Pages

Thursday, May 11, 2017

Taste of A Sailor (Part 4)

By: JR the sailor

Nagising ako sa aking mahimbing na pagkakaidlip nang naramdaman kong may nagbukas ng pintuan at pumasok sa kwarto, dumating pala ang nurse para icheck ang kalagayan ni Stef. Kinuha  ang body temperature at Blood pressure nito. Gayundin ay pinainom sya nito ng gamot. Napako ang mga mga mata ko sa orasan na nakasabit sa taas. Alas 9 na pala ng gabi. Kinuha ko ang cellphone ko na kanina pa tumutunog. Nagulat ako ng makita na maraming tawag at mensahe mula sa aking Ina at kay Jacob. Nakalimutan ko nga palang ipaalam sa kanila ang mga nangyari.

“Stef, saglit lang ha lalabas lang ako saglit kasi tatawag ako sa bahay ” nagamamadali kong sabi sa kanya. Wala syang naging reaksyon at tumingin lang sa akin, mabilis kong tinahak ang pintuan palabas ng kwarto..
 Pagkatapos kong ipaalam sa kanila ang mga nangyari ay bumalik agad ako , at tumungo sa higaan ni Stefano. Kami na lang dalawa ang nasa silid na iyon.At nakatingin sya akin at tila may gustong sabihin. Biglang binasag ko ang katahimikan.

“Stef? Wala ka bang balak ipaalam sa family mo kung ano ang nangyari sayo?” nag aalinlangan kong sabi.

“Yes, I've already asked the nurse to call my parents ,I gave them their contacts and anytime soon  they will come”, malamig nitong tugon sa akin.

“Ah ok”, matipid kong tugon sa kanya.

“Kaya pwede ka ng umalis at iwan ako, kaya ko na ang sarili ko”, masungit na utos nya sa akin.

Grabe talaga tong taong to, damang dama ko na hindi pa rin sya komportable na magkasama kami sa iisang kwarto sa isip isip ko na lamanga

“Hindi ako aalis dito hanggat wala pang magbabantay sayo”, pagmamatigas ko sa kanya.

“But before I forgot, Can you explain to me now kung bakit mo ako tinulungan?” Seryoso nyang tanong sa akin

“Huh? Kailangan pa bang itanong yan?” , Sarkastikong tugon ko sa kanya

“I have no time para makipagbiruan Hindi ko alam kung nag ka amnesia ka ba or nababaliw ka na ba sadya, I just want to remind you. It's me STEFANO MONTENEGRO ang taong gumulpi at nagdulot sayo ng pasakit sa buhay! Remember?” nagtataka nyang paliwanag sa akin.

“Wait, una hindi ako nagka-amnesia,mas lalong hindi pa ako nababaliw, at nasa tamang pag iisip pa ako” medyong inis kong sabi sa kanya.

“Ayaw kong sapitin ng iba ang naranasan ko , kahit na hindi maganda ang naging pakikitungo mo sa akin, hindi maatim ng konsensya ko na pabayaan ka na lang, kaklase kita, bestfriend ka ng kaibigan ko, at ginawa ko lang ang dapat kong gawin , hindi maling tulungan ang taong nangangailangan Stef”,pagpapatuloy ko at nakita kong nakakunot ang kanyang noo habang nakikinig halatang hindi naniniwala sa mga paliwanag ko.

“STUPID! Do you even think I will buy that reason!? Huh? Dapat kinamumuhian mo ako! Dapat  naging masaya ka sa sinapit ko!! Dapat pinabayaan mo na lang ako para makaganti ka! Dapat hinayaan mo na lang ako mabugbog! Yun naman talaga ang gusto mong mangyari di ba? Am I right? Oh kaya naman may gusto ka lang hinging kapalit? Pabuya ba ang gusto mo ?” Malakas na bulaslas nya sa akin at Sobra akong nabastusan ako sa mga sinabi nya. Nakakapangliit..

Tila binuhusan ako ng malamig na tubig sa mga salitang lumabas sa kanya .Ramdang kong umakyat na ang dugo sa aking ulo. Sobra na akong nainis sa kakitidan ng utak nya. Hindi man lang nya naisip ang pagmamalasakit ko sa kanya. Mukhang balewala lahat. Hindi ko na nga napigilan ang sarili ko that time at………

PAAAKKKKKKKKK!! isang mabilis at malakas na sampal sa mukha ang dumapo sa kanya. Ang mga luha sa aking mga mata na kanina ko pang pinipigilang pumatak ay sumuko na rin at nag umpisa nang dumaloy pababa. Sobrang sama na ng loob ko. Pagkatapos ng lahat ng ginawa ko ay ganun pa ang iniisip nya, after all hindi pa rin nagbabago ang tingin nya sa akin.
Hindi ko na rin napigilan ang sarili ko, bumakas na ang aking mga labi at tinaasan ko na sya ng boses…

“DAPAT ANO? SIGE! ITULOY MO PA! DAPAT TANGGAPIN MO SA SARILI MO NA HINDI LAHAT NG TAO KAGAYA MO! HINDI LAHAT NG TAO PAGHIHIGANTI AT GALIT ANG NASA PUSO! HINDI LAHAT NG TAO MAKASARILI KATULAD MO STEF! HINDI LAHAT NG TAO KASING KITID MONG MAG-ISIP! SIGURO DAPAT HINAYAAN NA LANG TALAGA KITANG GULPIHIN NG MGA ADIK NA YUN? BAKIT? KASI BAKA SAKALI MATATAUHAN KA STEF! BAKA SAKALING MAALOG ANG UTAK MO AT  MAISIPAN MONG HUMINGI TAWAD SA MGA GINAWA MO SA AKIN! BAKA SAKALING SANIBAN KA NG KONSENSYA! BAKA SAKALING PASALAMATAN MO AKO KASI LIGTAS KA NGAYON !OO TAMA KA! MAY GUSTO AKONG HINGING KAPALIT, YUN AY SANA MAGBAGO KA NA! NA SANA BUKSAN MO ANG MGA MATA MO SA MGA TAONG NAGMAMALASAKIT SAYO!”

Halos hindi na ako makahinga dahil sa bigat ng emosyon na aking nararamdaman. Halos sumabog na ang dibdib ko dahil sa sama ng loob. At…..

“ANG SAMA SAMA MO! LAGI MO NA LANG AKO PINAPAIYAK, LAGI MO PINAMUMUKHA SA SARILI KO KUNG GAANO KABABA ANG TINGIN MO SA AKIN! HINDI KO NA ALAM ANG GAGAWIN KO PARA IPAINTINDI SAYO NA HINDI AKO KATULAD NG INIISIP MO?” Para akong batang humagulhol sa oras na yun, medyo namamalat na rin ang aking boses dahil sa tensyon na nangyari

Patuloy sa pag agos ang mainit at maalat na tubig sa aking mata at pinili ko na tumalikod na lang, pinupunasan ko ang ang tubig na bumasa buong kamukhaan ko gamit ang aking mainit na  palad.

“Sa…. labas...na...lang siguro... ako maghihintay, tawagin mo na lang ako kung may kailangan ka...Doon muna..ako..habang….hindi..dumadating.ang...Parents mo,at mas makakabuti siguro….kung…iiwan muna kitang mag isa..” , garalgal kong sabi sa kanya habang pinipilit kinakalma at pinatatahan ang sarili. Sa oras na yun ay hindi pa rin sya nagsasalita, hindi ko alam kung ano tumatakbo sa isipan ng taong to at wala na rin ako pakialam dun ..hindi na ako komportable sa sitwasyon naming iyon. Dalawa lang kami sa silid na yun pero parang ang sikip ng mundo para sa amin.

Akmang hahakbang na ako para umalis palabas ng kwarto ay ikinagulat ko ang ginawa nya.. Bigla nyang hinawakan ng marahan ang braso ko,

“PLEASE DON'T LEAVE”,  pakiusap nya sa akin, nagulat man ako’y nagpatuloy lang ako , hindi ko sya pinansin at hahakbang muli sana ako ng…….

“EDWARD S..SSORR..RRY” , mahina nyang sabi sa akin at tila hindi ako makapaniwala sa aking narinig
Lumingon ako sa kanya na tila nagtataka sa mga binitiwan nyang salita.
“What?” habang pinupunasan ko ang mga luha sa aking mukha

“SORRY”,pag uulit nya habang nakatingin sya sa akin, nangungusap ang mga mata nya na parang nagsasabing ibigay ko ang kapatawaran na kanyang nais.

“SORRY If I cause too much pain to you.Sorry, for treating you very wrong. Sorry If I judged you without knowing you first. Sorry for being too selfish, Sorry for being inconsiderate, Sorry for being so insensitive. Sorry for bringing agony to your life . Sorry if I am the reason of your tears. Sorry for the all things Ive done to you. Sorry If I Fuck up big-time. Sorry Edward, sorry for everything. Please forgive me, I am such a fuckin coward to realized my mistakes”, sunod sunod nyang paghingi ng paumanhin sa akin,pansin kong emosyonal na rin sya nung oras na yun. Sobrang nararamdaman ko ang sinseridad ng bawat salitang namumutawi sa kanyang labi. Tila nanaginip lang ako habang pinapakinggan ang mga sinasabi nya. Hindi makapaniwala na ang isang egocentric at mapride na kilalang tao ay magpapakumbaba at hihingi ng tawad sa isang katulad ko. Para akong nabunutan ng malaking tinik sa dibdib.

“Sa mga masasakit na salita na nasabi ko sayo , alam kong hindi ko na mababawi yun pero humihingi pa rin ako ng paumanhin”, malungkot nyang pagpapatuloy.

 Hindi ko maiisip sa tala ng buhay ko na mangyayari ang pagkakataong yun. Na hihingi sya ng kapatawaran sa akin. Tulala pa rin ako at walang binibitawang salita. Umupo ako sa tabi ng kama nya at tiningnan sya sa mga mata. Tinuyo ko muna ang aking luha sa mata.

“Matagal kong hinintay ang pagkakataon na ito Stef” mahinahon kong sambit sa kanya at hinawakan ko sya sa kanyang balikat.

“Matagal na kitang pinatawad Stef kahit never ka pa humingi ng sorry sa akin, kailanman ay hindi ako nagtanim ng galit sayo,  Oo syempre nung una halos isumpa na kita, pero ewan ko ba hindi ko kayang patagalin ang inis at galit ko sayo,” pagpapaliwanag ko sa kanya habang tahimik lang sya nakikinig.

“Sampal ko lang pala ang gigising sayo eh hindi ko intensyon na saktan ka, ikaw kasi eh,” medyo natatawa kong sabi sa kanya

“Medyo masakit yun ha! Lakas mo palang sumampal” Sabay hawak sa kabilang pisngi at medyo natatawa

“Gusto mo sa kabila naman para pantay? Hahaha Joke!” At tumingin ako sa kanya habang tumatawa.

“Pasenysa na kung naging duwag ako, na umabot pa sa ganito para maamin ko ang pagkakamali ko  sayo Edward , na natakot akong matapakan ang pride ko”, malumanay nyang sabi sa akin

“Alam mo? Sobrang sarap nga sa pakiramdam na yung STEFANO na kilala bilang mayaman,matigas ang puso,mayabang,maangas, mapagmataas at masama ang ugali ay hihingi ng sorry sa akin” pagbibiro ko ulit sa kanya.

“Grabe naman yun! Kulang pa yung description mo ng GWAPO AT MASARAP” seryoso nyang sabi.

“Hahahaha feeling ka rin no?” Kasabay nang malakas kong tawa.

“Totoo kaya? Sabihin mong hindi Edward!” Tugon nya habang nakangiti

“Wow! Finally! Nakita ko na rin yang ngiti mo, tagal nyang nagtago ahh, saka first time mo ako tinawag sa pangalan ko, at sabay kami nagpakawala ng malakas na tawa.

Ang sarap nyang pagmasdan habang tumatawa, mas lalo syang gumagwapo, MY GOD! Kamukha nya talaga si Ian Veneracion nung kabataan pa nito. Hindi ko napansin nakatulala na rin ako sa kanya.

“Ui! May dumi ba ako sa mukha?Baka matunaw ako nyan”. Tanong nya sa akin.
“Ahh ehh, wala ahh, tinitingnan ko lang ang mga sugat mo at yung may parte na nasampal ko”, pagsisinungaling ko sa kanya

“Weeeeh? Liar! Eh ganyang ganyan din ang naging tingin mo sa akin nung una tayo nag kita.Nung nadumihan ko ang damit mo? Remember? Hahhah” pang aasar nya sa akin.

“Wag ka nga dyan, Change topic na!” hahaha defensive kong sagot sa kanya

Habang nag aasaran at nagtatawanan kami ay muling bumukas ang pintuan. Pumasok bigla si Jacob at tila mangha mangha sa kanyang nasasaksihan.

“FOR REAL? MALI ATA ANG ROOM NA PINASUKAN KO?” nagtataka nyang tanong sa amin ni Stefano

Ui Jacob, nandyan ka na pala! masaya at excited kong bati sa kanya.

“I cant believed whats happening? Suntukin mo nga ako Edward para magising ako sa panaginip na to”, nagtataka pa ring tanong nya.

“Yes Bro, I dont know what Edward did to me. Its quite weird Right?” natatawa nyang sabi kay Jacob.

“Exactly! Kilala kita, hindi ikaw yung tipong magpapakumbaba,I think it's EDWARD'S MAGIC again”,paliwanag ni Jacob

“Teka, Anu nga ba ang nangyari Edward at nabugbog tong si Stefano” , balik na tanong sa akin ni Jacob

At Isinalaysay ko nga sa kanya lahat ng nangyari kanina.

“Akalain mo nga naman Stefano? Who would have thought na yung taong kinaiinisan, ay sya pa pala ang magmamalasakit sayo?” Haha natatawang reaksyon ni Jacob.

“Oo nga eh.. Nakakahiya nga..
Wait, Edward, san pala galing yung binigay mong pera sa mga lalaki kanina?” Nagtatakang tanong ni Stef

“Ahh, yun ba? Allowance ko yun for this month bilang scholar ng school. Buti nga binigay ng office agad kundi wala akong pang ransom sayo kanina” paliwanag ko kay Stef .

“WHAT!?You've sacrificed the only money you have for the whole month  just to save me?” gulat na tugon ni Stef at tinaas ko lang ang kilay ko bilang pagsang ayon sa sinabi nya.

“Naku wag mo na alalahanin yun, Pera lang yun, kaya pang pagtrabahuhan. At first nanghinayang talaga ako kasi malaking tulong talaga sa akin yun at sa magulang ko, pero nung nanganib na buhay mo, hindi na ako nagdalawang isip pa” pagsasalaysay ko sa kanila

“Don't worry Edward, Ibabalik ko sayo yun. Kasalanan ko naman lahat eh, saka in the first place sa akin naman talaga sila humihingi eh, wika ni Stef

Mga ilang saglit pa ay dumating na rin ang parents ni Stefano. Mukhang kagalang galang at makikisig rin ang mga ito.Tantya ako ay nasa early 40s pa lang edad nila. At hindi mapapagkaila na halatang galing sa marangyang pamilya. Alam ko na kung saan nakuha ni Stefano ang kanyang angkin na kagwapuhan.

“Jesus Christ! My son! What happened to you my baby?” Tila gulat at naaawang bungad ng ina ni Stef. Ako naman ay napatawa ng palihim dahil sa tinawag si Stef na “baby” ng kanyang mommy.

“Oh Son! Tell us, sino ang gumawa nito sayo!”, medyo seryosong sabi naman ng kanyang daddy.

At sinabi nga ni Stef kung anong nangyari.Bawat detalye mula umpisa hanggang matapos. Pati kung paano ko sya tinulungan. At biglang humarap sa akin ang Mommy ni Stef at bigla akong niyakap.

“Thank You so much Hijo for saving my son's life. Hindi ko alam kung paano ako magpapasalamat sayo.Youre such a brave guy”,malambing na wika sa akin habang hindi pa rin sya bumibitaw sa pagkakayakap.

“Naku wala po yun Maam , ginawa ko lang po yung alam kong tama”, nahihiya kong tugon sa kanila

“Thank You Hijo, Buti na lang andun ka para kay Stefano” , bati naman ng daddy niya

“What do you want Edward as a reward? New Car?I Condominium unit? Just tell us what do you want” at nagulat ako sa mga sinabi nila alam kong gusto lang nilang bigyan ako ng gantimpla dahil sa ginawa ko pero mali kung tatanggapin ko ito.

“Maam at Sir,Pasensya na po, wala po akong hinihinging kapalit mula sa inyo, sapat na po sa akin yung SALAMAT at yung naappreciate nyo yung ginawa ko para kay Stef”, nahihiya kong tugon sa kanila

“No, this is mandatory reward for you Hijo, dahil utang namin sayo ang buhay ng  BABY namin at mabuti kang bata”, well kami na lang ang mag dedecide kung ano ibibigay sayo kasi alam kong hindi ka namin mapipilit, Right? seryosong paliwanag ng Mommy ni Stefano,at napangiti muli ako dahil sa turan kay Stef ng kanyang ina.

“Mom! Stop calling me BABY in front of my friends! My God! , malaki na ako”, medyo naiinis na sabi ni Stef.

“Eh di BIG BABY na lang, di ba malaki ka na”, pang aasar naman ng daddy nya

At hindi na namin napigilan magpakawala ng malakas na tawanan.
Naging sentro si Stefano ng asaran at kulitan sa kwartong yun. Nakakatuwa ang mga magulang ni Stef. Talagang baby na baby ang turing sa kanilang Unico Hijo. Napakamasayahin, hindi nakakailang kasama, kung iisipin ay galing sila sa isa pinakamayang pamilya sa aming lugar. Nakakamangha lang.

Pagkatapos ng ilang oras pang kwentuhan ay dumako at naupo sa tabi ng kama ni Stefano ang parents nito at inaalam ang lagay niya. Medyo lumalalim na rin ang gabi at ramdam na ramdam ko na ang pagod at pagkaantok.

“Uhmm Maam at Sir, magpapaalam po sana ako na uuwi muna ako ng bahay at bukas na lang po ulit bibisita”, marahan kong pamaalam sa kanila.

“Naku Hijo, pasensiya ka na at hindi man lang naisip ang kalagayan mo, ginabi ka na tuloy”, nag aalala nilang sabi sa akin

“Sige Hijo, ipapahatid na lang kita sa Driver pauwi”, sabat naman ng Daddy ni Stef.

“Don't worry Tito, ako na maghahatid dito kay Edward” tugon naman ni Jacob

“Ahh sige Jacob mag iingat ka sa pagmamaneho,

“Sige po, Mauuna na po kami at hindi ko na rin po gigisingin si Stef mukhang tulog dahil sa pagod” , pamamaalam ko sa kanila.

“Sige Edward, Maraming Maraming Salamat talaga sa lahat tulong mo”, tugon nila, binigyan ko lang sila ng matamis na ngiti at umalis na nga kami ng kwartong iyon. At Hinatid na nga ako ni Jacob pauwi ng bahay. Ko

KINABUKASAN, Alas 7 ng umaga ay nakatanggap ako ng text mula kay Jacob na inilabas na daw ng Hospital si Stef at mabuti na daw ang kalagayan nito. Hindi naman kasi naging ganun kagrabe ang natamo nitong bugbog at sa bahay na lang sya magpapagaling. Dahil dun ay hindi ko na rin itunuloy ang aking lakad na bisitahin si Stefano mukhang maayos na naman ang kanyang lagay. Magpapahinga na lang ako sa bahay maghapon.

     Nalinis ko na naman ang buong bahay at nagawa ko na rin ang mga assignments ko sa School , wala naman akong pupuntahan kaya matutulog muna ako. Kapipikit pa lang ng mata ko ng biglang tumunog ang aking Cellphone. Unregistered number. ang lumabas sa screen. Nagtataka man akoy sinagot ko rin ito.

“Hello?”Bati ko sa kabilang linya

“Hi, Is this Edward Rosales?” Tugon naman nito sa akin.

“Yes, ako nga ano po kailangan nila?” Nagtataka kong tanong

“Wala.. Sssi.. Stte..fano.. Stefano to”, pautal utal na tugon sa akin ng aking kausap.

“Si Stefano Montenegro?!” Gulat kong wika sa kausap ko

“Ohh bakit pala napatawag ka?” Nagtataka kong tanong sa kanya

“Ahmm gusto ko lang sana magthank you sayo, hindi na kasi tayo nagkita bago ka umalis eh, hindi na tuloy ako nakapagpasalamat sayo Edward”, malambing nyang tugon at nawirduhan ako sa tono ng boses nya.

“Ahh yun ba, hindi na kita ginising kagabi kasi mahimbing na ang tulog mo at alam kong kailangan mo na rin magpahinga. Dadalaw sana ako ngayon sa Hospital kaso nakalabas ka na pala” paliwanag ko naman.

“Ahh ganun, Edd-wward? May.. gagawin kka ba?” Tila nabubulol nyang tanong

“Ahh wala naman Bakit ?”

“Pinapasabi.. ng Mom and Dad ko kung gusto.. mo raw.. maglunch..dito sa bahay? Inimbitahan ko rin si Jacob, susunduin ka na lang sa nya if pumayag ka.” Tila kinakabahan nyang paanyaya sa akin. (Really? Sa bahay nila? With them? Nakakahiya ata?) at isang malalim na buntong hininga ang aking pinakawalan ko.

“Edward? Are you still there? ,Magagalit ang parents ko kapag hindi kita napilit” pakiusap ni Stefano sa akin.

“Sige na nga, May iba pa bang tao kasama dyan?” Nag aalinlangan kong sagot

“Basta, Don't worry ako bahala sayo,Sige tatawagan ko na si Jacob para sunduin ka. Bye”. Mabilis nyang Pinatay  ang cellphone at nagulat ako sa mga huling sinabi na yun ni Stef

(Really? Ako pupunta sa bahay nang taong halos isuka ako dati? I think ang parents naman nya siguro ang nag iinsist,bulong ko sa aking sarili)
Matapos kong ihanda ang sarili at ilang saglit pa ay dumating na rin si Jacob para sunduin ako.

Nakarating na nga kami sa bahay nina Stef. Nalaman kong nakatira sila sa High-end na subdivision dito sa aming lugar gaya rin nina Jacob (What should I expect?)  Halos mapanganga ako sa nakikita ng aking mata. Literal na Mansyon ang bahay nina Stefano. Napakaganda ng pagkakadisenyo ng bahay, pinaghalong modern style at Mediterranean ang struktura. Gate pa lang, nakakamangha na. Para akong batang palingalinga sa mga bagay na nasisilayan. Napansin kong maraming sasakyan na nakaparada sa labas ng Mansyon nila. Ibigsabihin ay madaming tao sa loob. Biglang lumakas ang kabog ng puso ko. Halos wala na akong marinig kundi ang tibok nito. Pinagpapawisan na rin ako ng malamig.

“Dont worry Edward! Wag kang kabahan, Just be yourself”, nakangiti nyang payo sa akin.

“lIsang buntong hininga lang ang ginanti ko sa kanya. At nagpatuloy kami sa paglalakad papasok sa bahay

Napansin kong may karamihan ang tao sa may living area.Mas lalo tuloy akong kinabahan, tila nagdadalawang isip na ako kung tutuloy pa ba? My God Edward! Anu na naman ba itong pinasukan mo!Akala ko ba  lunch lang? Bakit ang daming tao ? Bakit parang may celebration?

“Anung meron Jacob? Akala ko tayo lang ang tao? Hindi naman ako nainformed na may family reunion pala dito.” Pagbibiro ko sa kanya habang kinakabahan pa rin

Nakasanayan na nila kasi kapag Sunday at free silang lahat ay nagkakaroon sila ng get together.

“Ahhhhh. Kaya pala! Pwede bang umuwi na lang ako? Di ako bagay dito”, pakiusap ko kay Jacob.

“Hindi ka talaga Bagay dito! Kaya umalis ka na” Seryosong sabi ni Jacob sa akin na talaga kinalaki ng mata ko at natigilan ng saglit

“Kasi alam mo kung saan ka bagay?” TAYO ANG BAGAY Edward, Tayo! at isang malakas na tawa ang pinakawalan nya.

“Nakakainis ka Jacob! Wag ka nga magbiro ng ganyan”, sabay suntok na mahina sa kanyang braso.

“Ssshhhh, anu ka ba Edward, andito naman ako hindi kita pababayaan”, sabay hila sa kamay ko at tumungo kami sa dining room. Napansin kong nakita ako ng mga magulang nina Stef. At lumakad sila palapit sa akin.

“Edward! Buti nakarating ka”, masaya nyang bati sabay yakap sa akin ng mommy nya.

“Hi Edward, Nice to see you again” bati naman sa akin ng Daddy ni Stef.

“Maraming pagkain sa dining table, huwag kang mahihiyang kumain ha,” wika ng mag asawa sa akin at tanging tango lang ang naisagot ko.

“Si Stef ay nasa kwarto pa nya, siguro mamaya ay bababa na yun”, paliwanag ng ama nito

“Jacob yung  mga kaibigan nyo ay inimbitahan din ni Stef andun sila sa may likod, sa may Pool area” ,ani ng mommy ni Stef.

“Sige, Stef kumain ka ng marami ha and feel yourself at home, At babalikan ko lang yung Roasted Chicken ko sa oven,. Maiwan ko muna kayo saglit”. Tila nagmamadaling sabi ng ina ni Stef.

“Edward, ipapakilala kita sa mga pinsan at friends namin ni Stef, andun sila may pool area” sabay hila na naman sa akin ni Jacob.

 Medyo mahabang lakarin din yun dahil sa laki ng lugar. Pagdating namin duon ay nakapalibot sila sa isang round glass table at parang nag iinuman, napansin nila ang pagdating namin ni Jacob at biglang dumako lahat ng tingin nila sa amin especially sa akin.Pamilyar sa akin ang iba sa kanila dahil parehas lang kami ng school na pinapasukan. Nakita ko ang isang babae na  tiningnan ako mula ulo hanggang paa, yung isang lalaki naman ay tila may binulong sa katabi nya, at sabay silang nagbigay ng mahinang tawanan Ramdam kong may mali at biglang may nagsalita sa isa mga ito

“Hey Dude! Msta na?” Bungad ng isang lalaki sa kasama ko.

“Hi Jacob! ? How are you? It's been a long time since nung nagkita tayo”, bati sa kanya ng isang magandang babae, at nkipag beso ito sa kanya. As in sobrang ganda nito, kahawig nya si Kristine Hermosa during her younger years at napansin kong iba ang tingin nya kay Jacob.

“Hi Stacey! Oo nga eh, Its nice to see you again,Kamusta ka na?”, tugon sa kanya ni Jacob

Biglang kumanta yung mga kasamahan nya ng..
“Muling ibalik ang tamis ng pag ibig”
“Muling pagbigyan ang pusong nagmamahal”

Biglang nag iba ang pakiramdam ko, hindi ko maiexplain, parang hindi ako naging komportable sa sitwasyon nila, parang nakakaramdam ako ng inggit, inis or kung anuman. Ang wirdo ng aking nararamdaman . Sakit sa dibdib mga bes!

“Aba nandito din pala ang iba, Hi Margaux!  Blake, Nikko, Tristan and Nathalie”, bati ni Jacob sa mga ito)

“Oo nga pala si Edward, kaklase at Kaibigan ko” pakilala ni Jacob sa akin sa mga kaibigan nya. Ngunit wala silang naging reaksyon sa sinabi ni Jacob na yun, kahit smile or HI man lang ay walang bumati sa akin. Mas pinili nilang  tumingin  sa screen ng IPhone nila at hindi ako pinansin. Kahit sobra akong napahiya at nanliit sa nangyari ay hindi ko na lang pinahalata. Parang tinutusok ng maliliit na karayom ang puso ko.

At biglang hinila si Jacob ng isang lalaki sa kabilang table na may mga bote ng alak sa gitna. Siguro ay nag iinuman sila.

“Dude, Please join us here ” sabi nung isang lalaki na medyo lasing na ata. Tumingin lang sa akin si Jacob na parang humihingi ng tulong pero tinanguan ko lang sya at sumenyas ng Okey.

“Ilang shot lang mga Pre ha, may bisita kasi ako”, dinig kong sabi ni Jacob
Hinayaan ko na lang si Jacob baka kasi kung pigilan ko ay sabihan akong KJ ng barkada nya at umupo na lang ako sa may table kung nasaan din sina Stacey.

Dahil sa pag aakalang baka hindi lang nila nadinig ang pagpapakilala sa akin ni Jacob sa kanila ay pinili ko na lang magpakilala ulit.
“Hi Stacey, Im Edward Nice to meet you”, bati ko sa kanya habang inabot ko ang kamay ko para makipag kamay. Tulad ng inaasahan ko, ay hindi nya ako pinansin bagkos ay tinalikuran pa ako. Nagmukha akong tanga sa tagpong yun. At dinig ko ay nagpakawala sila ng mahinang tawanan.
“As If, We're going to stoop down to his level,” dinig kong binulong ni Stacey sa katabi nya.

“Social Climber haha” Mahinang sabi nung isa Pero malinaw na narinig yun ng aking tenga.

“San ba napulot ni Jacob yan?”

“Kung alam lang nya ang dahilan kung bakit sya kinakaibigan ni Jacob ay malamang wala na syang mukhang ihaharap .”

Hahahaha poor guy!  Pahabol pa ng mga ito.

Bigla akong natigilan sa sinabi nilang yun. Tila naging malaking palaisipan ang huli nilang sinabi. Ano kaya ang ibig sabihin nila dun. Hayyyyyyyy

Dapat kasi hindi ka na lang pumunta dito Edward. Ang tanga tanga mo kasi! Hindi ka na natuto. Bulong ko sa aking sarili.

Pilit na ngiti lang ang naging reaksyon ko sa nangyari upang itago ang pagkadismaya sa ugali ng mga tao na nasa harap ko. Hindi ko alam kung napapansin ba ni Jacob mula sa kabilang table na hindi na ako komportable sa sitwasyong yun. Gustong gusto ko na umuwi, siguro hahanap lang ako ng tyempo mamaya. Biglang tumayo si Jacob mula sa kabilang lamesa at lumapit sa akin

“Edward, Ayos ka lang dyan?” Sabi sa akin ni Jacob
 Tumango lang ako at sumenyas na OK lang.

“Pupunta lang ako saglit sa CR ha, ikukuha na rin kita ng pagkain after . Just stay there. Ok? pamamaalam nito sa akin. At lumakad na nga sya palayo at naiwan ako mag isa sa mga kaibigan nya

Nang biglang…

“Wow ha, Ginawang alila yung first love mo Stacey!” , medyo may kalakasang sabi ng isang babae sa harap ko, halatang may pinatatamaan.

Ipagpapalit ka na nga lang sa lalaki pa or let's say sa bakla pa! Hahahaha sabi nung lalaki na katabi ni Stacey.

“Bakit ba sya nandito? Who invited him?” Dagdag pa nung isa.

“Kahit sino sino na lang kasi ang kinakaibigan ni Jacob haha

Hindi naman ako manhid para hindi malaman na ako ang pinatatamaan nila. Sobra ng nakakabastos, at nakakapahiya ang sinasabi nila sa akin. Nakakapanliit ang salitang pumapasok sa tenga ko. Kung hindi lang ako nahihiya sa parents ni Stefano, kanina pa ako nag eskandalo . At pinili ko na nga lang manahimik at hindi gumawa ng eksena. Lumaki man akong mahirap, hindi naman akong pinalaking bastos ng magulang ko, hindi gaya nila.

Dahil hindi ko na maatim ang mga sinasabi nila ay pinili ko na lang umalis at umuwi na.Itetext ko na lang si Jacob na nauna na akong umalis. At tuluyan na nga akong tumayo at akmang hahakbang palayo sa kanila.

“Ooppss San kaya sya pupunta? Guys, keep your things with you baka mawala at may kumuha nyan,mahirap na!” Sigaw ni Stacey sa mga kasama nya

“Tama nga ang kwento  ni Stefano satin? He's annoying!” Pahabol ng mga ito

Sa Tingin ko ay kinukwento ako ni Stefano sa mga kaibigan niya. Nung panahon na hindi pa kami nagkakaayos at galit na galit pa sya sa akin. Punong puno na talaga ako at hindi ko na kinayang manahimik na lang. Tumigil lang ako saglit at humarap sa kanila bumukas bigla ang bibig ko, hindi ko napigilan ang aking sarili.

“ Excuse me guys, total ako na rin naman ang  pinag uusapan nyo eh so makikisali na rin ako, para naman hindi nakakahiya at nakakabastos sa inyo,” sarkastiko kong Sigaw sa kanila at alam kong natigilan sila saglit.

“First, Gusto ko lang sabihin na before you say something about someone else please verify things first.”  Its quite funny that you don't know anything about me, then It was easy for you to give your own judgement? JUST WOW!
Anyways Im so thankful na makilala ko ang mga taong naglalaan ng oras para pag usapan lang ang buhay ko, I feel so honored and special”,pagpapatuloy ko sa kanila.

“Secondly, Tama nga yung sinasabi nila, there are lot of things that YOU RICH PEOLE cant buy? How about MANNERS and INTELLIGENCE? HUH? Do you have any idea kung ano yun?! For sure wala! Wala naman kasi alam gawin ang mga BRAT and  PACOOL KIDS na katulad nyo! “

“OOoppss! Sorry! Does it hurts?” Kasabay pakawala ng mahinang tawa

“Another thing, Before opening your mouth, I'm  begging you to CONNECT YOUR TOUNGE TO YOUR BRAIN FIRST! UNLESS DILA LANG MERON KAYO?hahahahahahahhahahaha like what the old saying tell us , ANG LATANG WALANG LAMAN, MAINGAY! If you know what I mean! SEE YOU AROUND! BYE! Hahahhahahaha Habang nagpakawala ako ng malakas na tawa ay taas noo akong lumakad palayo sa kanila. Iniwanan ko silang nakatulala at parang natigilan. Bago pa man ako makalayo ay narinig akong mga kamay na pumapalakpak sa hindi kalayuan. Napansin kong nandoon si Stef at ang parents nya, mukhang kanina pa sila at nasaksihan ang nangyari, parang tinamaan tuloy ako ng hiya.

“Hahaha, very well said Edward, I hope these bunch of kids have learned their lessons,Your sharp words are enough to make them startled” tila masayang sabi ng Daddy ni Stef sa akin

“Ako na ang humihingi ng paumanhin sa inasta ng mga kaibigan ni Stef sayo, Nakakahiya bisita ka namin, You shouldn't be treated like that. Dont worry Hijo I will talk to their parents para mapagsabihan sila” nang biglang nagtayuan at unti unting umalis palayo sina Stacey at ang kaibigan nito, pawang nakayuko parang hiyang hiya sa nangyari.

“Bilib na talaga ako sayo Edward, yan ang Edward na nagpalunok ng pride ko hahaha Biruin mo yun? Napatameme mo silang lahat!” natatawang wika ni Stefano.

“Hoy! May atraso ka pa sa akin ha, Ikaw kaya ang dahilan kaya sila galit na agalit sa akin” paliwanag ko sa kanya sabay ng mahinang suntok sa braso

“Saka ko na sayo ipapaliwanag, alam mo naman siguro na ibang Stefano yun”, tugon nya sa akin

“Tama na yan, pasok muna tayo sa Loob Edward, alam kong hindi ka pa kumakain, Nasaan pala si Jacob?”, tanong ng mommy ni Stef

“Hindi ko rin po alam, sabi nya kanina ay ikukuha lang nya ako ng pagkain Pero hindi na po bumalik” tugon ko naman.
At naglakad na nga kami Papunta sa loob ng bahay nina Stef at sinamahan nila akong kumain. Napakainit ng pagtanggap nila sa akin, asikasong asikaso nila ako. Ang sarap sa pakiramdam na hindi tulad ng kaibigan nina Jacob at Stef ay napakaganda ng trato sa akin ng mga magulang nito.

“Edward nagmamadali ka ba? Tambay muna tayo sa room ko, sabay hila sa kamay ko patungong hagdanan  dahil sa 2nd floor ang kwarto nya. Napakaganda talaga ng bahay nina Stef. Parang palasyo sa laki! Nakkatuwang isipin na ilan lang silang nakatira dito.

“Aba Stef! Himala ata at nagpapapasok ka na ngayon ng ibang tao sa kwarto mo” gulat na sabi ng Mommy nito

“Oo nga,  kahit nga barkada mo  ayaw na ayaw mong tumambay dyan maliban kay Jacob”, Kahit kami ng mommy mo, eh inis na inis ka kapag pumupunta kami sa kwarto mo.

“Ganun talaga Mom and Dad, kaibigan ko na kasi ngayon si Edward! Right?” Sabay tingin sa akin na tila humihingi ng pagsang-ayon

“Wait lang Stef pag iisipan ko muna haha” pagbibiro ko sa kanya.

“Haha Choosy ka pa talaga, Ayaw mo bang magkaroon ng kaibigang GWAPO!” Pagmamayabang nito at sabay nagpacute na parang bata

“Hahahaha, Ang taas talaga ng self confidence mo. Sige na nga! FRIENDS?” at inilahad ko ang kamay ko para makipagshakehands.

“FRIENDS!”masayang sigaw naman nya sa akin. At nakita kong nakangiti lang at pinapanood lang kami ng magulang nya.
 “ Mom and Dad, akyat muna kami sa kwarto, Bye!” pamamaalam nito sa kanila

“Edward Tawag ka lang ha kapag tinopak na naman ang baby namin” natatawa sabi ng mommy nito.

“Sige po Tita and Tito, tatawag ako agad kapag may ginawang hindi maganda ang BIG BABY nyo”, tugon ko naman at tumawa lang kami ng malakas.

“Stop that “BABY THING” na yan,” Halika na nga Edward, tila asar na tugon ni Stef

“Opo BABY este Stef pala” habang pinipigilan ko pa rin tumawa

“Isa pa! Kapag hindi ka tumigil, Ikaw ang gagawin kong BABY!” pagbabanta nito sabay kindat sa akin! MY GAWD! Stef! halos mahimatay ako sa sinabi nyang yun, at ramdam kong namumula na ang aking buong mukha dahil aa kilig at hiya pero kahit alam kong biro lang yun hindi ko pa rin maiwasang kiligin.

“Para kang Baliw! Tara na nga sa taas”, at pinipigilan ko pa rin ipakita ang saya
na naiidulot ng mga sinabi nyang yun.

Sa kabilang banda ay nagtataka ako at hindi na ako binalikan ni Jacob. Iniwan na lang nya ako mag isa kina Stef. Sinubukan ko syang tawagan dahil nag aalala na rin ako sa kanya ngunit wala man lang syang reply at hindi sinasagot ang tawag ko. Ano kaya ang ibigsabihin nung sinabi ng kaibigan nina Stef? Kung bakit lang ako kinakaibigan ni Jacob? Anu kaya yun. Gulong gulo na isipan ko. Tatanungin ko na lang sya kapag nag usap kami….. ITUTULOY.

No comments:

Post a Comment

Read More Like This