Pages

Sunday, May 7, 2017

Can You Help Me Get Over (Part 1)

By: Kenny

D E N I A L

"Kenny, pasensya na pero. Hindi na kita mahal"

"Ha?! Derrick?  Ano?!. Ba-bakit may nagawa ba ako sa iyo at iiwan mo na ako? Ang sunud-sunod na tanong ni Kenny sa kanya.
"Ayoko kong makita ko pa ang sarili ko na wala nang nararamdaman sa'yo. Mabuti pa tapusin na natin 'to". Tumalikod siya at akmang aalis nang bigla siyang niyakap ni Kenny sa baywang.
"Please, huwag naman. Huwag mong sayangin ang ilang taon natin. Please."
Tumulo ang luha niya. Siya namang alis ni Derrick papalayo. Hindi na niya pa ito sinundan pa.
"Derrick, bakit. Hindi ko maintindihan".

Tumayo si Kenny sa kinauupuan niya. Pumunta sa parking lot at binuksan ang sasakyan.

Maraming pumapasok sa isip ni Kenny sa mga nangyayari sa kanya.
Hindi pa rin siya tumitigil sa pag iyak. Halos wala nang lumalabas sa mga mata niya.
Galit at lungkot ang tangi niyang nararamdaman.
Dumating siya sa condo niya at dumeretso sa kanyang kwarto.
Habang umaakyat ay hindi niya muling mapigilang umiyak nang makita ang wallpaper niya.
"Derrick, wait. Hindi, hindi 'to totoo". Tinawagan niya si Derrick. Hindi ito sumasagot. Halos limang missed calls na pero wala pa ring nangyayari.

Habang nakahiga si Kenny ay wala siyang ibang bukang bibig kundi ang kasintahan. Mag aalas dos na ng madaling araw pero di siya makatulog.
Tumayo siya at pumunta ng balkonahe. Dinamdam ang lamig ng hangin.
Nakikita ang mga sasakyang umaandar mula sa ibaba. Muling nagpaimbabaw ang galit niya.
"ANONG NAGAWA KO SA'YO! BAKIT MO KO GINANITO?!"
Umalingawngaw ang sigaw niya sa katahimikan ng gabi. Muli siyang umiyak at yumuko. Nakita niya ang singsing na bigay ni Derrick.
Muling niyang nadama ang matinding lungkot.
. . . . . . . .
"Wait, nasaan ba tayo?"
"Secret, oh dahan dahan lang". Ang paalala ni Derrick sa nakapiring na si Kenny.
Pinaupo niya si Kenny, at tinanggalan ng takip sa mata.
"Happy 3rd Anniversary!" ang bati ni Derrick.
Walang nasabi si Kenny sa kanya. Tanging luha ng kagalakan ang namumutawi sa kanyang mga mata.

"Salamat Derrick, Happy Anniversary rin!"

Nakalagay sa kama nila ang mga bulaklak ang banner.
Hinalikan ni Derrick sa labi si labi at gumanti rin si Kenny sa kanya.

"Mahal na mahal kita Kenny".
"Mahal rin kita Derrick"

Nagdikit ng tuluyan ang kanilang mga katawan. Impit na mga sigaw ang maririnig.
Dahan-dahang bumaba si Kenny kay Derrick. Kanina pa tigas na tigas ang si Derrick.
Nilaro muna niya ang ulo ng kanyang mga daliri.
"Isubo mo na, sige na please". Matamis na pagmamakaawa ni Derrick sa kanya.

Isinubo na niya ang kalalakihan ni Derrick. Pabalik balik ang kanyang bibig.  Halos hindi naman magkaintindihan si Derrick sa ginagawa sa kanya ni Kenny.
Ginawa niya ang lahat para mapaligaya si Derrick. Nang naradaman niyang malapit nang labasan ang kasintahan.

"Ken, ayan na. Malapit-"

Pumutok sa mukha ni Kenny ang lahat ng katas ni Derrick.

Muling bumalik sa pwesto  niya si Kenny. Hinalikan niya si Derrick sa labi. Bumawi siya ng halik kay Kenny sa noo.

Natikman niya ang sarili niyang katas, pero hindi niya ito ininda.

"Mahal na Mahal kita". Ang bulong ni Derrick

. . . . . . . .

Naramdaman na lang ni Kenny ang muling pagtulo ng kanyang mga luha. Agad siyang bumalik sa kwarto, inalis ang singsing at itinago.
Hanggang sa pagtulog, walang ibang nagawa si Kenny kundi ang tumangis at maawa sa sarili.

Hindi niya rin namalayan na nakatulog na siya.

Kinaumagahan, nagising si Kenny sa tama ng sikat ng araw. Tumingin siya sa orasan, alas dies na. Agad siyang bumangon. Kahit wala pang mumog ay tumawag siya agad kay Derrick. Pero katulad kagabi, wala pa ring sagot sa kanya.
Naghanda siyang maligo. Binabalak niyang puntahan siya sa kanila. Kahit alam niyang magiging mahirap ang gagawin niya. Hindi tanggap ng tatay ni Derrick. Ang relasyon nilang dalawa.
Habang naliligo, nag iisip si Kenny nang kanyang gagawin.

Pagkatapos maligo agad siyang nagbihis at naghandang umalis.
Habang nasa daan  tumawag siya ulit kay Derrick, pero sa pagkakataong ito, cannot be reach na ang cellphone niya.

Bago pa man siya makalapit sa gate ng bahay nila Derrick. Nanlumo siya sa mga nakita niya.
May kasamang babae si Derrick at sumakay sa kotse niya.
Umalis ang sasakyan at dinaanan lang siya.
"AAAAAAAAAAH!" sabay palo sa manibela. Hindi makapaniwala sa kanyang mga nakita.
Alam niyang di pa nakakalayo ang sasakyan kaya sinundan niya sila.

Malayo layo rin ang inabot ng pagsunod ni Kenny.
Hanggang sa hindi na niya sila nasundan.
Gigil na gigil siya. Hindi niya malaman ang gagawin.

Habang binabaybay niya ang kalsada, napadaan siya sa restaurant kung saan niya naalala ang tamis ng unang pagkikita nila ni Derrick.

" Hello ate, yes po nandito na ako sa restaurant bilisan nyo na lang po. Bye ingat."
Binaba ni Kenny ang cellphone at nagpatuloy sa pagkain.
Sa hindi naman kalayuan, nakaupo si Derrick.
Nagkasalubong ang mga mata nila. Nginitian ni Derrick si Kenny pero hindi ito kumibo. Tumingin lang siya sa malayo.

Tatlumpung minuto ang lumipas at hindi pa rin dumating ang ate ni Kenny. Nagkamali pala ng pinuntahan kaya hiningi niya ang bill.
"Hay naku si ate talaga".

Napansin ni Kenny na nawawala ang wallet niya. Kinakapa niya ang bulsa niya pero wala.
"Sir Ok na po". At inabot ang bill ng kinain niya. Umalis na lang siya at nagpasalamat.

Kinagabihan ay nakita niya ulit ang resibo at may no. na nakasulat.
Nagtext siya rito .
"Kung ikaw man yung nagbayad kanina, well salamat".
Maya maya nagreply ito sa kanya:
"Ayun, nagtext ka rin. Kanina ko pa hinihintay yan" sagot nito.
"Hi, I'm Derrick, and you?"
Naasar si Kenny sa reply sa kanya kaya:
"Ok Derrick, let's get it straight. Wala akong balak makipagkaibigan sa iyo or kahit ano pa man yan ok?".
Mahaba niyang text.

"Grabe ka naman. Buti nga binayaran ko pa yung bill mo"
Ani ni Derrick

"Edi babayaran ko na lang sayo, please tumigil ka lang sa pangungulit".

"Ok na kahit huwag mo na bayaran, basta sa susunod huwag nang kalilimutan ang wallet. 😁"

Hindi na nagreply pa si Kenny. At ganun rin naman ang ginawa ni Derrick sa kanya.

Itinago na lang din niya ang resibo. Pero sa hindi inaasahang pangyayari, parang tumatak sa isip niya ang mukha ni Derrick
"Sa bagay, gwapo rin naman siya".
Ang bulong ni Kenny sa sarili.

Maya maya, pumasok sa restaurant ang pamilyar na mukha. Si Derrick kasama ang babae kanina. Halos hindi magkaintidhan si Kenny kung ano ang gagawin. Hindi niya maigalaw ang mga paa niya.
Inisip niyang umalis pero ayaw ng mga paa niya.
Nagkatinginan lang sila ni Derrick at hindi siya pinansin. Tumayo na lang siya at lumabas.
Hindi niya makayanan ang emosyon na nararamdaman niya. Gusto niyang umiyak pero pinipilit niya ring maging matapang.

Lumipas ang mga araw. Hindi pa rin nawawala sa isip niya ang paghihiwalay nila ni Derrick. Halos gabi-gabi siyang nag iinom o di kaya nama'y nagkukulong lang sa kwarto.

Isang umaga, nagising siya sa kantang narinig:

I know that this wound will bleed again
Now I’m here right beside the one I love
I see he’s in love with someone else
Now I know I just got to let him go
Because it’s over, Help me get over

I don’t know what to do
There is no easy way of letting go
But I know there’s no sense
In holding on too much to something fading
Help me, Help me
Help me get over you

Now I see, You’re so happy with her
Deep inside I just don’t know what to feel
Oh, I’m sure, You don’t need me anymore
So I’ll go on, Try my best to just move on
Now that it’s over, I got to get over

I know I’ve got to leave it all behind
Somehow I’ll try to get you off my mind
So tell me what to do
Help me get over…

Help me get over you…
Hmmmm…

Tamang tama siya sa kanta. Kahit medyo matagal na ang mga nangyari, sariwa pa rin ito sa isip niya.
Nababaliw na siya sa mga nangyayari.
Hindi niya na makaya ang bigat ng mga problema niya sa pag ibig
Halos lahat ng mga pwedeng gawin para makalimot ay nagawa sa kanya. Dumaan ang mga araw ngunit ang pagdurusa niya ay parang kahapon lang nangyari

Isang malamig na gabi. Lumabas siya at nagmaneho. Hindi niya alam kung saan siya dadalhim ng mga paa niya. Medyo malayo na ang na drive niya. Hanggang sa dumating siya sa isang riles. Pinarada niya ang sasakyan. Pinakiramdaman ang paligid.  Umihip ang mahina ngunit malamig na hangin sa mga mukha. Habang naglalakad ay umiiyak siya.

Maraming pumapasok sa kanyang isip. Nahihirapan na talaga siya..
"Derrick, sana mapatawad mo ako".

Malapit na ang ilaw at ang sirena ng tren. Unti unti niyang inihakbang ang mga paa. Handa na niyang salubungin ang kanyang katapusan.

"Mahal na mahal kita Derrick, mapatawad mo sana ako".

Sumerena muli ang tren hudyat na malapit na ito. Nang biglang.

"Huwag!"

ITUTULOY.

No comments:

Post a Comment

Read More Like This