umiyak at nagmakaawa sa akin si Jeff na magkabalikan kami. Kahit daw maging kabit sya ay tatanggapin daw nya. Bumalik sa akin ang lahat ng meron kami ni Jeff at sa isang iglap ay nakaramdam ako na mas mahal ko pa sya kesa sa dati.

May nangyari ulit sa amin ni Jeff nung araw na yun. Dun ko narealize na mahal ko pa talaga si Jeff. Ipinangako ko sa kanya na tatapusin na ang sa amin ni Max at babalikan ko sya. Pakiramdam ko bumalik din yung dating Jab, yung Jab na masama ang ugali, yung walang pakialam sa nararamdaman ng iba at yun ang nagtulak sa akin para balikan si Jeff. Ipinangako ko kay Jeff na hahanap ako ng tamang timing para makipaghiwalay kay Max.

Abala kami ni Jeff sa kama at nakalimutan ko na may usapan kami ni Max. Dahil sa tagal ng paghihintay nya ay nagtext sya na uuwi na lang daw sya. Pero huli na at hindi pa nakakaalis si Jeff sa condo. Nag-abot silang dalawa at dito ay hindi ko inaasahan ang nangyari. Biglang bumukas ang pinto at akma namang paalis na sana si Jeff nang biglang dumating si Max.

“O may bisita pala tayo, Hi I’m Max” at iniabot ni Max ang kamay nya kay Jeff.

“Jeff” ang sabi nya at nagshake hands sila. Sa totoo lang ay hindi ko alam ang gagawin ko nung mga oras na yun.

“Jeff, kumain ka na? Tara may dala akong pasta at cake, birthday nya kasi, tara, join us?” Ang pag-aya ni Max kay Jeff.

“Thank you pero pauwi na din ako”

“Ah ganun ba, o sige hindi na kita pipigilan, it was nice meeting you” ang sabi ni Max sa kanya at lumabas na si Jeff sa pinto.

“Happy birthday” ang sabi ni Max sa akin habang papalapit ako sa kanya. Habang naglalagay sya ng pasta sa plato ko ay nakita kong tumulo ang luha nya. Hindi na nya napigilan at pumunta sya ng c.r. Nang lumabas sya ay namumula na ang mata nya pero sinabi nyang napuwing lang daw sya. Hindi ko na napigil ang sarili ko at inamin ko ang mga nangyari sa amin ni Jeff at sinabi ko din na mahal ko pa si Jeff.

Walang salitang sinabi si Max, umiyak lang sya. Umiyak lang sya ng umiyak. Hindi ako nakarinig ng masasakit na salita sa kanya. Hindi nya ako pinagbuhatan ng kamay. Maya maya pa ay niyakap nya ako ng mahigpit at sinabi nyang,

“Sorry Jab kasi hindi ako physically attractive, sorry kasi hindi ako yung tipo na kaya mong ipagmalaki sa mga kaibigan mo. Sorry din kasi pangit ako, mataba ako. Sorry kasi mahirap lang ako, sorry sorry” ang sabi ni Max sa akin. Naiyak din ako sa sinabi nya. Pakiramdam ko puro sama ng loob lang ang binigay ko sa kanya. Pero kinailangan kong maging honest sa kanya dahil sa ayoko na magkunwari sa mga nararamdaman ko at ayoko na lokohin pa sya ng mas matagal.

Tinaggap ni Max ang sinapit ng relasyon namin. Sinabi din nya na aalis na din sya agad sa condo unit. Hindi ko na sya pinigilan dahil wala na din namang saysay kung magsasama pa kami. Humingi ako ng tawad nung gabing yun sa kanya.

“Kung ano makakapagpasaya sayo ibibigay ko, pag kaligayahan mo na ang pinag-uusapan, hindi ako magdadalawang isip na ibigay yun sayo” ang sabi nya sa akin. Ramdam ko pa din ang pagmamahal at kabutihan ni Max sa akin.

Kinabukasan ay nagising ako at tumayo. Nakita ko na nag eempake na si Max. Masakit din sa akin na makita na iiwan na nya ako. Kaya lang nagdesisyon akong piliin si Jeff kesa sa kanya. Bago pa sya umalis ay iniwan nya sa akin ang isang maliit na kahon. Regalo daw nya sa birthday ko.

“Hinihintay ka na nyan. Sigurado ako, yan ang kukumpleto sayo” ang sabi nya sa akin at niyakap nya ako ng mahigpit. Hinalikan ko sya sa pisngi at nginitian nya ako. Hinawakan nya ang mukha ko at tinitigan nya ako.

“Thank you and I’m sorry sa mga pagkukulang ko sayo” at umalis na si Max. Wala akong nasabi sa kanya dahil alam ko ako ang nagkamali sa amin. Kung tutuusin ay walang pagkukulang sa akin si Max. Sadyang gago lang talaga ako at sinaktan ko sya. Hinihiling ko lang na sana makatagpo sya ng taong totoong magmamahal sa kanya, yung higit pa sa nagawa ko sa kanya.

Pagkalabas ni Max sa pinto ay naiyak din ako. Nagflashback sa akin ang lahat ng masasaya naming pinagsamahan. Umaasa ako na mas matutumbasan nito ang muli naming pagsasama ni Jeff.

Medyo nahirapan din ako nung maghiwalay kami ni Max. Nasanay kasi ako sa pag-aalaga nya sa akin. Sa mga malalambot nyang kamay na humahaplos sa akin kapag masakit ang ulo ko. Ang mga kamay nyang yumayakap sa braso ko. Yung sa tuwing hinihintay nya ako sa garden pag pauwi na ako. Nasanay akong nakikita syang nakaupo sa bench at gugulatin ko sya at magtatawanan kami. Madalas akong mapatingin sa bench na inuupuan nya dati, inaamin ko na may parte pa din sa akin na hina-hanap hanap sya. Sa tuwing dadaan ako sa spot na yun ay automatic na akong napapalingon doon, pero iba na ang umuupo doon at hindi na si Max.

Nagkabalikan kami ni Jeff at tumira na sya sa condo unit ko. Naging masaya ang pagsasama namin pero naiinis ako minsan dahil sa tamad si Jeff. Kahit na mahal ko sya, hindi ko maitatanggi na ni kelan man ay hindi nya ako inasikaso. Kadalasan ako ang nag-aalaga sa kanya. Umasa ako na balang araw ay maramdaman ko ang pag-aalaga nya sa akin.

Mahilig magparty si Jeff samantalang ako ay walang hilig dito. Hindi sya nakakatagal na hindi lumalabas ng apat na beses sa isang linggo. Dahil dun nababawasan ang oras para sa aming dalawa dahil palaging umaga na sya nakakauwi. Tulog sya sa umaga at gising naman sa gabi. Madalas ay hindi ko na sya nakakasama kaya pakiramdam ko ay mag-isa pa din ako.  Hindi namin maiwasang magtalo minsan dahil dito. Dumating din sa punto na napagod na ako sa kanya at nagkaroon kami ng matinding away. Marahil ito ang karma ko dahil sinaktan ko si Max.

Pumasok ako ng kwarto pagkatapos ng pagtatalo namin at nakita ko ang maliit na kahon na bigay sa akin ni Max na hindi ko pa nabubuksan. Napangiti ako ng makita ko ang box, naalala ko kasi si Max. Binuksan ko ang box at laman nito ang isang papel na may number, ang mga number na yun ay ang cellphone nunber ng Mommy ko na nasa Paris.

Ilang taon ko na ding pinutol ang koneksyon ko sa Mommy ko simula nung maghiwalay sila ng Daddy ko. Nagmatigas ako sa Mommy ko sa kabila ng panunuyo nya sa akin noon. Itinuro sa akin ni Max ang pagmamahal sa magulang at tinamaan ako dun. Walang pag aatubili ay tinawagan ko ang Mommy ko at nagkausap kami. Humingi ako ng tawad sa kanya at ganun din naman sya sa akin. Sa isang iglap ay gumaan ang loob ko. Pakiramdam ko kumpleto na ako dahil sa nakausap ko na ang Mommy ko na ilang taon ko isinantabi.

Naisip ko bigla si Max at nagpasya na bisitahin sya sa kanila kinabukasan. Pagkagising ko ay naghanda ako at bumili ng paboritong donuts ni Max. Nang makarating ako sa kanila ay binati ako ng Mama nya.

“Good afternoon po! Si Max po?” Ang bati ko sa Mama ni Max

“O anak napadalaw ka? Hindi ba sinabi sayo ni Max? Matagal na syang umalis mag-iisang buwan na siguro, nasa New York na sya anak, dun na sya nagtatrabaho” ang sabi sa akin. Nanghina ako sa mga narinig ko. Hindi ko alam na tuluyan na akong iniwan ni Max. Alam ko na kasalanan ko din ito. Kung hindi ko sya sinaktan ay hindi sya lalayo sa akin.

Nang makauwi ako sa unit ay nandun na si Jeff, nagsosorry sya sa akin at nagkaayos kami. Habang kumakain kami ng hapunan ay dumating ang Daddy ko, hindi ako makapaniwala sa kagaspangan na ipinakita ni Jeff sa Daddy ko habang kausap sya nito. Ni hindi man lang inaya ni Jeff ang Dad ko na kumain at parang astang walang ibang tao si Jeff nung mga oras na yun. Doon ko lang napagtanto kung bakit ayaw ng Daddy ko kay Jeff.

Nang pauwi na ang Daddy ko ay hinatid ko sya  sa lobby at humingi ako ng sorry sa mga nagawa ni Jeff.

“Ok lang anak, di mo naman kasalanan yun. Mas gusto ko pa din si Max para sayo. Alam mo ba pinuntahan pa nya ako sa bahay nung sinabi mo na inatake ako ng high blood? Dinalhan nya ako ng prutas at nag-alala sya para sa akin. Hindi ko yata nakwento yun sayo” ang sabi ni Daddy sa akin.

“Kahit mali ka nun pinagtakpan kita, kasi anak kita at tsaka ayokong magkasira kayo nun kaya sinakyan ko ang pakulo mo, sayang umalis na si Max” ang sabi ulit ng Daddy ko sa akin.

“Oo, dumaan sya sa bahay nung paalis na sya, talagang nagpaalam sya sa akin. Alam ko hindi na sya nagsabi sayo kasi sinabihan nya ako na wag ko na daw sabihin sayo” sabay tapik sa akin ng Daddy ko.

“Anak, malaki ka na. Alam mo na kung ano ang tama sa mali. Alam ko na alam mo kung saan ka mas magiging masaya” ang pahabol na mensahe sa akin ng Daddy ko habang paalis na sya.

Doon lang ako natauhan sa mga ginawa ko. Doon ko lang din narealize na si Max pala talaga ang totoong nagmahal sa akin. Kasi tinanggap nya ng buong buo ako at ang pamilya ko, sya din ang dahilan kung bakit naging buo ang pagkatao ko. Doon ko din nasabi sa sarili ko na hindi nawala ang pagmamahal ko kay Max, sa dami ng isinakripisyo nya sa akin ay kulang pa ang buhay ko kung iaalay ko ito sa kanya.

Makalipas ang ilang araw ay nakatanggap ako ng kwento tungkol kay Jeff. Hindi pala totoong internship ang pinunta nya sa Amerika. Nakipagkita pala sya sa boyfriend nyang Amerikano. Kinompronta ko sya tungkol dito at inamin naman nya ito. Sobrang nalugmok ako sa nalaman ko. Sobrang sakit nito sa akin. Nung araw na din na yun ay pinaalis ko sya sa unit. Simula noon ay hindi na kami ulit nagkita.

Buo ang loob ko na sundan sa New York si Max. Kaya naglakas ako ng loob na puntahan sya makalipas ang anim na buwan. Hindi ako nakapunta agad dahil sa hindi ko pwedeng basta iwanan ang mga negosyo ko. Hindi naging madali ang pagpunta ko doon. Nahirapan akong makakuha agad ng flight dahil sa magpapasko noon at fully booked ang lahat ng airlines kaya umabot sa anim na buwan ang hinintay ko makapunta lang doon. Kahit na ganun ay pursigido akong pumunta doon para bawiin si Max. Nang araw na paalis na ako papuntang New York ay nangako ako na kasama ko na sya pagbalik sa Pilipinas. Medyo nahirapan akong hanapin sya sa New York pero nung nagkita na kami ay halos hindi ko na sya nakilala. Sa isang iglap ay nagbago na ang panlabas na anyo ni Max. Pumayat sya ng todo at tumangos ang ilong nya. Masasabi ko na naging physically attractive si Max dahil sa ilang pagbabago sa kanya. Sinabi sa akin ni Max na nagparetoke sya para sa sarili nya at para hindi na sya makaranas ng rejection sa mga taong mahal nya.

Akala ko ay mababawi ko sya pero huli na ang lahat para sa amin. Sinabi mismo sa akin ni Max na kinasal na sya sa isang Amerikano. Nakilala nya ito habang nagtatrabaho sya sa ospital sa New York. Hindi na ako nagtaka kung bakit sa sandaling panahon ay nakahanap sya ng taong magmamahal sa kanya, hindi kasi mahirap mahalin si Max. Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang sabihin sakin ni Max na kasal na sya. Halos mamatay ako sa narinig ko. Pero nakita ko sa kanya na masaya sya sa buhay nya nung mga oras na yun kaya kahit papaano ay natanggap ko na.

Inimbita ako ni Max sa bahay nila para makilala ko ang asawa nyang si Steve. Pinatuloy nila ako sa bahay nila at kitang kita ko kung gaano sila nagmamahalan. Kitang-kita ko kung gaano nila kamahal ang isa’t isa. Sobrang sakit ang dinulot nito sa akin. Inisip ko na dapat ako yung nasa posisyon ni Steve nung mga oras na yun. Ako dapat yung kasama sa pagtulog at paggising ni Max, ako din dapat yung naghahatid at sumusundo sa kanya sa trabaho at ako dapat yung taong pinakasalan nya sa America. Pero sadyang huli na para sa amin ni Max at ang tanggapin na lang ito ang tangi kong paraan.

Sa pagbisita ko sa kanila, masasabi ko na mabait ang asawa ni Max na si Steve at wala na akong mahihiling pa para kay Max. Marahil tinototoo ng tadhana ang hiling ko para sa kanya, na makahanap sya ng taong magmamahal sa kanya. Kahit na masakit sa akin ay pilit kong tinanggap ito. Sabi kasi ni Max pag mahal mo ang isang tao ay ibibigay mo ang kahit na anong magpapasaya sa kanya, kahit na masakit para sayo. Mahal ko sya kaya natuto akong mag-let go.

Nang paalis na ako ng New York ay hinatid ako ni Max sa airport. Doon ay niyakap nya ako ng mahigpit. Isang ngiti ang ibinigay nya sa akin at hindi ko makakalimutan ang tagpong yun. Para sa aming hindi na nabigyan ng pagkakataon ay masaya kong tinanggap ang kapalaran namin.

Makalipas ang ilang taon ay masaya ako sa tinakbo ng buhay ko. Naging successful ang mga negosyo na hawak ko. Masaya ako in general pero isa lang din ang hinihintay ko, ang makilala ang taong magmamahal sa akin.

Simula nung tagpo sa amin ni Max sa New York ay wala na akong naging balita sa kanya. Hindi din kasi kami friends sa Facebook at wala na kaming kahit na anong communication. Ayoko na din kasi makagulo sa buhay nya at gusto ko na din mag move on at makahanap ng taong magmamahal sa akin.

Makalipas ang apat na taon.

Sa apat na taon na lumipas ay wala akong naging karelasyon. Siguro mas naging maingat lang ako dahil ayoko nang makasakit ulit. Hindi ko alam na binibigyan ko lang ang sarili ko ng dahilan kung bakit wala pa akong nahahanap na tao para sa akin, pero ang totoo ay si Max pa din ang nasa puso ko, marahil ay hindi ko na sya maaalis sa buhay ko, ang kaisa-isahang nagmahal sa akin ng totoo at nagpabago ng buhay ko. Siguro kung hindi ko sya nakilala ay marahil patay na ako ngayon dahil baka nalululong na ako sa bisyo o nakagawa ako ng krimen. Sa buhay natin ay totoo na may isang taong dadating at babaguhin ang lahat. Binago ni Max ang isang salbahe, waldas at walang direksyon na lalaki sa isang responsible, magalang at mapagmahal, at ako yun.

Naisip ko na ang daming naidulot sa akin simula nung naaksidente ako. Para sa akin, it was my favorite accident na nagdala sa akin kung nasaan at ano ako ngayon at dahil sa tagpong yun nakilala kong muli si Max.

Ilang buwan na lang ay ikakasal na ang pinsan kong si Chelsea na bestfriend ni Max. Sinabihan ako ni Chelsea na samahan ko si Max sa kasal.

“Bakit? Hindi ba nya kasama ang asawa nya?” Ang sabi ko sa pinsan ko.

“What? Jab, more than two years ago nang patay si Steve? Hindi mo alam?” Ang sabi ng pinsan ko at hindi na ako nakakibo.

Ilang gabi ko din inisip si Max, kung anong naramdaman nya na mawalan ng taong mahal nya. Isa lang ang iniisip ko nung panahon na yun, ang ibalik ang saya sa kanya na dala ng pag-ibig. Kahit na ilang taon na ang lumipas, masasabi ko na si Max ang aking one great love, at ngayong single na sya, gagawin ko ang lahat mapasaakin lang sya ulit, hihintayin ko ang pagkakataon na kaya na nya magmahal muli at papakasalan ko sya kahit saang bansa pa nya gustuhin.

Nang dumating ang araw ng kasal ng pinsan ko ay si Max ang una kong hinanap pero hindi ko sya nakita agad. Marahil ay hindi na sya aattend ng kasal. Nang magsisimula nang lumakad ang entourage ay nakita ko syang pumila. Kitang kita ko ang ngiti nya na nakatatak na sa utak ko. Binigyan ako nito ng kakaibang saya at hindi ko mapigilang mapangiti.

Hanggang sa reception ay hindi pa din kami nakakapag-usap ni Max. Ni hindi ko alam kung nakita na ba nya ako. Umasa ako na makausap ko sya kahit saglit lang pero mukhang hindi sumasang-ayon ang tadhana. Hindi ako makakuha ng timing na lapitan sya dahil sa madami syang kinakausap. Unti-unti ay nawalan ako ng pag-asa nun hanggang sa makapa ko sa bulsa ko ang singsing ni Max na binalik nya sa akin. Nung maghiwalay kami ay nakita ko ito na nasa drawer ko. Tinignan ko ito at binulong ko na ibabalik ko na sya sa totoong may ari sa kanya. Hiniling ko na sana pagbigyan ako ulit na mapasaya yung taong mahal ko.

Nang tapos na ang reception ay isa isa nang naglabasan ang mga guests. Tinanong ko sa pinsan ko si Max at sinabi nya na nagpaalam na ito sa kanya. Sinubukan kong hanapin si Max pero wala na sya. Malungkot akong nagpasya na umuwi na. Habang naglalakad papuntang carpark ay nasa kamay ko pa din ang singsing nang mabitawan ko ito. Dahil medyo madilim ang lugar ay hindi ko ito nakita kung saan gumulong. Habang nakayuko ako ay hindi ko napansin na may tao pala na di kalayuan sa akin.

“I believe this is mine” ang sabi nya at napatingin ako sa kanya.

Si Max, hawak nya ang singsing nya at nakatingin sa akin. Sa hindi ko maipaliwanag na dahilan ay naging teary eyed ako, marahil tears of joy na din dahil sa wakas ay nagkita na kami ng mahal ko. Ang taong nangulila ako ng ilang taon.

Hindi ako nakapagsalita agad. Para akong napipi nung oras na yun. Nakangiti lang sya sa akin. Akmang iaabot na sa akin ni Max ang singsing pero nilapitan ko sya at niyakap ng mahigpit. Hindi ko alam kung saan ako humugot ng lakas ng loob para gawin yun. Hindi ko din alam pero tila ang puso at isip ko na ang kumikilos para sa akin at walang sabi-sabi ay tinanong ko sa kanya ang isang bagay na matagal ko nang gustong malaman.

“Max, I just want to know” at hindi na ulit ako nakapagsalita agad dahil sa kaba. Tinignan ko sya sa mata nang diretso.

“…kung mahal mo pa ba ako?” at tinignan ko syang mabuti. Hinanda ko na ang sarili ko kung sakaling hindi ang isasagot nya. Pero nakita ko sa mata nya na tila sinasabi nito ang tunay nyang nararamdaman.

Hindi sya agad nakapagsalita. Kumislap ang mga mata nya dala mga luhang gusto nang tumulo hanggang sa sabihin nya na..

“Always” at isang ngiti ang gumuhit sa mukha nya.

THE END

No comments:

Post a Comment

Read More Like This