Pages

Sunday, May 7, 2017

My Innocent Lover (Part 7)

By: Lord Iris

Eros POV

Habang natutulog ay nakaramdam ako ng bagay na nakayakap sa akin... tinangka kong alisin pero medyo mabigat kaya unti-unti ko na lang dinilat ang mga mata ko...

Putspa!!!

Natutulog si Cyril sa tabi ko!!!

"Uuuhhhmmm... sir..." Narinig kong ungol ni Cyril.

Puta!!! Bakit umuungol ang isang to? Eh napaka-inosente naman niya eh...

My God!!! Anong ginagawa nito sa kwarto ko at nakayakap pa siya sa akin ng mahigpit. Balak kong tanggalin ang pagkakayakap sa akin ni Cyril... hinawakan ko ang braso niya at fuck!!!

Ang kinis ng braso ni Cyril... napatanggal na lang yung kamay ko sa kanya at hindi ko alam kung bakit hindi ko kayang tanggalin ang pagkakayakap niya sa akin...

Naramdaman ko na lalong humigpit ang yakap sa akin ni Cyril at...

"Uh... uh... sir... uh..."

Shit!!! Bakit ungol ng ungol si Cyril?

Punyemas naman itong lalakeng to! Nakakalibog siya... kailangan ko ng tanggalin ang pagkakayakap niya sa akin. Hinawakan ko ang likod niya at napabitaw ako bigla dahil naipasok ko pala ang kamay ko sa damit niya...

Ang kinis...  parang tumataas ang sex drive ko dahil sa kanya...

Hindi pwede!!! Lalake ako!!!

Gigisingin ko na lang siya...  hahaahah buti naisip ko yun! May pagka-tanga talaga ako minsan...

"Cyril... Cy... Cyril!" Sabi ko habang tinatapik ang pisngi niya.

Nakapikit lang siya at parang wala siyang naririnig...

"Cy... Cyril hoy!"

Wala pa rin siyang naririnig at mukhang bagsak talaga ang katawan niya ngayon...

Pagod siya at hindi siya magising kahit anong gawin ko...

Ano kaya kung galawin ko siya...

Fuck!!! Bakit yun ang naisip ko? Hindi ako ganun! Banal ang katawan ko at lalong hindi babalik sa akin si Cyril kapag ginawa ko yun...

"I love you sir..."

Parang bigla na lang nag-init ang mukha ko sa sleep talking niya... diba totoo yun? Kapag nag-sleep talk ang tao ay totoo ang sinasabi niya...

Mahal ako ni Cyril?

Hindi ko alam kung bakit parang napangiti na lang ako dahil sa sinabi niya habang natutulog...

"I love you too Cy..."

Oh my.... bakit yun bigla ang lumabas sa bibig ko? No no no... I don't mean what I said...

Nagulat ako nang bigla na lang dumilat ang mga mata ni Cyril at...

"Talaga sir? Love mo po ako?" Bigla niyang tanong sa akin.

Parang tumalon na ang puso ko sa bintana sa sobrang gulat!

Umiwas na lang ako ng tingin sa kanya dahil nahihiya ako sa sinabi ko at hindi ko rin alam kung bakit sinabi ko yun sa kanya...

"Sir pwede po bang ulitin niyo yung sinabi niyo kanina?"

Hindi ako sumagot at bigla na lang pumatong si Cyril sa harapan ko at nilapit niya ang mukha niya sa akin...

"Sir gusto ko pong marinig please..."

Hindi ako maka-sagot at parang umurong yung dila ko dahil sa ginagawa ni Cyril...

"Sir please... please po!!!"

Pagkasabi niya nun ay bigla niyang niyugyog ang kama habang nakapatong siya sa akin...

"Uh...hhhmmm...Cyril stop... ahhh"

Shit!!! Delikado na... nasasarapan ako sa ginagawa sa akin ni Cyril...

"Sabihin niyo na lang po kasi!" Sabi niya na may halong inis.

Hindi siya tumitigil sa kakayugyug sa akin sa kama at parang nila-lap dance na niya ako at ramdam ko na kumikiskis ang pagkalalake ko sa pagitan ng mga hita niya...

"Cyril stop! Aaahhh uhhmmm..."

Fuck!!! I'm getting hard...

"Sabihin niyo na po kasi!" Inis niyang sigaw sa akin.

"Oo na Cyril! Mahal din kita!" Bigla kong sigaw sa kanya.

Tumigil din siya at ngumiti... tumitig sa akin si Cyril at...

"Mahal kita sir..." Maluha-luha niyang sabi sa akin.

Parang nagliwanag ang paligid at magkahalo ang lungkot at saya sa mga mata niya... parang nawawala ako sa sarili habang tinititigan siya...

Unti-unti kong nilapit ang mga labi ko sa kanya at hinalikan ko siya... ang lambot ng mga labi ni Cyril... I gently kiss him with passion...

Naramdaman ko na lang na may yumugyog ulit sa akin...

"Kuya Eros!!!"

Bigla akong naalimpungatan at natauhan ako bigla. Nakita ko si Era sa harapan ko...

"God!!! Anong nangyari? Era nasaan si Cyril?" Naguguluhan kong tanong sa kapatid ko.

"Huh? Wala po si kuya Cyril dito eh..."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Era at hindi ko yun kayang paniwalaan...

"Kanina pa po kayo ang ingay ingay niyo diyan tapos nginunguso niyo pa yung unan na nakapatong sayo."

Napatingin na lang ako sa sarili ko at nakita ko nga na may yakap akong unan...

Oh my... Shit!!! Wet dreams lang pala yung kanina... nakakahiya!!! Pero bakit si Cyril?

"Kuya... kanina binabanggit niyo yung pangalan ni kuya Cyril habang natutulog." Sabi ni Era at ngumiti siya ng nakakaloko.

Punyemas!!! Hindi ako pwedeng mag-deny sa kapatid ko dahil alam kong rinig niya talaga... naramdaman ko na lang na nag-iinit bigla ang mukha ko at umiwas na lang ako ng tingin sa kapatid ko...

"Hala! Kuya bakit namumula ka?" Nagtatakang tanong sa akin ni Era.

Hindi ako makatingin ng diretso sa kanya at parang umurong bigla ang dila ko... Biglang tumalon si Era sa kama at nilapit niya ang mukha niya sa akin...

"Ayyyiiieee!!! Si kuya Eros may crush kay kuya Cyril!!!"

Pagkasabi niya nun ay bigla ko na lang nai-hampas sa kanya ang malaking unan na hawak ko kaya tumilapon siya sa sahig...

Bigla akong natauhan sa ginawa ko at dali-dali akong tumakbo palapit sa kapatid ko...

"Era!!! Era!!! So...sorry" Nag-aalala kong sabi sa kanya habang inaalalayan siya patayo.

"Grabe ka naman kuya!!! Ang saket po ng likod ko!!!" Galit niyang sabi sa akin.

"Sorry talaga... hindi yun sinasadya ni kuya mo." Kinakabahan kong sabi sa kanya.

"Ano may masakit ba?" Nag-aalala kong tanong sa kanya.

Yumuko bigla si Era at parang nagbabago ang aura na pumapalibot sa kanya... Unti-unti niyang hinarap ang mukha niya sa akin at...

"Alam mo ba kuya kung ano ang masakit?" Seryosong tanong ni Era.

"A..ano?" Naguguluhan kong tanong sa kanya.

"Yung ano po... yung nakikita mo po si kuya Cyril na nakangiti habang kasama si kuya Luther..." Natatawang sabi ni Era sa akin.

Biglang tumalim ang tingin ko kay Era dahil sa sinabi niya at tinatawanan niya lang ako kaya lalo akong naiinis sa kanya...

"Era... tumigil ka na dahil wala akong gusto kay Cyril at hindi ako bakla." Seryoso kong sabi sa kanya.

"Talaga po? Kuya ok lang naman sakin eh kung ligawan mo si kuya Cyril..." Sabi ni Era sabay ngiti ng nakakaloko.

Parang gumaan yung dibdib ko sa narinig ko kay Era pero hindi pwede...

"Tumigil ka na sabi!" Inis kong sabi sa kanya.

"Aminin mo muna sakin kuya!" Sabi ni Era at nag-beautiful eyes pa siya.

"Wala akong aaminin sayong bata ka!" Galit kong sabi sa kanya.

"Talaga po? Eh kanina lang sabi mo... Oo na Cyril! Mahal din kita!" Sabi niya at ginagaya niya ang boses ko.

Shit!!! Pati ba naman yun narinig pa niya... nakakainis naman oh!!!

"Wa..wala akong aaminin sayo!" Nauutal kong sabi.

"Sige... di po kita pipilitin." Biglang sabi sa akin ni Era.

Parang nabunutan ako ng higanteng tinik sa dibdib dahil sa sinabi sa akin ni Era kaya naka-hinga na ako ng maluwag...

Biglang nilabas ni Era ang phone niya sa bulsa at kinalikot niya ito...

"Hoy! Anong ginagawa mo?" Tanong ko sa kanya.

"Uuhhmmm... since ayaw niyo pong umamin sa akin... text ko na lang po si kuya Cyril na mahal niyo siya." Sabi ni Era na busy sa kaka-dutdot ng phone niya.

Oh God!!! Hindi!!! Hindi pwede!!!

"Baliw kang bata ka!" Galit kong sabi sa kanya.

Tinangka kong hablutin ang phone niya at nagtagumpay naman ako kaya nakahinga ako ng maluwag pero nakangiti lang sa akin si Era...

"Sige kuya... may tablet ako sa kwarto kaya pwede ko pa din tawagan si kuya Cyril hahah." Sabi ni Era at tumakbo siya bigla palabas ng kwarto ko.

"Shit kang bata ka!!!" Galit kong sigaw.

Hinabol ko siya bigla at tawa lang ng tawa si Era habang tumatakbo...

Bigla niyang ni-lock ang pinto kaya pinipilit kong buksan ang doorknob pero narra kasi ang pinto kaya ang hirap sirain...

"Era ano ba? Wag mong galitin si kuya mo! Humanda ka sakin!" Galit kong banta sa kanya.

"Ayaw!!! Aminin mo muna!" Sabi niya sa likod ng pinto.

"Wala akong aaminin sayo!!!" Galit kong sigaw.

"Edi wala hahah... sandali po na-dial ko na yung phone ni Kuya Cy..."

"Hoy Era!!! Please maawa ka... maawa ka naman sa kuya mo!" Naiiyak kong pagmamaka-awa sa kanya.

Kinakatok ko ng malakas ang pinto at hindi siya nakikinig sa akin...

"Aminin mo na kuya... sige oh... nag-ring na po yung phone." Sabi ni Era at humahagikhik siya.

"Oo na!!! Mahal ko si Cyril totoo yun! May gusto ako sa kanya!!!" Sigaw ko.

Mangiyak-ngiyak ako ng isigaw ko yun at sandaling katahimikan ang bumalot sa bahay...

"Hello kuya Cyril..." Biglang sabi ni Era at mukhang na-contact na niya.

Hala! Letse itong bata na to! Hindi tumutupad sa pangako! Sa sobrang galit ko ay tinadyakan ko ang pinto kaya nabuksan ito...

Halatang nagulat si Era at hinablot ko sa kanya ang tablet... pag-tingin ko sa tablet ay dress up ang nakita ko...

Biglang tumawa si Era ng malakas at...

"Kuya... wala pong phone si kuya Cyril kasi binato niyo sa phone nung birthday ko." Tumatawa niyang sabi.

Parang binuhusan ako ng yelo dahil sa narinig ko sa kanya... hindi ko maisip na kaya pala akong i-bully ng kapatid ko... halos mangiyak-ngiyak ako sa ginawa niya...

Umupo na lang ako sa kama at yumuko ako sa kahihiyan...

Biglang hinawakan ni Era ang mga pisngi ko at hinarap niya sa mukha niya ang mukha ko...

"Kuya... ano pang hinihintay mo? Ligawan mo na si Kuya Cyril at baka maunahan ka ni Kuya Luther." Nakangiti niyang sabi sa akin.

Napatitig na lang ako kay Era at parang gumaan yung dibdib ko...

"Pa...paano si Shane?" Seryoso kong tanong sa kanya.

"Piliin niyo po si Kuya Cy... alam ko naman po na hindi niyo love si Ate Shane eh..." Seryosong sabi ni Era.

Wala akong pake sa ibang tao pero may pinag-samahan din naman kami ni Shane...

"Hindi yun madali Era..." Sabi ko at napa-yuko na lang ako.

"Mas mahirap po kung sagutin na ni Kuya Cyril si Kuya Luther... sige ka... hindi na babalik dito si Kuya Cy... at magiging PA siya ni Kuya Luther." Seryosong sabi ni Era.

Sa sinabi ni Era ay parang natauhan ako... marami akong sinayang na oras at hindi ko namalayang unti-unti na palang nahuhulog si Cyril kay Luther...

Dapat ko nang kalabanin si Luther at kailangan kong mapanalo si Cyril... nag-iisa lang si Cyril at alam ko na wala na akong mahahanap na kagaya niya.. he is my zing...

Tumitig ako kay Era at nginitian ko na lang siya hahahah...

"Kuya ano ba ang iniisip mo? Wag ka naman ngumiti na parang devil." Kinakabahang sabi ni Era.

"Tama ka Era... puporma na ako kay kuya Cyril mo." Nakangiti kong sabi.

"Go Kuya Eros!!! Team Cyros ako!!! Tutulungan kitang manligaw kay Kuya Cy..." Nakangiti niyang sabi at nag-two thumbs up pa siya.

Siguro simula na para umaksyon ako dahil akin lang ang BABYDOLL ko!!!!!
By hook or by crook!!!

Cyril POV

Mga tatlong araw din ang bakasyon ko sa bahay nila Luther at nakaka-tuwa talaga ang pamilya niya... parang nanay ko na nga din ang mama ni Luther eh...

Ihahatid na ako ni Luther pauwi sa bahay ko dahil ubos na din ang dala kong mga damit. Nagpapa-alam na ako sa parents ni Luther at mukhang ayaw na nila ako pauwiin..

"Cyril... balik ka ulit dito sa bahay ah." Nakangiting sabi ng papa niya.

"Sige po... sa susunod ulit." Nakangiti kong sagot sa kanya.

Lumapit ang mama ni Luther at niyakap ako saglit at...

"Cyril anak... sa susunod sana pag bumalik ka dito... kayo na ni Luther." Nakangiting sabi ng mama niya.

Ngumiti na lang ako at medyo natatawa na ako... gustong-gusto kasi talaga ng mama ni Luther na magka-tuluyan na kami...

"Wag kang mag-alala mama... pag bumalik kami dito ni Cy... may apo na kayo hahaa." Tumatawang sabi ni Luther.

Natawa na lang ako at ganun din ang parents ni Luther...

"Sige mga anak... bigyan niyo kami ng sampung kambal." Tumatawang sabi ng papa ni Luther.

Jusmiyo!!! Sampung kambal? Ginawa naman akong kuneho... ay hahaa hindi nga pala ako mabubuntis kasi hindi naman ako babae... teka... parang medyo nakakalimutan ko na na lalake pala ako...

Bakla na ba ako? Nakakakilabot pala...

"Wag kayong mag-alala papa... makaka-buo din kami ni Cy..." Tumatawang sabi ni Luther.

Biglang kinurot ng mama ni Luther ang papa niya sa singit...

"Ikaw talaga! Yung mga tinuturo mo diyan sa mga bata ah!" Natatawang sabi ng mama ni Luther habang kinukurot ang papa niya sa singit.

"Sweetie ang sakit! Joke lang naman yun eh..." Sabi ng papa ni Luther.

"Uuhhhmmm... sige po uuwi na po ako sa bahay." Nakangiti kong sabi sa kanila.

"Oo nga po... ihahatid ko na si Cyril my angel..." Nakangiting sabi ni Luther.

"Oh siya... sige ingat kayo." Sabi naman ng mama ni Luther.

"Sige po... bye." Pag-papaalam ko.

"Sige bye na din... halika na sweetie dun tayo sa kwarto. Gawan na natin ng kapatid si Luther." Tumatawang sabi ng papa ni Luther.

Naglakad na papasok sa loob ang parents ni Luther at kinukurot ng mama ni Luther ang papa niya sa singit kaya natatawa ako... ang lakas magharutan at maglambingan ng parents ni Luther...

Sumakay kami ni Luther sa kotse niya at kinukulit niya pa din ako habang nasa biyahe kami...

"Cyril my angel... ilan ba ang gusto mong maging baby?" Tanong ni Luther habang nagda-drive.

Napa-isip ako... hindi pa kasi sumasagi sa isip ko na gumawa ng pamilya eh... ang balak ko lang muna makapag-tapos ang makahanap maayos na trabaho kasi yun ang pangarap ni mama sa akin...

"Di ko alam eh... siguro dalawa pwede na kasi medyo malungkot pag mag-isa lang." Sabi ko at napatingin siya sa akin.

"Uy Luther! Dun ka tumingin sa minamaneho mo!" Kinakabahan kong sabi.

"Ay sorry! Hahah." Sabi ni Luther.

"Uuhmm Cyril... masaya naman na isang anak lang kasi binubuhos ng magulang ang pagmamahal pero syempre walang kalaro kaya siguro gusto ko mga walong anak."

"Hala! WALONG ANAK?" Napasigaw kong tanong sa kanya.

Biglang tumawa si Luther habang nagmamaneho ng kotse at...

"Joke lang yun! Dalawa gusto ko." Natatawa niyang sabi sa akin.

"Bakit Cy? Ayaw mo ba na buntisin kita ng walong beses." Sabi ni Luther at ngumiti siya ng nakakaloko.

Napalunok na lang ako sa sinabi niya at parang namula ako bigla...

"Uuhhhmmm... di naman ako mabubuntis eh! Lalake ako!" Sabi ko sa kanya.

"Hahaa kaya yan! Magtiwala ka sakin!" Tumatawa niyang sabi.

"Hhhmmppp! Dami mong alam." Sabi ko sa kanya.

"Ang alam ko lang... ay mahalin ka." Sabi niya at tumitig siya bigla sa akin.

Kitang-kita ko sa mga mata ni Luther na sincere siya at totoo talaga ang mga sinasabi niya...

"Luther mamaya mo na ako kulitin! Baka mamaya malingat ka sa pag-drive mo eh." Seryoso kong sabi sa kanya.

Humarap siya ulit at nag-drive ng maayos... sandaling katahimikan ang bumalot sa amin at...

"Cy... mahal na mahal kita."

Napatitig ako kay Luther at seryoso ang mukha niya ng sabihin niya yun... parang nakonsensiya ako bigla... mahal ko si Sir Eros pero ayokong paasahin si Luther kaso parang nahuhulog na ang loob ko kay Luther...

Ang gulo ng nararamdaman ko... alam ko naman na wala akong pag-asa kay Sir Eros eh. Mabait si Luther... konti na lang at alam kong makakalimutan ko na ang nararamdaman ko kay Sir Eros kapag lagi kaming magkasama ni Luther...

Pero kasi... tumatak talaga sa utak ko yung mga sinabi sa akin ni Kith...

"Ikaw naman Cyril... hindi ko sinasabing piliin mo si Luther. Dapat piliin mo kung sino ang mahal mo."

"Nakikita ko... may mahal kang iba."

"Pa...paano niyo po nalaman?"

"Secret... pero kung ako sayo piliin mo yung mahal mo."

Tama si Kith... dapat piliin ko ang taong mahal ko... mahal ko talaga si Sir Eros pero... malapit ko naman na ding mahalin si Luther eh...

Lagi akong napapa-isip kapag naalala ko ang mga sinabi ni Kith...

Ang misteryoso niya... parang marami siyang tinatago pero makikita mo sa mga mata niya sa totoo ang lahat...

Hay naku... kung mahal lang sana ako ni Sir Eros eh... kaso may Shane na siya kaya lalong walang pag-asa...

Nakarating kami ni Luther sa bahay ko at pagpihit ko ng doorknob ay bukas na...

Hala! Tatlong araw akong wala... baka mamaya nanakawan na ako!

Pagpasok namin ni Luther ay biglang nanlaki ang mga mata namin pareho ng makita namin loob...

Malinis... at parang inayos ang lahat...

Tumungin ako sa sofa at may nanlaki ang mga mata ko ng makita ko ang lalakeng naka-suot ng itim at naka-upo siya sa sofa...

"Saan ka ba pumunta? Alam mo bang hinahanap kita?" Galit na sabi nung lalake.

Tumayo siya at lumapit siya sa amin ni Luther... nakakatakot...

Hinawakan ni Luther ang kamay ko at nagsalita siya bigla...

"Magkasama kami ni Cy... pumunta siya sa bahay ko." Seryosong sabi ni Luther.

"Bakit di ka nagpaalam?" Galit na sabi niya sa akin.

"Sorry po Sir Eros... biglaan po eh at bakasyon naman." Kinakabahan kong sabi sagot sa kanya.

"Kahit na! Kung gusto mo magbakasyon edi dapat sinabi mo para nagbakasyon tayo!" Sigaw niya sa akin.

Galit si Sir Eros... pero bakit parang kinikilig ako sa sinabi niya kahit sumigaw siya...

"Shut up Eros!" Sigaw ni Luther.

"Shut up dickhead!" Sigaw naman ni Sir Eros.

"Uy! Wag naman kayong mag-away." Kinakabahan kong sabi sa kanila.

Bigla na lang may kamay na humatak sa akin at napatingin ako sa giliran ko. Si Era pala nandito din...

"Kuya Cy... hayaan po natin sila... sama po kayo sakin." Nakangiting sabi ni Era sa akin.

"Pero... baka mag-away sila eh..." kinakabahan kong sabi.

"Ok lang po yan hahaa... halika na po kaya na nila yan." Sabi ni Era at hinatak niya ako palabas ng bahay.

Eros POV

"Hoy Eros! Ano bang akala mo kay Cyril ha? Pagmamay-ari mo?" Sigaw sa akin ni Luther.

"Panget mo Luther!!! Ano sapakan na lang tayo?" Galit kong sabi habang pinapatunog ang mga buto ko sa kamay.

"Alam mo... matagal ko nang gustong basagin ang mukha mo Eros pero tingin mo ba matutuwa si Cy... kapag nagsapakan tayo?"

Nangigigil din si Luther pero napa-isip ako at tama yung sinabi niya... baka kung ano isipin ni Cyril kapag nagsapakan kami...

"Hindi sayo si Cyril! Di kayo bagay!" Galit niyang sigaw.

Nakakapang-init talaga ng ulo itong animal na ito! Akala mo naman bagay sila ni Babydoll ko! Hindi naman!!!

"Pakealam mo ba? Akin si Cyril! Bigla ka lang naman sumulpot eh." Galit kong sigaw sa kanya.

"Bakit ha? May gusto ka ba sa kanya?" Galit niyang tanong sa akin.

Aba! At talagang hinahamon pa ako ng ulupong na ito!

"Oo! Bakit may angal ka?" Sagot ko.

Parang natahimik siya bigla at yumuko na lang siya...

"Akin lang si Cyril! Anghel ko siya!" Sigaw ni Luther.

Anghel my butt!!! Tangina naman ang corny ni Luther...

"He is my babydoll... kami ang nakatadhana!" Sigaw ko sa kanya.

"Diba kayo ni shane?" Seryoso niyang tanong sa akin.

"Hihiwalayan ko siya..." Sagot ko.

"Pagkatapos mo siyang agawin sa akin hihiwalayan mo din..." Galit niyang sabi.

Hindi niya kami binigyan ng chance na magpaliwanag noon kaya nasira ang magandang samahan namin ni Luther...

"Hindi ko siya inagaw..." Sabi ko.

"Anong ibig mong sabihin ha? Eh malinaw pa sa sikat ng araw ang ginawa niyong panloloko sa akin." Seryoso niyang sabi.

"Hindi mo kasi kami hinayaang magpaliwanag." Sabi ko na lang.

Natahimik si Luther at tumitig na lang siya sa akin... kita ko sa mga mata niya ang galit...

"Wala akong gusto kay Shane... totoo yun at alam niya rin yun! Pero sabi niya ayaw ka daw niyang paasahin kaya pinilit niya akong magpanggap na kami sa harapan mo." Seryoso kong sabi sa kanya.

Parang naluluha na ang mga mata ni Luther pero tinuloy ko pa din...

"Nagalit ka... alam ko naman na mangyayari yun eh pero pinilit ako ni Shane kaso ayaw mong pakinggan ako kaya lumayo ka. Hanggang sa totoong naging kami ni Shane pero alam niya na hindi ko siya mahal." Sabi ko.

"To..too ba yan?" Tanong niya at tumulo na ang mga luha niya.

"Oo pre... totoo yun! Gusto kitang kausapin pero galit ka palagi. Pumayag lang ako sa gusto ni Shane kasi naawa din ako sa kanya."

"Luther... sorry..." Seryoso kong sabi.

Napatitig siya sa akin at parang hindi siya makapaniwala na marunong na akong humingi ng tawad...

"Kelan ka pa natutong mag-sorry?" Nagtataka niyang tanong.

"Tinuruan ako ni Cy..." Seryoso kong sagot sa kanya.

"Iba talaga si Cyril... marami kang matututunan sa kanya." Seryoso niyang sabi sa akin.

"Tama ka... totoo yun." Sagot ko.

"Gusto mo hatiin na lang natin si Cyril para di na tayo mag-agawan." Sabi niya at ngumiti siya ng nakakaloko.

Mukhang magkaka-ayos na kami ni Luther dahil mukhang nagbibiro na siya kagaya dati... minsan natatawa din ako sa mga biro niya noon kasi maloko talaga si Luther...

"Sure! Sakin yung taas sayo yung baba." Natatawa kong sabi.

"Ayaw! Akin yung taas para ma-kiss ko si Cyril." Sabi niya na parang bata.

"Ayoko din! Akin dapat yung taas para yakapin niya ako! Sayo na lang yung baba tutal malibog ka naman!" Natatawa kong sabi sa kanya.

"Eh pareho naman tayong malibog eh." Natatawa niyang sabi.

Natawa na lang kami pareho... para kaming baliw... kanina nagsisigawan tapos ngayon tawanan naman...

"Pre... bati na tayo ah..." Sabi ko.

"Sige... I accept your apology." Nakangiting sabi ni Luther.

Ang gaan pala sa pakiramdam na nakipag-ayos ka na sa taong matagal ng galit sayo...

"Pero wag kang iiyak pag na-busted ka ni Cy... kahit sino ang piliiin niya sa atin dapat ok pa din." Seryoso niyang sabi.

"Oo ba! Payag ako sa friendly competition mo."

Nag-shake hands na lang kami bilang pagsang-ayon sa isa't isa...

Cyril POV

Dinala ako ni Era sa may park at umupo kaming dalawa sa swing... parang kapatid ko talaga siya at napaka-bait na bata ni Era...

"Kuya Cy... kelan ka po babalik sa house namin?" Tanong niya.

"Kapag may pasok na ulit sa school." Sabi ko sa kanya.

"Kuya... diba wala po kayong kasama sa bahay niyo?" Tanong niya sa akin.

"Oo... wala akong kasama." Sabi ko habang nag-swing.

"Kuya... pwede po ba na dun ka muna sa house namin ni Kuya Eros?" Nakangiti niyang tanong sa akin.

"Pwede naman... bakit Era?" Nagtataka kong tanong sa kanya.

"Miss na po namin kayo ni Kuya eh." Seryoso niyang sabi.

Kami daw ni Kuya? So ibig sabihin miss na talaga ako ni Sir Eros hahaha nakaka-kilig naman...

Napangiti na lang ako habang naglalaro sa swing...

"Uuhhmmm... Era bakit pala nandun kayo ni Kuya mo sa bahay ko?" Tanong ko sa kanya.

"Ay kasi po... dati pumunta dun si kuya tapos wala ka daw. Hindi ka po namin matawagan kasi wala kang phone. Nag-alala po kami kaya hinintay ka namin sa house mo." Nakangiti niyang sabi sa akin.

"So dun kayo natutulog ni kuya mo?" Tanong ko ulit sa kanya.

"Opo hahah tabi po kami ni kuya sa bed mo... sana po minsan tatlo na tayong magkatabi sa bed." Nakangiting sabi ni Era.

Tatlo daw kami sa bed? Hhahaha naalala ko tuloy nung magkatabi lami ni Sir Eros natulog dati...

"Buti pumayag si papa mo na doon muna sa house ko." Sabi ko sa kanya.

"Ok lang po kasi kasama ko si kuya... kapag kasama ko po si kuya... safe ako palagi." Nakangiti niyang sabi.

Tama siya... yung feeling na kasama mo si Eros ganito yun... para kang may kasama na sasakmalin ka pero walang iba na makakalapit sayo...

Safe din ang pakiramdam ko kapag kasama ko si sir...

"Kuya Cy... may crush ka po ba kay kuya?" Biglang tanong ni Era.

Hala! Jusko! Bakit niya ako tinanong ng ganun? Hindi ako marunong magsinungaling...

Yumuko na lang ako at parang namumula na ako...

"Kuya Cy... ayyyiieee namumula ka! Sagot na po kayo... oo o hindi?" Panunukso ni Era.

"Era kasi ano eh..." Kinakabahan kong sabi sa kanya.

"Bad po magsinungaling." Nakangiti niyang sabi sa akin.

"Alam ko yun... di ako marunong magsinungalng." Sabi ko sa kanya.

"So... may crush ka po kay kuya?" Tanong niya sabay ngiti ng nakakaloko.

Tumango na lang ako dahil sa tanong niya at pakiramdam ko pulang-pula na ang mukha ko...

"Secret lang po natin..." Nakangiting sabi ni Era.

Parang nakahinga ako ng maluwag dahil sa sinabi niya...

"Kuya Cy... na-miss ko po yung lullaby niyo sa akin bago ako mag-sleep." Malambing na sabi ni Era.

"Ay ganun ba? Sige kakantahan na lang kita ngayon." Sabi ko sa kanya.

"Yehey!!! Thanks po kuya Cy!" Sabi ni Era habang pumapalakpak.

Sinimulan ko na ang isang makapag-bagbag damdaming awit na galing mismo sa aking puso...

May tatlong Bibe akong nakita
Mataba, mapayat mga bibe
Ngunit ang may pakpak
Sa likod ay iisa...

Siya ang lider na nagsabi ng Kwak, kwak,Kwak, kwak, kwak.
Kwak, kwak, kwak.

Siya ang lider na nagsabi ng Kwak, kwak,

Tayo na sa ilog ang sabi
Kumending ng kumending
Ang mga bibe...

Tawa ng tawa si Era dahil sa kinakanta ko at napahawak pa siya sa tiyan niya...

"Hoy Cyril! Tama na nga!" Biglang sigaw ng nasa likod ko.

Lumingon ako at nakita ko si Luther at Sir Eros na magka-akbay...

"Kuya! Bati na kayo ni Kuya Luther?" Nagtatakang tanong ni Era.

Tumango lang silang dalawa... lumapit si Luther kay Era at pinisil niya ang pisngi ni Era...

"Naku! Miss na miss na kita Era eh! Baby ka pa nung mag-away kami ng panget mong kuya." Natatawang sabi ni Luther.

"Miss na din po kita Kuya Luther! Tama po kayo... panget si Kuya Eros." Tumatawang sabi ni Era.

So totoo nga... bati na talaga si Luther at Sir Eros? Pero paano? Sino ang albularyong tinawagan nila?

"Hoy sinong panget? Ikaw nga Luther iyakin ka eh..." Sabi ni Sir Eros na parang natatawa.

"Tama na yan... paano kayo nagbati?" Tanong ko sa kanila.

"Secret..." Sabay nilang sabi at nagtawanan pa sila.

"Oh Cyril! Mamaya susunduin kita at sa bahay ka matutulog." Biglang sabi ni Sir Eros.

"Uy di pwede! Pupunta ako sa bahay niyo!" Sabi naman ni Luther.

"Walang kwarto para sayo Luther ahhaha tabi kami ni Cy..." Sabi naman ni Sir Eros.

Parang nagkaka-samaan na naman sila ng titig sa isa't-isa... bati na ba talaga sila? Bakit bigla na lang silang nagbago? Kinikilabutan ako... end of the world na ba?

"Cyril! Kahit anong mangyari wag na wag kang lilingon!" Nangigigil na sabi ni sir habang hinahatak ang kamay ko.

Bigla akong hinatak ni Sir Eros palayo kay Luther habang hinahabol niya kami ni sir...

"Cyril! Wag kang sasama diyan!" Sigaw ni Luther habang tumatakbo.

"Wag kang makikinig Cy... uupakan kita gamit labi ko." Seryosong sabi ni sir habang hinahatak ako.

Hala! Ano daw? Anong sinabi niya?

"Ano pong sabi mo sir?" Tanong ko habang tumatakbo.

"Ewan! Bingi ka!" Galit niyang sigaw.

Bigla akong ipinasok ni Sir Eros sa loob ng kotse at pumasok na din siya tapos ni-lock niya lahat ng pinto...

Naiwan lang si Era sa swing habang tumatawa...

"Sir ano po ba ang balak niyo? Bakit po natin iniwanan si Era?" Naguguluhan kong tanong.

"Ipapasundo ko siya mamaya." Sabi niya na parang walang gana.

"Hoy Eros!!! Gago ka!!! Ilabas mo si Cyril!!!" Sigaw ni Luther habang dinadabog ang salamin ng kotse.

"Tumigil ka nga Luther!!! Eto ka!!!" Galit na sabi ni sir at bigla siyang nag-bad finger kay Luther.

"Sir!!! Wag niyo pong i-bad finger si Luther masama po yun!" Sigaw ko.

"Bakit Cyril? Gusto mo ba na ikaw ang i-finger ko ha?" Sabi ni sir at parang may iba siyang iniisip.

"Hoy Eros!!! Manyak ka talaga!!! Tigilan mo si Cy... lumaban ka ng patas!!!" Sigaw ni Luther na galit na galit.

"Hoy! Kilala kita Luther! Parang hindi mo naman namanyak si Cyril ah!!! Kaya shut up ka na lang diyan!!!" Sigaw naman ni Sir Eros.

Anong minanyak ako? Di ko sila maintindhan pareho...

Biglang pinaandar ni Sir Eros ang kotse at pinaharurot niya agad ng takbo... lumingon ako at nakita ko si Luther na sobrang galit ng mukha...

"Hoy Cyril!!! Sabi ko wag kang lilingon diba? Ang kulit mo eh!!! Kurutin kaya kita sa singit mo para magtanda ka." Inis na sabi ni sir sa akin.

"Hala sir!!! Hindi na po... mananahimik na lang po ako." Kinakabahan kong sabi sa kanya.

"Good... bahave ka lang diyan babydoll." Mahinahon niyang sabi.

Tama ba yung narinig ko? Tinawag na niya akong babydoll? Pakiramdam ko ay nag-iinit na lang bigla ang buo kong mukha...

Pero mali... erase na! Kawawa naman yung ginawa ni sir kay Luther... kahit kelan talaga bad boy si Sir Eros...

"Sir... kawawa naman po si Luther..." Seryoso kong sabi sa kanya.

Bigla niyang inihinto ang kotse at...

"Bakit Cy? Ayaw mo ba na sumama sa akin?"

Unti-unting humarap sa akin si sir at nabigla ako nang makita ko ang malungkot niyang mga mata...

"Sir... hindi po sa ganun!" Sabi ko.

Yumuko na lang bigla si Sir Eros at parang malungkot siya...

"Ibabalik na lang kita sa kanya." Sabi niya at ramdam ko ang lungkot sa boses niya.

"Sir wag... gusto po kita." Bigla kong sabi.

Biglang nagbago ang mood si Sir Eros at mabilis siyang tumingin sa akin...

"Huh? Gusto mo ako?" Tanong ni sir at seryoso na naman ang mukha niya.

Hala! Lagot na ako! Hindi ako marunong magsinungaling... anong isasagot ko?

"Mmmm... mmm... gusto po kitang makasama yun po ang ibig kong sabihin." Nakangiti kong sabi at napakamot na lang ako sa ulo ko.

Oh... wala akong sinabing mali. Di ako nagsinungaling.. pero nagpalusot ako ng konti hahaa...

"Tsk!" Sabi ni sir at hinawakan na niya ang manubela.

Pinaandar na siya ulit ang kotse at nag-drive na siya...

"Sir... saan po tayo pupunta?" Tanong ko sa kanya.

"Sa langit." Sagot niya na parang walang gana.

"Sir naman eh... saan nga po?" Tanong ko ulit.

"Wag ka ngang makulit diyan! Isa pa Cyril at kukurutin na kita sa singit mo at ifi-finger kita." Inis niyang sabi.

Napatakip na lang ako bigla sa bibig ko at alam kong gagawin talaga yun ni sir kasi ganun ang ugali niya...

Pero ano yung ifi-finger? Itanong ko ba kay sir?

Ay wag na lang! Baka mamaya makulitan pa siya ulit sa akin...

Tumitig ako kay Sir Eros at seryosong-seryoso pa din ang mukha niya habang nagda-drive ng kotse...

.......

"Cy... gising na."

Naramdaman ko ang mainit na kamay na tumatapik sa mukha ko... minulat ko ang mga mata ko at naka-idlip pala ako habang bumabiyahe...

"Sir nasaan po tayo?" Tanong ko.

"Baba ka ng kotse para malaman mo." Sabi ni sir sa akin.

Binuksan ko ang pinto at nagulat ako nang makita ko na nasa airport kami. Nakatayo kami sa harapan ng kulay pulang helicopter...

"Uuhhmmm... Sir Eros? Ano po ang ginagawa natin dito?" Nagtataka kong tanong sa kanya.

Huminga siya ng malalim at...

"Diba sabi ko sayo dadalhin kita sa langit?"

Parang nagba-blush ang mukha ko sa sinabi niya...

Hinatak niya bigla ang kamay ko at isinakay niya ako sa likod ng helicopter katabi siya at nasa harapan ang piloto nito...

Umandar na ang helicopter at unti-unti nang umangat ito sa ere...

Habang tinitignan ko ang pangyayari ay sumilip na lang ako sa bintana at...

Nakakamangha... kitang-kita ko ang paglubog ng araw sa ibabaw ng mga ulap na sobrang ganda tingnan...

"Maganda ba ang view Cyril?" Biglang tanong ni sir.

Humarap na lang ako sa kanya at tumango ako... pagkatapos ay ngumiti na lang ako sa kanya...

"Cy... ikaw ang pangalawang tao na kasama kong pumunta dito."

Seryoso si sir... hindi ko na naman siya maintindihan... pero isa lang ang alam ko, tumitibok ng malakas ang puso ko ngayon...

"Si mama... dinadala niya ako dito para sumaya ako kaso nung namatay siya ay naging gloomy ako kaya hindi ko magawang bumalik. Pinasaya mo ako Cyril kaya dinala kita dito."

Sabi ni Sir Eros at kitang-kita ko ang sinseridad sa mga mata niya...

Habang tinititigan ko ang mga mata niya tumitibok ng malakas ang puso ko... kasabay ng paglubog ng araw ay nakikita ko sa kanya at sa paligid ang magkahalong lungkot at saya...

Ito ba yung sinasabi ni Kith? Ganito ba ang pakiramdam ng totoong pagmamahal?

"Cyril... alam kong salbahe ako pero magbabago ako para sayo."

Pagkasabi niya nun ay para akong binuhusan ng malamig na tubig. Hindi ako makapaniwala... siya ba talaga ang taong kaharap ko?

"Bakit po? Bakit niyo ginagawa lahat ng ito para sa akin?" Naguguluhan kong tanong sa kanya.

Umiwas siya bigla ng tingin sa akin...

"Gusto kong higitan ang kayang ibigay sayo ni Luther... alam kong may nararamdaman ka na para sa kanya." Seryoso niyang sabi.

Pero bakit? Bakit niya ginagawa ito?

Ano ba ang balak niya? Gulong-gulo na ang utak ko pero isa lang ang alam ko ngayon... mahal ko siya...

Unti-unti nang lumapag ang helicopter sa isang resort...

Tanaw ko ang napaka-gandang beach at hindi ko alam kung nasa pilipinas pa ba kami dahil sobrang ganda...

Bumaba na kami ni Sir Eros ng helicopter at namamangha pa rin ako sa lugar... kitang-kita mo lahat at sobrang linis ng tubig dagat...

"Sir... ang ganda po dito... paano niyo po nalaman ang lugar na ito?" Tanong ko kay sir.

Huminga siya ng malalim at itinuro niya ang isang direksyon... tumingin ako doon at nakita ko ang isang malaking steel na pangalan...

"Vermillion"

Nakasulat yung surname ng pamilya nila. So... kila sir pala itong resort. Mayaman pala talaga sila...

"Resort namin ito Cy... tayo lang tao ngayon pati yung mga staff." Sabi sa akin ni sir.

"Bakit niyo po ako dinala dito Sir Eros?" Tanong ko sa kanya.

"Gusto kitang ilayo kay Luther." Seryoso niyang sabi sa akin.

"Pe...pero bakit po?" Tanong ko ulit.

"Pwede ba? Tama na ang tanong! Makiramdam ka na lang!" Biglang sigaw sa akin ni Sir Eros.

Makiramdam daw ako?

"Mmm... sorry po sir." Mahina kong sabi habang nakayuko.

Huminga siya ng malalim at...

"Apology accepted." Sabi niya na parang walang gana.

"Halika... gala tayo." Sabi ni Sir Eros at naglakad na kami sa beach.

Tumitingin-tingin lang ako sa paligid at pansin ko na napaka-tahimik talaga ng lugar na ito...

Nagulat ako ng biglang hawakan ni sir ang kamay ko habang naglalakad at magka-holding hands kami...

Ang laki at ang init ng palad niya na humahawak sa akin...

"Mmm... sir?" Magtatanong sana ako pero bigla na lang...

"Shut up! Wala kang karapatan na magreklamo kung ano gagawin ko sayo." Galit niyang sabi aa akin.

Hinayaan ko na lang na magka-holding hands kaming dalawa... medyo namumula na yata ang mukha ko dahil sa ginagawa sa akin ni sir...

Naglakad lang kami sa beach at hapon na kaya hindi mainit...

Nakarating kaming dalawa ni Sir Eros sa pantalan o yung daungan ng yate...

"Cy... ligo tayo sa dagat." Sabi sa akin ni sir.

"Pero sir... di po ako marunong lumangoy. Malalim po yan." Sabi ko naman sa kanya.

"Nandito naman ako eh..." Walang gana niyang sabi.

"Pero malulunod lang po ako kasi di ako marunong lumangoy." Sabi ko ulit sa kanya.

"Halika dun tayo..." Sabi ni sir at itinuro niya ang dulo ng pantalan.

Naglakad kami doon at kitang-kita ko na sobrang lalim ng dagat... nakakatakot pala...

"Cy dito ka sa harap ko..." Seryosong sabi sa akin ni sir.

Pumunta ako sa harap niya at nabigla ako ng unti-unting haplusin ni sir ang balikat ko pababa sa mga kamay ko at pagkatapos ay itinaas niya na parang jack and rose kami sa titanic...

Nilapit ni sir ang bibig niya sa tenga ko at ramdam ko sa leeg ko ang mainit niyang hininga...

"Cy... wag kang aalis sa tabi ko ah?" Tanong niya sa akin.

"Syempre naman po..." Sabi ko.

Nabalot kami ng katahimikan pero sobrang saya ko... ambilis ng tibok ng puso ko...

"Mmmm... sir? Bakit niyo po ito ginagawa?" Tanong ko sa kanya.

"Wala kang pake... sumunod ka na lang sa gusto ko." Inis niyang sabi.

"Pero... paano naman po yung gusto kong gawin?" Tanong ko sa kanya.

"Bakit ayaw mo ba na kasama ako?" Tanong niya sa akin.

"Hala! Hindi naman po sa ganun!" Sabi ko sa kanya.

"Dun ka na sa Luther mo! Panget niyo!!!" Galit niyang sigaw.

"Sir hindi po..." Sabi ko pero tinalikuran niya ako.

Hinawakan ko ang kamay niya pero binawi niya kaya nawalan ako ng balanse...

Unti-unting nawawala ang balanse ko at bigla na lang akong nahulog...

Nahulog ako sa dagat at sobrang lalim pala nun...

"Sir!!! Tulong!!!" Sigaw ko habang nalulumos.

Nakita kong humarap si Sir Eros at...

"Hala! nahulog log log log hahah." Tumatawang sabi ni sir.

Hindi na ako makahinga at lumulubog na ako sa dagat...

Biglang nag-dive si sir at lumangoy siya papunta sa akin...

Niyakap niya ako at hindi na ako nakaramdam ng pagkalunod...

"Sir!!! Ang sama niyo talaga!!!" Naiiyak kong sigaw habang nakayakap sa kanya para di ako malunod.

"Wag kang mag-alala safe ka na... dito lang ako." Mahina niyang sabi.

Parang bigla na lang namula ang buo kong mukha... nakakatakot sa dagat pero safe ang pakiramdam ko habang nakayakap sa kanya...

Itutuloy...........

No comments:

Post a Comment

Read More Like This