Pages

Friday, May 26, 2017

Can You Help Me Get Over (Part 2)

By: Kenny

A N G E R

Bigla siyang itinulak ng isang lalaki.
"Magpapakamatay ka ba?!"
Inalis ni Kenny ang pagkakahawak sa kanya ng lalaki.
"Pabayaan mo nga ako! Ayoko na, ayoko nang mabuhay!
"Sino ka ba? At bakit ka nandito?". Tanong ni Kenny.

"Ako nga dapat nagtatanong sa iyo niyan eh. Wala, may hinihintay lang ako. Mukhang malaki ang problema mo ah. Baka matulungan kita. Tungkol saan ba yan? "

Tumingin si Kenny sa lalaki.
"Oo, medyo malaki nga problema
Ko. Hindi ko na kasi alam ang gagawin ko". Mangiyak ngiyak na paliwanag niya.
"Tungkol saan ba yan? Sa dyowa mo?".

Tumango lang si Kenny.
"Wait, ano nga palang pangalan mo? Kanina pa tayo nag uusap pero di pa kita kilala".

"Gerald na lang". Tugon niya.
At doon nagkwento siya kay Gerald ng mga pinagdadaanan niya.
Sa kanya lahat inilabas ang sama ng loob niya dahil kay Derrick. Nalaman niya na lalaki ang karelasyon ni Kenny. Pero patuloy pa rin siyang nakinig.

"Ah, pareho pala tayo nang naging problema dati. Pero buti na lang napigilan kita. Kung hindi".
"Kung hindi ano?"
"Wala. Basta sa susunod huwag mong isipin mo na pagpapakamatay ang sagot sa lahat ng problema. Maraming paraan para malampasan iyan. Gaano na ba kayo katagal na naghiwalay ni Derrick?" tanong ni Gerald.

"Almost 2 months na".
"Ang relationship nyo?"

"3 years ".
Sa mga sandaling iyon, nangingilid na muli ang mga luha niya.
"Sige, hindi naman kita masisisi. Ilabas mo lang ang lahat".

Hindi namalayan ni Kenny ang oras. Kaya bukangliwayway na ng siya ay umalis sa riles.
"Sige na Gerald, mauna na ako sa'yo"
"Ok, ingat ka Kenny".
Pinaandar niya ang kotse. Noong muli siyang magpapaalam kay Gerald, wala na siya.
Habang nasa kwarto, inisip ni Kenny ang nagawa niya. Tama nga naman si Gerald. Hindi sagot ang suicide sa problema.
Hindi maintindihan ni Kenny ang nararamdaman niya.
Pero muling bumalik ang alaala niya nung nag break sila ni Derrick.
Umiling siya, ayaw niya nang maalala pa ito.
"Hanggang kailan ba ako maghihirap?". Tanong niya sa sarili.
Kahit medyo nahihiwagaan siya kay Gerald. Nagpapasalamat na rin siya dahil nakilala niya ito.
Dumaan ang mga araw. Lalong tumibay ang pagkakaibigan nilang dalawa ni Gerald.  Lagi na niyang pinupuntahan ang riles. Simula noong gabing sila ay nagtagpo, halos araw araw nang bumibisita si Kenny sa kanya. Pero sadyang nakakapagtaka na bigla na lang sumusulpot ang lalaki. Gabi-gabi silang nag uusap. Nagpapalitan ng mga kwento. Kahit sa ganoong paraan ay nalilimutan ni Kenny ang sakit ng panandalian.
"Wait, matagal tagal na tayong laging nag uusap pero hindi mo pa rin sinasabi kung saan ka nakatira?".
"Bakit? . Hindi na mahalaga yun".

"Syempre mahalaga pa rin sa akin yun".
"Gusto mo ba  talagang malaman?".
Tinuro ni Gerald ang isang lugar.

Zoooooooooooooooooooooooooom!
Dumaan ang mabilis na tren. Nagising si Kenny sa pagkakatulog. Sa ilaw na tumama sa kanyang mukha. Napaayos siya ng upo. Pinaandar ang kotse. Dahil sa napanaginipan, medyo natakot si Kenny. Kaya kinaumagahan tinignan niya kung anong meron sa lugar na iyon. Gusto niyang malaman kung anong meron doon. Scroll down. Hanggang sa makakita siya ng isang news headline:
"Man took his own life by suicide"

Pinindot niya ito.
"March 16, 2005, ito yung date na nakipaghiwalay si Gerald sa girlfriend niya ah". Ang bulong niya sa sarili. Dahil sa curiousity niya, naghanap pa siya ng ibang article tungkol dito.

At doon nga nalaman niya, isang nagngangalang Gerald Santilian ang nagpakamatay noon sa riles na iyon. Imbis na hilakbot ang maramdaman ni Kenny, tanging pasasalamat ang namayani.
"Oh my, Pinigilan ako ng multo?".
Kaya agad niyang hinanap ang address ni Gerald. Nang makita ito agad niya itong pinuntahan.

"Tao po, tao po?" tawag niya sa isang malaking bahay.
"Dito po ba nakatira si Gerald Santilian?".

Sa di kalayuan, lumabas ang isang matandang babae.
"Anong kailangan nila?"

"Dito po ba nakatira si Gerald?"

Medyo lumungkot ang mukha ng matanda.
"Bakit mo hinahanap si Gerald? Matagal na siyang patay".

"Iyon nga po ang ipinunta ko rito".
Pinapasok siya ng matanda. At doon siya nagkwento ng nangyari sa kanya sa riles kung saan iniligtas siya ni Gerald.
Pinakita sa kanya ang mha picture no Gerald noong nabubuhay pa.
"Napakabait na bata talaga niyang si Gerald. Simula nang inalagaan ko iyan. Kaso nga lang dahil lang sa pag ibig nawala siya".
"Ah, kasambahay po ba kayo ni Gerald?"
Tumango ang matanda.
"Oo, simula nang mawala siya nangibang bansa na ang pamilya nila. Kaya ako na ang caretaker ng bahay nila".
Nalaman din niya na lalaki rin ang naging karelasyon ni Gerald.
"Kahit na ganoon ang pagkatao ni Gerald, tanggap siya ng pamilya niya. Hindi man siya naglantad, pero ako alam ko ma iba siya pati na rin ang mga magulang niya".

Mga tanghali ng umalis si Kenny sa bahay nila Gerald. Nagpaalam siya na pupuntahan ang puntod nito.

Habang nagmamaneho, iniisip niya ang mga nangyayari sa buhay niya ngayon.
Kung bakit niya ito nararanasan.
Dumating siya ng sementeryo
Nag sindi ng kandila at nagdasal.
"Gerald, Salamat ha. Kaya pala sabi mo sa akin buti na lang napigilan mo ako, ikaw pala mismo di mo napagilan sarili mo. Salamat sa pagpaparamdam na kahit ganito, may handang tumulong sa iyong ibang tao. Salamat sa iyo ha".

Umalis siya. Kasabay nito ay ang mga alaala ng isang taong nagmagandang loob para sa kanya.

Bago Umuwi, dumaan muna si Kenny sa isang coffee shop. Umorder ng paboritong frappe. Umupo sa isang tabi at nagmuni muni.
"Sayang gwapo pa naman si Gerald."
Sabay higop sa kape. Medyo hapon na rin noon kaya hindi masakit sa balat ang sikat ng araw. Kaya naisipan niya pumunta ng mall.
Sa may elevator. Sa hindi sinasadyang pagkakataon. Nakasabay niya sa loob si Derrick kasama ang girlfriend nito.

Nagkatinginan silang tatlo. Ngumiti lang si Kenny.
Nakatalikod si Derrick kay Kenny.
Kahit di niya kaya na tignan ang dalawa, kailangan para mapakita kay Derrick na malakas siya.
Nakita niya ang naka tuck out na polo ni Derrick. Hinawakan ito at muling naalala niya noong magkasama pa sila.
. . . . . . .
"Kenny,  maaga ako uuwi mamaya"
Habang nag aayos ng gamit ay inayos ni Kenny ang polo ni Derrick. Tinuck in niya..
"Amg sweet talaga. Halika ka nga rito". Niyakap ni Derrick si Kenny at Binigyan niya ito ng halik sa noo.

. . . .

TING! ang tunog ng elevator. Naghanda si Derrick at ang babae sa pag alis. Pero nakakapit pa rin si Kenny sa polo niya. Hanggang sa lumabas sila. Doon lang niya ito binitawan.
"Derrick". Mahinang sabi niya.

ITUTULOY

No comments:

Post a Comment

Read More Like This