Pages

Sunday, September 25, 2016

Ang Tangi kong Inaasam (Part 3)

By: Confused Teacher

“People are opportunities. The gift is in the interaction and the connection with another person, whether it lasts forever or not.”

Josh
"Opo kuya, I love you, hindi ko alam bakit na inlove ako sayu" nahihiyang kong sagot sabay iwas ng tingin sa kanya.
 "Pero Kuya gaya ng sinabi ko ayoko pong mahalin ka, kasi may girlfriend ka na, saka ayoko sa yo kasi kuya kita."
"Pero Pat, mahirap pigilan ang pagmamahal saka alam mo namang hindi talaga tayu mag kuya. Mahal na mahal kita Pat higit sa inaakala mo."malambing niyang sabi pagkatapos haplusin ang buhok ko.
Hindi ako sumagot kasi ayokong bigyan ng daan ang mga sinasabi niya dahil alam kong ako rin ang masasaktan sa bandang huli dahil kung papipiliin ko naman siya tiyak ang pipiliin niya ang girlfriend niya. Pangarap niya ang magkaroon ng masayang pamilya na hindi matutupad kung ako ang pipiliin niya. Pumikit ako at pinilit na makatulog pero hindi ako makatulog kaya lang ayokong iparamdam kay Kuya Paul na gising pa ako dahil kakausapin lamang niya ako at lalo lamang akong maguguluhan. Nanatili akong nakatagilid patalikod na kanya siya naman ay nakatihaya at parang kinakausap ang mga glow in the dark sa kisame. Ano kaya ang sinasabi niya, maglalagan kayong lahat para magising si Patrick. O kaya ay isumbong nila kapag may ginawa akong kalokohan. Haist kung anu-ano na naman ang naiisip ko, papalitan ko na talaga ang kulay ng kisameng ito, masyadong na siyang nakakadistract sa akin.
Maya-maya naramdaman akong kiniss niya ako sa noo, gaya ng lagi niyang ginagawa.
"Good night Patrick, sweet dreams!"
Haist, narinig ko na naman ang magic words ni Kuya Paul, bakit ba pag narinig ko iyon para akong idinuduyan parang hinahatak ang mga mata ko sa pagpikit. Siguro iyon kasi ang nakasanayan kong pampatulog niya sa akin mula ng makilala ko siya. Ang sarap lamangsa pakiramdam na narito ulit siya sa tabi ko ngayon at sinasabi ang mga salitang iyon. Ilang sandali lamang tinalo na ako ng antok. Gusto ko pa sanang alalahanin ang masasayang pinagsamahan namin ni Kuya Paul pero hindi ko na kaya. Nagising ako dahil sa mahihinang ungol ni Kuya Paul. Pinakiramdaman ko siya, Binabangungot yata. May mga sinasabi siyang hindi ko maintindihan pero nadidinig ko binabanggit niya ang pangalan ko.
"Kuya, kuya, gumising ka,kuya" sabay yugyog ko sa balikat niya.
Nang magmulat siya ng mata, kinusot muna niya saka humarap sa akin. "Anong nangyari bakit mo ako ginising?" gulat niyang tanong sa akin.
"Nagsasalita ka Kuya habang natutulog, natakot ako kaya ginising kita." Sagot ko sa kanya na nag aalala pa rin. "Binabangungot ka ba?"
"Hindi. Ang ganda nga ng panaginip ko panira ka bigla mo akong ginising." Ang naiinis niyang sagot saka tumalikod sa akin.
"Bakit po Kuya, ano bang napanaginipan mo, saka bakit tinatawag mo ako sa panaginip mo?"
"Wala matulog ka na" utos niya sa akin.

"Ano nga kasi iyon kuya? Ang duga mo talaga"
"Bang kulit, o sige sa panaginip ko nire rape kita" saka siya tumawa ng mahina.
"Bastos ka nga Kuya Paul, buti na lamang pala ginising kita kung hindi sa panaginip mo pala hindi na ako virgin ang bata ko pa kaya."
Napatawa rin ako, naisip ko may pagnanasa pala sa akin ang masungit kong kuya. Hmp, hanggang panaginip na lang iyon, pero sana mapanaginipan ko rin iyon, ang gwapo kaya ni Kuya Paul. Pero paano kaya niya iyon napanaginipan. Kung tatanungin ko naman hindi rin naman tiyak niya ako sasagutin ng maayos, susungitan lamang ako. Haist makatulog na lamang ulit pero Goddess of Dreams, ipapanaginip mo po sa akin ang napanaginipan ni Kuya Paul ko. Ayy ayoko pala nong nire rape ako, ako na lang kaya ang mang re-rape, Pero imposible, ang laki ng katawan niya lagi kasi sa gym, talo ako, tiyak hindi matutuloy iyon , pero kahit ano na lang basta gusto ko siyang mapanaginipan. Kung anu-ano na naman naiisip ko. Ang hirap pa naman matulog pag ganong nagising ka ng alanganing oras. Tiningnan ko ang alarm clock sa side table 1:25 am.
"Kuya, Kuya Paul.." niyugyog ko ulit ang balikat niya.
"Ano ba Patrick ,ano na naman iyon, matulog ka na sabi." Hindi siya bumago sa pwesto niyang patalikod sa akin.
"Kuya, hindi ako makatulog" ang pagrereklamo ko.
"Anong gusto mo, ipaghehele ba kita, kakantahan kita ng sa ugoy ng duyan?" ang tila wala sa sarili niyang sagot.
"Ang corny mo  nga Kuya Paul, hindi ka magaling magpatawa, dati ko pa iyang sinasabi sa iyo," nakasimangotkong biro sa kanya.
"Oo na, sige na corny na ako, ano nga bang gagawin ko?" ramdam ko naiinis na naman siya.
"Timplahan mo ako ng milk?
“Ano!  naloloko ka na ba?”
“D iba iyon ang ginagawa mo dati pag hindi ako makatulog?
"Hindi siya sumagot.
 "Please Kuya Paul, timplahan mo na ako ng milk."
Nakita kong sinabunutan niya ang sarili niya saka tumayo mula sa kama.
"Bwisit ka nga Patrick, mabuti na lamang mahal kita kung hindi iba titimplahin ko sa iyo, iyong forever ka ng makakatulog," nagsasalita siya habang ginugulo ang buhok, saka dumiretso sa pinto. Narinig ko ang pagbaba niya sa hagdan.
"Pasensiya ka mahal mo ako, pero mahal din naman kita kaya quits lang." natatawa ko uling sabi saka ako muling nakipagtitigan sa mga glow in the dark sa kisame, Sabihin ko kayakay Kuya Paul palitan na niya ang mga ito, ayoko na ng solar system hindi naman ako astronaut, hilig ko lamang ang science pero ayokong mag astonaut. Ano kaya ang maganda? Ahh, siya nalamang ang tatanungin ko tutal siya naman ang magkakabit. Maya-maya ay pumasok ulit siya.
"Kamahalan heto na po ang gatas ninyo, sana makatulog ka na."
"Ilagay mo po muna diyan sa table kuya, baka mainit pa masyado alam kong galit ka baka kumukulo pa iyang nilagay mo diyan." Nakita ko lamang na sinamaan niya ako ng tingin.
"Kuya?"
"Ano na naman ba?" napapakamot na naman siya sa ulo niya.
"Ang sungit mo, palitan mo na kaya ang glow in the dark sa kisame, nagsasawa na ako sa solar system, hindi ako makatulog pag nakikita ko sila. Ano pa ba ang meron don sa mga binili mo dati?"
"Patrick pwede ba saka mo na isipin iyang pagpapalit ng glow in the dark alam mo ba kung anong oras na?" sinasabunutan na naman niya ang sarili niya, parang baliw na yata si Kuya Paul.
"Oo naman Kuya alam ko 1:55 am na. Bakit sira ba ang relo mo? kawawa ka naman, nakikipagdate ka na sira naman pala ang relo mo, gusto mo hiramin itong alarm clock ko? Mas maganda ito kita mo agad ang oras" nakita kong sinamaan ulit niya ako ng tingin kaya bumangon ako at ininom ang aking gatas. Uminom din ako ng tubig mula sa isang bote ng mineral water sa study table saka bumalik sa higaan. Haayy! mabuti na lamang narito ang kuya kong mabait may nag aasikaso sa akin kung wala ako mismo ang kailangang bumaba para lamang magtimpla ng milk. Pagbalik ko sa kama.
"Huwag ka ng magsasalita, matulog ka na." singhal niya sa akin.
"Haist, hindi ako papasok sa school na pinapasukan mo Kuya promise nakakasungit pala don." Hindi siya nagsalita pero dahil sa ininom kong gatas maya-maya lamang ay naramdaman ko napapapikit na ako.
Umaga na nang magising ako, wala na si Kuya Paul. Nakita ko lamang may isang message galing sa unknown number.
"Good morning Baby Pat. Have a good day. Mag iingat ka lagi. I love you".
Napangiti naman ako saka nagreply.
 "Wrong sent po kayo taga Mindanao po ako." Napapatawa ako pagkatapos kong i-send ano kaya ang iisipin non.
"Ulul, anong taga Mindanao, bago ako umalis namiss call ko na ang number ko gamit ang phone mo kaya sigurado ako number yan ni Baby Pat"
Tiningnan ko ang call history, may dialed number nga sa number niya. Haist nalimutan ko matalino nga pala si Kuya Paul, naisahan na naman ako. Nakakainis pa naman magpalit ng number ang dami mong sasabihan ng new number. Hahayaan ko na lamang na alam niya ang number ko, tiyak naman gagawa ulit ng paraan iyon para makuha ang number ko pag nagpalit ulit ako.
"Ang duga mo talaga Kuya Paul, dapat hindi ka nagmimiscol pag hindi mo phone"
"Wala ka ng magagawa kahit isang daang beses ka pang magpalit ng number, isang daang beses pa rin akong gagawa ng paraan para makuha ang new number mo" naisip ko 40 pesos ang isang SIM pag isang daan 4000 pesos.
"Hoy Kuya Paul hindi ako magpapalit ng SIM ng ganon kadami ilang T-shirt na ang mabibili ko non.
"Kaya nga huwag ka ng magbalak magpalit ng SIM, kasi sayang lamang ang pera mo. O sige na malapit na ako sa bus stop, sasakay na ako ng jeep papunta sa school. Bye na Love you Pat"
"Sige ingat ka Kuya Paul" Hindi ako nag I love You sa kanya kahit pa alam ko mahal ko siya ayoko kasing pagdating ng araw ako rin ang masasaktan. Okay lamang kung wala siyang girlfriend pero dahil may girlfriend siya hindi pwede.
Mula noon lagi kong iniisip ang mga sinabi ni Kuya. Pero wala naman sigurong masama kung mahal niya ako kaya nagpatuloy lamang kami sa ganoong sitwasyon. Hindi na rin ako nag attempt na pagtaguan siya kasi gumagawa naman siya ng paraan na mahuli ako. Minsan bigla na lamang siyang darating at tatabi sa akin kahit natutulog ako. Pagkatapos i kikiss sa ako sa noo at saka ang magic words niya. Minsan may nadidinig akong sinasabi siya bago matulog. Dahil hindi siya naniniwala na merong invisible signage , naglagay ako ng signage sa likod ng pinto na "Kuya Paul is not allowed here" pero paggising ko napalitan na niya ng "Welcome Kuya Paul" kaya nag give up na rin ako. Matalino talaga si Kuya Paul, siguro pag nag college na rin ako tatalino rin ako, mauunahan ko na rin kung ano ang iniisip niya. Saka gusto ko rin naman nasa kwarto ko siya. Hindi ko rin naman maisip na magiging masaya ako kapag wala siya. Iba pa rin yung pakiramdam pag kasama o katabi ko siya parang lagi akong safe. Kahit madalas sinusungitan niya ako ang sweet parin niya. Tama ba yun masungit pero sweet. Parang maasim tapos matamis. Ah bahala na kayong umintinde kasi kahit ako nalilito. Basta ang sigurado ako mahal ko si Kuya Paul, mahal ko siya more than my Kuya. Pero siyempre atin-atin lamang yun ayokong isipin niya na talagang patay na patay ako sa kanya.
Paul
"Pat, nakita kita sa mall last Friday, sino yung kasama mo?" tanong ko sa kanya habang nasa harapan ako ng computer at nag pe-Facebook. Siya naman ay abala sa kakakutingting ng kanyang  phone. Maaga kasi akong nakauwi noong Friday kaya bago ako umuwi ay dumaan na ako sa bookstore para bumili ng ilang gamit sa school.
"Last Friday, last Friday ah si Glen, tropa ko sa basketballan." Wala sa loob niyang sagot. Nabigla ako dahil ang Glen na iyon ay yung tarantadong nakaaway niya dati sa basketaballan sa court ng subdivision. Sobrang galit ko sa batang iyon dahil sa halip na magsorry ay sinabihan pa ako na huwag makialam.
"Pambihira, sinasabi ko na nga ba yun yung mukha ng gagong iyon e, di ba siya yung sumuntok sa iyo noong 1st year ka?" naiinis kong bulyaw sa kanya. Pero ang ipinagtataka ko ay nakangiti pa siya nang sumagot.
"Kuya Paul naman, di ka pa rin maka move on? 3rd year na ako, ang tagal na noon, dapat kinalimutan mo na yun, best friend ko na si Glen, sa kanila nga ako madalas mag sleep over. Saka mabait din sa akin ang Mommy niya, ang sasarap nga ng ipinapakain sa akin pag nasa kanila ako." nakakainis lamang na hindi niya maintindihan na ayoko nga sa pakikipag kaibigan niya sa Glen na iyon.
"Tang ina naman Patrick, ang dami ng tao sa mundo bakit naman siya pa ang kinaibigan mo?
“Ilan? Sige nga kung alam mo.”
“7.5 billion”
“Ang talino mo talaga Kuya Paul, sayang masungit ka lamang”
“Huwag mo akong gaguhin, tigilan mo ang makipagkaibigan sa Glen na yun ha”
“Bakit ba nagagalit ka sa kanya, wala naman siyang ginagawang masama sa iyo?”
“Pwede ba mag isip ka naman, diba yung tatay non yung may nadispalkong pera sa kumpanya nila tas yung kuya niya kicked out don sa pinapasukan niyang school?" Lumapit ako sa kanya para bigyan ng diin ang sinasabi ko.
"Tsismoso ka nga Kuya Paul, sabi mo po sa akin masama manghusga ng kapwa, ano ngayon ang ginagawa mo. Yung papa niya pinagbintangan lamang hindi pa napapatunayan, at iyung Kuya niya nadamay sa gulo sa school nila dahil mga barkada niya ang nanggulo pero hindi siya kasama. Saka bakit mo idinadamay si Glen sa ginawa ng Papa at kuya nya kung totoo man iyon?"
 Putek, close na nga sila alam na niya pati ang detalye ng kaso nila. Haist, Nakakainis tong taong ito.
"Wala ng tanong-tanong basta hiwalayan mo siya, maraming pwede kang maging kaibigan, at huwag ka ng mag sleep over sa kanila ha, sasabihan ko si Ninang na huwag kang papayagan o hindi pala kahit payagan ka ni Ninang basta hindi pwede, don sa amin ka matulog kahit wala ako, pumunta ka don matulog ka kung gusto mo. Saka makipagkaibigan ka sa iba, kahit sino huwag lamang iyong tarantadong iyon."
"Sira ka ba Kuya, sleep over nga e, lilipat pa ako ng bahay at pupunta sa kwarto mo tapos mag-isa lamang din ako doon e lagi ngang walang tao sa bahay ninyo dahil may trabaho sina Tita at Tito, anong gagawin ko sa inyo, guard?"
Napaisip naman ako sa sinabi ng lokong ito. Tama nga naman, pero hindi, kailangang hindi siya nakikitulog sa barumbadong Glen na iyon.
 "Saka kahit sino, e sino nga,, saka ayoko, best friend ko na si Glen, mabait siya, magaling sa basketball, mahusay sa computer, matalino, gwapo, saka..." hindi ko na pinatapos ang sasabihin ko nang bigla akong magsalita.
"Saka ano? Patrick magsabi ka nga ng totoo, may gusto ka ba sa Glen na iyon, iyong totoo?" halos maamoy ko na ang hininga niya dahil sobrang lapit ng mukha ko sa kanya. Parang biglang umakyat ang dugo ko sa aking ulo. Nakakainis talaga.
"Konti lang Kuya, hindi pa ganon kalaki, at ipinakita pa sa pamamagitan ng thumb ng index finger yung parang less than an inch."
 Tumingala na lamang ako dahil parang maiiyak na ako sag alit.
"Patrick ang sarap mong sapakin, nalimutan mo na ba hindi nga pwede, hindi ka pwedeng magkagusto sa iba, ilang ulit ko bang sasabihin iyon sa iyo?"
Napasuntok na lamang ako sa unan sa kawalan ng magagawa. Minabuti ko na lamang din na tumahimik wala naman akong magagawa sa ngayon pero aalamin ko talaga ang totoo, hindi ako papayag na magkagusto siya sa iba. Hindi ako makakapayag. Saglit na walang nagsalita sa amin.
"Kuya Paul..." tawag niya sa akin..
"Ano na naman?" singhal ko sa kanya.
"Ang sungit mo talaga, kaya ka pumapangit, buti pinapagtiyagaan ka ng girlfriend mo." Tumingin siya sa akin saka itinuloy ang pagtetext.
"Wala kang paki don, huwag mo siyang idamay sa usapang ito. Ikaw ang may problema hindi siya. " Mainit ang ulo kong sagot sa kanya.
"Okay, sabi mo e, kilala mo ba si Jairus?"
"Sinong Jairus, yun bang anak no’ng may-ari ng bilyaran? Naalala ko kasi may Jairus doon na madalas kong nakikita na barkada ng mga tambay.
"Oo, iyon nga," nakangiti niyang sagot, hindi ko alam na tumatambay na rin ang lokong ito sa bilyaran.
"O anong kinalaman no’n sa buhay mo, huwag mong sabihin na nakaaway mo iyon, tumatambay ka ba sa bilyaran?" ang naiinis kong tanong habang nakatitig sa kanya.
"Hindi ako gaya mong laging tumatambay doon, saka hindi ko po iyon kaaway kuya, tropa ko rin iyon, birthday niya bukas at invited ako gusto mo po bang sumama ha?" nabigla ako sa narinig ko, tropa nya ang walanghiyang iyon, napatayo ako at ginulo ko ang aking buhok..
"Diyos ko naman Patrick, ano ka ba naman, hindi ka ba pwedeng pumili ng kakaibiganin mo, hindi ba’t grupo nila iyong nagpapaputok ng 5-star sa harapan ng parlor sa kanto kaya muntikan ng magkasunog noong new year. Hindi ba’t nabaranggay na ang mga iyon at naareglo lamang ng tatay niya dahil binayaran yung may-ari ng parlor. Ano ba namang pumasok sa kukote mo at doon ka bumabarkada?" mababaliw yata ako, ano ba naman ito ganoon na ba kalaki ang epekto ng ilang taon na hindi ko siya nasamahan. Parang gusto kong sisihin ang sarili ko na iniwan ko siya at nag-aral sa malayo.
"Paul, Josh, baba na kayo at kakain na" boses ni Ninang habang kumakatok. Sabay lundag nya hawak ang cellphone at walang tingin-tingin na pumunta sa pinto at pagkabukas nito ay lumabas na rin. "
Ayy salamat kay Mommy." Narinig ko pang bulong niya
Sa harapan ng pagkain napansin yata ni Ninang na bad trip ako kay Patrick. "Josh ano na naman ang ginawa mo? Nagtataka niyang tanong. Saka tumingin sa akin.
"Aba Mommy, wala akong kasalanan diyan saka hindi po bad trip si Kuya nag pa practice lamang iyan sa role niya sa play nila sa school kontrabida kasi siya don kaya dapat mukang masungit. Pero Mommy bagay naman sa kanya diba, tingnan mo parang hindi siya umaarte, natural lang. Hndi ba kuya practice lang iyang ginagawa mo?"
"Oo na, kumain ka na lang diyan at huwag ka ng magsalita ang daldal mo nga. Mamaya tapos na kami parehas nariyan ka pa rin at walang nakakain."
Sinamaan ko rin siya ng tingin. Napatingin ako kay Ninang, napapailing ito pero ngumiti alam kong alam niyang may kalokohan si Patrick kaya ako naiinis.
Josh
Isang Sabado nasa kwarto ko si Glen nang biglang pumasok si Kuya Paul. Naabutan niyang naglalaro sa computer si Glen, Kita ko ang sama ng tingin niya pagpasok. Nakahiga ako sa kama at nagtetext..
"Anong ginagawa niyan dito?" tanong niya sa akin , napatayo naman si Glen nang makita siya. Kita ko sa mukha ni Glen ang takot, ang alam kasi nila ay talagang malapit na kamag-anak ko si Kuya Paul dahil sa nakikita nilang pag-aasikaso niya sa akin sa school.
"Magandang hapon po." Bati ni Glen. Hindi naman sumagot si Kuya.
"E kuya, gumawa kami ng assignment nong tapos na naglaro muna siya bago umuwi. Tapos na naman din ako e."Pagpapaliwanang ko.
"Bakit computer shop na ba itong kwarto mo, dito gagawa ng assignment at maglalaro pagkatapos, magkano ang renta ng computer, parenta din ako, open time hanggang bukas ng gabi. Dapat naglagay ka sa labas ng PC for rent." Sarkastiko niyang pahayag.
Nakaramdam si Glen kaya nagpaalam din agad pagkatapos ilagay sa bag ang mga gamit niya.
"Kuya Paul para kang ewan, hindi ka naman inaano 'nong tao, inaaway mo." Hindi siya kumibo pero alam kong bad trip.
"Hoy Kuya Paul baka kung ano ang iniisip mo, nagkakamali ka. Gumawa lamang talaga kami ng assignment."  Naiinis kong sabi sa kanya.
"Wala akong sinabi, alam mo Pat ang isda nahuhuli sa sariling bibig."
Bagamat noong mga oras na iyon hindi ko naiintindihan ang ibig niyang sabihin basta ang alam ko pinagduduhan niya na may ginagawa kaming kalokohan ni Glen. Gusto ko siyang suntukin dahil alam kong naghihinala siya na may ginawa kami. Wala naman talaga, pero bahala nga siya .Hay, ang Kuya ko pogi nga malisyoso naman.
Sa paglipas ng mga araw nanatili ang pagpaparamdam ni Kuya Paul sa akin ng pagmamahal niya. Natutuwa ako sa mga nakikita ko pero hindi ko parin maiwasang matakot kung tutugunin ko ang pagmamahal na iyon. Hindi ako naniniwalang mas mahal niya ako nang higit sa girlfriend niya dahil hindi naman niya kayang iwan ang girlfriend niya. Pero hindi naman masamang subukan. 
Biyernes ng gabi gaya ng nakagawian namin sa kwarto ko siya natulog. Hindi pa rin ako makatulog at ilang oras ng nakikipagtitigan sa kulay blue kong kisame at sa walang kwentang glow in tha dark. Hindi siya pumayag na palitan ang kulay ng kisame ko dahil wala naman akong maibigay na maayos na dahilan bakit kailangang gawin iyon. Hindi rin naman ako makasuway sa gusto niya sa edad kong iyon alam kong tama naman siya at nakagawian ko pa rin ang sumunod sa kanya kahit minsan ay naiinis ako, siya pa rin ang Kuya Paul ko at alam kong mas alam niya ang tama kesa sa akin. Pero pinalitan niya ang mga glow in the dark kahit nagdadabog habang ginagawa iyon. Ibat ibang shapes lamang ang nilagay niya. Ako naman ay basta lamang nanonood sa kanya, kahit nga pinapahawakan niya ang hagdan ay nagkukunwari lamang akong nakahawak pero hindi naman.
"Huwag kang mag-alala Kuya Paul, pag nahulog ka naman tiyak sa baba ka babagsak diba?Hindi ka naman mahuhulog nang pataas." Pag loloko ko sa kanya.
"Sinasabi ko sa iyo Patrick, masasapak talaga kita pag nahulog ako, huwag kang magpatawa, gumagalaw ang hagdan," pagalit na sagot niya.
"Hindi po ako nagpapatawa Kuya Paul, serious ako kaya ikaw ang tumigil diyan, natatawa ka kahit walang nakakatawa." Pero sinimangutan niya ako kaya itinuloy ko na lamang ang pagtetext.
Maaga siyang nakatulog marahil dahill sa pagod sa biyahe kahit kinukulit ko mahinang sagot lamang ang nadidinig ko maya-maya ay hindi na nga nagsalita. Wala akong magawa, wala ring makausap, nakita ko ang cell phone niya sa tabi ng phone ko sa side table. Inabot ko ito at binuksan. Makikinig ako ng sounds. Hindi ugali ni Kuya ang ang mag lock ng phone niya. Nagbukas muna ako ng messages, sanay na si Kuya Paul na pinapakialaman ko ang phone niya, hindi issue sa kanya iyon kahit ang phone ko pinapakialaman din niya, nakita ko ang text message ni Dianne, alam kong siya ang girlfriend ni Kuya kahit naman kasi hindi namin pinag uusapan iyon nababanggit pa rin niya minsan kapag tinatanong ko siya kung saan siya nanggaling at nadudulas siya sa pagsagot. Hindi kasi sinungaling si Kuya Paul, lagi siyang nagsasabi ng totoo.
"Babe, sa mall na lamang tayo magkita bukas, may bibilhin din kasi ako saka na tayo tumuloy sa sinehan, luv ya!" ito ang nabasa kong text na sinagot naman ni Kuya Paul
 "Luv u more, c u baby"
"Hmp, ang corni nyo pareho, mga pangit kayo." naiinis kong bulong sa phone. Nang biglang may parang nagbulong akin ng isang magandang idea.
Umaga, sinilip ko ang alarm clock, 9:00am, Di yon nag aalarm kapag weekend. Tulug na tulog pa ang kuya kong pogi.
 "Ahh, ang sakit ng ulo ko, Kuya Paul, Kuya Paul, ang sakit ng ulo ko." Sabay siko sa kanya dahil nakasapo sa ulo ang dalawang kamay ko. Naramdaman ko siyang bumangon at naupo sa kama.
"Pat, Patrick, anong nangyari sa iyo, bakit, anong nararamdaman mo?" natataranta niyang tanong sabay dampi ng likod ng kamay niya sa leeg pagkatapos ay sa noo ko. Hindi ako sumagot.
"Patrick, diyan ka lang ha, maghahanap ako ng gamot, teka ano bang pwedeng ipainom sa iyo, wala ka namang lagnat, " naramdaman kong lumabas siya ng pinto. Maya-maya ay bumalik din.
"Putek, wala si Ninang, si Carol lamang ang nasa tindahan. Ano bang gagawin ko, masakit pa ba ang ulo mo, ano pa iba mong nararamdaman, Gusto mo bang dalhin kita sa ospital? Gusto mo bang kumain muna, Baka nagugutom ka lang?" sunud-sunod ang tanong niya at halatang natataranta.
"Huwag na po Kuya Paul, parang ang sakit ng buong katawan ko baka lamang tatrangkasuhin ako. Ahh, ang sakit talaga ng ulo ko." Muling daing ko.
"Sigurado ka ba na ayaw mong magpadala sa ospital, bakit naman kasi ngayon pa wala si Ninang, Pat, pag hindi nawala ang pananakit ng ulo mo kahit ayaw mo dadalhin kita sa ospital ha, pakiramdaman mo munang mabuti. Ayaw mo ba talagang kumain?"
"Kung may sabaw kuya, sabaw lang, parang ang pait ng panlasa ko kasi" Alam kong tinola ang ulam namin kagabi kaya tiyak meron non sa ref."
"Sige ipag-iinit kita tiyak may tira pa nong ulam natin kagabi." Bumaba siya at saglit lamang ay pumasok din.
"Iniinit ko na, babalikan ko na lamang maya-maya. Kumusta ka na, hindi pa rin ba nawawala ang sakit. Nakahawak siya sa kamay ko habang sapo ko ang aking noo at nakapikit. Umiling lamang ako. Nang biglang tumunog ang phone niya. Agad niya itong inabot sa tabi ko mula sa side table. At pumunta sa may pinto ng CR saka mahinang nagsalita.
"Yes baby, oo narito pa rin ako sa bahay."
"Senxa na hindi ako makakaalis ngayon, masama ang pakiramdam ni Patrick"
'Yeah, I know, pero sana maintindihan mo rin, hindi ko siya pwedeng iwan, lalo pa ngayon na wala siyang kasama."
"Oo alam ko iyon, pero may sakit nga siya, hindi ko na nga alam ang gagawin ko, natataranta na ako dito sana naman maintindihan mo iyon, huwag mo na sanang dagdagan." Saglit na hindi siya nagsalita.
"Hindi pwede iyon, marami pa namang pagkakataon, hindi talaga ako pwede ngayon, sorry pero hindi ko siya pwedeng iwan."
"Thank you baby, babawi na lamang ako sa susunod, luv u."
At natapos ang pag-uusap nila. Lumapit ulit siya sa akin.
"Kuya Paul, kung may lakad ka po, sige iwan mo na lamang ako. Okay lamang po ako dito." mahina kong sabi nang maupo siya sa tabi ko.
"No Patrick!, hindi kita iiwan, dito lamang ako, hihintayin kong gumaling ka, hindi ako pwedeng umalis ng ganyan ka." Madiin niyang sabi.
"Pero Kuya Paul mamaya lamang darating na si Mommy"
"Tumigil ka na Patrick, sa ayaw mo't sa gusto dito lamang ako sa tabi mo hindi ako aalis, naintindihan mo, dito lamang ako, kahit pa dumating si Ninang hindi ako mapapakali kung alam kong ganyan ka tapos malayo ako sayo, saglit lang baka mainit na yung sabaw."
 At lumabas ulit siya. Ano yun mas mahal niya ako kesa kay Dianne, pinili niyang huwag siputin si Dianne para lamang sa akin? Sabi niya mahal niya ang girlfriend niya pero mas pinili naman niya ako. Haist, Kuya Paul lalo mong ginugulo ang isip ko. Pero ang galing kong umarte napapaniwala ko siyang may sakit ako. Lihim akong napangiti pero kailangan ko pang ipagpatuloy ang pag-arte kasi baka masapak ako ng Kuya Paul ko pag inamin ko sa kanya na wala akong sakit. Pero nakakaaawa si Kuya Paul hindi ako sanay nagsisinungaling sa kanya.
Buong araw magkasama kami ni Kuya Paul sa room kahit nang dumating na si Mommy, hindi pa rin nga siya umalis, pati kay Mommy, umarte na rin ako pero hindi ako pumayag dalhin sa ospital dahil malaking gulo iyon. Hindi ako pwedeng magsinungaling sa doctor. Hinayaan ko na lamang alagaan ako ni Kuya Paul. Pinapainom naman niya ako ng gamot pero iniipit ko lamang sa dila ko at niluluwa pag hindi na siya nakatingin. Pati sa pagkain ay sinubuan niya ako. Naisip ko napakalaki kong sinungaling at first time kong ginawa iyon kaya natatakot ako. Nakatulog ako at nang magising ako nakita ko lamang si Kuya Paul na malungkot na nakatingin sa akin. Gabi na noon kaya nagpasya akong tapusin ang pag arte ko.
"Kumusta ang baby ko, ayus na ba ang pakiramdam mo?" may pag-aalala pa rin niyang tanong.
Tumango lamang ako, saka bumangon, parang totoong sumakit ang katawan ko sa maghapong pagkakahiga. Kailangang ma stretch mga muscles ko.
"Teka, teka naman, dahan-dahan naman kung maka kilos ka naman para wala kang sakit ah, baka kung mapaano ka niyan." Hinawakan niya ako sa braso at inalalayan. Kita ko pa rin ang pag-aalala sa mga mata niya. Haist ang Kuya Paul ko talaga ang daling utuin. Sayang gwapo pa naman at matalino pero ang daling maloko. Sabihin ko kaya sa kanya ang totoo. Ayy! 'wag baka bigla akong batukan, mabuti nga ito maghapon niya akong hindi sinusungitan.
"Chill, Kuya Paul, maayos na ang pakiramdam ko iihi lamang ako. Don't worry hindi ako tatakas kung iyon ang iniisip mo."
Nakangiti ako habang nagsasalita at nakatingin sa muka niya. Ang gwapo talaga ni Kuya Paul. Nakita ko naman na kumunot ang noo niya pero hindi nagsalita. Kaya tumuloy na ako sa CR at umihi saka inunat ang braso ko at pasuntuk-suntok sa hangin. Ramdam ko naman ang paglagutok ng mga joints ko.
Minsan isang Sabado, gaya ng dati mas nauna siyang nagising sa akin. Nasa kusina siya nang bumaba ako. Nagluluto na.
"Good morning Baby Pat, halika na tamang-tama ready na ang breakfast" nakangiti niyang bati sa akin. Nakita ko siyang sumasandok ng fried rice.
"Kuya Paul, hindi nga Pat ang pangalan ko, ang hirap mo kayang turuan, masyado kang slow, isa pa hindi na ako baby" Sinimangutan ko siya,
"Iilang araw lang maaabutan ko na iyang ipinagmamalaki mong 5' 9" mong height." Naiinis kong sagot sa kanya. Pero noon pa niya sinabi na 5’ 9” ang height niya parang mas tumangkad pa siya.
"Nakupo, ang aga ng uwang, bakit kaya hindi umalis ang mga uwang na iyan kagabi, diyan ba sila natulog?" muling pagpapatawa niya saka kunwari ay may hinahanap sa ulo ko.
"Nasaan kaya ang mga iyon?"
"Ang corny mo pa nga rin kuya, kaya hindi mabenta mga jokes mo, don ka na nga sa bangko mo." At tinabig ko ang kamay niya.
"Sabi mo masungit ako, mas masungit ka kaya, kahit umaga pa lang masungit ka na." nakangiti niyang sabi habang inililipat sa pinggan ang niluto niyang hotdog.
"Wag ka ng magsalita, bawal kang magsalita." Tinusok ko naman ng tinidor ang isang hotdog saka mabilis na kinagat.
"Putek Kuya Paul, ang bad mo bakit hindi mo sinabing napakainit pala nito, sabay luwa ng nakagat ko ng hotdog sa aking pinggan. Kita ko naman na nagpipigil siya ng pagtatawa.
"Kuya Paul, isusumbong talaga kita kay Mommy, ang salbahe mo nga, bad trip ka talaga bakit ka ba ganyan, pinagtatawanan mo pa ako" ang nainiis kong reklamo sa kanya.
"Di ba sabi mo bawal akong magsalita, hindi mo naman sinabing bawal din akong tumawa hindi ba? Kung hindi mo ako pinagbawalang magsalita sasabihin kong kakahango ko pa lang ng hotdog e binawalan mo ako anong magagawa ko?" at tuluyan na siyang napahagalpak. Pero inabutan ako ng tubig.
"Ayan o uminom ka muna ng mawala ang init pati init ng ulo mo."
Sinimangutan ko lamang siya. "Makakaganti rin ako sa iyo Kuya Paul, napakasama mo nga."
Mabilis akong uminom ng tubig saka ko kinuha ang pinggan niya na may sinangag at fried egg. Alam kong nabigla siya sa ginawa ko pero hindi siya nagsalita. Naghiwa siya ng hotdog at nilagay sa pinggan ko gaya ng dati niyang ginagawa kapag pinapakain ako, hindi ako kumibo basta kinakain ko ang nilalagay niya. Hindi ko pa rin tinitingnan ang mukha niya. Natapos kaming kumain na hindi nag-uusap. Naghugas siya ng pinagkainan namin kahit ako dapat ang gagawa noon dahil alam niyang bad trip ako ay nagkusa na siya. Nakaupo lamang ako at pinapanood siya. Napapatawa rin ako sa nangyari, kung tutuusin wala naman siyang kasalanan, nakita ko naman na nagluluto siya nang lumapit ako saka binawalan ko naman talaga siyang magsalita. Pero kahit na kasalanan pa rin niya iyon.
"Galit pa ba ang baby ko?" masuyo niya akong nilapitan pagkatapos magtuyo ng kamay.
"Ewan ko sa iyo, bad trip ka nga talaga." Inalis ko ang kamay niya na nakapatong sa balikat ko.
"Sayang naman, may surprise pa naman ako sayu. Pero hindi bale na lang galit ka pa rin e." Kunwari ay nagtatampo niyang sabi saka tumalikod. Kilala ko si Kuya Paul pag sinabi niyang surprise tiyak na matutuwa talaga ako at hindi ko iyon pwedeng palampasin.
"Kuya naman kasi e, pag hindi mo sinabi kung ano yun talagang magagalit ako sa iyo."
 Sabay hatak sa damit niya, at napatawa naman siya saka muling ginulo ang buhok ko.
Nang makita niyang nakangiti na ako hinawakan ang kamay ko papunta sa pinto. Hinayaan ko lamang siya. Pagbukas namin ng pinto nasa harapan ng terrace ang isang bagong motor.

No comments:

Post a Comment

Read More Like This