Pages

Sunday, September 4, 2016

Sigaw ng Pugad Lawin (Part 13)

By: Bobbylove

Bakit ko nga ba binigay virginity ko? Napaisip ako dun sa tanong na yun…. at honestly I don’t have any acceptable reason kung bakit ko ginawa yun… I was too young back then, nasa point ako ng buhay ko kung saan most ng mga decisions na ginagawa ko ay padalos-dalos, yung feeling mo best option na… Nung time na yun, believe me or not I thought na yun yung best na gawin, akala ko kasi after nun tapos na si kumag… akala ko magiging okay na… You know, hearing yung mga usapan nila ng mga kaibigan niya, akala ko talaga that’s the only thing na kaya ko (para matigil na). (I actually made the usapan with his friends scene more artistic… the trurth is medyo mas worst ng konte yung nangyari… medyo mahirap lang isulat lalo’t hindi naman talaga ako writer kaya I ended up with that scene.)

Actually, when he made the confession about Kaye… naisip ko rin na hindi na ituloy, at for unknown reason eh, nangyari pa rin… at oo, mali yung decision ko, akala ko kasi magiging okay na pagkatapos, pero hindi eh… natalo lang ako… now if the question is nagsisisi ba ako? My answer is ‘NO’ as in ‘HINDI’!!! And you’ll know why as the story progresses…

**********************

Paika-ika ako’ng lumabas ng kwarto, sobrang bigat ng loob ko… Hindi ko alam kung maniniwala pa ako sa sinasabi ni Jude, na may magmamahala pa sa akin. Ginawa ko naman lahat eh, kaya hindi ko alam kung bakit lagi ako’ng na re-reject.

Sabi ng society ang lalake para sa babae and vice versa, ginawa ko naman yun eh… nagmahal ako ng babae, which is yung morally RIGHT ‘daw’ according sa marami… God knows how much I love Trixie.., for so long siya lang yung naging buhay ko; akala ko forever na yun, pero ano’ng nangyari? She broke up with me dahil daw malambot ako… bakla…

Ngayon, sinunod ko na yung tunay ko’ng damdamin… I accepted who I really am! Hindi ko naman masabi na love agad yun pero I was too attracted with Richard (hindi naman katakataka kasi his really handsome, Kung pwede ko lang sana siya ipakilala sa inyo) na umaabot na ako sa point na lagi’ng siya lang yung laman ng isip ko at nagpakatanga ako na halos kalimutan ko na yung halaga ko.  For the first time sa buhay ko, nagkagusto ako sa lalake… Pinilit ko yung pigilan, pero talagang malakas yung tukso. Pero tulad lang din nung una, na reject ako dahil sa preference ko.

Diba ang gulo? Ano ba dapat yung gawin ko? pareho ko namang sinubukan yung moral at immoral; good at bad; decent and not churva na dini-dictate ng society, pero wala namang nangyari. Kaya ayaw ko’ng umaming bakla before eh, kahit na mas madali ko yung magagawa compared to other gays. Hindi kasi yun malaking issue sa family ko; dati nga yung papa at yung mama ko na mismo ang nag i-insist na bakla ako, infact when I was young binilhan pa ako ng tatay ko ng manika, ang that was my first exposure to pretty stuffs.
Alam ko, my family would never condemn me for being myself… my family is never perfect but my family always loves unconditionally, pero ang hirap i-fit nung sarili mo sa society na perfect yung pamantayan… ang hirap magpakatotoo… kahit anong tanggap pa ng family mo sayo, at kahit ilang beses mo pa’ng sabihin na hindi mahalaga ang sasabihin ng iba, talagang their opinion would always matter. Isa pa, sa hindi ko maintindihang dahilan, yung sexual orientation ng isang tao ay parang laging mahalaga sa lahat ng bagay… sa trabaho… sa pagpapamalas ng kapasidad mo… sa pag-ibig… at madalas pag member ka ng third sex eh… lagi ka’ng kulelat…

Ang unfair naman kasi eh! Ang hirap maging masaya pag bakla ka… ang dami mo’ng dapat i-consider… ang dami mo’ng kailangang i-please… Hindi ba pwedeng magmahal na lang? yung tipo ba’ng “MAHAL KITA” o “GUSTO KITA” period.

****************************

Dahan-dahan ako’ng naglakad pa punta sa kwarto nila Jude, bitbit ko ang isang backpack, isang maliit na bag na may lamang toiletries at isang pouch, habang hila-hila ko rin ang dala ko’ng maleta. Sinadya ko’ng bagalan ang paglalakad, because I wanted to compose myself first, before ako haharap kay Jude. Medyo mabilis at all out kasi siyang mag react every time na ramdam niyang hindi ako okay.

Maya-maya pa’y… “Bob! Wait!” sigaw ng tao sa likuran ko.

Nung lumingon ako’y nakita ko si Richard, naka boxers at white shirt lang at walang suot na sapin sa paa. Mabilis niya ako’ng nilapitan at diretso’ng inagaw niya ang mga dala ko.

“Gusto mo i-check muna? May nawawala ba sa mga gamit mo?” mariin pero pinilit ko’ng maging malumanay yung pagkakasabi ko.

Umiling siya, “Let me help you.” halos pabulong niyang sabi.

Nagtama yung mga paningin namin at noon ko nakita yung mga namumuong luha sa mga mata niya. Naramdaman ko’ng sinsero ang mga nais ipabatid ng mga tingin niya, pero sobrang sakit ng nararamdaman ko nun kaya hindi ko nagawang maniwala.

“Hindi… kaya ko na…” kinuha ko ulit ang ibang gamit ko’ng hawak niya saka tumalikod.

“Bob? Usap tayo?” sabi niya, habang sumusunod sa likuran ko.

Tuloy-tuloy lang ako sa paglalakad.

“Usap tayo. Please.”

“Please Bob… usap tayo?” kalmado niyang pakiusap.

“Bumalik ka na doon, baka makita ka ni Jude… baka masapak ka na naman dahil iisipin niyang may ginagawa ka’ng masama sa akin.” Pinahid ko yung mga luha ko, gusto ko magmukhang matapang pero hindi ko alam kung successful ba ako.

“I don’t care… usap tayo…”

“Hindi na nga… bumalik ka na doon…” pagpupumilit ko.

“Please usap tayo…”

“Ayoko!”

“Bob… Please…”

“Hindi na nga… ano ba’ng problema mo?!”

“Naguguluhan ako…” humagulgol na siya. “Kung papasapak ba ako uli sa kanya, kakausapin mo na ako?”

“Ano pa ba ang kailangan nating pag-usapan Richard?” tumigil ako sa paglalalkad at lumingon sa kanya.

“Marami… magpapaliwanag ako…”

“Okay na nga eh… hindi ko na kailangan ng paliwanag mo, ayos na! ang gusto ko kalimutan ang mga nangyari…”

“Hindi pwede! pag-usapan naman muna natin oh…”

“Hindi na nga dapat! Nakaganti ka na diba? hindi pa ba sapat yun?”

“Yun nga eh… wala naman ako’ng balak gumanti eh, hindi kita kayang saktan…” mariin niyang sabi.

Nagbigay lang ako ng isang pilit na ngiti. “Patawa ka eh ano?!” saka mabilis na tumalikod at tumbok sa kwarto nila Jude.

Gago pala siya. Hindi daw ako kayang saktan? Ganoon ba katanga ang tingin niya sa akin? Tang’na!

Marahan ko’ng kinatok ang pinto ng kwarto nila Jude. Pinipilit ko’ng hindi bumuhos ang mga luha ko at maging kalmado sa kabila ng kaba at sakit na nararamdaman ko. Nagpupumilit pa rin si kumag pero hindi ko na siya pinansin pa. Bubuksan ko na sana ang pinto ng bigla niya ulit ako’ng pigilan.

“Bob… maawa ka naman oh…” pakiusap niya.

“Ilang beses rin ako’ng nagmakaawa sayo Richard… naawa ka ba?” mahinahon ko’ng tugon.

“I know… Malaki ang kasalanan ko sayo… pero please give me another chance…”

Hanep diba? Another chance daw. Ilang chances ba kailangan niya?

Hinawakan ko ang door knob at marahang pinihit iyon upang bumukas, kasabay nun ay ang paglapat ng mga palad niya sa balikat ko. Nilingon ko siya, “Bitawan mo ako…” kalmado ko’ng sabi.

Nakita ko’ng muli ang mga mata niyang nababalot ng kalungkutan, nakikiusap pa rin ang mga iyon… nagsususmamo na pagbigyan ko sa nais niyang mangyari.

“Bitiw na…” sabi ko. Naiiyak na ako nun, pero pinipigilan ko dahil ibig ko’ng maging malakas sa harap niya. Alam ko kasing kapag nag pakita ako ng sign ng kahinaan ay mag te-take advantage na naman siya, gagamitin niya iyon para masaktan ako uli.

Mabilis niya ako’ng kinabig upang iharap sa kanya ng tuluyan, saka biglang hinalikan ang mga labi ko. Muli ko’ng naramdaman ang paglapat ng labi niyang may sugat sa labi ko. Saglit na tumigil ang mundo ko; tanging ang malakas lang na tibok ng puso ko ang tangi ko’ng naririnig. Nagmistula ako’ng estatwa, hinayaan ko’ng magpaalipin ang mga labi ko sa mga halik niya.

Naglalaban ang isip at dadamdamin ko noon, malakas na sinasabi ng utak ko na ma offend o magalit sa ginawa niya pero ayaw rin magpatalo ng puso ko’ng humihiyaw na ipadama sa kanya ang nagaalab ko’ng damdamin. Alam ko’ng hindi niya direktang sinabi na ayaw niya sa akin pero malinaw sa akin na ayaw niya sa dadamin ko para sa kanya, pero nung hinalikan niya ako’y batid ko’ng pareho ang nararamdaman namin, hindi ko alam kung kasinungalingan lang ba yung nababatid ko… pero pakiramdam ko’y malinaw ang mensahe ng mga halik niya, gusto niya ako… ramdam ko ang mainit niyang damdamin para sa akin. Naramdaman ko’ng totoong-totoo ang damdamin niya pero hindi ko alam kung maniniwala ako, baka kasi nabubulag lang ako’t nagpapantasya na baka may pag-asa pa’ng mapagbigyang mag grow yung dadamin ko.

Medyo nagulat ako noong nagsimula niyang kagatin ang lower lips ko, at dahil sa labis na pagka bigla ay na bitawan ko ang mga hawak ko pati na rin ang door knob, dahilan upang bumukas ang pinto.

 Inilayo ko ang mukha ko sa kanya, saka pinilit na makawala sa pagkakahawak niya. Mahigpit iyon pero noon ay hindi na siya nanglaban pa, kusa niya na akong binitawan.

“Alis na!” malamig ko’ng sabi. Ang dami’ng tumatakbo sa isip ko… nais ko’ng kompirmahin sa kanya yung nararamdaman ko sa mga halik niya, pero natatakot ako... hindi ko alam kung kakayanin ko’ng marinig muli yung isasagot niya.

“Hindi, mag-uusap pa tayo!”

“Umalis ka na!”

“Hindi nga pwede… kausapin mo muna ako…”

“Wala na tayong dapat pag-usapan Richard!”

“Please Bob… maawa ka… kailangan ko pa ba’ng lumuhod?” pagmamakaawa niya.

“Ayaw ka nga’ng kausapin diba?! Umalis ka na!” biglang singit ni Jude na noon ay nasa harap na ng pinto, tahimik na nakatayo. Alam ko nakita niya ang ginawang paghalik sa akin ni Richard, at kinakabahan na ako sa iniisip niya.

“Bro! Let us talk… please hayaan mo kami…”

“Ayaw ka nga’ng kausapin eh! Ano ba’ng mahirap initindihin doon?!” pasigaw na sabi ni Jude.

“This is between the two of us!” tumaas na rin ang boses ni kumag.

“Gago ka pala eh!” hirit ni Jude sabay pakawala ng isang malakas na suntok na tumama sa mukha ni kumag.

“Jjjjuuuuddeee!!!!!!!!!!!!!” napasigaw ako sa labis na pagkabigla. Mabilis ko’ng nilapitan si Richard na tumumba sa sahig.

“Oh? Hindi ka na naman lalaban?! Tumayo ka diyan!!! Magpakalalake ka!” hirit uli ni Jude.

“Jude tama na! ayos na… pumasok ka na…” pagpigil ko sa kanya.

“Hindi! Hayaan mo siyang lumaban!”

“Hindi na Jude. Ayos na… pumasok ka na!”

“Hindi… gago yan eh…”

“Pumasok ka na!!!” sigaw ko.

“Edi halika na! pasok ka na rin!” sabay hatak niya sa akin.

“Bob… mag-usap muna tayo please….” Muli niyang pakiusap. Sa hindi ko malamang dahilan eh, nakaramdaman ako ulit ng awa. (Oo ang nagpakatanga ako uli.) Naniwala ulit ako sa kanya.

“Hindi mo siya kakausapin Bob! Halika na!” matigas na sabi ni Jude. Ako nama’y tanging pag-iyak lang ang nagawa.

“Bro… papabugbug ako sa iyo Promise… Just let us talk… please…”

“Talagang bubugbugin kita!”

“O-Oo… bugbugin mo ako hanggang gusto mo… pero hayaan mo ako’ng makausap si Bob!” lumuluha niyang sabi.

“Gago ka pal…”

“Jude! Okay na… pumasok ka na… mag-uusap lang kami…” kalmado ko’ng sabi sa kabila ng mga mahihinang paghikbi.

“Pero Bob…”

“Sige na… please…” sabi ko; saka ko nakitang pinulot niya ang mga gamit ko pagkatapos ay tahimik na pumasok sa kwarto.

Ayaw ko kasi ng may nasasaktan, at sobrang naawa ako sa itsura ni kumag. Hindi ko alam kung ano na namang balak niyang mangyari, kung para saan yung gusto niyang pag-uusap. Nalilito rin ako sa ginawa niyang paghalik pero sobra ako’ng tinamaan sa sinabi niyang handa siyang magpabugbug kay Jude para lang pagbigyan ko siyang kausapin ako. Batid ko’ng sensero siya, naroroon pa rin yung hesitations ko pero tinamaan na ako ng awa at kahit ano pa man ang mangyari, handa na ako… handa na ako’ng pagbigyan siya, kahit masaktan pa ako uli.

Hindi ko naman kasi alam kung bakit ako pinanganak na tanga at uto-uto. Hindi ko alam kung bakit hindi pa ako madala-dala sa mga pananakit niya! Wala eh… sadya nga’ng tanga ako… tanga ako… tanga…

Sa kabila ng lahat ng pinagdaanan ko sa kanya, naroroon naman ako uli… magpapaalipin na naman sa mga kalokohan niya… makikinig sa mga kasinungalingan niya! Nakakabwisit pag puso mo yung mas dominante sa katauhan mo, laging nauuna yung kapakanan ng iba kaysa sa sarili mo. Laging ibibigay mo yung ikakasaya nila kahit masaktan ka pa.

Magkatabi kaming naupo sa hallway, parehong naka sandal ang likuran namin sa pader. Nung una ay pareho lamang kaming tahimik na lumuluha hanggang sa magsimula siyang magsalita.

“Thank you…” sabi niya. May halong lambing yung boses niya.

“Ano ba’ng gusto mo’ng sabihin?”

“Ahmmm… Sorry…” halos pabulong niyang sabi.

“Yun lang?” pinahid ko yung mga luha ko saka humarap sa kanya.

“Yun lang ba?” pag-uulit ko.

Natahimik lang siya at hinayaang ang mga mata ang kumausap sa akin. Naramdaman ko’ng nasasaktan siya… Na nakikiusap siyang mapagbigyan ko siya sa nais niya…

“Ano ba’ng gusto mo’ng marinig?” may katarayan ko’ng sabi. Pero nanatili siyang tahimik na nakatingin sa akin.

“Na gi-guilty ka ba?”

Tumango siya. “Sobra…” bulong niya ulit.

“So, ano nga ang gusto mo’ng sabihin ko? na pinapatawad na kita?” malamig ko’ng sabi.

Sinubukan niya ako’ng yakapin, ngunit pinigilan ko iyon.

“Wag! Wag mo akong hawakan!” inilayo niya ang kanyang mga bisig saka itinakip ang mga palad sa kanyang mukha. Umiyak lang siya. Sobra ako’ng naaawa… naroroon na naman ang pakiramdam ko’ng gusto ko siyang amuhin pero naroroon rin ang takot ko.

“Pinapatawad na kita! Okay na…” malamig ko’ng sabi. “Pasok na ako, bumalik ka na doon sa kwarto mo…”

Akma ako’ng tatayo ng bigla niya ulit ako’ng pigilan. “Hindi… makinig ka sa akin…”

“Ano ba’ng pakikinggan ko? yung mga hikbi mo?”

“Oo… ang hikbi nito!” sabay turo sa puso niya.

“Lokohan na naman ito!” mabilis ako’ng tumayo, pero maagap rin niyang hinawakan ang aking kanang kamay.

“Huwag mo ako’ng hawakan!” sabi ko, na agad din naman niyang sinunod. Agad niyang pinalaya ang mga kamay ko.

Papasok na sana ako sa kwarto ng biglang.

“Sa MOA… it was never my intention na ipahiya at i-accuse ka! I was actually grateful that you helped Jubie. But… I don’t what happened, I got so furious when I saw you with Jude. You look so happy Bob, ang saya niyo’ng tingnan.” Simula niya.

Natigilan ako at lumingon sa kanya, he’s still crying, ang mga kamay ay nakapatong sa naka angat niyang mga binti, ang mata nama’y nakatingin sa kawalan.

“Nagalit ka kasi masaya ako?” tanong ko.

“Hindi at Oo… Just like what I said sa hall, I’m the happiest person pag masaya ka. Nagalit ako kasi hindi ako yung nakapagpasaya sayo.”

Na co-confuse na naman ako sa sinasabi ni kumag. Kinikilabutan ako sa mga naririnig ko sa kanya. Nakatayo lang ako at hindi makapagsalita, hindi ko kasi alam kung ano ang sasabihin ko.

“Aaminin ko, I told my friends na na-iinis ako sa iyo! Sinabi ko lang naman yun kasi… hindi ko maintindihan ang sarili ko. Hindi naman talaga ako galit sa iyo eh, nagagalit ako sa sitwasyon!” humagulgol siya. “Simula nung malaman ko’ng may boyfriend ka, hindi ko na maintindihan ang sarili ko Bob! Naisip ko’ng layuan ka, pero hindi ko magawa… hindi ko kaya… mas nainis pa ako sa tuwing nakikita ko’ng napapasaya ka ni Jude! I don’t know kung gets mo ako, pero gusto ko ako lang yung gumawa sa iyo nun! Nasasaktan ako sa tuwing nasasaktan kita, pero mas nasasaktan ako sa tuwing napapasaya ka ng iba.”

“Ano b…”

“Shhhhhh…” pagpigil niya sa sasabihin ko sana. “God knows how happy I am nung pumayag ka’ng mag stay sa party ni kuya…”

“Happy ka, kasi pwede mo na akong ipahiya sa mga kaibigan mo?” pag singit ko.

“Hell, No!!!” tumingin siya sa akin. “It was never my intention Bob… believe me!”

“Ahhhh… kaya pala hinayaan mo’ng hamakin ako ng mga kaibigan mo…”

“Im sorry… hindi ko naman alam na sasabihin nila yun…”

“Nila?!! Ninyo Richard!”

“Hindi! Nasabi ko lang naman yun kasi…” nanginginig ang mga labi niya.

“Kasi ano?” irritable ko’ng sagot.

Natahimik lang siya.

“Nag-iisip ka na naman ng dahilan?”

Tahimik lang pa rin siya.

“Wala ka’ng maisip?” mataray ko’ng sabi.

Tahimik

“Kasi ano?! Sumagot ka!”

“Kasi… I think Frank likes you!”

Saglit ako’ng natigilan, saka nagpakawala ng isang pilit na tawa. “Sa tingin mo maniniwala ako doon?”

“I don’t know. Pero that’s the truth! He told me, you’re cute nung minsang ipakita ko sa kanya yung picture mo sa phone ko. Tuso si Frank, alam ko kukunin niya ang gusto niya!’

“Kaya sinabi mo’ng ikaw nalang yung gagawa?”

“Oo... kasi hindi ko naman kayang gawin yun sa iyo!”

“Pero nagawa mo na diba?”

“Kasi akala ko yun yung gusto mo! yun yung makakapagpasaya sa iyo…” humagulgol siya.

“Wow… ang bait mo naman pala, salamat ha… at binalak mo palang pasayahin ako…” sarkastiko ko’ng sagot.

“Sorry…” bulong niya.

“Tapos ka na? Papasok na ako.”

“Bob… makinig ka! Special ka sa akin Bob! Yun yung gusto ko’ng sabihin sa iyo sa party.” Pagpigil niya uli.

“Special ako sa iyo… kasi na aalala mo si Kaye…”

“Hindi ko alam. Siguro. Pero lagi kitang naiisip Bob.”

“So anong gusto mo’ng mangyari?”

“Hindi ko alam. Naguguluhan ako.”

“Gusto mo ba ako?” tinanong ko ulit. Naisip ko wala na namang mawawala sa akin, kahit ano pa’ng sabihin niya. Oo aaminin ko, sa revelation niya nung gabi’ng na iyon, umasa ako’ng sasagot siya ng ‘OO’. Pinagdasal ko’ng sumagot siya ng Oo.

“Bob…” natigilan siya.

“O ano? Lalake ka, kaya hindi pwede?” inunahan ko na siya. Sa reaksyon niya noon, alam ko doon din yun pupunta. Pero tang’na naman, bakit pa niya kailangang sabihing espesyal ako sa kanya? Wala lang ba yun sa kanya? Yung tipo ba’ng espesyal na para lang siopao o halo-halo yung nararamdaman niya?

Tumango siya.

“Okay… pasok na ako…” malamig ko’ng sabi. Pinilit ko’ng itago yung nagsusumigaw na sakit sa puso ko.

“Ang hirap naman kasi Bob eh… naguguluhan ako, may sinasabi yung puso ko na hindi pwede eh!’’

“Okay…” tipid ko’ng tugon, hindi ko na kasi alam ang nararamdaman ko.

“Bob! Alam naman nating pareho na hindi pwede diba? Maniwala ka totoo lahat ng sinabi ko sa iyo! Espesyal ka sa akin Bob, pero… hindi kasi tayo pwede…”

“Okay… pasok na ako…” wasak na wasak na ang puso ko.

“Bob, saglit lang…”

“Ano na naman!?” medyo padabog ko’ng sabi.

Tahimik

“Payakap.” Bulong niya.

“Please naman, huwag mo na ako’ng pahirapan.” Mahinahon ko’ng sabi.

“Please…” bulong niya ulit.

“Richard. Inintindi kita, pakiusap intindihin mo rin ako… don’t make it hard for me Richard! Huwag mo namang gawing komplikado…” bumuhos na ang luha ko.

Sobrang sakit nung nararamdaman ko, hindi ko alam kung bakit kailangang paulit-ulit ko iyong maramdaman… mukhang ‘di nagsasawa yung sakit na manuot sa puso ko! nakakainis!!!!

“From this day onwards… hindi na tayo magkakilala! Walang Bob at Richard na nagkakilala sa orientation na ito!” pinahid ko ang luha ko, saka huminga ng malalim. “Kalimutan nalang natin to Richard!”

“Sorry…” sabi niya.

“Ayos na.”

“Yun ba talaga ang gusto mo Bob?” sabi niya.

“Yun yung dapat Richard!”

“Maybe you’re right. Maybe this is the best thing to do. Siguro nga makakabuti sa atin pareho na kalimutan ang isa’t-isa. Pero paano kung hindi ko kaya?”

Na paisip rin ako sa sagot niya. Kakayanin ko nga kaya? Ang totoo hindi ko rin alam eh, pero wala na naman ako’ng choice, sabi nga niya… “Hindi kami pwede!”

“Bye!” mariin ko’ng sabi bago pumasok sa pinto.

(Habang nag-uusap kami ay ang may mga dumadaan na estudyante, other guest at mga hotel staffs… nakakahiya pero hindi na namin inalintana yun noon eh, nasa peak kami ng aming mga emosyon na sobrang hirap i-control noon.)

*******************************

Pagkapasok ko’y, agad bumungad sa aking paningin si Jude. Nakahiga siya sa kama at tila hindi mapakali, papindot-pindot siya sa kanyang cellphone, nakasuot lang siya ng isang yellow na sando na may blue tripes at pants. Nung makita niya ako’y dali-dali siyang bumangon sa kama at lumapit sa akin, ramdam ko ang pagaalala niya.

“Ayos ka lang?” niyakap niya ako.

“Uhm-uhm... bakit naman hindi?”

“Sure ka?” bumitiw siya sa pagkakayakap.

“Oo nga!!! Boy kulet tigilan mo ako…” tumawa ako, para itago yung tunay ko’ng nararamdaman.

Malumanay ko’ng tinumbok ang kama para umupo. Pakiramdam ko’y pagod na pagod ako, isa pa, kumikirot pa rin kasi yung butas ko. Pinilit ko noong mag lakad ng maayos para hindi niya mapansing hirap ako. Nakakahiya if ever na malaman niya; hindi naman ako takot kay Richard eh, alam ko hindi niya ipagkakalat na may nangyari sa amin… matatakot yung mapahiya, baka tuksuhin lang siya’ng pumatol siya sa bakla.

“Nagsisinungaling ka eh…” sabi niya noong maka upo na rin sa tabi ko.

“Hala! Ikaw ha… pinapangunahan mo na naman ako…”

Saglit kaming natahimik, tanging mga malalalim na hinga niya lang at ang kabog sa dibdib ko ang tangi ko’ng naririnig. Kinakabahan ako, hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya… takot ako sa magiging reaksyon niya… iniisip ko’ng itago at mag maangmaangan nalang pero makulit si Jude eh… alam ko mahuhuli at mahuhuli niya ako.

“Kayo na?” tanong niya out of nowhere.

“Ano ba yan……. heto na naman tayo boy kulet eh…” nag buntong hininga ako. Binagsak ko ang aking katawan sa kama. Sa isip ko “Sana…” pero hindi eh… malabo na…

“Sagutin mo nalang…”

Bumangon ako mula pagkakahiga. “Hindi!” straight forward ko’ng sagot. “At malabo yung mangyari…”

“Bakit ka niya hinalikan?” may kirot sa boses ni Jude.

“Hindi ko alam… siguro consolation, para sa lahat ng ginawa niyang masama at masakit sa akin…”

“Hindi… feeling ko gusto ka niya…”

Tumawa lang ako ng malakas. “Patawa ka eh…”

“Anong nakakatawa?” medyo kumunot na ang noo niya.

“Ikaw… insist ka ng insist na gusto niya ako… umasa tuloy ako…” tumatawa pa rin ako, dinaan ko yun sa pabiro’ng paraan… pero yun talaga yung gusto ko’ng ipabatid.

“Ano?!” kumunot yung noo niya. “Ano ba kasi yung nangyari…?”

“Wala… nagpakatanga lang ako…” nakangiti ako pero alam kung litaw na litaw yung sakit sa mga mata ko.

“Huh? Ayusin mo nga Bob… ang labo mo eh…”

“Sinabi ko’ng gusto ko siya…”

“Gusto mo siya!?” gulat niyang tanong.

Tumango lang ako.

“Sabi na nga be eh…” saglit siyang natigilan. “Teka… anong sabi niya?”

“Wala…”

“Wala? as in wala? O sinabi niyang Hindi…?”

“Hindi…”

“Huh?”

Kinusot ko yung mukha ko gamit ang aking dalawang palad dala ng sobrang kalituhan at kakulitan ni Jude. “Hindi niya sinabi’ng Hindi niya ako gusto…”

“So, ano nga’ng sabi?”

“Lalake daw siya…”

“Yun lang?”

“Hindi daw kami pwede…” sabi ko, at hindi ko na nga napigilan ang mga luha ko. Kusa na silang nagtalunan sa mga mata ko. Sa kabila ng pag-agos ng sakit sa aking mga mata ay pinilit ko’ng ngumiti at paminsa’y tumawa. Gusto ko isipin niyang malakas ako at kaya ko sa kabila ng sakit na dala-dala ko.

Sa gitna ng pagbuhos ng aking mga luha ay ipinaramdam ni Jude ang kanyang malasakit sa akin. Dagli niya ako’ng niyakap… ramdam ko yung init ng katawan niya, ramdam ko’ng nais niyang pawiin ang sakit na nadarama ko.

Hindi yun ang inaasahan ko’ng gagawin niya, akala ko beast mode ulit siya, susugurin si Richard… bubugbugin… pero hindi… nanatili siya sa tabi ko, at ipinadama sa akin na hindi ako nag-iisa.

“Ang Tanga ko ano?” natatawa ko’ng sabi habang tumutulo ang aking mga luha.

“Hindi… huwag mo sabihin yan…” sabay halik niya sa noo ko.

“Ang tanga ko… kung nagawa ko lang sana’ng umiwas ng mas maaga edi, sana hindi ako nasasaktan ngayon.”

“Hindi… mas tanga siya!!!”

“Eh…. Nanalo nga siya eh! Nagawa niya ako’ng saktan ng paulit-ulit ng walang kahirap-hirap… ang tanga ko kasi talaga eh…”

“Mas tanga nga siya… kasi pinakawalan ka niya…”

“Sinasabi mo lang yan, kasi magkaibigan tayo at gusto mo pagaanin ang loob ko…”

“Hindi… sinasabi ko sa iyo yun, kasi yun yung totoo! Siya yung talo. Wala siyang Bob na masungit! Bob na iyakin! Bob na cute! Bob na yayakapin! Bob na hahalikan! Bob na mamahalin!” hirit niya.

Napatawa ako sa sinabi niya (actually na touch ako). “Loko ka… pero talo rin ako eh, hindi ko alam kung kaya ko’ng mag move on….”

“Siyempre kaya mo! ikaw pa… sa pagkakakilala ko sayo, iyakin ka, pero malakas ka! Hindi ka magpapatalo, hindi tayo magpapatalo… okay?”

Tahimik.

Naisip ko, tama si Jude. Bakit ko naman hahayaang matalo ako ng huwad ko’ng damdamin. Isa pa, kinaya ko’ng kalimutan si Trixie, eh four years yung tinakbo ng relasyon namin, si Richard pa ba na isang lingo ko palang nakikilala? Uuwi ako ng GenSan at sa aking pagbabalik, wala na yung false feeling ko… at hindi’ng-hindi ko na ulit siya hahayaang makapasok pa sa buhay ko.

“Gusto mo ba talaga siya?” simula ni Jude. Ramdam ko’ng nalulungkot siya at halata rin yun sa nakasimangot niya’ng mukha.

“Oo eh… ang tanga ko ano?”

Huminga siya ng malalim. “Feeling ko, gusto ka rin niya eh… nakikita ko yun sa mga titig niya sa iyo!”

“Hindi rin siguro, naglalaro lang yun; at nagkatao’ng ako yung napagdiskitahan!”

“Siguro…” humarap siya sa akin. “Pero malakas ang kutob ko, gusto ka niya… pareho kaming lalake, at nararamdaman ko ang nararamdaman niya. Gusto ka niya, hindi niya lang masabi directly; baka nahihiya o naguguluhan lang.”

“Ewan! Hindi ko alam! Ang malinaw lang ayaw niya sa bakla, kaya hindi kami pwede. Hindi naman ako pwede’ng maging babae!”

Nangiti lang siya. Malamang hindi rin niya alam ang sasabihin.

“Siguro… tama yung iba, hindi para sa bakla yung pagmamahal na yan. Siguro yun yung parusa ng diyos sa mga katulad ko… na lagi kaming mabibigo at masasaktan.”

“Ikaw naman… fair ang diyos Bob, siguro hindi pa right time… pero darating yung para sa iyo… malay mo nasa paligid lang siya.”

Nalunod ulit yung isip ko sa labis na pag-iisip; may darating pa kaya’ng para sa akin? Aasa pa ba ako’ng bibiyaan rin ako ng masayang puso? Haaaayyy… ewan.

“Hey!” tinapik niya ako. “Huwag ka na mag-isip… hindi mo siya kailangan, saka… nandito naman ako…” bulong niya.

Nagtama ang aming mga mata, bakit ba hindi naging kagaya ni Jude si Kumag? Kung nagkataon siguro’ng magkasing ugali sila ay hindi na ako mahihirapan ng ganoon.

“Habang wala pa yung sa iyo. Ako muna…” pabulong niyang sabi, pero nag mistulang sigaw yun sa puso ko.

“Loko! Hindi naman ako naghahanap ng boyfriend eh, minalas lang ako’t nakilala ko siya dito at tinamaan pa!”

“Oo nga pero… basta… habang wala pa yung taong magmamahal sa iyo at mamahalin mo. ako muna… promise, hindi ka na iiyak pa…”

“Ewan ko sa iyo…” binagsak ko uli ang katawan ko sa kama. “Pag nalaman yan ni Kat lagot ka!’’

“Maiintindihan niya.., ayaw ko lang isipin mo na malas ka sa pag-ibig dahil bakla ka. Sadyang tanga lang yung gusto mo.”

“Tanga talaga?” nagbuntong hininga ako. “Sabi nila, Love is blind? pero bakit ganoon? Laging nagma-matter yung Gender?”

“Huwag mo’ng lahatin. Bakit ako… mahal kita…” bulalas ni Jude.

Para namang nagulantang ang mundo ko sa aking narinig. Pareho kaming natigil, parang pareho’ng nabigla sa nangyari. Nakatitig lang ang mga sensero niya’ng mata sa akin, wari’y pinakikiusapan ako’ng maniwala.

Malamang, kung wala lang Girlfriend si Jude ay naniwala na ako… kung mahuhulog ba ako’y hindi ko sigurado… ang alam ko lang sobrang swerte ng taong mamahalin niya… pero nung mga panahong iyon, alam ko’ng hindi ako ang deserve niya eh… alam ko’ng hindi ko kayang ibigay yung pagmamahal na nararapat sa kanya. (ang Gago ko, Oo.. pero yun yung totoo eh…)

Nasa ganoon kaming ayos ng biglang lumabas si Jayson sa banyo. Naka suot na ng shorts at white shirt. Nagpupunas siya ng buhok at sigurado ako’ng walang muwang sa naganap.

“Naligo ka na ba?” tanong ko kay Jude.

“Hindi pa… ang tagal naman kasi ni Jayson eh…” pagmamaktol niya.

“Maligo ka na! Medyo mabantot na eh…” pagbibiro ko. Umupo uli ako ng maayos sa tabi niya.

“Mabaho ba?” inamoy niya yung sarili niya. “Hindi naman ah…” nag pout yung loko, umaarteng nagtatampo. “Kahit isang lingo akong hindi maligo, mabango pa rin ako!”

“Asus… ayaw pa umaming mabantot na siya. Ligo ka na!” panunukso ko ulit. Ang cute-cute niya kasing magtampo.

“Ahhhhh! Mabaho pala ha!” kinulong niya ako sa kanyang mga bisig at ibinagsak sa kama, pumatong siya sa akin at pinilit na ipaamoy ang kili-kili niya. “Mabaho pala eh… edi amuyin mo…” natatawa niyang bulalas.

“Sira ka… Alis!!!”

“Hindi ako maliligo, ubusin mo yung mabantot na amoy na sinasabi mo!”

“Loko ka… ang bigat mo!” sigaw ko.

Tawanan

Bumitiw siya sa pagkakayakap niya sa akin, saka pagbagsak di’ng humiga sa tabi ko. “Mabaho pa ba?” tanong niya.

“Biro lang naman yun… pero salamat for making me laugh.”

“No. Salamat for letting me na mapatawa ka.”

Tahimik

“Ang cheezy guys…” bulalas ni Jayson na may kakatuwang accent.

Pareho lang kaming natawa ni Jude.

Na ta-touch ako sa kabaitan ni Jude, sa tuwing nasasaktan kasi ako’y lagi siyang naroroon; trying his best to make me feel better. Hindi man niya nagagawang hilumin ang sugat ng puso ko, napapawi naman niya ang lungkot ko kahit sandali lang. ang swerte ko kay Jude… sobra… pero ayaw ko siyang abusuhin, kung sakali kasing sakyan ko yung kabaitan niya, alam ko magiging panakipbutas lang siya, at unfair yun para sa kanya. Saka, alam ko masasaktan yung girlfriend niya kung sakaling mag take advantage ako.

“Mag di-dinner ba kayo?” pagbasag ni Jayson sa katahimikan namin.

“Oo…” mabilis ko’ng sagot, sabay bangon.

“Sabay sabay na ba tayo? O gusto niyong mag solo?” nakangiting hirit ni Jayson.

“Siyempre sabay-sabay tayo… last night na natin dito!” tugon ko. Ngumiti lang siya.

“Hoy maligo ka na!” baling ko kay Jude na nakahiga pa rin sa kama.

“Samahan mo ako…”

“Ano’ng samahan?”

“Ikaw ang mag sabon sa akin…”

“Kadiri ka!” inismiran ko siya. “Tayo na diyan, bilis! Gutom na si Jayson!”

Agad ko’ng tinumbok yung mga gamit ko upang ayusin ang mga iyon, habang siya nama’y tumayo na at naghanda ng maligo.

Bago siya pumasok sa banyo ay nagsimula ulit siyang lokohin ako. “Samahan mo na ako yabs…” (Tahimik lang si Jayson, bisaya kasi kaming mag-usap kaya hindi niya naiintindihan.)

“Anong Yabs?” gulat ko’ng naitanong.

“Uyab!” sobrang laki ng ngiti ng loko. (Uyab means kasintahan in tagalog)

“Buang ka! Maligo ka na! ang daming sinasabi eh…”

“Yabs…” humagikgik siya nung makitang magkasalubong na ang kilay ko. “Sabayan mo na ako!” sabay hubad ng suot niyang sando, inihagis pa niya iyon sa akin saka nagpakawala ng isang kindat.

“Lechugas ka! Kadiri…” umarte naman ako’ng nandidiri kahit na ang totoo ay kinikilig na ako. Binato ko siya ng lotion na galing sa maliit na bag na hawak ko.

Sinalo lang niya yun sabay sabing, “Mamaya mo na ako lagyan ng lotion, after mo ako paliguan!’’ kindat ulit.

“Kaluod Jude! Kaluod! Maligo ka na!”

Tumatawa naman si Jayson, parang naiintindihan yung piang-uusapan namin kahit na nag bibisaya kami.

*************************

Ilang minuto ding nasa banyo si Jude. Nung lumabas siya’y mabilis niya ako’ng nilapitan at tinaas ang kanyang kamay upang magawa niyang ipaamoy ang kili-kili niya sa akin.

“Humot na na!” hirit niya.

“Tapos? Kailangan talagang ipaamoy?”

“Siyempre… yabs kita eh…”

“Hoy! Tumigil ka, nakakahiya kay Jayson!” pagmamaldita ko.

“Anong nakakahiya dun? Ang sweet nga eh…” ngumiti siya (sobrang laki) “Dapat may tawag ka rin sa akin!”

“Ayaw ko!’’ (masyado ako’ng pabebe nuh? Hehe)

“How about honey? Dear? O Baby?” hirit niya na parang hindi narinig yung pagtanggi ko.

“Gusto mo talaga na may tawag rin ako sa iyo?”

“Oo… Darling kaya? O Hubby?”

“Pakol!” mabilis ko’ng tugon. (Pakol, according sa mga friends ko isa yung uri ng isda na sobrang pangit. Hindi pa ako nun nakakakita until now kaya hindi ko rin alam yung tagalog term for that.)

“Sa man na! ka gwapo ra nako!” (Ano ba yan! Ang gwapo ko kaya!)

“Wala ka ng magagawa! Youre now my pakol!”

Nagkibit balikat lang siya, naka pout yung mga labi. “okay… pwede na yun, kesa wala…”

Nangiti ako, kinurot ang pisnge niya. Ang cute-cute niya kasi, masama pa rin yung loob ko pero napapagaan yun ng kakulitan ng pakol ko. “Ang cute mo!” hirit ko.

“In love ka na sa akin?” mabilis niyang tanong.

“Loko! Bihis ka na! Nagwawala na yung mga bulate ni Jayson!”

****************************

Nagmadali na kaming bumaba ni Jude, sa lobby na kasi kami hinintay ni Jayson at ng iba pa naming mga kaibigan.

Naka upo lang kami dun sa receiving area hinihintay yung iba. Maya-maya’y “Richard!!!” sigaw ni kyra. Halos sabay kaming lumingon ni Jude sa kinaroroonan ni Richard, agad naman ako’ng inakbayan ni Jude na katabi ko lang noon, wariy sinasabi sa akin na hindi ako nag iisa.

Tumango lang si Richard, saka marahang lumapit sa amin.

Nung makalapit na’y, para siyang naging estatwa sa harap namin, pinagmasdan niya lang kami ni Jude. Pansin ko’ng naiiyak siya.

“Richard! Mag di-dinner kami, sama ka?” pag-aaya ni kyra.

“Huh?” si Richard, wari’y nagulat o hindi narinig yung sinabi nung babai’ng nagaaya sa kanya.

“Sama ka sa amin, mag dinner. Last night na naman natin eh.” Pag-uulit ng babae.

“Kasama si Bob?” tanong ni kumag. Hindi ko alam kung gusto niya ako’ng sumama o ayaw niya, kaya gusto niyang kumpirmahin kung kasama ako.

“Hindi! May date kasi kami!” mabilis na singit ni Jude.

Natahimik lang ako.

“Huh? Diba kasama kayo?” si Jayson.

“Nalimutan ko Bro. May date pala kami ng yabs ko…” mas hinigpitan niya pa yung pagkakaakbay niya sa akin.

“Hala! Mukhang totohanan na yan ah!” si Kyra ulit.

“Kayo na?” tanong ng isa pa naming kasama.

“OO!” “Hindi!” sabay na sagot ni Jude at kumag.

“OO kami na!” mabilis na sagot uli ni Jude.

Saglit ko’ng pinagmasdan si Kumag. I know hindi siya naniniwala na kami na ni Jude, dahil sinabi ko na naman sa kanya na may girlfriend yun, pero hindi ko alam kung bakit parang nasasaktan pa rin siya.

“Ahmmm… Sorry, pero I can’t join you guys. My family’s waiting for me eh… enjoy nalang kayo.” Malumanay na sabi ni Richard.

“Ay, hindi pwede Richard. Saka saglit lang naman eh… kakain lang tayo.” Bulalas ni Kyra na sinangayunan naman ng iba. “At kayo’ng dalawa!” sabay baling ng atensiyon sa amin. “Cancel niyo yung date niyo! Last night na natin dito!”

At wala na nga kaming nagawa.

******************

Bago kami tuluyang umalis, sinigurado muna sa akin ni Jude na magiging okay ako. Nag promise siya’ng iiiwas ako kay Kumag, sasama kami pero mag-iiba kami ng table. Ayos lang naman sa akin na kasama siya eh, na a-awkward lang ako dahil may nangyari sa amin at alam na niya yung nararamdaman ko for him; isa pa, gusto ko siyang kalimutan at hindi ko magagawa iyon kung laging may mga tao na mag-uugnay sa amin.

We went to a restaurant malapit lang din sa hotel na tinutuluyan namin, (sobrang lapit lang kaya nagawa naming lakarin lang) it was a restaurant serving mostly filipino lutong bahay dishes.

Pakiramdam ko’y gutom na gutom ako, halos wala kasi ako’ng maayos na kain nung buong araw; pero sa tuwing nakikita ko si Richard na nakatingin sa akin, hindi maipinta ang mukha at mukhang laging naiiyak, eh kinakabahan ako at parang nawawala yung gutom ko.

Everybody is sitting sa isang mahabang hanay ng mesa. They asked a staff na pagdugtong-dugtungin ang mga table. Naka-upo si Richard sa dulo sa right side banda, and the only available chair ay sa tabi niya at bandang harapan niya. Hesitant ako na umupo, dahil honestly eh sumasama na ang pakiramdam ko dahil sa presence niya.

“Ahhhm... guys? Pwede sa kabila’ng table nalang kami?” si Jude. Napansin niya siguro yung pagiging uneasy ko.

“Hindi pwede bro. last night na kaya dapat sama-sama tayo.” Si Owen, na partner ni Jude sa orientation.

“Malapit lang naman eh, para kunyari nag di-date pa rin kami.” Pagdadahilan ni Jude.

“Ang daya Jude!” giit ng mga kasama namin.

Nakatingin lang ako kay Richard, mukha pa rin siyang malungkot ang lalim kasi nung mga mata niya. Pakiwari ko’y nag seselos siya… pero baka nag iilusyon nalang uli ako, hindi pwede yun eh…, hindi nga raw kami pwede. Nung mapansin niya’ng nakatingin ako sa kanya ay agad naman niyang binaling sa kanyang phone ang atensiyon niya, kahit nag pipindot-pindot na siya doo’y halata pa rin ang kanyang pagkabahala.

Umupo nga kami ni Jude sa katabing table, hindi malayo kina kumag pero ayos na yun atleast naka separate pa rin. Sobrang sweet nung pakol ko, sobra yung kanyang pagiging gentleman. Inayos pa kasi niya yung upuan bago ako paupuin. Sa isip ko mukhang sanay na sanay siyang makipag date.

“Ayos ah… lagi niyo to’ng ginagawa ni Kat ano?” tanong ko.

“Uhm-uhm… ganoon talaga kapag mahal kailangan iparamdam mo’ng espesyal siya.”

Natahimik lang ako.

Maya-maya’y lumapit na ang waiter sa amin at nagbigay ng menu. Tinanong ako ni Jude kung ano ang gutso ko na sinagot ko naman ng siya na yung bahala. Wala kasi ako sa mood noon na mamili pa.

Ang dami niyang inorder, nabahal rin ako doon kasi alam ko’ng hindi namin yun mauubos, hindi ko nga alam kung makakakain pa ako nun eh.  Aangal sana ako pero naunahan ako ni kumag.

“Bro! he doesn’t eat too much during dinner…” pagpigil niya kay Jude.

“Talaga?” baling ni Jude sa akin. Mukha siyang napahiya sa ginawa ni Kumag.

“Hindi… kakain ako, gutom ako eh…” sagot ko.

“Okay.” Tipid niyang sagot saka itinuloy ang pag-oorder.

Nung maka-alis na ang waiter sa harap namin ay siyang lingon niya kay kumag “Mind your own business Bro!” hirit niya dito.

Nagsimula na kaming kumain. Sumusubo si Richard pero kita ko’ng nasa amin ang atensiyon niya. yung mga malulungkot niyang chinitong mata ay parang napako sa kinaroroonan ko. Na iilalng ako doon. Kwento ng kwento si Jude, ang dami niyang sinasabi pero hindi ko napapakinggan, dahil sa pagkailang ko. hindi ko alam kung napapansin nya iyon, kasi bagamat hindi naman ako nakikinig ay tumutugon naman ako sa kanya sa pamamagitan ng mga pilit na ngiti at mga pagtango.

Alam ko’ng napapansin na ng mga kasama namin yung pagkakailangan naming tatlo nila Jude at kumag pero swerte kami kasi wala ni-isa sa kanila na kumulit sa amin tungkol dito. Hinayaan nalang nila kami, at patuloy lang sila sa kanilang mga kulitan.

*******************

Nung matapos kaming kumain ay bumanat ng kulit yung kasama namin. “Jude, si Richard naman diyan! Siya naman yung destiny eh… mang-aagaw ka lang…” natatawang hirit ni Owen.

Tawanan ang lahat.

“Anong inagaw? Siya nga yung nang-agaw eh! Roommate ko talaga to, pinilit niya lang lumipat sa room nila!” mabilis na depensa ni Jude.

“Haba ng hair Bob ah!” panunukso nila.

“Share mo na yan Jude! Mukhang kanina pa nagseselos si Mr. Destiny eh!” si Owen ulit.

“Hindi pwede! Akin lang ‘to!” sabay hawak ni Jude sa mga kamay ko.

Pagkatapos nun, ay mabilis na tumayo si Richard at nagpaalam. “Guys, I have to go! My family’s waiting for me eh…” isa-isa niyang kinamayan ang mga kasama namin, tumango lang siya sa amin ni Jude. “Ingat kayo ha!” bilin niya bago tuluyang umalis.

***********************

Nung makabalik kami sa hotel ay, agad ako’ng nag-ayos para matulog.

Tulad pa rin ng dati ay magkatabi kami ni Jude. “Kita mo kanina? Nagseselos siya!” bulong niya sa akin.

“Sino?”

“Si Richard. Gusto ka niya.” may lungkot sa boses ni Jude, naramdaman ko iyon.

“Huwag nalang natin siyang pag-usapan. Ang gusto ko lang ngayon, kalimutan siya at matulog.” Ngumiti ako.

Hinalikan niya ako sa noo. “Okay! Tutulungan kita. Makakalimutan mo rin siya.”

********************

Maaga ako’ng nagising dahil sa ingay ni Jude. 9 am kasi ang flight niya pa uwi ng Cebu samantalang ako eh hapon pa. Si Jayson naman ay umaga din balak na umuwi sa kanila.

Hinatid ko pa si Jayson at Jude sa labas ng Hotel para sumakay ng Taxi. Bago umalis ay nagbilin pa si Jude na i-text ako kapag umalis na ako ng hotel, pag dating ko sa airport, bago umalis ng manila at pagdatiing ko sa Gensan. Binalaan pa niya ako’ng susunod sa Gensan pag wala siya’ng ma receive na text.

Lunch time naman nung umalis ako sa hotel, hanggang 12 noon lang kasi yung accommodation, beyond that ay sagot na namin yung bayad.

Pasakay na ako sa taxi sa harap ng hotel nung sumulpot si Ron. “Kuya Bob… hintay!” sigaw niya, habang mabilis na tinatakbo ang kinaroroonan ko.

“Oh? Ron anong ginagawa mo dito? Sinong kasama mo?”

“Gusto lang naming, mag paalam. Si Jubie, ate Liz at kuya Richard, nag papark lang.” humihingal niyang sabi. “Grabe, buti inabutan kita. Nakita ka namin kanina eh, pasakay na, kaya bumaba na ako para habulin ka.”

“Ikaw talaga. Pano ba yan, alis na ako. Naghihintay si Kuya Driver oh…”

“Hindi kuya. Saglit lang. hintayin mo sila, magtatampo si Jubie.” Tugon niya. Sabay paalam kay kuya driver na maghintay lang.

Maya-maya’y dumating na sila Jubie at ate Liz.

Kamustahan at paalaman lang kaming tatlo. Dun ko rin nalaman na buntis si ate Liz at yun yung surprise ni kuya Ranty nung gabi nung party.

Yakap lang ng yakap sa akin si Jubie, at tanong ng tanong kung magkikita pa kami ulit. Hindi ko alam ang isasagot kaya ngiti nalang at halik ang naging tugon ko.

Ilang saglit pa uli’y nakita ko’ng paparating na si Kumag. Noon ay ibinaba ko si Jubie saka nagpaalam sa kanila. Gusto ko kasing umiwas kay Richard, ayaw ko siyang makaharap.

Pasakay na ako uli ng “Bob wait!!!! Saglit lang! I just have to give you something.” Sigaw ni kumag.

Pinigilan niya ang pagsara ng pinto ng taxi. “Bob…” sabay abot sa akin ng isang bagay na nakabalot sa isang fancy na gift wrap.

“Hindi wag na. Alis na ako.” Sabi ko.

“No! Binabalik ko lang sayo.” Tugon niya.

“Ano ba yan?”

“Yung connection ko.” ngumiti siya, kahit halata pa rin yung kalungkutan niya. Ako nama’y labis na kinakabahan.

Tinanggap ko yung binigay niya saka nagpaalam.

Bago ko isara ang pinto nagtama pa ang mga paningin namin, nakita ko’ng bumagsak yung mga luha niya. “Ma mimiss kita…” minumble niya.

“Bye.” Tipid ko’ng sabi. Saka tuluyang umalis ang sinasakyan ko’ng taxi.

(Now playing: ‘di ko sinasadya (tagalog version of fixing a broken heart))

Magmula ng makilala ka
Payapang damdamin naguluhan na
Nadama ng puso’ng ito
Mayroon ako’ng pag-ibig sayo

Ngunit nasaktan kita
Paglingon ko’y malayo ka na

Nais ko’ng malaman mo
‘di ko sinasadya
Wala sa isipan ko
Ang isang tulad mo’y matutunang mahalin
Ang isang tulad ko
‘di ko sinasadya

Nasaktan ka ba
Ng malaman mo
Na ‘di maaring magkatotoo
‘si ko kayang pumatay sayo
Tulad mo’y langit at lupa ako

Ngunit nasaktan kita
Paglingon ko’y malayo ka na

Nais ko’ng malaman mo
‘di ko sinasadya
Wala sa isipan ko
Ang isang tulad mo’y matutunang mahalin
Ang isang tulad ko
‘di ko sinasadya

Nais ko’ng malaman mo
‘di ko sinasadya
Wala sa isipan ko
Ang isang tulad mo’y matutunang mahalin
Ang isang tulad ko
‘di ko sinasadya

*******************

Sa loob ng taxi ay hindi ko na napigilan ang pagbuhos ng luha ko. Ang sakit ng journey ko na iyon, one week yun na puno ng mga unexpected na pangyayari. Mga pangyayari’ng binago yung buhay ko. Isang ride yun na para lang sa mga taong mahilig sa extreme adventure, at nagkataong hindi ako ready, kaya uuwi ako’ng sugatan. Pero wala na ako’ng magagwa eh, napasama na ako sa aksidenteng iyon, kaya kailangan ko ngayo’ng maghilom.

Alam ko mag magtatagpo pa rin ang mga landas namin, pero sisiguraduhin ko’ng pag dumating ang araw na iyon ay mas magiging handa na ako.

Binuksan ko ang binigay niya sa akin, dun ko nalamang iyon pala ang planner na binato ko sa kanya. Hinanap ko iyon, pagkatapos nung unang araw na magkita kami pero akala ko nawala ko na kaya hinayaan ko nalang. Kinuha pala yun ni kumag at ginamit na connection.

Dun galing yung mga info na pinagsasabi niya nung ipinakilala ako sa orientation. Nakaipit rin kasi doon yung classcards ko kaya pati grades ko ay alam rin niya. Tuso nga yung loko.

Nung buklatin ko iyon ay may nakita ako’ng naka-ipit na picture. Kinunan yun nung party, masaya siyang nakaakbay sa akin habang ako nama’y hindi maintindihan kung kinakabahan o na je-jebs ba. Nag nining-ning ang mga mata ni kumag sa larawan, ganoon din yung mga mata niya noong nag dinner kami at nung una’ng beses kaming mag-usap ng maayos.

Inipit ko uli yung larawan sa planner na hawak ko. Sa isip kailangan ko ng ibaon sa limot ang lahat ng nangyari. Lahat ng masasakit at masasayang pangyayari, kailangan ko ng tuldukan ang kwento namin ni Richard…

**************************

Note: Sorry po, medyo minadali ko yung pagsusulat nito para bumawi. (pls… ignore niyo nalng yung mga errors… hehehe) I just wanted you to know guys, na sobra ko kayong na aapreciate. Hindi ko inaasahan na may mga magbabasa ng story ko, ang goal ko lang naman kasi talaga ay maibahagi ito. Salamat din sa mga suggestions para ma improve ito, at pinagaaralan ko na kung paano yun ma-i-incorporate. Sobra ako’ng naaaliw at nagagalak (naks ang lalim nuh?) sa mga comments niyo, kaya pls… continue lang kayo sa pag leave ng comments, positive or negative ayos lang 

I love you guys keep safe.

P.S. okay na po ko. naka labas na ako ng hospital last Thursday

Mwah mwah mwah

No comments:

Post a Comment

Read More Like This