Pages

Friday, May 26, 2017

Ang Tangi kong Inaasam (Part 17)

By: Confused Teacher

"If you live to be a hundred, I want to live to be a hundred minus one day so I never have to live without you."
Kenzo
Hindi ko pa rin mapaniwalaan na kaya ni Dianne gumawa ng ganoong krimen. Maganda siya, sexy may pinag-aralan at isa pa akala ko ay kaibigan ang turing niya kay Patrick. Noong tawagan ako ni Paul para ibalita ang nangyari kay Patrick pinagtawanan ko pa siya kasi alam ko namang badtrip pa rin siya kay Dianne.
"Bro move on, ilang weeks na ang lumipas after ng Puerto ganyan ka pa rin sa kanya. Kawawa naman iyong tao." Biro ko
"Bahala ka kung ayaw mong maniwala, pumunta ka sa hospital now, makikita mo parehas silang naka confine don."
"Seryoso ka pare?"
"Ikaw lamang naman ang hinde, papunta pala ako sa presinto ngayon para i confirm ang lahat. Alam ko naman ang totoo dahil nasabi na noong imbetigador kaso yung police report ngayon ko raw makukuha. Gusto kasi ni Ninang na ako ang kumuha dahil hindi naman nila magawa ni Ate Hazel. If you want doon na lamang tayo magkita bago tayo tumuloy sa hospital"
Saka ko lamang na confim na hindi siya nagbibiro. Madilim na nang makarating kami sa hospital at gising na si Patrick, kinausap ni Paul ang Mommy niya at mga kapatid, ako naman ay lumapit kay Patrick para kumustahin. Maya-maya ay pinuntahan ko si Dianne sa kanyang room, malayo din kasi iyon sa room ni Patrick. Naroon ang parents niya pero natutulog si Dianne kaya hindi kami nakapag-usap.
Sa paglipas ng mga araw, naging abala si Paul sa pagbabantay sa kanya, madalas sa gabi ay doon na siya nagpapalipas ng magdamag. Naroon din si Shayne at madalas ko silang makita. Gusto ko mang magtagal doon pero ramdam ko may tension sa loob ng kwartong iyon. Hindi ako makapagbiro kasi ramdam kong nagkakailangan sila.
Nakalabas na si Patrick at halos balik normal na ang lahat liban sa nag file daw siya ng one-month leave kaya as usual madalas bad trip ang bestfriend ko dahil wala ang apple of the eyes niya. Haist! ang hirap talagang mainlove, sakit sa ulo at sa puso. Pero mahirap namang iwasan kapag tinamaan ka ng pana ng batang may pakpak wala ka namang choice.
And speaking of tinamaan, tinamaan talaga ako kay Shayne pero gaya ng sinabi ko kay Paul mahirap kasi magiging kontrabida ako sa love story ng ex niya. Kaya lang gustuhin ko man paano ko siya iiwasan samantalang iisang kompanya ang aming pinagtatrabahuhan.
Nagulat ako isang tanghali nang mag text siya. First time niya yung ginawa usually ay sa landline kami nag-uusap at ako ang tumatawag sa opisina nila.
"Are you free tonight?" text niya sa akin
"Yeah, bakit yayayain mo akong mag date?"pagbibiro ko
"What if I say yes?"
"Shayne huwag kang ganyan, pumapatol ako kahit joke."nabigla talaga ako sa sagot niya
"Sira ka talaga, pwede bang magkita tayo?
"So magdedate nga tayo?"
"Ang kulit mo talaga, ano nga payag ka ba o hinde?"
"Sure basta ikaw."
Nag undertime ako para maagang makapunta sa sinabi niyang lugar. Maganda ang lugar tahimik at napaka romantic. Naisip ko doon siguro sila pumupunta ni Patrick. Bagamat hindi pormal ang lugar pero mapapansin mong disente ang mga tao at mukhang mga edukado.
Dahil hindi ko alam ang gusto niyang pagkain, umorder na ako ng marami para my choice siya. Naalala ko ang mga kinakain nila kapag nakikita ko sila ni Patrick na kumakain. Hindi naman ako stalker pero madalas ko talaga silang makita siguro dahil iyong mga lugar na iyon ang malapit sa opisina o kung malayo man ay madaling puntahan dahil iwas traffic.
Nang dumating siya, literal na napatayo ako dahil ang lakas talaga ng dating niya, Kita ko rin ang maraming kalalakihan ang sinusundan siya ng tingin. Muling sumagi sa isip ko kung gaano kaswerte si Patrick sa kanya. Hindi nga nakakapagtaka na ipagpalit niya si Paul sa ganitong klase ng babae.
Medyo nalungkot lamang ako nang sabihin niyang she is on a strict diet, bakit ba nalimutan ko na ang mga babae nga pala bihirang kumain sa gabi para ma maintain ang shape ng katawan nila. Kaya lang bakit pag si Patrick ang kasama niya ang dami nilang pagkain?
Pero nang nakangiting niyang sabihin na joke lamang at ipinaalala pa na madalas ko silang makita ni Patrick na kumakain biglang bumalik ang sigla ko. Lalo na ng sabihin niyang hindi pala talaga sila ni Patrick. Noong una hindi talaga ako naniniwala pero dahil sa mga kwento niya at sa reason kung bakit gusto niyang makipagkita sa akin. Sobrang saya ko. Totoong mahal niya si Patrick at napaka busilak ng puso niya na isakripisyo ang sariling kasiyahan maging masaya lamang ang mahal niya. Kinikilig ako habang pinagmamasdan siyang magsalita. Wala na sa isip ko ang sinasabi niya. Basta ang naalala ko lamang tutulungan namin na magkabalikan sina Patrick at Paul. Hindi ko lamang masabi sa kanya na kung kailangang maglakad ako ng paluhod sa simbahan ng Quiapo at Baclaran magkabalikan lamang yung dalawa gagawin ko. Habang iniimagine ko na pagkatapos nilang magkaayos ay gagawin ko naman ang lahat para mapansin niya ako.
Para akong baliw na basta nakatingin sa kanya habang nagsasalita, halos kaunti lamang din ang kinain ko dahil busug na busog ang mata ko na pagmasdan ang napaka amo niyang mukha. Putek, ano bang gayuma ang ginamit sa akin ng babaeng ito bakit ganito ang nangyayari sa akin? Totoo yatang nababaliw na ako? Hindi ako nagsasawang pagmasdan siya parang pati pagsasalita niya maganda..Hanggang mapansin niyang malalim na ang gabi.
"So paano, just keep in touch at malamang mula ngayon, madalas na tayong magkikita, but I'm sure alam mo na naman na this is a tough secret, sa ating dalawa na lamang muna hanggang hindi pa ayos ang lahat." Tango lamang at ngiti ang sagot ko sa kanya. Haist! Nakakaloko, heaven pala ang feeling kapag kasama siya. "Shayne akin ka lang please!" bulong ko sa aking sarili. Hanggang parking lot ay nag-uusap pa rin kami.
Hinintay kong makaalis ang kotse nya bago ako sumakay.
"Yess!" biglang sigaw ko sabay hampas sa manibela. Naalala ko si Paul, nag dial agad ako. Parang nadidinig ko pa rin sa tenga ko ang sinabi niya na hindi naman talaga sila.
"O bakit ?"
"Saka ko lamang naalala na hindi nga pala pwedeng sabihin iyon.
"Ah e wala, nagungumusta lang."
"Pare naman, kanina lamang tanghali tayo magkasama sa pagkain tapos tatawag ka, 11 pm para kumustahin ako?"
"Masama bang kumustahin ka?"
"Inuunahan na kita ayoko sa iyo, hindi pwedeng maging tayo."
"Kahit gwapo ka at maraming nagpapantasya sa iyong babae man o lalake, ayoko din sa iyo. Haha!"
"Ok fine, buti na iyong malinaw. Bakit ka nga tumawag?"
"Wala nga, mangungumusta lang?"
"Bro, naalala mo iyong tungkol sa albularyo?"
"Bakit?"
"Ikaw kaya ang dalhin ko, mukhang ikaw ang naeengkanto."
"Whatever!, Basta pare ang saya ko."
"May nabiktima ka na namang kawawang babae? Alam mo lately napansin ko napaka manyakis mo pala."
"Gago!Hindi totoo iyan."
"Hala, deny pa!"
Patrick
Gaya ng promise ko kay Mommy, I spend my time with her. Lagi kaming magka bonding.Sa mall, sa fast food, bagamat minsan kasama si Ate at ang family niya o kaya naman ay si Shayne pero mas madalas kaming dalawa lamang. Gusto ko ng tanggapin na kung hindi man ako swerte sa love at least swerte naman ako at may Mommy akong gaya niya. Next month uuwi na si Daddy at hindi na siya babalik magkakasama na rin kami ng matagal hindi gaya dati pinakamatagal na ang 2 months na stay niya kasama kami. Ayoko na rin naman na maging mareklamo, baka nga hindi lahat ng magaganda at gusto mo ay pwedeng maging saiyo.
Bago ako lumabas ng hospital hindi ako sure kung ano ang plano ko. Bago ako barilin ni Dianne ipinangako ko na iiwasan ko na sila, siya at si Kuya Paul at hindi na makikigulo sa magulo nilang relasyon. Iyon din ang una kong naisip noong magising ako pagkatapos ng operasyon. Pero dahil sa sinabi ng Papa niya na tuluyan na silang lalayo at hindi na babalik ng Pilipinas nagdalawang isip ako. Kaya lamang ako nakapag-isip ng ganoon dahil natatakot ako sa pwedeng manyari, pero hindi ko naman alam kung ano ang nasa isip ni Kuya Paul. Gusto ba niyang maging kami? Bakit ganon, mula nang lumabas ako ng hospital ni isang beses hindi niya ako dinalaw. Ano ba ang nasa aisip niya. Mabuti pa noong nasa hospital halos gabi-gabi sinasamahan niya ako. Nakakataka lamang na pagkalabas ko bumalik na naman siya sa dati niya. Haist nakakaloko ang taong iyon. Akala ko okay na kami kasi nakita ko na ulit iyong pag-aalala niya at pag-aasikaso sa akin, Iyon ang mga bagay na sobra kong namiss. Pero mali mang isipin madalas nasasabi ko na sana may sakit na lamang ko kasi nakakasama ko siya. Hindi ko alam kung ano ang nasa isip ng taong iyon. Kung sana ay close kami ni Kenzo, pero isa pang malabo iyong tao na iyon, dati noong naka confine pa ako nakikita ko kahit hindi kami nag-uusap dumadalaw. Pero mula din nang lumabas ako parang once lamang pumunta sa bahay kasama pa si Shayne kaya hindi ko matanong kung ano nang balita kay Kuya Paul.
"Anak hindi ka ba napapagod ng kakagala?" Minsang tanong ni Mommy sa akin nang makarating kami ng bahay.
"Bakit Ma, nagsasawa ka na po bang kasama ako?" balik tanong ko sa kanya.
"Hindi naman, ikaw lang inaalala ko."
"Ayus naman ako ah," kunwari ay tanong ko pero alam ko kung ano ang ibig niyang sabihin.
"Anak mag-asawa ka na kaya" sabi ko na nga ba doon din mapupunta ang usapan.
"Ma naman."
"Alam mo Josh, masaya ako at lagi tayong magkasama, Pero sa ayaw natin at sa gusto hihina ako at maiwan kita, Iyon ang inaalala ko paano ka kapag mag-isa ka na lamang."
"Ma, thanks sa concern mo pero bata ka pa malakas ka pa pwede bang huwag na muna nating isipin iyong hindi pa nangyayari?"
"Pero pag-isipan mo pa rin ang sinasabi ko. Hindi naman madedehado ang babaeng mamahalin mo kasi bukod sa gwapo ka napakabait mo at alam kong responsible kang tao."
"Sinasabi mo po ba iyan dahil anak mo ako?"
"Hindi Josh, sinasabi ko ito dahil kilala kita."
"Paano Ma kung hindi babae ang magustuhan ko?"
"Ibig bang sabihin may nagugustuhan kang ibang lalake bukod sa Kuya Paul mo?"
"Wala Ma, halimbawa lamang po."
"Wala na sa aking issue ang ganon, basta kung kanino ka masaya, tatanggapin ko ng maluwag sa aking dibdib."
"Hayaan mo Ma, kapag may nakilala ako na pwede kong mahalin ipapakilala ko talaga sa iyo, promise."
"Wala na bang pag-asa na magka ayus kaya ni Paul."
"Ayoko ng umasa Ma, nahihirapan lamang ako, baka nga iyon din ang gusto niyang mangyari."
"Sinubukan mo bang kausapin siya?"
"Dapat ba talaga ako ang lalapit?"
"Anak matagal kayong nagkalayo baka nahihiya pa rin siyang lumapit sa iyo?"
"Pero Ma,hindi ko alam kung tatanggapin pa niya ako?"
"Anak ikaw ang umalis, ikaw ang lumayo hindi ba, baka naman ang iniisip niya ay galit ka sa kanya kaya ka umalis, o baka ang nasa isip niya hanggang ngayon galit ka pa rin."
"Pero Ma, siya naman ang umiiwas kahit kinakausap ko siya ang lamig pa rin ng pakikitungo niya sa akin."
Subukan mo pa rin baka kasi nami mis interpret mo lamang ang ipinapakita niya. Kilala ko si Paul, hindi niya iyon gagawin ng walang dahilan"
"Paano kung ayaw na talaga niya sa akin?"
"Nakita ko kung paano ka niya inasikaso noong mabaril ka, kung paano siya nag-alala sa iyo."
"Naramdaman ko rin naman iyon noon"
"Hindi mo nakita kung paano siya umiyak noong nasa operating room ka pa. Sobrang pag-aalala niya sa iyo."
"Kaya nga Ma lalo akong naguguluhan noon, ramdam ko ang pag-alala niya parang bumalik yung dating Kuya Paul na lagi kong karamay."
"Iyon naman pala. So ano ang ipinagkakaganyan mo?"
"Pero pagkalabas ko ng hospital, balik ulit sa dati, ni hindi nga niya ako kinukumusta ngayon?"
"Mali ka anak, madalas siyang dumadaan dito para alamin ang kalagayan mo kaya lang madalas ay tahimik ang kwarto mo kaya iniisip niya na baka gusto mo talagng magpahinga."
"Dati naman kahit tulog ako pumapasok siya sa kwarto ko."
"Josh, dati iyon, noon iyon, madami nang nagbago halos anim na taon kayong magkalayo siyempre nag aalalangan iyong tao. Hindi na siya sigurado kung matutuwa ka pa na  pumapasok siya sa room mo na hindi mo alam,  Noon bata ka pa kaya ginagawa niya iyon pero iba na ang sitwasyon ngayon."
"Pero Ma kilala naman niya ako hindi ba?"
"Baka nga nangangapa lamang kayo parehas. Nagpapakiramdaman pa kung ano ang gagawin."
"Baka nga, naguguluhan po talaga ako"
"Pag-isipan mong mabuti anak"
"Palagay mo ba dapat na akong lumapit sa kaniya, kailangan na bang ako ang magpakumbaba?"
"Kung iyan ang inaakala mong paraan para magkaunawaan kayo, bakit hindi mo subukan?"
"Natatakot po kasi ako, ayoko ng umasa kasi ayoko ng masaktan,"
"Noong bata ka pa, nauunawaan kita sa sinasabi mong ganyan. Pero ngayon malaki ka na, mag-isip ka nga, hindi ka mamamatay kung masaktan ka, ang daming tao ang nagmahal at nabigo, pero pagkatapos  ay bumangon at hinarap ang buhay. At buhay pa rin sila hanggang ngayon. Marami sa kanila masaya na sa kanilang buhay dahil sinubukan pa rin nilang tumayo pagkatapos ng pagkakadapa."
"Pero Ma..."
"Josh, you're old enough hindi na ikaw ang batang maliit na laging sinusuyo ni Paul kapag nagtatampo, hindi ka na bata na kailangan laging may aalalay sa mga desisyon. You are grown enough para mainitindihn ang dapat gawin. Sana sa lahat ng pinagdaanan mo natuto ka na. Hindi pwedeng lagi mong tatakasan o pagtataguan ang problema, hanggang hindi mo iyan nalulutas paulit-ulit lamang na babalik iyan at minsan ang mahirap paulit-ulit ka rin na masasaktan."
"Sorry Ma natatakot kasi ako" at napaiyak ako.
" Hindi masama ang matakot, bahagi iyan ng pagiging tao natin, pero kailangang harapin mo ang takot. Kung mabubuhay ka sa takot iyan din ang papatay sa lahat ng pag-asang meron ka."
"Paano Ma."
"Subukan mo, kung walang mangyaring maganda, tanggapin mo, kung walang magandang resulta at least ginawa mo yung part mo. Walang kang panghihinayangan balang araw."
Hindi ako makasagot nakatingin lamang ako sa kanya,
"At kung maging pabor sa iyo ang kahihinatnan ng gagawin mo, siguraduhin mong natuto ka na sa mga karanasan mo, sikapin mong ingatan ang relasyon ninyo. Huwag padalus-dalos sa pagdedesisyon. Sa isang relasyon dapat dalawa kayong nagtutulungan na maisalba ito, hindi pwedeng isa lamang dahil gaya lamang iyan ng pagsagwan kung isa lamang ang nagsasagwan at ang isa ay pampabigat lamang, dalawa lamang ang pwedeng mangyari hindi kayo makakausad o tuluyan ng kayong lulubog sa dagat."
"Ano pong ibig ninyong sabihin Ma?"
"Anak huwag mong iasa kay Paul ang lahat ng responsibilidad ang pag-aayos sa nasira ninyong relasyon, makipagtulungan ka, hindi lamang ikaw ang nangangailangan ng pang-unawa siya rin. Huwag mong isipin na dapat siya lamang ang gagawa ng paraan kasi dalawa kayong bubuo niyan.  Kahit gaano niya kagusto na ayusin kung siya lamang ang gagawa hindi rin siya magtatagumpay. Gawin mo rin iyong part mo"
"Sorry Ma, ang dami ko pa talagang hindi alam, hayaan ninyo pag-iisipan kong mabuti ang lahat ng sinabi ninyo. Thank you dahil lagi kayong nariyan para sa akin"
"Sabi ko naman sa iyo, anytime, hanggang kaya ko Josh lagi akong narito para sa iyo. Halika nga yakakin kita para gumaan iyang pakiramdam mo." At niyakap ko siya ng mahigpit.
Hindi na ako nagsalita pero ramdam ko tama ang sinasabi ni Mommy panahon na nga siguro para magpaka mature na ako.
Paul
Ano ba talaga ang mali sa akin, bakit ang hirap maging masaya, sabi nila maswerte ako. Alam ko naman gwapo ako at marami ang naghahabol sa akin. Maganda ang posisyon ko sa kumpanya. Isa ko sa pinakabatang naging Department Head gaya ng madalas nilang pagpapakilala sa akin kapag my meeting. I have many reasons to be happy. Pero bakit ang hirap gawin? Dahil ba ang nag-iisang tao na magpapasaya sa akin ay hindi pwedeng maging akin?
Pero putek naman, kung hindi talaga siya pwede bakit hindi rin ako pwede sa iba. Bakit hindi ko kayang magmahal ng iba. Ilang beses na ba akong hinanapan ni Kenzo ng date, magaganda naman sila at disente at nag eenjoy akong kasama sila. At may ilan pa ngang humantong sa kama ang aming pagkikita pero bakit pagkatapos noon parang tapos na rin. Hindi ko maramdaman na hinahanap ko sila o kailangan ko sila. Pinilit ko naman na hanapin sa puso ko ang pagmamahal para sa isa sa kanila pero wala talaga akong makapa. Hanggang sa kapwa na rin kami magsawa at tuluyan ng hindi magkita.
Naisip ko rin baka nga bakla ako at iyon ang dahlian kung kaya wala akong maramdaman sa mga babaeng nakikilala ko. Sinubukan kong makipaglapit sa mga lalake, nakipagkilala at hinayaan ang sarili ko na matutong magmahal. Pero kahit isa sa kanila hindi rin ako makuntento. Wala sa kanila ang hinahanap ko. Lagi kong ikinukumpara sa kanila si Patrick at pakiramdam ko, ni isa sa kanila ay hindi umabot kahit sa kalahati ng mga katangian ni Patrick na gustung-gusto ko.
"Bro, paano ka makakahanap ng mamahalin niyan, kung bawat babae o lalakeng makikilala mo ay si Patrick ang hinahanap mo?" madalas tanong ni Kenzo sa akin.
"Hindi ko alam bro, gusto ko namang subukan ."
"Gusto mong subukang makahanap ng taong duplicate ng ex mo."
"Hindi sa ganon, gusto kong magmahal, pero gusto ko namang mahalin yung taong alam kong mahal ko."
"Paano nga mangyayari iyon, kung ang gusto mong mahalin ay hindi iyong taong nasa harapan mo kundi iyong taong malayo at siya ang hinahanap mo sa kaharap mo?"
"Nasasabi mo lamang iyan dahil madali mong natanggap ang ginawa ng ex mo sa iyo. Hindi ko nga alam kung minahal mo talaga siya bakit okay ka na agad.
"Gago! Naiintindihan ko lamang ang salitang acceptance, anong gagawin ko magmukmok ulit at hintayin siya hindi ko nga alam kung may asawa na ba siya o kung buhay pa siya. Ang sa akin lamang magmahal ka hindi dahil nakita mo sa kanya yung katangiang meron ang ex mo, magmahal ka kasi karapat-dapat mahalin yung taong natagpuan mo."
"Siguro bro, darating din iyon, Mahirap gawin iyon ngayon dahil alam ko in the end, masasaktan ako at makakasakit lamang ako ng damdamin ng iba."
'Kailangan mo lamang sigurong tanggapin na wala na siya. Malaking bahagi ng pag mo move on ang acceptance. Pag nagawa mo ng tanggapin ang nangyari saka ka palang makaka move forward."
"Pero bro, I love him very much ginawa ko naman ang lahat, minahal ko siya ng totoo."
"But giving someone all your love is never an assurance that he/she will love you back."
"Minahal naman niya ako at naniniwala ako don"
"Kaya lang may mga taong not meant to be in your life no matter how much you wanted to be, minsan nga kahit mahal ka niya hindi rin rin pwedeng maging kayo."
"Naiintindihan ko ang point mo and I tried kaya lang wala pa rin e,"
"Pare may naalala akong advice ni Papa Jack"
"Wow pare, ang baduy mo ha, para kang teenager."
"Gago hindi pang teenager iyon, mga matured na ang listener niya,"
"O sige nga anong magandang advice niya na sasabihin sa akin ngayon ng protégée ni Papa Jack?"
"Everything happen for a reason, maybe people we love left us because there is someone better who will come into our lives who will love us better, someone who will not hurt us and give us too much hope, the only person who will correct all the wrongs in lives and will make us feel brand new,"
"Wow, pare grabe, ganon ba mag advise si Papa Jack? Ang bigat!"
"Yeah super ang galing niya sa mga ganyang problema, try mo kayang tumawag sa kanya."
"No way! Ayoko, naririnig ko lamang brutal daw iyon sa caller."
"Ginigising kasi niya ang mga tangang gaya mo kaya niya iyon ginagawa."
"Tang ina pare kung maka tanga ka, talo mo pa si Papa Jack ha,"
"Gago ka kasi, try mo magpa mura sa kanya, baka nga matauhan ka,"
"Ayoko nakakahiya tapos ang problema ko e lalake din, dami kayang ka opisina natin ang nakikinig don narinig ko minsan pinag-uusapan nila."
"Okay lamang iyon, maraming callers ay gaya mo ang sitwasyon, pero bihira ang mas tanga pa kesa sa iyo. Saka hindi ka naman magpapakilala na ikaw si Paul Jacob Rivera"
"Hayup ka Kenzo, nakakadalawa ka na, sasapakin na kita."
"Haha, ang pikon mo talaga."
"Ewan ko sa iyo, bilisan mo may tatapusin pa akong report."
"Last na lang try mo iyong formula ni Papa Jack?"
"Ano namang kalokohan iyan?"
"Hindi iyon kalokohan."
"E ano?"

"Ganito sasabihin mo sa ex mo, Sorry, Thank You and Good Bye"
"Ikaw ang parang tanga, hindi nga kami nagkakausap paano ko sasabihin?"
"Bro IQ please, e d kunwari kaharap mo siya. Sa gabi before you sleep kausapin mo siya na parang nandiyan lamang siya."
"Then?"
"Then say Sorry, kung ano man nagawa mo sa kanyang alam mong ikinagalit niya, after non isipin mo naman lahat ng mga happy moments ninyo, kung pano kayo naging masaya, pag nagawa mo iyon then cut it off, say Good Bye kasi alam mo namang hanggang doon na lamang iyon. Magpaalam ka ng maayos sa kanya at tapusin ang lahat ng pwedeng tapusin, with that makaka move forward ka na na walang regret."
"Maganda nga sana kaya lang?"
"Ano na namang kaya lang, akala ko ba gusto mong mag move on?"
"Oo nga pero dapat yata iyan personal na sinasabi, ang hirap naman magpaalam na hindi mo naman siya kaharap, muka akong tanga non, pati yung mag sorry, okay lamang yung mag thank you.."
"Gawin mo muna pansamantala, tapos kung dumating ang time na kaharap mo na siya mas madali na kasi nasimulan mo na at na practice mo na hindi ba?"

"Ewan ko, ang dami mong alam, tara na, late na tayo."
"Try mo lang bro, malay mo umepekto sa iyo at magka lovelife ka na rin. Para hindi naman parang laging biyernes santo ang mukha mo."
"Shut up!"
"Baka sakali ding mabawasan ang kasungitan mo" hindi ko siya sinagot pero naalala ko na naman yun ang favorite line ni Pat sa akin pag nagagalit ako sa kanya. Haist kailangan ko na yata talagang kalimutan ang baby ko.
Dahil sa dami ng trabahong kailangan kong gawin, nakalimutan ko na rin ang pinag-usapan namin ni Kenzo. Pero madalas kapag nakahiga na ako ay muli kong naalala si Pat. Ang mga gabing i kikiss ko siya sa noo, bago kumutan at panoorin habang tahimik siyang nakapikit alam kong nag pi pray siya. Pagkatapos ay pagmamasdan ko pa rin siya kahit alam kong natutulog na siya. Hindi ako nagsasawang pagmasdan ang napaka amo niyang mukha kahit nakapikit. Namalayan ko na lamang tumulo ang mga luha ko,
"Sorry Patrick, sinaktan ko ang napakabata mo pang puso, alam kong napakaaga pa para pagdaanan mo ang lahat ng hirap at sakit na naranasan mo dahil sa kin. Alam kong nagkamali ako at sana mapatawad mo ako pagdating ng panahon. Hindi ko naisip na masyado ka pang bata para mainitindihan ang aking desisyon pero hindi ako gumawa ng paraan para maipaunawa iyon sa iyo. Sana kung nagsikap akong ipaintindi lamang sa iyo ang lahat baka nauunawaan mo ako, Kilala kita napakabuti mong tao at hindi mo ako hahayaang malungkot. Hindi mo gugustuhing masaktan ako ng ganito"
"Sayang ang magagandang pinagsamahan natin, ang ating mga plano, ang dami ko pa sanang gustong mangyari para sa atin. Pat, iyong kasama ka sa araw-araw ang pinakamasayang mga sandali sa buhay ko. Mula nang makilala kita nagkaroon ng sigla at dahilan para magsikap ako dahil gusto ko lamang ay ipagmalaki mo ako balang araw, Hindi ko malilimutan kapag napapangiti kita pakiramdam ko isang malaking achievement iyon sa aking buhay. Iyong makita kong nasagot ko ang mga tanong mo parang ang tali-talino ko na. Kapag naipagtanggol kita sa mga umaaway sa iyo feeling ko isa akong super hero. Napakalaking bagay sa akin ang mapasaya ka Pat. At kahit lumipas man ang marami pang taon sigurado akong hindi kita malilimutan. Mananatili ka pa rin sa aking puso."
"Pero gaya ng sinabi ni Kenzo, baka nga panahon na para tanggapin ko ang totoo. Malayo ka na at hind na ako ang mahal mo. Masakit pero kung doon ka masaya, wala na akong magagawa kundi ang maging masaya para sa iyo. Nakakalungkot lamang na sa ngayon hindi na ako ang nagpapasaya sa iyo. Hindi na ako ang Kuya Paul mo at hindi na ikaw ang Baby Pat ko. Good bye Patrick, sana kapag nagkita na tayong muli handa na ako, handa na akong makita kang masaya sa piling ng iba. Sana kahit alaala ko man lamang huwag mo akong kalilimutan dahil sinisiguro kong habang tumitibok ang puso ko narito ka pa rin."
Naputol ang ang pag-iisip ko nang makita ko si Krizza, malungkot na nakatingin sa akin. Palihim kong pinahid ang mga luha ko.
"Boss may problema ba?"
"Ah e wala, meron lamang akong naalala, wala ito don't worry."
"Boss kakatawag lamang ng ni Mr. Valenzuela, napirmahan na raw niya ang proposal at anytime pwede na raw isend sa kanya ang Memorandum of Agreement."
"Great Krizza, good news talaga iyan" si Mr Valenzuela ang isa sa pinakamalaki naming kliyente.
"Nagpapa schedule din siya kung kailan kayo may free time para sa lunch"
"O sige bahala ka na isingit mo kung anong date pwede, gusto ko ring personal na makapagpasalamat sa kanya."
"The day after tomorrow sir, set ko na."
"Thanks Krizza, don't forget to remind me ha."
"Okay Boss," at lumabas siya ng opisna.
Nang makaalis siya saka ko lamang naisip na hindi kaya panahon na nga para personal kong sabihin kay Pat ang "Sorry, Thank You and Good Bye?" Baka ito na talaga ang tamang panahon para magkaharap kami at tapusin ang lahat. Tutal may girlfriend na naman siya, makatwiran lamang siguro na itigil ko na kung ano man ang kahibangan na nararamdaman ko. Panahon na para palayain ko siya at ang aking sarili.
Tama gagawa ako ng paraan para makausap siya.

No comments:

Post a Comment

Read More Like This