Pages

Sunday, September 25, 2016

Masakit Man, Alagaan Mo Siya (Part 2)

By: Mark

Now is the time to describe the love I felt with Bigs…
Isang gabi yun galing ako sa gym, sobrang taas pa ng adrenaline ko dahil sa body attack at body pump na ginawa ko sa group exercise studio kaya pagdating sa condo ko hindi ako dalawin ng antok. Nalabhan ko na yung ginamit kong gym shorts, shirt and undies at inaasahan kong aantukin na ko pero to no avail ang antok ayaw pa ring dumating. So I decided to go down sa grill sa baba ng condo kasi may wifi dun, makapag-net nga muna. Makapag-relax ng konti, magpapa-antok muna. Lately kasi masyadong stressing ang mga kaganapan sa office. Ang daming management reports na kailangang ipasa. Mga highly specialized reports na request ng mga Sales Directors at mga Account Managers at kadalasan iba ibang format ang gusto nilang Sales Reports.
Off I went. Nag-order ako ng isang San Mig Light. Pampa-antok. Then nag-browse na ko sa net. Napansin ko merong  ten new friend requests sa kin sa aking facebook account, so I checked it out sino sino tong mga to. Isa sa napansin kong new request ay galing sa  nagngangalang Terrence Emm. Na-curios ako, binuksan ko ang profile niya. Ah bagets pa siya. Nineteen years old from Antipolo.  I just wondered bakit ako ina-add nito hindi ko naman siya kakilala. Di ko ugaling mag-accept ng friend requests galing sa kung sino man lalo if it comes from a complete stranger.  Pero napansin ko, ang ganda ng mata ng loko, makapal ang kilay, mahahalata mong mahahaba ang pilik mata niya at mabilog na may katamtamang laki ang kanyang mata. Matangos ang ilong niya at may full lips siya. I checked with his some other photos sa profile niya and na-prove ko from his picture na hindi siya poser. Siya talaga may-ari ng account niya.  Pero bakit ganun hindi normal ang ginagamit niyang surname. Emm. May surname nga ba talagang Emm?
Nag-check pa ko ng ibang info niya sa profile niya and I learned na Business Ad student siya sa isang Business Ad school somewhere along  Aurora Boulevard.
Just to satisfy my curiosity, I sent him a private message. “Hey there. Do we know each other personally? Have we met before? tanong ko sa kanya. After a few minutes nag-reply siya. “Sir, di pa po tayo nagkakakilala personally, hindi pa din tayo nakaka-pag meet up,  pero kung ok po sa inyo, gusto ko lang po kayo maging friend through fb.” tugon niya.  Napaisip ako. So hindi pa kami magkakilala nito.  I was wondering kasi and baka nakakalimutan ko lang na baka nga naman nakita ko na siya before through other people’s party or events, pero oo nga hindi pa pala according to him. Ayoko naman maging rude na hindi na siya sagutin so I wrote back a reply. “Ah I see.  Nice to know that you have that friendly gesture. Adding up someone’s account you have just checked in random.  Ako kasi hindi ako basta basta nag- a-add ng hindi ko kakilala.  Mahirap na maraming luko luko ngayon lalo na sa social media sites.” ang sinagot ko sa kanya. “OO nga sir, totoo po yan, ang dami ngayong luko luko sa internet. Pero hindi po ako katulad nila. Di po ako luko luko. Gusto ko lang pong magkaroon pa ng ibang kaibigan lalo na mga professionals na katulad niyo” sagot niya. “Sure ka hindi ka poser ha at maayos ka talagang tao, ayoko kasing magkaroon ng association sa hindi ko naman talaga kakilala, usually kasi ang iba pag naging friend mo na sa fb,
magko- comment na din sa mga posts, at kung ano ano na ang pinagko-co-comment. Mahirap mawalan ng kredibilidad and mabawasan ang maayos na reputasyon.” Sagot ko.Well,  It is not my cup of tea kasi to tell the world na hey I have lots of friends na ang evidence is marami akong virtual friends. Ayoko ng ganun, yung tipong hindi ko naman talaga kilala personally ang isang tao tapos makikipag-exchange ako ng messages, ng mga posts, na mga comments na wala namang personal basis or emotional involvement man lang.  “Opo, disente din po ako sa mga posts ko, hindi po ako nagpo-post ng kalaswaan at mga non-sense na mga posts, don’t worry!” sagot niya ulet.
Parang na-convince naman yata ako ng mokong na to. So sige pagbibigyan ko, accept ang friend req niya.
“Ayan Terrence in-accept ko na ang friend req mo. Be good ha, walang nasty, obscene or pangit na posts sa wall ko ha. Kung hindi, tatanggalin kita, much worse iba-block pa kita” message ko ulet sa kanya. “Yes po sir, mabait po ako and hindi ako tulad ng iba diyan” sagot niya. So, ok since friend ko na siya, nakita ko pa lalo ang mga restricted posts niya, mga family pics din niya, mga pics na pinost sa Instagram, mga quotes and mantra niya for the day. Ang daming mga nakakatawang video clips na naka-share sa wall post niya. And most of all, nakita ko na may hilig siyang mag take ng photos na according to him is siya mismo ang kumuha. Non-professional camera shots ang tipo. Pero parang magaganda at may depth. Katulad nung isang picture na ang caption is “ulap sa dalampasigan” yun ay isang pic na kinuha niya sa pagbabakasyon nila sa Quezon kung saan magtatakip silim ang paligid. Nag-aagaw liwanag at dilim ang kapaligiran kung kaya‘t ang papalubog na araw ay nagsasabog ng matingkad na dilaw na kulay at nagkakaroon ng repleksyon ito sa ilang ulap na nakakalat sa langit sa hapong iyon. Ang kulay asul na langit, ang ilang ulap na nakakalat at ang matingkad na kulay dilaw ng papalubog na araw ang naging backdrop ng isang bangkang panglaot na naka-daong sa dalampasigan. “Ulap sa dalampasigan” – kinakailangang alamin natin kelan tayo dadaong sa dalampasigang puno ng kalungkutan, alamin kung kelan ang ulap na nakikita ay mapapalitan ng pawang karimlan ngunit sa paglipas ng karimlan ay sasapit ang panibagong pagsikat ng araw kung saan makakaaninag ng bagong pag-asa, ng bagong panimula at harinawa’y maipagpatuloy ang paglaot sa panibagong buhay na wala ka.” Ganyan ang nakalagay sa caption ng picture na nakapost sa kanyang wall. Wow – heavy. May pagka-emo tong isang to. Emo’ng makata ang dating.
Sa iba pang nakita kong posts niya, puro na din lang mga pics kasama ng mga classmates niya during class breaks, sa canteen, habang naglalakad sila. Masasalamin mo na siya ay nasa normal na klase ng teenager na nag-e-enjoy sa buhay kabataan, ang pagpu-post ng kung ano anong pic nila at mga usual banterings sa thread nung mga posts niya.  Mukhang matino nga tong batang to. At sa pag-stalk ko sa wall niya, hindi ko siya nakitaan ng pagku-curse or pagbibigay ng mga racist, nasty or bastos na comments sa mga kaklase niya or maski sino man.  Napatunayan ko from then na ok nga, safe tong taong to. Di nakakatakot maging fb friend.
At last ang hinihintay kong antok ay dumating na, nakatatlong hikab na ko. Papaubos na din ang inorder kong isang bote ng San Mig Light, so nag-decide akong umakyat na sa unit ko. Binayaran ko na yung isang bottle. And before I went up sa unit ko, nag-leave ako ng message sa kanya. “Hey, just want you to know that I am intrigued with your post – the one with the pic captioned “Ulap sa dalampasigan”. Malamang may pinagdadaanan ka nun nung kinuha mo yung pic na yun sa camera mo ah. And napansin ko ang ganda ng caption ng pic. Pang makata dude. Keep it up” sabi ko sa pm.  Hinintay ko ng ilang minutes kung sasagot pa siya pero wala na siyang reply. Malamang tulog na to. So ok, umakyat na din ako sa unit ko.
Binuksan ko na yung aircon, mahirap kasi matulog pag electric fan ang gagamitin. Mas komportable ako pag medyo malamig ang paligid kesa normal air fan lang ang gamit.
Antok na antok na ko pero nagawa kong umupo sa gilid ng kama. Nag-sign of the cross. Umusal ng panalangin. Nagpasalamat sa mga bagay bagay para sa araw na yun. Nanghingi ng kapatawaran sa mga naging kasalanan ko on that day, nanghingi ng blessings at guidance sakaling may dumating na mga challenges sa coming days. Then magaan na ang pakiramdam ko, nahiga na ko para matulog.
Ganun ang routine ko for a day. Papasok sa office ng 8:00 to 5:00 PM, then drive papuntang nearest gym somewhere sa north edsa, then transform into a gym rat at about 6:00PM to 8:00PM, kakain ng konting dinner sa maski anong matipuhang restaurants ng mall, then heading home na. Ganun araw araw since ako naging single.
Nakapikit na ang mata ko nang biglang parang nagsisisigaw ako. May parang kung anong dumapo sa kurtina ng bintanang nasa side lang ng bed ko. May isang mukha na nakadungaw sa nakahiga kong katawan. Nanlilisik ang mga mata ng lalakeng parang ulo lang naman na may korteng katawan na nakasabit sa kurtina. May binabanggit siya at parang ang naiintindihan ko sa sinasabi niya – akin ka, walang makakakuha sa yo, akin ka lang! Dahil hindi ko alam kung tulog ba ako o hindi, nagsisisigaw ako! “Umalis ka dyan, umalis ka! Hindi kita kilala at hindi kailanman ako magiging sa yo! – yan ang namutawi sa bibig ko habang pasigaw koi tong sinasabi sa lalakeng nakasabit na iyon. Unti unting bumaba sa kama ang imahe ng lalakeng yun at hinawakan ako sa pisngi ngunit kalaunay inihawak niya ang dalawang kamay niya sa leeg ko at pilit akong sinasakal.  Bakit? Bakit nangyayari to? Sino tong lalakeng sumasakal sa kin? Tumingin ako sa kaliwa ko at napansin kong nasa kaliwang ulunan ko ang cellphone ko, kinuha ko at ipinukpok ko sa lalakeng yun ang aking cellphone. Tinamaan sa ilong ang imaheng yun at umagos ang masaganang dugo sa tinamaan parting iyon sa kanyang mukha, sabay biglang laho ng imahe. At bigla akong napabalikwas sa kama. Parang upos na upos at uhaw na uhaw akong tumayo papuntang ref at kumuha ng isang basong inumin. Pagkatpos kong uminom, bumalik ako sa kama. Alam ko isa na namang nightmare ang naranasan ko. Ganun ang nangyayari sa akin kapag marami akong iniisip, sa opisina man, o usaping pamilya o maski sa lovelife.
Biglang sumagi sa isip ko ang mga pangyayari bago kami naghiwalay ni Mark. Limang buwan na rin pala since hindi na kami nag-uusap. Nanariwa ulet ang sakit ng dibdid ko at pangungulila sa kanya. Hindi ko lubos maisip na hahantong din kami sa hiwalayan katulad ng nangyaring hiwalayan namin ni Jeffrey dati. Pilit kong iwinaksi sa isip ko ang mga bagay na nakakapag-paalala sa kin ng mga nakaraan. Kinuha ko ang rosary, at umusal ulet ng panalangin. Guminhawa ang pakiramdam ko.
Tumunog ang alarm sa phone ko. Alas sais na pala ng umaga. I have to get up and get ready.  I have to keep on going para hindi ako ma-late sa pagpasok. Slowly umupo ako sa gilid ng kama. Inaalala yung nightmare ko kagabi. Nagpasalamat ako at nightmare lang pala talaga yun.
Dali dali na kong namlantsa ng susuutin ko for that day. Isang long sleeved polo at slacks lang ang usually suot ko pagpasok sa  office. Napili ko yung kulay blue na  long sleeve at khaki slim chinos na plantsahin. After mamlantsa, pumasok na ko sa banyo. Naligo at sinabon ng sinabon ang katawan ko. Nakikita ko sa reflection ko sa salamin na marami ng ipinagbago ang katawan ko mula nung inintensify ko ang pag-g-gym. Nagkaroon na ng laman ang chest ko, ang arms ko – biceps and triceps toned na din and most especially yung tummy ko dati na nahahalata pag naka polo ako, ngayon umimpis na din. Flatter na ang tummy ko, wala mang abs pero sapat na para maging sexy sa frame ko. Nagsepilyo, nag-mouthwash at nag scrub sandali gamit ang Irish Spring body gel. Gustong gusto ko kasi ang idea ng layering of scents. Soap up with your favourite bar soap, then scrub your skin with a body gel, usually irish spring pareho ang brand kasi gustong gusto ko ang after-scent ng brand na yan after ko maligo. Fresh na fresh talaga. call me vain but yes I am vain, I admit it. I have lots of rituals bago ako makatapos maligo.
Natapos ako naligo and nagsuot na ng office attire, inayos ko ang buhok, di ko sinuklay, hindi kasi ako nagsusuklay, towel dried hair din lang madalas then naglalagay na ko ng dry wax sa buhok ko.  To complete my get I put on my moccs – navy blue color. I felt like I am ready to go so bumaba na ko ng unit ko. Nag drive patungong office.
Iniisip ko on that day, yes it will just be another ordinary day in the life of Migo.
How would I describe myself?
Yours truly is just a typical guy. 5’5 in height, medium built, fair complexion with straight jetblack hair. Chinito. With cute nose (I would’nt say it’s aquiline nose since it will be boasting enough). Some say my eyes are deep set and it is of piercing look. Saktong hindi masyadong chinky eyed pero parang lalong nagiging chinito pag naka-smile. I have a perfect set of teeth. Thanks to my mom who’s always been reminding me when I was little to take care of my teeth, wala akong nabulok na ngipin, intact lahat maski molars ko at the age of mid 30’s.
The way ako manamit, I always like the simple get up. But the attire should always be complementing sa color ng skin ko. Simple get up will not mean wearing only shirt and jeans, yes I do wear shirt and jeans on a Friday since it is a dress down day but I prefer wearing slim chinos, slim khakis or other casual trousers since mas bagay sa long sleeved polos which I usually wear sa office. I wear square shaped glasses pala – actually a prescription eyewear to ease up my astigmatism. Mahirap magbasa and tumutok maghapon sa pc ng walang eyeglasses.
I always see to it na mabango ako. I have a passion for fragrances. But I usually adore yung scent ng Giorgio Armani – Black for men since may pagka-musky ang scent nun. Just like the rest of you guys, I prefer acting like I am a straight guy since I find acting that way more respectable. I have nothing against people like us who dress up like girls or act up like feminines kasi choice nila yun, I respect co-habitation.
Vain. That is the most appropriate word I can describe myself.
I see to it na makinis ang mukha ko free from blemishes. I shave almost everyday. I can’t seem to imagine myself growing beard or be-moustached.  I like to see my face smooth. I like that I smell so lovely that is why sobrang tagal ko maligo minsan.
Everyday I sat inside my cubicle checking the reports of my staff. I also do reports for the top management kaya madalas I stay late sa office. Pero of lately, ginagawa ko ang best ko to manage my load so I can have a work-life balance.
I opened my company email on that day. Normal transactions thus I am assuming a normal work load for the day. On the side, I checked my facebook account.  There I got five new private messages with the fb chat.
“Sir, thank you may nagustuhan kang post ko. Sabi ko nga sa yo  safe ka sa akin. Di ako masamang tao. Salamat at nagustuhan mo yung picture nung Ulap sa dalampasigan.  Tama ka sir, may pinagdadaanan nga ko nung time na yun.” pm ni Terrence. Uy, may message ang bago kong fb friend. Pag-check ko anong oras 7:40 AM.
“Hi there, good morning. Better get going, baka ma-late ka pagpasok mo sa school, bilisan mo na kilos” pm ko sa kanya.
Walang sagot.
I decided to take nourishment muna for the morning. Grabbed the coffee maker then nag-brew ako ng coffee. I went down sa cafeteria sa baba ng office bumili ng beef tapa and scrambled egg then bumalik ako sa cubicle ko. Then I ate my breakfast.
Mga bandang  8:20 may na-receive akong pm mula kay Terrence. “Sir, sorry late reply. Nasa jeep po ako kanina nung nag-pm kayo sa kin. Di ako naka-reply kaagad kasi di ko ugaling maglabas ng phone pag nasa jeep. Iwas snatch po” sabi niya. “oh well good, tama yang ganyan nag-iingat ka. Sige aral ka na baka andyan na prof mo” sagot ko.  “Mamaya pa po mga 8:30 start ng  klase ko, pag di na po ako sumagot ibig sabihin po nun start na ng lessons” pm niya. “ok. Nag-brekafast ka na ba?” reply ko. “Yes sir kanina sa bahay, nagluto si mama ng sunny side up egg tsaka tocino, yun ang breakfast ko” reply niya.
“Ok sige, concentrate ka na diyan” pm ko ulet sa kanya.
Then wala ng reply. Malamang nag-start na ang klase nito.
Ang tanong ko sa sarili ko, bakit ako nakikipag-chat sa isang nineteen years old? Teenager pa lang to. Hindi ba dapat mas ok na nakikipag-chat ako sa mas kapareho ko na ng edad? Mga guys na mid-20’s to early 30’s just like me?
Work mode na nga lang muna ako.
Then nag-concentrate na nga din ako sa work ko for that day. Mga ilang reports din ng staff ko ang na-check ko na and na-furnish na sa mga clients namin.  Going on smoothly ang araw. May isang highly technical na analysis for the VP ng Marketing kaya medyo hindi ko napansin ang oras lunch time na pala.
Inaya ko na yung co-manager ko to go down to eat lunch. We decided to have lunch sa Timog sa may Amici. Nag-crave ako ng pasta for lunch. While we were inside the elevator – may message alert ako na-receive sa fb messenger. I checked the message. “Sir, lunch time, kain ka na po” si Terrence.  “Yes, ikaw din. Eat well so you are energized sa maghapong mong class” sagot ko.
“Papunta na rin po kami sa canteen kami ng classmate ko si Cloyed, lunch break na po namin.  Gutom na nga po ako eh”
“Ok, nice.  Say hi to your friend.” Sagot ko.
“Sir, ok lang ba makuha number mo. Gusto ko sana maging kaibigan din kita thru text. Kung ok lang po sa inyo”.
Napaisip ako. Last night it was just plain facebook thing. Now, he is asking me my digits. Ano ba to, parang going beyond yata sa normal na treatment ito sa isang stranger. Pero mukha namang maayos siya. mukha din mabait. At yun nga kagabi ang impression ko sa mga pics niya isa siyang simpatikong binata.  No non-sense guy. At mukhang di barumbado. Nagiisip ako. Sige na nga, pagbibigyan ko tong isang to. Pero at the back of my mind parang ayoko kasi company phone lang tong gamit ko. Mahirap na baka minumonitor din nila ang mga messages ko dito.  Pero baka naman hindi. Hindi siguro, kaya sige ok na, bibigay ko number ko sa kanya.
“O Terrence, I will be giving you my digits pero wag mo pamimigay sa iba ha. Promise mo na ikaw lang makakaalam ng number ko. And I hope na walang bastusang messages sa text. Walang profanities, walang mahahalay na messages. Ok ba”
“Sige po sir, makakaasa po kayo. Eto po number ko – 09178-84—5” text niyo na lang po number niyo or miss call niyo po ako. Salamat po ulet sir. Kasi nagtitiwala po kayo sa akin. Hinding hindi kop o kayo bibiguin.”
“Alright then, I am calling you now” sabi ko. I dialled his number, then nung naka isang ring na, I dropped the call. “ayan, ako yan. Save mo na lang yang number ko” text ko sa kanya.
Di na ko nakapagtext pa sa kanya kasi dinala ko sasakyan ko para di mahirap bumalik sa office pagkakain ng lunch.
For lunch, I ordered seafood marinara with garlic toast. Cravings for pasta satisfied. Then I ate gelato too for dessert. Pistachio gelato. I love my lunch.
I was expecting this new guy would send me a text pero hanggang matapos ako mag lunch di siya nag-text. So my co-manager and I decided to go back sa office.  The day is long and still has to be managed right kasi marami pa din reports na need i-submit.
The whole afternoon nakalimutan ko siya i-text and for some reason hindi rin siya nag-text.
It was 6PM when I decided to call it a day sa office. Since sabi ko nga sa inyo I transform into a gym rat in the evening, I drove to the gym sa North Edsa to do my usual routine. Pagdating sa gym, dumiretso akong shower after ko mailagay yung gym bag and stuff ko sa locker room. It is my ritual to take a shower first before I start whatever is the program or exercise routines I do sa gym. Gusto ko kasi fresh ang katawan ko before ako mag-threadmill mas presko ang vibe pag pinawisan and hindi nakakahiya sa makakatabi, I always emphasize about proper hygiene and basic courtesy sa ibang tao, to smell good even inside the gym.
30 minutes threadmill combination of walking and running. Done with the cardio conditioning.  Then I remembered I have to concentrate on my back and biceps for today since the last time ang program ko was chest and triceps.  So nagpunta ako free weights. Dami ko kasabay sa gym since it is a Thursday night and marami talagang tao kapag Thursday. Pero no choice ako but to wait on queue sa ibang equipment para maging maayos ang work out ko for that night.
Hindi ko ugali na magdala ng phone sa work out area, pero it seems ibang araw to, medyo nakaka-bore ang paghihintay pag occupied yung machine na gusto mo gamitin. So I decided to get my phone sa locker room. Off I went. Dinala ko sa free weights section yun phone ko.
As I have checke my messages, I got five new text messages. Three coming from two Account Managers seeking clearance para sa airing ng material clip fof their respective clients. So ok, sinagot ko muna, nagbigay ako ng go signal since pasok pa sa entitlement ang usage na yun ng advertiser. Then nakita ko may message ang new number na yun.
 “Sir, nakauwi na po ako ditto sa bahay naming. Kain muna po ako.” si Terrence.
“Ingat po kayo pag-uwi”.
Napangiti ako. May sweet gesture ang taong to. Gusto nga niya ata akong maging kaibigan.
“That seems nice. Sige kain ka madami. Ako di pa ko kumain, workout muna ako”
Then sumagot siya kaagad.
“Nagwo-work out ka ba sir?”
“Mukha bang hindi?”
“Ibig ko sabihin sir, kaya pala maganda ang built mo sir, na-check ko sa mga pictures mo.”
Ah, ayun naman pala nakita niya mga pictures ko. Yes, the fact na nag-g-gym ako, maganda naman na ang built ko.
“Thanks for appreciating my pics, sige tuloy ko muna work out ko” text ko sa kanya.
Tinuloy ko ang pagbubuhat hanggang I feel like ok na ko for the night. Exhausted na.
After the workout I headed towards the shower. Shower muna – hot water of course to loosen up yung tight muscles after the intense chest and triceps workout. Then naisipan ko mag-steam muna para hindi masakit sa katawan kinaumagahan.
Steam room.  Ten minutes. Mga three time din ako lumabas ng steam room to cool down a bit.
Marami ding nag-s-steam that time. So I decided to shower and rinse na for good.
Nagutom na ko after work out so naghanap na ko nga makakainan. Pasok akong Taisho, kumain ako ng chasu ramen. Ang sarap ng ramen nila dito. Nalalasahan mo yung sarap ng spices na hinalo at ang pork nila is maganda ang pagkaka-slice. Ok ang dinner ko.
So I drove home. Pagdating sa condo derecho lang ako unit ko.
I decided to call it a night. Di ko naaalala yung new fb and new text friend ko. Sa sobrang pagod plakda sa kama.

No comments:

Post a Comment

Read More Like This