Pages

Saturday, September 17, 2016

Sigaw ng Pugad Lawin (Part 14)

By: Bobbylove

“Bye!” ang huling salita’ng binitawan ko bago ko lisanin yung hotel kung saan ko nakilala yung unang lalaki’ng nagustuhan ko. Hindi lang yun paalam para sa kanya; sinabi ko yung salitang yun para sa sakit na dala-dala ko, sa mga malulungkot na ala-ala at ang damdamin ko’ng wala namang patutunguhan.

Before leaving ay ibinalik niya pa sa akin ang akala ko’ng nawala ko’ng planner, nakalagay doon yung mga impormasyong nalaman niya tungkol sa akin… pero hindi niya nagawang ibalik ang pagkatao ko’ng nawasak na… yung puso ko’ng baliw sa kanya.

***************************

Mahigit kumulang dalawang oras lang ang biyahe ko pauwi ng Gensan, pero noong araw na iyon pakiwari ko’y iyon na ang pinakamahabang biyahe na pinagdaanan ko. ang totoo hesitant na ako nung umuwi eh, not because hindi ko kayang malayo kay kumag but because hindi ko alam kung paano ko haharapin yung buhay ko sa Gensan. Ang dami na kasing nagbago eh. Oo, one week lang iyon pero sobrang laki ng pagbabago’ng dulot nun sa buhay ko.

Akala ko kung uuwi ako ng Gensan ay maibabalik ko na ang lahat sa dati. Akala ko, iyon lang ang kailangan ko para makalimot. Pero hindi eh, kahit anong pilit ko hindi ko na iyon magagawa. Hindi iyon parang panaginip na kapag nagising ka na ay mawawala na; o sugat na kapag naghilom ay magiging peklat at mawawala na ang kirot. Pagkatao ko yung binago ng isang linggo’ng ginugol ko sa Maynila at habang buhay ko ng dadalhin ang pagbabago’ng iyon; at dahil doon ay sobra ako’ng natatakot.

Natatakot ako dahil hindi ko alam kung paano ko ipapakilala yung sarili ko sa mga taong mahal ko ngayong ako mismo ay hindi ko na ganoon ka kilala ang sarili ko. Iniisip ko kung paano sila mag re-react o kung matatanggap ba nila ako. Ang gulo eh, ang daming gumugulo sa isip ko, ang daming pangamba ng puso ko. I know masama, pero noon hiniling ko na mag crash yung sinasakyan ko’ng eroplano.

Hindi ko na namalayang tumutulo na ang mga luha ko habang iniisip yung mga takot ko. Noon na alala ko yung sinabi ni Jude nung gabi bago kami mag dinner kasama yung mga kapwa namin team leaders, “Iyakin ka, pero malakas ka! Hindi ka magpapatalo!”, Naisip ko tama yung pakol ko! Hindi dapat ako magpatalo; kaya ko yun. Saka alam ko nandyan naman siya eh, pwede ko naman siyang tawagan o i-chat kapag kailangan ko siya.

***********************



Payapang lumapag ang sinasakyan ko’ng eroplano sa paliparan ng Gensan. Ilang beses rin ako’ng huminga ng malalim bago bumaba, trying to inhale all the positivity para ma iliminate yung pangit na nararamdaman ko.

Nung makuha ko na yung mga bagahe ko ay agad ko binuksan yung phone ko at tinext si Jude. (Oo si Jude yung una ko’ng tinext at hindi yung parents ko… Bad ko nuh? hehe) sinunod ko lang naman yung bilin niyang padalhan siya ng text pag nakarating na ako sa Gensan.

Sa Gensan mahal yung taxi from airport pa puntang city proper. Konte lang rin yung taxi na may metro kaya kapag sumakay ka ay kailangan mo silang kontratahin, at kadalasan hindi passenger’s friendly yung presyo nila. Sobrang mahal like mag re-range from 300 to 500 pesos (minsan mas malaki pa lalo kung uto-uto ka). Ang totoo wala na ako’ng pera nun, kaya mas pinili ko nalang yung kadalasang sinasakyan ng mga nanggagaling sa airport – yung mga pang pasahero’ng multicab o yung tinatawag sa amin na yellow cabs.

Pag sampa ko sa sasakyan ay biglang nag ring ang phone ko, tumatawag si Jude. Agad ko yung sinagot at sa hindi ko malamang dahilan ay may tuwang hatid sa akin ang pagkarinig ko sa boses niya. I know medyo OA dahil ilang oras palang naman kaming nagkakahiwalay, pero ramdam ko’ng miss ko na siya. That time rin kasi ay sobrang kailangan ko si Jude, lito’ng lito kasi ako at sobrang makakatulong sa akin yung maalala na may taong naniniwala sa akin.

“I miss you!” bungad niya. May kilig na dulot yung baretono niyang boses sa akin.

“OA!” tangi ko sagot. Medyo pinipigilan ko’ng ilabas yung tunay ko’ng damdamin, nasa loob kasi ako ng isang pampubliko’ng sasakyan, pero ang totoo ay gustong-gusto ko na tumambling sa sobrang kilig at hindi ko alam kung bakit.

“Na unsa man ka?! Suko ka?!” medyo confused o worried yung boses niya. (“Anong nangyayari sa iyo?! Galit ka?!”)

“Dili uy! OA man gud ka, miss jud diay dayon?” medyo stiff yung boses ko kahit na ang totoo ay hindi na maalis ang ngiti ko. (Hindi ah! OA ka kasi, Miss talaga agad?)

“Hala! Wala diay ko nimo na miss?!” (Hala! Hindi mo ba ako na miss?!) Pagtatampo niya.

“Wala!”

“Ay… laina uy! Sige, wala pud teka na miss, bye! Ayo-ayo!” (Sama! Sige, hindi na rin kita na miss, Bye! Ingat!) Padabog niyang sabi.

“Joke ra uy! Ayaw sa palunga, wala pa ko kauli.” (Joke lang! Wag mo muna patayin ang phone, hindi pa ako nakakauwi.)

“Aha pa diay ka?” (Nasan ka pa ba?) Tanong niya.

“Nag sakay pa!” (nasa sasakyan pa!)

“Hmm. Wala man ko nimo na miss.” (Hmm. Hindi mo naman ako na miss.) Pagpapacute ng pakol ko, (sobrang galing niya’ng mag tampu-tampuhan with matching puppy face, varsity nga ata dun yung loko.)

“Joke ra gani, suko diay dayon?” (Joke nga lang, galit ka naman agad?)

“Alangan. Malain jud ko eh, miss gud taka unya imuha lang ko’ng anaon.” (Siyempre. Sasama talaga yung loob ko, miss kaya kita tapos gaganyanin mo lang ako.) Ang sarap marinig nung nag papaawa niyang boses, lalo’t na iimagine ko yung facial expression niya na sobrang awkward sa laki ng katawan niya.

“Sorry na eh. Miss man pud taka.” (Sorry na. miss din naman kita.) Pagbawi ko naman.

“Atik uy! Kabalo man ko yabs, amigo ra jud imong tan-aw sa akua, pero lahi jud ni’ng ako’ng…” (Sinungaling! Alam ko yabs kaibigan lang talaga tingin mo sa akin, pero iba talaga yung…)

“Katok! Not the right time para muhisgot ana pakol, wala pa ko sa mo’ng balay.” (Baliw! Not the right time para pag-usapan yan pakol, hindi pa ako nakakauwi.) Pag-putol ko sa dapat na sasabihin niya, magiging seryoso na naman kasi ang usapan na yun for sure at medyo nakakahiya sa mga tao sa loob ng sasakyan baka maiyak na naman kasi ako.

“Layo pa diay inyuha?” (Malayo pa pala yung bahay niyo?)

“Oo, unya bag-o ra nag larga ang sakyanan!” (Oo, tapos kakaalis palang ng sinasakyan ko.)

“Okay… dal-a ko dira sa inyo sa sunod ha!” (Okay… dalhin mo ako diyan sa sunod ha?)

“Mag unsa man ka diri-a?” (Ano namang gagawin mo dito?) Tanong ko.

“Ipaila-ila ko nimo sa imong ginikanan eh, mga future parents naman pud nako na sila.” Nag giggle siya. (Ipakilala mo ako sa parents mo, mga future parents ko rin naman sila.)

“Katok!” tanggi ko’ng nasabi pero sobrang visible na yung kilig sa mukha ko.

“Gimingaw na bitaw ko nimo Bob! Inig makita taka, gakson jud taka mga three hours…” (I really miss you Bob! Pag nagkita tayo ulit, yayakapin kita ng three hours…) hirit niya ulit.

“Three hours talaga?”

“O, ingana taka ka miss. Ikaw na miss bitaw ko nimo?” (Oo, ganyan kita ka miss. Ikaw miss mo ba talaga ako?)

“Oo lagi.” Tipid ko’ng sagot, nahihiya talaga ako’ng mag express ng damdamin eh.

(Sobrang sweet ng pakol ko ano? This happened on 2012 pa, I was 18 back then and his 20 kaya medyo understandable na pa tweetams effect pa, pero do you know na until now, ganyan pa rin si Jude. Seldom kaming mag kita dahil sa work pero lagi pa rin kaming nagtatawagan at nagchachat. He remained humble ang sweet despite of his achievements at lagi ko pa ring na fi-feel yung sincere affection ni Jude sa akin.)

“Pero dili kaayo?” (Pero hindi sobra?) may kirot na sa boses niya.

“Hala… abnormal ka. Unsa diay imong gusto?” (Hala… abnormal ka. Ano ba yung gusto mo?)

“Kanang, miss kaayo ko nimo super. Kanang dili na nimo mahuna-hunaan to’ng isa.” (Yung, miss mo ako ng sobra. Yung hindi mo na maaalala yung isa.)

“Katok man ka uy!” (Baliw ka!) tipid ko’ng sagot. Hindi ko kasi alam kung ano ang sasabihin ko. miss ko naman talaga siya eh, at promise simula ng sumakay ako ng eroplano hanggang sa pagdating ko sa Gensan ay hindi na sumagi sa isip ko si Kumag. Maybe nakatulong na magulo yung isip ko kaya nalimot ko siya ng saglit.

“Murag wala lagi ka’y gana muistorya nako ay?”(Parang wala ka atang gana na kausapin ako.) Malungkot pa rin yung boses niya.

“Dili uy. Naa pa man gud ko sa sakyanan Jude.” (Hindi ah. Nasa sasakyan pa nga kasi ako Jude.) Sabi ko. (Which is true, nahihiya ako maging expressive sa harap ng maraming tao.)

“Aw. Okay, so? Manawag nalang ko’g balik?” (Aw okay, so? Tawag nalang ako ulit?)

“Ayaw uy… unya na palunga, gusto ko maminaw sa imong tingog.” (Wag… wag mo muna ibaba, gusto marinig boses mo.) Mabilis ko’ng pag pigil sa kanya.

“Ahhhhhhh!!!!” narinig ko’ng sumigaw siya. “Hala! Gikilig ko, ni bukad gud ako’ng kasing-kasing pinakalit!” tumatawa niyang tugon. (Hala! Kinikilig ako, bigla nga’ng tumaba puso ko eh!)

Natawa nalang din ako sa naging reaksyon ni Jude. Sobrang nakaka aliw si Jude, medyo hindi usual at mahirap paniwalaan pero feel ko talaga’ng totoo yung sinasabi niya sa akin na mahalaga ako sa kanya, masyado kasing visible not just in words pero pati sa actions niya.

“So unsa man akong buhaton yabs?” simula niya ulit. (So anong gusto mong gawin ko Yabs?) Excited niyang tanong.

“Wala muistorya lang ka, maminaw lang ko!” (Wala, mag salita ka lang at makikinig ako!)

(Wala pa’ng front camera yung phone ko noon kaya hindi pa kami nakakapag video call)

“Okay…” tipd niyang sagot saka excited na nagsimulang mag kwento ng kung anu-ano.

Walang kapaguran si Jude sa pagsasalita, hindi ko nga alam kung bakit parang hindi siya napapagod at tinatamad. Siya lang yung nag kukwento pero hindi rin talaga ako na bored, kailangang kailangan ko kasi si Jude nung mga time na yun eh, ang gulo kasi ng isip ko.

After 20 minutes ng pagkukwento ay bigla nalang siyang tumigil.

“Hoy! Pakol! Gikapoy naka?” (hoy! Pakol! Pagod ka na?) tanong ko nung biglang tumahimik ang kabilang linya.

“Wala uy. Ana bitaw ko dili ko kapuyon nimo.” (Hindi ah. Sabi ko nga hindi ako mapapagod sayo.)

“Ni undang lage ka?” (Bat ka tumigil?)

“Nangita ko’g libro, basahan taka. Wala naman gud ko kabalo kung unsa pa ako’ng i-istorya nimo.” (Naghahanap ako ng libro. Hindi ko na kasi alam kung ano pang sasabihin ko sa iyo eh.)

Natawa naman ako, “Makatulog man sad ta anang libro uy. Kantahi nalang ko.” (Nakakaantok naman yang libro eh. Kantahan mo nalang ako.)

“Ahhh… so, imong buot pasabot dili ka makatulog inig makadungog ka sa akong tingog?” (Ahhh… so, ibig mo’ng sabihin hindi pampatulog yung boses ko?)

“Dili uy. Wala baya ko’y gi sulti Jude. Gusto lang nako kantahan ko nimo.” (Hindi ah. Wala ako’ng sinabing ganoon. Gusto ko lang kantahan mo ako.) Pag bawi ko naman agad.

“Ulaw man uy, makadungog akong mama. Maalaan palang ko ani’g mag audition sa PBB…” (Nakakahiya, maririnig ni Mama. Baka pagkamalan ako’ng mag a-audition sa PBB…) natatawa niyang sabi.

“Sige na gud.” Pagpupumilit ko.

“Unya nalang yabs…” (Mamaya nalang yabs…)

“Ay, karon man nako gusto!” (Ngayon ko gusto eh!)

“Ulawa ani uy.” (Nakakahiya.) Natatawa pa rin siya.

“sige na please…”

Tumawa muna siya bago ulit nagsalita. “Luoya sa akong yabs uy. Sige eh… basta ayaw ko’g kataw-i….” (Kawawa naman ang yabs ko… sige eh… basta wag ka’ng tatawa…)

“Promise hindi ako tatawa…” sabi ko, pero sobrang laki na ng ngiti ko dahil sa makukulit na hagikgik ni Jude.

Tumawa muna siya ulit bago nagsimulang kumanta.

HALAGA ng parokya ulit na siya ring kantang dinedicate niya sa akin sa orientation. Wala pa rin siya sa tono sa ibang parts ng kanta pero hindi na yun mahalaga, ang importante sa akin ay yung effort niya’ng i-please ako.


Umiiyak ka na naman
Langya talaga wala ka bang ibang alam
Namumugtong mga mata
Kailan pa ba kaya ikaw magsasawa

Sa problema na iyong pinapasan
Hatid sayo ng boyfriend mong hindi mo maintindihan

May kwento kang pandrama na naman
Parang pang TV na walang katapusan
Hanggang kailan ka bang ganyan
Hindi mo ba alam na walang pupuntahan
Ang pagtiyaga mo diyan sa boyfriend mong tanga
Na wala nang ginawa kundi ang paluhain ka

Sa libu-libong pagkakataon na tayo’y magkasama
Iilang ulit palang kitang nakitang masaya
Naiinis akong isipin na ginaganyan ka niya
Siguro ay hindi niya lang alam ang iyong
Tunay na halaga

Hindi na dapat pag-usapan pa
Napapagod na rin ako sa aking kakasalita
Hindi ka rin naman nakikinig
Kahit sobrang pagod na ang aking bibig

Sa mga payo kong di mo pinapansin
Akala mo’y nakikinig di rin naman tatanggapin

Ayoko ng isipin pa
Di ko alam ba’t di mo makayanan na iwanan sya
Ang dami-dami naman diyang iba
Wag kang mangangambang baka wala ka nang ibang makita

Na lalake na magmamahal sayo
At hinding hindi niya sasayangin ang pag-ibig mo

Sa libu-libong pagkakataon na tayo’y magkasama
Iilang ulit palang kitang nakitang masaya
Naiinis akong isipin na ginaganyan ka niya
Siguro ay hindi niya lang alam ang iyong
Tunay na halaga

Minsan hindi ko maintindihan
Parang ang buhay natin ay napagti-tripan
Medyo malabo yata ang mundo
Binabasura ng iba ang siyang pinapangarap ko

Sa libu-libong pagkakataon na tayo’y magkasama
Iilang ulit palang kitang nakitang masaya
Naiinis akong isipin na ginaganyan ka niya
Siguro ay hindi niya lang alam ang iyong
Tunay na halaga


Tawa siya ng tawa nung matapos niya ang kanta. Mukhang nahihiya ata, naririnig ko rin sa background yung panunukso ng mga kasama niya sa bahay.

“Okay na?” tanong niya.

“Bitin naman eh… kanta ka pa.”

“Hala! Concert pala ang gusto mo yabs?”

“Oo… concert ng pakol ko…” sabi ko’ng may halong paglalambing.

“Sweet naman… O sige pero last na ha. Over used na yung boses ko eh.” Pabibiro niya.

Kumanta nga siya ulit. Im Yours by Jason Mraz, mas in tune siya doon pero halatang hindi niya kabisado yung lyrics. Sabi niya favorite song niya daw yun, kaya hindi ko ma gets kung bakit parang hindi naman talaga niya alam yung kanta. Hehehe pero sweet pa rin niya eh, kaya deadma na ako sa kung out of this world yung boses ng pakol ko. (Don’t get me wrong guys, wala kaming relasyon ni Jude at kahit ako hindi ko alam kung bakit ganoon ko nalang siya ka miss. Basta napapagaan niya yung loob ko lagi for unknown reason.)

Well you done done me
And you bet I felt it
I tried to be chill
But you’re so hot that I melted
I fell right through the cracks
Now im trying to get back

Before the cool done run out
I’ll be giving it my bestest
And nothing going to stop me
But divine intervention
I reckon it’s again my turn
To win some or learn some

But I won’t hesitate
No more, no more
It cannot wait
Im yours

Well open up your mind
And see like me
Open up your plans
And damn youre free
Look into your heart
And you’ll find love, love love
Listen to the music
People dance and sing
Were just one big family
It our God’s forsaken right
To be loved loved loved loved loved

So I won’t hesitate
No more, no more
It cannot wait
Im sure

There no need to complicate
Our time is short
This is our fate
I’m yours

I’ve been spending way too long
Checking my tongue in the mirror
And bending over backwards
Just to try to see it clearer
But my breath fogged up the glass
So I drew a new face and laughed

I guess what I’m be saying
Is there ain’t no better reason
To rid yourself of vanity
And just go with the seasons
It’s what we aim to do
Our name is our virtue

But I won’t hesitate
No more, no more
It cannot wait
I’m yours

Well open up your mind
And see like me
Open up your plans
And damn you’re free
Look into your heart
And you’ll find love,
The sky is yours

Please don’t
Please don’t
Please don’t
There’s no need to complicate
‘Cause our time is short
This is oh this is our fate
I’m yours

Oh I’m your
Oh oh I’m your
Oh oh oh oh
Oh oh oh
Baby believe I’m yours
You best believe
You best believe
I’m yours
Mmmmmmmmmm


Hindi ko napigilang hindi matawa sa pagkanta niya, magkahalo yung aliw at kilig na nadarama ko. Na aaliw ako dahil sa hindi naman talaga siya magaling sa pagkanta at kinikilig dahil alam ko ginawa niya yun just to gratify me.

“Ang sama mo. Sabi mo hindi ka tatawa… ayaw ko na!” pagtatampo niya ulit pero alam ko’ng biro lang yun.

Tawa lang pa rin ako.

“Ano ba?! Ibababa ko na to!” paghahamon niya. Narinig ko rin noon na tumatawa na rin yung mga kasama niya sa bahay.

“Pagod ka na?” tanong ko.

“Hindi nga ako mapapagod sayo.”

“Talaga?” ngumisi ako. “kanta ka pa!”

“Wag na! Pagtatawanan mo na naman ako eh, nakakaasar ka!” nagmamaktol ulit si loko. Narinig ko uli yung tawanan ng mga kasama niya kaya na imagine ko yung itsura niyang damulag na nagtatampo. Siya lang ata yung taong kilala ko’ng cute kahit na naka simangot.

“I love you!” bigla ko’ng naibulalas dahil sa sobrang pagkaaliw. Dagli naman siyang natahimik sa kabilang linya, kaya nagawa ko pang matanto yung binitawan ko’ng salita. At nung na realize ko  thoroughly yung sinabi ko ay siyang takip ko naman sa aking bibig, medyo tinamaan din ako ng hiya, hindi lang kay Jude kundi pati na rin sa mga taong kasama ko sa sasakyan. Alam ko’ng alam nila na lalake ang kausap ko dahil nga sa ilang beses ko rin naman siyang tinawag sa pangalan niya, kaya nung marinig nila’ng nag I love you ako’y napatingin rin sila sa kinaroroonan ko.

“Yabs?” narinig ko’ng sabi niya.

“Bye na! Text nalang kita mamaya!” kinakabahan ko’ng sabi.

“Wait! Ulitin mo nga yung sinabi mo?” alam ko’ng nakangiti siya habang sinabi yun, nag re-reflect kasi sa boses niya.

“Bye na!”

“Ulitin mo na please…”

“Katok ka! Bye na!”

Tumawa siya ng ubod ng lakas, damang-dama ko kung gaano siya kasaya. “I love you too! Ingat ka. Tawag ako ulit mamaya. I love you! I love you! I love you!” sobrang saya niyang sabi bago tuluyang pinutol ang tawag.

Ako nama’y naiwang nakangiti. Sobrang sarap kaya sa feeling na ang dami mo’ng pinagdaanan emotionally; ang gulo-gulo na ng buhay mo at ni reject ka na ng mga tao’ng gusto mo tapos malalaman mo’ng may isang taong nagmamahal sa iyo ng totoo. Alam ko namang wala ring patutunguhan yung sa amin ni Jude, malinaw naman sa akin na committed siya at wala rin naman akong plano’ng ahasin siya sa Girlfriend niya. Yung I love you ko naman doesn’t mean anything romantic, ang gusto ko naman kasi talagang ipabatid sa kanya ay masaya ako sa ginawa niya at na a-appreciate ko siya. Yun lang. ang isa rin kasing reason kung bakit sobrang comfortable ako kay Jude ay kahit ano kasing gawin ko sa kanya o gawin niya sa akin ay alam ko’ng walang malice; and that makes him a Good friend para sa akin. Im not ‘friend zoning’ him, from the start kasi malinaw na kaibigan lang kami, at kahit lagi niyang sinasabi na siya nalang yung mahalin ko, at kahit na tinatawag niya na akong yabs, at masyado siyang sweet, alam ko rin naman na its just his way of showing that he cares for me, as a friend. Siyempre kinikilig ako sa tuwing nagiging sweet siya pero hndi ko naman yun tinitingnan on a romantic level.

Nung matapos ang tawag ni Jude ay saka ko lang nakita ang ilang text messages na galing sa kapatid ni kumag. Marami sa mga messages na iyon ay nagtatanong kung nakauwi na ako may ilan ding text na nagtatanong kung bakit ‘di niya ako ma contact. Matagal din ako’ng nag isip kung mag rereply ba ako o hindi. Sabi ko kasi, dapat putulin lahat ng nag uugnay sa amin ni kumag, pero hindi ko naman ata kayang maging rude kay Ron at sa pamilya niya na wala namang ginawang masama sa akin.

Maya-maya’y nag ring ulit ang phone ko, si Ron. Na gi-guilty man ako’y sa halip na sagutin ay pinindot ko lang yung silence key at nung matapos na ang tawag ay saka ko sinet yung phone ko into silence mode para hindi niya isiping pinatayan ko siya ng cellphone. Simple lang naman yung tanong niya eh, sasagot lang naman ako ng Oo, na nakarating na ako, pero may kung anong pumipigil sa akin. Ayaw ko kasing may malaman si Richard na kung ano tungkol sa akin, gusto ko talagang malimutan siya.

*********************

Pasado alas kwatro na nung makarating na ako sa bahay (Bale, after nung mahabang multicab ride ay sumakay pa ako sa tricycle pa punta sa amin, tricycle yung pangunahing public transportation sa Gensan na main problem din ng city government at ng mga commuter tulad ko. ‘Haaay’). Yung katu-katulong ni Papa na si Den-den ang nag bukas ng gate para sa akin tinulungan niya na rin ako’ng bitbitin ang mga gamit ko. (o diba? Special mention yung boy ng tatay ko ‘gwerk’ hehe).

Inabutan ko si papa na nanunuod ng TV. Usually kasi pag mga ganoon oras ay naghihintay na yun ng local news sa TV. Agad ako’ng nag mano sa kanya.

“Kamusta?” tanong niya.

“Ayos lang naman po, nakakapagod lang.” nginitian ko lang siya, saka dumampot ng banana chips sa mesa sa tapat niya. “Si Mama po?”

“Nasa likod. Nag ba-barbeque…” tiningnan ako saglit ni Papa saka binaling ulit ang tingin sa pinapanood. Parang may something wrong sa kinikilos ng tatay ko noon, parang may tinatago.

“Puntahan ko po muna Pa.” paalam ko sa kanya, na sinagot niya ng isang tango.

Maliit yung bahay namin kumpara sa bahay nila kumag. Bungalow lang yung style nun na mayroong limang kwarto. Isa kina mama, isa sa akin, isa sa kuya ko na hindi naman nagagamit dahil seldom na siyang umuwi sa bahay, isang room para kay den-den at isang guest room. Sa kitchen ay may pinto palabas kung saan naroon ang laundry area at isang dirty kitchen, kung saan kami nag gi-grill minsan. Doon ko inabutan yung Mama ko na nag ba-barbeque nga. Niyakap ko siya mula sa likuran saka binigyan siya ng halik.

“Nak, amoy usok ako…” reklamo ni Mama na hindi ko naman pinansin.

“Naglalambing lang ma…” alam ko’ng napangiti ko siya.

“Mapapaso ka.” Hirit niya, hindi ko lang uli yun pinansin.

“Kamusta ba ang orientation?”

“Ayos lang. na miss ko kayo.” Paglalambing ko.

“Miss ka rin naming. Pero may taong mas nakaka miss sayo, at alam ko’ng miss mo na rin siya.”

“Sino?” confuse ko’ng tanong.

“Labas na!” natatawang bulalas ni Mama, na para ba’ng nakikipaglaro lang ng taguan.

Nung marinig iyon ay saka lumabas ang lalaki’ng kanina pa nagpipigil ng tawa. Pinilit niyang itago ang buong sarili sa likod ng mga sako ng uling.

“Kuya Xy!!!” nanlaki ang mga mata ko nung makita ang lalaking nakangisi. Patakbo ako’ng lumapit sa kinaroroonan niya saka siya binigyan ng mahigpit na yakap.

Si kuya Xylem. (Real name, actually second name niya yan. Ang weird kasi talaga magpangalan ng parents namin, pati yung real name ko (Isang planet at something extraterrestrial) medyo weird din, pero ayos lang kasi tunog unisex naman. hehe) Matangkad, Moreno, tama lang yung built, chinito at cute. Siya yung kuya ko’ng sinasabi ko’ng seldom na umuwi. Sa CDO na kasi siya nag tatrabaho (Noon), wala pa siyang family pero may girlfriend. Sobrang close namin kahit na medyo malayo ang agwat ng aming mga edad at kahit na hindi kami magkasama na lumaki. Nag separate kasi yung parents namin before (Mga anim na taon din) sinama siya ng Papa namin habang naiwan naman ako kay Mama sobrang bata ko pa kasi noon. Sinama siya ni Papa sa Japan kung saan siya lumaki, half Japanese kasi si Papa, anak siya sa pangalawang asawa (Pinoy) ng Lola ko na hapon. (Phew… sa mga kakilala ko’ng nagbabasa nito… feel free to leave some comments, but please do not name names…)

Grade 6 ako nung mag reconcile yung parents namin, siya naman ay nasa senior high (hindi kasi siya agad nakabalik sa eskwela, he took up Filipino and araling panlipunan subjects kasi muna). Awkward lang nung start, hindi naman kasi ako sanay na may Papa at kuya (Though, bumibisita naman yung papa ko sa mga nagdaang taon), pero eventually nagkapalagayan na rin kami ng loob at napagtanto ko na ang sarap palang mag karoon ng kuya. Since then, we became very very close. Ipinagtatanggol niya ako sa mga nambubully sa akin, pinagtatakpan niya ako sa mga kasalanan ko at higit sa lahat mahal na mahal niya ako.

“Sabi na eh, may hindi tama sa kinikilos ni Papa kanina!” nag giggle ako. “Kelan ka pa dumating?” tanong ko sa lalaking aking yakap-yakap.

“Kahapon lang.” ngumiti siya. “Kamusta? Ang payat mo ah. Kumakain ka pa ba?”

“Wow, para namang ang taba ko nung huli tayong magkita.”

Tawanan.

“May special someone ka na ba?”

“Sira! Aral muna ako kuya… hindi ko pa naiisip yan!” mabilis ko’ng sagot. Actually sumagi sa isip ko noon si kumag, muntik ko na nga’ng ma kwento yung tungkol sa kaniya pero naisip ko rin na hindi ata maganda yung timing, isa pa, ang gusto ko naman talaga ay kalimutan si Richard kaya mas okay siguro na hindi ko na i-kwento sa kanila.

“Tama yan! Pero hindi ka na bumabata ha…” bilin niya. “Tutulungan nalang kitang mag hanap.”

“Nako, tigilan mo yang kapatid mo. bata pa yan, kaya mas okay na mag aral muna siya.” hirit ni Mama.

“Tama ka diyan Ma.” Pagsangayon ko sa Mama ko, sabay belat sa kuya ko’ng kasing pushy ni Jude.

“Saka, baka mabuntis ng maaga yan pag hinanapan mo na ng boyfriend.” Pagtutuloy ni Mama.

“Maaaaahhhhhhhhh…….” Pag aalburuto ko. Akala ko kasi kakampihan niya na ako.

Tawanan naman silang dalawa. Lalo na yung kuya ko’ng pakiramdam ata ay nanalo ng jackpot sa lotto.

“Che!” hirit ko sabay pakawala ng mahinang suntok sa braso niya. “Bihis muna ako Ma!”

Nagtatawanan pa rin sila nung pumasok ako sa loob ng bahay.

**************************

Naligo na rin ako, at nung makapagbihis na ay agad ako’ng lumabas at hinanap si Kuya. Siyempre I wanted to spend time with him, minsan lang yun umuwi eh.

Nakita ko siyang naka upo sa dinning table, hawak niya ang phone ko.

“Sino si Jude?” bungad niya.

“Kaibigan ko kuya, nakilala ko sa orientation sa Manila.” Mabilis ko’ng tugon.

“Hmmmm… kaibigan lang talaga?”

“Oo naman! Teka? Ba’t kilala mo siya?” kinakabahan ako sa tono ng pananalita ni kuya, hindi ko kasi siya mabasa. Feeling ko lang noon ay galit siya.

“Tumawag siya eh.”

“Sinagot mo?!” medyo nabigla ako. “Anong sabi?”

“Boyfriend mo daw.” Expressionless niyang sagot.

“Nako. Hindi totoo yun kuya. Sira ulo yun!” pag depensa ko naman.

“Upo ka. We need to talk.”

“Kuya, hindi talaga. Hindi yun totoo. Wag mo sabihin kina Mama please.” Nag wo-worry ako, sa isip ko kasi baka palayasin ako ng mga magulang ko. (Ang OA nuh?)

“Ahmm… sunod ka sa kwarto, usap tayo.”Mahinahon niyang sabi, sabay mabilis na pumasok sa kwarto niya.

Kinakabahan ako’ng sumunod sa kanya. Natatakot ako’ng baka magalit siya. Alam ko, medyo open sila na bakla ako at kahit sila nga’y parang normal nalang na tukso-tuksuhin ako’ng bakla o i-treat ako’ng babae. Madalas kasi nila ako’ng bini-baby, probably yun rin ang reason kung bakit medyo mahina ang loob ko at sobrang iyakin ko.

“So? Sino si Jude?” tanong niya, yung boses ay parang asiwa o naiinis.

“Kaibigan ko lang po kuya. His from Cebu at nakilala ko lang sa orientation.”

“Bakit sabi niya, boyfriend mo siya? hindi naman siguro niya sasabihin sa akin yun kung hindi totoo diba?”

“Loko nga kasi yun! Nagbibiro lang yun!” sagot ko. Naiinis na ako nun kay Jude, gusto ko siya kausapin at pagalitan kung bakit sinabi niya yun sa kuya ko.

“Sigurado ka?” pagdududa niya.

“Oo nga. Saka ang pangit nun kuya. Mukhang masamang tao at pinatitripan ata ako!”

Tumatango-tango lang si Kuya habang tinitingnan ang phone ko. “Ito ba si Jude?” sabay pakita ng picture sa phone ko. Mga selfies namin yun ni Jude sa MOA nung first date namin na hindi naman naging maganda ang ending. Medyo sweet nga yung mga pictures yung tipong mag jowa lang ang gumagawa.

“Opo.” Pabulong ko’ng sagot.

“Mukhang masamang tao nga eh ano?” sarkastiko’ng sabi ni kuya.

Binigyan ko lang siya ng isang pilit na ngiti. (Nginiting nahihiya)

“So kayo nga?”

“Hindi nga po. Magkaibigan lang kami, saka hindi ako bakla!”

“Talaga? Eh bakit meron ka nito?” sabay pakita uli ng picture sa phone ko. Picture ni Jude na naka top less (hmmm… alam ko na iniisip niyo! Hindi ko kinunan si Jude ng naka Hubad, siya mismo naglagay nun sa Phone ko nung lumipat ako sa room nila Richard). Sa picture ay kitang-kita ang magandang katawan ni loko, mula sa kanyang chest hanggang sa kanyang oblique muscles ang hot sobra.

Nagkamot nalang ako ng ulo, Hindi ko kasi alam kung ano ang sasabihin. Naiiyak na rin kasi ako nun eh, wala na ako’ng takas sa kuya ko at nagsimula ng mangyari ang kinatatakutan ko.

“So bakla ka nga?” wala pa ring expression ang mukha niya.

Hindi na ako makatingin sa kanya, kinakabahan ako.

“Bakla ka nga?” paguulit niya.

Dun na ako nagsimulang umiyak. “Sorry kuya, sorry…”

Tumawa naman siya, nawala yung mga chinito niyang mata. “Ba’t ka nag so-sorry?” natatawa niya ako’ng inakap habang ginugulo ang buhok ko. “Bakla ka nga?” tanong niya ulit.

Bumitiw siya sa pagkakayakap at nung magtama ang aming mga mata ay saka ako marahang tumango.

“Payakap nga ulit. Wag ka umiyak, gusto ko lang malaman yung totoo.”

“Hindi ka galit?”

“Bakit naman ako magagalit?”

“kasi bakla ako.”

“Matagal na naming alam. Gusto ko lang malaman sa iyo mismo yung totoo. Nakaka proud ka nga eh, na discover mo na yung totoo’ng ikaw, ang kailangan mo lang gawin tanggapin yan.”

“Paano kung hindi ako tatanggapin ng ibang tao? Hindi ko nga rin alam kung paano ko sasabihin sa mga kaibigan ko.”

“Una, hindi mo naman kailangan ng acceptance ng ibang tao, gawin mo yung makakapagpasaya sa iyo wag ka lang mananakit o mangaapak ng iba. Pangalawa, you don’t need to tell them, just be who you are. Isa pa, feeling ko alam na rin nilang lahat matagal na, ikaw lang naman yung ayaw umamin eh…”

“Hindi ka galit?”

“Hindi nga. Wag ka na umiyak, bata ka pa lang alam ko ng ikaw yung princess namin.” Tumawa siya at ginulo uli yung buhok ko. “Kahit nung nagka girlfriend ka, alam na alam ko’ng bakla ka. Hinayaan ka namin kasi we want you to be happy, at ngayong umamin ka na alam ko mas magiging masaya ka.”

Niyakap ko siya sabay nagpasalamat.

“Ayos lang. Mahal ka namin, kaya kahit ano ka pa! lalake, babae, bakla o tomboy, mahal kita. Hindi importante yung gender mo, ang mahalaga lang kapatid kita.”

Para namang may humimas sa puso ko nung marinig iyon mula sa aking kuya. Mas pinalakas nun ang loob ko at parang nawala yung pagsisisi ko na tinanggap ko’ng bakla ako.

“So kayo nga ni Jude?”

“Hindi nga. Kaibigan nga lang yun.”

“Umamin ka na! Tatanggapin ko naman eh. Saka gwapo naman eh at maganda katawan.” Ngumisi siya.

“May girlfriend yun. Biruan lang namin yung yabs yabs.”

“So, kung hindi si Jude? Paano mo na confirm na bakla ka nga?”

“Wala, sabi mo nga matagal na ako’ng bakla, tinanggap ko lang.” pagdadahilan ko.

“At sa Manila talaga?” pinandilatan niya ako ng mata. “Walang nag trigger?”

“Hay nako!” nagkamot lang ako ng ulo, ang kulit kasi ng kuya ko. “Okay, may nagustuhan ako, pero hindi si Jude.”

“Gwapo ba?”

Nag-isip ako saglit. “Uhm uhm” tumango lang ako.

“Mas gwapo kaysa sa akin?”

“Ay, hindi siyempre. Mas gwapo ka pa rin.” Gwapo naman talaga yung kuya ko eh, medyo baliktad nga kami at never kaming pagkakamalang magkapatid. Siya kasi yung lumaki sa Japan pero siya yung kayumanggi ako naman yung laki’ng gensan na dalawa lang ang weather ‘hot at very hot’ pero ako yung maputi. Mas masculine din yung katawan niya yung akin naman ay medyo mas slender. Para siyang mature version nung Paulo sa hashtag.

“Kapatid nga kita!” nakangiti niyang tugon. “Pero ano’ng nangyari? Nalaman niya ba’ng gusto mo siya?”

“Uhm uhm, pero wag na natin pag-usapan.”

“Bakit naman? Ang daya mo ah.”

“Basta! Mahabang kwento.”

“Edi paikliin mo!”

“Haay…” bulalas ko sa sobrang kakulitan ng kuya ko. “Ayaw niya sa bakla!”

“Aba! Loko yun ah! Ipakilala mo sa akin yun, gugulpihin ko!”

“Bakit naman? Pipilitin mo’ng magustuhan niya ako?”

“Hindi, ipaparealize ko lang sa kanya na mali siya!”

“Hindi na kailangan. Okay na ako.” Malungkot ko’ng tugon.

Tahimik.

“Pero okay yung Jude ha. Gusto ko siya.” simula niya uli.

“Okay nga yun, pero kaibigan ko lang yun.”

Tahimik. Malamang nabatid din niyang bigla ako’ng nalungkot.

“Ayos lang yan, tulungan nalang kita mag hanap.” Sabi niya, sabay kiniliti ang tagiliran ko.

“Sira! Hindi naman ako naghahanap eh.”

Tawanan

************************

Tinulungan na rin ako ng kuya ko na sabihin sa mga magulang ko, at maluwag din naman nila yung tinanggap. Sabi ko nga dati, alam ko my family would never condemn me for being myself pero natural naman siguro na matakot ka sa umpisa diba? Lalo’t hindi naman sa lahat ng bagay mangyayari yung lagi mo’ng inaasahan.

Sobrang swerte ko sa pamilya ko, they’ve been very supportive sa lahat ng gusto ko. Kaya nga super effort ako na maging proud sila, that’s the only thing kasi na magagawa ko to make them feel na hindi sila nagkamali sa pagpapalaki sa akin.

**************************

Kinagabihan ay muling tumawag si Jude, katakot takot na sermon ang inabot niya sa akin.

“Loko ka! Ba’t mo sinabi sa kuya ko na Boyfriend kita?!” simula ko.

“Bakit hindi pa ba? Nag I love ka na sa akin kahapon ah!”

“Gago! I love you’ng pang friend yun!”

Tawa lang siya. “Pero diba nung last night sabi ko ako nalang muna habang hindi pa dumadating yung para sa iyo.”

“Hindi naman ako pumayag eh.” Giit ko.

“Pero gusto ko eh…” Giit din niya.

“Ahhhh!!!! Ewan ko sayo, bahala ka!’’ naiinis ko’ng tugon.

“Bahala ako? Sinabi mo yan ha.” Tumawa siya. “I love you yabs ko.” sabi niyang may halong lambing.

“Abnormal ka!”

“I love you more!” malambing niya pa ring sagot.

‘’Haaayyy… imposible ka Jude!”

“Sabi mo bahala ako eh. Sinasabi ko lang naman yung nararamdaman ko!”

“Che!”

Tumawa siya. “Anong sabi ng kuya mo?”

“Ang pangit mo daw! Hindi daw tayo bagay!” biro ko.

“Baka hindi mo pinakita picture ko?” ramdam ko’ng nakangiti siya.

“Pinakita ko. Pero wala talaga eh, pangit talaga yung nakita niya.” pang-iinis ko pa sa kanya.

“Ay, malabo yung mata ng kuya mo.”

“Aba. Lakas ng tama mo pakol ah!”

“Malakas talaga…. Ang lakas ng tama ko sayo!” hirit niya. Na sinundan ng mga mahihinang halakhak.

“Sira! Pasensya, pero ayaw ng kuya ko sa mayabang.”

“Oh?! Ganoon? Hayaan mo papatunayan ko sa kanya’ng deserve kita.”

“Sira! Paano mo naman gagawin yun?” nagmamaldita pa rin ako, pero deep inside eh tuwang tuwa ako’ng marinig yun kay Jude.

“Basta…” nag grin siya. “Anyways. Nag-usap na ba kayo ni Richard?”

“Hindi pa. At wala ako’ng balak kausapin siya. Bakit?”

“Tinawagan niya ako kanina, nagtatanong kung safe ka ba’ng naka uwi. Hindi mo daw sinasagot yung tawag ng kapatid niya eh.”

Nung marinig ko yun ay naka ramdam ako ng sobrang guilt. Mukhang mali kasi na pati sina Ron ay idamay ko, kami lang naman kasi ni Richard ang may problema.

“Jude, goodnight na, bye.” Mabilis ako’ng nagpaalam. Naisip ko kasing i-text si Ron.

“Hoy, kantahan mo muna ako pampatulog!”

“Bukas! Kakantahan kita!”

“Bakit? Gabi na ah. May gagawin ka?”

“OO eh… sige na bye!” saka ko pinatay yung phone.

Binasa ko uli yung mga text nung kapatid ni kumag, lahat ay nagtatanong lang kung kamusta na ako, kung safe ako’ng naka uwi etc. may ilang text ding nakikiusap yung batang sagutin ko yung mga tawag niya at humihiling na mag reply ako.

Hesistant man pero kinain na ako ng konsensya ko eh… kaya nag reply na ako sa mga text niya. “Ron, sorry wala ako’ng load eh! Oo naka uwi na ako wag ka na mag alala!” sabi ko sa text.

‘Di nagtagal ay nag reply na yung bata “Bakit ‘di mo sinasagot mga tawag ko?”

“Busy eh. Sige Ron Goodnight, antok na ako.” Huling text ko sa kanya. Paraan ko rin yun upang matigil na ang pagkakaroon ng mahabang conversation sa aming dalawa.

**************************

The following day, Sunday yun. Pinuntahan ko ang best friend ko’ng si Anthony sa bahay nila, Sinabi ko na rin kasi sa kanya yung inamin ko sa kuya ko. Noon ready na ako kung sakaling lumayo siya, inisip ko atleast wala na ako’ng tinatago sa kanya.

“Bakla ako boy.” Simula ko sa kanya. (‘BOY’ ang tawagan naming dalawa.)

Iniisip ko nun na papaalisin niya ako, magagalit siya at tatapusin na niya ang pagkakaibigan namin. Pero mali ako, kabaliktaran rin ang nangyari. Tumawa lang siya na parang wala ng bukas.

Naka tanga lang ako habang pinagmamasadan siyang tumawa. Hindi ko kasi alam ang gagawin, medyo nagulat kasi ako reaksyon niya.

Nung nahimasmasan siya’y saka siya nagsalita. “Gago. Anong bago dun?”

“Huh?”

“Tange ka boy. Matagal ko ng alam na girl ka!”

“Sira ulo ka!”

“Pero no joke, walang bago dun Boy. Akala ko naman kung ano na.”

Nag pout lang ako (madalas kasi nag o-over think talaga ako.)

“Mas magugulat ako, kung aayain mo ako’ng magpakasal.” Tumawa ulit siya.

“Gago!” bulalas ko.

Tahimik… (ako lang pala, tawa pa rin kasi siya ng tawa)

“Pano ko sasabihin sa mga classmates natin?”

“Bakit mo naman sasabihin? Pakialam naman nila kung bakla ka?”

“Ewan…”

“Hay nako. Kahit i-status mo yan sa FB, wala ng mangyayri diyan. Mag mumukha ka lang nagpapansin.”

“So, anong gagawin ko?”

“Wala! Tuloy ang buhay. Ikaw pa rin naman si Bob, walang nagbago.”

“Sweet naman boy! Payakap nga!” sabi ko sabay pulupot ng mga bisig ko sa katawan niya.

“Dahan-dahan, baka ma in love ka na sa akin niyan!”

“Gago! Hindi kita type!”

Tawanan.

*******************

nawala na isip ko yung agam-agam ko’ng baka hindi ako tanggapin ng mga taong kilala ko, hindi ko na rin inisip kung paano ko sasabihin sa kanila na bakla ako. Tama si kuya at ang best friend ko, I just need to be myself at hindi ko na problema kung tatanggapin nila ako o hindi. Ang mahalaga sa akin ay yung fact na mahal na mahal ako ng pamilya ko at tanggap nila ako.

Dalawang lingo din ako’ng sobrang busy. Busy yung buong team namin sa paghahanda sa paparating na national competition, naging busy din ako sa acads ko, ang dami ko kasing kailangan habulin na lessons at other requirements; at feeling ko yun yung tumulong sa akin na malimutan si Kumag. Sa loob ng dalawang linggo’ng iyon ay hindi halos sumagi sa isip ko si Kumag, hindi naman sa nalimutan ko na lahat ng nangayari pero hindi tulad dati, hindi na yun ganoon kabigat sa loob ko sa tuwing pumapasok sa isip ko.

Sa loob naman ng two weeks na iyon ay never nag fail si Jude na tumawag o mag text. Mukhang pinapanindigan nga niya yung pagiging instant boyfriend ko. Mula Goodmorning, hanggang Goodnight laging present si Jude sa buhay ko. Feeling ko rin ay mas naging close kami pero hindi naman kami nagsasawa sa isa’t isa. May mga times nga’ng magkatext na kami ay magka-chat pa sa FB. (Hindi pa uso ang mobile data sa phone ko nun, kaya laging kailangan ng WIFI) pinalitan rin niya yung profile niya nun sa FB ng picture ko. It was a cosplay picture of me cosplaying a female manga, hindi naman ako nagdadamit babae, it was actually a challenge for all cosplayers na mag cosplay ng character from the opposite sex. I cosplayed Misha Arsellec lune before at yun yung ginawa niyang profile pic. (That was actually my first time pero ilang beses ko na ring na try mag cosplay ng babae, I already did sailormoon, tomoyo daidoji, sakura haruno, hatsune miku, rory mercury and Anastasia from idolmaster. And I always get good feedback naman, maybe because of my built)

May mga nagtatanong sa comments kung sino daw yung babae sa picture (hart hart… Oo akala nila babae) na sinagot naman ni Jude na Girlfriend niya. (Ayiiieee) hindi ko alam kung bakit niya sinabi yun, hindi ko na rin na naman na kasi tinanong (hiya ako eh  ).

*********************

I can’t remember the exact date pero Sunday yun, probably nasa second week yun ng July, nung lumipad ulit yung team namin papuntang manila for the national competition. Kasama ko sina ate Angel (classmate ko siya but she’s four years older than me) Ivy, Sheena, Patrice (Bunso namin) at kuya Ian. Kasama rin namin yung aming adviser na si Sir Joel.

Halo-halo ang emosyon ko noon, masyado’ng naka focus ang utak ko noon sa championship. I really wanted to bring home the bacon, lalo’t huling taon ko na iyon sa college. I am excited to see Jude and to experience his three hours hug and kinakabahan din ako na makita uli si kumag. I know okay na ako, hindi na ako ganoon ka affected sa nangyari sa amin, (though hindi pa naman talaga ako totally naka move on (ang hirap kaya, thankful na nga lang at naging busy ako sa maraming bagay eh) pero im feeling so much better; nakatulong din ata yung mga realization ko sa mga sinabi ni Kuya Xy.) pero sobrang nakakatakot pa rin eh, hindi ko kasi alam kung kaya ko na siyang harapin uli. Isa pa, hindi alam ng mga teammates ko yung tungkol kay kumag. Haaayyyy……….


To be continued….

*************************

Note: first I would like to apologize kung medyo matagal to’ng update na ito. As I said na confine ako sa hospital at dahil dun ang dami ko’ng absent sa work. Medyo na late ako sa pagsusulat nito dahil ang daming gawa sa trabaho eh, ang daming kailangang habulin na mga pending works and katatapos lang tuna festival.

Second, sorry… I know medyo magulo to’ng part na ito. Gusto ko kasi talaga sana palitan ang tittle at mag start na sa competition proper kaso baka matagalan na namang ma post. At baka hindi na naman pumasa yung title, kaya tinuloy ko nalang. I know din na hindi ganoon ka ayos ang pagkakasulat ng part na ito at hindi ito ganoon ka exciting pero sana patawarin niyo na approximately 30 minutes ko lang sinulat to at pasingit singit lang sa mga trabaho ko. Medyo minadali rin, para makahabol sa susunod na update ni admin kaya sorry talaga.

Promise babawi ako next time, promise na talaga. (Hehe)

I would also wanted to thank you guys for supporting this story. I know hindi ito kasing ganda ng ‘Jake pulled a trigger’ (favorite ko) at ng Not today ni prince zaire (Favorite ko rin) pero pinagtiyatiyagaan niyo pa rin. Amazing kayo guys super…. (Feel free to leave a comment guys  )

Ang dami na rin atang nakakakilala sa akin, may mga nag me-message kasi sa akin sa fb asking if ako si Bobbylove (Feeling ko mga kasama ko rin sa org), sa mga hindi ko nasagot sa PM (kasi hindi ko kilala at walang profile pic o gumamit ng picture ng iba) ako nga po yun. But please do not name names. Thanks…

To someone na nagtaray sa akin sa FB. Peace be with you, hindi ko naman inagaw… hindi ko naman alam na gusto mo siya, kung nalaman ko sana ng maaga edi sana pinaubaya ko na sayo I love you kung sino ka man. Love love love na tayo girl. (Mukhang kilala na kita, ikaw ata yung nakisali sa group pic namin dati nila Jude at ng team Cebu. Hehe the one in black polo? Tama ba? I still have a copy of that pic friend.)

Na, aaliw ako dun sa Edward barber at marco comment hahaha. Infer cute si Mr. Barber ganda ng mata. Feeling ko ako si Kisses, yung mahinhin at emotional type. Hahaha (Feelingera nuh?)

Again, sorry ng marami everyone… I know bitin ‘to ulit…. Pero promise babawi ako sa next part

P.S. I wanted to know guys… I just don’t know how… Sir loyd (na 1st supporter ko), russel, dan, blanc star, manuel (ang laki ng atraso ko sayo  mwah), Don, Super T (you reminds me of Trixie), blank, Rodel, Edward (naaaliw ako sayo super ), Sir Carl, mark, bluer, Sir Bash (na team kumag), JB, Allan II (na may utang na kiss sa akin hahaha mwah), Happy clock, Russel orais, Mark Anthony, Mike, Arnie, Lola ni king at sa idol ko’ng si prince zaire… mahal ko kayo…

Pagpasensyahan niyo na muna ito

No comments:

Post a Comment

Read More Like This