Pages

Friday, May 26, 2017

My Innocent Lover (Part 10)

By: Lord Iris

Hi guys! Ehem! Maghanda na kayo dahil malapit nang lumabas ang conflict at may twists. Salamat po sa lahat ng nagbabasa at patuloy na nag-aabang.

Sa mga nagbasa ng Life's Sticky Notes, may cross over sila Noah at Eric dito. Sana magustuhan niyo.

Eros POV

Masayang-masaya ako nitong mga nagdaang araw... Sawakas! Kami na ni Cyril babydoll hahahah... Di ko inexpect itong kasiyahan na nararamdaman ko...

Bumalik na kami sa Manila... Nag-decide si Cyril na wag muna sabihin kay Luther na kami nang dalawa... Sabi ni Cy hahanap daw siya ng tiyempo...

Napaka-bait talaga... Ayaw niyang makasakit ng tao... Inaalala pa niya ang nararamdaman ni Luther...

Well... He is mine now hahahha at parang gusto ko yatang magpa-party...

"Kuya ano yang nginingiti-ngiti mo?" Biglang sabi ni Era.

Kanina pa pala siya nasa tabi ko dito sa kwarto...

"Wala naman... Masaya lang si kuya Eros mo hahhaha..." Tumatawa kong sabi kay Era.

"Kuya malala na yan... Bigla ka na lang tumatawa... Kuya samahan na kitang magpa-check up..." Natatawang sabi ni Era sa akin.

"Wag ka ngang panira ng mood..." Inis kong sabi.

"Eh bakit nga po kasi masaya ka?" Tanong ulit niya.

"Secret... Hahahahah." Natatawa kong sabi.

Nag-pout ang lips ni Era... Mukhang nagtatampo siya...

"Kainis ka kuya! Susunbong kita kay kuya Cy... Si kuya Cy wala kaming secret!" Inis na sabi ni Era.

Na-curious ako bigla... May secret secret din pala ang dalawang taong love na love ko...

Lumapit ako kay Era at tinitigan ko siya...

"Ano namang secret niyo ni babydoll?" Tanong ko sa kanya.

"Bawal po sabihin! Kami lang makaka-alam ni kuya Cy!" Natatawang sigaw ni Era.

"Alam mo Era... Ako ang totoo mong kuya kaya dapat sa akin ka nagsasabi ng secrets..." Seryoso kong sabi.

Umiwas ng tingin sa akin si Era at mukhang malungkot siya...

"Yun na nga kuya eh... Ikaw ang totoo kong kuya pero ikaw pa yung may secret sa akin..." Malungkot niyang sabi.

Aba! Matalino talaga itong bata na ito! Nakakainis naman... Kailangan kong sabihin sa kanya na kami na ni Cyril at baka lalo siyang magtampo...

"Oh siya... Gusto mo ba malaman kung bakit masaya si kuya mo?" Tanong ko.

Tumango lang sa akin si Era at mukha siyang interesado...

"Pero promise mo wala kang pagsasabihan?" Tanong ko.

"Siyempre naman kuya!" Mabilis na sagot ni Era.

Huminga ako ng malalim at...

"Kami na ni kuya Cy mo..." Nakangiti kong sabi.

Tinitigan ko si Era... Pakurap-kurap lang siya at hindi siya masaya... Mukha ring hindi siya nabigla...

"Tapos? Ano po yun lang yun?" Tanong ni Era.

"May problema ka ba Era? Bat di ka masaya na kami na ni kuya Cy mo?" Inis kong tanong.

Biglang tumawa si Era ng malakas at di ko alam kung bakit...

"Hoy anong tinatawa-tawa mo?" Inis kong tanong.

"Hahahahha parang yun lang! Akala ko naman po kung ano na ang dahilan at tumatawa ka..." Tumatawa niyang sabi.

"Grabe ka Era! Di kita maintindihan..." Inis kong sabi.

Tawa lang siya ng tawa... Halos maiyak na si Era sa kakatawa pero tumigil din siya at tumingin sakin...

"Ano bang nakakatawa???!!!" Galit kong sigaw sa kanya.

"Gusto mo talaga malaman kuya?" Natatawa niyang tanong.

Tinitigan ko na lang siya ng masama at alam niyang naiinis na ako...

"Eh kasi po... Nung naging kayo ni kuya Cyril ay sinabi niya kaagad sa akin kaya di na ako nabigla..." Naatawang sabi ni Era.

Bwisit!!! Akala ko ayaw pa sabihin ni Cyril kaya tumahimik ako... May tiwala pala si Cyril kay Era... Ngayon alam ko na kung gaano sila ka-close...

"Close na close kayo?" Tanong ko na lang sa kanya.

Tumango lang si Era at...

"Kelan date niyo kuya? Sama niyo naman ako minsan..." Nakangiting sabi ni Era sa akin.

"Sasama ka? Paano naging date yun kung kasama ka?" Tanong ko.

"Siyempre kuya... Di naman kayo magkaka-baby kaya ako na lang baby niyo para happy family tayo..." Nakangiting sabi ni Era.

"Baby ka diyan eh anlaki mo na hahahah." Natatawa kong sabi.

"Ang bad mo talaga kuya! Buti pa si kuya Cy bini-baby ako... Kinakantahan pa niya ako ng lullaby..." Inis na sabi ni Era.

"Ako na ang baby ni kuya Cy mo ngayon..." Natatawa kong sabi.

"Yuck!!! Baby damulag ka kuya!" Inis na sabi ni Era.

Tawa lang ako ng tawa... Sarap talaga asarin ng kapatid ko...

"Wag ka mag-alala may pupuntahan kami ni Cy mamaya... May pasalubong ka kay kuya mo..." Nakangiti kong sabi.

"Talaga po kuya?" Sabi niya at mukhang masaya na siya ulit.

"Oo naman! Love na love ka namin eh." Pambobola ko hahahha.

"Sige po kuya... Ligo po muna ako..." Sabi ni Era.

Umalis na siya sa kwarto ko at masaya siyang naglalakad na parang ewan kumakanta pa ng lalalala hahahah...

Nag-plano kami ni Cy na aalis kaming dalawa ngayon... Ang totoo di ko talaga alam kung saan kami pupunta... Sabi ni Cy may pupuntahan daw kaya sasamahan ko na lang siya...

Naghanda na lang ako at nag-bihis...

Nagsuot ako ng magandang damit para siyempre pogi ako kapag kasama ko si Cyril babydoll...

I'm so inlove...

Pagkatapos maghanda ay pumunta na ako sa bahay ni Cyril... Di na ako kumatok at pumasok na lang ako hahahha. Wala naman ibang tao sa bahay niya eh...

Pagpasok ko sa bahay ay mukhang naliligo si Cyril kaya inabangan ko siya sa labas ng banyo...

Unti-unting umikot ang doorknob kaya exited na ako...

Paglabas ni Cyril ay naka-damit na siya! Badtrip naman!

Halatang gulat siya...

"Kanina ka pa Eros?" Tanong niya.

"No... Kadadating ko lang..." Nakangiti kong sabi.

"Hhhmmm... Halika na alis na tayo..." Sabi naman niya.

Naghanda na kami... Nagtaka ako ng makita ko na kinuha niya ang basket ng flowers...

"Para saan yan Cy?" Nagtataka kong tanong sa kanya.

"Hhmmm... Basta... Mamaya malalaman mo din..." Sabi niya sa akin.

Tumahimik na lang ako... Sumakay na kami ni Cyril sa kotse ko...

Sinasabi lang sakin ni Cyril ang direksiyon at ako naman ay nagda-drive lang... Nakaka-panibago at tahimik lang siya... Nakahawak lang siya doon sa flowers...

Para basagin ang katahimikan ay nagsalita na ako...

"Sinabi mo na pala kay Era na tayo na..." Nakangiti kong sabi.

"Siyempre... May tiwala ako sa batang yun. Alam mo ba na sobrang saya niya nung nalaman niya yun? Sabi ni Era magiging totoo na daw niya akong kuya." Nakangiting sabi ni Cyril.

Medyo nag-matured na nga siya dahil hindi na siya parang bata... Pero inosente pa din siya... He is always smiling so innocent...

"Close na close talaga kayo ni Era..." Nakangiti kong sabi.

"She is one of the greatest gift that I have..." Sabi naman ni Cyril.

"At sino naman yung pinaka-greatest gift na natanggap mo?" Tanong ko.

"Ikaw..." Mabilis niyang sagot.

Inaamin ko... Kinilig talaga ako nung narinig ko yun...

"Ikaw din ang greatest gift na natanggap ko..." Nakangiti kong sabi.

Umiwas ng tingin si Cy... Nakita ko na ngumiti din siya... Medyo namula siya kaya alam kong kinikilig din siya...

"Hhmmm... Eros ihinto mo na..." Sabi ni Cyril.

Nagtaka ako... Sementeryo? Bakit?

"Anong gagawin natin sa cemetery?" Nagtataka kong tanong.

"Death anniversary ni mama ko..." Nakangiti niyang sabi sa akin.

Kaya pala may flowers... Bumaba na kami at hinanap namin ang puntod ng mama ni Cyril...

Huminto kami sa isang puntod...
............

R.I.P.
Carmen Cortez

............

Nakangiti lang si Cyril habang nilalagay ang basket ng flowers at nagtirik siya ng tatlong kandila...

"Hi mama! Miss na miss na po kita..." Seryosong sabi ni Cy.

Tumingin sa akin si Cyril at ngumiti na lang siya...

"May kasama po ako... Siya po yung taong mag-mamahal sakin. Hindi daw po niya ako sasaktan at iiwan... Mama mahal ko po siya..." Sabi ni Cyril sa harap ng puntod.

Kinaka-usap pala niya ang mama niya pero ako ay hindi ko magawang puntahan ang puntod ng mama ko dahil hindi ko kaya...

"Mama... Siya po si Eros... Love na love po niya ako..." Nakangiting sabi ni Cyril.

Ngumiti na lang din ako...

"Mama simula po ngayon hindi na ako mag-iisa... Nahanap ko na po ang taong para sa akin..." Sabi ni Cyril at mukhang naiiyak siya.

Niyakap ko si Cyril... Alam ko kung gaano na niya ka-miss ang mama niya...

"Cyril? Eros? Anong ginagawa niyo dito?"

Lumingon kami ni Cyril at nakita namin ang stepdad ko pala na may dala ding basket ng flowers...

"Ba...bakit po kayo nandito?" Tanong ko sa kanya.

"Importante sa akin si Carmen... This month ko lang nabalitaan na matagal na pala siyang patay..." Malungkot na sabi ng stepdad ko.

"Kayo? Bakit kayo nandito?" Nagtataka niyang tanong.

"Kaano-ano niyo si Carmen?" Dagdag pa niya.

"Hhmmm... Mama ko po siya..." Sabi naman ni Cyril.

Kitang-kita na nabigla ang stepdad ko at nanlaki ang mga mata niya...

"Ma...mama mo si Carmen?" Nauutal na tanong niya.

"Opo... Bakit po?" Tanong ni Cy.

Natagalan bago sumagot ang papa ni Era. Hindi ko maintindihan ang nangyayari...

Napalunok ang stepdad ko bago niya subukang magsalita...

"Si...sino? Sino ang papa mo?" Kinakabahan na tanong niya.

"Hindi ko po alam... Sabi po ni mama dating boss daw po niya kaso hindi daw po naniwala at nagpakasal daw po siya sa ibang babae... Inabanduna na po niya kami ni mama..." Seryosong sabi ni Cyril.

Biglang tumulo ang mga luha ng papa ni Era... Napatakip siya sa bibig niya at nagpipigil siyang umiyak...

"Totoo nga... Totoo nga ang sinabi ni Carmen..." Umiiyak niyang sabi.

Tumingin ako kay Cyril at nakita ko lang na puro tanong ang nasa mukha niya...

"Alin po ang totoo?" Tanong ni Cy.

"Totoo pala na may anak kami..." Umiiyak na sabi ng papa ni Era.

Nabigla ako sa sinabi niya... Hindi ako maka-paniwala... Halatang nagtataka din si Cyril...

"Ano po ang ibig niyong sabihin?" Nagtatakang tanong ni Cy.

Lumapit ang stepdad ko kay Cyril at hinawakan niya ang mga kamay ni Cyril...

"Cyril... Ako ang papa mo..." Umiiyak na sabi niya.

Nabigla si Cyril at bigla niyang binawi ang mga kamay niya...

"Hindi! Wala akong papa! Iniwan na niya kami ni mama!" Sigaw ni Cyril.

Nagulat ako... Ngayon lang siya sumigaw na puno ng galit...

"Cyril makinig ka... Si Carmen ang babaeng nauna kong minahal... Oo may nangyari sa amin... Sinisiraan siya ng lola mo at sinabing may ibang lalake kaya nawalan ako ng tiwala sa kanya. Nung sinabi niya na buntis siya ay hindi na ako naniwala... Umalis na lang si Carmen at nung nalaman ko ang katotohanan ay hindi ko na alam kung nasaan siya... Kasal na din ako sa mama nila Eros... Maniwala ka... Hindi ko gustong abandunahin kayo..." Umiiyak na sabi niya.

"Hindi mo kami hinanap?" Tanong ni Cyril at umiyak na siya.

Hindi sumagot ang papa ni Era...

"Alam mo ba kung ano ang pinag-daanan namin ng mama ko???" Tanong ni Cyril at alam kong galit na galit siya dahil nang-gigigil ang boses niya.

"Kaya nga babawi ako... Nandito na ako Cyril... Pupunan ko ang pagkukulang ko sayo anak..." Sabi ng papa ni Era.

"Hindi mo ako anak!!! Wala akong papa!!! Hindi kita kailangan!!! Nabuhay kami ni mama ng wala ka kaya hindi kita kailangan!!!" Galit na galit na sigaw ni Cyril.

Nagugulat ako sa sobrang galit niya...

Ngayon ko lang siya nakitang magalit pero umiiyak siya...

"Cyril... Please give me a chance... Ibibigay ko lahat ng gusto at kailangan mo." Umiiyak na sabi ng stepdad ko.

"Alam mo ba kung gaano nagmaka-hirap si mama na magtrabaho para lang buhayin ako na mag-isa lang siya??? Nasaan ka nung nagkasakit si mama??? Alam mo bang halos mamatay din ako kaka-trabaho para lang may pambili ng gamot si mama??? Alam mo ba kung gaano ako nasaktan nung iniwan ako ni mama at mag-isa na lang ako??? Naramdaman kong namatay na din ako nung araw na yun!!! Walang tumulong sa amin!!! Wala kang kwenta!!! Kalimutan mo na ang nalaman mo!!! Hindi mo ako anak!!!" Galit na galit na sigaw ni Cyril.

Halos lumabas ang mga ugat ni Cyril sa leeg niya dahil sa sobrang galit...

"Cyril please... Give me a chance." Umiiyak na sabi ng stepdad ko.

"Hindi ko alam... Sorry Cyril... Hindi ko intensiyon na iwanan kayo... Sobrang nagsisisi ako... Mahal na mahal ko ang mama mo totoo yun! Kung hindi siya siniraan ng lola mo ay hindi kayo malalayo sa akin..." Dagdag pa niya.

"Ayokong makita ka kahit kelan..." Seryosong sabi ni Cyril.

Tumakbo si Cyril palayo kaya hinabol ko na lang siya... Alam ko na kailangan niya ako ngayon... Alam ko kung gaano kasakit kay Cyril ang lahat ng ito.

Lumipas ang ilang araw at lagi lang akong nasa tabi ni Cyril. Hindi ako lumalayo sa kanya dahil alam ko na ako ang kailangan niya ngayon.

Hindi pa rin ako umuuwi sa bahay namin at ilang araw ko na ring hindi nakikita si Era dahil nasa mansion lang siya. Kaya pala magkamukha sila ni Cyril dahil magkapatid nga talaga sila.

Masaya na sana dahil half sister ko si Era at half sister din siya ni Cyril. Masaya na sana dahil sadyang pinaglalapit ang tadhana naming dalawa pero alam ko na sobrang sakit ng pinagdaanan ni Cyril at siya lang ang mag-isang lumaban sa buhay.

Simula ngayon ay hinding-hindi ko siya iiwan at gusto ko na maging sandalan niya sa oras na ito.

Nandito ako ngayon sa may lamesa at nagluluto naman si Cyril ng breakfast namin ngayong araw.

Para na kaming mag-asawa na nakatira sa isang bahay at nagmamahalan hahahahha. Kinikilig ako palagi at masaya ako na kasama ko siya.

Di pa rin alam ni Luther na kami na ni Cyril at sabi naman ni Cyril ay siya na raw ang bahalang magsabi kay Luther.

Tumitig na lang ako kay Cyril habang nagluluto siya at nakatalikod siya sa akin. Jusme! Ang puti ng legs niya.

"Witwiw!" Sipol ko hahahah.

Lumingon si Cyril na parang nagtataka at nginitian ko lang siya.

Sarap siguro nito ni Cyril hahahha but I don't want to take his innocence now.

Natapos na siyang magluto at nilagay niya sa lamesa ang pancakes na may chocolate syrup at sliced na apples.

"Kain na tayo puddin." Nakangiti niyang sabi sa akin.

"Puddin? Bakit yun tawag mo sa akin babydoll ko?" Malambing kong tanong.

"Wala lang... Ang cute kasi. Nung Napanuod ko kasi yung suicide squad at kinilig ako sa tawag ni Harley kay Joker." Nahihiya niyang sabi sa akin.

Nanuod kasi kami ni Cyril sa sine nun at nagdate kaming dalawa.

"Basta ikaw ang babydoll ko at love na love kita." Sabi ko at kumagat ako ng pancake.

Ang sweet ko palagi sa babydoll ko. Sobrang saya ko na kasama ko siya.

Bigla na lang nagring ang phone ko at nakita ko ang pangalan ni Era kaya sinagot ko kaagad. Nagset ako ng loudspeak para marinig din ni Cyril.

"Hello kuya! Balik ka na dito please. Miss na miss na kita." Sabi ni Era sa kabilang linya.

"Miss na miss na din kita Era..."

"Era miss na din kita." Sabi naman ni Cyril.

"Oh Era miss ka na din daw ni kuya babydoll mo." Sabi ko naman.

"Hmmm... Kuya pwede po ba akong pumunta diyan ngayon?" Mahina niyang tanong.

"Oo naman Era! Miss na miss ka na kaya namin." Sabi ni Cyril.

"Sige po! Pupunta po ako diyan mamaya." Sabi ni Era na masaya ang boses.

"Dito ka na maglunch Era at sumama ka na rin mamaya sa date namin ni kuya Cyril mo."

"Talaga po? Sige kuya! Magbibihis na po ako."

Bigla nang pinutol ni Era ang usapan at mukhang exited na exited siya.

"Magdidate tayo mamaya?" Tanong naman ni Cyril.

"Oo para magbonding na rin tayong tatlo ni Era." Nakangiti kong sabi.

"Pero papayag kaya ang papa niya?" Malungkot niyang tanong.

"Oo naman! Kapatid mo si Era at kapatid ko din siya kaya sure akong papayag yun." Sagot ko.

"Hmmm... Malapit na pala tayong grumaduate."

"Oo nga Cyril. Parang kailan lang at magpapakasal na rin tayo." Nakangiti kong sabi.

"Huh? Magpapakasal tayo?" Pabigla niyang tanong.

Natatawa na lang ako at gulat na gulat ang mukha ni Cyril.

"Oo naman hahahhaha diba sabi ng mama mo na pwede ka na magpakasal pagkatapos mong mag-aral?"

"Oo pero... Gusto ko kasing magtrabaho." Sabi niya na may halong pag-aalinlangan.

"Pwede naman! Papayagan kita pero dapat ikakasal tayo para asawa na kita habang nagwowork ka." Nakangiti kong sabi.

"Seryoso ka talaga puddin?"

"Oo naman! Dadalhin kita sa Europe pagkatapos ng graduation at magpapakasal na tayo."

Umiwas ng tingin si Cyril. Napansin ko ang ngiti niya at medyo namumula ang mga pisngi niya.

Ang sarap talaga niyang titigan. Exited na akong ikasal kay Cyril. Sobrang saya ko tuwing nag-iimagine na ikakasal kaming dalawa.

Kahit medyo magaspang ang ugali ko sa ibang tao ay sobrang bait at sweet ako kay babydoll ko.

"Cyril babydoll ko... May itatanong ako." Sabi ko.

"Ano yun puddin?"

"Saan mo gustong maghoneymoon kapag kinasal na tayo?" Nakangiti kong tanong.

"Honeymoon??? Hala! Paano natin yun gagawin eh parehas tayong lalake?" Gulat niyang tanong.

Nagpipigil na lang ako ng tawa hahahah halatang inosente talaga ang mahal ko.

"Pwede yun Cyril ko hahahah gusto mo honeymoon na tayo ngayon?" Natatawa kong tanong.

"Hala! Ayaw ko pa..." Naiilang na sagot niya.

"Sige hahahah pero pag kinasal na tayo gagawin na natin yun. Araw-araw dapat ha?"

"Hala! Araw-araw? Pwede ba yun?" Gulat niyang tanong.

"Oo naman pwede! Dadalhin kita sa alapaap babydoll ko hahahah."

Tumitig na lang sa akin si Cyril at halatang wala talaga siyang alam sa mga sinasabi ko.

"Ilan ba ang gusto mong maging baby natin?" Nakangiti kong tanong.

"Eros ko... Di naman tayo magkakaroon ng baby eh kasi pareho tayong lalake." Malungkot niyang sabi.

Kitang-kita ko sa mga mata niya ang kalungkutan. Medyo nalungkot din ako. We can't deny the fact that we can never create our own baby... We can't create our own family.

"Tinatanong ko lang naman kung ilan gusto mong baby eh." Mahina kong sabi sa kanya.

Tinitigan ako ni Cyril at mukhang napansin niya na medyo nalungkot ako.

"Hhmmm... Sir Puddin... gusto ko isa lang para nakafocus ang lahat ng pagmamahal at atensyon ko." Nakangiti niyang sabi sa akin.

"Sir Puddin talaga? Hahahah." Natatawa kong tanong.

"Oo naman puddin kasi naging maayos ang buhay ko nung nagtrabaho ako sayo dati."

Napangiti na lang ako dahil kinilig ako sa sinabi sa akin ni Cyril. He is so sweet and so sincere.

"Ikaw ba mahal ko? Ilan ba gusto mong baby?" Tanong naman niya.

"Gusto ko hmmmm... Mga 24 ganun! Hahahahh."

"Grabe! 24 talaga? Sobrang dami naman nun puddin ko."

"Oo naman! Para masaya tayo forever." Nakangiti kong sabi.

"Puddin... Pwede naman siguro tayo mag-ampon ng baby diba?" Tanong niya.

"Oo... Pero gusto ko sana yung galing mismo sa akin kaya ipu-push ko talaga na buntisin ka babydoll ko hahaha." Natatawa kong sagot.

"Nababaliw ka na ba Sir Puddin?" Natatawa din niyang tanong.

"Oo naman! Baliw ako sayo..." Sabi ko at bigla ko siyang hinalikan sa pisngi.

Namula na naman ang mukha niya hahahah. Hindi pa rin siya sanay na bigla kong hinahalikan.

"Ok lang kahit wala tayong baby basta masaya tayong magkasama." Seryoso kong sabi sa kanya.

Bigla na lang may tumunog na busina ng kotse sa labas ng bahay. Sinilip ko ang bintana at nakita ko ang isa sa mga kotse sa mansion.

Lumabas kami ni Cyril ng bahay at bumaba na ang nakasakay doon sa loob ng kotse. Nakita naming dalawa si Era at bigla siyang tumakbo papunta sa amin ni Cyril.

Bigla niya kaming niyakap na dalawa.

"Miss na miss ko na kayo mga kuya ko." Sabi ni Era habang nakayakap ng sobrang higpit.

"Miss ka na din namin." Sabay naming sabi ni Cyril.

Pumasok na kami sa bahay at nagpahatid lang pala si Era doon sa driver namin sa mansion. Nagpaalam naman daw siya sa papa niya.

"Era nagluto ako ng lunch natin." Sweet na sabi ni Cyril.

"Thank you po kuya! Sana po lagi na lang tayo magkasamang tatlo." Masaya niyang sagot.

"Gusto ko rin na lagi kang kasama Era." Sabi ni Cyril.

"Ayaw ko nga!" Nagmamaktol kong sabi sa kanila.

"Hala! Bakit naman puddin? Ayaw mo ba na kasama ang kapatid natin?" Nagtatakang tanong ni Cyril.

"Hhhmmm... Ayokong kasama natin si Era pag natutulog tayo. Gusto ko tayo lang magkatabi." Natatawa kong sabi.

"Ewan ko sayo kuya Eros! Inaangkin mo si kuya Cyril ko!" Nagtatampong sabi ni Era.

Natatawa na lang ako sa kapatid ko.

"Era... Hhhmmm... May sinabi ba sayo ang papa mo?" Seryosong tanong ni Cyril.

"Huh? Alin po?" Inosente niyang sagot.

"Wala siyang sinasabi sayo?" Tanong ulit ni babydoll.

"Hhhmmm alin po? Yung ikaw po ang totoo kong kuya? Na magkapatid po talaga tayo?"

Nabigla kaming dalawa ni Cyril at nagkatinginan kaming dalawa.

"Alam mo na pala..." Mahinang sabi ni Cyril.

"Opo! Sobrang saya ko nga po eh nung sinabi ni papa na totoo daw po tayong magkapatid." Masayang-masaya niyang sabi.

Napatitig na lang si Cyril kay Era. Halatang-halata sa mga mata ni Cyril na may sakit siyang nararamdaman.

"Talaga Era? Masaya ka na magkapatid tayo?" Seryosong tanong ni Cyril.

"Siyempre naman po!" Nakangiting sagot ni Era.

"Ako din naman masaya ako na kapatid kita pero kasi may mga bagay pa akong inaayos." Nakangiting sabi ni Cyril.

"Hmmm... Mga kuya... Si papa po, lagi siyang malungkot at minsan umuuwi ng lasing sa mansion. Malungkot po ako sa mansion kasi wala na po akong nakakalaro." Mahinang sabi ni Era.

"Sabi po ni papa malaki raw po ang kasalanan niya sa iyo kuya Cyril." Malungkot na sabi ni Era at yumuko na lang siya.

Umiwas ng tingin si Cyril at halata sa kanya na nasasaktan siya.

"Hmmm... Kuya Cyril diba love niyo naman po ako?" Mahinang tanong ni Era.

"Oo naman Era." Sagot ni Cyril.

"Pwede po ba ako magwish sa inyo?"

"Sige... Ano yun?" Sabi ni Cyril.

"Pwede po ba na.... Pwede po bang magbati na kayo ni papa?" Sabi ni Era at napayuko na siya.

Napayuko na lang din si Cyril. Alam ko na mahihirapan siyang ibigay ang hinihingi ni Era.

"Hhmmm... Wag muna natin pag-usapan yan. Siguro mas mabuti kung umalis na muna tayo at mag-bonding." Nakangiti kong sabi.

Sabay silang napatingin sa akin at ngumiti sila parehas.

Pumunta kami nila Era sa mall. Nag-order kami ng ice cream at naglaro kami sa arcade.

Ang saya ko sobra dahil para kaming pamilya. Yung para bang ako ang tatay tapos si Cyril ang nanay at si Era naman ang anak namin. Tama! Si Era na lang ang magiging baby naming dalawa ni Cyril.

Habang naglalakad kami sa 3rd floor ng mall ay napansin kong nagtitext si Cyril kaya naman nagtaka na ako kaagad.

"Hoy cute! Sino yang katext mo ha?" Inis kong tanong.

"Hhmmm si Luther nangangamusta." Mahina niyang sabi.

Hinablot ko ang phone ni Cyril at akma ko itong ibabato sa first floor kagaya ng pagbato ko ng phone niya sa pool dati.

"Eros wag!!!" Sigaw ni Cyril.

Napatingin ako kay Cyril at mukhang kinakabahan ang mukha niya. Napangisi na lang ako at di ko na tinuloy ang pagbato sa phone.

............

Hoy panget! Wag mong i-text si babydoll ko! Magkasama kami ngayon ugok ka!

...........

Sinend ko na lang yun kay Luther at binalik ko na kay Cyril ang phone niya at pagkatapos ngumiti ako.

"Akala ko ibabato mo ulit eh." Sabi ni Cyril.

Ngumiti na lang ako sa kanya.

"Uy kuya? Bakit nakangiti ka?" Biglang tanong ni Era.

"Wala naman ahahhaha."

Bigla na lang tumunog ang phone ni Cyril kaya binasa niya kaagad ang text.

"Hala! Grabe naman ang mga text niyo." Sabi ni Cyril.

"Patingin nga ako. Ano ba reply nung mokong na yun?" Sabi ko at kinuha ko ulit ang phone niya.

.............

Tangina mo Eros! Mas ugok ka! Akin lang ang angel ko!

.............

Nag-type ako ulit sa phone ni Cyril para mag-reply kay panget.

.............

Walang sayo hahahahah

............

Tinago ko muna ang phone niya sa bulsa ko para di na niya matext si mokong.

"Halika na nga Cyril, kumain na lang tayo."

"Oo nga kuya gutom na rin ako." Sabi naman ni Era.

"Ay Era kain tayo ng red velvet na cake doon oh." Sabi ni Cyril sabay turo sa isang kainan.

"Oo nga kuya!" Sabi ni Era.

Tumakbo ang dalawa papunta doon sa bilihan ng cake kaya naiwan ako.

"Hoy ano ba? Hintayin niyo nga ako!" Sabi ko at sinundan ko na lang sila.

Nang makapasok kami sa store ay pumunta sila Era sa cake section.

"Hala kuya Cyril dalawang slice na lang yung cake." Sabi ni Era.

"Mabuti yan may natira pa sa atin. Sakto dalawa pa." Nakangiting sabi ni Cyril.

"Ay Sir ubos na po. May nag-order na po niyan kanina." Sabi naman nung crew.

"Ha? Sayang naman..." Malungkot na sabi ni Cyril at Era.

"Mis baka naman pwedeng magawan natin yan ng paraan?" Nakangiti kong sabi sa babae.

Napatitig sa akin ang babae. Mukhang natulala siya. Na-gwapuhan na naman yata sa akin ang babaeng ito.

"So..sorry po talaga..." Nahihiyang sabi ng babae at medyo namumula siya.

"Oh hanap na lang tayo sa ibang store." Sabi ko kay Cyril at Era.

Aalis na dapat kaming tatlo nang bigla na lang...

"Hhhmmm... Excuse me."

Lumingon kami at nakita ko ang dalawang lalake... Yung isa may hawig kay James Reid at yung isa naman gwapo din na singkit at maputi.

"Bakit?" Seryoso kong tanong.

"Hi... Narinig ko kasi yung usapan niyo ng mga cute na bata. Kami yung nag-order ng red velvet." Sabi nung lalake.

"Mga cute na bata? Sino? Sila ba?" Tanong ko at tinuro ko sila Cyril.

"Hmmm oo sila nga." Sabi nung isang lalake.

"Sira ka ba? Isa lang yung bata sa amin! Boyfriend ko itong isang cute!" Sabi ko at hinawakan ko ang kamay ni Cyril.

"What???" Sigaw nung babae na crew at napahawak na lang siya sa bibig niya.

Napayuko na lang si Cyril at halatang namumula. Yung dalawang lalake naman ay ngumiti lang.

"Ay sorry... Kami din mag-boyfriend." Sabi nila at nagholding hands din sila.

"Talaga po ba? Ang galing naman po!Ano po pangalan niyo?" Tanong naman ni Era.

"I'm Noah and he is Eric." Nakangiting sabi nung singkit.

"So bakit niyo kami kinakausap?" Tanong ko naman.

"Hmm... We have to go na kasi. Sa inyo na lang yung inorder namin na red velvet." Nakangiting sabi nung Erik.

"Huh? Talaga po? Thank you po!" Masayang sabi ni Era.

"Sige na bye..." Sabi nila at umalis na yung dalawa.

"Ang swerte naman natin." Nakangiting sabi ni Cyril kay Era.

"Oo tama! Maswerte ka din sa akin." Sabi ko naman.

Napatingin sa akin si Cyril at namula na naman siya hahahhaha.

"Ayyiieee ang sweet nila kuya!" Sabi ni Era.

Hinawakan ko ang mukha ni Cyril at kiniss ko siya ng madiin sa lips.

"Shit!!!" Sigaw ng crew na babae.

Napatingin ako sa crew na babae at napatakip ulit siya sa bibig niya. Halatang gulat na gulat ang babae. Si Cyril naman ay pulang-pula na.

"Halika na nga babydoll ko, uwi na tayo." Nakangiti kong sabi.

"Wait Eros may nakadikit sa likod mo!" Sabi ni Cyril.

Nagtaka ako at kinuha naman ni Cyril ang sinasabi niya. May nakadikit pala na sticky note sa likod ko at may nakasulat na...

...........

Mr. Sungit :)

..........

"Anak ng tokwa! Sinong nagdikit nito sa likod ko?!" Inis kong tanong.

Nagtawanan lang si Era at Cyril.

"Pinagtitripan niyo ba ako?" Tanong ko sa kanila.

"Uy kuya hindi kami ang may gawa niyan." Sabi ni Era.

"Dinikit yan sayo nung lalakeng singkit kanina." Natatawang sabi ni Cyril.

"Ang lakas ng trip nun ah!"

Tumingin ako sa paligid at wala na ang dalawang lalake. Bwisit yun! Napagtripan pa ako!

Hinawakan ko ang kamay ni Cyril at ang kamay ni Era. Naglakad na kami palabas ng mall.

"Kuya Cy..." Mahinang sabi ni Era.

Napahinto kami sa paglalakad at...

"Ano yun Era?" Tanong naman ni Cyril.

"Pwede po bang..."

"Ano yun?" Tanong ni Cyril.

"Pwede niyo po bang kausapin si papa?" Mangiyak-ngiyak na tanong ni Era.

Tumingin na lang ako kay Cyril at...

"Hhhmmm... Sige." Nakangiting sabi ni Cyril.

"Talaga po?" Natutuwang tanong ni Era.

Tumango lang si Cyril at ngumiti.

Nagtaka ako bigla. Bakit ngumiti si Cyril? May galit pa ba siya sa papa niya?

Kakauwi lang namin ni Cyril at Era galing sa mall. Nakatulog si Era dahil sa pagod at hindi ko naman maiwasang tanungin si Cyril tungkol sa papa niya kasi hindi ko maintindihan at parang hindi na siya galit.

"Babydoll ko..." Malambing kong sabi.

"Ano yun Sir Puddin?" Malambing din niyang tanong.

"May itatanong lang sana ako tungkol sa papa mo."

Ngumiti na naman si Cyril at...

"Ano yun Eros?"

Huminga muna ako saglit ng malalim...

"Galit ka pa ba sa papa mo?"

Tumahimik muna si Cyril saglit at pagkatapos ay ngumiti na naman siya sa akin.

"Hindi na ako galit." Sabi niya na parang bata.

"Huh? Ang bilis mo naman magpatawad."

"Hhhmmm... Alam mo kasi nung nakita ko kung gaano kasaya si Era na kasama tayo, alam ko na mas magiging masaya siya kapag nagka-ayos na kami ng papa namin." Seryosong sabi niya.

"Tsaka ayokong nalulungkot ang kapatid ko kaya pupuntahan ko na si papa ko mamaya." Nakangiti niyang sabi.

Napatitig na lang ako kay Cyril.

He has the right to become so mad at his father. Pagkatapos ng iniwan sila ng mama niya at pagkatapos ng lahat ng hirap na pinagdaanan niya sa buhay napatawad niya kaagad ang papa niya?

Ganun ba talaga kabait si babydoll ko?

Ganun siya kabilis magpatawad?

Napakaswerte ko pala talaga sa kanya. Si Cyril ang taong hindi nagtatanim ng sama ng loob.

Ngumiti na lang din ako kay Cyril at habang tumatagal ay mas lalo kong nakikilala ang kabutihan niya sa puso.

"Eros... Pwede ko na bang makuha ang phone ko?"

"At bakit?" Seryoso kong tanong.

"Baka kasi nag-aalala na si Luther." Mahina niyang sabi.

"Hoy babydoll ko! Hindi mo responsibilidad na alalahanin yung mokong na yun!" Inis kong sabi.

"Kaibigan ko pa rin naman kasi si Luther eh." Mahina niyang sabi.

"Kelan mo ba kasi sasabihin sa kanya na tayo nang dalawa?" Inis kong tanong.

"Ayoko kasi na umiyak si Luther..." Malungkot niyang sabi.

Lumapit ako kay Cyril at hinawakan ko ang mga pisngi niya.

"Alam mo babydoll ko... Mas masasaktan si panget kapag matagal natin itong itatago sa kanya kasi umaasa siya na magiging kayo pa which is never nang mangyayari kasi akin ka na hahahah." Natatawa kong sabi sa kanya.

"Tama ka Eros... Sige sasabihin ko na sa kanya."

"Huh? Kelan? Sure ka?" Gulat kong tanong.

"Oo Puddin... Bukas sasabihin ko na."

Ngumiti na lang ako kay Cyril at niyakap ko siya ng mahigpit na mahigpit.

"Salamat Cyril... Gusto ko na malaman ng buong mundo na nagmamahalan tayong dalawa." Seryoso kong sabi habang nakayakap sa kanya.

"Thank you din sa pagmamahal mo sa akin Eros."

"Ako nga ang dapat mag-thank you sa iyo eh kasi ako ang pinili mo. At tsaka ayokong tinatago natin ang relasyon natin. Proud na proud ako na ikaw ang mahal ko." Masaya kong sabi.

"Ako din Puddin... Sobrang thankful ako na mahal mo ako. Mahal na mahal kita Eros ko."

"Eros ko?" Ang sarap pakinggan nun na mula sa bibig ng taong mahal na mahal ko. Napangiti na lang ako at kinikilig talaga ako kay Cyril.

"Hmmm... Cyril may hihingiin akong pabor sayo."

"Ano yun Sir Puddin?"

"Lagi kasi ako ang nagkikiss sayo. Ikaw naman magkiss sa akin sa lips please babydoll ko." Malambing kong sabi.

Tumitig sa akin si Cyril at namula na naman ang mukha niya.

"Uy? Ano na?" Sabi ko.

"Ano kasi... Nahihiya ako." Sabi niya habang namumula.

"Wag ka mahiya... Iyong-iyo na nga ako eh mahihiya ka pa. Sige na please... Kiss mo na si Puddin mo sa lips." Malambing kong sabi.

"Si...sige... Try ko lang..." Alanganin niyang sabi.

Tumitig si Cyril sa mga mata ko at unti-unti niyang nilapit ang mukha niya sa mukha ko.

Halos one inch lang ang pagitan ng mga labi namin.

Biglang huminto si Cyril at...

"Wait Eros... Pipikit lang ako." Mahina niyang sabi.

"Wwwwwiiiiieeeee!!!!!!"

Naramdaman ko na biglang nasubsob ang labi ni Cyril sa labi ko kaya nagulat ako sa nangyari.

Dinilat ko ang mga mata ko at nakita ko si Era sa likod ni Cyril. Tinulak pala ni Era si Cyril.

"Wwwiiieee!!! Aayyiiee! Hahahah ang sweet naman!" Kinikilig na sabi ni Era.

Mukhang fangirl si Era na sobrang kilig na kilig kaya natatawa ako.

Kumalas si Cyril sa mga labi ko at halatang nagulat siya sa pagtulak sa kanya ni Era.

"Era grabe ka naman! Nagulat ako dun sobra!" Sabi ni Cyril habang namumula.

"Hahahahah pabebe ka kasi masyado kuya at naiinip ako sa kissing scene niyo kaya tumulong na ako." Natatawang sabi nung bata.

"Akala ko ba tulog at pagod ka?" Tanong ko kay Era.

"Opo kuya! Kanina yun hahahha nakita ko ang lambingan niyo ni kuya babydoll eh kaya kinikilig ako kanina pa hahahah."

Tumingin ako kay Cyril at parang hiyang-hiya talaga siya sa ginawa ni Era hahahha. Kami na ngang dalawa tapos nahihiya pa rin siya.

"Hhmmm... Era pupunta tayo mamaya sa papa natin. Makikipagbati na ako." Sabi ni Cyril.

Napahinto si Era at napatitig siya kay Cyril. Ngumiti si Era at parang naluluha ang mga mata niya.

"Magiging buo na ang family natin kuya Cyril." Naluluhang sabi ni Era.

Ngumiti lang si Cyril at ako rin naman ay masaya sa mga nangyayari ngayon dahil wala na kaming problema.

"Excited na po ako mamaya kuya!" Masayang sabi ni Era.

Naghanda na kaming tatlo ay tumawag naman si Era sa papa nila para ipaalam na pupunta kami doon sa mansion.

Ang saya ni Era at Cyril. Natutuwa akong makita na masaya silang dalawa at wala na akong hihilingin pa dahil lahat ay maayos ngayon.

Pumasok na kaming tatlo sa malaking gate ng mansion ng stepdad ko. Sigurado ako na si Cyril ang magiging tagapagmana ng lahat ng ito.

"Kuya Cy... Nakikita mo ba yung malawak na garden natin?" Tanong ni Era.

"Hhmmm... Oo bakit?"

"Lahat yun pati swimming pool at itong house ay sa atin. Tayo ang may-ari nito kuya. Mayaman ka na kuya." Nakangiting sabi ni Era.

Tumingin lang si Cyril sa paligid at parang naninibago pa siya.

"Kuya gusto ko tabi tayo matulog mamaya ha?" Sabi ni Era kay Cyril.

"Sige... Tabi tayo mamaya."

"Hoy! Anong tabi? Kami ni kuya Cyril mo ang magkatabi mamaya sa kwarto ko." Pagtutol ko.

"Ayaw ko nga! Tabi kami ni kuya Cyril mamaya!" Inis na sabi mi Era.

"Ayaw ko din! Dapat kami magkatabi!" Sagot ko naman.

"Hhhmmpphhh! Magkatabi na nga kayo palagi sa house ni kuya Cy eh! Kami naman dapat!" Malditang sabi ni Era.

"Tama na yan... Tabi na lang tayong tatlo mamaya." Nakangiting sabi ni Cyril.

"Ayaw ko nga! Hindi kita mahaharot pag nandiyan si Era." Inis kong sabi.

"Anong harutan? Haharutin mo ang anak ko ha?"

Napalingon kami at kakababa lang pala ng stepdad ko sa hagdan. Patay ako nito.

"Ano Eros? Haharutin mo anak ko?" Seryosong sabi ng stepdad ko.

Shit! Di ko pa nasasabi na kami nang dalawa ni Cyril. Baka mag-freak out siya pag nalaman niya.

"Papa tama na po yan. Nandito po si kuya Cy eh." Sabi naman ni Era.

Yes! Hahahha nakahinga ako ng maluwag at salamat kay Era.

"Hhmmm... Cyril my son, sorry for everything." Malungkot na sabi ng stepdad ko.

Ngumiti lang si Cyril sa kanya at...

"Ok na po yun! Di na po ako galit." Sabi ni Cyril.

"Huh? Ta...talaga? Totoo ba ito?" Naiiyak na tanong ng papa ni Cy.

Tumango lang si Cyril at ngumiti.

"Anak... Pwede ba kitang yakapin?" Naluluhang tanong ng papa niya.

"Opo papa..." Nakangiting sabi ni Cyril.

Nagyakapan silang dalawa at maluha-luha ang mga mata nila. Kitang-kita ko na sabik na sabik sila sa isa't-isa.

"Oh anak kain muna tayo ng dinner."

"Sige po papa."

Pumunta na kami sa dining area at marami pala ang hinandang mga pagkain ng papa ni Cyril.

"Anak... Simula ngayon hindi mo na kailangan magtrabaho. Pagkatapos mong mag-aral ay ikaw na ang hahawak sa lahat ng properties natin."

"Grabe naman po papa. Parang naninibago po ako." Nahihiyang sabi ni Cyril.

"Anak... Ikaw na ngayon si Cyril Vermillion at ipapalabas ko sa newspapers na nahanap ko na ang nawawala kong heir." Nakangiting sabi ng papa niya.

"Ikaw naman Eros. Gusto ko na palagi mong babantayan si Cyril. Ikaw na ang maging protector niya. It is a huge shame for my child na siya pa ang naging P.A. mo noon." Natatawang sabi niya.

"I understand po. Wag po kayong mag-alala dahil sisiguraduhin ko na laging safe si Cyril sa akin." Sabi ko habang nakatingin kay Cyril.

Parang nahiya na naman si Cyril at namumula na naman ang mga pisngi niya na parang mansanas.

"Well... Wala tayong problema kung ganun." Nakangiti niyang sabi.

"Hhhmmm... Meron nga po pala akong sasabihin sa inyo." Sabi ko sa papa nila.

"Ano yun Eros?" Nakangiti niyang tanong.

Huminga muna ako ng malalim at tumingin muna ako kay Cyril bago ako magkaroon ng lakas ng loob na umamin sa papa niya.

"May relasyon po kaming dalawa ni Cyril." Mahina kong sabi.

Parang umurong ang dila ko at kinakabahan ako sa magiging reaction ng papa nila.

"What? Can you please repeat what you've said." Seryosong sabi niya.

Natatakot ako. Parang hindi nagustuhan ng papa ni Cy ang sinabi ko sa kanya.

"Cyril and I are in relationship." Mahina kong sabi.

"Hahahahahha." Tumatawang sabi ng papa ni Cy.

Nagtataka ako... Kanina ay seryoso ang mukha niya pero ngayon naman ay tawa siya ng tawa.

Nagkatinginan na lang kami ni Cyril dahil tawa ng tawa ang papa niya.

"Ano pong nakakatawa?" Tanong ni Cyril.

"Hahahah I already know that."

Nabigla ako sa sinabi niya. Paano niya naman nalaman na kami nang dalawa ni Cyril.

"Paano niyo po nalaman?" Seryoso kong tanong.

"Hahahahahah sinabi ko." Tumatawang sabi ni Era.

Napatitig na lang ako ng masama kay Era at ganun din si Cyril.

"Uy mga kuya chill lang po hahahah." Sabi ni Era.

"Don't worry my sons. Walang kaso sa akin ang pagmamahalan niyo." Nakangiting sabi ng papa ni Cy.

"Huh? Totoo po? Talaga po ba?" Tanong ni Cy.

"Siyempre naman ahahhah." Tumatawa niyang sagot.

Jusmiyo! Kinakabahan ako kanina tapos ok lang pala sa kanya kainis! Pero nakahinga na ako ng maluwag.

"Hoy Eros! Alagaan mo yang si Cyril." Seryosong sabi ni papa nila.

"Opo! Siyempre naman po mahal na mahal ko yan eh." Nakangiti kong sabi.

Tumingin ako kay Cyril at namumula na naman siya at mukhang nahihiya sa harap ng papa niya.

"Anong akala mo Eros? Ganun na lang ako magtitiwala sayo?" Seryoso niyang tanong.

Kinabahan ulit ako...

"Akala ko po ba ayos lang sayo na..."

Hindi pa ako tapos magsalita pero inunahan na niya ako.

"Oo ayos lang sa akin na magmahalan kayo. Ayos lang sa akin na maging masaya si Cyril sayo pero kapag nasaktan siya, hindi mo na siya makikita and God will help." Seryoso niyang sabi.

"God will help" ibig sabihin... He will kill me. Ngayon ko lang nakita na seryoso siya dahil palagi siyang nakangiti. This is the first time that I feel this terror.

"Hindi ko po sasaktan si Cyril. Pasasayahin ko lang siya." Nakangiti kong sabi sa kanya.

"Well... You can call me papa now."

"Thank you po papa." Sabi ko at napangiti na ako.

We are a complete family now. Napakasaya ng nararamdaman ko.

Itutuloy...........

No comments:

Post a Comment

Read More Like This