Pages

Sunday, May 21, 2017

Roommate Romance (Part 6)

By: N.D. List

Dumaan ang mga sumunod na araw ng normal. Gumaan na din ang pakikitungo namin ni Mico sa isa't isa pero pinanindigan ko parin na wag muna syang tumira sa'kin at hindi na din naman sya nagpilit na. Okay na din siguro ang ganitong status quo, naisip ko.

Hindi ko alam kung dahil sobrang dami ng trabaho sa opisina o dahil masyado lang akong madaming iniisip pero umuwi ako isang umaga na sobrang bigat ng pakiramdam. Hindi na ako naligo sa sobrang pagod at direcho na akong bumagsak sa kama at natulog.

Ginising ako ng alarm clock at nakaramdam ako ng matinding lamig. Nanginginig ang aking buong katawan at halos hindi ko mapindot ang remote control na aircon para patayin. Alam kong hindi nako makakapasok sa sama ng pakiramdaman ko kaya bumalik na lang ako ulit sa pagtulog. Nagising ako pagkatapos ng dalawang oras. Tiningnan ko ang celphone ko at nakita ko na meron akong dalawang missed call galing kay Chona at pitong missed call galing kay Mico. Tinext ko si Chona at sinabihan ko na hindi ako papasok dahil may sakit ako. Hindi ko na na-text si Mico sa sobrang sakit ng ulo ko. Naisip ko din kasi sasabihan naman siguro sya ni Chona kung bakit hindi ako pumasok. Bumalik ako sa pagtulog.

Nagising ako ng malalakas na katok at tawag ni Mico. Dahil hindi ako makabangon sa sama ng pakiramdam ko, kinuha ko nalang ang cellphone ko at saka ko sya tinawagan.

"Hello, kuya! Ayus ka lang dyan?" pag-aalala ni Mico.

"Sisirain mo ba yung pinto ko? Tulungan sana kita sa pagsira kaso hirap akong bumangon." Sarcastic kong sabi sa kanya.

"Ngek, eh papano ako papasok?"

"May susi si Camille sa unit ko. Kunin mo sa kanya."

Noong ako palang mag-isa sa unit ko, binigyan ko ng duplicate si Jael. Naisip ko mas maganda yung may ibang may susi sa unit in case of emergency. Tutal madalas din naman syang tumambay sakin nun para maki-internet. Minsan din kasi madalas akong may makalimutan sa bahay na tinatawag ko nalang sa kanya para dalhin nya sa opisina noong nauuna ang schedule ko sa kanya. Tiwala naman ako sa kanya noon. Yun ang binigay ko kay Mico noong tumira sya sakin na binigay ko naman kay Camille nung pinaalis ko na si Mico.
Narinig kong bumukas ang pinto pagkatapos ng halos kalahating oras. Pumasok si Mico at nakita kong nakasunod sa kanya si Camille. Ang maganda kay Camille, walang naging epekto sa pagkakaibigan namin ang nangyari sa'min  ni Mico. Hindi din ako nagbigay ng detalye sa kanya na nirespeto naman nya. Hindi na rin sya nagtanong. Siguro ayaw din nyang maging awkward ang usapan. Hindi ako out kay Camille pero may palagay ako na alam din naman nya na bakla ako. Or at least siguro may pagdududa sya. Pero may palagay ako na nagkwento ng detalye sa kanya si Mico. Mahina ang loob ni Mico at alam kong isa si Camille sa pinagbuhusan nya ng sama ng loob nung pinalayas ko sya.

Tumuloy si Mico sa mesa at nilapag ang dala nilang pagkain.

"May dala kaming lomi kuya!" bungad nya habang tinatanggal ang takip ng dala nilang mangkok.

Lumapit sa Camille sakin at tinimpla ang init ng noo ko habang lumapit naman si Mico at umupo sa tabi ko. Binuksan ang aircon.

"O, mukhang hindi ka pa naman mamatay, babalik muna ako at walang kasama si Manang Lety sa canteen. Tawagan nyo nalang ako pag pupunta na ng morge". Sabay tawa ni Camille habang inaabot kay Mico ang dala nilang gamot.

"Wow! Ang sweet mo naman sa'kin, Cams. Mico, abot mo nga yung unan sa higaan mo." utos ko.

Iaabot na nya sa'kin ang unan pero pinigilan ko sya.

"Ihampas mo ng malakas yan sa girlfriend mo. Pag nagawa mo yan pababalikin na kita dito."

Dinuro ni Camille si Mico at sinabayan ng matatalim na tingin. "Gago ka ha, pag ginawa mo yan tapos na tayo!!!"

Nagpaawa ng mukha si Mico at kumurapkurap na parang kuting bago nya ihampas kay Camille ng malakas ang unan. Tawanan kaming dalawa. Pati si Camille ay natawa na din kahit buwisit. Hahablutin sana nya ang makapal na buhok ni Mico pero mabilis itong nakaiwas at pumunta sa mesa para kunin ang lomi at saka nya ito nilagay sa ibabaw ng ref na para bang babawiin nitong si Camille.

"Akin na ang loming yan!!!!" sigaw ni Camille.

"Hahaha. Wala nang bawian, babe! Gusto ko na kasing bumalik dito. Walang personalan." natatawang sabi ni Mico habang kumukurap kurap ulit at nagpapaawa ng mukha.

"Tandaan nyo 'tong dalawa ha!" sabay lakad palabas ni Camille. Bwisit pero nagpipigil din ng tawa.

"Beb!!!" pinigilan ni Mico si Camille. Huminto sya at tumingin kay Mico na nakapamewang. Naghihintay ng sorry.

"Akin na yung susi. Dito na ulit ako titira eh. Hahaha".

Gigil na binato ni Camille ang susi kay Mico at saka na sya lumabas ng kwarto.

Hindi ako seryoso nung sinabi ko na pababalikin ko na si Mico pero naisip ko din na iba pa rin pag may kasama sa bahay. Bukod sa namimiss ko din naman sya at wala nang dahilan para hindi sya pabalikin dito kung nagkaayos na naman kami.

Medyo sumakit lalo ang ulo ko sa kakatawa. Kinuha ko kaagad ang cellphone ko at saka ko tinext si Camille. "Salamat, Cams!!! Miss kita. Babawi ako sa'yo ;)".

"Isusumbat ko sa'yo yan balang araw. :D Pagaling ka. May utang ka pa dito!" reply nya.

Lumapit sa akin si Mico saka hinawakan din ang aking noo.

"Ang init mo kuya! Saka basang-basa ka ng pawis. Pati takip ng kama basa. Bakit kasi hindi ka nagbukas ng aircon?" paninisi nya sakin habang hinahagod nya ang basa kong likod.

"Eh nanginginig kasi ako sa lamig kaya pinatay ko. Kuha moko ng damit dyan sa second drawer."

"Eh kuya pati shorts mo basa! Pati brief!" sabi nya habang pinapasok nya ang kamay nya sa loob ng shorts ko at kinapa ang brief ko.

"Para gago 'to oo. Kailangan mo talagang sakmalin??? Ako na magpapalit. Kuha mo nalang ako ng mga damit dyan" saway ko sa kanya at pinalo ang kamay. Naramdaman kong pumintig ang sakit ng ulo ko.

"Hahaha. Ang arte mo naman, TL. Ikaw nga dyan hinimas-himas mo pa ang titi ko hindi naman ako nagreklamo. Saka mukhang hindi mo naman kayang magpalit eh. Gusto mo bang punasan kita ng twalya?"

"Hindi na! Magpapalit nalang ako. Wala namang namamatay sa pawis."

Kumuha sya ng mga pampalit na damit at saka nyako dahan-dahang inupo. Hindi ko na sya pinigilan dahil mukhang hindi ko din naman kayang magpalit dahil nakaramdam ulit ako ng pagkahilo habang nakaupo. Nagpahiga ulit ako sa kanya pagkatapos nya akong palitan ng damit. Pagkatapos ay walang pakundang nyang hinubad ang shorts ko kasama ang brief. Naramdaman ko na bahagya akong tinitigas at nakaramdam ng konting libog. Nakita ko sa mukha nyang ang malisyosong ngiti.

"Anong nginingiti-ngiti mo dyan?"

"Wala! Hahaha. Ipupunas ko na tong kumot ha. Basa na din naman. Palitan ko nalang." saka nya pinunasan ang binti ko. Binuka nya ang mga hita ko at pinunasan ang singit ko. Pati bayag at ari. Pagkatapos ay sinuutan nyako ng brief. Natawa lalo si Mico dahil sa sobrang tigas na ng titi ko ay halos lumabas na ito sa brief na pinasuot nya.

"Hahaha. Mukhang tinatamaan ka ng libog TL ha. Not bad! Malaki ka din naman pala. Mas malaki nga lang ako. Hahaha." pagyayabang nya. Pabiro nyang hinawakan ang nakakambiyong titi ko sa brief at inalog-alog ito. Pinalo at hinawi ko ang kamay nya.

"Wag ka nga, puta! Para kang gago! Minomolestiya mo nako nyan eh!!! Sumasakit lalo ang ulo ko sayo. Suot mo na sa'kin yung shorts, punyeta!!!"

Sinuot na sa akin ni Mico ang shorts at saka nya pinalitan ang takip ng kama at punda ng unan at kumot. Saka nyako pinakain ng lomi at pinainom ng gamot pagkatapos.

"Balik muna ako sa kabila, kuya. Kunin ko ang gamit ko. Wala nang bawian ha."

Saka sya lumabas at sinara ang pinto.

Pagbalik ni Mico ay dala na nya ang karamihan sa mga damit nya. Gago talaga 'tong isang 'to. Hindi man lang nya inisip na baka nagbibiro lang ako.

"O, hindi ka man lang ba magpapaalam kay Jepoy?"

"Sus, eh ilang araw na ngang hindi umuuwi yon. Baka nga magbayad pako ng buo ngayong buwan pag hindi na'ko sinipot nun eh. Kung bumalik man sya, mayaman naman yon. Spoiled ng tatay."

"Nagsalita ang hindi royal blood," kantiyaw ko.

"Royal blood ka dyan! Kumusta na ba pakiramdam mo kuya?"

"Mas maayos na pero medyo hilo pa din. Mukhang nakatulong naman ang gamot at lomi. Teka nga, buti pinayagan kang mag half-day?"

"E diba andami ko pang hindi nagagamit na leave? So ayon pinayagan ako ni Miss Cho na mag leave ng short notice. Leave ako hanggang weekend."

"Aaah, okay."

"May utang na loob ka sa'kin kuya ha. Sinagip ko ang buhay mo."

"Ulol! Sinagip eh minolestiya mo lang naman ako!"

"Sus! Arte neto. Kung hindi lang kita mahal eh hindi kita pupunasan at bibihisan no!"

"Ewan ko sa'yo! O sya, matutulog na ulit ako."

Pinabayaan ko lang syang ayusin ang gamit nya at bumalik na ako sa pagtulog.

Naging magaan na ang pakiramdam ko kinabukasan.

Kahit kakarecover ko lang ay nag-aya kaagad si Mico na lumabas kasama si Camille. Sine. Mall. Shopping. Kain. Masaya naman kaming tatlo. Ngayon ko lang na-realize kung gaano ko namiss ang dalawa. Masayang kasama si Mico lalo na kung kasama din si Camille. Walang tigil ang tawanan sa kahit anong walang kakwenta-kwentang bagay pag kasama sila. Click ang sense of humor namin. We're almost always on the same page of everything. Minsan naisip ko pa lang ay nakukuha na nila sa tingin pa lang at tumatawa na kaagad kami kahit hindi pa nagsasalita. Yun din siguro ang dahilan kung bakit wala masyadong pormal na ligawan sina Mico at Camille. Puro pakiramdaman lang. Hindi rin naman kasi si Camille yung tipo ng babae na mahilig sa kaartehan. Sya yung tipo na hindi nadadaan sa bulaklak at chocolates. Nagising nalang ako isang araw na sila na pero hindi na din naman ako na nagulat na dahil sinabihan na kaagad ako ni Mico nung umpisa pa lang na may gusto sya sa Camille.

Pagkauwi namin ay kumuha na kaagad ako ng damit pambahay at dumirecho na kaagad ako ng banyo para maligo. Sa banyo na din ako nagpatuyo at nagbihis. Naglalagay ako ng toothpaste sa tootbrush nung ginulat ako ng malalakas na katok ni Mico.

"TL, antagal mo naman diyan! Maliligo din ako!", sigaw nya.

Binuksan ko ang pinto.

"Bakit ba??? Hindi ka makapaghintay. Hindi ka din mahilig kumatok ng mahina! May lakad ka?" naiinis ko ng sabi sa kanya at saka nako nagpatuloy sa pagsisipilyo.

Bigla syang pumasok sa banyo, sinabit ang twalya sa sabitan at saka na nagtanggal ng damit at tumuloy sa shower area. Napailing nalang ako habang nagsisipilyo. Pagkatapos kong magmumog ay sinabihan ko sya na isara nya ang shower curtain at tumatalsik ang tubig sa sahig ng buong banyo. Humarap sya sakin at tumambad nanaman sa akin ang hubo't hubad nyang katawan. Dinadaluyan ng tubig ang kanyang makinis na balat. Bumuntong hinginga sya at at sinara ang shower curtain. Napailing ulit ako.

Malaking palaisipan sa'kin ang ganong mga sexual advances ni Mico. Hindi ko alam kung ano ang pinanggagalingan nya kaya hindi ko din alam kung paano iha-handle. Nung una nga iniisip ko pa na baka sinusubukan ako nito para lang maipagkalat nya sa tropa nila nina Jael na nakumpirma nya na bakla ako. O bisexual.  Alam naman nya ang karanasan ko kay Carla na pine-press release ko dati na girlfriend ko.  Although para sa'kin ay wala naman talaga masyadong pinagkaiba ang bisexual sa bakla. Ang pagiging bisexual kuno ay isa sa mga talamak na excuse ng karamihan sa mga bakla para lamang masabing hindi sila masyadong bakla. Medyo bakla lang. Very very light. Charotera. Sa palagay ko 90% ng mga self-declared bisexual ay mga bakla lang talaga na takot pa sa panghuhusga sa society at ayaw lang umamin na bakla sila pero karamihan sa kanila ay certified bading. Siguro may mangilan-ngilan sa kanila na talaga naman nagkakaroon ng attraction sa babae pero mas bading ang mga yon kesa sa straight. Ibalato na natin sa kanila ang 10%. Nagkaroon ako ng karanasan kay Carla pero alam ko sa sarili ko na bakla ako. Closeta. Bading inside. Nagkataon lang na-turn on ako ng ilang beses sa isang babae and I acted on it.

Si Mico, on the other hand, ay isang tunay na lalake. Walang bahid ng kabadingan. Hindi sya naglalaro ng basketball pero other than that, sigurado akong lalake sya. Siguro ay gusto lang nyang masiguro sa sarili nya na mahal ko sya. Sinusukat nya kung gaano ko sya kamahal... bilang isang kaibigan, kapatid o kung ano man. Yun lang siguro ang naiisip nya na paraan. Nararamdaman ko na may takot talaga sya na nawala na talaga ako ng tuluyan sa kanya dahil sinira nya ang tiwala ko. Manifestation din siguro ito ng kanyang abandonment issues. Masayahing tao si Mico at hindi sya ang tipo ng tao na iisipin mo na may baggage pero kung iisipin mo, hindi nga naman sya lumaki sa magulang nya. Pagkatapos ay iniwanan sya ng kuya nya nung bumukod sila ng asawa nya. Gumatong pa ang ate nya na sumunod din sa Amerika.

Naisip ko tuloy kung ano ang pakiramdam nya nung pinaalis ko sya. Nakaka-guilty tuloy. Kaya din naaisip ko na kung papatulan ko itong mga advances nya, parang inaabuso ko ang weakness nya. Ayokong gumawa sya ng mga bagay na pagsisisihan nya. Hindi fair yon. Parang pang-aabuso.

Baka naman din masyado lang akong nag-iisip at binibigyan ng rationale ang lahat. Baka naman may gusto lang pala sya akin. Pero kung ano man,  hindi nya ginagawang madali para sa'kin ang magpigil. Lalo pa't parati nyang dinidisplay ang katawan nya sa'kin. Maganda na ngayon ang ang katawan ni Mico. Hindi masyadong ma-muscle pero tanggal na lahat ng taba nya sa katawan dahil nahikayat din namin syang mag Gym. Kaya naman binatilyong binatilyo parin ang hubog kahit mahigit bente anyos na sya. Walang taba sa tiyan nya pero hindi rin prominente ang abs. nya Malakas maka-turn on ang abs pero may sariling appeal din ang flat lang na tiyan na may hint lang ng konting muscles.

Lumabas si Mico ng hubo't hubad at nagpupunas ng basang buhok ang gamit ang dala nyang twalya. Ako naman ay nakahiga na sa kama at nagfe-facebook sa cellphone. Bumuyangyang ang puwet sa'kin nung inabot nya ang pambihis nya na nakapatong sa kama nya. Nagulat sya nung hinampas ko sya ng unan.

"Kailangan mo ba talagang iparada ang katawan mo dito sa bahay?" painis kong tanong.

"Tsk! Ano ba? Tayong dalawa lang naman dito" bahagyang natatawang sagot ni Mico. "Para naman diring-diri ka sakin. Baket? Pangit ba ang katawan ko?"

"Wala akong sinabing ganon."

"Ah, o edi nagagandahan ka sa katawan ko? Hahaha"

"Gago! Ikaw, siguro dati mo pang iniisip na pinagnanasahan ko yang katawan mo ano?" pag-aakusa ko sa kanya.

"Wala naman akong sinabing ganon ah!" inis na sabi ni Mico habang nagdadamit.

"Anong wala, e diba ganon ang sabi mo kina Jael nung pinag-uusapan nyo'ko sa locker room?"

FLASHBACK ULIT TAYO NG KONTI:

Hindi na din naman lingid sa'kin na naging katatawanan ako sa office dahil sa mga parinig ni Jael tungkol sa'kin sa facebook at sa kung ano man ang mga pinagkakalat nya sa office. Hindi naging madali sa'kin yon lalo pa't wala naman talaga akong balak mag-out. Wala naman akong nagawa kundi magpatay malisya na lamang. Minsan yun nalang ang huling alas ng mga baklang nagtatago sa closet. Magpatay malisya kahit ubod na ng awkward ang sitwasyon. Kahit masakit. Ganon talaga at tanggap ko naman yon.

Ang hindi ko lang matanggap ay ang pagsama-sama pa ni Mico sa mga taong ginagawa akong katatawanan. Masakit dahil sya ang taong pinakamalapit sa akin nung mga panahon na yon. Magkasama kami sa bahay. Kasama-kasama ko syang manood ng sine. Kumain. Kasama sa gym. Kinukwento nya sa'kin ang lahat halos ng nangyayari sa kanya. Sa akin sya kumukonsulta pag nahihirapan syang magpasya sa kung ano man. Umiinom sya sa bottled water na pinag-inuman ko at ganon din ako sa kanya. Sa loob-loob ko, siguro naman ay may malasakit kami sa isa't-isa. Kaya naman hindi ko maintindihan kung bakit nakisali pa sya sa mga taong gustong ipahiya ako sa opisina. Sa mga taong ginagawa akong katawanan. Hindi ko na din sya kinonfront dahil bukod sa wala akong ebidensya dahil hindi ko naman sya nahuli sa akto ay iba din ang gustong kong pagtuunan ng pansin noon. Nakapagpasya ako nun na iisa-isahin ko sila at wala naman talaga akong tinira. Karamihan sa kanila ay kusa na ding nagresign at kasama na din dun si Jael. Giyera ang gusto nila at yun ang binigay ko sa kanila.

Siguro ay mahal ko lang talaga si Mico kaya hindi ko nagawang isali sya sa mga napatanggal ko sa opisina. Well, deserving naman talaga mawala yung mga napaalis ko at kung competency ang pag-uusapan, milya milya naman talaga ang layo ni Mico sa kanila. Kaya naman wala na akong ibang naisip kung hindi alisin nalang sya sa buhay ko. Hindi ko kailangan ang taong walang pakialam sa nararamdaman ko.

Sumagi din sa isip ko na siguro masyado lang akong emosyonal. Sensitive. Kaya masyado akong nasaktan. Nung nakumpirma ko na nakikisali nga sya mga gagong naninira sa'kin sa opisina ay saka ko naisip na hindi ko siguro masyadong kilala si Mico. Minsan talaga hindi sapat ang habangbuhay para makilala mo ang isang tao.

Pauwi ako isang umaga nang marinig ko ang tropa ni Jael na nagtatawanan ng malakas sa locker room. Huminto ako at pinakinggan ang usapan nila.

"Pag nakita nalang namin na nahihirapan kang maglakad, ibig sabihin hindi na nakatiis si Gab at ginahasa ka na nya habang tulog hahahaha!" tawanan sila ng malakas.

"Ibig sabihin may nangyari nang puwitan sa kanila" gatong ni Leonard na halos hindi makapagsalita sa kakatawa.

"Pucha kadiri naman yon, boss Ja. Ako nalang ang pupuwit sa kanya. Kaso baka hindi magkasya. Hahaha". Boses ni Mico.

"Malay mo maluwang na. Baka marami nang nakatira dun" si Jael ulit.

"MALAKI AKO!", pagyayabang ni Mico na pinalaki pa ang boses.

Natigil ang tawanan nila nung marinig nilang tumunog ang biometrics. Binuksan ko ang glass door at tuloy tuloy akong lumabas sa isa pang glass door. Narinig kong tinawag ako ni kuya Jov pero hindi ko sya nilingon. Hindi ko na din kinuha ang dapat kung kunin sa locker na sinasandalan ni Mico. Usually kasi ay iraradyo ni kuya Jov sa driver na uuwi nako habang kinalkal ko ang mga gamit ko sa locker. Tahimik sila habang palabas ako.

"Yari ka, Mico!" Yan ang nadinig kong huling sinabi Jael na may kasamang pilit na tawa.

END OF FLASHBACK.

"Wala akong sinabing may pagnanasa ka sa'kin!" inis na sabi ni Mico.

"Asus. Di nga?"

"Nakakainis ka naman kuya! Nagsorry na nga ako sa'yo. Pinagsisihan ko na ngayon! Hindi mo pa rin makalimutan!" Naging garalgal ng bahagya ang boses ni Mico.

"Naniniwala naman ako sa'yo. Saka alam ko naman na nagsisisi ka na. Kaya nga ayus na tayo diba?" bawi ko. Nakita kong napikot si Mico kaya nag back peddle ako.

"Pero hindi mo pa din makalimutan. Ano bang gusto mong gawin ko para makalimutan mo na yon?" pilit nya.

"Hindi ko naman kailangan makalimutan yon. Nangyari yon eh. Masakit yon kaya mahirap makalimutan. Pero hindi naman ibig sabihin na dahil hindi ko pa makalimutan eh galit pako. Pinatawad naman kita, ayus na tayo, kaya hindi mo na dapat pinoproblema yon."

Saglit kaming natahimik. Humiga si Mico sa tabi ko.

"Kuya, yung sinabi mo nung isang araw na kaya mong mabuhay ng wala ako o si TL Ja, seryoso ka ba dun?" seryosong tanong ni Mico.

"Oo naman. Baket? Hindi ka ba naniniwala?"

"Grabe ka naman! Para bang napakalaki ng kasalanan ko sa'yo. Babalewalahin mo lang yung pinagsamahan natin. Mas close pa nga tayo kesa sa magkapatid?" pagtatampo ni Mico.

"Kung close tayo eh di sana hindi ka gumawa ng mga bagay na alam mong ikakasama ng loob ko. Saka wala namang kinalaman yon sa lalim nag samahan natin. Ang sinasabi ko lang, kung hindi tayo nagka-ayos syempre tatakbo parin ang buhay ko. Alangan namang bigla nalang akong mangisay at mamatay," paglilinaw ko sa kanya.

"Kung importante ako sa'yo hindi ka magiging masaya kung mawawala ako, " pilit nya. May konting tono ng pagmamakaawa.

"Siguro nga hindi. Masaya ako na kasama kita. Masarap sa pakiramdam pag pinapakita mo na importante ako sa'yo. Importante ka din naman sa'kin. Wala naman conflict yun sa sinabi ko na kaya kong mabuhay ng wala ka... ng wala kayo. Hindi siguro ganon kasaya pero mabubuhay pa din ako. Kahit ikaw ganon din naman. Kaya mo din. Pero bakit mo ba pinoproblema yan eh nagkaayus na nga tayo diba?"

Natahimik ulit sya. Nag-iisip at nakatingin lang sa kisame.

"Baka hindi ko kaya ng wala ka, kuya," usal ni Mico. May bumarang laway sa bibig nya na para bang pumipigil sa kanya na sabihin yon. Hindi sya tumingin sa'kin na para bang mas kausap nya ang sarili nya kesa sakin. Bakas ang lungkot sa mukha ni Mico at nakaramdam ulit ako ng awa sa kanya.

Kinuha ko ang isang kamay ni Mico at niyakap ko sa tiyan ko at siniksik ko naman ang isang braso sa pagitan ng unan at ulo nya. Mukha siguro kaming tanga kung may makakakita samin. Mas malaki pa sya sa'kin pero heto't binibigyan ko sya ng konsolasyon na para bang bunso kong kapatid.

"Alam mo Mico, importante ang relationship sa isang tao pero hindi din masyadong healthy kung puro yun nalang ang iniikutan ng buhay mo. Kailangan hindi parin mawawala ang sarili mong buhay. Hindi maganda yung kinakain ka pa din ng takot na iiwan ka ng mga taong mahal mo. Minsan nangyayari yung mga ganon. Sometimes you need to learn to just suck it all up and move on. Saka yung mga tao sa paligid mo may sarili ding buhay ang mga yan. Nung umalis ang kuya mo dahil bumukod na sila, nahirapan ka pero nakaya mo. Nung umalis ang ate mo, nagbalik ulit ang kuya mo sa buhay mo. Ang lola mo hindi nya maiwan ang buhay nya sa Meycauayan pero andyan parin sya kahit kelan mo gustong puntahan. Andyan ang mga mahal mo sa buhay para sa'yo pero dapat marunong ka pa ding mamuhay mag-isa."

Tahimik sya. Nararamdaman ko ang mainit na hininga nya sa leeg ko.

"Magulo ba ang sinabi ko? Hahaha. Naguluhan din ako pero kanina may point ako eh. Hahaha". Sinubukan kong gawing magaan ulit ang usapan pero wala pa ding imik si Mico. Bakit ba sinabi ko pa yon? Basag-moment.

"Bakit kung magsalita ka parang iiwan mo din ako," mahinang tanong ni Mico.

"Hindi nga! Ang kulit!" sagot ko.

"Mahal kita kuya. Sana habang buhay magkasama tayo".

Ilang minuto kaming natahimik. Niyakap ko sya at hinalikan sa noo.

Inangat ni Mico ang mukha nya at tumingin sakin. Pumikit sya at dahan dahan nyang nilapit ang bibig nya sa bibig ko at saka nya'ko hinalikan. Maingat pero walang pag-aalinlangan. Bahagya nyang idiniin ang bibig nya habang nakaipit ang labi ko. Binuksan ko ng bahagya ang bibig ko at tumugon ako ng halik. Ilang sandali kaming natigil at hindi gumalaw. Nagpalitan ng hininga. Gumalaw ulit ang bibig nya at marahang sinipsip ang labi ko. Gumanti ako at ginawa ko din sa nguso nya. Maraming bagay na tumatakbo sa isip ko pero mas nangibabaw ang sarap na naramdaman ko sa halik ni Mico. Nilabas nya ang dila nya na sinalubong naman ng dila ko. Sinipsip nya ng marahan ang dila ko at nagsimulang naging madiin ang halik nya. Madiin pero masuyo. Tuluyan na syang pumatong sa akin at kaagad kong naramdam ang matigas na bukol sa kanyan harapan. Tumagal ng isa o dalawang minuto kaming naghahalikan. Marahang tinanggal ni Mico ang bibig nya sa bibig ko at inangat ang mukha at saka sya nagtanggal ng damit. Tinanggal ko din ang damit ko. Umikot kami at ako naman ang pumatong sa kanya. Tinanggal ang kanyang suot na shorts. Nakalabas na ang ulo ng tigas na tigas na alaga ni Mico at gusto nang kumawala sa kanyang brief. Binaba ko ang brief nya at rumolyo ito at humagod sa kanyang maputi at makinis na hita na lalong nagpatindi sa nararamdaman kong libog. Tumambad nanaman sa'kin ang malaki at naninigas na ari nya. Inusog nya ang katawan nya at umupo sya sa bandang ulunan ng kama at saka na binuka ang binti nya na parang buong pusong inaalay sa'kin ang pagkalalaki nya.

"Sayo ang buong katawan ko, kuya. Gawin mo ang gusto mo."

Hinawakan nya ang ulo ko at dahan-dahang inilapit sa ari nya. Hinalikan ko ang katawan ng naninigas na titi nya. Amoy na amoy ko ang bango ng bagong paligong titi ni Mico. Mas lalong nagpatindi sa libog ko ang makikinis at maputing singit nya na parang wala man lang ni katiting na dead skin. Malakas ang kabog ng dibdib ko habang binababa ko ang bibig ko at sinamyo ang mapupulang bayag ni Mico.

ITUTULOY...

No comments:

Post a Comment

Read More Like This