Pages

Monday, May 15, 2017

Sa Piling ng Isang Bituin (Part 1)

By: Kairos Fryle

Hello po sa mga KM readers, Kairos po ulit. Nagbabalik para maglahad ng isa na namang natatanging kwento. Nagpapasalamat po ako sa lahat ng bumasa ng "Tatlong Bibe" at sa lahat ng magagandang komento. Nawa'y lalo niyo pang tangkilikin ang bawat kwento ng buhay na mailalathala dito. Maraming salamat po.

Si Kuya Mark Eljan, 27, nakilala ko siya dito sa Dubai gamit ang app na Wechat at naging matalik na kaibigan. Matangkad nasa 5'9, maputi, mala-modelo ang kisig, may isang dimple at sobrang makinis. Wala ka ng mahihiling pa sa itsura niya. Bubble butt. Sobrang gwapo at talagang kahanga-hanga ang bawat anggulo ng kaniyang katawan. All-in-one ang datingan.

Nagsimula ang lahat sa Wechat, February 2014. Hindi naman ako pala download ng mga apps sa Iphone na gamit ko. Lalo na mga "friendly dating sites" kung tawagin. Ni-recommend lang ito ng isang kaklase ko na nandito sa Dubai din. Dahil na rin sa curiosity, sinubukan ko naman. Gumawa ako ng account gamit ang totoo kong pangalan at picture. Dahil wala pa akong alam sa kalakaran, hindi ko masyado sinersoyo ang mag-online. Nakakaboring kasi noong una as in walang kwenta.

Lumipas ang mga araw, at naisipan kong buksan ang wechat ko. Nagulat nalang ako sa dami ng greetings at kung ano ano pang nakakabwesit na sinend sakin. Naka-disable pala ang notifications ko kaya hindi nag-appear kapag may nagmessage sakin. May larawan ng mga burat. At ang pinakanakakainis andaming bwesit na ibang lahi ang panay tanong kung magkano ang rate ko for one night stand. Peste. Nakakabadtrip. Blocked agad sila sakin.

Inisa-isa ko lahat ng messages at napansin kong napakadaming pinoy ang nag-aaya ng kung ano anong trip. Lahat ng di kaaya-aya. Blocked. May nag-iisang naka-agaw ng attention ko. Isang mensahe galing kay kuya Mark. Siguro dahil may itsura din kaya naging interesado ako sa message niya.

Mark: Hi little bro. Bago ka dito?
Me: Opo. Nakakabwesit po pala dito. Lahat yata tigang at sabik sa sex.
Mark: Hahaha grabe naman yang term mo. Wag mo namang lahatin. May matitino naman dito. Gaya ko.
Me: Ha? So iba ka sa kanila? Nako! nako! Wag ako bro. Lokohin mo lilong mo.
Mark: oo nga! Di naman lahat ng nandito malibog at hindi naman lahat gusto sex. May mga gusto ring makipagkaibigan lang.
Me: If you say so.
Mark. 23? Ang bata mo pa pala. Talagang pag aagawan ka dito kasi ang cute mo sa DP.
Me: hay nako kung alam ko nga lang talaga na ganito ang kalakaran dito hindi na sana ako gumawa ng account.
Mark: ok lang yan. Nasa sayo naman kung papatol ka o hindi. Wala naman sila magagawa kung ayaw mo.
Me: ok. (Binisita ko profile niya at andaming picture niya all around the world ang nakapost)
Mark: so bakit ka ba nasa wechat?
Me: sabi kasi ng baliw kong classmate maganda dito. Badtrip nga e. Iba pala kalakaran dito. Sextrip ang galawan pala dito.
Mark: so di ka pumapatol sa lalaki?
Me: nope (as if naman, tatlo na nga experience ko sa tatlong bibe)
Mark: ako din e. Naglilibang lang ako dito.
Me: ok. Sabi mo e.
Mark: wag kana magsungit. Di mo bagay little bro.
Me: whatever!
Mark: grabe ka naman. Baka iniisip mo katulad din nila ako?
Me: exactly.
Mark: grabe ka. Hindi po ako ganun.
Me: kdot (at hindi na siya nagreply)

Balak ko na sana i-uninstall ang app kaso ewan ko ba. Hinayaan ko lang sa phone ko. Inisip ko nalang for fun nalang siguro ang pagbisita ko kung sakali. Lumipas ang mga araw naisipan ko ulit buksan. Night time around 10pm na. Pero this time wala ng messages. Turned off na kasi ang location ko kaya hindi na ako masagap sa "people nearby". Liban sa message na galing kay kuya Mark.

Mark: hello cute. Masungit pa rin?
Me: paki mo?
Mark: grabe masungit pa rin talaga. Please na. Wag ka na masungit.
Me: wala kang pakialam kung masungit ako!
Mark: bat parang mainit lagi ang ulo mo? May problema ka ba?
Me: wala kang paki!
Mark: grabe ansungit talaga. Alam mo ilibre nalang kita ng Icecream. Anti stress din yun.
Me: thanks but no thanks
Mark: sige na. Gusto ko lang naman makipagkaibigan sayo.
Me: ayoko. Kaya ko naman po bumili ng icecream pag gugustuhin ko. Thanks anyway.
Mark: sige kahit anong pagkain nalang. Treat ko. Sige na please. Di naman ako masamang tao.
Me: wala akong sinabi. Ikaw nag isip niyan.
Mark: di naman po kita sasaktan o ipapahamak. Please.
Me: makulit ka rin po kuya no! Wag po ako. Iba nalang.
Mark: ewan ko ba. Kahit angsungit mo, magaan loob ko sayo.
Me: wag ako.
Mark. Sige na please. After this di na kita kukulitin. Please?
Me: sige mapilit ka ha. Bumili ka ng salted caramel na rabbit ang design sa ibabaw plus mug ng Seattle's Best Cinnabon. Pag nagawa mo yan, I'll keep talkin' to you.
Mark: deal kelan mo gusto.
Me: asap

Di na siya nagreply. Around 30 minutes siguro ng magsend siya ng picture sakin. As requested salted caramel na rabbit ang design sa ibabaw ng takip nga lang at may nakabox na red mug ng Seattle's Best Cinnabon. Hawak niya pareho at nakangiti sa picture nakapambahay ang mokong. Dun ko lang napansin ang kagwapuhan niya. Mala-anghel ang kisig at dating. Naisip ko siguro seryoso talaga siya makipagkaibigan sakin. What to do? Talo ako sa deal.

Mark: nandito ako sa ghurair (nearest shopping center sa bahay). Antayin nalang kita ha. Nandito na request mo (caption ng photo)
Me: matutulog na ako kuya. Thanks anyway.
Mark: grabe ka naman. Nag-effort pa man din ako. Wag ka namang ganyan. Seryoso naman ako.
Me: sino ba nagsabi sayo na seryoso ako?
Mark: ganun? So pinaasa mo lang ako? Hindi naman ako masamang tao bro. Pero kung ayaw mo talaga makipagkaibigan sakin. Sige po salamat po sa lahat.

Para akong nakonsensya sa last message niya. Ang lolo niyo kasi masyadong hard to get at sobrang assuming. Baka kasi manloloko din siya at iba naman talaga ang habol niya. Ok fine. Hindi kinaya ng konsensya ko kaya nagmessage ako around 2:30am sa kanya.

Me: still up?
Mark: paki mo?
Me: ay! Ay! Ay! Nagtataray na rin. Ok bye.
Mark: bakit ba kasi? Paaasahin mo na naman ako?
Me: nope. Actually gusto ko lang magsorry. That's it. I know nag effort ka and I appreciate it naman. Baka naman kasi isipin mo wala akong puso.
Mark: it's ok. Siguro masyado lang po talaga ako mapilit.
Me: arte mo!
Mark: ayan na naman siya. Nagsususngit na naman.
Me: eh yan mas gusto mo e. Nga pala, san na yung pinabili ko? Kahit yung mug lang.
Mark: andito (nagsend siya ng picture ng binili kanina. Still the same. Nilagay niya sa ref yung pinabili kong drinks)
Me: aiwa. Kulang nalang ipa-frame mo a.
Mark: hindi ako mahilig sa ganyan. Wala namang kakain dito samin. Mag isa ko lang.
Me: ok po. Keep it that way. Kukunin ko baka bukas.
Mark: talaga??? Sabi mo yan ha. Hihintayin kita.
Me: yallah, matutulog na po ako. Goodnight.
Mark: goodnight bro.

Kung di ba naman nakakabwesit ang shift ko sa work, haist 12noon-8pm. Si kuya Mark unang nagmessage sakin around 7am.

Mark: bro anong oras ka pupunta?
Me: check ko po. Baka 8am po.
Mark: ok bro. Excited here.
Me: K
Mark: sungit naman. Umagang umaga.
Me: san tayo meet?
Mark: sa bahay nalang.
Me: address po?
Mark: likod Juice World 2. Pangalawang building 7th floor. D7*** Yung parang apartment na puro salamin.
Me: ok copy. Pero hindi ba pwede sa ghurair nalang.
Mark: basta sa bahay nalang po.
Me: K

Hinintay na niya ako sa baba ng building. At ng makita ko siya dalawa lang nasabi ko. SH*T TANG*NA. Buti nalang hindi ako nagsusuot ng panty kundi nalaglag na pagkakita ko palang sa kanya. Ano bang meron sa mga taong ganito? Bakit ang perfect nila? Nakakainis! Para tuloy slow motion ang lakad ko palapit sa kanya. Nagmamadali niya akong sinalubong.

Mark: finally bro nakita din kita in person. Ang cute mo sa personal.
Me: ah eh.. salamat po. Kayo din po. Gwapo.
Mark: ikaw lang nagsabi sakin niyan bro (Sabay halakhak)
Me: wag ako. (Sabay pasingkit ng mata)
Mark: joke lang. ito naman di na mabiro. Tara sa taas. Papakilala kita kina tita.
Me: ha? May ganun pa ba? Grabe di ako ready. Akala ko ba mag-isa ka lang?
Mark: oo naman. Tiyak matutuwa yung mga yun. Mag-isa ako kagabi lang. Well, misinterpreted mo yata.
Me: uwi nalang ako bro.
Mark: lika na. Naghihintay na sila. (Sabay hawak sa kamay ko at hinila na ako papasok ng building)

Kinakabahan ako. Pano kung nagsisinungaling siya na nandun mga tita niya? Na ang totoo mag isa lang talaga siya at may balak siyang masama. Pano kung rapist siya? Paktay na. Napasubo na. Pagbukas niya ng pinto. Bumungad ang apat na naggagandahan at nakangiting mga babae. Halatang medyo nagulat sila nang makita ako pero poise pa rin. Medyo may mga edad na. Pero halata sa kanila na may kaya sila sa buhay. Mapuputi. Sosyal. Naka-alahas pa. Nasa bahay lang naman. Ediwow.

Mark: mga tita, I present you, Kairos Fryle. My best friend.
Me: magandang umaga po sa inyo.
Aunties: magandang umaga din hijo. (Sabay isa isa bumiso sakin)
Mark: Kairos meet my titas. Si tita Monique, 32 from Australia, tita Arvie 36 at tita Solenn 39 from New York at si tita Yvone 41 from England. Si mommy Ashley on the way palang from Philippines. Magkakapatid sila.
Me: nice to meet you all po. Hehe di po ako ready.
Mark: ano mga tita? Di ba kamukhang kamukha niya! Di ba? Di ba?
Auntie Yvone: kamukha nga niya talaga. No wonder bakit ka talaga interesado sa kanya.
Auntie Solenn: honestly, nagulat din ako pagkakita ko sa kanya. Akala ko siya talaga si.. (di na niya tinuloy ang sasabihin niya)
Auntie Arvie: let's not talk about the past. Ang mahalaga nakikita natin na masaya na ulit si Mark. After a very long time. Look. We're able to see that great smile again.
Me: ano po bang meron? Sino pong kamukhang kamukha? Di ko po kayo maintindihan.
Auntie Monique: nako hayaan mo na yun hijo. Anyway, kumain ka na ba? Mark ipaghain mo naman ang bisita natin. (Pag iiba niya ng usapan)
Me: ah maraming salamat po tita pero tapos na po.
Mark: ah ganun ba? Pwedeng dito ka muna Kairos? Kahit ilang oras lang.
Me: ah eh.. may pasok po kasi ako kuya 12-8pm.
Mark: ah i see. Pero pwede bumisita ka ulit bukas? Papakilala kita kay mommy. I'm sure matutuwa yun.
Me: titingnan ko po kuya ha.. depende po kasi sa schedule ko.
Auntie Arvie: or if you want dito kana matulog mamaya hijo. We'll be happy to hear more about you.
Me: ah iche-check ko pa po tita kung papayag si mommy.
Mark: sige na please. Kahit ngayong gabi lang. sina tita magpapaalam sayo sa mommy mo? Right mga titas?? (Thumbs up yung apat)
Me: check ko muna kuya. (Sabay kamot ng ulo)
Mark: basta balitaan mo ako mamaya ha.. para maihanda ko higaan natin.
Me: natin???? (napalakas kong bulalas)
Mark: oo naman. Parang gulat na gulat ka? Alangan namang tatabi ka kina tita? Syempre sa kwarto ko tayo matutulog.
Me: ah i see. (Sabay pilit na ngiti nalang para matapos na usapan)

Nilibot ako ni Kuya Mark sa buong bahay nila. Elegante. Ang ganda ng mga mwebles at may kalidad ang mga kagamitan. No wonder mayaman talaga sila at hindi basta basta. Masaya kasama ang mga tita niya at napakababait. Hindi matapobre. Magigiliw sila magsalita. Talagang class kung class ang standard. Napaka-welcoming ng approach nila. Lalo na si kuya Mark. Maasikaso. Malambing. Gusto ko pa sana magtagal kaso hindi na talaga pwede dahil kilangan ko ng pumasok sa trabaho. Nagpaalam na ako sa kanilang lahat at hinatid ako ni kuya Mark sa baba ulit.

Mark: salamat Kairos. (Sabay pisil ng pisngi ko at abot nung mug)
Me: para saan? Sino pala yung tinutukoy niyo kanina?
Mark: basta. Ikukwento ko nalang mamaya pag dito ka matutulog. Ingat ka ha.
Me: ok po. Salamat din. Oh siya, aalis na ako baka ma-late pa ako sa wok. Update nalang kita.

Hinatid nalang ako ng tanaw ni kuya Mark. Habang naglalakad, naisip ko yung mga nabanggit nila kanina. Though unspecified. Sino kaya ang kamukha ko? Hayyyyyy ewan. Bahala sila sa buhay nila. Pumasok ako sa work na wala sa sarili. Walang natapos na trabaho. Tunganga. Naghihintay ng uwian. Hindi na ako nagpaalam kay mommy tungkol sa sleepover. Nasa seminar naman kasi siya sa Al Ain. Nagsabi nalang ako kay kuya Mark na makikitulog ako sa kanila. Natuwa naman siya at hihintayin nalang daw nila ako para sa hapunan.

Dumaan muna ako sa bahay para maghanda. Naligo, nagbihis ng disenteng damit at nilagay sa bag ang mga sleepover kit. As usual sinundo ako ni Kuya Mark sa baba ng building nila. Ewan ko ba. Ang bilis ng mga pangyayari. Bakit ang gaan ng loob ko sa kanila. Pagpasok namin sa bahay nila, naghahain na ang mga tita niya. Inaya na kami maghugas ng kamay at maupo na hapag at kakain na daw. Kinuha ni kuya Mark ang bag ko at inilapag sa sofa.

Habang kumakain. Hindi maalis ang titig ni Kuya Mark sakin. Parang enjoy na enjoy siya sa nakikita niya. Minsan naiisip ko baka may dumi ako sa mukha kaya nakatitig siya. Naging masaya ang hapunan kasama ang mga tita niya. Nagkwento sila tungkol sa kung papano sila napunta sa mga bansang tinitirhan nila ngayon. Hindi ako nakaramdam ng pagkailang. Parang parte ako ng pamilya nila. Parang matagal ko na silang kilala at nagagawa ko makipaghalakhakan sa kanila. Pagkatapos kumain ay inaya nalang ako ng mga tita niya sa sala at si kuya Mark na ang naghugas ng mga pinagkainan. Pagkatapos niya maghugas ay nakisali na rin siya sa kwentuhan tungkol sa trabaho. Kakaibang sigla at saya ang napansin ng mga tita niya. Ang dating masayahing Mark. Ang dating makulit na Mark. Nakita nila ulit kung pano magbida at humalakhak ang pamangkin nila.

Accountant din pala si kuya Mark. Kalaban ng firm nila ang pinagtatrabahuan ko. Though aminado naman ako na mas malaki ang kompanya nila, hindi naman papatalo ang kompanya namin. Nag-aral pala si kuya Mark sa US. Pero may nagpabago ng isip niya at ayaw na nila pag usapan ang bagay na yun. Nagpasya ng matulog ang mga tita niya around 10:30pm. Susundo pa daw sila sa Airport kinabukasan sa mommy ni Kuya Mark. Apat na kwarto ang bahay. Isa ang para kay kuya Mark, si tita Yvone at Solenn sa isang kwarto, si tita Arvie at tita Monique naman sa isa. Yung bakanteng isa ay sa mommy niya. Nagbakasyon lang sa Pinas ang mommy niya as annual leave. Pinapaupahan nila yung dalawang kwarto per day para sa parties o kaya events pambarkada pag wala yung mga tita niya.

Pagpasok namin sa kwarto ni kuya Mark, nanibago ako sa set up. Iba yung nakita ko kaninang umaga. Maayos at malinis na ngayon. Bagong palit ang mga puting beddings. Nakakarelax tingnan ang mga isdang lumalangoy sa malaking aquarium. Agaw pansin ang napakalaking 89" na TV. Habang namamangha ako sa nakikita ko si kuya Mark pala nakatitig lang sakin. Nakangiti. Nagulat nalang ako ng pinisil niya yung pisngi ko.

Mark: magsipilyo ka na para makatulog na tayo. Susunod na ako. (Sabay abot ng bagong sipilyo at toothpaste)
Me: may dala ako kuya. Itago mo na yan.
Mark: ah sige. Pwede ba ako sumabay kung ok lang?
Me: grabe naman. Syempre ok lang. wala namang masama magtoothbrush ng sabay. (Sabay kuha ng mga gamit ko sa bag)
Mark: ok thank you. (Sabay ngiti ulit)
Me: nako. Wag mo akong daanin sa pangiti ngiti mo. Bubungalin kita.
Mark: grabe ka naman. Hindi ka ba maaawa sa mukhang to? (Sabay turo sa mukha at pacharming look)
Me: hindi. Bat naman ako maaawa jan?
Mark: Aray. Ouch. Ansakit. Tagos dito oh (sabay turo sa puso)
Me: arte mo.
Mark: ayan na naman magsusungit na naman siya. Kala ko ba friends na tayo?
Me: ikaw kasi.
Mark: sorry na.
Me: oo na po. tara brush na tayo.
Mark: ok po (sabay kindat)

Naunang natapos si kuya Mark, naghilamos, sipilyo, pahid pahid ng ng mga gamit niya sa mukha tapos lumabas na sa CR. Paglabas ko inaayos niya yung hihigaan niya sa sahig. Naglalatag siya ng puting manipis na foam at isang comforter. Tatlong unan. At kinuha yung bear na katabi niya sa pagtulog. Nakaboxer shorts lang siya kaya bakas ang umbok sa harapan niya.

Me: ano yan?
Mark: ah eh. Jan kana sa kama. Ako nalang dito sa lapag.
Me: ha? Grabe ka naman. Sa laki ng kama mo di pa ba tayo kasya jan?
Mark: eh baka kasi mailang ka na may katabi. Ok lang dito nalang ako para komportable ka.
Me: sure ka? Hindi naman ako malikot matulog. Ako nalang jan sa lapag at ikaw sa kama mo.
Mark: ang bisita sa kama.
Me: uwi nalang ako kung jan ka matutulog. Ayoko naman sa lapag ka matulog. Nakakahiya.
Mark: Sure ka gusto mo tabi tayo?
Me: basta no touch. Ok? May kutsilyo ako jan pag nagloko ka.
Mark: deal (sabay tawa)

Niligpit niya yung nilatag niya at lumundag pahiga sa kama niya. Patihaya kaya mas lalong lumaki ang umbok niya. Inayos ko lang ang mga gamit ko at humiga na rin. Sa laki ng kama niya ang laki ng gap namin sa isa't isa. Tumagilid siya paharap sakin. Hindi siya nagsasalita. Nakatitig lang. Nakangiti. Ako na ang naglakas loob magsalita.

Me: kuya baka matunaw naman ako niyan.
Mark: thank you Kairos. Nakilala kita. Kung alam mo lang kung gaano ako kasaya ngayon.
Me: bakit naman?
Mark: mahabang kwento bro.
Me: try me. Makikinig ako.
Mark: basta salamat Kairos. (At tumalikod na siya sakin. Maya maya pa ay sumisinghot na ng tumutulong sipon)
Me: umiiyak ka ba??
Mark: hindi. (Pero ramdam ko na umiiyak siya)
Me: bakit ka umiiyak? (Sabay lapit ko sa kanya at nakita ko umiiyak nga siya)
Mark: masaya lang ako. Promise. Sobrang saya ko Kairos.
Me: eh ayaw mo naman magkwento. Pano ko maiintindihan?
Mark: malalaman mo rin sa tamang panahon. Basta nagpapasalamat ako at nakilala kita.
Me: ok kuya. You need a hug?
Mark: nope. I'm good little bro. Goodnight na. (Sabay patay niya ng lampshade. Dim light nalang naka-on)
Me: ok po kuya. Goodnight.

Pinilit kong matulog ng gabing yun. Hindi ko na alam kung anong oras ako nakatulog. Parang namamahay kasi ako. Ang lamig pa. Kahit anong balot ko ng katawan ko sa comforter eh malamig pa rin. Napansin yata yun ni Kuya Mark kaya yumakap siya sakin. Damang dama ko sa hita ko ang pagkadiin ng alaga niya. Pero hindi naman matigas. Normal lang. Wala namang malisya. Kaya unti unti akong nakatulog habang nakayakap siya sakin. Nagising nalang ako dahil si kuya Mark umuungol. Binabangungot. Umiiyak.

Mark: miss na miss na kita Dreix. Sorry hindi ka nasagip ni kuya. Sorry hindi ka nasagip ni kuya. Sorry hindi ka nasagip ni kuya. Sorry. Sorry.. sorry.. (umiiyak siya habang sinasabi ang mga katagang yan)

Ginising ko siya dahil umiiyak na siya ng sobra. At sobrang higpit na ng yakap niya sakin. Nagising siya at nagulat ng makita ako.

Mark: Kairos. Sorry. Sorry. Sorry. (Sabay pahid ng mga luha niya)
Me: ok lang kuya. Binabangungot ka kaya ginising kita.
Mark: sorry talaga. Sabay umupo siya sa kama na nakatalikod sakin at tinakpan ang mukha ng mga palad niya.
Me: sino si Dreix? (Lakas loob kong tanong)
Mark: Dreix.. (napalingon siya sakin. Pulang pulang mga mata. Tumutulo pa rin ang luha niya. Pero pinilit niya ngumiti)

Si Dreix ay nakababatang kapatid ni kuya Mark. Kasama niya dati sa States at doon sila nag aral. Kasing edad ko. 23 na dapat ngayong 2017. Bahagyang kahawig ko. Namatay si Dreix dahil naaksidente sila ni Mark 5 years ago. Si Mark ang nagdrive noon ng kotse kaya sinisi niya ang sarili niya sa pagkamatay ng nakababatang kapatid niya. Nabangga ang kotseng minamaniho niya sa isang lorey. Nakaladkad ang kotse niya at naipit si Dreix. Nagawa pa nilang maisugod si Dreix sa ospital pero dead on arrival na. Sobrang close nila sa isa't isa. Mahal na mahal niya ang kapatid niya. Walang araw na hiniling niyang sana buhay pa si Dreix. Araw araw pinaparusahan niya ang sarili niya. Iniwan niya ang States at lumipat ng UAE para makalimot. Nagpakalayo-layo siya sa lahat. Yun ang dahilan kung bakit hindi siya madalas ngumingiti. Nawala ang sigla. Umiiwas siya sa mga kapamilya niya dahil ayaw na niyang maalala ang nakaraan. At yun din ang dahilan kung bakit hindi sila maayos ng Daddy niya. Ang huling mga salitang namutawi sa bibig ni Dreix bago siya mamatay habang nasa kandungan siya ni Mark papuntang ospital. "Kuya, wag kang umiyak ha."

Nalungkot ako sa kwento ng buhay ni kuya Mark. Parang angsakit sa isang kuya na mamatay ang pinakamamahal na kapatid sa mismong kandungan niya. Wala siyang magawa. Sobrang saklap ng mga pangyayari. Sobrang bigat sa pakiramdam. Dama ko ang sakit ng pinagdadaanan niya. Parang isang napakamadamdaming drama. Minsan akala natin sa mga nobela lang nangyayari ang mga ganung bagay. Na lahat ay bunga lamang ng imahinasyon. Halos hindi kapani-paniwala. Parang isang masamang panaginip na hindi matakasan. Mahiwaga nga naman ang buhay. Lahat ay pwedeng mangyari sa reality.

Nagpahid ng luha si kuya Mark at tumungo ng CR. Nagkulong. Hindi na ako nakatulog. Nag alala ako kaya lumabas ako ng kwarto at kinatok ko ang mga tita niya. Dali dali naman silang kumuha nung mga gamot na pampakalama niya. Kinatok nila ang pinto ng CR at lumabas si kuya Mark. Maayos na ang mukha at nakahilamos na. Binigay sa kanya ang mga gamot at pinainom sa kanya. Sa sala kami lahat nagpalipas ng oras hanggang mag umaga. Dun ko nalaman ang buong kwento ni Dreix. Dahil mismong mga tita na niya ang nagkwento ng nangyari. Nagparehab din pala si kuya Mark dahil sa depression. Halos mabaliw siya. Hindi na rin natuloy ang kasal sana niya dahil sumuko ang fiancé niya. Pero nakaahon din mula sa pagkakalugmok kaya nagsimula ulit ng panibagong yugto ng buhay niya sa UAE kasama ang mommy niya.

Gumayak na silang lahat para sumundo sa Airport Terminal 3, 8am ang lapag ng mommy niya pero 7am palang nagpunta na sila sa airport. Nagpaalam na ako sa kanila na uuwi na muna ako sa bahay. Dun nalang ako matutulog. Baka kasi bangag na naman ako sa opisina. Binaba lang nila ako sa harap ng bahay. Si kuya Mark, magaling magpanggap. Kunwari nakangiti pero ang totoo sobrang nahihirapan siya.

Sa pakiusap ng mga tita niya na alalayan ko siya para tuluyang makabangon. Pano ko siya matutulungan? Pano kung ang nakikita niya sakin ay Dreix? Lalayo ba ako para tuluyan na siyang makalimot sa masalimoot na nakaraan niya o hahayaan kong isipin niyang ako ang kapatid niyang namayapa na?

Itutuloy..

No comments:

Post a Comment

Read More Like This