Pages

Sunday, September 25, 2016

Sigaw ng Pugad Lawin (Part 15)

By: Bobbylove

“Ang muling pagtatagpo”

(Ang pagpapaalam ay hindi laging nangangahulugang katapusan, Minsan senyales ito ng isa’ng mas magandang bukas.)

*************************

Love seems to be very elusive for me nung mga panahong iyon. Aaminin ko, I almost lost my faith na may darating pa’ng para sa akin despite of my preference; for a time ay sinumpa ko’ng naging isa ako’ng bakla; salamat nalang dahil despite of my inhibitions and doubts may mga tao pa rin sa paligid ko who helped me na ma-conquer yung mga takot ko and to accept and embrace the real me. Sila yung mga tao who would always reminds me na hindi kapansanan yung pagiging bakla, na kahit hindi man tanggap ng majority ay may space pa rin sa mundo to experience all the good things that the world offers.

For the past weeks ay naging busy ako sa mga gawain sa org pati na rin sa mga academic stuffs. Being the team leader at the young age (I’m younger kasi than my teammates except for Patrice) ay sobra’ng nakaka pressure lalo’t last year ko na to join that particular contest at the same time medyo intimidating din, ang hirap kasi mag lead sa isang group ng mas matanda sa iyo. Naging team leader lang naman ako dahil na experience ko na yung nationals sa mga nagdaang taon eh but it doesn’t mean na mas matalino o mas magaling ako sa kanila. (‘cause honestly I’m just an average student, masipag lang talaga ako kaya medyo nag sha-shine) yung pagiging busy ko had a positive impact sa akin, mas na motivate ako na Manalo and it helped me to forget my pain. Nag aalala ako dati kung kaya ko mag move on and I never thought na magiging sobrang dali pala nun sa akin.

Hindi naman sa nalimutan ko na lahat ng masasakit na nangyari, of course habang buhay ko ng dala-dala iyon, pero hindi na iyon ganoon ka bigat sa loob ko. I don’t know if nagawa ko ng supilin yung damdamin ko para kay kumag (Hindi ko na kasi naiisip yun noon) at hindi ko rin alam kung makakaya ko na ba siyang harapin, isa lang kasi yung malinaw sa akin maraming nagmamahal sa akin at hindi ko na hahayaang masaktan niya ako uli.

*****************

Matapos mag check-in sa isang mumurahing hotel sa Makati at makapaglunch sa isang fastfood chain ng isang malaking insekto ay agad kaming tumungo ng adviser ko sa hotel kung saan gaganapin ang competition. That’s actually the reason why we choose to book an early flight; before kasi natapos ang orientation ay nagbilin ang organizing body na mag me-meet muli ang mga team leaders 1pm a day before the registration (Yung mga advisers had their own meeting sa ibang room).

Papunta pa lang ako sa hotel ay may ilang text na ako’ng natanggap mula kay Jude, informing me na baka ma-late siya ng konte, he needs to buy something daw. Hindi ko na siya kinulet kung ano yung bibilhin niya baka kasi masyadong personal at ayaw niyang ipaalam. I just told him na, on the way na ako kahit na ang totoo ay nag re-ready palang ako nun.

Pagdating namin sa hotel ay mabilis ko’ng nilapitan ang receptionist para itanong kung saang particular na room gaganapin ang meeting, mabilis naman niyang tinuro iyon at sinabi pa’ng nagsimula na daw ito few minutes ago. Pinasulat muna ng receptionist ang pangalan ko sa logbook ng organization na kinabibilangan ko, nakaharap ako nun sa counter at payapang nagsulat. Yung adviser ko naman ay nauna na, dun lang kasi sa orientation room na ginamit namin dati yung meeting nila.

“Hi…” narinig ko’ng sabi ng nanginginig na boses sa likuran ko.

Nung lingunin ko’y aking nasilayan ang itsura ng lalaking minsan ng naging parte ng pagkatao ko. Hindi ko alam kung kagagaling lang niya sa kaniya’ng klase, linggo kasi noon pero suot niya ang P.E. uniform ng kanilang university. Mukha rin siyang pagod na pagod at halatang minadali niya ang pagpunta roon. Saglit ako’ng nawala sa sarili, yung isip ko’y parang mabilis na naglakbay pabalik sa nakaraan.

Nung magtama ang aming mga paningin ay saka ako nakaramdam ng matinding kabog sa aking dibdib. Ramdam ko’ng kahit siya’y kinakabahan din, kitang-kita kasi iyon sa kanyang mga mata’ng parang naluluha at sa kanyang kilos. Nakatayo lang siya noon at halos hindi alam ang gagawin. Naiinis ako noon sa puso ko, mukhang nahawa na nga sa utak ni kumag – bipolar.

“Sir, bilisan niyo na po. Late na po kayo.” Sabi ng babae sa harapan namin ni kumag.

“Ay, opo miss.“ sagot ko, saka minadali ang pag fill up sa logbook. Hanep naman kasing logbook yun mukha naman kasing slumbook sa dami ng kailangang sagutan.

Nung matapos na ako’ng mag sulat sa logbook ay agad ko na ring nilisan ang front desk upang tumungo sa room kung saan kami mag me-meeting, ni hindi ko man lang noon nilingon si kumag. Kinakabahan kasi ako sa tuwing nakikita ko ang mukha niya.

Naka ilang hakbang na ako ng muli ko’ng marinig ang boses niya’ng tinawag ang pangalan ko. I don’t know pero may dalang kakaibang pakiramdam ang pagtawag niya sa puso ko, muli ko naramdaman yung kakaiba nitong tibok na parang nag pifiesta. Saglit ako’ng napatigil, hinawakan ko ang dibdib ko (sa bandang puso), sa isip ko’y ayaw ko sa pakiramdam na iyon. Ayaw ko ng maramdaman iyon, subalit naroon na at tinutukso na naman ako ng hibang ko’ng puso.

“Bob?” narinig ko siya ulit.

Mabilis ko siyang nilingon na may blanko’ng expression sapagkat labis akong naguguluhan sa aking nararamdaman. “Yes? Is there anything you need from me?” casual ko’ng tanong; sakabila kasi ng dumadagundo’ng ko’ng puso ay gusto ko mag set ng impression na maayos ako’t nakalimutan ko na siya.

Muli ko na namang napagmasdan ang mga malulungkot niyang mata. Hindi ko alam kung bakit, pero batid ko’ng apektado siya sa reaksyong pinapakita ko sa kanya. Marahil inaasahan niya yung galit na Bob; yung Bob na iiyak na naman sa tuwing titigan siya; yung Bob na laging nagpapakatanga.

Matagal-tagal ko rin siya noong napagmasdan, ang tagal kasi niya’ng sumagot. Noon ay napansin ko’ng bagong gupit si kumag, mas umikli yung maitim at malalago niyang buhok. Bagay sa kanya yung bago niyang gupit mas bumata kasi yung itsura niya. Matagal na napako ang aking mata sa kanyang mga labi, hndi ko alam kung bakit pero parang ginuguhit ng puso ko sa aking isipan ang itsura ng labi ng kauna-unahang lalaking hinalikan ko.

“Ahmm… Bob.” Kitang-kita ko kung paano mautal yung mga labi niya nung banggitin ang pangalan ko.

“Kilala mo ako?” hindi ko naman binalak na magpanggap na may amnesia, it was actually my way to remind him na may usapan kaming kalimutan ang isat-isa.

Natulala lang siya.

“Sir? Kung wala na po kayong sasabihin, aalis na po ako, late na po kasi ako sa meeting namin.”

Hindi man lang nagbago ang expression ng mukha niya. Nanatili siyang nakatanga hanggang sa tumalikod na ako’t nag simula’ng maglakad ulit palayo.

“Bob.” Hirit niya ulit.

Bumuntong hininga muna ako bago uli lumingon sa kanya. “Sir, sorry pero late na po talaga ako eh…”

“Ahmm… Bob…”

“Po? Nagmamadali po ako.”

“Ahmmm yung…” sabi niya habang tinuturo yung kaliwa ko’ng kamay. “Yung ballpen.”

Dagli ko’ng tiningnan ang hawak ng kaliwa ko’ng kamay, at oo nga, dala-dala ko ang ballpen ng receptionist. “Hindi mo naman kasi agad sinabi.” Mabilis akong bumalik sa front desk at pinatong ang hawak ko’ng ballpen sa ibabaw ng counter saka mabilis na humakbang palayo sa kanya...

***********************

Nag-uumpisa na ang meeting nung makapasok ako sa kwarto. Halos magkapareho lang naman ang itsura nun at yung ginamit namin sa orientation maliban sa medyo mas malaki ng konte yung huli. Pagkapasok ay malayang naglakbay ang aking mga mata, naghahanap ng pwedeng maupuan at siyempre chineck ko na rin kung naroroon na si Jude. Kahit na nasa malayo ay kitang-kita ko ang nakatalikod ko’ng pakol, nakaupo siya sa may bandang harapan ng room katabi niya sina Jayson at Owen. Gustuhin ko mang lapitan siya ay tinamaan na ako ng hiya dahil sa mukhang seryoso sila sa kanilang pakikinig at ayaw ko namang makaistorbo.

At dahil sa wala na rin naman ako’ng choice dahil sa halos lahat ng upuang nasa harapang bahagi ay occupied na, ay minabuti ko ng maupo sa pinakahulihang line ng mga upuan.

Ilang segundo na akong nakaupo ng mapansin ko’ng palinga-linga si Jude na parang may hinahanap. Ilang saglit pa’y nag message alert ang phone ko, si Jude tinatanong kung nasaan na ako’t nagsisimula na daw ang meeting. Noong mabasa iyon ay yumuko ako para ikubli ang sarili sa kanya, hindi ko alam kung bakit ko ginawa iyon, natutuwa kasi ako na makitang nag aalala siya sa akin.

“I can’t come… I’m not feeling well… sorry….” Reply ko sa pakol ko.

“Huh? Akala ko ba papunta ka na kanina?”

“Oo nga, pero bigla sumama ang pakiramdam ko eh…”

“Are you okay? Nasaan ka ngayon?”

Mag rereply pa sana ng bigla niyang tinawagan ang phone ko. Pero sa halip na sagutin ay ni-reject ko lang ito.

“Hoy! Sagutin mo! Nasaan ka?”

“Makinig ka nga diyan! Ang OA mo!”

“Ayos ka lang ba? Baka kailangan mag pa ospital ka na.”

“OA talaga! Makinig ka diyan, may nag lelecture sa harap mo oh.”

“Nasaan ka ba?”

“Tingin ka sa likod!”

Dagli naman siyang sumunod at noong makita niya ako’ng kumakaway ay biglang naningkit ang mabibilog niyang mata. Nagkukunwari siyang naiinis sa ginawa ko’ng pang-uuto sa kanya.

Nilabas ko lang yung dila ko, sinusubukang mas asarin pa lalo yung pakol ko. Pero hindi ata umepekto, mas nagpacute lang yung loko sa pamamagitan ng pag me-make face. Mukha siyang engot noon pero wala eh, bentang-benta sa akin yung kaengutan nung lalaking iyon eh.

Maya-maya pa’y nagpakawala na naman ng matamis na ngiti yung pakol ko, yung ngiting parang sinasabing ‘hoy, ngiti ka rin!’ o ‘Hoy, miss kita!’ sinabayan pa niya iyon ng pamatay na kindat, bago tumalikod uli sa akin.

“I love you.” Text niya uli.

“Sira ulo!” pakipot kong sagot.

“Hehe, ang three hours hug ko ha.”

“Asa ka pa!”

Bigla uli siyang lumingon sa akin, at sinusubukan na naman ako’ng daanin sa pagpapaawa. Bagsak na bagsak noon yung mukha niya habang nakanguso, at pinipilit niyang magmukha’ng parang naiiyak yung mga mata niya. Sanay na ako doon sa itsurang iyon, yung parang bata’ng hindi nabigyan ng candy o naputukan ng lobo ilang beses na rin niya kasing ginamit iyon sa akin na never pa namang pumalpak.

“Tigilan mo yan, mukha ka’ng timang diyan!” text ko sa kanya.

“Pa hug lagi ko.”

“Ayaw ko nga.” Dinilaan ko uli siya.

“Humanda ka mamaya, ‘di ka rin naman makakatakas sa akin!” nandila na rin siya.

“Pakol ka!”

“Ka gwapo ra nako nga pakol uy!” sabay pakawala ng isang Mr. Pogi pose, at pilit na pinapungay ang mga mata. Paulit-ulit lang siyang nag popose ng kung anu-anong pa pogi noon ng biglang “Mr. David! Ms. Cheng! This is not the right time para sa ligawan!” bulalas ng babaing nag lelecture sa harapan. Inakala niyang si Nicole Cheng na nasa harapan ko yung pinapapugian ni Jude. (Actually, doon lang namin nakilala si Nicole, hindi kasi siya nakasali sa orientation.)

Halos sabay-sabay namang dumapo ang mga tingin ng iba pa naming mga kasama sa dalawa.

“Ma’am it’s not me!” pagtanggi ng babaing na damay.

“Then who? Alangan namang si Mr. Aragon.” Sabay tingin sa akin ng lecturer.

Siyempre maang-maangan mode agad ako. Nagkibit balikat lang ako at umingos-ingos na parang hindi talaga alam ang nangyari.

“Mr. Aragon?”

“Ma’am, hindi po ako. Hindi ko nga po kilala yan eh.” Pabiro ko’ng sagot, sabay bigay ng nakakalokong tingin kay Jude na mukhang nainis sa narinig na sinabi ko.

“Ayyyyyy…” hiyawan ng mga kasama namin.

Mukhang hindi nga nagustuhan yun ni Jude kaya agad siyang tumayo at binulalas sa lecturer yung totoo. “Ma’am its Bob. Ayaw niya po kasing mag pa hug mamaya!” tuloy-tuloy niyang sabi.

Napuno ulit ng hiyawan ang kwarto, pati yung naglelecture ay hindi na rin naitago yung pagkaaliw sa sinabi ni Jude. Ako nama’y parang binuhusan ng malamig na tubig sa ginawa ni Pakol, sobrang nakakahiya at nakakaasar.

Nung tingnan ko uli siya’y nakangiti na siya at bigla ulit ako’ng kinindatan.

“Hug mo na Bob!” panunukso ni Owen. Na sinundan naman ng masigasig na hiyawan ng aming mga kasama. “Hug na! hug na! Hug na!”

“Enough everyone. We don’t have all the day. Bob and Jude, this is not the right time para magligawan, okay?” nakangiti niyang sabi. “Ikaw?” pagpapatungkol niya sa taong nasa dulo ng kwarto. Halos buong kwarto ata ang lumingon sa kinaroroonan ng taong tinawag ni Ma’am Jo (yung lecturer) at noon ay nasilayan namin si Richard, hindi ko alam kung ilang minuto na siyang naroroon masyado kasi kaming naging busy sa kaengutan ni Jude. Naka pulang T-shirt na siya noon, mukhang nagpalit pa siya ng damit bago tumuloy sa meeting.

“Look for a seat Mr. Oquendo.” Si Ma’am Jo, bago tinuloy muli ang naunsyaming lecture.

Nakaramdam na naman ako ng pagka awkward, yung idea kasi na nasa malapit lang si Kumag ay binabagabag na naman ako. I really thought na okay na ako, na kaya ko na… pero hindi eh, ang hirap pa rin pala. Maaari niyo makalimutan yung hapdi pero hinding-hindi yung naging sanhi nito, kasi kahit na naghilom na yung sugat may marka o peklat pa rin na magpapaalala sa iyo na minsan ka’ng nasaktan ng sobra.

“Hi…” bati sa akin ni kumag na hindi ko lang pinansin. I tried the hardest na mag focus sa nag lelecture.

“Ahmmm… Can I seat hear?” pagpapatungkol niya sa upuan sa tabi ko. Yung linya ng upuan namin nalang yung available kaya wala na rin ako’ng choice kundi ang hayaan siyang gamitin iyon.

“Hindi naman akin yan, nakikiupo lang din ako dito.” Casual ko’ng sagot.

Napalunok muna siya ng laway bago umupo sa tabi ko.

Ang awkward ng moment na iyon sa aming dalawa. Oo pareho kaming na aawkward, batid ko kasi’ng hindi rin siya komportable sa nangyayari.

“Ahmmm… kamusta?” simula niya ulit.

“Nanliligaw na pala sa iyo si Jude?”

“Pakialam mo?” sa isip ko.

“Kamusta nga pala yung biyahe?”

“Itanong mo dun sa piloto!” sa isip ko ulit.

“Ahmmm… nagtatampo sa iyo si Ron…. Pati si Jubie… hindi mo raw sinasagot yung mga tawag nila…” ramdam ko yung kabang pilit kumakawala sa boses niya.

Inignore ko lang pa rin.

Narinig ko yung pagbubuntong hininga niya. “Bob, ayos ka lang?” malamang napansin niya ng nababagabag na ako.

“Kanina ayos ako, ngayon hindi ko na ako sigurado.” Sa isip ko ulit.

“Bob?” dinakma niya yung kamay ko’ng nasa itaas ng lamesa. Para namang may kung anong kuryente na dumaloy sa katawan ko, dahilan para agad ko’ng ilayo ang kamay ko’ng hinawakan niya.

“Ano ba!?” padabog ko’ng sabi.

Ngumisi si kumag habang nakayuko. “Ikaw pa rin nga si Bob.”

Napalingon lang ako sa kanya na naka salubong ang mga kilay, hindi ko kasi na gets yung sinabi niya.

“Ganya’ng-ganyan ka nung una tayong magkita. Sobrang init ng dugo mo sa akin.” Nag giggle siya ulit. “Do you remember nung unang beses na magkatabi tayo? Nung tuksuhin kita’ng nagagwapuhan ka sa akin? Na crush mo ako? Na aalala mo ba yung ginawa mo sa akin? Inapakan mo yung paa ko.” humagikgik siya ulit. “Asar na asar ka sa akin noon, ang cute-cute mo.”

“I don’t remember anything.” Malamig ko’ng tugon, sabay alis ng mga tingin sa kanya.

“You don’t remember anything?” paguulit niya sa sinabi ko. “Eh yung, natulala ka’ng nakatitig sa mukha ko? Naalala mo ba? Kasi ako hindi’ng hindi ko makakalimutan yun bob, yun kasi yung panahon na napagmasdan ko ang mukha ng taong bubuo uli sa pagkatao ko.” (Ganyang-ganyan ang sinabi niya, English version lang)

“Shut up! Nandito ako para makinig kay Ma’am Jo!”

“Sorry.” Bulong niya.

Hanep diba? Pasimula pa lang uli ang journey ko sa manila may matinding pasimula na rin si kumag. Nakakabwisit kasi parang wala na siyang ibang mapagtripan. Gagaguhin na naman ata niya ako, pero pasensya siya hindi’ng hindi ko na papatulan yung mga pautot niya.

Tahimik na kaming nakinig sa mga lecture at instruction ni Ma’am Jo. Doon na rin binigay yung magiging schedule namin sa buong lingo. Monday yung registration and technical testing, Tuesday ang student’s night (a separate event for the faculty was also held), Wednesday ang semifinals, Thursday ang finals, Friday ang victory party.

It was a hectic week for all of us, kahit na medyo marami pa rin namang time dahil hindi naman 24 hours yung mga activities and/or events pero we still need to allocate time para sa mga practices namin and to tour around the metro na rin. Especially ako, who needs to visit port bonifacio for my Rizal subject.

****************************

Nung matapos ang lecture ay agad na namang nagtumpukan ang mga kasama naming mga student leaders. As usual kami na naman ni kumag ang naging primary source ng katuwaan nila.

“Bob? Saan nga pala kayo nag sta-stay?” tanong ni kumag.

“Diyan lang sa tabi-tabi” tipid ko namang sagot.

“Pwede naman kayo sa bahay kung gusto niyo.”

Nginitian ko siya ng pilit “Thanks, but no thanks…”

“Uy… reminiscing of the past ang drama nila oh?” hirit ni owen na noon ay nasa likuran na namin.

“Kakakilig naman si Mr. and MissTer. Destiny!” hirit na naman nila.

Natahimik lang kami. Hindi na kasi ako comfortable. Hinahanap ko noon si Jude, pero hindi ko na mahagilap ang loko. Sa isip ko’y baka iniwan na niya ako, nakakaasar, kasi akala ko gusto niya ako’ng yakapin pero bigla nalang din niya ako’ng iniwan.

Patayo na sana ako ng biglang may mag strum ng gitara sa likuran namin ni kumag, medyo nagulat pa ako nun. Ilang saglit pa’y ang mga pag-strum ay naging isa ng musika. For unknown reason ay bigla nalang nagkantahan ang mga kasama namin ng ‘If we fall in love’ ni yeng constantino. Ang awkward nun sobra.

There would be no ordinary days for you
If there is someone who cares like I do
You have no reason to be sad anymore
Im always ready with a smile
With just one glipmes of you
You don’t have to search no more
Cause I am someone who will love you for sure so

“Pakulo mo ito, nuh?” sumbat ko kay kumag.

“Hi-hindi. Promise wala ako’ng kinalaman dito.” Natatakot niyang tugon.

“Eh anong ginagawa nila?!”

“Hindi ko alam Bob. Promise maniwala ka.”

If we fall in love
Maybe will sing this song as one
If we fall in love
We can write a better song than this
If we fall in love
We will have this melody in our heads
If we fall in love
Anywhere with you would be a better place

“Guys tigilan niyo na yan! Hindi na nakakatuwa.” Matigas ko’ng sabi, pero tuloy-tuloy lang pa rin sila sa pagkanta.

Saglit ko’ng tiningnan si Kumag, nakayuko lang siya, wariy natatakot sa akin o nasasaktan sa reaksyon ko.

“Ano ba’ng nakain niyo? Tigil na!” naiinis ko’ng sabi.

You can watch sad movies in a different light
So ill be right there beside you
Hugging you oh so tight
Your hands will never feel so cold and empty again
Cause I will keep holding on and wont let go
You don’t have to search no more
Cause I am someone who will love you for sure so


Sinubukan ko’ng maka alis pero paulit-ulit lang nila akong pinigilan, nariyan yung haharangan nila ako; hahawakan yung balikat para hindi ko magawang tumayo; at itulak pabalik sa upuan. Kaya wala na akong nagawa kundi ang hayaan sila sa gusto nilang gawin at ang magtakip ng mukha dahil sa labis ng pagkailang.

Bigla ring lumapit si Owen sa amin at pinilit na pagdikitin yung mga kamay namin. Siyempre todo iwas ako sa kanya at pigil sa gusto’ng mangyari ni Owen. Hindi ko alam, pero may kutob ako’ng gusto ni kumag yung nangyayari, sa kabila kasi ng malungkot niyang itsura ay never ko siyang nakitang tumutol o umiwas, hinahayaan niya lang yung mga kasama namin na pagtripan kami; kaya hindi maalis sa isip ko na siya yung nag plano nun.

If we fall in love
Maybe will sing this song as one
If we fall in love
We can write a better song than this
If we fall in love
We will have this melody in our heads
If we fall in love
Anywhere with you would be a better place

“Alis na ako.” Sabi ko.

Mabilis naman ako’ng pinigilan ni Owen, tinutulak niya ako pabalik sa upuan.

“Owen, naiihi ako!” hawak niya pa rin yung balikat ko at sa tuwing susubukan ko’ng tumayo ay itutulak lang niya ako pabalik sa pagkakaupo.

“Iihi ako dito!” sigaw ko, na siyang nagpatigil sa kanilang pagkanta at pagbitaw ni owen sa mga balikat ko.

Mabilis ako’ng tumayo at tinumbok ang CR sa kwarto’ng iyon, pumasok ako sa isang cubicle at nagkunwaring ginamit iyon. Hindi naman ako naiihi talaga, kailangan ko lang talaga ng time na ayusin yung sarili ko at huminga ng malalim para ma relax ang isip.

Pagkalabas ko’y wala na yung makukulit ko’ng mga kaibigan. Naisip ko’ng hintayin nalang sa may receiving area sa lobby ng hotel yung adviser ko. Hindi pa siya nag ti-text kaya sure ako’ng hindi pa tapos ang meeting nila.

Marahan ako’ng naglalakad pa punta sa lobby, pa scan-scan lang ako sa phone ko, actually hinihiling ko na mag text si Jude. Pinagiisipan ko rin noon na ako na yung unang mag text kay loko, pero gusto ko isipin niyang nagtatampo ako sa ginawa niyang pag-iwan sa akin.

“Hi?” bati ni Kumag na naka sunod pala sa likuran ko. “Busy?” ramdam ko yung nginig sa boses niya.

“Do you need anything sir?”

“Ang formal mo naman. Hindi ganyan yung Bob na nakilala ko few weeks ago, dito sa hallway na ito.” Nasa hallway kasi kami noon papunta doon sa hall na ginamit namin nung orientation, doon unang nag krus ang landas namin ni kumag.

“Bakit ano ba yung gagawin ng Bob na kilala mo?”

“Tatalak?” tumawa siya. “For sure, magagalit yun, tapos magpapakawala ng mga cute na expressions.”

“Ganoon ba? Well, fortunately, people change… I change…”

“Nag i-english ka na rin ah. Galit ka sa akin dati sa tuwing nag i-english ako, mukhang nakalimutan mo na rin na nasa Pilipinas tayo!” nag giggle siya.

“Walang nakakatawa.”

Huminga siya ng malalim. “People change… tama… but yung feelings? I don’t think so, malabo’ng magbago yun in a span of two weeks…”

Tiningnan ko siya saglit, seryoso yung mukha niya. Napabuntong hininga nalang ako, mukhang tama siya eh, mukhang hindi pa rin nagbabago ang feelings ko, ang pinagkaiba lang ngayon, nagagawa ko na ring pakinggan ang isip ko.

“Whatever!” tipid ko’ng sagot. Kasabay ng pagbilis ng tibok ng puso ko ay ang siya ring pagbilis ng mga hakbang ko. May mga tao kaming nakakasalubong pero mukhang hindi naman nila napapansin ang nangyayari’ng komusyon sa pagitan namin ni kumag. Hindi ko na rin binigyang pansin yung mga reaksyon nila, ang gusto ko lang kasi ng mga panahong iyon ay ang maka alis sa tabi ni Richard.

“Hey bob! Slow down.” Nakasunod lang pa rin siya sa akin.

“Alis na ako, I dont talk to stragers eh…”

“Stranger?!” narinig ko’ng sabi niya.

Tuloy-tuloy lang ako sa paglalakad pabilis ng pabilis na parang mauubusan na ng oras ng bigla niya ako’ng kabigin, dahilan upang mapaharap ako sa kanya at mapatigil sa ginagawa ko’ng walkathon.

“Ano ba?!”

“Hi, my name is Richard!” nakangiti niyang sabi, sabay lahad ng mga kamay sa harap ko. Parang napuno naman ng confidence ang itsura niya noon, kagaya noong unang araw na magkita kami. Pati yung spark ng mga mata niya biglang naiba, yun yung mga kislap kung saan lagi ako’ng nalulunod, yung kislap na parang nagdadala sa akin sa ibang mundo, yung kislap na nagbigay ng kakaibang kabog sa puso ko.

Namalayan ko nalang na muli na naman ako’ng nalulunod sa pagpapantasya sa lalaking nasa harap ko, isang pantasyang minsang dumurog sa pagkatao ko, pantasyang pinangako ko’ng pipigilan.

“Anong problema mo?” bulalas ko.

“Sabi mo stranger ako eh, nagpapakilala lang ako. May I know your name?”

“Whatever!!!!!” bulalas ko. Saka tumalikod uli at naglakad ng mabilis.

“Whatever? Oh… a cool name…” natatawa niyang tugon, habang pinipilit na humabol sa akin.

“Tigilan mo nga ako!!”

“Nakikipagkilala lang naman ako ah. Wala namang masama doon diba?”

“Wala nga! Pero hindi rin naman masama na mamili ng kikilalanin diba?”

“Pero bob!?”

Tumigil ako sa paglalakad para harapin siya. “Mr. Oquendo, napagusapan na natin ito diba? Malinaw naman yung kasunduan natin diba? So, anong nangyayari sa iyo ngayon?”

“Hindi ko kaya eh…” halos pabulong niyang tugon.

“Problema mo na yun. Just stay away from me!”

“Bob? Nalimutan mo na ba talaga?” yung mga mata niya’y parang hinuhukay yung buo ko’ng pagkatao.

“Oo! Pero hindi yung usapan nating kalimutan ang isa’t-isa. Kaya please lang layuan mo ako!”

“Bob? Anong layuan?”

“Layuan… you stay away from me, wag mo ako’ng lapitan, wag mo ako kausapin, do not get near me!”

“I know and I understand. Pero bakit? Bakit ko kailangang lumayo?” hinawakan niya yung kaliwang braso ko.

“Anong bakit? Napagusapan na natin ito dati Richard!” inalis ko yung pagkakahawak niya sa braso ko. “Diyan ka na!” saka muling tumalikod.

“Hindi ko kaya.”

“Hindi mo kaya? Edi ako yung gagawa… ako yung lalayo!”

************************

Nakaupo ako sa couch sa may bandang lobby, hinihintay na matapos ang meeting ng mga advisers. Iniisip ko noon kung tama ba ang ginawa ko kay kumag, tama ba na umarte ako na hindi ko siya kilala? Tama ba na layuan siya? Iba yung sinasagot ng puso ko, pero yung isip ko sinasabing I made the right decision. Na tamang piliin ko yung mas ikabubuti ng sarili ko. Hindi naman pagiging selfish yun diba?

“Saan ka?” text ni Jude.

“Che! Iniwan mo ako!”

Biglang nag ring ang phone ko. Si Jude – tumatawag. Inignore ko.

“Ano ba? Sagutin mo!” text niya uli.

Nag ring ulit yung phone ko, pinindot ko yung answer key pero hindi ko siya kinausap. Ilang sandali pa’y siya na rin mismo yung pumutol sa tawag.

‘Haayyy’ pagbubuntong hininga ko, saka isinadal ang likod sa malambot na sandalan ng aking inuupuan. Pinikit ko yung mga mata ko, nababagabag pa rin ako sa ginawa ko kay Kumag at ngayon pati na rin sa hindi pagkausap kay Jude. Hindi naman kasi talaga ako ganoon eh… hindi ko gawain yun.

Isang mahinang pitik sa ilong ang bumasag sa aking pananahimik. “Ano ba!!!” halos pasigaw ko’ng sabi. Nung imulat ko yung mga mata ko ay isang pung-pong ng mga pulang rosas ang aking nasilayan. Nakabalot iyon sa isang magandang papel at humahalik sa ilong ko yu’ng halimuyak na taglay nun.

Kinabig ko yung mga bulaklak ng magawa ko’ng makita ko kung sino yung may hawak nun. Si Jude, nakangiting nakatayo sa harap ko.

“Oh? Anong ginagawa mo rito?” simula ko.

“I need to get my three hours hug.”

“Asa ka pa! Paano mo nalamang nandito ako?” nagmaldita na naman ako.

“Narinig ko yung tunog ng piano nung tumawag ako! Isa lang naman ata yung piano dito diba?” nag smirk siya.

Tahimik.

“Oh!” sabay abot ng mga bulaklak.

“Aanhin ko naman yan?”

“Hala! galit ka? Bakit?!”

“Wala, hindi ako galit.”

“Galit ka… dapat nga ako yung magalit diba? Iniwan mo ako doon kanina, hinanap kaya kita, inisip ko baka sumama ka na doon sa koreanong hilaw!” ngumunguso-nguso niyang sabi. Ginagamitan na naman ako ng paawa skills niya.

“Anong iniwan? Ako yung iniwan mo. ginulo tuloy ako nung koreanong hilaw!” medyo natawa ako nung sabihin ko yung term na ginamit niya to call Richard.

Tumawa siya, at yung tawa niya ay gumuhit ng ngiti sa mga labi ko. “Nagtatampo pala yung yabs ko.” humagikgik siya ulit. “Hindi naman kita iniwan, kinuha ko lang ito’ng bulaklak; binili ko kaya yan kanina kahit mahal, alam ko namang ililibri mo ako kapag wala na akong makain dito!” tawa uli.

“Loko ka!” mariin ko’ng sabi kahit na nakangiti na yung mga labi ko.

“Oh! Kunin mo na!” sabay lapag ng boquet sa lap ko. “Nakaipit na diyan yung resibo, pakibayaran nalang ha. Pupuntahan ka nalang diyan ng maniningil!”

“Gago ka! Isauli mo nalang yan!”

Tawanan…

“Biro lang… wala pa rin ako’ng hug?”

“Wala!” (Ngayon ko lang narealize na masyado pala ako’ng pabebe, walang pa’ng term na pabebe noon kaya malamang ang tawag sa akin dati ay, nag iinarte. LOL)

“Aaaaahhhh… laina uuuuyyyyyy………..” atungal niya na parang isang bata.

“Hoy, kahilom dira pakol! Pagkakamalan ka nilang mongoloid diyan…”

“Hug na lage…….”

“Ayaw ko nga!”

“Nag promise baya ka yabs…”

“Wala uy! Pataka lang ka!”

“Hug na ba!” pumapadyak-padyak pa yung loko. “Binigyan kaya kita ng flowers, tapos hug lang ayaw mo pa ibigay…”

“Oh… sayo na ang flowers mo…” nakangiti ko’ng sagot. Ang cute-cute niyang tingnan.

Agad naman niya itong kinuha saka pinatong sa maliit na mesa sa gilid namin. Pagkatapos gawin iyon ay mabilis siyang lumukso papunta sa kinauupuan ko.

“Jude….. ang bigat mo… alis….” Nakapatong na kasi siya sa akin at naiipit niya yung kanan ko’ng legs.

“Hug muna!”

“Kahawa!” pinapalo-palo ko yung matigas niyang braso.

“Urong ka nalang, kasya naman tayo eh!”

“Alis!”

“Bahala ka diyan.” Matigas niyang sabi.

Ramdam ko’ng wala siyang balak na umalis kaya wala na ako’ng nagawa kundi ang umurong at magbigay daan para makaupo rin siya sa tabi ko. Mabigat kasi siya (sa laki ba naman ng katawan nung loko’ng iyon) at mukhang hindi kakayanin ng katawan ko ang bigat niya. Pinilit niyang isik-sik ang ang katawan sa couch at malamang dahil nga sa medyo maliit ako’y nagawa niya namang mapagkasya ang sarili.

“See? Kasya tayo.” sinuksok niya yung kaliwa niyang kamay sa likuran ko (Parang ginawa’ng sandalan) saka binalot yung kanan niyang kamay sa katawan ko. “Three hours ha?” sabi niya bago inihilig ang ulo sa balikat ko.

Hinayaan ko nalang siya sa gusto niya… (gusto ko rin naman yun eh >’.’< wink wink <ang landi ko noh? Lol>)

Tahimik….

“Ano ba yung ginawa sayo nung koreano’ng hilaw?” pabulong niyang tanong sa akin. (Actually yung term niya talaga is Korean-korean)

“Wala… awkward lang kaayo Jude… di pa ako ready na makaharap siya.” bulong ko rin.

“May feelings ka pa rin sa kanya noh?”

“Ambot!” (Ewan!)

“Sabihin mo ng meron! okay lang sa akin, hindi ako magseselos promise!” nag giggle siya.

“Natural! Bakit naman hindi magiging okay sa iyo? Loko ka!” binigyan ko siya ng mahinang tampal sa pisnge niya.

tawanan

“Siyempre boyfriend mo ako tapos iba yung laman ng puso mo! Uuuyyyy…” panunukso niya.

“Gagers ka!” tinampal ko siya ulit.

Tawanan ulit.

“Pero seriously Bob. Do you still like him?” nawala na yung saya sa mukha niya, seryosong nakatitig lang ang mga bilugan niyang mata sa akin, naghihintay sa isasagot ko.

“I don’t know… siguro…” inalis ko yung pagkakabalot ng kamay niya sa katawan ko. “Akala ko, nakalimutan ko na eh. Akala ko okay na ako!”

Hinimas niya yung kaliwa ko’ng braso, tapos ay muli niya ako’ng niyakap. Inihilig niya uli ang kanyang ulo sa balikat ko saka kinanta yung ‘Maalaala mo kaya’ theme song.

“Katok ka!”

“Mag dadrama ka na naman eh!”

“Eh… yung koreanong hilaw eh… ginugulo ako!”

“Talaga? Parang hindi naman…” nag pout siya.

“Anong hindi?! Lumapit ba naman sa akin tapos pilit ipapaalala sa akin ang lahat.”

“Hindi naman niya kailanga’ng ipaalala kasi hindi mo naman nakalimutan diba?” seryoso niyang tanong sa akin.

Natahimik lang ako.

“Hindi mo naman kailangan kalimutan eh… just deal with it Bob. Nandito naman ako eh, hindi ka nag-iisa.”

“Ang hirap kasi mag move on kung lagi ko siyang makikita.”

“One week lang naman eh… saka…,” kinabig niya yung mukha ko paharap sa direksyon niya. “Nahihirapan ka lang mag move on, kasi ayaw naman talaga nito mag move on…” tinuro niya yung puso ko.

“You mean umaasa pa rin ako?”

“Wala ako’ng sinabi… bakit? Umaasa ka pa rin ba?” tanong niya.

“Never naman ako’ng umasa ah!” giit ko.

Mas hinigpitan niya yung pagkakayakap niya sa akin, at noon ay mas dinutdut niya ang kanyang mukha sa leeg ko. “Why don’t you give Richard a chance?” nag smirk siya.

Tinulak ko palayo yung ulo niya’ng naka sandal sa leeg ko, nang magawa ko siyang titigan. “What chance?”

“A chance for you and him to be friends again. Wala namang masama doon diba?”

“Alam mo’ng hindi ganoon kadali yun diba? Alam mo naman yung mga nangyari between the two of us…”

“I know… pero mas nahihirapan ka sa ginagawa mo ngayon eh… bakit? Hindi ka ba nasasaktan sa ginagawa mo’ng pag-iwas?”

Hindi ko na naiintindihan ang sarili ko, pakiramdam ko’y ang babaw na ng pinaghuhugutan ko. Tama si Jude, pinipili ko na umiwas sa sakit pero sa ginagawa ko’ng pag-iwas ay sinasaktan ko rin naman ang sarili ko. Nasasaktan ako sa tuwing nakikita ko siya pero nasasaktan rin ako sa tuwing tinataboy ko siya. Ang gulo… alam ko ang gulo… pero kung pahihintulutan ko siyang makapasok uli sa buhay ko’y baka umasa na naman ako’t masaktan sa huli. Malinaw na naman sa akin na straight si Richard at ayaw niyang pumatol sa bading. Bukas naman ako sa idea ng pakikipagayos eh, ready din ako’ng makipagkaibigan sa kanya uli, pero hindi pa iyon ang right time eh… may nararamdamn pa rin kasi ako sa kanya, at hindi tamang magkalapit kami hanggat hindi ko pa nagagawang supilin ito, kundi, paulit-ulit lang ako’ng aasa at masasaktan.

“Ah, basta. Buo na yung loob ko. Mas okay kung hindi kami magkakilala…” matigas ko’ng sabi.

Sinuksok niya uli yung mukha niya sa leeg ko. “I love you… I want you to be happy, you deserve to be happy… kaya please, bring down your walls… sundin mo yung makapagpapasaya sa iyo…”

“Ambot! Wag nalang natin pag-usapan…” matigas kong sabi kahit na ang totoo’y para ako’ng dinurog sa narinig ko’ng sinabi ni Jude.

Mga ilang minuto din ang lumipas, pareho lang kaming tahimik habang siya’y nakapikit na nakasandal sa balikat ko.

“Saan ka nga pala galing kanina?” simula ko.

“Kinuha ko nga yung flowers na binili ko for you, iniwan ko diyan sa front desk. (Tinuro yung counter malapit sa kinauupuan namin) Pagbalik ko sa room wala ka na. Sinubukan ko sa mezzanine wala ka rin…”

“Ano naman kasing gagawin ko sa mezzanine?”

“Kakain… nag ready ng merrienda ang admin doon, nadoon nga lahat ng mga kasama natin eh…”

“Really?”

“Hala! ‘di ka nakinig kanina nuh?”

Nagkamot lang ako ng ulo.

“Ay! Siguro na kay Richard lang yung attention mo the whole time noh?”

“Hindi ah!” tanggi ko. “Tara! Punta tayo doon, gutom ako eh…” pag-aaya ko sa kanya.

“Uy, wala pa’y three hours… pa hug sa!” nag pout na naman siya.

“Unya nalang…” medyo nahihiya ko’ng sagot.

“Hmmm.” Sumimangot siya saka iniwas ang tingin sa akin. Alam ko’ng nagkukunwari na naman sya ulit (Paulit-ulit lang LOL).

Sa halip na suyuin ay tumayo ako’t iniwan siya sa upuan.

“Hoy Bob!” sigaw niyang humahabol sa akin. “Basta… 3 minutes palang ang na ko-consume ko ha…” nakanguso niyang sabi sa akin, sabay akbay.

“Haaayyy… ka cute nalang jud…” pinisil ko yung pisnge niya.

Ngumisi siya. “I love you!” saka hinalikan ako sa noo.

“Gago!” pinunasan ko yung noo ko’ng hinalikan niya, pero sa loob ko’y may dalang tuwa at kilig yung lahat ng sweet gestures niya.

*************************

Pagkapasok namin sa mezzanine ay agad naming napansin ang umpukan sa isang table ng mga kaibigan namin. Naroon si Kumag, Patrick, Jayson, Kyra, Owen, Gabby at Nicole na kakakilala lang namin. (Hindi kasi siya nakasali sa orientation, she’s from a university sa Bulacan, maganda siya, chinita, maputi at mukhang mabait)

Sa malayo’y kita ko na agad si kumag na nakanganga’ng nakikinig kay Owen at tumatawa-tawa rin kasabay ng pagtawa rin ng iba. Nakapatong ang mukha niya sa kanyang kaliwang kamay na naka tukod sa mesa. Aaminin ko, na guilty ako nung makita uli siya. Naisip ko yung pinagusapan namin ni Jude, naisip ko’ng baka nga nagiging unfair na ako sa tao; ‘di naman niya ginusto’ng magustuhan ko siya, kusa ko naman yung naramdaman at hindi ko naman siya pwedeng pilitin to feel the same way. Pero ewan, masakit talaga eh… nasaktan niya ako eh…

Nangangatog ang mga paa ko habang palapit kami sa mesa nila kumag. Ang puso ko nama’y halos lumabas na sa aking dibdib sa sobrang lakas ng pagkabog. Parang gusto ko na noon humakbang palabas pero hindi ko naman alam ang idadahilan kay Jude, hindi kasi ako makapag-isip ng maayos.

“Guys!” bati ni Jude sa kanila.

“Uy, Buti naman nandyan na kayo, may pinag-uusapan kasi kami eh…” simula ni Owen. (Si owen yung parang pinaka leader sa aming lahat, mukhang siya yung pinaka reliable at responsible.)

“Ahmmm… sa students night guys, we dicided na dapat we should go by pair… in that way we will going to introduce our groupmates to others effectively…” si Owen.

“Wait, hindi ko gets kung paano magiging effective? Diba mas okay kung hahayaan nalang natin sila to mingle with others?” sabi ko.

“Actually na tanong na rin yan kanina. Well, if hahayaan natin sila, wala tayong assurance na makikimingle nga sila sa iba, may tendency kasi na mag sta-stay lang sila sa mga ka team nila. But if we pair two teams together with the help of two team leaders eh, ma sisigurado natin na makikipaghalubilo nga sila sa team na partner ng team leader nila.”

“Edi sa isang team lang din sila makikipagminggle the whole night.” kontra ko pa rin.

“Prerogative na yun ng team leader Bob.” Nangiti siya.

“Ay… pero…”

“I think it’s a good idea.” Pag putol ni Jude sa sasabihin ko. “Partner kami ni Bob!”

“Ay… Oo partner kami ni Jude!” pagpayag ko naman.

“Unfortunately, hindi pwede eh… we decided to stick dun sa pairing nung orientation, it would be easier for all of us kasi.”

Nagulantang ako sa narinig. “Ano? Hindi pwede… saka nag decide kayo na wala kami…”

“The majority had decided Bob.” Nakangising sabi ni Owen.

“Ikaw na naman ang may gawa nito ano?” mariin ko’ng sisi kay kumag, na noon ay tahimik lang sa kanyang pwesto.

Umiling-iling lang siya, yung itsura ay mukhang takot sa matatalim na tingin ko sa kanya.

“Bob, Relax ka lang. actually, he voted on your favor… ayaw din sana niya, kaso na over power siya ng majority.” Pagdepensa ni Gabby sa nakayukong si Kumag. “Kahit ulitin pa natin yung botohan Bob, tatlo lang kayo versus everybody.” Pagtutuloy niya.

“Bakit ba umaayaw ka Bob? May problema ba?” si Kyra.

“Wala naman. Naiisip ko lang mukhang hindi naman magiging effective.”

“Asus… ayaw mo lang maka partner si Papa Richard eh…” pagsingit ni Patrick.

Tawanan at tuksuhan na naman.

“Bakit Bob? May problema ba kayo ni Papa Chard?” tanong ni Owen.

“Wala…” tipid ko’ng sagot, naka salubong na ang mga kilay ko dahil naroroon na naman ako sa feeling na nasa hot seat.

“Wee? Last last week pa namin napapansin yang iwasan niyo eh… kahit kanina, ang sama ng mga titig mo kay Mr. Destiny…” ngumisi yung lalake.

Natahimik lang ako.

“Kung, may pinagdadaanan kayong dalawa, I think the plan can help you fix your problem with eachother. Kailangan niyo ng magbati!”

“Magbati? Eh hindi naman kami mag kaaway ah.” Pagdadahilan ko.

“Deny dot com… last last week pa namin napapansin Bob.” Wika ni Kyra.

“Wag naman sana ganyan Bob. Parang magkakapatid na tayo dito.” Sabi naman ng isa pa naming kasamahan.

“Oo nga Bob. We should keep our relationship strong.”

“I Agree, hindi lang naman tayo tumutulong sa iba to improve their way of living diba? We also inspire them to live harmoniously. So, paano naman natin gagawin yun kung tayo mismo nag iiwasan.”

“I think this is the right time para magbati kayo Misster Destiny.” Dagdag ni Owen.

“Ano ba’ng problema niyo guys? Okay naman kami ni Richard eh.” Giit ko. “Diba Richard?!” pagbaling ko sa kanya.

Ang totoo naiinis na ako sa mga kasama ko, it was so easy for them na sabihin iyon kasi hindi naman nila alam yung nangyari. Bukas naman ako sa pakikipagayos eh, pero hindi pa yun yung right time para doon. Paano ko gagawin yun, eh hindi ko nga maintindihan yung sarili ko. What happened between Richard and I was a total mess, para yung wrecking ball na dinurog ako, pero hindi na yung sakit ang problema ko noon eh, kundi yung nakakalito ko’ng damdamin at kung paano ko gagawin na hindi na ako masasaktan ulit.

Gusto ko noon ibulalas sa kanilang lahat ang mga nangyari, para maisip nilang mali ang iniisip nila. Lumalabas kasi sa mga sinasabi nila na ako yung may kasalanan, na ako yung nanakit at si Richard yung kawawa.

“Huh?” nakatanga lang si Richard na noon ay mukhang naguguluhan din sa nangyayari.

“Okay naman tayo diba? Nag-usap na tayo diba?” pinandilatan ko siya ng sa ganoon ay ma gets niya yung gusto ko’ng mangyari.

“Huh?”

“Tell them na okay naman tayo. Nagkalimutan na naman tayo diba?” medyo tumaas na yung boses ko.

“Anong nagkalimutan? Ano ba kasi yung nangyari?” si Owen. Napansin ko sa itsura ng mga kasama namin na mas lalo silang naging curious sa kung ano talaga yung nangyari sa amin ni Kumag. I know may nalalaman si Patrcik at Jayson infact, nakita nga ni Patrick yung pananakit sa akin ni Richard eh, pero alam kung hindi nila alam kung ano talaga yung rason nun, at kung bakit kami nauwi sa ganon.

“Wala. Walang nangyari… basta okay kami!” nakatitig lang ako kay kumag at ganoon rin siya sa akin.

“Oo guys. He’s right… Bob’s right… were fine…” mabilis niyang turan, pero bakas pa rin yung kalungkutan niya.

“See? Siya na yung nagsabi. Okay kami.”

“Oh, okay naman pala kayo, so okay lang naman pala na kayo na yung magka partner…” si Owen ulit.

“Haaayyy. Owen…” sabi ko, dala ng matinding frustration.

“Bob… magka partner lang naman kayo eh… hindi naman kayo mag de-date…” bulalas ni Kyra.

“Alam ko!” mariin ko’ng sabi.

“Pero okay rin yung idea ng date ha… lets call it a date guys… so, mag de-date si Mr. and Misster Destiny sa students night.” Hirit ni Owen na noon ay may nakakalokong ngiti.

Para naman ako’ng naputulan ng hininga sa sinabi ni Owen. Hindi ko alam ang gagawin ko, tiningnan ko si Jude, umaasa ako na gagawa siya ng paraan para maligtas ako doon sa kondisyon ni Owen, pero mukhang pati siya ay naguguluhan rin eh. Nakatikom lang ang bibig niya at mukhang naglalakbay ang diwa sa kung saan.

“Oo tama!” “Mag date nga kayo!” “Good Idea!” ilan sa mga narinig ko’ng reaksyon nila, hindi ko na alam kung sino-sino yung mga nagsabi ng kung anu-ano. Parang malakas na dagundong lang ang dating nung mga iyon sa akin.

“Ayaw ko!” mariin ko’ng pagtanggi na siyang nagpatigil sa ingay nila.

“Oh? Akala ko ba okay na kayo? Bakit ayaw mo makipag date sa kanya?”

“Bakit ko naman kailangang makipagdate sa kanya?”

“It’s just a friendly date Bob! Relax ka lang!” sabi ni Owen na hinimas-himas pa ang likod ko.

“Basta ayaw ko!”

“Pakipot pa eh!” hiyaw ni Patrick.

“Hay nako… hindi namin alam kung ano ang pinagdadaanan niyo, pero we know na this is the right thing to do!” pagsingit naman ni Kyra. “Chard… ikaw naman yung ‘LALAKE’ tanungin mo nalang siya to make things formal…”

Halos lahat ng tingin ay napunta kay Richard, yung titig naman nung lalake ay nakapako lang sa akin. Napalunok nalang ako ng laway sa pagtama ng nakakatunaw niyang titig sa akin. Para niyang iniestema ang magiging reaksyon ko sa gagawin niya.

“Richard? Gusto mo ba’ng maka date si Bob sa students night?” tanong ni Kyra.

Tumingin si Richard sa babaing nagtanong sa kanya tapos ay ibinalik rin agad sa akin ang mga titig niya. Nung muli’ng magtama ang aming mga paningin ay pinandilatan ko siya, para sabihin niya yung alam niyang gusto ko’ng isagot niya.

Batid ko’ng medyo nagalinlangan siya’ng sumagot dahil sa matutulis ko’ng tingin kaya yumuko muna siya bago sumagot. “Oo… gusto ko…” nag crack yung boses niya.

“Yun naman pala eh… ayain mo na si Misster Destiny…..” masayang bulalas ni Kyra.

Umiling lang siya. “Aayaw eh…” nakayuko pa rin siya.

“Don’t be a coward bro. try it first!” pabulong yung sinabi ni Patrick sa kaibigan pero rinig na rinig pa rin naming lahat.

“Hindi Pat, tama siya. Aayaw lang din ako!” matigas ko’ng sabi. “Guys, enough na. Im sorry sa behavior ko, pero please huwag nalang ninyong ipilit. Isa pa, wala namang sinabi si Ma’am Jo na kailangang may ka date diba?”

“We just want to help the both of you.” Sabi ni Owen.

“Thanks Owen. Pero ayos naman kami eh.”

Natahimik naman ang lahat.

“Ako nalang yung i-date mo Richard.” Suggestion ni Nicole. 35 schools kasi yung maglalaban-laban, so sa pinaplano nila’y siguradong may isang walang ka partner. By two’s yung pag pair sa amin nung orientation since hindi nga nakarating si Nichole for unknown reason.

“Ayun, si Nicole nalang ang i-date mo Richard!” pagsangayon ko naman sa suggestion nung babae. Pero imbes na mapanatag dahil nakatakas na ako sa date na ini-insist ng mga kasama namin, ay may kung ano’ng kirot ako’ng naramdman sa puso ko.

“Pag-isipan mo muna Bob. Baka mag bago pa ang isip mo.” si Owen.

“If ever Bob, ikaw lang yung walang ka date.” Si Kyra.

“Okay lang… I have my colleagues with me.” nginitian ko sila.

“Pero iba pa rin siyempre yung may ka date ka’ng special diba?” tanong ulit ni kyra.

“Special? eh you want me to date with Owen!” pagsingit ni Jude na noon ay nakanguso na.

Tawanan naman ang lahat sa itsura ni loko, lalo na nung lapitan siya ni Owen at nagkunwaring nilandi-landi yung una.

“Ayaw mo ba talaga ng ka date Bob?” si Kyra ulit.

“Wow. Pursigido lang te?” natatawa ko’ng sagot. “Makikipagdate lang ako kay superman.”

“Ay… ano ba yan te!” dismayadong sagot ng babae.

***********************

Nabaling na yung usapan namin sa ibang bagay, pinag-usapan namin yung mga projects namin pati yung mga adopted community ng kanya-kanya’ng eskwelahan. Masaya yung naging usapan, lahat kami nagtatawanan, maliban nalang kay kumag na mukha pa ring naiiyak. Sumasagot naman siya sa tuwing tinatanong pero mukha talaga siyang matamlay, at na guiguilty ako. Feeling ko ako yung dahilan kung bakit mukhang may dinaramdam siya.

“Hala yabs! Ang bulak nga gihatag nako?” biglang tanong ni Jude. (Hala yabs! Ang bulaklak na binigay ko?)

“Hala, nabilin didto sa table sa gawas.” (Hala, naiwan sa mesa sa labas.)

“Bad. Kunin ko muna.”

“Sasamahan kita.” Offer ko.

“Huwag na. Ako nalang.” Tapos ay mabilis siyang tumakbo palabas.

Ilang saglit pa’y bumalik si Jude sa kwarto bitbit ang mga bulaklak na binigay niya sa akin.

“Oh.” Inabot niya sa akin ang hawak.

“He doesn’t like flowers…” mabilis na pagsingit ni Richard.

Mabilis ko siyang tiningnan, nakatitig ang blanko niyang mukha sa lalaking may hawak ng bulaklak.

“Hindi… gusto ko… gusto ko Jude…” binigkas ko’ng hindi man lang inalis ang tingin kay kumag. Napatingin rin siya sa akin, ramdam ko’ng pinipigilan niyang pumatak ang mga luha niya.

“Excuse me!” mabilis siyang tumayo at umalis. Lahat kami’y nabigla, at mukhang iniisip na naman ng mga kasama ko na may masama nga ako’ng ginawa.

*****************************

Matapos makapag merienda ng mga advicers ay agad na kaming nagdecide na umuwi. Sabay pa kaming lumabas ni Jude kasama ng mga mentors namin, pero mabilis rin silang nagpaalam na mauuna dahil may bibilhin daw muna sila sa katabing mall.

Matagal-tagal din yung nangyaring paalaman ng dahil sa kakulitan ni Jude na paulit-ulit akong ni-remind sa hug. Ni hindi man lang nahiya sa harap ng mga advicers namin yung pakol. Medyo disappointed ako nun sa kanya, wala kasi siyang ginawa nung pinipilit ako ng mga kaibigan namin na i-date si kumag, pero hindi ko magawang magalit o komprontahin (mag pabebe na naman uli) dahil nga naroroon yung mga kaibigan namin at nung pauwi na nga kami’y yung mga advicers naman namin.

*******************

Naghihintay kami ng taxi sa labas ng hotel noon (Kakaalis lang nila Jude) ng biglang tumabi sa akin si Richard.

“Bob?” marahan niyang tinapik ang braso ko.

Tiningnan ko siya, “Uuwi na kami.”

Tumango-tango lang siya sabay baling sa advicer ko. “Sir, Hi po. My name is Richard from ________________ University. Nagmamadali po ba kayo sir?”

“No, bakit?” tanong nung kasama ko.

“Can I talk to Bob for a while sir? Importante lang po.”

“Yes, of course...” mabilis na sagot ni Sir Joel. “Bob, kakausapin ka daw.”

Kinakabahan at naiilang man ako’y sinunod ko nalang yung gusto niya, nahihiya ako’ng tumanggi sa harap ng advicer ko.

Lumayo kami ng kaunti sa advicer ko. “Ano na naman Richard?” simula ko.

Tahimik.

“Ito na naman eh… hindi ka naman magsasalita!”

“Sorry…” bulong niya.

“haayy… wala na ba’ng bago?” nakasimangot ko’ng sabi. “Uuwi na kami, pagod na ako!”

“Sandali…” hinawakan niya yung magkabila ko’ng braso.

“Bitawan mo ako!” sabi ko, na agad din naman niyang sinunod.

“Bob… I wonder if you…..” pinikit niya yung mga mata niya, nanginginig yung kanyang mga kamay at hindi siya makapagsalita ng maayos… “Bob… I wanted to ask you….” Huminga siya ng malalim. “kanina, they asked me to ask you…”

“Ano ba, diretsohin mo nga ako. Ano ba’ng kailangan mo?”

“Bob!” pumikit uli siya. “I really want you to be my date sa students night… promise it wouldn’t be like the pasts days na kasama mo ako… please let me fix things up… please… pumayag ka… please… please… please…”

Hinawakan ko yung malalambot niyang kamay, ramdam ko pa rin ang pagnginig ng mga iyon. Dinilat niya ang mga mata niya at masuyong tinitigan ang mukha ko. Kitang-kita ko yung paglipat-lipat ng mga tingin niya mula sa aking mata, sa king ilong, hanggang sa aking labi.

“Pumayag ka please…” minumble niya.

“I don’t want to be rude… pero sorry… Ayaw ko!” nakita ko pa yung pagpikit niya nung marinig ang pagtanggi ko.

Binitawan ko ang mga kamay niya, saka humakbang pabalik sa advicer ko.

*******************************

Kinabukasan, maaga kaming pumunta sa hotel kasama ko sina ate Angel at Kuya Ian para sa registration at technical testing. Maganda si Angel, madalas kaming napagkakamalang magkapatid. Magkaklase kami pero she’s 4 years older than I am, pero mas maliit siya kaysa sa akin. Si kuya Ian (Mag kaiba kami ng kurso) naman ay suki ng mga male pageants, kamukha niya si Paolo Avelino maliban sa ngipin, sungki kasi siya (Nilalandi-landi ko siya dati (Joke lang) hindi niya ako type, mukhang straight ang gusto eh… ‘Straight na lalake’ may chismis kasi sa school na kadugo din natin siya.).

Probably 9am yun, tinext ko si Jude, pero nasa hotel pa daw sila at nag aayos. Kaya nag decide ako’ng mauna nalang.

Papunta na kami’ng orientation room kung saan namin ipapasa ang mga requirements at kung saan namin i-te-test ang lahat ng gagamitin naming teknikal. Mga probinsyano kami, kaya natural na reaksyon naman yung ma-amaze sa mga bagay doon sa sosyal na hotel (Ganoon din yung reaksyon ko noong una ako’ng nakapunta doon) hindi naman kasi kami araw-araw na nakakakita nun.

Habang abala yung mata ng dalawa ko’ng kasama sa pagnamnam sa magandang paligid, ay nabihag naman ang mata ko sa lalaking nakasandal sa pader sa unahan namin. Naka white polo siya noon, na naka insert sa itim niyang slacks. Alam ko’ng nakita na rin niya ako, dahil sa ingay ng dalawa ko’ng kasama, pero hindi niya pinahalata, nagpapanggap siyang hindi ako nakita.

Noong malagpasan na namin siya’y napanatag na ako, sa isip ko’y mukhang natauhan na nga talaga si kumag at naisip ng pagbigyan ang gusto ko’ng pag-iwas. Dapat masaya ako eh, pero bakit ganoon? Parang gusto ko siya’ng tanungin kung bakit ayaw na niya ako’ng kulitin. Mukhang pati ako, bipolar na! yaikss…

Malapit na kami sa orientation room ng bigla’ng may bumangga sa likod ko. Hindi naman sobrang lakas pero sigurado ako’ng sinadya iyon.

“Ano ba!” bulalas ko, saka yumuko upang pulutin ang hawak ko’ng panyo. Kukunin ko na sana ang panyo ko ng bigalang maunahan ako ng isang kamay. Noong tingnan ko kung sino ang pumulot ay bumungad sa akin si Richard.

Agad ko’ng inagaw ang panyo ko’ng hawak-hawak niya. “Ano na namang pakulo ito?” malumanay ko’ng sabi.

Ngumisi siya (Ang gwapo) “You forgot everything right? Im your angel, God send me to help you remember everything and make things right!”

Natulala lang ako.

“That’s what happened the first time we met. Nabangga kita, nagalit ka dahil hindi man lang ako nag sorry, binato mo ako ng matigas na notebook, nabukol ako, nilapitan kita at sinigawan ‘What the Hell!!!’ (sumigaw din siya).”

“Im sorry, I have no time for this. We need to go!” hirit ko.

Bigla niya ulit ako’ng hinarang. “God told me, to make things right. Im here to turn back time at itama yung mga mali bob.”

Ni-rub niya yung ilong niya, mukhang na te-tense. “Before, hindi ako nag sorry... and I’ll try to make it right this time….” Kinuha niya yung isang sun flower sa likuran niya, saka inabot ito sa akin. “Im sorry…”

Tahimik.

He grabbed my right hand saka inipit doon ang bulaklak. Pansin ko’ng naiiyak na naman siya, malamang dahil sa malamig pa rin yung pakikitungo ko sa kanya.

“My name is Richard. May I know your name?” ngumiti siya.

“Stop this… Im not buying it!” sinubukan ko na namang makalagpas, humarang lang uli siya.

“I just want to know your name.”

“Stop this nonsense… hindi mo na mababago ang lahat…”

“Gagawin ko kahit imposible… maging okay lang tayo…”

“If this is about the date. My decision is still the same… NO! Ayaw ko!”

“Hindi. Im not doing this to win just a day with you Bob! Im doing this to…..”

“Shhhhh…. Hindi… tigilan mo na ito! Nakakahiya na sa mga tao Richard! Just stay away from me!” pagputol ko sa sasabihin niyang kalokohan.

“Bob…”

“Stay away from me!”

Tumulo ang luha niya’ng alam ko’ng kanina pa niya pinipigilan. Itinakip niya sa kanyang mukha yung kamay niya saka ko siya nilagpasan at tumuloy sa orientation room.

Nakakaawa yung itsura niya dahilan para ma guilty ako sa ginawa ko. Pero hindi ko naman alam kung paano ko siya aamuhin, kung iisipin ko na naman siya, paano ako?

“Sino yun Gang?” tanong ni ate angel. (‘Gang’ o ‘Ga’ from the bisaya word Langga o palangga usually ginagamit yan ng mga older people to address people younger than them.)

“Buang to te” tipid ko’ng sagot.

“Ano ba ang nangyari?” Si kuya ian.

“Wala ya uy… next time na natin pag-usapan.”

“Gang… infairness… gwapo…” nakangiting sabi ng babae.

“Uyaba te!” (Jowain mo ate!)

**************************

Sa mezzanine.

Lunch time nung hiramin ako ni Jude sa mga kasama ko. Lumabas kaming dalawa papunta doon sa hotel lobby.

“Bakit ba Jude?”

“Ang hug ko?” nagpapacute niyang sabi.

“Abnormal ka! Dinala mo ako dito, para lang sa hug?”

Ngumiti lang siya, saka ako binalot sa mga bisig niya. Yumuko siya para magawang maisandal ang ulo sa balikat ko.

“Narinig ko… may nangyari na naman daw kanina sa inyo ni Richard?”

“Kanino mo narinig?”

“Hindi na importante iyon. Bakit ano ba’ng nangyari?”

“Wala! Nanloloko na naman kasi…”

“Baka hindi naman Yabs!”

Inalis ko yung pagkakayakap niya. “Kinakampihan mo siya?”

“Hindi… Hindi ganoon… naaawa lang ako sa kanya… kagabi, alam ko kung gaano niya kagusto ma-pursue yung date niyo…”

“Hindi date yun…” pagputol ko sa sasabihin niya.

Nag smirk lang siya. “Mukhang naiiyak nga nung marinig na ayaw mo eh…”

“Narinig mo naman yung sabi ni Gabby diba? Bumoto siya na hindi ituloy yung pair-up…”

“That’s because, he knows na ayaw mo. see? Ginawa niya yung makakapagpapasaya sa iyo, kahit na labag sa tunay niyang gusto.”

Tahimik…

“Pero masaya ka ba talaga sa nangyari Yabs? Yun nga ba talaga ang gusto mo?”

Natahimik ako sa tanong ni Jude. Natanong ko sa sarili ko noon, masaya nga ba ako? Hindi ako yun eh, hindi naman nananakit ng damdamin ng iba’ng tao si Bob. Marahil kinain na ako ng takot at pagkalito kaya ko nagagawa iyon. Na gi-guilty ako, pero hindi ko kasi mapigilan, sa tuwing nakikita ko siya, lagi ko’ng naiisip na sinaktan niya ako… na kailangan ko’ng umiwas sa kanya dahil sasaktan niya ako uli.

Bumuhos na yung mga luha ko, ilang araw rin siguro na hindi ko nagagawa yun. “Masama ba ako?” sinandal ko yung mukha ko sa dibdib niya.

“hindi… ano ka ba.” Nakarinig pa ako ng mahihinang tawa mula sa kanya.

Inakay niya ako papunta sa upuan ng hindi man lang inalis ang pagkakayakap sa akin, naramdaman ko nalang na inaalalayan niya na ako’ng umupo sa sofa.

“Sige iyak lang…” tumawa siya uli.

“Pinagtatawanan mo ba ako?”

“Hindi… masaya lang ako. Ito kasi yung Bob na mahal ko eh… yung Bob na fragile… yung Bob na masarap alagaan…” punong-puno ng lambing niyang sabi.

“Jude? Ang unfair ko ba?” nakasiksik lang ang mukha ko sa dibdib niya.

“Kay Richard… nakikita ko na he’s trying to fix things up… at mukhang sincere naman yung tao… hindi mo ba talaga siya kaya bigyan ng chance?”

“Sinaktan niya ako Jude…”

“Wait… few weeks ago, ako yung taong halos patayin na yung koreanong hilaw dahil sa pananakit niya sa iyo. Ang sabi mo ‘Hindi naman kailangang manakit para makabawi diba?’ (ginaya niya yung pagsasalita) anong nangyari doon Bob?”

Natahimik lang ako.

“One thing yun, na natutunan ko sa iyo Yabs… one reason din yun kung bakit kita minahal…” dumampi ang labi niya sa noo ko. “Nasasaktan mo na si Richard eh…”

Inangat ko yung mukha ko para tingnan siya. “What do you want me to do?”

“Wala.., sundin mo yung magpapasaya sa iyo…” kinurot niya yung pisnge ko. “Hindi ako magseselos…” saka kumindat.

“Sira.” Niyakap ko uli siya. “Hindi ko alam Jude… natatakot ako…”

“Saan ka natatakot?”

Umiling lang ako.

“Natatakot ka na masaktan uli? O natatakot ka’ng aminin na you still like him?”

“Hindi ko alam.”

“Bob… listen…” inangat niya yung mukha ko. “Yang takot na yan, yung nananakit sa iyo… pinipigilan ka niyang maging masaya. Hindi ko sinasabi na i-express mo yung nararamdaman mo sa kanya, hindi ko rin sinasabi na kailangan maging kayo. Pero Bob ilabas mo yung totoo’ng ikaw… hindi naman pwerke tinataboy mo siya o pinapakita mo’ng hindi kana umiiyak ay nagmumukha ka ng matapang. Mas matapang pa nga yung Bob na iyakin eh…”

Patuloy lang ako sa pagluha, natatamaan kasi ako sa mga sinabi niya.

“Yabs. Alam ko mahirap, pero wala naman kasing mangyayari sa ginagawa mo eh. Mas nagiging komplikado lang ang lahat. Nasasaktan ka pa rin naman, tapos nakakasakit ka rin iba’ng tao.” Umiling-iling siya. “Im not saying na kaibiganin mo agad siya, na maging close agad kayo, kasi alam ko it would take time… pero, wala namang sakitan… nasaktan ka na diba? Masakit diba? Pero mas masakit ata kapag ikaw yung nakakapanakit diba?”

“Ano ba dapat yung gawin ko?”

Inangat niya yung pwetan niya, saka dinukot yung panyo sa bulsa niya sa likuran. Tapos ay pinunasan niya yung mga luha ko. “Can’t you give him another chance?”

“Chance to what?”

“Chance to fix his mess… to make things right…”

“Jude….” Humagulgol ako uli. “I still like him…”

Biglang naging blanko ang mukha ni Jude nung marinig ang sinabi ko. For a moment ay wala siyang nasabi, nakatitig lang siya sa mukha ko.

“Jude?”

Nag flash siya ng isang pilit na ngiti, saka uli ako ginapos sa mga bisig niya. “Isang bagay ang natutunan ko, Hindi importante kung natutumbasan ang binibigay mo’ng pagmamahal, pagmasaya ka sa ginagawa mo, masaya ka!” saglit siyang tumigil. Narinig ko’ng mukhang sumisinghot-singhot na si Jude, umiiyak. “Masaya ako Bob…” bulong niya.

Hindi ko lubos na naintindihan ang huling sinabi ni Jude. Pero sa naging pag-uusap namin ay naging malinaw sa akin na kailangan ko’ng huminge ng tawad kay Richard. Nasaktan niya ako at hindi na namin maitatama yun, tapos na eh… nangyari na… at I think, okay na sa akin yun eh… na ba-bother lang naman ako dahil alam ko’ng may feelings ako sa kanya at natatakot ako’ng mag grow yun… pero unfair naman yata na saktan ko siya ng dahil doon… wala naman siyang kinalaman doon eh… problema ko na iyon.

*****************************

Agad ko’ng hinanap si Richard. Desidido na ako’ng humingi ng tawad sa lahat ng inakto ko’ng nakasakit at nakapagpahiya sa kanya.

Nahihiya ako’ng itanong sa iba kung nakita ba nila si Richard, baka kasi kung anu-ano na naman ang iisipin nila. Kaya minabuti ko’ng hanapin nalang siya ng ako lang.

Matagal-tagal din bago ko nakita si Kumag, tahimik siyang naka-upo sa sofa sa labas ng CR nung mezzanine. May wall pa kasi na nakaharang kaya hindi iyon kita sa loob ng hall. Nagbabasa siya noon ng libro. (I actually took a picture of him nun, na ginawa niya pang profile picture sa FB.)

Marahan ako’ng umupo sa tabi niya. Nung malaman niyang ako yung tumabi sa kanya ay bigla nalang niyang tiniklop ang hawak niyang libro saka tumayo na para ba’ng nahiya o natakot.

“Please stay…” sabi ko, na siya’ng nagpatigil sa kanya. “I think we need to talk…”

Bumalik siya sa pagkakaupo, pero yung tingin ay nakatutok lang sa pader sa harapan, mukhang nahihiya o natatakot pa rin siyang tingnan ako.

“Richard…” simula ko.

“You can call me Chard o chardy…” pagsingit niya.

“Chard… Im sorry, kung naging rude ako sa iyo…”

“I understand. Kasalanan ko naman eh…” mabilis niyang tugon.

Tahimik…

“Ahmm Chard” “Bob” sabay naming sabi.

“Ikaw na muna.” Sabi ko.

“Bob… alam ko ilang beses na ako nag sorry at alam ko ring hindi sapat yung sorry for you to fogive me… but please give me a chance na itama yung mga mali ko, please believe me na sincere ako.”

Hindi pa rin naman ako lubusang nagtitiwala sa kanya, pero why shouldn’t I give him the benefit of the doubt?

Tumango lang ako.

“Your turn now…” bulong niya.

“Honestly Chard, na….iilang pa rin ako sa iyo. I don’t know kung paano ko….” ni-rub ko yung mukha ko. Sobra kasi akong kinakabahan, hindi ko alam kung ano ba dapat yung sasabihin ko.

“I don’t know how to say it, (buntong hininga) ahhhhh… wala eh… hindi ko alam…” pag-aalala ko. hindi ako mapakali noon, paulit-ulit ko stri-netch yung mga binti ko, ni rub yung mukha ko, kiniskis yung dalawa ko’ng palad at kung anu-ano pa.

Natawa lang siya sa nakikitang reaksyon ko.

“Ganito nalang. Chard… payag na ako!” mabilis ko’ng sabi.

“Payag sa?” he gave me a quizzical look.

“Payag na ako’ng maging date mo bukas.” Buong tapang ko’ng sinabi. (I just realize na parang ang feeling ng pagkakasabi ko. parang sobrang gustuhin… LOL)

Nakita ko’ng ngumiti siya, sobrang laking ngiti… ngiting mukhang sobrang saya… maya-maya pa’y tinago niya yung mukha sa kanyang mga palad, nakadama ako ng pagsisisi sa mukha niya. Rinig ko rin kasi yung pag sigh niya.

“Bakit? May problema ba Chard?”

“Bob… ano eh… Si Nicole…” nag-aalala niyang sabi.

“O ano si Nicole?”

“Siya na yung date ko…”

May kirot na dala yun sa puso ko, pero hindi ko pinahalata. Tumango-tango lang ako. “Okay… ayos lang…” sabay lahad ng palad ko para makipag apir sa kanya (I don’t know why kung bakit ko ginawa yun).

“Well, I guess talaga’ng hihintayin ko nalang na dumating si Superman bukas…” pinilit ko’ng ngumiti. “Chard… check ko muna yung mga teammates ko ha… sige…” tumayo ako at humakbang palayo sa kanya.

“Bob!” pagtawag niya muli sa akin.

Nilingon ko siya, na may kasama uli’ng pilit na ngiti.

Ngumiti rin siya, ngiting masaya… “I think Superman will be very happy to have a date with you!”

Nginitian ko nalang uli siya, saka tuluyang umalis sa harap niya.

To be continued…

*************************

Note:
nakaka Overwhelmed po ang support na pinapakita niyo guys… ang sarap basahin ng paulit-ulit ng mga comments ninyo…

Sir Manuel Demigod… sorry po sir, mahal kita sir… maraming maraming salamat sa pagiging consistent reader mo… nakakahiya tuloy sa inyo, lalo’t nalaman ko’ng pro-writter po kayo… and yet, pinagtiyatiyagaan mo po itong kwento ko’ng puno ng errors… hehehe I love you po ulit mwah, hugs….

Thanks din Edward… after kasi nung comment mo about some PBB housemates ay sinubukan ko’ng manood ng isang episode lang just to know kung sino yung barber at marko na tinutukoy mo… (Im not a fan of PBB kasi) and now araw-araw na ako’ng naaaliw sa show…. I like May-may and I think bagay sila ni Mr. Barber… I also like kisses, nakikita ko kasi yung sarili ko sa kanya at some point… thanks kasi, nag introduce ka sa akin ng bagong kaaaliwan.

Dan… na aapreciate ko yung pag o-open mo sa akin about your personal life… ayieee… mukhang ang bigat nga nung pinagdaanan mo, at na fi-feel kita… nasa huli nga yung pagsisisi… haaayyy si Malaysian guy

To everyone na nagsasabing gusto ako’ng makilala, gusto ko rin po kayong makilala sobra… I just don’t know how, at feeling ko hindi pa right time…

I love you everyone Sir Russel, Rodel anin, Cj, Marku, Jay, Ween Vicar, Shuttle bro, Jazzboi, blank, cabsy, bash, carl mabaet, July Flores, SIR LOYD, lolaniking, Prince Zaire, rebserc, JB, BFY, secretns, blanc star, misty, anonymous, happy clock at unidentified…

REBSERC? Asa ka sa Gensan? Aw, taga gensan ka?

No comments:

Post a Comment

Read More Like This