Pages

Friday, May 5, 2017

My Innocent Lover (Part 6)

By: Lord Iris

Nandito kami ngayon sa pinto ng bahay ko at hinatid ako ni Luther...

"Cyril... alis na ako ah... bukas susunduin kita ulit." Malambing na sabi ni Luther.

"Sige... ingat ka." Nakangiti kong sagot sa kanya.

"I love you Cyril..." Sincere at nakangiting sabi ni Luther.

"Thanks..." Yun na lang ang nasagot ko sa kanya.

Umalis na si Luther ng nakangiti...

Should I say... I love you too?

Nakokonsensiya kasi ako na thank you lang ang sinasagot ko... gusto ko sabihin na I love you too as friends pero baka iba ang isipin ni Luther...

Nagtaka ako ng ikutin ko ang doorknob kasi hindi naka-lock... kinakabahan ako... baka mamaya ninakawan na ako!

Wala na nga akong pera nanakawan pa ako?

Unti-unti kong inikot ang doorknob at dahan-dahan kong binuksan ang pinto... kinakabahan talaga ako pero pagpasok ko ay maayos naman ang lahat ng nasa loob...

Pero kasi... hindi ako ulyanin at alam kong ni-lock ko yun kanina...

Hinubad ko ang damit ko at pumunta na ako sa banyo para maligo... pagkatapos kong maligo ay nagtapis lang ako ng tuwalya at binuksan ko na ang kwarto ko para magbihis...

Bigla na lang nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko...

Si... si... si...

SIR EROS!!!

Natutulog siya sa kama ko at naka-brief lang siya!

"Sir Eros!!! Anong ginagawa mo dito sa kwarto ko?" Napasigaw kong sabi dahil sa gulat.

Buti na lang hindi pumasok si Luther dito at baka mamaya mag world war silang dalawa...

Nagising siya at kinukusot niya ang mga mata niya na mukhang naistorbo ang tulog...

"Ang ingay mo naman... kanina pa kaya kita hinihintay..." Seryoso niyang sabi sa akin.

Dinilat niya ang mga mata niya at napako ang tingin niya sa akin...

"Sir... bakit niyo po ako hinihintay?" Tanong ko sa kanya.

Di siya sumagot... napalunok siya at nakatitig lang siya sa akin...

"Sir... bakit natutulog kayo diyan?"

Wala na naman siyang sagot at parang nakatulala lang siya sa akin...

"Sir!!!" Sigaw ko at parang nagulat lang siya.

"Ano?" Galit niyang tanong na parang natauhan bigla.

Pinagpapawisan siya?

"Bakit po kayo nandito?" Tanong ko.

"May importante akong sasabihin." Seryoso niyang sabi.

Lumapit ako sa kanya at umupo ako sa tabi niya...

"Ano po yun?" Tanong ko.

"Shit! Pwede ba... magbihis ka muna. I'm getting hard!" Naiinis niyang sabi at parang namula siya.

Getting hard? Ano yun?

"Ano pong... getting hard?" Tanong ko.

Napa-nganga si Sir Eros at bigla na lang siyang napasampal sa mukha niya at...

"Ewan! Basta mag-bihis ka ng maayos na damit!" Galit niyang sabi.

Naalala ko na lang bigla na nakatapis lang pala ako ng tuwalya...

Luh! Nakakahiya ako!

Nagmadali akong kumuha ng damit sa cabinet at tumakbo ako sa banyo para magbihis... nakakahiya kung magbibihis pa ako sa harap niya...

Pagkatapos ko ay pumunta na ako sa kwarto at lumapit sa kanya...

"Sir... nakabihis na ako... ikaw? Bakit po naka-brief ka lang?" Tanong ko sa kanya.

"Antagal mo kasi! Inantok ako at ang init dito kasi wala kang aircon! Electric fan lang kaya naghubad ako." Naiinis niyang sabi.

Aray... oo na... mahirap lang ako...

"Bakit niyo po ako kailangang kausapin?" Nagtataka kong tanong.

"Susunduin lang kita... birthday ni Era ngayon eh at gusto niyang makita ka." Seryosong sabi ni Sir Eros.

"Hala! Wala po akong gift!"

"Di naman kailangan eh... basta pumunta ka sa bahay." Sabi niya.

"Bakit ngayon niyo lang po sinabi?" Tanong ko sa kanya.

"Eh lagi ka kasing nakadikit doon sa panget mong suitor." Galit niyang sabi.

"Huh? Ang pogi po kaya ni Luther." Sabi ko sa kanya.

Bigla niyang hinawakan ang mga kamay ko at inihiga niya ako bigla sa kama kaya nagulat ako tapos tinitigan niya ako ng masama...

Kinakabahan ako...

Pumatong siya sa akin... naka-brief lang siya at medyo pawis... nilapit niya sa akin ang mukha niya at...

"Mas pogi ba sa akin si Luther?" Seryoso niyang tanong.

Napatitig ako sa kanya... Oo! Mas pogi talaga si Sir Eros pero bakit kailangan niyang gawin ito?

Hindi ako makagalaw at nakapatong lang siya sa akin...

"Sir... pakawalan niyo po ako." Kinakabahan kong sabi.

"Sumagot ka muna..." Seryoso niyang sabi sa akin.

Pumikit muna ako at...

"Mas pogi po kayo..." Sagot ko habang nakapikit.

"Kung ganun... di ka ba na-inlove sa akin ha?" Seductive niyang tanong.

Hala! Hindi ko naman pwedeng sagutin yang tanong niya nakakahiya...

"Sir tama na po..." Naiiyak kong sabi.

"Still calling me sir huh? How cute." Sabi niya at naramdaman ko ang mainit na hangin sa tenga ko dahil sa sinabi niya.

He moved his hips and suddenly... bigla na lang kumaskas sa akin yung pagkalalaki niya...

And now... I know the meaning of the word "I'm getting hard."

Kahit nakapikit ako ay alam kong namumula na ako sa ginagawa niya...

"Sir please..." Naiiyak kong sabi.

Binitiwan na niya ako at umupo lang siya sa tabi ko...

Panandaliang katahimikan ang naganap at...

"Cyril... I'm sorry..." Nakayuko niyang sabi sa akin.

Hala! Ano ulit yun?

Nagso-sorry na ba siya?

"Para saan po yun?" Tanong ko.

"Para sa ginawa ko sayo nung napagbintangan kita at yung ngayon... I'm sorry... alam kong nabastos ka at hindi ko intensyon na samantalahin yung innocence mo." Sincere niyang sabi sa akin.

Na-touch ako... sincere ang mga mata ni Sir Eros kaya napangiti na lang ako at hindi ko akalain na magso-sorry pala siya...

I really appreciate that...

"Thank you po..." Nakangiti kong sabi.

"Huh? Para saan yun?" Tanong niya.

"Natutuwa lang po ako dahil marunong na po kayo mag-sorry at kayo po ba ang nagbigay niyang teddy bear?." Nakangiti kong tanong sabay turo doon sa malaking teddy bear.

"Oo... nagustuhan mo ba?" Tanong niya sa akin.

So hindi pala ako assuming dahil siya pala talaga ang nagbigay...

"Opo! Thank you po ulit sir!" Nakangiti kong sabi.

Umiwas siya ng tingin at parang nag-blush siya...

"So... ok na ba ulit tayo?" Tanong niya.

"Opo! Gusto ko lang naman na mag-sorry ka eh." Nakangiti kong sabi.

"So... PA na ba kita ulit?" Tanong niya.

"Hindi..."Mabilis na sagot ko.

Parang bigla na lang may lumabas na itim na aura kay sir dahil sa sagot ko kaya nakakatakot at...

"What the heck!!! Sabi mo kapag nag-sorry ako ay babalik ka!!!" Galit niyang sumbat sa akin.

"Nag-sorry lang po ba kayo sa akin dahil kailangan niyo ng PA?" Tanong ko sa kanya.

Yumuko siya bigla at...

"No... I miss you so bad." Seryoso niyang sabi.

Parang nag-init ang mukha ko...

Miss niya ako?

Wow! Hindi ko akalaing miss na ako ni Sir Eros... nakakakilig!!! Hahaahh...

"Miss na din kita sir..." Malambing na sagot ko.

"Really?" Tanong niya na parang ayaw maniwala.

Tumango lang ako at nahihiya ako...

Natahimik ulit kami pareho at napapansin ko ang pigil niyang ngiti habang umiiwas ng tingin...

Konti na lang mapapangiti ko din si Sir Eros...

"Cyril... your so innocent, don't mind me asking but... have you ever masterbate?" Bigla niyang tanong.

Bigla na lang akong napa-nganga dahil sa tanong niya at...

"No... hindi ko nga po masimulan eh." Nahihiya kong sagot.

"What? For real?" Gulat niyang sabi.

Tumango lang ako at nahihiya...

"College ka na! Kailangan yun at baka magka-prostate cancer ka... gusto mo turuan kita?" Tanong niya.

Haaalllaaa!!!! Bakit ganito ang topic?

Nahihiya ako... hindi ako sanay makipag-usap tungkol sa mga ganung klaseng bagay...

"Ok... I'm sorry again... matututo ka lang din naman." Sabi niya.

Hindi ko na alam ang isasagot ko sa kanya at parang hiyang-hiya na talaga ako sa sarili ko...

Nagbihis na lang siya sa harap ko at...

"Punta na tayo sa birthday ni Era..."

Tumango na lang ako at sumakay na kami sa kotse niya na naka-park pala sa kabilang bahay...

Wala na kaming kibuan sa kotse niya hanggang sa makarating kami sa mansion at marami pa lang bisita si Era na puro bata... siguro mga classmates niya lahat...

"Kuya Cyril!!!" Sigaw ni Era habang tumatakbo palapit sa akin.

Bigla niya akong niyakap ng mahigpit at parang sobrang saya niya... niyakap ko din siya kasi parang kapatid ko na si Era...

"I miss you kuya Cyril..." Nakangiti niyang bati.

"I miss you too Era..." Sagot ko at napangiti na lang ako.

Kumalas na siya sa pagkakayakap at humarap siya sa akin... tumingin siya sa aming dalawa ni Sir Eros...

"Kuya? Bati na ba kayong dalawa?" Seryoso niyang tanong sa amin.

Nagtitigan na lang kami ni Eros at...

"Nag-sorry na ako..." Seryosong sabi ni Sir Eros.

"Yehey!!! Sabi ko na nga ba magbabati rin kayo eh..." Sabi ni Era na sobrang saya.

"So... hindi ka na ba galit sa akin?" Tanong ni sir kay Era.

"Hindi na po..." Nakangiting sagot ni Era sa kanya.

Ang cute nilang tignan. Ngumiti na lang ako pero umiwas ng tingin si Eros sa amin...

"Era... Happy Birthday pala... sorry walang gift si kuya Cyril." Seryoso kong sabi sa kanya.

"Hahahhh kuya naman... di ko naman kailangan ng gift kasi presence mo ang gusto ko." Nakangiti niyang sabi.

I felt her warmth... naramdaman ko na ang circle of love sa kanya na para ko talagang kapatid...

"Thank you Era... your so sweet." Nakangiti kong sabi.

"Thanks po... kain na po kayo ng handa ko at punta lang po ako sa mga classmates ko." Nakangiti niyang sabi.

Umalis na si Era at naiwan na lang kaming dalawa ni Eros dito malapit sa may pool at napansin ko na wala yung girlfriend niya...

"Hhhmmm sir nasaan po si Shane?" Tanong ko sa kanya.

"At bakit mo hinahanap?" Seryoso niyang tanong sakin.

"Kasi po birthday ng kapatid mo tapos wala po siya..." Sagot ko naman.

"May inaasikaso sa business ng family niya." Seryoso niyang sabi.

Ano kayang topic ang pwede kong i-open kay sir? Miss ko na kasing kausapin siya kahit maldito siya...

"Ano Cyril... kain na tayo?" Tanong bigla sa akin ni Eros.

"Busog pa po ako..." Sagot ko.

"Susubuan kita pag ayaw mo..." Seryoso niyang sabi.

Hala! Alam ko na gagawin niya talaga yun eh...

"Mamaya na lang po..." Nakangiti kong sabi.

"Ngayon na! Date tayo sa isang table." Seryoso niyang sabi.

Date? Eeheheh...

Hay naku! Alam ko naman na wala yun sa kanya pero bakit iba ang dating nun sa akin?

Bigla na lang tumunog ang phone ko...

Sinilip ko ito at nakita ko ang pangalan ni Luther kaya napangiti na lang ako at sinagot ko...

"Hi Luther! Bakit ka napatawag?" Masaya kong tanong sa kanya.

Napatingin ako kay sir at parang papatayin niya ako...

"Wala... miss lang kita agad eh. Punta ako sa bahay mo?" Tanong niya sa malambing na tono.

"Wala ako sa bahay... nandito ako kila Era kasi birthday niya..." Sabi ko at bigla na lang may humablot sa phone ko kaya nabitawan ko.

Nagulat ako ng makita ko na inagaw ni Sir Eros ang phone ko at galit niyang kinausap si Luther...

"Stop calling Cyril!!! You fucking asshole!!! Bastard!!! Dickhead!!!" Galit na sigaw ni sir at halos lumabas ang mga ugat niya sa leeg.

Nagulat pa ako sa sunod niyang ginawa sa phone ko...

Bigla niyang binato sa swimming pool yung phone ko!

Napa-nganga ako at parang tutulo ang luha ko dahil sa ginawa niya... yun nga lang ang phone ko eh...

Napatitig sa akin si sir ng mahimasmasan siya at kinausap niya na ako...

"Wag kang mag-alala... bibigyan kita ng phone yung mamahalin." Seryoso niyang sabi.

"Pero... yung sim ko po?" Naluluha kong tanong sa kanya.

"Bibilhan kita ng bago... alam ko naman na dalawa lang kami ni Luther ang naka-phone book doon eh." Seryoso niyang sabi.

Nakakahiya... totoo naman yun eh...

"At wag mong kakausapin si Luther sa phone kapag malapit ka sa akin." Seryoso niyang sabi.

"Huh? Bakit po ba?" Naguguluhan kong tanong sa kanya.

"I'm jealous..." Seryoso niyang sabi.

Totoo? Nag-seselos siya?

Baka wala naman yung ibang dahilan at may girlfriend siya... hay naku! Napaka-assuming ko rin...

Naglakad si Sir Eros paalis at pumasok siya ng mansion... naiwan naman akong mag-isa dito malapit sa may pool...

May kakaiba kay sir ngayon eh...

Kilala ko siya... suplado talaga siya pero bakit parang hindi naman siya ganito dati... wala naman siyang pakialam sa akin dati pero ngayon...

Hay ewan! Baka nag-over think lang ako sa mga nangyayari...

"Cyril!" Sigaw ng nasa likod ko.

Tumalikod ako at nakita ko si Sir Eros na nakaharap sa akin at nanlaki ang mga mata ko sa mamahaling phone...

"Hala! Mahal po yan sir!" Sabi ko.

"Ayaw mo?" Iritable niyang tanong.

"Hindi ko po tatanggapin yung ganyan kamahal." Sabi ko sa kanya.

"Fine! Para sa iyo pa naman ito... kung ayaw mo edi..." Sabi ni Sir Eros at parang ibabato niya sa swimming pool yung mamahaling phone.

"Sir wag!!! Tatanggapin ko na!" Napasigaw kong sabi.

Tumawa siya at nilagay niya na yun sa kamay ko...

"Sir? Itatapon mo talaga sa pool kapag di ko tinanggap?" Seryoso kong tanong.

"Oo! Kaya ko namang bumili niyan ng marami kahit itapaon ko pa lahat sa pool." Seryoso niyang sabi.

Grabe! Iba talaga si Sir Eros...

Kinalikot ko na lang ang phone at binuksan ko ang contacts... may nakalagay doon na...

Step dad...

Shane...

School Admin...

Era...

Babydoll...

Luh? Sino yung Babydoll? Na-curious ako at nang buksan ko ang contact na iyon ay number ko ang nakalagay...

Parang namula bigla ang mukha ko...

Babydoll ako ni Sir Eros?

Nakakakilig... ang sweet pero bakit niya yun nilagay sa akin...

"Uuhhmmm sir? Bakit babydoll?" Nahihiya kong tanong.

Nanlaki ang mga mata niya at bigla niyang hinablot ang phone...

"Shit!!! Di ko nabura!!!" Galit niyang sabi at parang namumula siya.

Bigla niyang binato yung phone sa swimming pool!

Luh? Ang mahal nun ah... saglit ko lang nahawakan pero binato na naman niya... naiiyak ako sa sobrang panghihinayang...

Sayang... pwede ko yung ibenta eh...

"Bakit binato mo ulit?" Naiiyak kong tanong sa kanya.

"Basta! Ibibili na lang kita!" Galit niyang sabi at parang nahihiya siya.

"Bakit po babydoll?" Tanong ko na lang bigla.

"Ah... eh... ah... eh..." Di niya matapos na sabi sa akin.

"Bakit nga po?" Seryoso kong tanong.

"Eh kasi mukha kang manika kaya yun yung nilagay ko! Masama ba?" Galit niyang tanong pero namumula siya.

And once again... nakita ko na naman na para siyang harmless kasi ang cute niya tingnan...

"Eh bakit po may baby kung doll lang naman pala ako?" Tanong ko ulit.

"Kasi... kasi... kasi... mukha kang baby." Pautal-utal niyang sabi.

"Tama! Hahaha oo nga! Kasi mukha kang baby na manika kaya babydoll." Sabi niya na parang nininerbiyos.

He act so weird... parang nagpapalusot lang siya...

Pinagpapawisan siya at parang hindi convincing yung dahilan niya...

Sandaling natahimik ang lahat at...

"Sir? Kailangan niyo po ba ako?" Tanong ko sa kanya.

Ewan... pero yun yung lumabas bigla sa bibig ko...

"Oo." Mabilis niyang sagot.

"As your PA?" Tanong ko.

Tumango lang siya...

"Sembreak na po... pag-iisipan ko na lang po ng mabuti." Sabi ko.

Umiwas lang siya ng tingin at mukhang dismayado siya...

Simula nun ay hindi niya na naman ako kibikibo... hanggang sa matapos ang birthday ni Era...

Umuwi na ako sa bahay at...

Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko si Luther na naghihintay sa labas ng bahay ko...

Napatitig na lang ako kay Luther habang siya ay kanina pa pala ako iniintay dito sa labas ng bahay at mukhang inip na inip na siya...

"Luther... kanina ka pa ba?" Nag-aalala kong tanong sa kanya.

"Oo... nag-alala kasi ako nung agawin ni Eros sayo yung phone at hindi na kita ma-contact." Seryoso niyang sabi.

"Sorry... binato niya ang phone ko sa pool pero papalitan daw niya." Mahinahon kong sabi.

Umiwas siya ng tingin at parang nagtatampo siya... Hala! Ayokong magtampo sa akin si Luther...

"Luther... sorry talaga." Sabi ko.

"It's not your fault." Seryoso niyang sabi sa akin.

"Eh bakit hindi ka na ngumingiti?" Nagtataka kong tanong.

Hindi siya sumagot at umiwas na naman siya ng tingin... alam kong nagtatampo siya at nakikita ko ang lungkot sa mga mata niya...

"Anong pwede kong gawin para hindi ka na magtampo sa akin?" Malambing kong tanong sa kanya.

Bigla siyang napatitig sa akin at ngumiti siya ng nakakaloko...

"Kiss mo ko..." Nakangiti niyang sabi.

"Luh! Ayaw ko..." Sagot ko.

Tumawa lang siya bigla at...

"Ganito na lang... kumuha ka ng mga damit at may pupuntahan tayo." Sabi niya at napangiti na siya.

"Saan tayo pupunta?" Nagtataka kong tanong sa kanya.

"Basta! Kumuha ka ng mga damit." Nakangiti niyang sabi.

Kumuha na lang ako ng mga damit ko at nilagay ko yun sa bag. Nagtataka talaga ako dito sa pinapagawa sa akin ni Luther...

Sumakay kami sa kotse niya at nag-drive na siya... medyo malayo din ang biyahe mga tatlong oras yun at huminto kami sa harap ng isang malaking bahay at medyo dumidilim na rin...

"Halika... pasok tayo sa loob." Pagyaya niya sa akin.

"Dito ka nakatira?" Nagtataka kong tanong sa kanya.

"Oo... nandiyan ang parents ko." Nakangiti niyang sabi sa akin.

"Kelan tayo uuwi?" Tanong ko.

"Uwi agad? Sembreak naman eh kaya dito ka na lang." Nakangiting sabi sa akin ni Luther.

Pumasok kami sa loob at parang lalo na lang akong lumiit kasi ang laki ng pintuan nila...

May sumalubong sa amin na mag-asawa at mukhang sila na nga yung parents ni Luther...

"Hi po... Good evening!" Nakangiti kong bati sa kanila.

"Hi... so ikaw pala yung nililigawan ng anak namin." Nakangiting sabi ng mama niya.

"Alam niyo po na..." Di pa ako tapos pero nagsalita na ang papa niya.

"Oo! Palagi kang kinu-kwento sa amin ni Luther." Nakangiting sabi naman ng papa niya.

"Totoo nga yung sinabi ni Luther... ang cute cute mo pala talaga." Sabi ng mama niya at biglang pinisil ang pisngi ko.

"Mama! Tama na yan!" Naiinis na sabi ni Luther.

"Eto naman! Nacu-cutan lang ako eh." Natatawang sabi ng mama niya.

"Ok lang po sa inyo na ligawan ako ni Luther?" Nagtataka kong tanong.

"Oo naman!" Sabay nilang sabi.

Napayuko na lang ako at nakangiti... pakiramdam ko ay namumula na ako dahil na-realize kong mahal na mahal pala ako ni Luther at pinakilala niya pa ako sa parents niya...

"Anak... pupunta dito bukas yung mga pinsan mo." Sabi ng papa niya.

"Talaga po? Mabuti at ipapakilala ko sa kanila itong si Cyril." Nakangiting sabi ni Luther.

"Balak mo ba akong ipakilala sa buong angkan mo?" Natatawa kong tanong sa kanya.

"Oo syempre! Kasi love kita..." Natatawa niyang sabi.

"Ahhh... ang sweet niyo." Nakangiting sabi ng mama niya.

Napangiti na lang ako at ganun din si Luther kaya natutuwa ako...

"Alam mo Cyril... exited kaya yung pinsan ko na si Raypaul at James na makilala ka." Nakangiti niyang sabi.

"Siya nga pala... kasama din yung boyfriend ni Raypaul." Sabi ng papa niya.

Boyfriend daw? Eh lalaki si Raypaul eh dapat girlfriend...

"Raypaul? Pero boyfriend?" Tanong ko sa kanila.

Tumawa lang yung mga magulang niya at ganun din si Luther...

"Oo! Nakipag-repaasyon siya sa lalaki." Nakangiting sabi ni Luther.

"Hahaaha lahi niyo pala yan." Tumatawa kong sabi.

Nagtawanan na lang kaming apat at ang saya palang kasama ng pamilya ni Luther. Masaya sila kesa sa pamilya nila Era...

"Mag-isang anak lang namin yang si Luther kaya sagutin mo na..." Nakangiting sabi ng mama niya.

"Oh... Cyril... sagutin mo na daw ako." Nakangiting sabi ni Luther.

"Ha? Eh kasi..." Hindi pa ako tapos at sumingit ulit ang papa niya.

"Naku Cyril! Wag kang magpadala sa para-paraan niyang dalawang yan." Natatawang sabi ng papa ni Luther.

Biglang kinurot ng mama ni Luther ang papa niya sa singit kaya nagulat ito at sobra akong natawa...

"Aray! Ano ba ang sakit ah..." Sabi ng papa niya.

"Ikaw talaga! Akala ko ba tutulungan natin si Luther?" Seryosong sabi ng mama niya.

"Nakakahiya kayong dalawa..." Sabi ni Luther habang kinakamot ang ulo.

"Sus! Kapag nagkatuluyan kayo eh baka mamaya mas malakas pa kayong magharutan kesa sa amin." Natatawang sabi ng mama niya.

Nakakatuwa talaga ang pamilya nila...

"Halika na... kain na tayo ng dinner." Nakangiting sabi ng papa niya.

Pumunta kami sa dining area at ang daming pagkain... puro pasta, salad, may steak, lobsters at marami pang mga seafoods...

"Hala! May fiesta po ba?" Nagtataka kong tanong sa kanila.

"Wala naman... special lang ngayon kasi bisita ka." Nakangiting sabi ni Luther sa akin.

Kumain na kami at galing pa ako sa handaan kanina tapos andaming pagkain ngayon... busog na busog na ako at parang anlaki na nang tiyan ko dahil sa pagkain...

Nang matapos ang dinner namin ay pumunta na kami ni Luther sa sala nila tapos nag-usap na lang kami...

"Nabusog ka ba?" Tanong ni Luther.

"Hindi ba halata?" Natatawa kong tanong.

Tumawa na lang kami pareho...

"Cyril... ihahanda ko lang yung kwarto natin ha?" Nakangiting sabi ni Luther.

"Huh? Tabi tayo matulog?" Nagtataka kong tanong sa kanya.

"Oo... ayaw mo ba?" Tanong niya.

"Kasi ano eh..." Di pa ako tapos at nagsalita na siya.

"Ano ka ba? Wala akong gagawing masama sayo... hanggang ngayon ba wala ka pa ding tiwala sa akin?" Seryoso niyang tanong.

Hindi na ako sumagot at napangiti na lang ako dahil sa sinabi niya...

Umakyat na siya sa kwarto niya at tumabi naman bigla sa akin ang mama at papa ni Luther...

"Ano Cyril? Mabait ba yung anak namin? Pogi ba? Type mo ba siya?" Sunod-sunod na tanong ng mama niya sa akin.

Natatawa na lang ako...

"Opo... mabait po si Luther, pogi naman po siya at tingin ko po ay hindi siya mahirap mahalin." Natatawa kong sagot sa kanya.

"Yes naman! Appear tayo diyan!" Sabi ng mama niya.

At nag-appear nga kaming dalawa... ang bait pala ng mama ni Luther at nakakatuwa talaga...

"Luther... kung sakaling meron kang hindi magustuhan sa anak namin ay bastedin mo na kaagad para hindi siya masyadong ma-broken heart." Seryosong sabi ng papa niya.

"Huh? Bakit naman po?" Tanong ko.

"Kasi... na-broken hearted na yan dati tapos kwento niya ay nakita ka daw niya sa school habang nagtatalo kayo ni Eros at sobra mo daw na-catch ang attention niya." Sabi ng papa niya.

So nakita na pala ako ni Luther nung nabasag ko ang phone ni Sir Eros...

"Kilala niyo po si Eros?" Tanong ko.

"Oo naman! Mag-bestfriend yan sila ni Luther dati eh..." Sagot ng mama niya.

Hala! Tama ba yung narinig ko?

"Huh? Talaga po? Mag-bestfriend silang dalawa dati?" Nagtataka kong tanong sa kaniya.

"Oo... si Luther na lang ang tanungin mo tungkol diyan." Sabi ng mama niya.

Nakakapagtaka... totoo talagang mag-bestfriend sila ni Eros dati? Pero anong nangyari at magka-away sila ngayon? Kaya pala magka-kilala sila ni Eros...

Bigla na lang merong nagsalita sa likod ko...

"Cyril... sleep na tayo." Malambing na sabi ni Luther.

"Ang aga pa..." Sabi ko sa kanya.

"Edi kwentuhan muna tayo doon sa kwarto ko." Nakangiti niyang sabi.

"Sige..." Sagot ko at aakyat na kami sa hagdan.

Lumingon ako sa parents niya at...

"Goodnight po..." Nakangiti kong sabi.

"Goodnight din..." Nakangiting sagot ng mama at papa niya.

Pumunta na kami ni Luther sa kwarto niya at nang isara niya ang pinto ay bigla na lang may nagsiksik ng kung ano sa ilalim ng pintuan...

Kinuha iyon ni Luther at nanlaki ang mga mata niya tapos napa-face palm nalang siya...

"Shit!!! Nakakahiya talaga!!! Baliw talaga ang parents ko." Naiinis niyang sabi.

"Ano yan?" Tanong ko.

"Ang lakas talaga ng topak nila at nagsiksik sila ng condom at lubricant sa ilalim ng pinto." Nahihiyang sabi ni Luther.

Parang na-bwisit si Luther at itinapon niya yung mga hawak niya...

"Cyril... pasensya ka na sa mga magulang ko." Seryoso niyang sabi.

"Ok lang... nakakatuwa nga sila eh." Nakangiti kong sabi.

Napakamot na lang siya sa ulo niya...

"Luther... pwede ba kitang tanungin ng personal na bagay?" Tanong ko.

"Oo siyempre... wala naman akong tinatago sa iyo eh." Sabi niya.

"Magkakilala ba kayo ni Eros dati? Bakit magka-away kayo?" Tanong ko.

Parang nabigla siya sa tanong ko at...

"Sige... iku-kwento ko sayo ang lahat." Seryoso niyang sabi.

Umupo kami sa kama at huminga muna ng malalim si Luther bago niya simulang mag-kwento...

"Bestfriend ko si Eros at Shane simula pagka-bata at sobrang close naming tatlo noon dahil sabay kaming lumaki. Na-inlove ako kay Shane at nagpatulong ako kay Eros na ligawan siya... pumayag naman si Eros at tinulungan niya ako pero bigla na lang nabalitaan ko na silang dalawa na pala..."

Parang maluha-luha ang mga mata ni Luther habang nagku-kwento...

"Dapat sinabi na lang sa akin ni Eros na may interes pala siya kay Shane... kaya ko naman kasing magpa-ubaya pero nilihim nila sa akin, sinaktan nila ako, pinaasa, trinaydor nila ako at higit sa lahat ay sinira nila ang magandang samahan naming tatlo."

Kwento ni Luther at bigla na lang may tumulong luha sa mga mata niya...

"Sorry Luther..." Sabi ko sa kanya.

"Ok lang... alam kong na-inlove ka na rin ngayon kay Eros pero kung pipiliin mo siya ay maiintindihan ko... hindi ako magagalit sa iyo." Sincere niyang sabi sa akin.

Yumuko na lang ako dahil alam ko sa sarili ko na mahal ko si Eros pero ayokong saktan si Luther...

"Basta... kung sakaling piliin mo siya ay sana magka-ibigan pa rin tayong dalawa ha?" Naluluha niyang tanong.

Bigla ko na lang siyang niyakap at...

"Maraming salamat Luther... hindi ko alam kung anong mangyayari pero hindi ko sisirain ang pagkaka-ibigan natin." Seryoso kong sabi habang nakayakap sa kanya.

"Thank you Cyril... I love you."

Napangiti na lang ako at ang bait pala talaga nitong si Luther...

"Paano... tulog na tayo." Nakangiti kong sabi sa kanya.

Humiga na kami sa kama at magkatitigan kami ngayong dalawa ni Luther kaya napangiti ako...

"Cyril... yung goodnight kiss ko?" Nakangiti niyang tanong.

"Ayaw... baka mamaya halikan mo ulit ako sa labi eh." Sabi ko.

"Edi ako na lang..."

Bigla niya akong hinalikan ng mariin sa pisngi at pakiramdam ko ay sobrang pula na ng mukha ko...

"Goodnight Cyril... I love you."

"Goodnight din..."

Natulog na kaming dalawa at niyakap ako ni Luther habang magkatabi kaming natutulog...

Kakagising ko lang at agad na akong naligo at nagbihis ng damit... nakakapagtaka at wala si Luther sa tabi ko nung nagising ako...

Bumaba ako ng hagdan at naglakad ako sa bahay nila Luther... malaki ang bahay nila, masaya ang pamilyang nakatira at mababait silang tao kaya ang swerte talaga nila sa buhay...

"Hi Cyril! Good morning!!!"

Lumingon ako at nakita ko ang parents ni Luther...

"Good morning din po..." Nakangiti kong bati sa kanila.

"Uuhhmmm Cyril... alis na kami nitong papa ni Luther kasi papasok na kami sa work." Nakangiting sabi ng mama ni Luther.

"Sige po... ingat po kayo." Nakangiti kong sabi.

"Pakabait kayong dalawa ah..."

"Syempre naman po." Sagot ko.

Umalis na ang parents ni Luther at naglakad ako sa bahay nila... napadaan ako sa kusina at nakita ko si Luther na nakatalikod at nagluluto...

Shocks!!!

Naka-brief lang siya at naka-suot siya ng puting apron...

Napalunok na lang ako at ang ganda ng katawan niya kahit nakatalikod kaya parang naiilang ako...

"Go... good morning Luther..." Nauutal kong bati.

Tumalikod siya at may hawak siyang plato na puro pancakes...

"Morning din Cy..." Nakangiti niyang bati sa akin.

"Ba..ba.kit naka-apron ka lang?" Nauutal kong tanong sa kanya.

"Uhhmmm... wala trip ko lang!" Natatawa niyang sabi sa akin.

Uupo na sana kami para kumain ng bigla na lang tumunog ang doorbell nila sa bahay...

"Wait lang Cy... pupuntahan ko."

"Sama ako!"

Naglakad kami papunta sa gate nila at may nakita ako na tatlong lalake... yung dalawa ay may hawig kay Luther kasi pareho silang gwapo, maputi, matangkad at tsinito pero red yung buhok nung isa... yung isa naman tan yung skin tapos sakto lang yung height at grabe! Mukha siyang angel...

Bakit ba napapalibutan ako ng mga nagga-gwapuhang mga nilalang?

Siguro siya nga yung kinu-kwento sa akin ni Luther na nakita niyang angel at grabe totoo nga...

"Good Morning mga insan! Morning din sayo Kith" Nakangiting bati ni Luther.

"Good Morning din." Nakangiting sabi nung tatlo.

Tumingin sila sa direksyon ko at parang natahimik sila bigla...

"Uuhmm... siya ba yung nililigawan mo insan?" Sabi nung lalake na kulay red yung hair.

"Oo insan... siguro pasok muna tayo sa loob kasi ang init dito eh." Natatawang sabi ni Luther.

Pumasok na kami sa loob ng bahay at pumunta kami sa dining area nila para kumain...

"Cyril... sorry nakalimutan kitang ipakilala sa kanila ng maayos." Nakangiting sabi ni Luther sa akin.

Tumingin si Luther sa mga lalaking kasama namin at...

"James, Raypaul at Kith... siya si Cyril and he is my angel." Nakangiting sabi ni Luther.

Parang kinilig ako bigla sa sinabi ni Luther...

"Hi Cyril!" Nakangiti nilang bati.

Ngumiti na lang din ako at mukha naman silang mababait na tatlo...

"Siya si James... chicboy yan!" Natatawang sabi ni Luther.

"Uy grabe ka sakin ah!" Sabi nung James kay Luther.

"Totoo naman eh hahah" Tumatawang sabi nung red ang buhok.

"Hahah... Cyril siya naman si Raypaul at siya si Kith yung boyfriend niya." Nakangiting sabi ni Luther.

Ngumiti na lang din ako sa kanila...

"Uuhhmmm ang cute mo..." Biglang sabi sa akin ni Kith.

"Thanks po kuya... mukha ka pong angel." Nakangiti kong sabi.

Syempre magkukuya ako sa kanya kasi mas matanda siya sa akin...

"Wow! You're so adorable Cyril." Nakangiting sabi ni Kith.

"Uuhhhmmm... Luther insan bakit ganyan yung suot mo?" Biglang tanong ni James kay Luther.

Napatingin na lang sila kay Luther at parang nagpipigil sila ng tawa...

"Trip ko ito eh para hot tingnan." Natatawang sabi ni Luther.

"Ray... ang cute talaga ni Cyril." Sabi naman ni Kith.

"Oo nga... pero mas cute ako." Seryosong sabi ni Raypaul.

Parang nagpipigil ng tawa si Kith sa naging sagot ni Raypaul... biglang kinurot ni Kith si Raypaul sa singit kaya nagulat kami...

"Hahah aray! Ang sakit naman oh." Naiinis na sabi ni Raypaul.

"Seloso ka kasi!" Natatawang sabi ni Kith.

Hindi ko alam na ang cute pala tingnan kapag naglalambingan ang dalawang lalake...

Biglang lumapit si Luther sa akin at may ibinubulong siya sa tenga ko...

"Cyril tingnan mo... balang araw ganyan din tayo."

Parang tumayo ang lahat ng balahibo ko sa sinabi ni Luther at pakiramdam ko namumula na ako...

"Uy! Wag nga kayong magharutan dito!" Inis na sabi ni James.

"Wag ka ngang inggit!" Sabay sabay na sabi ni Luther, Raypaul at Kith na parang bata.

Nagtawanan na lang silang tatlo at parang na-bad trip si James...

Natapos kaming kumain ng almusal at anlakas pala ng mga trip nila kaya tawa lang ako ng tawa kahit medyo out of place na ako...

"Mga insan laro tayo ng billiards!" Sabi ni James sa kanila.

"Sige... halika Kith sama ka." Nakangiting sabi ni Raypaul.

"Ayaw ko... magbo-bonding na lang kami ni Cyril." Natatawang sabi ni Kith.

"Sige... bahala ka. Halika na mga insan laro tayo ng billiards."

Umalis na sila at papunta sila doon sa billiard room ng bahay nila Luther...

Naiwan kaming dalawa ni Kith dito sa sala at parang tumahimik bigla ang paligid ng panandalian...

"Uuhhhmmm... Cyril punta tayo doon sa garden nila." Nakangiting sabi ni Kith.

"Sige po kuya..." Sagot ko.

Pumunta kami sa garden at namangha ako sa ganda nun kasi puno ng white roses kaya parang ang romantic tingan nung lugar...

"Maganda ba ang view Cyril?" Nakangiting tanong ni Kith.

"Opo kuya..." Namamangha kong sabi.

"Alam mo... si James na chicboy ang gumawa nito kwento niya sa amin."

"Talaga po? Para saan daw po at ginawa niya ito?" Tanong ko.

"Mahabang kwento eh... pero favorite ko kasi ang white roses kaya gusto ko dito." Nakangiti niyang sabi.

"Paano po kayo nagkakilala ni kuya Raypaul... pwede niyo po ba na i-kwento sa akin ang love story niyo?" Usisa ko sa kanya.

Ngumiti lang siya sa akin bigla at parang magkahalong saya at lungkot ang mga ngiti niya...

"Siguro... aabutin tayo ng magdamag kung iku-kwento ko pa sayo." Nakangiti niyang sabi.

"Mahaba naman po ang oras natin eh kung ok lang po." Sabi ko naman.

"Sige... ganito kasi yun. Nagkakilala kami dati sa school tapos sabihin na nating nagkagustuhan kami. Pinakilala niya ako sa parents niya at sobrang saya namin nung mga panahon na yun." Nakangiti niyang sabi sa akin.

Huminga siya ng malalim at parang mas naging seryoso siya....

"Tapos... nakagawa si Ray ng isang napaka-laking kasalanan sa akin na ikinabasag ng tiwala ko sa kanya. Gumuho lahat ng mga pangarap namin dahil sa ginawa niya." Nalulungkot niyang sabi.

"Huh? Ano na pong nangyari pagkatapos nun?" Tanong ko.

Huminga siya ng malalim at parang maluha-luha yung mga mata niya...

"Muntikan na siyang mawala sa akin ng tuluyan... pero pinaglaban ko siya at nung malapit ng mahuli ang lahat ay parang nagbago ang ihip ng hangin at minahal niya ulit ako."

Tumitig siya sa akin at...

"Madrama ang love story namin pero marami kang matututunan sa buhay..." Nakangiti niyang sabi.

"Ganun po ba? Nakikita ko po na mahal niyo talaga siya." Sabi ko naman sa kanya.

"Ikaw naman Cyril... hindi ko sinasabing piliin mo si Luther. Dapat piliin mo kung sino ang mahal mo." Nakangiti niyang sabi.

Parang tinamaan ako bigla sa sinabi sa akin ni Kith...

Tama siya pero... mahal ko si Sir Eros kaso hindi niya naman ako mamahalin. May girlfriend din si Sir Eros at imposible kung ipipilit ko ang sarili ko sa kanya...

"Nakikita ko... may mahal kang iba." Bigla niyang sabi.

"Pa...paano niyo po nalaman?" Nauutal kong tanong sa kanya.

"Secret... pero kung ako sayo piliin mo yung mahal mo." Nakangiti niyang sabi.

"Pero imposible po yun..." Nalulungkot kong sabi.

"Cyril... alam mo ba kung paano mo malalaman na yung tao na yun ang nakatakda para sayo?" Seryoso niyang tanong na sakin.

"Paano po?" Nagtataka kong tanong sa kanya.

"Kapag dumating yung oras na kapag tumitig ka sa kanya... bumilis yung tibok ng puso mo, pakiramdam mo walang ibang tao at magkahalo ang lungkot at saya sa paligid niyo." Seryoso niyang sabi sa akin.

Naramdaman ko na ba yun dati?

Siguro hindi pa pero... totoo kaya ang sinasabi niya sa akin?

"Kith!!! Uwi na tayo!"

Nagulat kaming dalawa ni Kith at lumingon na lang kami... nakita namin sila Luther, James at Raypaul...

"Nag-uusap pa kami ni Cyril eh nang-gugulat kayo diyan." Natatawang sabi ni Kith.

"Eeeiii... uwi na tayo..." Malambing na sabi ni Raypaul.

"Sige... uuhhmmm Cyril uwi na kami at wag mong kakalimutan yung mga sinabi ko sayo." Nakangiting sabi ni Kith.

"Opo kuya..." Nakangiti kong sabi.

Umalis na ang mga bisita at naiwan na lang kaming dalawa ni Luther dito sa bahay nila...

Tumatak sa akin yung mga sinabi ni Kith at sa tingin ko ay malaki ang pagkakaiba naming dalawa...

"Cyril my love... anong pinag-usapan niyo ni Kith?" Nakangiting tanong ni Luther.

"Hahah anong my love ang sinasabi mo?" Natatawa kong tanong.

"Bakit ba? Eh sa love na love kita eh." Sabi niya na parang bata.

Natatawa na lang ako sa mga pinag-gagawa ni Luther...

"So... ano nga pinag-usapan niyo?" Usisa niya sa akin.

"Secret na lang..." Nakangiti kong sabi.

"Ay... sige bahala ka." Sabi niya na parang nagtatampo.

Ngumiti na lang ako at ang cute pala tingnan ni Luther kapag nagtatampo siya kaya natatawa ako...

"Cy..." Seryoso niyang sabi.

"Mmm? Bakit Luther?"

"Kiss mo ko..." Nahihiya niyang sabi.

"Ayaw ko..." Mabilis kong sagot.

Parang nagbago ang aura na pumapalibot kay Luther at tinitigan niya ako na parang may balak siya...

"Uuhhhmm Luther nakakatakot ka." Kinakabahan kong sabi.

Nakatitig lang siya sa akin at lumalapit siya na parang may gagawing masama kaya kinakabahan ako at napapa-atras na lang ako...

"Walang tao dito sa bahay at tayong dalawa lang..." Sabi ni Luther na parang nadedemonyohan.

Lalo akong kinabahan sa sobrang takot at napapaatras na lang ako ng lakad habang palapit siya sa akin...

"Luther natatakot ako... a.anong gagawin mo?" Kinakabahan kong sabi.

"Laro tayo Cyril..." Sabi niya at ngumiti siya ng nakakaloko.

"A..anong laro?" Nauutal kong tanong.

"Habulan tayo... kapag nahuli kita ay hahalikan kita."

"Se...ser..yoso ka?"

Bigla na lang siyang tumakbo papunta sa direksyon ko kaya parang tumayo lahat ng balahibo ko...

Bigla na lang akong natauhan at tumakbo na lang din ako bigla dahil kinakabahan ako sa gagawin ni Luther sa akin...

"Wag! Uy Luther wag!" Sigaw ko habang tumatakbo.

Wala siyang naririnig at hinahabol niya lang ako...

Umikot kaming dalawa sa pool at nakakapagod dahil ambilis niyang tumakbo kaya natatakot ako...

"Di mo na ako mahahabol... iikot lang ako sa pool." Sabi ko.

"Anong hindi?"

Biglang nag-dive si Luther at shocks!!!

Ambilis niyang lumangoy!

Sinara ko ang pintuan sa pool area ng bahay nila... mukhang wala na siya kaya tumakbo naman ako papunta doon sa gate nila...

Ng malapit na ako sa gate ay nakita ko si Luther na naka-abang...

Shocks!!! Paano siya nakapunta dun?

"Takbo Cyril!!!" Tumatawa niyang sigaw sa akin.

Tumakbo ako pabalik sa loob ng bahay at umakyat ako sa 2nd floor... ambilis din niyang maka-akyat sa hagdan kaya lalo akong kinabahan...

Binuksan ko ang unang pinto at putek!!!

Bakit naka-lock? Parang maiiyak na ako dahil walang pag-asa na makatakas ako...

"Baby Cy... malapit na ako." Nakakatakot na sabi ni Luther.

Binuksan ko lahat ng pinto at putek!!!

Bakit ba lahat naka-lock?

Tumakbo na lang ako sa dulong room at tumayo na lahat ng balahibo ko dahil dead end na...

Napasandal na lang ako sa pader at hinihingal na ako sa kakatakbo...

"Cyril my love pinahirapan mo ako..."

Huminto si Luther sa harapan ko at hingal na hingal din siya...

"Luther... maawa ka naman sakin. Wala kang mapapala sakin eh." Naiiyak kong sabi.

"Meron kaya..." Sabi niya at tinitigan niya ako mula ulo hanggang paa at napakagat siya sa labi niya.

Lumapit siya sa akin at napapikit na lang ako... ramdam ko ang hininga niya sa leeg ko...

"Luther... wag please..." Naiiyak kong pagmamaka-awa sa kanya habang nakapikit.

Bigla niyang hinawakan ng mahigpit ang dalawa kong mga kamay at idiniin niya sa pader...

Naramdaman ko ang pawis at mainit niyang katawan kahit nakapikit ako dahil brief lang ang suot niya...

Bigla na lang akong nakaramdam ng labi na dumampi sa pisngi ko at unti-unting binitawan ni Luther ang mga kamay ko...

Napadilat na lang ako bigla kasi parang tumigil na siya...

"Bakit tumigil ka?" Nagatataka kong tanong sa kanya.

"Bakit? Ano ba ang gusto mong gawin ko sayo?" Tanong niya na parang nagtataka.

Akala ko may gagawin na talaga siyang masama sa akin... kinabahan ako ng sobra kanina...

"Kanina kasi akala ko may masama kang gagawin eh..."

"Pwede rin naman kung payag ka..." Sabi niya at ngumiti siya ng nakakaloko.

"Kinabahan ako sayo..." Sabi ko at napabuntong-hininga na lang ako.

"Halika... igagawa kita ng milk shake sa kusina."

Naglakad kaming dalawa papunta sa kusina at hindi ko maiwasang mapatingin sa pawis niyang abs...

"Uuhhmm... Luther magdamit ka na."

"Ayoko nga... damitan mo ako kung gusto mo." Nakangiti niyang sabi.

"Baka mamaya magkasakit ka eh..."

Nagpunas na lang siya ng tuwalya at nakalimutan ko na pawis na rin pala ako sa kakatakbo kanina...

"Luther lagyan kita ng pulbo sa likod." Nakangiti kong sabi.

Tumakbo ako sa kwarto para kumuha ng polbo doon sa bag ko... sabi ng mama ko masama daw ang matuyuan ng pawis kaya lagi akong may polbo...

Bumaba na ako sa kusina at nakita ko na lang si Luther na naghahanda...

"Lagyan kita ng pulbo." Nakangiti kong sabi.

Nilagyan ko ng pulbo ang katawan ni Luther at hindi na ulit siya pawis kaya ok na...

"Thank you cy... ang sweet mo kahit hindi pa tayo." Nakangiti niyang sabi.

Parang kinilig ako dun ah...

"Lagyan mo din ako ng polbo..." Nakangiti kong sabi sa kanya.

Tinaktak niya ang polbo sa kamay niya at tinaas ko ang damit ko para malagyan niya ang likod ko...

Antagal ko ng nakatalikod pero parang wala namang gingawa si Luther...

"Luther lagyan mo na... bakit nakahinto ka lang diyan?" Nagtataka kong tanong.

"Ay sorry..." Sabi niya na parang natauhan bigla.

Naramdaman ko ang kamay niya na humahaplos sa likod ko at parang nanginginig siya...

"Shet! Ang kinis mo..." Bulong niya pero hindi ko narinig.

Binaba ko na ang damit ko at humarap na ako sa kanya...

"Thanks Luther..." Nakangiti kong sabi.

"Si..sige gagawa na ako ng milk shake." Kinakabahan niyang sabi.

Naghalungkat siya ng mga ginagamit para sa shake...

"Hala! Wala ng fresh milk..." Gulat niyang sabi habang naghahalungkat.

"Anong gagamitin mo?" Tanong ko sa kanya.

"Modtakels..." Mahina niyang bulong pero narinig ko kasi kami lang ang tao sa bahay.

"Luther ano yung modtakels na sinasabi mo?" Nagtataka kong tanong.

Bigla na lang niyang nabitawan yung mga hawak niya kaya nahulog lahat at parang naging bato siya...

"Na..narinig mo yung sinabi ko?" Kinakabahan niyang tanong.

Nagtataka na lang ako sa reaksyon niya at lalo siyang pinapawisan...

"Ano ba yung modtakels? Masarap ba yun Luther?" Nagtataka kong tanong.

"Oo... ma..masa..rap yun." Nauutal niyang sabi sa akin.

"Talaga? Saan nakakakuha nun? Penge naman ako..." Nakangiti kong sabi sa kanya.

"Uuuhhhmmm Cy... ano kasi eh..." Kinakabahan niyang sabi.

"Masustansiya ba yun?" Tanong ko.

"O...oo! Masustansiya yun!" Kinakabahan niyang sagot.

"Talaga! Saan gawa yun?" Tanong ko ulit sa kanya.

"Oh my God... please forgive me." Biglang sigaw ni Luther.

Napa-pout na lang ako ng nguso kasi naguguluhan ako sa kanya...

"San Pedro na may hawak ng susi sa kalangitan pakiusap ilayo niyo po ako sa tukso." Sabi ni Luther na parang nag-oorasyon.

"Sige na... penge ako ng modtakels diba masarap naman yun? Di pa kasi ako nakakatikim nun eh." Nakangiti kong sabi habang pinipilit siya.

"Inang birheng Maria pakiusap patigilin niyo si Cyril!"

"Huy! Anong nangyayari sayo penge ako ng modtakels..." Sabi ko sa kanya.

"Cyril please... next time na lang." Kinakabahan niyang sabi.

"Sige sabi mo eh..."

"Whooo!!!" Sigaw ni Luther na parang nabunutan ng tinik.

Natahimik na lang kaming dalawa at melon shake na lang ang ginawa ni Luther at powdered milk na lang ang nilagay niya...

Ang sarap pala gumawa ng shake ni Luther... nakakawala ng stress...

Pag-inom ko ng melon shake ay parang nawala na ang init sa paligid...

"Thanks Luther ah... ang sarap nito... next time yung modtakels mo naman ang titikman ko." Nakangiti kong sabi sa kanya.

Bigla na lang nag-face palm si Luther at pulang-pula na ang mukha niya...

Itutuloy...........

No comments:

Post a Comment

Read More Like This