Pages

Sunday, September 4, 2016

You Light my Fire (Part 5)

By: Lord Iris

Chapter 5: Cutest Jealousy

Kith POV

Si Rogue talaga di siya marunong mahiya kahit in public, sobrang touchy niya pa din sakin at bigla ba naman akong dinala dito sa condo ko dahilan kaya biglaan ang pag-absent ko sa cafe.

"Rogue grabe ka naman kanina, di ka pa din nagbabago ikaw talaga". Nakangiti kong pagkakasabi.

"Eto naman! syempre na miss kita, lalo na ngayon isang linggo lang ako dito balik agad sa japan". Nalulungkot na sabi ni Rogue

"Ano! Bakit isang linggo lang? Ano yun sembreak?". Tanong ko kasi masyadong mabilis, akala ko kasi bakasyon.

"Sinama lang ako ni papa kasi buisness meeting daw, kaya nga gusto kong maka-bonding ka tapos sigurado din ako na kapag nagka-boyfriend ka na, di na ako makaka-kiss sayo". Nalulungkot niyang pagkakasabi

"Sorry Rogue pero alam mo naman kung hanggang saan lang tayo diba?" Sagot ko kasi kapatid lang talaga ang turing ko sa kanya at isa pa naka-fixed marriage siya.

"Alam ko naman yun, pero maiba ako bakit ba di mo pa sinasagot yung Raypaul na yun ha?" Tanong niya

"Kasi baka ano.... baka....". Nag-iisip kong sabi pero sumagot na siya

"Baka kunin din siya sayo? Ganun ba ha? Alam mo wala ka nang dapat ikatakot kasi wala na yung mga tao na yun at isa pa mukha namang mahal ka nung lalaking yun". Sabi niya pero bakit? Alam niya na mahal ako ni Ray

"Pano mo naman nalaman kung sincere siya at mahal niya ako?" Nagdududa kong tanong

"Halata naman sa itsura niya ang pagseselos at isa pa, gusto nga niya akong habulin nung kinuha kita". Sabi ni Rogue na parang sigurado

At naalala ko bigla. Naku! Paano ko to ipapaliwanag kay Raypaul? Di man lang ako nagpaalam ng maayos baka mamaya nasaktan ko siya.

"Hoy! Ang tahimik mo diyan! Alam ko ang iniisip mo, sagutin mo na kasi yung tao pabebe ka masyado". Nagulat ako sa pagkakasabi ni Rogue ang lakas kasi ng boses niya.

"Eh di pa ako sigurado kung mahal ko siya, baka mamaya infatuation lang to pero kapag sigurado na ako di ko na siya papakawalan". seryoso kong pagkakasabi

"Sabagay ako nga ilang beses ka ng pinormahan pero walang epekto sayo. yan tuloy nagtitiyaga lang ako sa mga pag-hug at kiss sa cheeks mo, Eh mas pogi pa ako dun". Di ko alam na magiging ganito siya ka-honest ngayon

"Alam mo naman na ikaw lang ang baby brother ko diba?" Tanong ko

"Oo, pero sa sobrang bait mo di ko tuloy maiwasan ang panghihinayang at alam mo ang swerte ni Raypaul sayo." Sabi niya

"Swerte din naman ako sa kanya kasi napaka-sincere at understanding kaya ayokong malungkot siya". Sagot ko

"Yun naman pala sagutin mo na! Gusto ko kasi bago ako ikinasal meron ng taong magpapasaya at magmamahal sayo". Sa sinabi niyang yun napaisip tuloy ako.

Bakit nga pala di ko siya sagutin? Eh ang swerte ko nga at may nanliligaw sa baklang tulad ko. Pero paano naman ang pamilya niya? Kung sakaling maging kami papayag ba sila?

Ayokong masira ang relasyon ni Ray sa mga magulang niya ng dahil sakin.

"Kung talagang mahal mo na siya, gagawin mo ang magpapasaya sa kanya at ikaw lang ang makakagawa nun dahil sayo lang siya magiging masaya". Sabi ni Rogue

"Oo nga noh? Ngayon ko lang narealize pero gusto ko munang makilala ang family niya at masiguradong ok ang lahat." Sabi ko

"Kung sakaling di ka nila tanggapin, mahalin mo pa din si Raypaul at gawin mo ang lahat ng kaya mo para ipaglaban siya kung mahal mo siya". Sermon ni Rogue

"Thank you ah! For the first time ikaw ang nagbigay ng advice sakin imbis na ikaw ang baby brother ko". Sabi ko at niyakap ko siya

Ang laki ng itinulong ni Rogue sakin. Ngayon alam ko na ang dapat kong gawin, gusto ko munang magpakilala sa pamilya ni Raypaul at kung tanggapin man nila ako o hindi mamahalin ko pa rin si Ray.

Natulog kaming magkatabi ni Rogue at nakayakap siya sakin, ang bait talaga niya, simula pa noon di niya ako iniwan at tinulungan niya akong makapagsimula uli...

Raypaul POV

Kagabi di ako makatulog dahil iniisip ko ang pwedeng gawin ni Rogue at Kith dahil silang dalawa lang sa Condo. Alam kong di gumagawa ng ganon si Kith pero si Rogue wala akong tiwala dun. Hay anu bayan ang dumi ng utak ko.

Sabi ni Kagura wag daw akong mag-isip ng masama kasi sadyang close lang sila pero ayokong maniwala. Napaparanoid na ata ako.

Baka mamaya ayawan ako ni Kith kasi isipin niya possesive ako pero I-try ko kayang wag muna siya pansinin at ipakitang nagseselos ako hihihihi pero alam ko naman di ako makaka-resist sa kanya haaaay....

Kith POV

Kaninang umaga di ako binati ni Ray ng Good Morning kagaya ng palagi niyang ginagawa. Pero di ko rin siya masisisi kasi nga nagseselos siya.

Ang mabuti pa kausapin ko na lang sila Vincent para malaman ko kung anong ikinaiinis ni Ray.

"Vincent! Galit ba si Ray?". Tanong ko

"Di mo naman siya masisisi diba? Pero tingnan mo di yan makakatiis papansinin ka din niyan". Natatawang sagot ni Vincent

Kaya naman kakausapin ko na siya ngayong break time

"Ray? Galit ka ba?" malambing kong tanong
"Hindi!" Mabilis niyang sagot na parang batang nagmamaktol

Hahahaaaa ang cute niya para siyang baby kasi di bagay sa kanya ang naiinis.

"Nagseselos ka ba?" Tanong ko ulit pero di siya sumagot at ayaw niya akong tingnan

Alam kong naiinis si Ray pero ang cute niya, ayaw kong magalit siya sakin pero ang cute talaga niya hihihihi.

"Pag di mo ko pinansin baka mamaya magbago ang isip ko". Sabi ko sabay talikod kasi gusto kong malaman kung hanggang saan niya ako kayang tiisin.

"Uy ito naman joke lang, alam mo namang di kita matitiis, gusto ko lang naman na lambingin mo din ako". Nagmamadaling sabi ni Ray

At di ko na mapigilang tumawa

"Waaaaaaaaaaahhhh, hahahaaha, hihihihihi, hahahhaha" ang cute cute mo magselos Ray para kang bata ang cute mo talaga.

"At ano namang nakakatawa sa pagseselos ko?" Nagmamaktol na parang bata at nakakunot pa ang noo

"Sorry kasi napakaseloso ko". Malungkot niyang sabi

"gusto ko ang pagiging seloso mo kasi nararamdaman kong ayaw mo akong mapunta sa iba". Nag-blush si Ray nung sinabi ko yun at napangiti na lang ako.

"Kith pwede ka bang pumunta sa bahay bukas? Birthday ni mom at aniversary din nila ng dad ko, kasama naman natin sila Kagura". Sabi niya

Totoo ba to? Masyadong mabilis, bukas agad? Kailangan kong paghandaan kasi sabi ko kay Rogue pag nakilala ko na ang family ni Ray eh sasagutin ko na si Ray.

"Si....ge payag ako". Sagot ko

"Talaga? Wag ka mag-alala mabait sila, siya nga pala Dun na tayo matutulog ng isang gabi". Sabi ni Ray

Haaay paano ko iaa-proach ang family niya? Baka mamaya di pa nila alam na bading ako ayawan na nila.
Ayokong mapahiya sa Family niya.

Samantala sa cafe.....

Ito na ang huling araw ko sa cafe kasi magki-quit na ako, di ko naman talaga kailangang magtrabaho kasi may naiwan namang pera at buisness ang pamilya ko, bored lang talaga ako pero ngayon may mga kaibigan na ako.

Pag naka-graduate na ako ng college bibilhin ko itong cafe kasi walang anak ang matandang may-ari nito...

Pag tingin ko sa isang table may kumaway sa akin. Si Rogue pala...

Lalapit na sana ako pero may tumawag sa akin...

"Kith!!!! Pa-order ng strawberry Frappe". Boses palang alam ko nang si Ray yun.

"Sige po sir". At lumapit ako kay Ray.

"May oorderin pa po ba kayo sir?" Tanong ko kay Ray

"Ikaw? Pwede ka bang orderin?" Natatawa niyang tanong.

"Sorry sir pero bawal po akong i-table at wala po tayo sa bar". Nakangiti kong sagot.

Bago pa kasi magtapat si Ray sa akin ng nararamdaman niya, lagi na siya nandito sa cafe at nagrereview pero minsan nahuhuli ko siyang nakatingin sakin...

"Ang tagal naman ng waiter na to! kanina ko pa tinatawag".

At napatingin ako sa likod si Rogue pala...

"Ano pong order nyo sir?". Tanong ko kay Rogue.

"Red velvet ice cream cake". Sagot nito na mukhang seryoso.

"Dito na lang din ako uupo sa tabi ng lalaking to". Dagdag pa niya at mukhang meron siyang binabalak

Umalis na ako para kunin ang order nila pero curious ako kung ano kayang pag-uusapan nila...

Raypaul POV

Di kami nagkikibuan ni Rogue hanggang sa ilagay na ni Kith ang order namin...

"Enjoy lang po kayo sa date nyo sir!" Natatawang sabi ni Kith bago umalis

Dahil dun nagtitinginan na ang mga tao samin ni Rogue pero mukhang wala lang sa kanya.

"Mahal mo ba talaga si Kith?" Tanong ni Rogue

"Oo naman!" Napakalakas kong sagot

"Kung ganon mangako ka sakin na hindi mo siya sasaktan, papasayahin mo siya araw-araw, at hinding-hindi mo siya iiwan at lolokohin". Seryosong sabi niya. Naalala ko ganito din si kagura pag seryoso

"It goes without saying!". Nakangiti kong sagot

"Kung ganun, we can be a good friends. Mabuti nang nagkakalinawan tayo dahil kapag pinaiyak mo siya magsisisi kang nakilala mo ko". Pagbabanta niya, nakakakilabot din

Itong si Rogue at Kagura halatang blood related hindi lang sa looks pati personality at pareho din silang over protective kay Kith.

"Thank you dahil pinagkakatiwala mo siya sakin at di kita bibiguin". Sagot ko

"Well... yun lang naman ang gusto kong sabihin kasi aalis na ako sa country na to". Di niya inubos ang order niya at tumayo na siya palabas pero bigla siyang lumingon

"Kung gusto mo siyang pakiligin, bigyan mo siya ng white roses". Nakangiting sabi ni Rogue bago umalis.

Ayos din pala tong lalaking to, akala ko may karibal na naman ako kay Kith pero mali ako, ngayon naiintindihan ko na ang mga sinabi ni Kagura. Wala talaga akong dapat ipag-alala kay Rogue.

Mukhang umaayon sakin ang kapalaran. Una, akala ko mahihirapan ako sa panliligaw kasi kaibigan ko si Peter pero nag-give up siya at pangalawa, akala ko may kaagaw na naman ako sa kanya pero isa palang kaibigan si Rogue.

Dapat akong magpasalamat kay Rogue kasi alam kong di niya pinapabayaan si Kith pero pinagkatiwala na niya sa akin si Kith at hindi ko sasayangin ang opportunity na ito...

Isa na lang ang kailangan ko, walang iba kundi ang matamis niyang OO

Kith POV

Naglalakad kami ni Ray kasi gusto niya daw akong ihatid sa condo at susunduin niya na lang ako bukas ng umaga bago pumunta sa house nila.

napansin kong iba ang ngiti niya ngayon.

"Uy! Kanina ka pa nakangiti, anong meron?" Tanong ko

"Wala, masaya lang ako". Sagot ni Ray na nakangiti pa din

"Ano nga palang pinag-usapan nyo ni Rogue kanina?". Usisa ko kasi kanina pa ako nacu-curious.

"S-E-C-R-E-T" Matipid niyang sagot na nakakabaliw.

Ano kayang pinag-usapan nila? Sure ako na tungkol sa akin. Di bale pag naging kami na sasabihin niya din naman sakin.

At nung nasa tapat na ako ng pintuan ng condo nagpaalam na siya.

"Kith, sige na alis na ako
GOOD NIGHT!!!". nakangiting sabi ni Ray

"GOOD NIGHT din at ingat ka sa daan, baka mamaya umupo ka na naman sa gitna ng kalsada". Sabi ko habang natatawa

"Di ko na uulitin yun dahil sayo. Sige na alis na nga ako, text na lang kita pag naka-uwi na ako, Byeeeee!!!"

Bago umalis si Ray nagulat ako dahil bigla niya akong ki-niss sa cheeks at tumakbo paalis pero nang malayo na siya, lumingon siya para bigyan ako ng flying Kiss at may kasama pang kindat.

Nung gabing iyon nakatulala lang ako sa labas ng pinto, lumakas at bumilis ang tibok ng puso ko at hindi ko ito nararamdaman kapag hinahalikan ako ni Rogue sa cheeks.

Ganitong-ganito ang naramdaman ko nung una kong nakita si Ray at isa lang ang nasisigurado ko ngayon

Mahal ko na rin si Ray...

No comments:

Post a Comment

Read More Like This