Pages

Sunday, September 4, 2016

Love At Unexpected Place

By: Chris

Hi, mga anim na buwan na po akong nagbabasa dito.  Ako po si Chris. Hindi naman talaga ako mahilig magbasa ngunit ng minsan na i-share ito ng aking kaibigan, nalaman ko na rin ang site na ito. Pero yun nga hindi ko pa rin binabasa hanggang sa wala lang talaga akong magawa at naisipan kung suriin ang isa sa mga kwento dito.  Dito nagsimula ang pagka-adik ko nito.  Magaganda kasi ang mga istorya, nakaka-inspire.  Isa na dito ang “Indigo Chapter” ni Kier Andrei na sobrang ganda ( I hope makikilala ko mga authors dito).  Dito ko rin naisipang mag-share ng aking kwento.  Pasensya na po sa istilo ng pagsulat. Baguhan lang po ako sa pagsusulat.  Sana ay magustuhan ninyo.  Kung ano man ang pagkakahawig ng mga pangalan o istorya ng iba, hindi ko po sinasadya, pawang kathang-isip lamang po ito.
   
    Ako si Chris, 23 years old. Hindi naman ako halata sa pagiging bakla. Ni-reserve ko pa rin ang pagiging manly ika-nga. 2 years lang ang natapos ko sa college sa kursong engineering. Dahil sa hirap ng buhay at wala na akong mga magulang, tanging tiya ko nalang ang nagtataguyod, nakikipagsapalaran na ako dito sa maynila.  Mahal ako ng aking tiya, ako lang kasi ang nagsisilbing anak niya ng iwan ako ng aking mga magulang. Wala kasi silang anak ng asawa niya.  May problema siya sa matres.
    Noong una, medyo naninibago ako sa buhay dito sa maynila.  Sa awa ng Diyos, natanggap ako bilang isang call center agent at nagkataon na napunta sa sales account kaya malaki-laki rin ang kita ko dahil sa incentives. Nakapagpadala na rin ako sa probinsya bilang pantulong pinansiyal.  Habang tumatagal, nakilala ko na rin ang aking mga kaibigang sina Julia, Phil, Clarice, Jake at Trisha.  Si Julia ang pinaka-close ko sa kanilang lahat, si Phil ang nobyo ni Clarice at si Jake naman ay kang Trisha. Nang minsan, nagka-yayaan kaming magbabarkada na mag night-out.  Nagpunta kami sa isang KTV bar. Late ako ng dumating.  Pagdating ko, andon na silang lahat. Nagulat pa ako ng may kasama silang isang lalaki.  In fairness gwapo siya, yung parang hunk ang dating.  Makikita mong galing sa mayamang angkan sa kakinisan ng kutis niya dahil naka shorts lang siya. Yung katawan niyang batak na batak sa muscles. Pero sayang, nauna na si Julia sa kanya. Ambisyosa ko talaga, hindi naman ako sigurado kung mapapansin niya. Sweet talaga sila ni Julia.  Nang tumagal, nagpaalam ang lalaki na mag CR muna daw siya.  Nang makaalis, hinila ako ni Julia palabas sa bar habang nakatawa. Sumunod na rin ang iba. Hanggang sa tumakbo kami at pagdating namin sa isang gasoline station, laking gulat ko nang malaman ko ang trip nila.
    “Ano?” Gulat na tanong ko.  “Trip lang pala yun? Para siya na ang magbayad ng ini-order natin?”  Hindi ako makapaniwala sa ginawa nila.  Ginagamit lang pala nila ang lalaki para mailibre sa bayarin sa ganoong paraan.  “ Ano ka ba? Probinsiyano ka pa rin.”
Sabat sa akin ni Clarice. “Isipin mo nga, paano magkakagusto si Julia sa lalaking yon eh babae naman ang hanap ng bestfriend mo.”  Yun nga ang tanga-tanga ko. Doon ko lang naisip na minsan ay naipagtapat pala sa akin ni Julia ang kanyang tunay na preference. Bigla lang akong umalis at iniwan sila bilang pagtutol sa kanilang nagawa. “Bahala ka sa buhay mong bakla ka.” Sigaw sa akin ni Trisha.  Tumawa lang ang lahat maliban kay Julia na parang nagi-guilty sa ginawa niya.
    Lumipas ang mga araw, hindi na ako nakipag communicate sa kanila.  Si Julia nalang na panay ang text sa akin ngunit hindi pa rin ako nag-reply sa kanya. Naging boring ang buhay. Bahay-trabaho routine lang ang buhay kung iyon. Hanggang sa ipinakilala ako ng aking ka-officemate sa isa niyang kaibigan.  Doon ko nakilala si John. Gwapo si John, halatang alaga ang katawan niya sa kagi-gymn.  Magkasing tangkad kami, mga 5’11 ang height. Ang kinis pa ng kutis, animo’y isang babae. Simula noon, palagi na kaming nagti-text at nagka-yayaang lumabas.  Doon ko rin napagtanto na nanliligaw na siya sa akin.  Feelingera ko talaga sa mga oras na iyon, akala mo kung sinong babae ako. Hmmp. Hanggang sa sinagot ko na siya. Laking tuwa niya sa mga oras na iyon. Ma-asikaso si John sa akin.  Dumating ang araw na nakiusap si John sa akin na makipag-live-in na ako sa kanya, at sa walang panghihinayang, sumang-ayon ako. Napakalandi ko talaga.
    Maayos ang pagsasama namin ni John, sweet siya sa akin, ganun din ako sa kanya. Nawala na rin ang inis ko sa mga kaibigan ko nang dahil doon.  Yung parang may kung anong fulfillment kang nararamdaman.  Nireply ko na ang mga sorry nila.  Ngunit si Julia lang nag text ulit, ok na sa akin yon baka kasi nagtatampo din ang mga kaibigan ko sa inasal ko sa kanila.  So nagkita kami ni Julia, sayang at hindi ko naipakilala si John sa kanya dahil may trabaho siya. Doon ko nalaman na ang trip nilang iyon ay pakana pala ni Clarice at ng boyfriend niyang si Phil.  Noong una ako sana ang gawin nilang lumandi kaso straight ang lalaking nakuha nila kaya minabuti nilang si Julia.  Ni hindi man lang nila alam kung ano ang pangalan niya at kung saan siya nakatira.  Nakita lang daw nila iyon sa restaurant nang kumain sila bago nagtungo sa bar.  Nag-iisa ang kasi daw siya sa table niya at halatang hindi sinisipot ng ka date niya siguro. Naawa tuloy ako sa lalaki, hindi na nga sinipot ng ka-date niya, naloko pa siya sa iba.  Marami-rami na rin kaming napag usapan ni Julia, at yun na pala ang huli naming pagkikita kasi uuwi na siya sa kanilang probinsiya sa Cebu.  Nakapasa na kasi siya sa bar at uuwi na siya dahil siya na ang papalit sa kanyang tiyuhin na namatay sa kanilang law office.  Medyo nakakalungkot kasi wala na akong close na kaibigan.  Napansin iyon ni John ang pagiging matamlay ko. Tinanong niya ako kung bakit raw ako matamlay kaya nai-kwento ko na rin ang tungkol sa nangyari sa akin bago naging kami ni John.  Tinawanan lang ako ni John.  OA daw ako.  Na shocked din ako sa reaksyon niya ngunit bilang pagtugon, tumawa lang akong napipilitan lang.  Wala kaming problema sa pagsasama namin ni John.  Minsan nagkakatampuhan ngunit hindi aabot ng isang araw ay magkakabati rin kami.  Ako kasi yung unang nangungulit agad. Isang araw, mag-a-out of town daw silang John kasama ang mga ka-officemate niya.  Niyaya niya ako. Excited kami lahat doon. Kaso nang dumating ang araw na iyon, biglang na cancel ang leave na na i-file ko dahil daw sa high volume of calls sa kompanya namin.  Kaya kinausap ko si John.  Bigla siyang nagtampo sa akin. “2 days akong mawawala sa tabi mo, hindi ka man makapag-absent?” Na shocked ako, akala ko kasi maiintindihan niya ako.  Alam niya na mahal ko ang trabaho ko kasi yun ang bumubuhay sa akin at kahit papaano ay nakakatulong ako sa aking pamilya. “John sorry.” Bigla siyang tumlikod at hinablot ang bag niya. “Babawi ako sa iyo sa susunod. May next time pa naman, diba?” Nagpapa-cute ako sa kanya, ngunit hindi niya yata napansin niyon. Nasasaktan din ako sa inasal niyong niyon. Sumikip bigla ang dibdib ko nang makaalis na siya. Ni goodbye-kiss ay wala akong natamo sa kanya sa mga oras niyon. Nakagawian kasi naming na kung sinong aalis ay siyang magbbigay ng goodbye-kiss.  Ngunit wala.
    Naging matamlay akong pumasok sa trabaho. Queuing pa sa calls kaya, umuwi akong pagod na pagod. Dagdagan pa ng katahimikan pagdating sa bahay kaya nagiging matamlay ako ng sobra. Ngunit sa pagod na iyon, hindi pa rin ako nakatulog kakaisip ni John. Ano kayang ginagawa niya? Masaya kaya siya don habang wala ako? Kung masaya siya, sino kaya ang kasama niya?  Biglang tumulo ang luha ko kaya naisipan kung i-open ang laptop ko para panoorin ang mga pictures namin ni John nang naglalambingan kami sa kama, yung mga pictures na kinukulit ko siya habang natutulog, yung nag date kami sa park, yung nanonood kami ng sine.  Natutuwa na rin ako kahit papaano ng gunitahin ko ang mga magagandang memories namin. Naisipan kung kamustahin si John sa mga oras na iyon kaya nag call ako sa kanya.  Nakailang tawag na ako ngunit hindi siya sumagot.
-Busy, may activity kasi kami.  Nag text lang si John.
-Sorry. Kinukumusta lang kita. I love you baby. Yun ang reply ko sa kanya subalit wala na akong natanggap na text pagkatapos non. Medyo masakit, pero iniisip ko nalang na baka busy siya at kung sabagay ako ang may kasalanan sa kanya dahil hindi ko natupad ang promise ko na sasama.  Nakatulog ako sa kahihintay sa text niya. Nang magising ako, dali-dali kung tiningnan ang phone ko nagbabakasaling nag text siya.  Ngunit ibang text ang natanggap ko, galing iyon kay Julia.  “Kamusta na?” Tinawagan ko nalang siya para naman may makausap ako.  “Girl, naalala mo ba yung lalaki na biniktima natin?” Ito ang pambungad sa akin ni Julia. “Excuse me? biniktima niyo.” Sabat ko sa kanyang ngumingiti. “Hindi ako kasali sa kalokohang iyon no?” Tinawanan lang ako ni Julia.  Bigla niyang naikwento na naka-chat niya daw sa facebook ang lalaki.  Nakahingi na daw siya ng sorry at pinatawad naman siya.  Mahaba-haba na rin ang kanyang kwento tungkol doon ngunit hindi pa rin niya sinasabi ang pangalan niya. “Ano ba ang pangalan niya?”  Hindi na ako makatiis at naitanong sa kanya. “Secret” bigla akong nainis sa kanya. Tumawa lang siya sa akin habang nararamdaman niyang naiinis na ako. “Crush mo no?” Biglang tanong niya. “Hindi ah,” defensive kung sagot. Pero sa katunayan may appeal naman talaga yung tao ngunit wala siyang effect sa akin.  Para sa akin gwapo pa rin si John at mahal na mahal ko siya.  “Eh bakit mo naitanong?”  “Alangan naming hindi? Alam mo, abogada ka nga pero ang bobo mo talaga.  Kanina pa natin siya pinag-uusapan pero hindi ko parin nalalaman ang name niya.”  Tumawa lamang sa akin si Julia.  Marami-rami na rin ang aming napag-usapan.  Ang huli kong natatandaan ay basta nagpa-alaman nalang kami sa isa’t isa.  Nakatulog na ako.  Pagkagising ko, bigla akong bumalikwas sa kama ng maaninag ko ang bag ni John.  Nakauwi na siya.  Subalit wala siya dito. Nang may narinig akong ingay na may paparating, nag-tulog-tulugan pa rin ako at nagbabakasakaling hahalikan ako sa pisngi.  Ngunit wala. Nakapagtataka. Dati kung sino ang dumating mula sa lakad ay siya yung hahalik sa pisngi.  Alam ko yun dahil palagi kong ginagawa ang magkunwaring matulog habang hinahalikan niya ako.  Pinaninindigan ko pa rin baka lang kasi nag-aayos pa siya ngunit isang oras na wala. So nagkunwaring nagigising na ang lola niyo tapos nag-aactingang nagulat at yumakap sa kanya. “Baby,” yumakap ako sa kanya. “I miss you so much”.  “Sabi ko sa iyo eh,” yun lang ang naging tugon niya.  Nakalipas ang ilang araw, naninibago talaga ako sa kanya.  Labis akong nagtataka kung bakit pati phone niya may password na.  Dati wala naman ito.  Kung nang dahil lang sa hindi ako nakasama sa outing niya, bakit agad-agad ang pagbago ng ugali niya.   Makalipas ang ilang buwan, nanatili paring ganoon ang aming sitwasyon.  Nahihirapan na akong makatulog kaiisip sa sakit na nararamdaman sa biglaang pagbago ng ugali ni John. 
Dumating ang annual physical exam sa kompanya namin.  Kahit na matamlay ako kay kinakailangan ko pa ring magpa exam kasi requirement sa work namin.  Maaga akong pumunta sa office para maaga din akong makauwi at makita si John man lang. Nang pumasok ako sa room para sa physical exam sa doktor, nagulat ako sa aking nakita.  Oh no!  Siya.  “Hi,” biglang bati niya na may pagka-sarkastisko. Namumula ang aking mukha nang umupo sa harap niya.  Ang lalaking aming pinagtripan noon, siya pala ang doktor namin.  Ngayon alam ko na.  Siya si Doc Sebastian Mendoza. Marami na ang kanyang natanong at tipid na tipid lang aking sagot na “oo” at “hindi”.  “Handa ka na sa rectal test mo?” Ngumiti siya na parang nang-aasar.  Medjo tulala pa rin ako.  Halatang guilty ako sa nagawa ko. Puta talaga tong si Julia, akala ko okay na sa kanya lahat, pero bakit parang may kung anong paghihiganti ang kilos niya. “O, ano pang ginawa mo? Hubad na.” Wala akong nagawa kundi sundin ang utos niya.  Nakatalikod ako nang biglang itulak niya ang likod ko para makatuwad na ako sa kanya.  Walang paalam ay itinusok niya ang kanyang daliri sa puwet ko dahilan upang mapangiwi ako. Virgin! Biglang saad niya na tumatawa, namula pa rin ako. Bastos na doktor to a. Nanginginig ang aking mga tuhod sa mga oras na iyon.  Aangal na sana ako ngunit walang boses na lumalabas sa bibig ko.  Parang nanghihina ako sa oras na magtangka ang utak ko na manlaban.  Bigla niya akong binitiwan dahilan upang ako’y madapa. Napaluha akong bumangon at nag-ayos ng aking pantalon.  “Tapos na po ba?”  Sa wakas ay nakapagsalita ako.  Medyo nagulat din siya sa nagawa niya at kitang-kita ko yun sa mukha niya.  Nakatulala man ay tumango pa rin siya.  Dali-dali akong umalis ng walang paalam.  Pinahid ko ang aking luha habang naglalakad sa hallway.  Buti nalang maaga at walang katao-tao.  Nakarating ako sa isang mall habang naglalakad lang.  Hindi ko alintana ang pagod sa paglalakad dahil para sa akin, wala iyon kompara sa sakit na nararamdaman ng aking dibdib.  Ang sakit sa biglaang paglamig ni John sa akin, at ang insultong ginawa sa akin ng doktor.  Nang medyo napagod, ay pumasok ako sa isang cake house para makapag-palamig man lang. Nag order na ako ngunit nang pabayad na asana ako, doon napansin na wala pala ang wallet ko. Ang huli kong na-aalala ay nailapag ko yun sa table nang hubarin ko ang pantalon ko.  Medyo natigilan ako at parang nagulat ang cashier sa akin.  Sasabihin ko sanang i-cancel nalang ang order ngunit may nakauna na sa akin. “Ito ang bayad niya,” medyo nagulat ako nang biglang dumating ang bastos na doktor at iniabot ang bayad.  Gulat man ay tinanggap pa rin ng cashier ang bayad.  Iniabot din sa akin ang wallet ko. “Naiwan mo pala kaya sinundan kita.”  Hinablot ko ang aking wallet at tinaasan ko siya ng kilay.  Pumunta ako sa bakanteng table at siya’y sumunod na rin.  Hindi ko pinansin hanggang siya na ang nagsalita.  “Sorry,” bigla akong napatigil sa pagkain.  “Sinadya ko talaga yung kanina para makaganti sa iyo. Pero hindi ko inaasahang masaktan ka.  Gusto ko lang inisin ka.”  Seryoso siya sa kanyang sinabi.  Tumango lamang ako nang hindi ko alam. “So pinatawad mo na agad ako?”  Tanong niya.  “Kalimutan mo na iyon. Tapos naman yung physical exam ko diba?” Tumango lamang siya.  Umalis na ako ng walang paalam.  Hindi na niya ako sinundan.  Mabuti na rin yon kahit papaano hindi na lalong bumigat ang nararamdaman.
Ganito pa rin ang eksena ni John sa akin.  Palaging mainitin ang ulo.  Nawala na ang lambing niya.  Nang tinatanong ko man siya, pagod lang daw, yun ang dahilan niya.  Binigyan ko nalang siya ng time baka balang araw mawala na ang inis niya sa akin.  Laking sigla ko ng inanyayahan na naman ako ni John sa another outing nila sa isang beach resort.  At least makabawi na ako.  Ito na ang pagkakataong hinihintay ko.  Lunch out lang daw at hindi daw magpapalipas ng gabi kasi may mga lakad pa ang iba.  Umaga silang umalis papuntang beach.  Tumawag ako kay John nagpa-alam na hahabol ako kasi malapit na akong mag out. “Ayan ka na naman,” sermon sa akin ni John.  Nagulat ako, alam naman niya na mahuhuli ako, may parang naghahanap siya ng away.  Nagmamadali akong humabol sa lunch na iyon, kasi kalalabas ko palang sa trabaho.  Naka order na sila lahat nang pagdating ko sa oras na iyon.  “I’m here” biglang pang-gulat ko sa kanila. Gulat nga sila pero yaong parang nagtataka kung sino ako na biglang sumulpot.  “Babe, sorry medyo late.” Sabi ko kay John. May pagka-plastic na ang ngiti kasi ko di ko naman alam talaga kung natutuwa sila sa presensya ko.  “Ah okay”, ito ang narinig mula sa isang lalaking nakaupo sa tabi ni John.  Naghihintay pa rin ako sa reply nila. Parang ni isa sa kanila walang gustong kumausap maliban nalang kay Carlos na ka workmate ni John na siyang katabi ko rin sa pag-upo kasi may nakaupo na sa tabi ni John. Siya lang ang tuwang-tuwang kumausap sa akin. Medyo awkward na lahat.  Masakit na sa dibdib. Tanga ko talaga sa mga oras na iyon.  Minumura na rin ako ng kabilang parte ng utak ko dahil sa katangahan ko sa mga oras na iyon. Pagkatapos naming kumain, naglalaro sila ng volleyball sa beach, ako namang si gago, ayon, nakaupo lang.  Hindi naman ako ini-invite na sumali.  Wala paring imik si John sa akin.  Para tuloy akong unwanted guest doon. Nakita ko na palaging sundot na sundot si Jacob sa kanya. Si Jacob na hindi nila ka workmate. Napag alaman ko na invited lang pala siya ni John iyon ang sabi ni Carlos sa akin.  Tinanong niya kung bakit daw, hindi ba daw ako nagseselos.  Nagkunwari nalang ako na kaibigan ko siya at kilala ko sila.
Nagpapanggap nalang akong iihi at nagpa-alam na pupunta sa CR.  Doon ko ibinuhos ang sama ng loob.  Umiyak ako doon habang pinalakas ko ang daloy ng tubig sa gripo para hindi ako marinig ng iba. Lumabas ako na sinadya ko talagang basain ang mata ko para may rason kung sakaling may magtataka.  Nakasalubong ko si Jacob sa labas ng CR. Nagulat siya sa pagtagpo namin.  Kahit hindi siya nagtanong, ako na ang unang nagsalita, “ang sakit ng ulo ko.”  Pahawak-hawak ako kunwari sa ulo ko.  “Pwede ka naming umuwi na para makapagpahinga”.  Ito ang naging tugon niya. Halatang ayaw talaga ni Jacob sa akin.  Ngumiti nalang ako at umalis, nadatnan ko rin si John na akmang papaliko ng CR.  Nagulat siya nang magkasalubong kami. “Babe, una na ako.  Masakit ang ulo ko.”  “Ikaw bahala” yun ang naging tugon niya.  Hinalikan niya ako sa pisngi.  Nagpaalam na ako sa mga kasama niya kahit parang wala man lang silang pakialam.  Nag-aabang ako nang taxi ngunit wala paring dumating.  Kabwesit naman to o.  Gusto ko ng umalis sa lugar na iyon kasi ayokong lumala tuloy ang sakit sa dibdib ko.  Makalipas ang isang oras wala pa ring sasakyan.  Biglang lumabas silang lahat sa resort at tinawag ako ni Carlos upang yayaing sumabay na sa kanila kasi bakante naman ang upuan.  Hindi na rin umangal ang iba.  Bilang pagpapakita na okay lang ako, pumayag akong sumabay.  Mas lalo tuloy’ng sumikip ang dibdib ko nang pumasok si Jacob at sumunod agad si John sa tabi niya kaya sumunod na rin ako. Bahala na. Naging awkward na talaga ang moments ng panay ang kwento ni Jacob kay John.  Samantalang ako ay tahimik lamang.  Sweet na tuloy nilang tingnan.  Sa mga oras na iyon, mag-aakala ka tuloy na sila ang mag-syota.  Dahil hindi ko na talaga nakayanan ang sakit, nag-pababa nalang ako malapit sa isang mall kahit malayo ang uuwian namin.  Nagdadahilan nalang ako na may pupuntahan pa. Maayos akong nagpaalam kay John.  Tumango lamang siya.
Ilang oras ang lumipas, nakita ko rin ang aking sariling nakaupo sa park nang may biglang tumabi sa akin.  Si Sebastian.  Nagulat rin ako.  “Paano ka nandito?” gulat kung tanong.  “Nakita kasi kitang  kanina pa umiiyak kaya nilapitan kita.”  Doon ko lang napagtanto na kanina pa pala ako umiiyak.  Nakakahiya na talaga.  Pero wala na akong pakialam. Binuhos ko na ang sama ng loob ko.  Nararamdaman kong umusod papalapit sa akin si Sebastian at hinaplos ang aking likod upang pagaanin ang aking nararamdaman.  Na-ikwento ko tuloy sa kanya ang aking buhay at tungkol kay John.  Sa oras na iyon, nawala ang inis ko sa kanya.  Sabagay, pinag-tripan naman namin siya kaya para sa akin patas lang kami.   “Tanga naman ng boyfriend mo.”  Bigla siyang ngumiti sa akin.  “Kung ako si John, hinding-hindi kita lolokohin.  Swerte ko nga e.” ngumiti na rin ako sa kanya.  Mahaba-haba na ang aming napag-kwentohan hanggang sa dumating sa point na nag-sorry ulit siya sa inasal niya last time. Nag sorry din ako sa nagawa namin sa kanya.  Doon ko napag-alaman na broken-hearted siya that time kasi hindi siya sinipot ng ka date niya noong time na iyon.  Napag alaman ko rin na alam pala niyang pinagtripan lang siya subalit wala siyang paki-alam sa mga oras na iyon. Para sa kanya waa na daw’ng saysay ang buhay niya.  Doon ko lang na-iintindihan na hindi lang pala ako ang nakakaranas ng sakit sa dibdib. Siya din pala.  Naitanong ko sa kanya kung paano siya naka-recover at ang tugon lang niya ang nagsimula daw noong pinagtripan siya. Medyo confusing yung sagot niya pero hindi na ako nag-abalang magtanong pa tungkol don.  Kalaunan, biglang may isang batang sumampa sa likod ni Sebastian.  “Daddy”.  Nagulat ako sa bata.  Tuwang-tuwa naman ang doktor habang karga niya ang bata. May anak na pala siya.  “Who’s he?” Gulat na tanong ng bata sa kanya. “Ah, si Tito Chris. Friend ko.” Pakilala niya.  “Hi tito,” masayang bati naman ng bata.  “Hi, what’s your name?”  “Sean,” napaka-cute naman ng dimples niya.  Halatang manang-mana sa daddy.  Sa mga sandaling iyon, medyo nawawala ang sama ng loob ko. Parang ang gaan-gaan ng aking pakiramdam ng makasalamuha sila.  Nagulat na din ako ng biglang tumakbo ang bata sa paparating na babae.  Siya na siguro ang mama.  Nag smile sa akin ang babae. Ang ganda niya. Ang bait pa. Nagkakwnetuhan na din kami. 
Simula noon naging magkaibigan na kami ni Sebastian. Siya yung hiningan ko ng advise everytime makakaramdam na naman ako ng lungkot at sakit kay John.  Unti-unti naring medyo kumalma ang pakiramdam ko dahil sa mga advise niya.  Palagi niya akong ini-invite sa lakad niya para ma meet ko daw mga friends niya kaso tumanggi ako.  Ayoko kasing maging dahilan pa ito ng mga away namin ni John.  Isang araw, nang papasok na siya sa trabaho, nagkataong may sakit ako. Sinabi ko sa kanya na okay lang at pwede na siya umalis baka ma-late siya sa trabaho.  Mga ilang oras pag-alis niya, hindi ko na talaga makayanan ang sakit na nararamdaman ko sa tiyan kaya hindi na ako nag-aatubiling tumawag kay John para humingi ng tulong.  Ngunit nag ring lang ang phone niya.  Walang sumasagot.  Panay ang text ko ngunit hindi pa rin nag reply kaya naisipan kung tawagan si Carlos.  “Carlos, nandiyan ba si John?”  Halatang nagulat si Carlos.  “Wala ba siya diyan? Wala man siyang pasok kasi leave siya.”  Pati ako nagulat.  Nagloloko sa akin si John.  Saan kaya ang punta niya? Bigla tuloy ako nakaramdam ng sakit at paninikip ng dibdib.  Hindi ko na alam ang gagawin ko kaya naisipan kung tawagan si Sebastian kahit nakakahiya.  Bahala na.  Maya-maya ay may dumating na dalawang nurse sa bahay ko, inalalayan nila ako upang ihatid sa ospital. Pinadala sila ni Sebastian dahil daw hindi pa natapos ang ginawang operasyon niya. 
Tatlong araw akong nag stay sa ospital.  Si Sebastian na rin ang naging doktor ko doon.  Wala pa rin akong natanggap na text man lang at tawag mula kay John.  Nalulungkot na tuloy ako. Ilag oras ang lumipas bumibisita sa akin si Sean at ang yaya niya. “Hello tito!” Masayang bati sa akin ng bata.  Buti pa si Sean kahit sandali lang kaming nagkakilala ay naisipan niya akong bisitahin.  “Daddy told me that you were rushed in the hospital so I decided to pay you a visit.” Nag smile ako.  “Sweet naman.  Buti ka pa.”  Ginulo ko ang buhok niya at ngumiti lang siya. “Okay na ako Sean.”  Isang araw din akong sinamahan ni Sean sa ospital.  Nakauwi nalang siya dahil pinauwi na siya ng mommy niya dahil may pasok pa siya kinabukasan sa school. Panay na rin ang bisita at kamusta sa akin ni Sebastian.  Yung mga trato sa akin ng mga nurses ay parang pang-VIP.  Natatakot raw sila na mapagalitan ni Sebastian.  Oras-oras din akong pinapadalhan ni Sebastian ng mga prutas.
Nakalabas na rin ako sa ospital. Inihatid ako ni Sebastian sa kotse niya. Hapon na iyon at dahil rush hour ay napaka-traffic talaga. Napahinto kami sa tapat ng isang motel.  Laking gulat ko nang makita kong naglalakad papasok si John habang panay ang text.  Lumakas ang kutob ko.  Padabog ng padabog.  Nakita ni Sebastian ang naging hitsura ko.  Sinundan ko siyang pumasok sa motel. Hindi ko pinahalata sa guard na hindi ako nag-check in ng room kaya malaya ko siyang nasundan.  Natapat ako sa room 312. Locked ang door. Tahimik ang labas.  Pumunta ako sa front desk. Nagpapanggap na ako si John. Bahala na kahit mabuking nila pero hindi naman pala. Nagbabakasakali lang. Nagkunwari akong naiwan ko ang susi sa loob at hindi makapasok kaya binigyan nila ako ng spare key.  Sa wakas nakapasok ako sa room. Nanginginig ako sa aking nakita.  Si John parang sarap na sarap habang binabayo niya si Jacob. Kahit nanginginig ako, pinilit ko paring magsalita, “kaya pala walang sex na nagaganap sa atin sa loob ng ilang buwan dahil may iba ka palang ka sex.”  Gulat silang dalawa sa akin. Hindi sila parehong nakapagsalita.  “Baby?”  nanginginig ding nagsalita si John sa wakas. Tumulo na ang luha ko.  Umalis na rin ako sa room pagkatapos kung ibato ang susi at tumama sa noo ni Jacob. Naabutan ako ni John sa labas. “Baby, hayaan mo akong magpaliwanag.”  Isang malakas na suntok ang binigay ko sa kanya. Tumama ito labi ni John. “Paliwanag?  Kaya walang sex na nagagawa natin.  Akala ko lang hinitay mo ang tamang pagkakataon.  Sweet kayang pakinggan. Pero hindi pala.”  Humahagulhol na rin ako ng maakas.  Wala na akong paki-alam kung may makarinig sa amin. “Kaya pala hindi ka sumagot sa akin ng gabing iyon kahit hindi ka man pumasok sa trabaho.”  Nagulat siya sa nalaman ko, “dahil nakipag babuyan ka pala ni Jacob.  Bwiset ka. Pareho kayung mga baboy. Walang utang na loob. Magsama kayo.”  Iniwan ko na siya.  Dali-dali akong umalis sa lugar na iyon.  Naihatid na ako ni Sebastian sa bahay.
Nang gabing iyon, dali-dali akong nag impake bago paman ako maabotan ni John.  Dala dala ko lahat ng gamit ko. Wala ng saysay ang tumira pa doon sa bahay na iyon. Kahit gabi na ay minabuti ko nalang umalis.  Biglang bumuhos ang ulan. Basang-basa na ako kaya sumilong ako sa gilid ng isang siradong convenience store.  May ilaw naman sa labas kaya hindi ako natatakot.  Nanginginig na rin ako sa lamig nang biglang may huminto na sasakyan sa tapat ko.  Matagal din bago ko na-aninag ang sasakyan.  Si Sebastian.  Walang sabi-sabi ay kinuha niya ang mga gamit ko at isinakay sa sasakyan niya.  Binigay niya rin ang jacket niya sa akin bilang pambalot sa nilalamigan kong katawan.  Huminto kami sa isang condo.  Doon ko nalaman na may unit pala siya doon. Pinatuloy niya ako doon. Tinulungan niya akong makapasok.  “Dito ka muna.”  Nahihiya man ay pumasok na rin ako.  “Salamat pala Sebastian sa tulong mo ha?”  Ngumiti siya sa akin.  “Wag ka ng magpapakita sa hayop na iyon.”  Biglang naging baritone ang boses ni Sebastian.  Halatang galit na galit. Hindi na ako nagsalita, hinayaan ko na lang siya.
Lumipas ang mga araw at palagi akong dinala ni Sebastian sa mga lakad niya.  Nakakailang na kasi parang nakakahiya. Mga malalaking tao sa industriya ang nakasalamuha ko habang ako college level lang  natapos ko.  Minsan nga iba ang tingin sa akin ng ibang kasama ni Sebastian pero sabi naman ni Sebastian sa akin ay wa ko nalang daw silang papansinin kasi ganun din daw talaga sila.  Kunsabagay, nakakalimutan ko na rin paminsan-minsan si John at lahat ng mga kababuyang nagawa niya.  Dahil na rin sa palagi naming bonding ni Sebastian, minsan parang iba na ang mga kilos niya sa akin.  Ang sweet niya.  Pero minabuti ko na lang na wag bigyan ng malisya.  Sadyang mabait lang siguro siya sa akin.  Malayo namang maging kami dahil straight siya at isa pa may pamilya siya.  Paminsan-minsan ay hindi ko maiwasang mag check sa facebook ko at mag stalk kay John at nakita iyon ni Sebastian ang biglang paglungkot nang makita kung maraming na upload na pictures si John na sweet na nagkakasama sila ni Jacob.   Nalungkot din doon si Sebastian.  Dinig ko ang buntong-hininga niya.
“Hindi mo ba talaga siya makakalimutan?” Tanong bigla sa akin ni Sebastian.  Nagulat ako sa aking narinig.  Parang may nais ipahiwatig si Sebastian sa akin.  “Hindi mo ba napapansin ang mga efforts ko sa iyo?”  Medyo naluluhang rebelasyon sa akin ni Sebastian. “Pero Seb-“ bigla niya akong sinunggaban ng halik. Gulat ako sa pangyayari pero naramdaman ko na ang halik na iyon ay totoo.  Dahil sa pagkabigla ko ay naitulak ko si Sebastian.  “Chris, mahal kita.”  Bigla ko siyang iniwan.  Hindi ako mapakali sa mga oras na iyon. Pa-iba iba ako ng posisyon sa aking hinihigaan para lang makatulog pero hindi parin.  Doon ko napagtanto na mahal pala ako ni Sebastian, kaya pala walang kapantay kung makatulong siya sa akin.  Pero paano? Straight siya? May pamilya din siya? Parang imposible yata ang naisip ko.  Malalim talaga ang iniisip ko sa mga oras na iyon hanggang sa madaling araw na akong nakatulog. Lumipas ang mg araw ay wala na akong text o tawag na natanggap mula kay Sebastian.  Nangungulila tuloy ako. Masakit din pala. Parang narealize ko na miss ko na rin ang presence niya.  Habang lumilipas ang panahon, parang mahal ko na rin yata si Sebastian.  Matagal na rin akong napaisip bago ako nakapag desisyon na puntahan siya sa clinic niya.  Gusto kong makausap siya ng personal, ayaw kung itext siya or tawagan kasi gusto ko magkausap talaga kami ng maayos.  Bahala na.  Kung buhay ko talaga ang mabigo ulit sa pag-ibig, tatanggapin ko nalang.
Dumating ako sa clinic, saktong papunta na sana ako sa clinic niya ng makita ko si Cindy, yung mama ni Sean na humalik sa pisngi niya bago siya umalis.  Nasaktan ako.  Sabi ko nga ba.  Ako na talaga ang hari nga mga biguan sa pag-ibig. Akma na sana akong aalis ng may tumawag sa akin.  “Chris?”  hay ayan na naman, na miss ko ang boses na ito.  “Anong ginagawa mo dito?”  May matamis na ngiti ang nakita ko nang humarap ako sa kanya.  “Bibisita sana ako para makahingi ng sorry kaso baka naistorbo ko kayo ni Cindy.  So aalis nalang ako.”  Lumakad na ako.  “Sorry pala ha?”  “Pumunta ka ba talaga para mag-sorry lang?”  Mas naging cute siyang tingnan sa smile niyang iyon.  Bumilis ang tibok ng puso ko sa tagpong iyon.   Palagay ko doon na talaga ang simula ng lahat at wala na akong paki-alam kung panandalian lamang ito.  Ang mahalaga sa akin ay nagawa ko ring magmahal ulit sa kabila ng nangyari sa akin.  Lumapit sa akin si Sebastian at siniil niya ako ng halik.  Masarap sa pakiramdam iyon.  Tumigil ako bigla dahilan upang ngumunot ang noo niya.  “Bakit?”  Nagtataka siya.  “Paano si Cindy?”  Tanong niya.  “Bakit? Anong kinalaman ni Cindy?”  Parang wala siyang ideya sa tanong ko.  “Paano ang nanay ng anak mo?”  Ilang minuto rin bago siya naka-realized.  Napatawa siya bigla.  “Si Sean? Si Cindy?”  Lumingon siya sa likod niya.  “Si Sean ay anak ni Cindy na kapatid ko.”  Lalo akong namula nang lumabas si Cindy na nakangiti.  “Kaya pala ilang na ilang ka sa akin nitong mga nagdaang araw?”  Biglang sabat ni Cindy sa akin.  Lalo tuloy akong namula ng maisip kung halatang-halata na pala ako.  “Mahal na mahal ka ng kapatid ko.”  Ngumiti siya sa akin.  Tumingin ako kay Sebastian.  Ngiti lang ang naging tugon niya. Hindi pa rin ako makapaniwala.  “Oh mauna na ako sa inyo, susunduin ko pa si Sean sa school.”   Naiwan nalang kaming dalawa ni Sebastian.  “Simula noong makita sa bar at hindi ko alam ang nararamdaman ko sa iyo.”  Pagdugtong niya. “Hindi ako makapaniwala sa nararamdaman kong iyon.”  Yumakap sa akin at hinayaan ko lang siya sa ginagaw niya.  “I just found love at unexpected place at hinihintay ko ang tamang panahon na masabi ko sa iyo ang lahat.”  Naulit ang naging halikan namin ni Sebastian. Parang nakipagsabayan kami sa papalubog na araw sa mga dandaling iyon. 
Simula non naging sweet sa akin si Sebastian.  Palagi na ring bumibisita siya sa akin at minsan isinama pa niya si Sean. Araw-araw siyang nanliligaw sa akin.  Isang umaga paglabas ko ng condo, nagulat ako ng sinalubong ako ni John.  Bigla siyang yumakap sa akin.  Tulala man ay kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya.  “Na miss kita baby.”  Kitang-kita ko sa mga mata ni John ang sinseridad niya.  Ay hayan naman ako. Akala ko sa sarili ko ay naka move-on na ako. Hindi pa pala.  Ngayon ay muling nagbalik sa akin ang mga ala-ala ng kahapon at mga panghihinayang sa mga pangarap naming nasira.  “Mahal na mahal kita Chris.”  Tumutulo ang luha sa mga mata niya na nagpapahiwatig sa kanyang mga pagsisisi.  “Sorry sa mga nagawa ko.  Nagtatampo kasi ako sa panahon na hindi ka sumama sa akin sa outing.”  Bigla siyang yumakap pero bago paman nagawa iyon ay nakailag na ako.  Nakikita ko sa mga mata ni John ang pagkagulat. “Tama na John, naka move-on na ako. May mahal na akong iba.”  Tumulo na rin ang mga luha ko. “Bumalik ka nalang kay Jacob.”
    “Wala na kami ni Jacob.  Naghiwalay na kami kasi ikaw pa rin ang mahal ko.”  Hindi na ako nagsalita baka mailabas ko lang ang lahat ng sama ng loob ko. “Pero hahayaan kitang mag-isip. Igagalang ko iyon.”  Pinahid niya ang luha niya, “sa ngayon handa akong maghintay.”  Umalis na din siya.  Naiwan akong luhaan sa lugar na iyon. Tulalang-tulala.  “Mahal din kita Chris” nakita kong nakatayo si Sebastian sa likod ko.  “Handa rin akong maghintay.”  Ano ba to?  Bakit ba napaka-hirap ng sitwasyon ko ngayon.  “Alam ko naman na mahal mo pa rin si John pero mahal din kita.  Nararamdaman ko ito mula noong una nating kita sa bar.”  Doon nagliwanag sa akin ang sinabing niyang naka move-on siya mula ng naloko siya sa araw na iyon. Ako pala ang tinutukoy niya.  “Handang-handa akong maghintay Chris kahit alam kong wala akong laban kay John sa puso mo.  Kung ano man ang desisyon mo, tatanggapin ko yon kahit masakit man sa damdamin.”  Iyon ang huling salitang aking narinig kay Sebastian.  Simula noon ay hindi na ako nakatanggap ng text o tawag niya.  Hindi ko na rin siya tininext o tinawagan dahil ayokong magpadalos-dalos muna.  Palagi akong binibisita ni John sa condo simula sa araw na iyon.  Buti na lamang ay hindi kami magka-abot minsan, at minsan at magdadahilan akong busy para makaalis agad siya. Palagi na rin siyang nag message sa akin sa facebook ngunit hindi rin ako nag reply.  Araw-araw kong pinag-iisipan ito.  Mas mahal ko talaga si John kaysa kay Sebastian siguro sa tagal na rin ng pagsasama namin. Subalit niloko na ako ni John at dahil doon malayo ang tsansang hindi niya mauulit iyon.  Si Sebastian naman ay naging nandiyan sa tabi ko.  Mahirap nga pumili lalo na’t pareho ko silang minahal.  Subalit para na rin sa akin si Sebastian ang pipiliin ko hindi dahil sa utang na loob ko sa kanya kundi alam ko na secured ako.  Alam kung mahal na mahal niya ako at nakikita ko iyon.   Di gaya ni John na palagi lang may kulang sa pagsasama namin at palagi siya lang ang nasusunod.  Kay Sebastian kasi ay hinihingi niya ang opinyon ko at kinukunsulta niya muna ako bago niya gawin ang para sa amin.  Ayoko ko ng sayangin ang pagkakataon na may taong nagmahal sa akin ng totoo kaya gusto ko ng puntahan si Sebastian sa kanila.  Sakto namang nag-abot kami ni John sa labas na panay ang ngiti sa akin kaya tinodo ko na ang pagsasalita. “John, wag mo nang sayangin ang pagpunta mo dito.  Hindi ikaw ang pinili ko.  Mahal ko si Sebastian at mahal niya ako.  Sa kanya lamang ako liligaya.”  Nagulat si John sa mga binitiwan kong salita. “Paano ako?”  Ngumiti ako sa kanya, “bumalik ka kay Jacob total masaya naman kayo talaga.”  Wala ng hinihintay pa si John sa sasabihin ko at umalis na agad siyang humihikbi. Yugyog ang balikat niya sa kaiiyak habang naglalakad paalis sa kinaroroonan ko.  Masakit din sa akin ang makita siyang nasasaktan pero wala na sa akin iyon.  Natoto na ako.  Agad kong pinuntahan ang bahay ni Sebastian.  Naabutan kong open ang pinto kaya pumasok agad ako.  Nakita ko si Sebastian na nagbabalot ng kanyang mga gamit sa maleta.  “Iiwan mo ako”  biglang huminto si Sebastian sa ginagawa niya. Paglingon niya, kitang-kita ko ang pamumula ng mata niya sa kaiiyak.  “Bakit ka nandito? Diba dapat sumama ka na kay John?” Mahinang tanong niya.  “Bakit ako sasama sa kanya e ikaw ang pinili ko?”  Unti-unting nagliwanag ang mukha niya.  Walang ano-ano’y bigla niya akong niyakap at hinalikan.  Ramdam na ramdam ko ang pagmamahal niya sa mga oras na iyon. Nauwi sa iyakan ang aming tagpong iyon – iyakan dahil sa tuwa. 
    Naging official na kami ni Sebastian. Tanggap naman siya ng tiya at tiyo ko ng ipinakikilala ko siya sa kanila. Ganoon din ako. Tanggap ako ng mga magulang ni John nang tinawagan niya sila mula sa US.  Naging mainit din ang pagtanggap sa akin ng mga katrabaho niya.  Lumipas ang ilang buwan at ako’y natanggap sa isang scholarship sa abroad.  Malungkot pero masaya na rin si Sebastian sa pangyayari at least makapagtapos ako sa aking mga pangarap.  Tumanggi kasi ako nang umalok siya na siya nalang ang magpapa-aral sa akin.   Sinabi ko sa kanya na gusto ko munang makita ko ang sarili kong nagsusumikap na makatapos. Sang-ayon naman siya doon. Paglipas ng ilang taon, nakatapos na ako. Ganap na akong engineer. Umuwi na rin ako at sayang-saya si Sebastian sa pagbabalik ko. Hinihintay niya talaga ako.  Doon ko lalong napagtanto na totoo talaga ang pag-ibig ni Sebastian sa akin.  Bumukod na rin kami ng bagong bahay para sa susunod na plano namin ay ang pagpapakasal naman.  Naging  magkaibigan na kami ulit ni John.  Naging maayos naman rin ang pagkakaibigan nila ni Sebastian.  Nalaman ko na rin si John na single pa rin.  Yun daw ang sa tingin niya ay makakabuti, kailangan niya munang magpakatino at bigyan ng space ang buhay niya.  Umalis siya at nagtratrabaho ngayon sa Italy. Ngayon naging maayos na ang buhay namin ni Sebastian.  Masayang-masaya kami sa piling ng isa’t isa kaya dito ko narealize na sa buhay may mga pagsubok talaga tayong pinagdadaanan at hindi ito ang huli pa kasi sa pagsubok ay siyang simula ng panibagong buhay – isang buhay na nakalaan pala sa iyo.

Wakas

No comments:

Post a Comment

Read More Like This