Pages

Thursday, September 1, 2016

Not Today (Part 5)

By: Prince Zaire

Author’s Note: Pasyensya na po dun sa mga readers dito na naiinis sa mga kwento ko lalo na pag pinapatay ko yung character. Bukod sa mahilig ako sa Nicholas Sparks’ masterpiece, Eh mahilig din po kasi ako sa GOT Series na halos lahat ng striking characters dun ay namamatay. Dun po sa mga naiinis sa kung anong nangyari sa One in a Million Chances – I apologize (half meant, lol). Yun na nga, nag-end na siya. Nag-end na nga ba? Little Mix’s Tape papatapos narin at pati tong Not Today Series malapit na siyang maka-quota mga bes. Sa mga sumusubaybay nito, maraming salamat. Hindi man siya yung story na inaasam niyo at gusto niyong mabasa sa blog na ito. Hindi man siya ganun ka ganda tulad ng ibang story dito na maraming nakaka-appreciate, maraming mga fans na sumusubaybay at maraming nagko-comment dahil sobrang ganda ng storytelling *sighjellymuch. Hindi man ako yung Author na effortless kung maka slay sa comment box like hell can’t even slay 30, nasa 10+ lang ang may gusto ng stories ko (but nevermind). Pero itutuloy ko parin hanggang matapos tong series na to, kahit na umay na umay na kayo sa pangalan ko sa by-line. At siguro pag natapos na ang Not Today, yun narin ang finish line ng Prince Zaire works (that depends though, pero parang ganun na nga). Sinusubukan kong ilevel-up yung atake at yung way of storytelling. Sinusubukan kong mag-kwento hindi lang para mapasaya at mapa-isip kayo. Kundi para kahit papano ay may matutunan kayo sa kalokohang pinagsusulat ko. Gaya nga po ng sinabi ko noon, every chapter ng Not Today ay di mo maiintindihan ang simula not unless tapusin mo siya. Yun ang goal ko, ang guluhin ko mga buhay niyo at gisingin ang hypothalamus, amygdala at ang kumpare nitong si hippocampus (joke). Clarify ko lang din, yung The Ruins po ay sa Talisay City talaga, I’m pertaining to the old houses kasi when I said Silay- I stand to be corrected, salamat sa nagsabi muaaah hugs. Eto na po ang ikalimang bahagi ng Not Today. Sabay sabay po tayong magkunot ng noo at magbuntong hininga. Pwede rin po kayo magmura, hahahah.
P.S: Sa lahat ng parts ng Not Today, yung account ni Ronan ang 70% true. Nagawa ko siyang tapusin sa isang upuan lang at di ko alam kung bakit ko siya iniyakan ng bongga. Well pag mga sad parts naman sa mga stories ko iniiyakan ko eh. Ok nevermind kunwari wala kayong nabasang Authors Note!
# # # X O X O X O X O # #
-2060-
Anong nangyari sa ikaw at ako?
Bakit pag-gising ko, yung tayo ay naging kayo. Bakit ang “ikaw lang” mo ay naging “siya lang” na.
Bakit kaya di magtagpo-tagpo ang mapagmahal at seryoso? Bakit palaging napupunta ang seryoso sa manloloko? Bakit kaibigan lang? Paulit ulit kong dinarasal na sana bukas kamay ko naman ang hawak mo. Na katawan ko naman ang yakap mo, at labi ko naman ang halikan mo. Pero wala, di mabisa ang dasal ko. Dahil hanggang ngayon, sarili kong mga kamay ang humahawak din sa mga kamay ko. Kelan kaya? Kelan kaya yung panahon na may hahawak sa kamay ko at ipagsisigawan sa mundo na sa kanya ako. Yung di matatakot at yung di matitibag.

Being single doesn’t mean you are undesirable or unwanted. It means you know your worth and you are waiting for someone who is worthy? Totoo ba ito? Hanggang kailan ang pag-aantay na yan? Kailangan pa ba nating maniwala na ang tunay na pag-ibig ay darating sa tamang panahon? Putang inang tamang panahon na yan. Kelan yun? Pag prenteng prente ka na sa iyong kabaong? Ok, ipush natin yan. Maniwala muna tayo ngayon na may pag-asa nga para sa atin mga beks.
Pero kung wala man, pakayaman nalang tayo at mahalin ang ating sarili. Career over love? Love over Career? Ang masakit sa choices na yan, wala kang choice talaga kundi career lang. Walang love! K fine! Ano kaya ang nasa genetic frame ng mga taong single at hopeless romantic? At ano kaya ang kakaiba sa genetic frame ng mga taong may lovelife at hindi nawawalan ng jowa? Matagal ko nang tanong yan, kung alam ko lang pinabago ko na sana ang genetic frame at DNA strands ko. Papalagyan ko ng magnet ang system ko para mas malakas yung attraction.
Sabi nila marami sa mga matatalino ay single at malibog. Kaya kung matalino ka, malibog ka rin. Matalino ka dahil dalawa ang ulo na nag-iisip sa iyo, yung sa taas edukado yung sa baba delikado. Kusang tumatayo para upuan mo, yung iba nga sa sobrang tapang sinusubo yung ulong delikado. Joke! Eh wala eh balik tayo sa usapang lovelife mo! Delikado! Bokya! Kasi rejected ka!
Ang pinakamahirap na feeling sa lahat ay ma-reject. Isa na ito sa pinakamasakit na pwedeng maramdaman ng isang tao, bukod pa iyon sa betrayal, sa heartbreak or sa namatayan. Reject, to refuse to believe, accept or consider. Wala, rejected ka yun na yun. Yung kailangang ipamukha sa iyo ng harap harapan kung gaano ka ka-unworthy para sa kanila. Yung kailanma’y di ka magiging sapat. You’re not good enough. Ok, ok, I’m not good enough. Isa akong malaking rejection. Daig ko pa ang kamatis na may uod na tinatapon para di maapektuhan yung iba na nasa basket. I’m a mess. Kelan ba enough ang enough, at sapat ang sapat? Di natin alam, di yan tinuro ni Mam kasi busy siya sa kanyang lesson plan.
Marami kang tanong, anong mali sa akin? Saan ako nagkulang, bakit ganun, bakit ganito. Ano ang meron siya na wala ako. And then mare-realize mo nalang – yes isa akong malaking rejection. Ulit! Kailangan talagang ulitin para maitatak sa utak mo. Di ko na mabilang kung ilang rejection na ang nakuha ko- lagpas na sa mga daliri ko, kasama na yung nasa paa ko. Di ko na din mabilang kung ilang beses akong nasaktan at umiyak dahil lang sa I’m not good enough. At ang pinaka-malaking rejection na naganap sa buhay ko – ay kay Clay.
He’s my one true love – Clay Pixel Dy. Kalaro ko siya noon sa ampunan, yes I am an orphan. Bata palang ako ay rejected na ako ng aking mga magulang, na animoy isa akong kasalanan para itapon nalang ng ganun sa basurahan sa labas ng ampunan. Yung Daddy ni Clay ang major sponsor ng Orphanage na iyon. Every weekend kung dumalaw siya at kada birthday niya ay doon siya nagse-celebrate. Huli ko na siyang nakita nung 10th birthday niya, tapos wala na. I tried everything para kahit papano ay makita ko siya. Nalaman ko na sa agent ang Mommy niya sa CEREBRO at recruit din si Clay dito. Ginamit ko ang aking talino para naman kahit sa malayo ay masilayan ko siya. Nakapasa ako sa screening ng CEREBRO, isa itong private organization na under CIA kung saan nagrerecruit sila ng mga batang may angking kakayahan sa siyensiya, matematika, teknolohiya at may magandang pangangatawan na pwedeng isabak sa digmaan. Ang CEREBRO ay organisasyon na pumupuksa sa mga terorista, sa mga kasapi ng transhumanist group. In short, scientist soldiers – sundalong siyentipiko.
Doon nga ulit nagtagpo ang landas namin ni Clay, isa siyang Astrophysicist at Genetic Engineer sa CEREBRO.  He’s the best in his field, but he’s deadly. Sinubukan ko ngang lumapit sa kanya, sinubukan kong maging close ulit sa kanya. Dahil nga sa parehas kami ng visions at way of thinking ay mabilis kaming nagka-palagayan ng loob. Hanggang sa di ko namalayan ang sarili ko na hulog na hulog na ako sa kanya. Namalayan ko pala, hinayaan ko lang. Marami akong reservations nun kung itutuloy ko ang pagtatapat ko kay Clay. Posible din bang main-love siya sa akin? Posible kayang mainlove si Aisen Chen kay Tom Daley? Arrrrrgh, asar. Bakit ba sa dinami dami ng pwedeng mahalin ay siya pa? Bakit di nalang ikaw na nagbabasa ng walang kwentang istoryang ito ang mahalin ko? Oo, ikaw. Pwede ba? Akin na number mo.
Ano ba ang nagustuhan ko kay Clay? He’s soft as clay, he’s perfect. Bukod sa chinito niyang mga mata, sa ngiti niyang makapukaw damdamin, sa mga ngipin niyang pantay pantay, sa matipuno niyang katawan. Of course, maganda ang katawan niya he’s an Olympic Diver by the way. Marami siyang pandesal at di maitatago ng kanyang masikip na bikini brief ang ipinagmamalaki niya sa tuwing nandoon siya sa 10 m platform. Na sa tuwing makikita ko siya ay iba ang kabog ng dibdib ko, kaparehas ng kabog pag nakakasalubong ko si Zie Naval sa Campus (totoo to). Bukod sa physical appearance niya ay maganda ang ugali niya, marunong siyang makisama. Walang mahirap o mayaman sa kanya, basta masaya kang kausap go siya. Matalino siya, mayaman, nasa kanya na ang lahat ano pa bang hahanapin ko? Wala, siya lang.
Ang tanong, magugustuhan ba niya ako. May itsura naman ako, may magandang katawan, biniyayaan ng height. Ok naman ako, pero bakit di niya ako magawang titigan gaya ng pagtitig niya kay Chase?
Nilakasan ko nalang ang loob ko noon, eto na eto na talaga.
“Hey, Argus. Tahimik ka diyan?” tanong niya, habang nakaupo kami sa forest area sa labas ng CEREBRO East Wing.
“Wala, may iniisip lang”
“Iniisip mo ba kung papaano umabot ng 80 million ang population ng UK, kung paanong umabot sa half a billion ang population ng US? Iniisip mo ba kung anong dahilan ng pagbalik ng Halley’s Comet? O kung magiging successful ba ang ginagawang mining sa Moon at Mars?”
“Hindi, isa lang iniisip ko”
“Ano?”
“Sino”
“Oh sino naman?”
“Ikaw”
“Ako?” tinitigan niya ako sa mata.
“Oo, iniisip ko kung paanong maging tayo yung ikaw at ako”
Tumawa lang siya. “Hell, Argus. 2060 na po. Naka-ilang siglo na ang mundo at halos lahat ng nasa palagid mo ay lumilipad na. Halos lahat ng mga electronic gadgets ay umaasa na sa solar energy. Pero ikaw, you remained hopeless romantic at may pa-cariƱo brutal pang nalalaman” tugon niya.
“Oo, 2060 na Clay, pero who cares diba? May puso parin tayo na kayang magmahal at magpaka-romantic”
“Everything is possible now Argus, pwede nang ire-program ang utak at puso. If you don’t want to feel the pain, we can reconfigure the irrational brain. If you want to forget it all, just a click at the hippocampus”
“To hell with this fucking science, can we just go back nung simple pa ang mundo. Na pwede tayong mabuhay na ikaw lang at ako”
“We can go back, the presence of gravitational waves in space serves as a tool to go back in time. Pero may consequences na yun, you loose some to gain some”
“Clay, mahal na ata kita. Noon, ngayon at bukas, mahal kita. Bata palang tayo ay alam kong ikaw na yung one true love ko”
Nagseryoso ang mukha niya, tinitigan niya ako sa mata at saka nag-smile.
“Pinanganak ka sana ng mas maaga noh? Tsk tsk tsk. Mamahalin mo kaya ako kung malaman mo ang totoo?” tanong niya.
Naguluhan ako sa sinabi niya. “Kahit ano pa yan, maging sino ka man”
“Argus, gone are the days of OPM. Wag ka nga, come. May ipapakita ako sayo”
Tumayo nga kami ni Clay saka kami naglakad sa isang mahabang hallway na balot ang dingding sa stainless steel. Itinapat ni Clay ang kanyang mata sa scanner at bumukas ang pinto. Naglakad ulit kami sa isa pang mahabang pasilyo. Nakarating kami sa isang malaking pintuan, inilapat ni Clay ang palad nito sa scanner at saka nagbukas ang pinto. Mausok sa loob, at wala ka talagang makita. Ni liwanag ng araw ay di umaabot sa room na yun.
“Nasaan tayo?” tanong ko.
“Sa past, sa present at sa future”
“Di kita gets” pagkasabi ko nun ay bigla niyang binuksan ang ilaw.
“This is my crib”
Inilibot ko ang aking mga mata sa malawak na laboratory ni Clay, maraming aparato, maraming tangke at iba pang mga kagamitan na kalimitang sa sci fi movies mo lang makikita. Pero ang pumukaw sa aking mga mata ay ang patong patong na mga cylindrical containers na parang aquarium na may mga jellyfish na lumulutang, bumubula ang tubig nito at may mga tubo at wires na nakakabit dito. Nag-iiba din ang kulay ng tubig nito. Ang daming ganun na mga containers at halos yun ang laman ng silid na iyon. Unti-unti akong lumapit sa mga containers na yun at sa paglapit ko ay naaninag ko kung ano yung mga yun. Nanlaki ang mga mata ko sa aking nakita.
“Clay, mga ano ba to… ahmmmm” di ko na naituloy yung sinabi ko ng bigla siyang magsalita.
“Brain, Argus. Yes”
“But why?”
“We’re collecting memories, we’re collecting information from the past the present & for the future”
“Ilang utak ang nandito”
“Bukod sa utak mo at utak ko, mahigit kumulang dalawang daan”
“200 brains means 200 lives?” gulat kong pahayag.
“Yes”
“For what?”
“Scientific research”
“You risked 200 innocent lives for fucking science? What the hell Clay”
“Risk 200 or do nothing? Argus, look at the bigger picture”
“And what is that?”
“That the world is ending if we do nothing. Argus, kung hindi tayo kikilos ngayon, kelan pa? Alam mo naman na siguro na marami nang animals ang extinct, the glaciers are long gone. Tropical cyclones are wreaking havoc in the Mediterranean. Wala nang Israel, walang Amazon or Sahara, wala nang Palestine, wala nang Syria or Lebanon, Iran or Iraq. Africa’s population is dropping every second of everyday because of famine. Marami nang sibilisasyon ang nawala Argus, if 200 lives means saving millions. Why not take the risk?”
“I still don’t understand”
“If only the Vatican opens their Archive, hindi sana tayo ganito ka-desperate ngayon. If only the Vatican tell the people what is really happening, hindi sana umabot to sa ganito”
“The Vatican won’t risk the dignity of the Holy See”
“I know, but their archive is so precious. Maraming accounts doon ang pwedeng magamit sa sitwasyon natin ngayon. Accounts from Da Vinci, Newton, Einstein, Darwin at ang pinaka-importante ang kay Galileo”
“How did you come up with this?” tanong ko.
“I received an encrypted letter from the CIA kaninang umaga, it was a passage from the book of Daniel. Particularly Chapter 12 verse 7. And you are particular of it”
I just nod bago magsalita. “I heard the man dressed in linen, who was above the waters of the river, as he raised his right hand and left toward heaven, and swore by Him who lives forever that it would be for a time, times and half a time; and as soon as they finished shattering the power of the holy people, all these events will be completed” sagot ko.
“Exactly, many years ago Isaac Newton studied the bible particularly Jesus’ second coming. The book of Matthew, Daniel & of course the Revelation, iisa lang ang pinupunto nila – the world will end.”
“Naaalala ko yan, may commentary si Newton sa book of Revelation.  He said, the ruin of the wicked nations, the end of weeping and of all troubles, the return of the Jews from captivity and their setting up of a flourishing and everlasting kingdom. At that time is also predicted the end of the king of the North, the fall of the great Apostacy, the return of the Jewish captivity and the great tribulation. It doesn’t ring a bell at all to me” pahayag ko.
“Well it does, sabi ko nga kanina. Wala nang Israel. At sa panahon ni Newton, the nation of Israel do not exists. How was that?”
“I don’t know”
Ngumiti lang siya. “7 years ago, America together with Japan & South Korea are on a mission to wipe out the country of Israel & other nations in the Mesopotamian region. To wipe out the ISIS. Kung ano ang sinapit ng Hiroshima at Nagasaki, Chernobyl at Fukoshima ay sinapit din nila. Due to extreme radioactivity in the area, life is not possible to exist in there anymore”
“What’s the connection?”
“China, Russia & North Korea are planning to build a new Israel”
“Anong implication nun?”
“Israel’s restoration as a nation was a critical sign post to the end of the world, Argus”
“Paano ka nakakasiguro?”
“North Korea is manufacturing nuclear weapons as much as they could, Russia is into genetic engineering. Pinagaaralan nila ang genetic make-up ni Hitler at iba pang terrorists, to create armies just like them. And according to CIA reports, mukhang halfway na sila sa pagsasagawa nito. Russia already attacked the Middle East to take over the oil industry. At pag nangyari nga na may mga genetically modified armies sila, life will never be possible along their way”
“And what about China?”
“China is importing the best scientists in the world, for a mission. Akalain mong ang bansang may pinaka-malaking populasyon ang magsasabing threat ang population sa humanity at sa mundo. China believed that only the rich, the powerful, the strong, the honest, the intelligent should live. Yung mga tao lang na may IQ of 120 pataas at may kakaibang genetic frame ang pwedeng mabuhay. Kung wala ka doon sa nabanggit, you will be left behind, you’ll die. China is engineering a strand of HIV AIDS that will make it airborne. A new strand na para nang pinagsama ang EBOLA at SARS. Pag nangyari yun, all the Asian nations will disappear like Israel”
“Dapat ba tayong matakot?”
“50% Oo, 50% hindi”
“Anong ibig mong sabihin?”
“Na may pag-asa pa. Yes, China is already making its move to eradicate its nearby nations. Kung di tayo gagawa ng mga hakbangin para pigilan ang gagawin ng China, mamamatay tayong dilat. They already installed laboratories in the Spratlys, walang nagawa ang UN. Nagsosolong nasyon na ang Mindano, ano na ang susunod Argus? Basta nalang lamunin ng Pacific ang Pilipinas? Come on, ayaw nating mangyari yun. Ang mga Transhumanist terrorist na nandito sa Pilipinas I heard pinag-aaralan na nila kung paano papagalawin ang Marikina Valley fault. At kung magawa nila yun, Metro Manila will vanish like dirt”
“Paano mo nalaman tong lahat?”
“Sabihin nalang nating nag-time travel ako” tinitigan ko siya ng masama.
“I’ve seen the past & the future Argus, I’ve seen what you’ve become” paliwanag niya.
“How?”
“Every person has a chi stored in their system at ang pinakamalakas na energy ay naka-store sa temple – the brain. I studied how the amygdala, the hypothalamus & the hippocampus worked as one. I studied every strand of neurons, of synapses & axons. Sa pamamagitan ng energy waves at frequency mula sa mga utak na nandito, nakuha kong i-store ang memory ng bawat isa at nakuha kong maglakbay as far as 1869 by just connecting every detail & every strand. May nakita akong memory detailing how Rizal was shot at Bagumbayan. Argus we are all a part of a cycle, an evolution. Our physical being dies, but not our soul & thoughts. Napapasa ito generations to generations.”
Nilapitan ko siya saka ko niyakap. “Clay”
“Mamahalin mo pa ba ako sa kabila ng mga nalaman mo? Sa kabila ng ginagawa ko?” tanong niya.
“Clay pumapatay din ako ng tao” sagot ko.
“On purpose yes, you’re a soldier. Pero ako, for science sake. I’ve risked many lives for my experiments”
“Love sees nothing & knows nothing. Love doesn’t care at all” pahayag ko.
Humarap siya sa akin at hinawakan ng dalawa niyang kamay ang aking mga pisngi.
“Ba’t ba ngayon ka lang? Ba’t ngayon ka dumating kung kelan di na pwede ang ikaw at ako?”
“Anong ibig mong sabihin?” tanong ko, iniangat nalang ni Clay ang kanang kamay niya at nakita ko doon ang silver ring na kumikinang.
“You’re engaged?” tanong ko.
“Not yet, just a friendship ring? Perhaps, but I’m committed already” sagot niya.
Yeah. Not Yet.
Masakit man sa akin pero pinilit kong kumalma, pinilit kong maging masaya para sa kanya. “Congrats” matipid kong tugon.
Yumakap siya ulit sa akin. “Salamat, mahal naman kita eh. Kaya lang bilang kaibigan at kapatid lang talaga. And hell yung age gap natin noh. Sorry ah, I’m in love with someone else, makakahanap ka rin ng para sayo Argus”
Di nalang ako umimik.
“Argus, after ng training namin lilipad na kami ni Chase sa Berlin. Wag kang mawawala sa competition ha, aasahan kita dun”
“Oo naman”
At dumating nga ang Summer Olympics at isa ako sa avid fan nina Chase at Clay. Kahit may kurot sa puso akong nararamdaman sa tuwing makikita ko silang dalawa, kung gaano ipamukha ng tadhana na perfect sila para sa isat-isa. Ang sarap murahin ng tadhana.
Andito ako sa Berlin nagchi-cheer sa taong mahal ko pero di ako kayang mahalin.
“Go Clay! Go Chase! Go for Gold!” sigaw ko. Chase & Clay what a perfect couple. Nagtungo na nga sila sa end ng 10 m platform, sa tamang oras ay sinimulan na nila ang routine. Ang galing ng pagkakasabay nila, kung paano sila mag summersault tuck sa ere, paano mag-flip bago deretso landing sa tubig. Magaling sila, bagay sila – ok oo na, sila na, sila talaga. Naka-silver lang sila doon, pero ayos na yun atleast Olympic medal.
Naging magkaibigan parin kami ni Clay. Ako yung nagiging shoulder to cry on niya pag nag-aaway sila ni Chase, ako yung kausap niya. Taga comfort, taga payo at taga pakinig ng drama niya. Kalimitan kasing out of the country si Chase, on a mission siya dahil tulad ko ay isa rin siyang sundalo. Pero mas mataas ang ranggo niya dahil sa Central Intelligence Unit siya mismo. Kaya lagi ako yung nakakasama ni Clay. And then umabot sila sa cool off, akala ko noon pagkakataon ko na yun. Akala ko lang pala, wait theres more pala yung drama.
One time nagpatulong si Clay na isetup yung function hall sa bahay nila.
“Anong meron?” tanong ko.
“Anniversary nina Mama at Papa”
“Andito parents mo?” tanong ko, dahil alam kong nasa abroad sila.
“Ah basta, tonight is special”
Tinulungan ko nga siyang mag-setup. Yung table, yung mga chandelier na may kandila, yung paligid na napapalibutan ng blue roses, mga rose petals sa sahig, mga balloons, mga ilaw at kung ano ano pa. Mahilig kaming magluto ni Clay kaya nagluto narin kami.
“Ang swerte naman ng mga magulang mo sayo”
Ngumiti nalang siya.
“Clay, ba’t wala ata yung engagement ring mo?”
“Engagement ring ka diyan, friendship ring lang yun”
“Ah, ba’t di mo suot?”
“Basta”
“Ok”
“Argus”
“Ano?”
“Diba magaling kang kumanta?”
“Medyo”
“Pwede bang kumanta ka mamaya?”
“Sure, anong kakantahin ko?”
“Alam mo na yun, ano ba” sabay ngiti.
Dumating na ang gabi, perpekto ang lahat. Ang ilaw, ang mga bulaklak, parang isang scene sa romantic film. Parang eto yung mga scene kung saan may magpo-propose. Naka-ayos kami ni Clay, gwapong gwapo siya sa kanyang White Tuxedo. Ako naman naka black shirt saka blazers. Pumwesto na ako kung saan andun yung banda.
“Argus, pag may pumasok diyan. Yun na yung signal, kanta agad. Ok?”
“Ok”
Mga ilang minuto pa ay sumenyas si Clay, nagsimula nang tumogtog yung banda. Nakita kong pumasok si Chase doon, nakita ko kung paano siya naglakad ng maalumanay papunta kay Clay. Di ko napigilan yung luha ko, kusa nalang siyang gumulong mula sa mga mata ko. Pinunasan ko ito at nagsimulang kumanta. Akala ko tapos na yung forever nila, magsisimula palang pala.
“I was a quick-wet boy
Diving too deep for coins
All of your street light eyes
Wide on my plastic toys
Then when the cops closed the fair
I cut my long baby hair
Stole me a dog-eared map
And called for you everywhere
Have I found you?
Flightless bird, jealous, weeping
Or lost you?
American mouth
Big pill looming
Now I'm a fat house cat
Nursing my sore blunt tongue
Watching the warm poison rats
Curl through the wide fence cracks
Pissing on magazine photos
Those fishing lures
Thrown in the cold and clean
Blood of Christ mountain stream
Have I found you?
Flightless bird, grounded, bleeding
Or lost you?
American mouth
Big pill stuck going down”
“Chase, matagal kong inantay yung pagkakataon na ito. Na yung tayo ay hindi tayo lang. Ikaw at ako, walang siya o sila. Ikaw at ako lang. Chase, I don’t wanna chase you anymore. I want to be with you. I want you to be mine. I want you beside me, be my beautiful beloved, be my maybe. Kasama kitang magmamasid sa mga bituin, kasama kitang tatanda, kasama kita sa lahat. Chase, will you be the other half of my life?” ang sakit sa tenga, ang sakit sa puso. Parang nilalagari ang pagkatao ko na naririnig yung mga binibitawang salita ni Clay. Hawak hawak ang singsing na nakaluhod sa harap ni Chase. Ang daya-daya talaga ng tadhana, ang daya-daya ng Universe.
“Chase?” tanong ulit ni Clay. Lumuluha na noon si Chase, tumango lang ito.
“Say it!” sigaw ni Clay.
“Yes, Clay. I will, I will be your beautiful beloved & your other half. Yes, Clay. Yes”
Dun na nga hinalikan ni Clay si Chase. Maalab yun, punong puno ng pagmamahal. Hindi ko na tinuloy yung kanta, lumabas na ako sa lugar na iyon. Naki-dalamhati ang kalangitan sa aking nararamdaman, wala akong paki-alam kung nababasa na ako nun ng ulan. Basta patuloy lang ako sa paglalakad. Di ko alam kung saan tutungo. Talo nanaman ako, wala talaga akong laban sa tadhana. Kahit ilang reincarnations pa yan, mananatiling ganun parin ang setup. Sa love story na binubuo ko, ako lang yung nagmamahal.
Hanggang dito na nga ang ikaw at ako, walang tayo. Ako lang, at ako lang ito. Patuloy na mamasdan kita sa malayo, patuloy na lalaboy sa kung saan ang tungo ng mga paa mo. Patuloy na aasa na sana sa kabilang mundo ay kamay ko naman ang hawak mo. Na sana, mga daliri ko na ang magsusuot ng singsing mo. Na sana sa susunod na reincarnation Argus at Clay na, wala nang Chase.
Kriiiiiiiiing!!!!! Pambubulabog na tunog mula sa aking alarm clock.
Napabalikwas ako sa aking study table, alas-siete na pala ng umaga at kailangan ko nang pumasok. Di ko namalayan na sa study table pala ako nakatulog dahil tinapos ko pa ang karugtong ng storyang ipinasa namin kay Sir Franco. Makulit kasi yung isang yun, di talaga ako tinigilan hanggat di nakukuha ang gusto.
“Dwight, ganito na ba talaga ang ending nito?” tanong ni Sir Franco matapos ang klase namin habang kumakain kami sa McDo at hawak hawak niya ang output namin ni Pat.
“Siguro Sir” matipid kong sagot.
“Dugtungan mo, bitin eh. Yung kakaiba naman”
“Sir”
“Sige na para naman mas exciting. Ok, pag nagawa mo yun. Exempted kayo ni Pat sa Departamentals”
“Talaga?”
“Oo”
“Anong assurance ko?” tanong ko.
“Tong puso ko, pwede na ba yun?” sabay kindat niya na kinakilig ko naman.
“Si Sir oh, aysus alam ko naman kung sino parin nandiyan. At kailanman di magkakasya ang pangalan ko diyan”
Tinawanan niya lang ako. “Ano yun?”
“Wala, sabi ko magsusulat ako ng karugtong nito” kumuha ako ng papel at ballpen saka inabot ito sa kanya. “Oh”
“Para saan naman yan?” tanong niya habang abala siya sa pag-sip sa kanyang Coke Float.
“Assurance, isulat mo diyan na pag nagpasa si Dwight Arvin Go ng karugtong na istorya ay exempted sila ni Alora Patricia Quinto sa Departamentals”
“Talino mo no” sabay kuha dun sa papel at nagsulat nga.
At ginawa ko nga ang nasabing karugtong, pinabasa ko ito kay Pat.
“Heartbreaking again bes, ano ba yan. Sino yung reincarnation ni Francis dito at sino si Sir?”
“Clay is Franco, Chase is Francis at ako si Argus” sagot ko.
“Damn it Dwight, hanggang sa story ba naman ganun parin? Ikaw parin yung umaasa? Ba’t di mo binago?”
“Bakit ko babaguhin? Kahit fiction yan Pat kailangang may basis parin siya. Eh yun ang totoo”
“Ah basta, sana ginawa mong Clay & Argus. Ayos kaya, hindi yung ganito. Na puro goodbyes & one sided love”
“Eh ganun naman talaga ang buhay eh, love begins in hello and ends in goodbye”
“Hindi rin, hindi lahat”
“Eh ano?”
“Yung ex ko sabi niya thank you, atleast diba hindi goodbye yung ending. Eh yung ex mo Dwight, anong last words niya?”
“Fuck You”
“Sabi?” tanong niya kaya tumango nalang ako.
 Tumawa ng malakas si Pat.
“Nakakatawa talaga?”
“Fuck you!”
“Ok ulitin mo pa”
“Ba’t kayo nag-break?” tanong niya.
“Kailangan talagang balikan?”
“Syempre, malay mo makakuha tayo ng another material for a story sa mga pinagdaanan natin. Sige na”
“Nakipag-break siya dahil masyado daw akong too good to be true. Masyado daw akong good boy at tuwing kasama daw niya ako para daw siyang robot, o poon na inaalayan ng bulaklak, dinadasalan at di pwedeng halayin. Pinamukha niya sa akin kung gaano ako kahirap, ni simpleng mga bagay daw ay di ko kayang bilhin para sa kanya. Para daw akong di tunay na lalake dahil di ko man lang siya maaya mag-sex”
“Sino bang ex mo?”
“Chloe pangalan niya, taga ibang school siya nun. Anak mayaman, magkakapit-bahay kasi kami kaya nagkakilala kami”
“Hindi naman siguro Advincula ang surname ng Chloe na yan no, at hindi naman siguro siya nag-aral sa St. Paul?”
Tumitig ako sa kanya. “Chloe Advincula nga ang pangalan niya, at sa St. Paul siya nag-aral”
“Hay naku Dwight, buti nalang naghiwalay kayo. Silver Swan yung babaeng yun eh, sawsawan ng bayan. Isa siyang Carinderia na bukas sa kung sinong may gustong kumain. Mga varsity player sa ibang school ang tumetake-out sa kanya. At may bulong bulungan din noon na nagpalaglag siya dahil nabuntis ata siya ng isang basketball player na naglalaro sa UAAP ngayon. Maganda nga siya, pero jusko naman Dwight”
“Totoo?” gulat kong tanong.
“Sa tingin mo magsisinungaling ako? Dwight, sa St. Paul din ako nag-aral at classmate ko mismo si Chloe. Ni minsan talaga di kayo nag-sex?”
Umiling lang ako.
“Kahit BJ? Mahilig daw yun dun eh” umiling lang din ako.
“Kaya pala sinabihan ka niya ng fuck you, di mo kinamot”
“Akala ko kasi malinis siya, akala ko virgin siya. Maling akala pala, yung akala ko for keeps trash-worthy pala”
“Ganun talaga Dwight, nadeceive ka sa katawan niya, sa ganda niya. Sino ba namang lalaki ang di titigasan sa mga malulusog niyang hinaharap diba?”
“Loko ka”
“Kahit minsan talaga di mo siya ginalaw?” tanong ulit niya.
“Hindi nga, muntik lang kaya lang nagpigil ako kasi alam kong mali”
“Meron pa palang lalakeng tulad mo no?”
“Oo naman, rare na kami”
“Chura”
“Oh ikaw naman, anong kwentong break-up mo?”
“Wag na, masyadong madrama eh”
“Dali na, ayos nga yun eh”
“Vince ang pangalan niya, o diba pangalan palang tunog manloloko na. Isa siyang dakilang pretender, isa siyang patapon. Bwiset siya, ginawa ba naman akong malaking front man, malaking reserba- pambansang trapal”
“You’re not over him, are you?”
“Of course I’m over him, naiinis lang ako sa tuwing makikita ko siya, or maalala ko yung ginawa niya”
“Ayun, di ka pa nga nakamove-on. Dahil kung ok ka na, ni isang emotion wala kang mararamdaman pag nakita mo siya” paliwanag ko.
“Bakit ikaw nakamove-on ka na ba?”
“Oo”
“Weh, utot mo Dwight. Don’t me, sige nga kung nakamove-on ka na, patingin nga ng titi mo?”
“Gago, anong kinalaman ng titi ko sa pagmomove-on”
“Malaki!” sigaw niya.
“Wag ka nga Pat, oh sige ituloy mo na yung istorya mo”
“At yun nga, putang inang Vince yan. Naku yang mga Vince na yan, para silang mga kandilang ang sarap ihipan”
“Wag mo naman silang lahatin, baka naman may mga Vince diyan na mabait at mapagmahal”
“Ay basta, mga manloloko silang lahat”
“Ba’t mo naman nasabi yun?”
“Yung tatay ko Vicente ang pangalan, iniwan kami ni Mama. Yung Kuya ko, Vincent ang pangalan ganun din iniwan ang asawa, naglayas sa bahay. Nag-abroad ang asawa ni kuya kaya naiwan sa amin yung anak nila. O diba, nasaan ang hustisya dun?”
“Iba ka rin, o sige na ituloy mo na”
“Kababata ko siya, we started as friends. Ay wait, hindi pala. Bata palang kami ay magka-away na kami. Magkakapit-bahay kasi kami ng hinayupak na yun at walang araw na di ako nun inaasar o inaaway. Lagi niya akong binubully dahil nga bata palang ako ay mataba na ako. Ganun at ganun ang nangyayari, asaran, awayan na nauuwi sa iyakan at sakitan. Ang pangit niya noon, ang itim niya, payat, bungi at gusgusin. Pero dumating yung puberty age, syempre natuli na siya ako naman niregla na, tumubo na yung Sierra Madre ko. Medyo pumayat na ako nun, siya naman di ko inaasahang magiging ganun siya. Tumangkad siya, medyo pumuti na dahil malimit nalang siyang lumabas ng bahay, mas gumanda ang katawan niya – in short ang pogi at papable na niya noon. Pero patuloy parin yung bangayan at asaran, nag-aaway parin kami kahit na nasa high school na kaming dalawa. And then bigla siyang naglie low, dumating yung mga araw na ang bait bait na niya. Nawi-wirduhan na nga ako nun sa kanya at di ko na napigilan ang sarili ko na humanga sa kanya. Nag-confess siya ng feelings sa akin, nag-paalam siya kung pwede manligaw”
“So pumayag kang magpaligaw?”
“Nung una hindi, kasi nga hello baka modus niya lang ito para mapahiya ako at gawin akong katatawanan”
“Eh paano naging kayo”
“Naging persistent kasi siya sa sinabi niya, niligawan niya talaga ako pati ang Mommy ko. Yung mga pagsusungit niya ay nauwi sa pagiging sweet. Nakita ko naman yung sincerity niya sa akin, kaya sinabi ko sa sarili ko – why not give it a try? Sinagot ko siya, naging kami. Umabot nga kami ng 3 years eh, since all girls yung school ko. Siya yung date ko nung Prom, Valentines Day pa yun tanda ko pa ang lahat. Habang sinasayaw niya ako sa dance floor ay sinabi na niya ang breakup statement niya”
Nag-pause si Pat, ako naman handa parin makinig.
“Pat, ayaw ko nang lokohin ka naguguilty na ako. After all these years walang araw na di ako nakaramdam ng guilt. Oo, minahal naman kita pero mas mahal ko kasi siya. Pat, thank you but I’m breaking up with you. Thank you for the love”
“Kaya alam mo nung nanonood ako ng GGV na guest yung casts ng Camp Sawi, ay teh nakarelate ako dun sa sinabi ni Bella. Ginawa ko rin yun eh. Alam mo ang sabi ko, Vince pwede wag ngayon? Pwede bukas nalang, o sa makalawa. But please Not Today, masyadong special yung gabing ito para sa breakup. Vince break it to me gently please, pwedeng unti-unti? Yung bukas maggu-good morning ka pa, sa makalawa pwedeng hindi na. Yung ganun, please wag ganito. Kasi masakit, baka di ko kayanin” paliwanag niya.
“Ginawa ba niya?” tanong ko.
“Hindi, kinabukasan din nakita ko kung gaano siya kasaya sa piling ng iba. Dwight, yung 3 years na yun ginamit niya lang ako para pagtakpan yung relationship niya. Para di siya paghinalaan”
“Maganda ba ang ipinalit niya sayo?”
“Hindi”
“Hindi?” pagtataka ko.
“Gwapo Dwight, gwapo”
“Seryoso?” tumango lang siya.
“Ginamit niya lang ako para di siya paghinalaan ng parents niya, nag-girlfriend siya para di makwestyon yung sexuality niya. And fuck it, ako yung naging biktima. Akala ko pag-ibig yun, akala ko lang pala. Dwight siya yung 1st love ko at 1st kiss, kumusta naman yun? Joke lang pala ang lahat, isa akong malaking trapal, isang malaking reserve”
“If you’re a reserve, I’m a reject” dagdag ko, nagtawanan nalang kami.
“Ba’t di nalang magtagpo yung reject at reserve noh? Total pareho naman silang umaasa, na sana yung ikaw at ako na yan ay maging tayo naman. Bakit hindi nalang ganun, bakit hindi nalang ikaw at ako?” pahayag niya kaya nagkibit balikat lang ako.
“Alam mo fetish ko siguro yung mga gwapong Bisexual, attracted ako sa mga di straight pero gwapo lalo na yung may stubbles at may mysterious eyes? Yung tulad mo, attracted ako sa mga tulad mo”
“Sira, tara na nga baka kung saan pa mapunta tong usapan na to”
“Payag naman ako kung saan mapunta ang usapan na to, ok lang sa akin kung Victoria Court o SOGO ang mahalaga ay mage-enjoy tayo”
“Loka loka ka talaga”
“Dwight, birthday ng Mommy ko sa Saturday. Pwede ba kitang i-invite? Isama mo nalang sina Kuya Ronan at yung parents mo”
“Ay, busy sila eh. Ako nalang pupunta”
“Talaga, sina Nanay Olive mo nalang at Chuchay ang ayain mo”
“Sige, susubukan ko”
“Salamat Dwight, aasahan ko kayo dun”
Dumating nga ang Sabado at pumunta kami sa bahay nina Pat, kasama ko sina Nanay Olive at Chuchay. Malaki ang bahay nina Pat at halata ngang may kaya sila sa buhay. Pinapasok niya kami sa bahay nila at nagtaka ako na kami lang yung bisita dun.
“Pat, asan yung iba?” tanong ko.
“Tayo tayo lang, sino pa bang dadating?” paliwanag niya. “Manang, paayos na po yung dining table andito na po yung mga bisita ko” sigaw niya.
“Dwight, maiwan ko muna kayo ah. Pupuntahan ko lang si Mommy” tumango lang ako, pagbalik niya ay kasama na niya ang isang babaeng naka-wheelchair, halatang may sakit dahil naka-mask pa ito, mahina, maputla naka-bonet dahil halatang nalagas na ang kanyang buhok.
“Dwight, Nay Olive, si Mama po. Ma, kaibigan ko po si Dwight at ang family niya” pakilala ni Pat.
“Magandang araw po, Happy Birthday po Tita” bati ko, tumango nalang ang Mama niya kaya tinignan ko si Pat.
“She can’t speak” paliwanag nito. “Ah Chuchay, eto pala yung pamangkin ko si Poypoy” pakilala ni Pat dun sa batang lalake.
“Hi!” tugon ni Poypoy, eto namang si Chuchay nagtago pa talaga sa likod ni Nanay.
“Nahihiya ata” tugon ni Nanay
“Chuchay crush mo noh?” pang-aasar ko, sinuntok lang niya ako sa tagiliran. Pero kinalaunan ay naging magkalaro sila ni Poypoy at nag-kakausap na.
Gaya nga ng sabi ni Pat ay kami lang ang bisita niya. Siya, ako, si Poypoy, si Nanay Olive, si Chuchay, ang driver niya, ang nurse ng Mommy niya at ang dalawang katulong nila ang kumain sa maraming handa niya. Kinantahan nga namin ang Mommy ni Pat saka na kami kumain. Matapos nun ay hinawakan ako sa kamay ng Mommy ni Pat at tinitigan ako sa mata, nakita ko ang nangingilid niyang mga luha at parang gusto niyang magsalita.
“Ano po iyon?” tanong ko. Na-gets ko nalang na gusto niya akong yakapin para magpasalamat siguro. Matapos kaming kumain ay inihatid na ni Pat ang Mommy niya sa silid nito saka siya bumalik sa salas at nagkwentuhan muna kami.
“Masyado kasing maselan ang condition ni Mommy kaya konti lang ininvite ko, kakatapos niya lang kasing mag-Chemo”
“Anong sakit niya?”
“Breast Cancer at may Ovarian cysts pa siya”
“Ok ka lang Pat?” tanong ko kahit di appropriate.
“Oo naman, ok ako. Kelan ba hindi?” tugon niya pero naluluha na siya noon. “Pinipilit kong maging Ok Dwight, pinipilit ko kahit di ko na kaya. Pinipilit kong maging masaya kahit deep inside wasak na wasak na ako. Dwight ang hirap, ang hirap isipin na maybe the next hour, next week, next month or next year mag-isa ka nalang. Ang hirap pumikit sa gabi na alam mong any moment pwedeng hindi na magising ang Mommy mo. Ang lagi kong dinadasal sa kanya, please Lord Not Today. Ipahiram mo po muna siya sa akin. Ganun at ganun, pero sa tuwing nakikita ko siyang nahihirapan, sa tuwing iniinda niya yung matinding pain. Masakit man para sa akin pero binabago ko yung dinadasal ko. Na sana, kunin na siya. Para di na siya maghirap pa”
Sa likod pala ng kwela at masiyahing personality ni Pat ay nagkukubli ang durog na durog niyang damdamin. Kung paano niya inendure yung pain na yun. Sila nalang dalawa ng Mommy niya at ni Poypoy ang nakatira sa bahay na yun matapos silang iwan ng Daddy niya at ng Kuya nito. She’s a strong woman after all, nagagawa niyang maging positive sa kabila ng mga pinagdadaanan niya. Kahit ako ay na-deceive niya dahil lang sa jolly disposition niya sa klase.
“Dwight di ko alam ang gagawin ko. Takot akong mag-isa, ayoko ng iniiwan. Quotang quota na ako dun ayoko na. Ilang beses na akong naiwan. Dwight, how can I let go of someone who is so precious to me? Oo matatangap ko pa yung paulit-ulit na heartbreak o yung one sided love dahil yun alam ko may darating pang iba. Pero si Mommy iisa lang siya, di na siya pwedeng bumalik pa pag nawala. I’m afraid, na baka bukas ang kami ay ako nalang. Ako nalang ulit, at magiging ako nalang”
“Nandito ako Pat, nandito lang kami” saka ko siya niyakap at dun na siya humagulgol.
“Dwight kahit di mo ako kayang mahalin, natutuwa akong naging kaibigan kita. Dahil sayo nagagawa kong maging matatag ng ganito kahit gustong gusto ko na gumuho”
“Sshhhhhh, magiging ok din ang lahat” pahayag ko.
“But Not Today” pagkasabi niya nun ay nakarinig kami ng sigaw mula sa kwarto ng Mommy niya.
“Mam Pat, ang Mommy niyo po” sigaw ng Nurse. Dali dali naman tumakbo si Pat sa kwarto, sinundan ko ito.
Nakita kong nakayakap si Pat dito. Nasa harapan niya ang Mommy niya at inaakay niya ito.
“Mommy, Mommy, hinga sabayan mo ako gaya ng dati. Mommy, naririnig mo ba ako? Mommmmmmy! Please naman oh, Not Today Please. Myyyy, Not Today, hinga, sabayan mo ako, Ma, please”
“Dalhin na natin siya sa ospital” sigaw ko pero umiling lang si Pat.
“Mommy, wag naman ganito. Diba aantayin mo pang maka-graduate ako, aantayin mo pa yung apo mo diba? Mommy hinga please. Please”
Pero walang response, naging mahihinang hikbi nalang ang binitawan ni Pat habang yakap yakap niya ang Mommy niya. Sakto namang pumasok sina Nanay Olive, si Chuchay at si Poypoy sa kwarto.
“What happened to Mamu Cony?” tanong ni Poypoy.
“Nay Olive pwede pong pakilabas muna yung mga bata? Salamat po” tugon ni Pat, sumunod nalang si Nanay.
“Kaya pala ganun siya makayakap kanina, hindi man siya makapagsalita napadama naman niya kung gaano niya ako kamahal. Andami na naming pinagdaanan ni Mommy, through thick & thin, in sickness & in health, siya yung bestfriend ko. Ngayon wala na, ako na lang ito, mag-isa. Bakit ba may mga taong kaiwan iwan? Ano ba ang ginawa ko?”
“Wag mong sabihin yan Pat, mabuti kang tao at hindi ka kaiwan-iwan. Ikaw yung tipo ng babae na for keeps, yung gugustuhin talaga ng mga matitinong lalake”
She forced a smile. “It’s been a long day, Dwight uwi muna kayo siguro, salamat sa pagpunta ha, salamat”
“Paano ka?” tanong ko.
“Kaya na namin to, matagal na namin tong pinaghandaan. Ayos na ang lahat”
“Sigurado ka, baka kailangan mo ng makakaramay”
“Ayos lang ako”
Dinamayan ko nga si Pat sa kanyang pagluluksa at sa ika-siyam na araw ay inilibing na ang kanyang Mommy. Andun yung kapatid niya at Daddy niya pero ni minsan ay di sila nagpansinan.
“Di ata kita nakitang umiyak kaninang binababa ang kabaong” tugon ko.
“I should be happy now Dwight, masaya na siya dun. Wala na siyang nararamdamang sakit”
I just smiled at her and she smiled back.
Nagpatuloy nga ang buhay namin at bumalik sa dating sigla si Pat.
“Uy, ok ka lang talaga? Ayos ah parang walang pinagdaanan”
“Ano ba, anong mapapala ko kung mage-emo ako? Edi wala diba, naiiyak ko nang lahat. Tinanggap ko nalang na hindi lang ako pambansang trapal, isa narin akong dakilang kaiwan-iwan” saka siya kumanta.
“Kung minsan ay hinahanap
Ang alaala ng iyong halik
Inaamin ko na kay tagal pa
Bago malilimutan ito
Kay hirap nang maulit muli
Ang naiwan nating pag-ibig
Tanggap na at natututo pang
Harapin ang katotohanang ito
Tuloy pa rin ang awit ng buhay ko
Nagbago man ang hugis ng puso mo
Handa na ‘kong hamunin ang aking mundo
‘Pagkat tuloy pa rin
Tuloy pa rin ang awit ng buhay ko”
“Na-miss ko yang boses mo, akala ko di ko na maririnig yan eh”
“Naman, di lang ganda ng boses ko ang maririnig mo pag naging mag-asawa tayo. Kundi yung mga ungol ko pag nagloving loving tayo”
“Sira ka talaga, totoo nga, nagbabalik ka na nga”
“Uy tapos mo na yung pinapagawa ni Sir?” tanong niya.
“Hindi pa eh di ko alam kung paano uumpisahan. Ikaw ba?”
“Tapos ko na”
“Paano mo nagawa?”
“Hugot bes”
“Hugot?”
“Oo, andaming panghuhugutan Dwight. Duuuuh, ang dali dali”
“Patingin ng sayo” sabi ko.
“Anong akin? Ikaw ah, bastos yan”
“Loko, yung ano”
“Anong ano? Yung tuyo ba o yung basa?” pang-aasar niya.
“Ikaw, alam mo. Ahmmm, nevermind”
“Hala siya, ano nga?”
“Yung output mo patingin”
“Oh” sabay abot niya sa isang folder.
“Ang Sulatroniko ni Ebe: Mga Paalpabetong hugot mula sa talulot ng malayang dalubhasaan. Dagibalniing liboy ng puso kong upos at walang pantablay. Hugot ng mga anluwage ng malikhaing pagsulat.” basa ko sa nakasulat.
“Ah-huh”
“Ano to? Nosebleed ah, anong ibig sabihin nito?” tanong ko, kinuha niya ang folder sa akin.
“Secret, akin nalang yun”
“Ay ang daya, ano nga?” nagbelat lang siya sa akin saka naglakad papalayo.
“Hoy, saan ka pupunta?” tanong ko.
“Ipapasa ko na to kay Sir”
“Luh, agad agad? Patingin muna”
“Ayaw” saka siya nagbelat ulit.
“Pat” patuloy lang siya na naglakad.
“Uy si Vince oh” sigaw ko.
“Utot mo, may puke na yun ngayon. I’m over him” sigaw niya, hinabol ko siya at sinabayan sa paglalakad hanggang sa makasalubong namin si Sir.
“Uyy, tamang tama kanina ko pa kayo hinahanap. Ikaw Dwight di ka man lang sumasagot sa mga texts ko” tugon ni Sir Franco.
“Ah Sir, naiwan ko po phone ko” pagpapalusot ko.
“Sus, sinong niloko mo” pahayag ni Pat saka dinukot ang phone ko sa aking bulsa. “See, ayaw ka niyang kausapin Sir”
“Ah kasi ano” palusot ko ulit.
“Kalimutan na natin yun, may papakilala ako sa inyo and they need your help. Come, nasa opisina ko sila” banggit ni Sir kaya sumunod nalang kami.
Nakarating nga kami sa office ni Sir at nadatnan namin dun ang isang lalake at isang babae. Yung babae kilala ko na kung sino, sa itsura palang niya. Yung lalake ay hindi, medyo matangkad ito, curly hair, may sthenic built, parang Joseph Marco. Tinitigan ko nga yung lalake mula ulo hanggang paa, nahalata ata ito ni Pat kaya siniko ako.
“Aray bakit naman?” angal ko.
“Ah wala, nakakita kasi ako ng demonyo. Huuuu, tabi tabi po. Pwede palang mabuhay ang mga sirena kahit wala sa tubigan” malakas na pahayag ni Pat.
“Ano?” tanong ko.
“Wala” sagot ni Pat.
“Ah guys, eto pala si Danica kapatid ni Francis at eto si Vince pamangkin ko” pahayag ni Sir.
“Hi I’m Francez Danica dela Rosa!” pakilala niya, nakipagkamay lang kami ni Pat.
“Vince Jireh Aguirre” sabay abot nang kamay niya kay Pat pero nakahalukipkip lang si Pat at umiirap sa hangin, ngumiti nalang yung lalake. Tinitignan lang namin ni Sir ang nagaganap. “Ah pare Vince pala” kaya nakipagkamay ako sa kanya, ang higpit ng hawak niya sa kamay ko at parang ayaw niyang bitawan. Nakipagtitigan din siya sa akin.
Si Pat na mismo ang naghiwalay sa mga kamay namin. “Oh tama na diba, OA tong mga to, kailangan magtagal ang handshake? Kalokang bakla”
“Sinong bakla?” tanong naman nung Vince.
Tinitigan lang ni Pat ito at nagtaas ng kilay.
“Danica, jowa mo ba to?” tanong ni Pat.
“Hindi noh, duuuh eto? Mas matigas pa ata ako sa kanya eh”
“Ay buti naman, ay kabog teh mukhang magkakasundo tayo”
“Mukha nga” tugon ni Danica.
“Tama na yan kiddos, nandito sina Danica at Vince para humingi ng tulong niyo. May gagawin silang Film at kailangan nila ng magandang material para dito. So bilang kayong dalawa ang best writers sa klase ko, kaya kayo ang nirekomenda ko”
“Ahy Sir mahal ang TF ko, wag nalang busy rin ako eh” pahayag ni Pat, tinitigan ko lang siya.
“Magkano ba rate mo?” tanong ni Vince.
“Di mo afford”
“Talaga lang ah”
“Yeah”
“May sponsor kasi kaming Producer ng mga Cinemalaya at Cinema One entries. He’s generous, he can pay you 30-50,000 for the story” paliwanag ni Danica.
“Sorry teh pero busy talaga ako, itong si Dwight nalang” paliwanag ni Pat. “Sorry ah, may gagawin pa kasi ako. Ahy Sir yung output ko pala oh ipapasa ko na” sabay abot kay Sir Franco yung folder at umalis na.
“Pat!” sigaw ko at hinabol ko ulit siya. “Hoy ano ba, Pat!” hinawakan ko siya sa braso.
“May problema ba?”
“Oo, malaki. Ex ko yun dre, andun siya oh”
“Akala ko ba nakamove-on ka na”
“Oo naman hello, pero wag naman yung ganun ang awkward kaya. Kung gusto mo magsulat para sa kanila then Go Sagow Mr. Go”
“Ako talaga, mas magaling ka kaya”
Tinaasan lang niya ako ng kilay. “Type ka niya, kilala ko siya”
“Pinagsasabi mo?”
“Hay naku basa ko na yung mga ganyan, yung mahigpit na handshake, mga tinginan, gagawa yun ng paraan para makuha niya number mo, tapos magtetext at magtatawagan kayo, tapos magdedate na, mapo-fall kayo sa isat isa, magiging magjowa, tapos magkakantutan and then you’ll live happily ever after. Oh edi wow diba, kayo na. Mga bakla, nangumpitensya pa talaga kayo ha”
“Wag ka nga, walang ganun at taena Pat, di ako bakla”
“Meron, yun kaya yun. At sinong niloko mo sa “hindi ako bakla” line na yan”
“You know how to classify, we studied that in Psychology. Hay ewan ko sayo”
“Dwight can you promise me one thing?”
“Sure, ano yun?”
“Ma-inlove ka na sa ibang lalake, kay Sir Franco, sa ibang classmates natin. But please wag lang kay Vince. Wag naman Dwight, masasaktan ulit ako. Ayoko ng ganun men”
Lumapit ako sa kanya saka ko siya hinalikan sa noo. Nabigla siya sa ginawa ko.
“Para saan yun aber? Noo pa talaga pwede namang labi na” tugon niya.
“Nilasahan ko lang yang noo mo, ang lapad eh” sinuntok niya lang ako sa braso ko.
“Huy, ano. Promise?” I just nod, di ko naman magugustuhan si Vince lalo na at alam ko kung ano ang ginawa niya kay Pat.
“Hiwalay na pala sila ni Red” tugon ni Pat.
“Sino si Red?” tanong ko.
She just smiled saka muling naglakad.
“Hoy, saan ka nanaman pupunta?”
Tinaas niya lang ang kanyang kanang kamay sa ere.
“Pat, sino si Red?” sigaw ko ulit, ngumisi lang siya nang papaharap siya sa akin.
Itutuloy……
P.S: Sino si Red? Kilala niyo ba? *wink

No comments:

Post a Comment

Read More Like This