Pages

Sunday, May 7, 2017

Ang Tangi kong Inaasam (Part 14)

By: Confused Teacher

“I've noticed that being with you, I smile more often, I anger a little less quickly, the sun shines a little brighter and life is so much sweeter. For being with you, takes me to a different place: a place called love.”
Kenzo

Hi, This is Kenzo, i think I don’t need to introduce myself kasi kilalang-kilala na ninyo ako as best friend ni Paul.  But I wil still give you brief description about me, pagkakataon ko na ito para sumikat. Haha.  I am Kenzo Martinez, from San Juan Batangas. Wala kaming lahing Hapon.  Pure Pinoy ako at walang kinalaman don ang name ko. Ang totoo niyan napaka artistic lamang ng parents ko, Ang tatay ko kasi si Kennedy ang mga Kuya ko sina Kenno at  Kenji, Ako ang bunso sa magkakapatid malamang kasi kuya ko sila parehas e.  Enough for my family hindi sila kasali dito.
Nagresign ako sa aking trabaho nang magbreak kami ng girlfriend ko.  Sobra kasing nadepress ako non. Kaya lamang naisip ko na nakakasawa pala ang kakainom, ang sakit sa ulo kinabukasan.  Saka naisip ko ayusin na ang sarili ko bago magsawa sina Lolo at si Lola nang kakaasikaso sa akin. Kahit hindi naman sila nagsasalita alam kong naiinis na rin sila sa ginagawa ko.  Sila ang nagpalaki sa aming magkakapatid pero mas higit sa akin kasi bata pa ako nang mag abroad ang mga parents ko kaya lumaki akong parang walang totoong parents.  Iyon ang dahilan kaya ayaw kong mag abroad ang girlfriend ko kasi ayokong mranasan ng magiging nak namin ang hirap na nasa abroad ang parents pero hindi  siya naniwala sa akin na kaya namin mabuhay ng masaya dito sa Pinas at ang ending tnapos ang limang taon naming relasyon ng ganon na lamang.
Nakilala ko si Paul, nang magkasabay kami sa final interview.  Nasa elevator kami at nagpapakiramdaman pero likas na mas matapang siya kaya siya ang unang nagsalita. 
“Pare interview mo rin? Tanong niya sa akin.
“Oo, Kenzo nga pala, kinakabahan nga ako e.” at iniabot ko ang kamay ko sa kanya at kinamayan naman niya ako.
“Paul pare, Paul Jacob, huwag kang kabahan, final na ito, nakaya nga natin yung naunang dalawa e.”
“Good luck sa atin.” At sabay kaming lumabas ng bumukas ang elevator.
“Nauna siyang natapos sa interview, at palabas siya sa conference room at papasok naman ako.  Nag good luck siya sa akin at tinanguan ko lamang siya.  Mukang masaya siya, malamang tanggap na siya lalo akong kinabahan.
Naging successful naman ang application ko, nalimutan ko na rin ang tungkol kay Paul after 1 month.  Pero nang minsang palabas ako ng opisina para kumain.
“Kenzo, na hired ka rin. Congrats!” bati niya pagkakita sa akin saka ako kinamayan.
“Thank you, congrats din, kelan ka pa?”

“Two weeks na, haha, tara, sabay na tayo pagkain, may masarap na resto, malapit dito. “ At mula nga non ay lagi na kaming sabay pag kumakain.  Naging close din kami kasi nga ay halos sabay lamang kami nag start kaya nagtutulungan pa kami sa adjustment.
Nakilala ko na rin siya nang maayos at nang minsang isinama niya ako sa bahay nila sa Tagaytay, naikwento niya ang love story nila.  Noong una nabigla ako, pero marami na rin naman akong nakitang ganong relationships.  Bukas na ang isip ko sa ganoong reality.  Maraming mga astig kung pumorma pero lalaki rin ang karelasyon.  At para sa akin hindi imposible ang ganon, lalo pa sa itsura ni Paul na napaka hunk hindi nakakapagtakang maraming mahumaling sa kanya.
Hindi man ako naka experience ng ganon, hindi ko rin masabi na hindi mangyayari iyon sa akin.  At malamang nga dahil broken hearted minsan naiisip ko ang possibility na magka gusto ako sa kanya.  Bagamat awkward isipin, pero kung siya siguro ang makakarelasyon ko ok lamang.  Alam ko may mga naririnig na kaming tsismis na may relasyon daw kami pero dahil talaga namang wala, nawawala din ang issue after sometimes.  Isa pa pakiramdam ko wala talagang gusto sa akin si Paul.  Wala siyang bukambibg kung hindi ang Baby Patrick niya.  Kahit nga nagmamakaawa ang ex niya na makipagbalikan walang nangyayari.
Kuntento na ako sa friendship namin at masaya na ako.  Hanggang makita ko ang isang babaeng muling gumising sa natutulog kong pagnanasa. Super hot naman kasi niya at ang lakas talaga ng dating niya kahit yata binabae, titigasan sa babeng iyon.  Siya yung tipo na lilingunin mo talaga kapag nakasalubong mo.  Mula sa buhok, sa mata, ilong,  lips, ang katawan at ang pamatay niya ang mala J-lo niyang butt, nakakapag laway talaga pag lumakad siya.  Pero hindi ako manyakis ha, nagiging ganito lamang ako kapag naiimagine ko si Miss Shayne Carillo.
Pero ano bang sumpa ni Kupido ito.  Ang magandang babae palang iyon ay ang long-time girl friend ni Josh Patrick na ex naman ni Paul.  Ang gulo! Pinagulo pa dahil napalipat sila sa Head Office mula sa Davao Branch kaya  sa ayaw at sa gusto ko magkikita kami dahil sa iisang building lamang kami. Pero dahil nga kumplikado kaya gustuhin ko man wala hanggang tingin lamang ako sa kanila.  Ni hindi ko magawang magpakilala sa kaniya dahil sinabihan na ako ni Paul na hayaan na lamang sila at huwag umeksena sa love story ng iba.  First time ko siyang nakausap nang magpapirma siya ng sasama sa birthday party nang HR Department Head kung saan siya naka assign. Wala akong balak sumama kaya lamang parang hindi ko alam papaano sasabihin sa kanya, in the end pumirma ako at isinagot din si Paul kahit hindi niya alam.  At mula noon hindi na siya nawala sa utak ko. Gumagawa ako ng paraan na tumawag sa HR kahit maliit na bagay lamang nagtatanong ako sa kaniya kasi madinig ko lamang ang boses niya kinikilig na ako.  Pero hindi ako pwedeng magpahalata tanging si Paul lamang ang nakakaalam.
Nang  mag organize ng swimming ang ex ni Paul kasama sina Shayne at Josh Patrick nagkaroon ako ng pagkakataon na makausap siya. At nagkasama nga kami,  thanks sa makulit na ex ni Paul.
Nakita ko sila ni Patrick nasa isang cottage at nag-iinom.  Nang mga oras na iyon ayaw akong samahan ni Paul. Nagseselos siguro, Bahala siya hindi ko alam kung saan siya pupunta baka nire rape ng ex niya wala naman kasi iyong pupuntahan na iba. Nagkataong kailangan kong takasan ang babaeng baliw sa kwarto ko na sobra ng daldal, naiirita na ako sa kakasalita niya kaya kahit gusto ko munang matulog ay hindi ko magawa,
“Hi pwede bang pa join, wala akong makausap.” Bati ko sa kanilang dalawa. Grabe naka swim suit na red si Shayne pero naka shorts na pambaba, pero iba talaga ang dating niya para siyang finalist sa Miss Universe. Ngumiti lamang siya.
“Sure upo ka.”
“Pare ok lang ba, di ba ako nakakaistorbo sa inyo?” nag aalangan kong tanong kay Josh, Alam ko naman kasi na boyfriend siya ni Shayne at baka may pinag uusapan silang private.
“Nope  ok lang sige join us.” Sagot ni Josh. Naisip ko hindi nga nakakataka na ma fall sa kanya ang bestfriend ko kasi sa ilong at dimples pa lamang ng lalakeng ito kikiligin ka na, lalo pa ang ganda ng katawan niya na halata sa suot niya sando. Nong una ko siyang nakita hindi ko napansin agad dahil duguan ang mukha nya, kanina naman abala pa ang utak ko.Pero si Shayne ang pakay ko at hindi siya.  Tama ng sila ni Paul at kami ni Shayne.  Haha, palitan ko na lang kaya ng trabaho si Kupido baka nagkamali lamang siya ng pinana baka pwede pang ayusin.
“Nasaan pala si Sir PJ bakit nagsosolo ka?” tanong ni Shayne.
“Ewan ko, kanina ko pa nga hinahanap akala ko narito kasama ninyo.” Kunwari ay sagot ko para hindi obvious na sila talaga ang pinuntahan ko.
“Hindi mo kasama? Mula nang dumating tayo hindi ko na nga nakita iyon, kahit sa pagkain wala kayong dalawa.”
“Kanina magkasama kami sa tabing dagat, lumabas kasi ako ayoko sa room namin?
“Ha, bakit naman?” tanong ulit niya, haist ang sarap niyang kausap.
“Ayoko kasing kasama si Jaika, sumasakit ang tenga ko sa kakadaldal kaya hindi ako sumabay sa pagkain.”
“Type mo ba siya,” pagbibiro ni Shayne.  Napansin ko hindi sumasali sa amin si Josh sa kwentuhan.  Namumula na kasi ang mukha niya mukhang may tama na.
“Of course not, mababaliw na nga ako ilang oras pa lang kasama yun, maging kami pa.”
Marami pa kaming napag-usapan kung anu-anong topic.  Nang biglang magsalita si Josh.
“Hindi ko na kaya, ang sakit ng ulo ko. Shayne mauna na ako antok na ako, babalik na ako  sa room ha. Kenzo, pare, mauuna na ako.”
“Bakit ka kasi nag-inom hindi ka naman sanay.” Si Shayne.
“Pinainom mo ako tapos nagtatanong ka”
“Ihahatid muna kita, Kenzo, maiwan ka na namin.”Sayang naman iyon lamang ang naibulong ko.
“No, kaya ko naman, masakit lang ulo ko, Nakakahiya kay Kenzo pinuntahan pa tayo tapos iiwanan lamang natin. Hoy Kenzo, Huwag mong pagsasamantalahan ang girlfriend ko ha, papatayin kita.” Banta niya sa akin.  Napatawa naman ako nababasa ba niya ang nasa isip ko. Haha joke!
“Pare naman hindi ako ganon promise! ! Sure ka bang kaya mo, kung gusto mo ako namaghahatid sa yo sa room ninyo.” Suggestion ko.
“I’m okey. Don’t mind me, basta ingatan mo si Shayne ha” Tumango lamang ako.  Naisip ko ang swerte mo pare sana ay bahaginan mo ako. Tama si Paul mabait nga talaga ang Josh na ito sayang at hindi naging sila ni Paul.
Naiwan kami ni Shayne at nagkwentuhan.
“Hindi kasi yun nag-iinom, pinilit ko lamang, kaya ayaw niya nang mga party at outing, ang hina kasi ng tolerance non sa alcohol kaya isang bote lang bagsak na.” pag-aalala niya
Maya-maya  ay nagsabi na rin siya na pupunta na sa room nila, Hindi  siya mapakali baka raw kung ano na nangyari kay Josh.  Bagamat nanghihinayang ako wala akong magawa, ganon talaga ang role ko.  Nakita ko kasi sa mukha niya ang concern. Mahal talaga niya si Josh. Gusto ko pa sanang makipagkwentuhan pero tumayo na siya.  Kaya  sinamahan ko na lamang siya sa room nila. 
Nadatnan namin si Josh na naka subsob sa kama. Lasing talaga. Nasa baba pa ng kama ang katawan niya
“Oh my God! Kenzo please tulungan mo ako plesase.” kaya pinagtulungan namin iaakyat siya sa bed.  Nang mapansin niyang basa ang shorts.  Hindi niya alam ang gagawin nakatingin lamang sa akin, kaya ako na ang nag volunteer na magpapalit.  Nagpakuha naman siya ng mainit na tubig at bimpo at nang dumating yung nagdala ay buong pagmamahal niyang pinunasan ang mukha at braso ng natutulog na si Josh. Nakakainggit.
Pinalitan ko lamang ng shorts si Josh dahil tuyo naman ang boxer niya.  Si Shayne naman pagkatapos punasan ay hinubad ang sando at pinalitan siya ng puting T-shirts.  Kita ko ang pagkailang sa kilos niya.  Naisip ko, wala pa sigurong nangyayari sa dalawang ito, kasi ang kilos niya at ang galaw ng mga mata virgin na virgin pa.  Napaka conservative. Halos dampi-dampi lang ng bimpo ang ginagawa niya at hindi makatingin ng diretso sa dibdib ni Josh. Napapangiti ako dahil kahit sa ganong sitwasyon hindi ko mapigilang pagnasaan siya.  Sana ako na lamang ang pinapalitan niya ng damit. Kung ganito ang mag-aalaga sa akin,  baka gugustuhin kong may sakit ako lagi.
Nang masiguro naming okey na ay nagpasalamat siya sa akin.  Alam kong ibig sabihin non  ay pwede na akong umalis.  Bibiruin ko sana na bantayan pa namin ang boyfriend niya kaya lamang baka naman mapikon. 
Sobrang saya ko paglabas sa room nila.  Ang bait niya at ang sweet.  Jackpot si Josh sa kanya.  Akala ko noong una, suplada siya dahil laging nakataas ang kilay pero napatunayan ko na mali ang akala ko.  Ang sarap niyang kausap, at ang mata niya habang nagsasalita, wow na wow, parang nakaka hypnotize. Kung sana ay siya ang kasama ko at hindi ang maingay na babaeng iyon sa room baka kahit magdamag akong gising hindi ako magsasawang pagmasdan ang mukha niya. At kung makatulog man ako pag gising sa umaga mukha niya ang unang makikita ko.  Haist, heaven siguro ang pakiramdam. Parang aghel ang amo ng mukha niya. Buong-buo ang araw ko ngiti pa lamang niya.
Hindi ako pumasok sa room namin, hiniram ko ulit ang gitara at binalikan ang cottage kung saan kami nagkwentuhan,  At habang kumakanta ay iniisip kong kasama ko pa rin siya at nakangiti sa akin. Napapangiti rin ako kahit nag-iisa,
It's her hair and her eyes today
that just simply take me away
and the feeling that I'm falling further in love
makes me shiver but in a good way

All the times I have sat and stared
as she thoughtfully thumbs through her hair
as she purses her lips, bats her eyes and she plays,
with me sitting there slack-jawed and nothing to say
'Cause I love her with all that i am
and my voice shakes along with my hands
cause she's all that I see and she's all that I need
and I'm out of my league once again
It's a masterful melody when she calls out my name to me
as the world spins around her she laughs,
rolls her eyes and I feel like I'm falling
but it's no surprise
'cause I love her with all that I am
and my voice shakes along with my hands
'cause it's frightening to be swimming in this strange sea
but I'd rather be here than on land
yes she's all that I see and she's all that I need
and I'm out of my league once again.
It's her hair and her eyes today
That just simply take me away
And the feeling that I'm falling further in love makes me shiver,
but in a good way
All the times I have sat and stared
As she thoughtfully thumbs through her hair
As she purses her lips, bats her eyes
And she plays with me sitting there slack-jawed and nothing to say
'cause I love her with all that I am
and my voice shakes along with my hands
'cause it's frightening to be swimming in this strange sea
but I'd rather be here than on land
yes shes all that I see and shes all that I need
and I'm out of my league once again

Josh

Pagmulat ko ng mata ko, nakita ko si Shayne, nakabalot ng kumot, nakatagilid ng higa patalikod sa akin. Hindi ako kumilos nanatili lamang akong nakatingin sa kisame, ang sakit kasi ng ulo ko. Tapos kumukulo pa ang tiyan ko. Bigla siyang kumilos.
“O gising ka na pala.  Masakit pa ba ang ulo mo?”
“Oo saka gutom na rin ako, breakfast muna tayo?”
“Haler, breakfast? 1:30 na kaya.  Tapos na nga ang lunch. Pagtingin ko sa relo ko oo nga hapon na pala.
“Anong nangyari, ganon ba ako katagal na nakatulog.” Nang mapansin ko, iba na ang shorts ko at ang natatandaan ko nakasando akong black. Tiningnan ko siya, bigla naman siyang bumangon at naupo sa kama na may nakakalokong ngiti,
“Putek Shayne, anong ginawa mo sa akin, pinagsamantalahan mo ba ako?” naiinis kong tanong, pero hindi pa rin siya sumagot.
“Promise Shayne, ididimanda kita, o kaya papatayin na lamang kita ngayon mas madali iyon, saka ako bumangon at hinawakan siya sa kamay.
“Baliw, bakit ko naman gagawin yun, bitawan mo nga ako,  lasing na lasing ka, nasa sahig ka hindi ka na nakasampa dito sa kama.  Pinunasan lamang kita at pinalitan ng T-shirt ang baho mo kasi. Ayoko namang matulog na ang baho ng katabi ko.”
“Ang shorts ko sinong nagpalit?”
“Malay ko, basta hindi ako.”
“Pwede ba yun, umayos ka nga Shayne dadalawa tayo dito panong hindi mo alam? Sasapakin talaga kita hindi ako nagbibiro”
“Fine, fine, oo nga hindi ako, Si Kenzo!”
“Si Kenzo! Bakit siya?”
“E ayoko ,naiilang pa rin ako, hindi ko kaya.” Nahihiya niyang sagot.
“Naman e, bakit si Kenzo, nakakahiya don sa tao, sana ginising mo na lamang ako.”
“E binuhat ka na namin hindi ka nagising, muka ka ngang ewan kagabi, saka sino gusto mo nagpalit ng shorts mo si Kuya Paul,”
“Nasaan na nga pala sila?
“Wala na, nagkaloko-loko na.”
“What do you mean?”
“Si Kuya Paul, hindi natulog sa room nila, hanggang madaling araw  sa bar, tapos nang magising nagpilit umuwi at kay Kenzo lamang nagpaalam,  si Kenzo naman inabot din ng umaga don sa cottage na pinaginuman natin. Nagalit si Miss Dianne, kaya umaga pa lamang nagpaalam na uuna na raw bad trip na bad trip parang kakain ng tao, siyempre kasama si Jaika. “
“Ibig mong sabihin tayo na lamang dalawa ang narito?”
“Hindi, nagpaiwan si Kenzo, sasabay na raw sa atin kasi inaantok pa raw siya. Pina rebook niya tayo, kung maaga ka sanang nagising ngayong 3:30 aalis na rin tayo kaso sabi ko sa kanya alanganin na kasi tulug na tulog ka pa.  Kaso iyon daw talaga ang last trip, kaya ako na ang nagdecide bukas ng umaga first trip na lamang tayo uuwi 7:30 yun,  gusto pa sana niyang hanggang hapon kasi yun naman ang original na plano natin kaso nasira na rin lamang ang schedule natin uwi na lamang tayo.
“Haist ano ba namang klaseng swimming ito sobra ng gulo, halika kain na tayo, lunch kung lunch o kung ano man tawag mo don basta gutom na ako.”
Pagkatapos naming kumain, nagyaya si Shayne na magbabad pa sa swimming pool kasi ang init sa dagat.  Nakakairita lamang ang tingin ng mga tao sa kanya.  Parang ang sarap talagang pumatay ng tao sa lugar na iyon.  Bakit ang mamanyak ng mga tao sa resort na iyon.  Dapat ini screen din nila ang utak ng pumapasok tapos hindi ina admit ang manyakis.  Haist kung anu-ano ang naiisp ko bakit kasi wala na si Kuya Paul?
“O what’s on your mind?” bati niya paglapit sa akin habang nakaupo lang ako sa isang side at nakalusong ang paa sa tubig. Umahon siya at naupo sa tabi ko.
“Wala, bakit ka kasi nag two-piece?”naiinis kong bulong sa kanya sabay abot ng towel.
“And what’s the problem with this, pangit ba?” nagtataka niyang tanong saka ibinalabal ang towel.
“Tingnan mo nga ang mata ng mga manyakis na yun sa iyo, hindi mo ba alam na sa utak nila paulit-ulit ka na nilang nirape?” simangot ko naman sa kanya. Para naman siyang biglang na-concious.Tumayo at dumiretso sa table, inabot ang kanyang malong saka ibinalot sa katawan. Sumunod na rin ako at naupo paharap sa kanya.
“At akala mo ba ako lang ang pinagpapantasyahan dito. Dinig ko kaya ang usapan don sa dulo, ang hot mo raw, kaya lang naghihinayang sila muka ka raw ewan kanina ka pa nakasimangot.”
Tiningnan ko lamang siya ng masama, naka trunks din kasi ako bagamat medyo mababa ang cut nito ay sexy pa rin ang itsura.  Hindi ako sumagot sa halip kinuha ang towel ko at ibinalot din sa katawan ko.
“Hi sabi na nga ba narito kayo e, walang tao sa room ninyo.”
Paglingon ko si Kenzo, naka short, walang pang taas, may hawak na tray na may 3 baso ng juice. Wow ang ganda ng katawan at ang kinis para siyang artista, hindi nga imposible na ma-in love dito si Kuya Paul.  Pero sana mali ang akala ko. Ibinaba niya ang tray sa table at inabutan kami ni Shayne. 
“Kumusta Josh okey na ba ang pakiramdam mo?”
Inabot ko ang juice, saka ngumiti. “Yeah I’m okey, thanks pala kagabi ha, thanks din dito, nakakahiya sa iyo naabala ka pa.”
“No worries, ayus lamang iyon.  Kumain na ba kayo?  Konti lamang kinain ko kanina dahil sa antok.”
 Umupo rin siya pero medyo may distance sa tabi ni Shayne, naiilang din siguro kasi nga alam niyang boyfriend ako ni Shayne. Medyo awkward lang ang pakiramdam hindi ko kasi alam pano makipagkwentuhan sa kanya.  Hindi ko maitanong si Kuya Paul baka kasi hindi naman niya alam ang tungkol sa amin.  Baka nagkataon lamang na kami ang naiwan kaya pinagtitiyagaan niya kaming samahan.
“Yayain ko sana kayung mag-inom kaso alam ko namang hindi ka nag-iinom?” sabi niya sa akin.
“Hindi talaga kaya ng katawan ko ang alcohol, ewan ko ba, hindi siguro nasanay.” Sagot ko naman sa kanya.  Naisip ko mabait pala naman itong tao ito kaya siguro naging best friend ni Kuya Paul. 
“Hindi rin kasi ako mahilig sa alak, ang hirap sa pakiramdam kinabukasan. Saka hey! Maaga tayong aalis bukas baka hindi tayo pasakayin kapag amoy alcohol..” Sagot naman ni Shayne.
“Kaya pala magkasundo kayo, hindi kailangang pagbawalan ang isat-isa” nakangiti niyang sagot.
“Siyanga pala serious ako ha, kung gusto ninyong mag swimming, pwede kayo sa amin, malapit sa dagat ang bahay namin at maraming magagandang resorts malapit don.”
“Sige basta maluwag schedule natin go kami, sana lang huwag iyong ganito,ang gulo hindi naman tayo nag enjoy.”
“Haha, sige si Shayne na lang mag organize, para sure na maganda, magaling yata siyang event organizer,   ang saya nong birthday ni Sir Angelo.” Kaso napatingin siya sa akin hindi ko alam bakit biglang lumungkot ang mukha niya.
“Aba, bakit ako, ikaw ang nag invite, bahala kang mag ayos.” Mataray na sagot ni Shayne.
“Okey basta, kasama kayung dalawa ha”
Nagkatawanan lamang kami, Hanggang gabi ay magkaksama kaming tatlo, Gumawa si Kenzo na maliit na bonfire at habang nagkukuwentuhan kami ay puro softdrinks at chichiriya lamang ang nasa harapan namin.  Maya-maya ay umalis siya at nang bumalik ay may dalang gitara kaya nagkantahan na lamang kaming tatlo.  Pasado ala una na nang maisipan naming pumasok sa aming room dahil malamig na rin ang simoy ng hangin.
Hanggang makabalik kami sa Batangas ay kasama pa rin namin siya.  Nagyaya na sa kanila na raw kami magpahinga at sabay-sabay na kaming bumalik ng Manila kinabukasan tutal ay wala namang pasok. Gusto ko sana para makilala pa siya.  Gusto kong malaman kung may relasyon nga ba sila ni Kuya Paul. Pero hindi pumayag si Shayne dahil  gusto na raw talaga niyang umuwi. Kaya wala rin akong nagawa dahil hindi naman pwedeng pabayaan ko siyang umuwi na mag-isa lagot ako non kay Tita.

Paul

Kanina pa ako gising pero ayokong bumangon, nasa utak ko pa rin ang mga pangyayari sa Puerto. Bwisit kasing babae iyon sobra ng kulit. Ang hirap umintinde. Hindi ko pa rin maklimutan  ang mga nangyari.
“Paul tara swimming na tayo, nasa labas na si Kenzo, susunod na rin si Jaika, nagpapalit lang ng damit.”
“Sige mamaya na ako, tatapusin ko lamang itong iniinom ko.” Paano ko ba sasabihin dito na kaya ayokong lumabas ay nasa cottage sina Patrick at Shayne at nasasaktan akong makita sila ganong ka sweet.  Sobrang maasikaso si Shayne kay Patrick na alam kong gustung-gusto naman ni Patrick.
“Pambihira ka naman, mula pa kanina pagdating natin nag-iinom ka na, hanggang ngayon, hindi ka nga sumabay pagkain sa amin para lamang mag-inom. Hindi ka ba nagsasawa sa alak?”malakas ang boses niya.
“Dianne, please huwag kang mag iskandalo dito, nakakahiya pinagtitinginan nila tayo.”
“Wala akong pakialam, nakakapikon ka na talaga, pumunta tayo dito para magsaya pero anong ginagawa mo sa akin?
Hinila ko siya palabas at pumasok kami sa room namin.  Nahiga ako sa sofa at plano ko na lamang matulog.  Pero ayaw pa rin niya akong tigilan ng kakabunganga. Kaya napilitan akong lumabas para magpahangin. Nakita ko naman si Kenzo papunta kina Shayne.
“Bro, tara don tayo sa cottage nina Shayne”
“Ayoko, ikaw na lang!”
“Badtrip ka yata, tara inom tayo don sa kanila, mukang ang saya nila don, guluhin natin.”
“Bwiset, ikaw na lamang, magulo na ang utak ko ayoko na ng gulo.” Sabay talikod sa kanya.  Naiwan naman siyang walang kibo.
Naglakad-lakad lamang ako lalong nadagdagan ang inis kopag naalala ko ang sinabi niya na ang saya nong dalawa.  Nakaka badtrip talaga bakit sila pwedeng maging masaya tapos ako hinde.  Napaka unfair naman,  minabuti ko na lamang bumalik sa bar at mag-inom.
Madaling araw na ng maramdaman kong ginigising ako ni Kenzo.
“Bro, anong ginagawa mo dito, bakit hindi ka sa room ninyo natulog.”
“Putek pare baka masapak ko lamang si Dianne kaya umalis ako don,
“Bakit nag-away ba kayo?”
“Basta, huwag ka ng magtanong.Kumusta si Patrick?”
“Ayun, bagsak, lasing na lasing nasa room nila kasama ang syota niya.” Napailing lamang ako lasenggo na pala ang loko.
 “Alamin mo nga kung anong oras ang pinakamaagang pwedeng umalis ngayon. Uuwi na ako.”
“Sira ka ba, bakit ka aalis bukas pa ang uwi natin?”
“Basta uuwi na ako!”
“Dito muna tayo please!”
“Ayoko na  , uuwi na ako, ikaw magpaiwan ka dito, bantayan mo si Patrick.  Huwag ka lamang gagawa ng kalokohan ha.Tigilan mo yang pagpapantasya mo kay Shayne. Bubugbugin kita.” Nakita kong kumunot ang noo niya.
“Bakit si Patrick, hindi ba dapat si Shayne ang babantayan ko?
“Sino ba ang lasing?”
“Oo na, bantay na ako kung bantay, Walanjo kagabi nurse ako ni Patrick ngayon naman, body guard.”
“Ano? Anong nurse bakit anong nangyari sa kanya kagabi?”
 “Wala nga nalasing lang, Pinalitan ko ng shorts.”
“At bakit ikaw ang gumawa non?”
“Hindi kaya ni Shayne, saka pinupunasan niya kaya tinulungan ko lamang.”
“At talagang close na kayo ha!” Hindi niya ako pinansin. Pero iniba niya ang usapan.
“Kaya mo ba talagang umuwing mag-isa? Saka lasing ka pa yata baka hindi ka pasakayin sa barko?”
“Oo huwag mo akong alalahanin, kunin mo na lamang yung gamit ko sa room namin sabihin mo kay Dianne, uuwi na ako.”
Pagkasabi non ay lumabas ako at tumuloy don sa cottage. Naupo lamang ako at huminga ng malalim.  Napakadami ng nangyari sa loob ng isang araw. Matagal-tagal na rin ako sa ganong ayos nang lumapit si Kenzo.
“Ayan na po boss, naipagpa book na kita, 7:30 pwede ka ng umuwi.”sabay hagis sa akin ng bag ko. At isang envelope.
“Salamat bro.”
“Sure ka ba diyan sa desisyon mo, ano ba talagang nangyari?”
“Wala nga,  ang kulit! Alam mo namang umpisa pa lamang ayoko ng sumama pinagbigyan lamang kita at ngayong napagbigyan na kita ako naman ang pagbigyan mong makaalis.”
“Haist, ang gulo ninyo, Isama mo na kaya si Jaika para naman matahimik na rin ang buhay ko,”
Tumawa lamang ako.  Inihatid niya ako sa pier gamit ang service ng resort.  Mabuti na lamang at maasahan ang bestfriend ko.  Naputol ang pag-alala ko sa mga nangyari sa resort ng kumatok si Mama.
“Anak, gusto mo na bang kumain?” narinig kong boses ni Mama mula sa labas ng kwarto.
“Sige ‘Ma susunod na ako.” Iyon lamang ang naisagot.  At bumangon na rin. Habang kumakain ay nagkwentuhan kami.
“Ma, kelan pala ninyo balak pumunta ng Manila, kasi ipapalinis ko muna, tiyak na madumi na ron, ilang buwan na rin hindi ako nakakapunta don.”
“Buti naitanong mo  Anak, sa isang linggo sana, sasabihin ko nga sana saiyo naunahan mo lamang ako.”
“Sige Ma, pupuntahan ko na lamang isang araw para maipalinis.  Sigurado ba kayong magtatagal kayo don baka manibago kayo  masyadong mainit ngayon?”
“Huwag mo akong alalahanin, ilang taon tayo don at mas sanay ako don kesa dito.”
“Sige Ma, pag naroon kayo e don na rin muna ako uuwi para naman may kasama kayo ni Papa, saan nga pala si Papa?”
“Pupunta raw don sa baba, may bago yung kakilala don at parehas ang idol si Pacquiao.”
Nang mga sumunod na araw, iniwasan ko si Patrick.  Bagamat nahihirapan ako kasi nami-miss ko pa rin siya.  Sapat na sa akin ang ngiti niya dati para mabuo ang araw ko pero kailangan kong gawin. Hindi na ako pumupunta sa office nila at kung may kailangan ako ipinapakuha ko na lamang kay Krizia o kaya naman ay itinatawag ko na lamang sa kanila.  Kung may pagkakataon na nagkakasalubong kami nagpapakapormal na ulit ako at tinatawag ko syang Engr. Villanueva. Mas masakit ang umasa habang nakikita ko silang masaya, alam kong niloloko ko lamang ang sarili ko.
“Pare tapatin mo nga ako ano ba talagang nangyari sa Puerto at mula nong bumalik tayo dito parang lagi ka na lamang bad trip.  Pati si Krizia, natatakot na sa iyo, lagi ka raw naka singhal.” Tanong ni Kenzo sa akin nang minsang nagtatanghalian kami.
“Kakadikit mo kay Miss Carillo, feeling mo naman taga HR ka na rin” naiinis kong sagot sa kanya.
 “Bilisan mo ang pagkain at marami pa akong gagawin o kaya mauna na ako sa iyong bumalik sa opisina.”
“Haist ang labo mo talaga, Ihanap kaya kita ng lovelife baka sakaling  gumanda ang mood mo.”
“Sapakin kaya kita para tumahimik ka, huwag ang lovelife ko ang problemahin mo iyang sa iyo, nakikisawsaw ka sa love life ng iba.”
“Well at least, masaya ako dahil in love ako.”
“Bwiset talaga”
Bakit narinig ko na naman yung salitang masaya, bakit ba hindi ako pwedeng maging masaya.  Ano bang kasalanan ko sa iyong kupido ka bakit hanggang ngayon pinahihirapan mo ako ng ganito.  Ilang taon pa ba ang parusa mo sa akin? Sana lamang hindi tayo magkita isang araw dahil huhulihin talaga kita at ikukulong para kahit papaano makaganti man lamang sa pahirap mong ito sa akin.  Sobra ka na nga talaga.  Naisip ko tama ba iyon, huhulihin ko si kupido? Hay nababaliw na yata talaga ako sa mga nangyayaring ito.
“Palagay ko,  hindi sa psychiatrist kita dapat ikonsulta bro,” naputol ang pag-iisip ko.
“Ha, anong ibig mong sabihin?”
“Baka dapat sa albularyo kita dalhin, mukhang naeengkanto ka na e, kanina lamang para kang si Increduble Hulk, kulang na lamang maging green ang kulay mo, tas ngayon  bigla kang napapangiti na para kang nasa fairy land.”
“Ikaw saan mo gustong dalhin kita sa ospital o sa morgue? ang daldal mo ngayon nakakapanibago ka.”
“Bro may suggestion ako sa iyo, gawin mo kayang active ang sex life mo baka mabawasan ang kasungitan mo.” Sabay tawa ng malakas.
“Sabihin ko kaya kay Patrick na pinagnanasaan mo ang girlfriend niya, tingnan ko kung makalapit ka pa sa kanila.”
“Gago, hindi pagnanasa nararamdaman ko kay Shayne, pure love iyon. Saka pare wala namang ganyanan, iyon na nga lamang nagpapasaya sa akin.  Iyong makasama at makausap si Shayne kahit na nga over protective yung ex mo na ang sarap itulak papalapit sa iyo.”
“Kaya umayos ka, huwag mo akong bwisiten”

Josh

Ano kaya ang nagyari kay Kuya Paul, mula nang manggaling kami sa Puerto Galera, ang laki ng ipinagbago niya.  Lagi siyang nakasimangot at tinatawag na ulit niya akong Engr. Villanueva.  Nakakapagtaka lamang ano bang ginawa ko at parang galit lagi sa akin.  Bibihira na ring pumunta sa office namin.  Akala ko pa naman nang bumalik na sila sa bahay nila magkaka ayos na kami.  Mas lalo pa yatang gumulo, Hating gabi na wala pa rin ang kotse niya sa kanila.  Saan kaya nagpupunta ang taong iyon.
“Tulungan ko na nga kayang magkabalikan sila ni Dianne, ano sa palagay mo Shayne?” tanong ko sa kanya minsang coding ang sasakyan ko at kailangang ihatid niya ako sa amin bago siya umuwi pero ako muna ang magda drive hanggang sa amin.
“Bakit mo naman naisip iyan, kelan ka pa naging concern sa lovelife ni Miss Dianne?”
“Tange! Hindi kay Miss Dianne,  kay Kuya Paul.”
“Kung maka tange ka ha, sampalin kaya kita,”
“Ang gulo mo naman kasi.”
“Bakit nga?”
“Look, mula nang manggaling tayo ng Puerto, naging masungit ulit siya, Mukhang dinamdam niya ang pag-aaway nila. Engr. Villanueva na ulit ang tawag niya sa akin.”
“So ok lang sa iyo na magkabalikan sila?”
“Hinde, pero mas hindi ok sa akin na ganon siya, parang pati ako nahihirapan sa nangyayari sa kanya.”
“Wow, nagpapaka martyr si lover boy!”
“Gusto mong bumaba dito sa highway?”
“Ang sungit mo pa rin! Kotse ko kaya ito”
“Ang kulit mo naman! Bayaran ko to bumaba ka lang.”
“Shut Up!”
“Ewan ko sa yo!” Tumahimik kami pareho.Maya-maya ay nagsalita ulit siya.
“O ay paano mo naman gagawin sige nga?”
“Kaya ka nandiyan diba, tutulungan mo akong mag-isip at gawin ang iyong naisip.”
“So ang ending pala e ako rin?”
“Ganon na nga.”
“In one condition.”
“Ano naman?”
“Kiss me!”
“Ibangga ko na lamang kaya itong car mo mas maganda yata iyon.”
“Ang walang hiya mo talaga Josh Patrick, hindi ka nga  tao!” Nginitian ko lamang siya.  Hindi naman niya ako pwede hampasin sa braso gaya ng gawain niya pag naasar sa akin kasi nagda drive ako. Kailangang samantalahin, bibihira ang ganitong pagkakataon.

No comments:

Post a Comment

Read More Like This