Pages

Sunday, May 21, 2017

Sa Piling ng Isang Bituin (Part 2)

By: Kairos Fryle

Pasenxa na po kung medyo natagalan ang part na ito. Sobrang busy lang po talaga sa work. Sinisingit-singit ko lang sa break hours ko.

Sa pagpapatuloy...

Pinili kong lumayo at di na magpakita kay Kuya Mark mula ng araw na yun. Hindi ko alam. Siguro natakot ako na mas lalo siyang malugmok sa nakaraang pilit niyang kinakalimutan. Hangga't nandito ako hindi niya magagawa yun dahil paulit-ulit na mananariwa ang mga alaala nilang magkapatid. Mas masasaktan siya. Wechat account deleted succesfully. Para akong bula na biglang naglaho.

Sa bawat oras na papasok ako nakaabang si kuya Mark kung saan nila ako ibinaba noon. Nag-aantay. Kaya naisipan kong sa likod ng building nalang namin lagi dumaan. At doon na ako pinipick-up ng service namin. Pero araw araw sumisilip ako kung nandon siya. At hindi naman siya namintis. Kung may attendance man siguro siya. Wala siyang absent. Hindi na yata siya pumapasok sa kakaabang sakin. Naging para akong isang kriminal sa kakaiwas ko. Nariyang hindi ako lumalabas ng bahay pag hindi naman kailangan o importante. Pag day off ko naman movie o kaya korean series marathon nalang. Halos dalawang linggo akong ganun. Nagtataka na pati mommy ko. Para daw akong tanga. Obvious na obvious na may iniiwasan. Pero di ko sinabi sa kanila ang dahilan kung bakit ako ganun. Minsan tumawag si kuya Mark sa opisina dahil nabangggit ko ang firm namin sa kanya pero as per management order na rin. Pinalabas na walang Kairos Fryle na nagtatrabaho dun for security reason. Since specified naman ang list ng pwede lang tumawag sakin. Hindi na siya tumawag ulit. Lumipas ang mahigit isang buwan. Madalang ko ng makita si Kuya Mark sa pinag-aabangan niya sakin. Marahil napagod na. Marahil sumuko na. Unti unti bumalik ako sa daily routine ko. Nakakalabas na ako ng bahay pero nagmamasid-masid pa rin. Minsan nakikita ko si Kuya Mark nag-aabang pero ako na ang umiiwas. Hindi na ako nagpapakita.

Nakakaawa noon si kuya Mark. Palingon lingon sa paligid na animo'y naliligaw na bata. Parang laging puyat. Nangayayat na din siya. Napabayaan na niya yung sarili niya. Hindi nagpapagupit. Hindi nag-aahit ng buhok sa mukha. Mukha siyang miserable. Pero nagmatigas pa rin ako. Sabi ko sa sarili ko makakaya niya rin yun. Hanggang sa hindi ko na siya nakita. Pero ang totoo gustong gusto ko siyang kausapin at kumustahin. Kung ok ba siya? Deep inside nalulungkot din ako.

Dalawang buwan na ang lumilipas. Naging ok na lahat. Hindi ko na siya iniisip. Lahat back to normal na. Dahil na rin sa pag aakala ko na ok na lahat, nagagawa ko ng gumala, magfoodtrip kung saan saan at magliwaliw. Tama nga sila, maraming namamatay sa maling akala. Sa patuloy na pagdaan ng araw hindi ko inaasahanan ang mga nakatakdang mangyari.

Tandang tanda ko ang araw na yun. Mayo 28, 2014. Birthday ng tita ko at nakiusap siyang samahan ko siyang mamili ng handa sa Al Ghurair (isang kilalang shopping center sa Dubai). Hindi ako pumasok sa trabaho dahil may okasyon. Bilang isang mabait at spoiled na pamangkin, sinamahan ko naman si tita. Baka kasi makalambing na naman ako ng relo o kaya naman sapatos or shades sa kanya. Since malapit lang naman at kunting lakad lang mula sa bahay.

Habang nasa loob kami ng Ghurair, sa harapan ng Border Bookstore, may sumigaw sa likuran namin at kilalamg kilala ko kung kaninong boses yun.

Mark: Kairos!!!

Hindi na ako nakapagsalita dahil paglingon ko dagling niyakap na niya ako at umiiyak siya. Ang daming taong nagsitinginan samin. Nagbubulungan. Marahil nanghuhusga na yung iba. Pati si tita nagulat.

Mark: san ka ba kasi pumunta? Miss na miss na kita. Bat mo naman ako iniwan? Bakit mo ako pinapahirapan? Bakit ka naman ganyan? Anong nagawa ko sayo? May mali ba ako? Galit ka ba sakin? Ayaw mo na ba ako makita?

Sunud-sunod na tanong ni kuya Mark habang mahigpit na nakayakap sakin. Pagkatapos ay hinalikan din niya ako sa noo. Walang pakialam sa mga tao sa paligid. Hindi ako nakasagot. Natauhan nalang ako sa biglang paghablot ni tita kamay ko.

Tita: sino yan??? Kairos ano to? Bat ka niyayakap ng lalaking yan? At dito pa talaga??
Anong kahayupan to?? (mabagsik na sambitla ni tita)
Me: no no no no no please tita.. let me explain. (Habang kumakalas ako sa yakap ni kuya Mark)
Tita: sa bahay ka magpaliwanag. (Sabay baling kay kuya Mark) Hoy lalaki kung sino ka man bitawan mo ang pamangkin ko. Ang kapal din ng mukha mo! Talagang dito mo pa balak gumawa ng kabadingan mo! Ipapahiya mo pa talaga ang pamangkin ko? (Sabay pinaghiwalay kami at nasampal din niya si kuya Mark dahil ayaw bitawan ni kuya Mark ang kamay ko)
Mark: tita please hayaan niyo muna kami makapag-usap ni Kairos. Please tita. Kahit saglit lang. please.
Tita: palagay mo kukunsentihin ko yang kabadingan mo? Ang kapal din ng mukha mo at pamangkin ko pa talaga!! Humanap ka ng iba, wag siya! Punyeta!

Hinablot ako ni tita at hinatak na paalis. Nakakahiya ang eksena. Agaw atensyon sa mga tao. Kung pwede lang magpalamun na sa lupa. Lumilipad ang isip ko. Sobrang kahihiyan ang nangyari. Mabilis ang mga pangyayari. Kinakaladkad na ako ni tita paalis ng Ghurair. Para akong nanghina. Napahiya ako sa maraming tao. Pakiramdam ko pinagtatawanan na ako. Bakit ganun? Bakit doon pa? Hindi ko namalayan na sumusunod pala si kuya Mark samin. Lahat ng taong nakakasalubong namin nagtitinginan.

Mark: tita please saglit lang po. Please.
Tita: tigilan mo kami kung hindi ipapapulis kitang gago ka!
Mark: tita please nakikiusap po ako. Please saglit lang po.
Tita: hindi ka pa nakuntento ha! Punyeta!
Mark: tita please.. please po.. hayaan niyo muna akong magpaliwanag. Please po tita.

Panay mura sa kanya ni tita nun. Pero nakikiusap pa rin siya. Hindi ako makapagsalita dahil agaw eksena sa mga tao ang nangyayari. Hindi ko alam ang mararamdaman ko. Masaya ako at nakita ko si Kuya Mark pero natatakot din ako sa bagsik ni tita. Kilala ko si tita. Alam ko kung pano siya magalit. Para akong asong kinaladkad. Hindi makapalag. Hanggang sa umabot na kami sa ibaba ng bahay. Wala akong magawa. Pero nakasunod pa rin si Kuya Mark. Nakikiusap pa rin kay tita. Bago kami makapasok sa elavator. Humarang si kuya Mark at lumuhod sa harap ni tita.

Mark: tita please nagmamakaawa po ako. Pakinggan niyo po sana akong magpaliwanag.
Tita: at ano? Pagtatakpan mo ang kabadingan niyo? Nakakahiya kayo! Dun pa kayo gagawa ng eksena!
Mark: wala pong ganun tita. Hindi po ganun.
Tita: wag mo akong gawing tanga. Kitang kita ko ang lahat!! Umalis ka sa harapan namin kung hindi makikita mo ang hinahanap mo.
Mark: please po tita. Pakinggan niyo po muna ako. Ipapaliwanag ko lahat. Alam po ng mga tita ko din lahat ng totoo. Tatawagan ko sila para maayos to. Please po tita.
Tita: at kasabwat pa pala ang pamilya mo? sige! Yan ang gusto mo? Halika sa bahay at ipaliwanag mo sakin lahat!! Tawagin mo lahat yang mga tita mo at iharap mo sila sakin nang maipamukha ko sa kanila ang pinaggagawa mo. At ikaw Kairos hindi ko palalagpasin ito! Malalaman ito ng mommy mo! (Galit na sigaw ni tita)

Tumayo si kuya Mark at nagbigay daan para makapasok kami sa elavator. Nagpahid siya ng luha at inayos ang sarili. Tumawag siya kay tita Yvonne at good thing naman na makakapunta sila pagkasabi ng building address. 1607, 16th floor.  Wala ang mommy ni Kuya Mark. May Expo-Seminar na pinuntahan. Kababalik lang naman ng mga tita niya galing Georgia para sa summer escapade nila. Puro mabibigat na hininga ang maririnig sa elavator. Puno ng galit. Sama ng loob. Walang nagsasalita. Nasa likuran lang namin si kuya Mark. Animo'y diring-diri si tita sa kanya at ayaw man lang makalapit samin. Pagbukas ng elavator ay nagmamadaling lumabas si tita at hinatak na naman ako. Sumunod lang samin si kuya Mark. Pagkabukas ng pinto bumungad samin si mommy. Nagulat dahil sa galit na galit na mukha ni tita. At nagsimula siyang mag usisa.

Mommy: anong meron Remedios??
Tita: yang anak mo! Ginawan ng eksena sa loob mismo ng Ghurair! Sa harap ng maraming tao!Nakakahiya!
Mommy: ano na naman ba Kairos? (Kalmado. Sabay baling kay Kuya Mark) oh may bisita pala tayo. Mamaya na natin pag usapan yan. Maupo ka muna hijo.
Tita: ang lalaking yan ang dahilan ng lahat. Dinala ko siya dito para magpaliwanag! Ano ka ba naman Mirasol!! Nagagawa mo pang kumalma! Yang anak mo napahiya na!
Mommy: narinig mo na ba ang buong paliwanag nila? (Sabay baling ng tingin sakin) Kairos may dapat ka bang ipaliwanag? Gusto kong marinig ang lahat.

Bago pa ako makapagsalita, tumunog ang doorbell. Sina tita Yvone, Arvie, Monique at Solenn. Pinapasok sila ni mommy at pinaupo sa sala. Animo'y may okasyon silang pupuntahan at nakagayak talaga silang apat ng de-kalidad na outfit. Nanatiling kalmado si mommy! Nag alok pa ng maiinom pero tumanggi na yung apat dahil na rin sa matensyong sitwasyon.

Tita Yvone: Mark hijo? (Sabay hawak sa kamay) Ano na naman to? Kababalik lang namin dito nitong mga nakaraang araw eh tapos heto na naman. Problema na naman ba? Pano nalang pag wala kami dito? Nasa expo pa man din ang mommy mo. (Bumaling kina mommy) mawalang galang na po, maaari po ba naming malaman kung anong nangyari kanina nang sa gayon ay maintindihan namin ang sitwasyon?
Mark: ako na po ang magpapaliwanag. sorry po mga tita, sakit na naman ng ulo ang naidulot ko. Pero alam niyo naman po kung anong pinagdaanan ko nung umiwas sakin sa Kairos di ba? Nung bigla nalang siyang naglaho. Hindi ako makakain, makatulog at natanggal pa ako sa trabaho. Araw araw hinanap ko siya. Gabi gabi akong naglilibot. Nagbabakasakali na makita ko siya ulit. Nakita ko siya kanina sa Ghurair. Labis ang tuwa ko kaya niyakap ko siya sa loob ng Ghurair. Dahil na rin sa tuwa ko ay hindi ko napigilang maiyak. Sa harap ng madaming tao. Dahil rin sa tuwa ko kaya nahalikan ko rin po siya.
Mommy: nahalikan? ano mo ba ang anak ko hijo? Sana'y wala namang namamagitang hindi maganda sa inyo.
Mark: magkaibigan po kami ni Kairos. Pero bigla nalang po siyang umiwas sakin. Hindi na po siya nagpakita sakin. Hindi ko nga po alam kung may kasalanan ako sa kanya. Kung galit ba siya sakin? Wala naman po akong maisip na dahilan.
Tita Remedios: sinungaling! Kitang kita ng mga mata ko kung anong namamagitan sa inyo! Iiyak ka ba ng ganun kung wala kayong relasyon?
Mommy: wag ka munang sumabat Remedios. Pumasok ka muna sa kwarto at ako na ang bahala dito.
Tita Remedios: bahala ka nga Mirasol. Anak mo yang pinag uusapan dito! Kahihiyan ng anak mo! Dangal ng anak mo!
Mommy: alam ko at kilala ko na ang anak ko Remedios. Alam ko ang paniniwalaan ko. Hangga't hindi ko na naririnig ang panig niya, hindi ako manghuhusga.
Tita Remedios: bahala ka nga. Pag yang anak mo naging bakla. Wag mong isisi sakin na pinabayaan ko siya. (Sabay talikod at pumasok ng kwarto at binalibag ang pinto)
Mommy: pagpasensyahan niyo na si Remedios. Mahal na mahal kasi niyan si Kairos parang anak ang turing niya kaya ganun nalang ang reaksyon niya.
Tita Arvie: nako wala yun. Natural naman satin ang ganun na kapag mahal na natin ang naagrabyado eh tayo ang lalaban. Ganyan din kami para kay Mark. (Nakangiting sagot)
Mommy: nais ko sanang marinig ang buong kwento. Kung inyong mamarapatin.

At sinimulang ikwento ni kuya Mark lahat kay mommy. Kung pano kami nagkakilala. Nang makitulog ako sa kanila. Pati ang kwento nila ni Dreix para lubos maunawaan ni mommy ang lahat. Wala namang bahid ng galit sa mukha ni mommy habang nakikinig. Bagkus ay nakikinig lamang siya hanggang natapos ang buong kwento. Ang ibang detalye ay sa mga tita na ni kuya Mark nanggaling.

Mommy: ganon naman pala ang kwento. Marahil ay nabigla lamang si Remedios sa nakita niya kanina. Hayaan niyo at ako na ang magpapaliwanag sa kanya.
Mark: salamat po tita. Pasensya na po kayo sa nangyari.
Mommy: nako wala yun hijo. Naiintindihan ko naman. Pero wag mo na uulitin ha kasi hindi sanay sa ganun si Kairos. Lalo't napapahiya siya. Kung alam niyo lang din ang pinagdaanan nila ng kambal niya. But anyway, sana wag ka ng gagawa ng bagay na labag sa loob niya. Dahil ako mismo ang maglalayo sa kanya pag ginawa mo yun.
Mark: sorry po talaga tita. Hindi na po mauulit. Pero may hiling po sana ako.
Mommy: ano yun hijo?
Mark: maaari ko po bang makausap si Kairos. Kaming dalawa lang po sana.
Mommy: Wala namang kaso sakin yun hijo. Yun ay kung gusto ng anak ko.
Mark: maraming salamat po tita. (Sabay baling ng tingin sakin pero di ako kumibo) ah siguro babalik nalang po ako kapag medyo ok na po.
Tita Solenn: kung gayon ay mauuna na kami. At pagpasensyahan mo na ang pamangkin namin.
Mommy: nako wala yun. Pag may pagkakataon bumalik kayo para mas makapagkwentuhan naman tayo.
Tita Monique: pagpasensyahan niyo na si Mark namin. Nanabik lang marahil.
Mommy: pagpasensyahan niyo na rin si Remedios sa inasal niya lalong lalo na sayo Mark. Pasensya ka na hijo.
Mark: nako wala po yun tita. Ang mahalaga sakin nahanap ko na si Kairos.
Mommy: sana ay ingatan mo ang pagkakaibigan niyo ng anak ko.
Mark: makakaasa po kayo. Pano po mauna na kami. Saka nalang po kami mag uusap ni Kairos. At ipapakilala ko po sa inyo officially ang pamilya ko.
Mommy: sige mag-iingat kayo.

Hinatid sila ni mommy hanggang sa pinto. Kumaway sina tita Yvonne at tita Solenn bago lumabas ng pinto. Pagkasara ng pinto ni mommy ay lumapit siya sakin. Hinawakan ako sa kamay.

Mommy: anak siya ba yung iniiwasan mo dati?
Me: (tumango lang ako)
Mommy: bat mo naman ginawa yun? Sobrang bait nung tao sayo. Malinis ang intention niya sayo.
Me: akala ko kasi yun ang tama. Na yun ang dapat. Kasi baka mas lalong gumulo ang buhay niya.
Mommy: masaya ka ba na nasaktan mo siya? Bakit hindi mo nalang sinabi sa kanya ng diretso para di na siya umasa?
Me: hindi ko alam mommy. Naguguluhan po ako mommy. Alam niyo naman po ang sitwasyon namin ni Shiro. Ang hirap ko nag adjust.
Mommy: naiintindihan kita anak pero magkaiba ng sitwasyon niyo ni Mark at ng sitwasyon niyo ng kambal mo. At maayos na kayo ngayon ni Shiro di ba?
Me: opo mommy. Sorry po sa nangyari (sabay yakap ko sa kanya)
Mommy: mabait si Mark. Ramdam ko yun. Kaya wag mong hayaang masira ang pagkakaibigan niyo. Bihira ang mga kaibigang ganun. (Sabay haplos ng likod ko)
Me: (tumango nalang ako habang nakayakap pa rin sa kanya)

Hindi pumasok si mommy ng sumunod na araw.  Gusto daw niya ako makabonding para aware siya sa nangyayari sa buhay ko. Namasyal kami sa Zabeel Park. As usual hindi na naman ako nakapasok sa work. Iniisip ko bukas nalang ako papasok para double pay since it's Friday, kasi considered as overtime. Akala ko ordinaryong araw. Picnic type lang na may iihawin. Sumama din ang iba naming kasama sa bahay na walang trabaho kaya marami kami. Bagama't malaki na yung banig na nadala namin ay nagdala pa ng extra si mommy. Just in case daw na may humabol. Habang nag iihaw ng barbecue, okra at kamote yung iba, naglakad lakad muna ako at naglibot. Kunting picture taking at muni muni. Naupo ako sa isang bench malapit sa entrance at mula doon natanaw ko sina tita Yvone, Arvie, Solenn, Monique at may isa pang babae na nakakapit sa bisig ni kuya Mark. Kumaway sila sakin at dagli akong lumapit sa kanila.

Me: magandang araw po mga tita. (Sumulyap lang ako kay kuya mark) May picnic din po kayo?
Tita Yvone: nako hijo hindi ka ba nasabihan ng mommy mo? Ininvite niya kami ngayon. Oh by the way, this is your tita Ashley. Ang mommy ni Mark.
Me: magandang araw po tita. Nice to meet you po finally. (Sabay biso sa kanya)
Tita Ashley: nice to meet you din hijo. You really remind me of my late son. Totoo nga ang sabi nila Solenn. You really look like him. No wonder, seryosong seryoso sayo si Mark. (Maluha luha niyang pagkakasabi at hinahaplos ang buhok ko)
Me: hehe nagkataon lang po siguro tita. Tara po kina mommy. (Sabay turo ko sa direksyon ng pwesto nina mommy)
Mark: ah mauna na kayo mommy, mga tita. Gusto ko sana makapag usap muna kami ni Kairos.
Tita arvie: sige pero wag kana gagawa ng eksena dito Mark ha! Nakakahiya na sa mommy ni Kairos.
Mark: opo tita. Behave na po ako.

Napansin kong nag ayos na si kuya Mark ng sarili. Nagpagupit na siya at nagshave na rin ng mga buhok sa mukha. Though medyo pumayat siya ay hindi pa rin nawawala ang mala-anghel niyang mukha. Lalo na pag ngumingiti. Nauna na ang mommy niya at mga tita niya papunta kina mommy. Agad naman silang sinalubong at binati ni mommy dahil kumakaway na sila malayo palang. Umupo kami ni Kuya Mark sa bench na malapit sa entrance. Tahimik lang. Nagpapakiramdaman. Ilang minuto din kaming ganun. Walang imikan. Nakatingin sa malayo. Hanggang si kuya Mark na ang nagkusang magsalita.

Mark: galit ka ba sakin? I'm sorry kung nagawa ko yun. Namiss lang talaga kita.
Me: (lumingon lang ako sa kanya pero di ako kumibo)
Mark: ayaw mo na ba ako kausapin? Bakit bigla ka nalang di nagpakita? Pati wechat mo wala na. Ayaw mo na ba akong makita? Alam mo ba sobrang nalungkot ako. Wala naman kasi akong maisip na dahilan kung bakit ka biglang umiwas.
Me: (kinuha ko ang DSLR at kukunan ko sana siya ng picture)
Mark: oy.. kausapin mo naman ako. (Sabay hawi niya ng DSLR sa mukha ko)
Me: hindi ako galit (maikli kong tugon)
Mark: talaga? Bakit galit ka sa tono mo?
Me: kuya tapatin mo nga ako. Masaya ka ba na nakilala mo as Kairos o masaya ka dahil nakikita mo lang ang imahe ni Dreix sakin?
Mark: mahal na mahal ko si Driex alam mo yan. At hindi siya mawawalan ng bahagi sa puso ko. Pero, ayokong mabuhay sa anino ng nakaraan. Ikaw ang nandito, ikaw ang mamahalin ko bilang ikaw.
Me: maraming ibig sabihin ang huling tinuran mo kuya.
Mark: gusto kita (maikli niyang tugon)
Me: bilang kaibigan? (pagtutuwid ko)
Mark: higit pa dun (sabay hawak niya sa pisngi ko)
Me: bilang kapatid kung gayon (pagtatanong ko)
Mark: (umiling siya) gusto kita Kairos meaning mahal kita. (Hinawakan niya ang kamay ko) una palang kitang makita alam ko gusto na kita. Hindi naman ako bakla Kairos pero iba ang tibok ng puso ko eh. Lagi kitang hinahanap hanap. Lagi kitang namimiss. Nasasbik akong yakapin ka ulit.
Me: bakit ako? Minsan palang naman tayong nagkikita, mahal na agad. Marami naman jan iba kuya.
Mark: i know. Ako nga rin naguguluhan bakit ganito. basta ang alam ko mahal kita. Alam kong nabibigla ka Kairos. Anong magagawa ko? Yun ang nararamdaman ko at ayokong magpanggap sa sarili ko.
Me: alam mong hindi ko masusuklian ang pagmamahal na yan kuya (sabay tumayo ko)
Mark: mahirap ba akong mahalin? May hindi ka ba gusto sa akin? Masama ba akong mahalin? (Sabay pigil niya sakin habang hawak ang kamay ko)
Me: Hindi ko pa kayang sagutin yan kuya. At ayokong umasa ka. Hindi ganito ang set up na gusto ko. May anak ako at umaasang ikakasal ako balang araw sa mommy niya.
Mark: wag mo lang ako ipagtabuyan Kairos. Wag mo lang akong layuan. Ok na ako dun. Masaya na ako na araw araw kitang makikita.
Me: mahal kita bilang kuya. Kung higit pa dun ang gusto mo kuya, baka di ko na maibigay.
Mark: naiintindihan naman kita. Hayaan mo. Magiging mabuting kuya ako sayo. Pero kung darating man ang araw na mahal mo na rin ako, wag mong ililihim sakin ha.
Me: salamat kuya. Hindi ko naman sinasara ang puso ko para sayo. Hindi rin natin masasabi ang mangyayari sa mga susunod na panahon. Sa ngayon, mas makakabuting ganito nalang muna tayo. Na magkuya nalang muna. Kilalanin muna natin ang isa't isa. Mahirap ang padalos dalos lalo't baguhan tayo pareho sa ganitong sitwasyon. Tara na kina mommy baka kakain na.
Mark: salamat Kairos. Wag mo na akong iiwan ha. (Tumayo siya at umakbay sakin) tara?

Deep inside masaya ako. Hindi ko maintindihan. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Ang sarap lang siguro sa pakiramdam na mahal ako ni kuya Mark. Na mahal ako ng kuya-kuyahan ko. Pero sa kabilang banda ng utak ko, hindi pwede. Hindi maaari. Hindi ako nakikipagrelasyon. Hanggang kuya lang dapat.

Hindi pa rin nagbabago si Kuya Mark. Maaalaga at maasikaso pa rin. Nadagdagan pa ng lambing. Halos pagsibilhan naman niya ako habang kumakain kami. Natuwa naman sina mommy sa nakikita nila. Batid din naman kasi ni mommy na wala kaming kuya na ganun kaya nagpapasalamat din siya kay Kuya Mark dahil napapasaya niya ako. Sa sobrang haba ng mga kwentuhan, gabi na natapos ang kasiyahan. Naging masaya naman at nagkakilala ang mga pamilya namin officially. Natapos ang salo-salo around 8pm. Kanya kanyang balot ng mga gamit at nagpaalaman na sa parking. Bago maghiwa-hiwalay ipinagpaalam ako ni tita Monique na kung pwede ay pumasyal ako sa bahay nila ngayong gabi. Pumayag naman si mommy pero ako kasi nagdrive ng sasakyan kaya kailangan ko muna silang ihatid sa bahay.

Pagkapark na pagkapark palang ng sasakyan namin. Inabot ko agad ang susi kay mommy at nagmamadali akong umakyat sa bahay. Naghalungkat ako ng gamit ko para naman disente ako tingnan kahit papasyal lang. Pahinga kunti tapos naligo na at naghanda. Kailangan presentable ako. Ewan ko ba excited din akong pumasyal kina kuya Mark. Pati yung pabango kong nakaimbak ng matagal ay lumabas sa baul. Kunting spray sa bandang leeg at ready to go na. Bagama't casual attire lang ang suot ko ay napangiti nalang si mommy ng makita niya ako. Para daw akong may liligawan. Sabay senyas ng "break a leeg". Natawa nalang ako sa kanya. Nagpaalam ako na baka ma-late ako ng uwi kasi baka maaliw sina tita Ashley sakin. Wala naman daw problema ka mommy. Isang matunog na biso ang paalam ko at sumibat na ako.

Excited much. Ano bang meron at ganito ang nararamdaman ko. Sana hindi naman halatang sabik na sabik ako na makasama din ang pamilya ni kuya Mark. Diri-diretso na ako hanggang sa harapan ng apartment nila. Nagdoorbell at si kuya Mark ang nagbukas. Nakangiti at as expected nakaligo na rin. Nakatitig lang siya.

Me: ano? Hindi mo ba ako papapasukin? Tititigan mo nalang ako dito?
Mark: ay sorry naman. Kakaiba kasi ang dating mo ngayon. Tara sa loob.
Me: nasaan ang mga tita at mommy mo? Parang wala sila? (Sabay upo ko sa sofa)
Mark: wala talaga sila dito. Nakacheck-in sila sa Hyatt. (Umupo siya sa tabi ko)
Me: ha??? Ibig sabihin tayong dalawa lang dito?
Mark: yap yap yap. (Sabay ngiting may masamang balak)
Me: ano ba yan. Sayang lang effort ko magpakapresentable.
Mark: ano ka ba? Ang gwapo mo nga jan sa suot mo. Na-appreciate ko nga eh. Dahil ba sakin kaya ka ganyan?
Me: mukha mo. Gusto ko lang maging presentable sa pamilya mo.
Mark: kunwari ka pa. Anyway, pano ba yan? Solo kita ngayon. Ready ka na ba?
Me: ha?? Ready saan??
Mark: alam mo na yun.
Me: gago. Anong alam mo na yun?
Mark: sige na. Tayong dalawa lang naman dito.
Me: pag pinilit mo yang gusto mo, uuwi nalang ako. Isa!
Mark: alam ko di mo ako matatanggihan. (Sabay lapit ng mukha niya sakin)
Me: anong ginagawa mo? (Habang palapit ang mukha niya sa mukha ko.
Mark: basta. Akong bahala sayo.

Pumikit ako sa pag-aakalang hahalikan niya ako. Wrong move. Nagulat nalang ako ng biglang nagsilabasan ang mga tita at mommy niya sabay sigaw ng "surprise".!! May dala silang cake. May nakasulat sa ibabaw. "Welcome to Revon family". Na-good time ako. Iba rin pala ang pamilya nitong si kuya Mark. Prank kung prank ang trip. Buti nalang hindi ako easy to get kung hindi patay na. Bumigay na sana ako sa pang-aakit ni kuya Mark.

Yumakap sila sakin isa isa at pinakamatagal na yakap kay tita Ashley. Wari'y sabik na sabik sa na anak. Hindi naman siya masisisi.

Mark: mommy baka naman masakal na si Kairos niyan. Tingnan niyo oh namumula na siya.
Tita Ashley: ay sorry sorry. Nadala lang kasi ako. Pasensya ka na Kairos. Hindi ko napigilan. (Sabay pahid ng mga luhang malapit ng pumatak)
Me: ok lang po tita. (Sabay kamot ko nalang ng ulo ko at nagtawanan lahat)

Habang lumalalim ang gabi. Si tita Ashley ang pinakamatagal kong nakausap. Andaming picture ni Dreix at kuya Mark ang pinakita niya. In fact, hu mingi pa ako ng isang picture ni Dreix para ipakita kay mommy. Isa isa nang pumasok sa mga kwarto yung apat. Ang dami niyang kwento tungkol kay kuya Mark at kay Dreix. Sariwa pa sa alaala niya lahat. Si kuya Mark naman libot ng libot. Hindi mapakali. Kung ano ano ang  pinagkakaabalahan. Naiinis kasi siya sa blender na hindi gumagana. Putol ang wire. Balak sana niyang gumawa ng mango-banana shake kaso nganga. Ala-una na ng matapos kami sa kwentuhan ni tita Ashley. Magpapaalam na sana ako kaso pinagpilitan niyang sa kanila na daw ako matulog. Sa dati. Sa kwarto ni kuya Mark. At pumasok na siya sa kwarto niya. Hindi na ako nakatanggi. Inaya na rin ako ni kuya Mark sa kwarto niya para makatulog na rin. Nakakapagod nga naman kasi ang araw na yun. Pagkatapos magsipilyo at ng mga beauty regime. Parehong bagsak sa kama. Maya maya pa'y lumapit si kuya Mark sakin.

Mark: nabitin ka ba kanina?
Me: ha? Gago. Nabitin saan?
Mark: galing mo ring magkunwari no? Tinablan ka naman kanina. Kung tayong dalawa lang talaga kanina malamang bumigay ka na.
Me: asa ka naman. Hindi po ako easy to get.
Mark: talaga? Pano pag ako na mag-tease sayo? Gaya nito (sabay pagapang na haplos sa dibdib ko)
Me: subukan mong ituloy yan at iiwanan kita dito kuya. Promise.
Mark: ito naman di na mabiro. O sige may request nalang ako.
Me: ano naman yun?
Mark: goodnight kiss sa lips.
Me: grabe naman yan. Sa lips talaga? Ni sa pisngi hindi nga pwede. Ang lips ko para lang sa mapapangasawa ko.
Mark: eh di kunwari nalang ako asawa mo.
Me: seriously, ayoko.
Mark: sige na. Minsan minsan lang ako maglambing sayo e.
Me: ayaw ko nga. Ano ba kuya?
Mark: dali na. Hindi kita patutulugin. Sige ka.
Me: haist. Ano ba yan. Kailangan ko ng matulog. May pasok pa ako bukas. (Pumikit ako at nagkunwaring natutulog na)

Hindi na nagsalita si kuya Mark. Siniil nalang ako agad ng isang mapusok na halik. Niyakap ako ng mahigpit ng isang kamay niya. Hindi ako makagalaw. Hindi ako gumanti sa halik niya. Pinipilit niya ipasok ang dila niya sa bibig ko pero di niya nagawa. Sumabay ding gumapang ang isang kamay niya sa katawan ko. Parang may dumadaloy na kuryente. Pababa ng pababa. Malapit na sa alaga ko. Naalarma ako. Pinilit kong kumalas. Nagpumiglas. Tinulak ko siya ng malakas.

Me: Mark ano ba??? Tang ina naman!
Mark: sorry sorry Kairos.
Me: puro ka sorry. Sinasamantala mo naman. Ano bang tingin mo sakin? Puta? Haaa?
Mark: Kairos please. Wag kang umalis. Sorry na. Sorry na please.

Hindi na ako nagsalita at tumayo na ako. Dinampot ko ang mga gamit ko at lumabas na ng kwarto. Diri-diretso sa main door. Buo na ang loob kong uuwi nalang ako. Hinabol ako ni kuya Mark sa elevator pero napagsarhan na siya. Paglabas ko ng elavator ay nagmamadali akong naglakad pauwi. Hindi na ako lumingon. Hanggang sa makapasok ako sa bahay.

Oo nga't nahanap niya ako pero mukhang mas binibigyan niya ako ng rason para mas lalong lumayo. Yun ang tumatakbo sa isip ko. Tama pa ba ang nangyayari? Ano pa ang kayang gawin ni kuya Mark? Hanggang saan siya dadalhin ng pagmamahal na sinasabi niya?

Itutuloy..

No comments:

Post a Comment

Read More Like This