Pages

Thursday, May 11, 2017

Ang Tangi kong Inaasam (Part 15)

By: Confused Teacher

“Oftentimes we say goodbye to the person we love without wanting to. Though that doesn’t mean that we've stopped loving them or we've stopped to care. Sometimes goodbye is a painful way to say I love you.”

Josh

Isang gabi  na late na naman ako ng uwi dahil sa makukulit na kliyente.  Kung bakit kasi kung sino ang maliliit na kliyente yun pa ang maraming kaartehan.  Unlike yung malalaki na pagkatapos mong magpresent  at naapprove ang proposal iyon na yun. Ang kasunod noon ay pirmahan na ng kontrata at wala ng pag-uusapan pa.  Itong mga makukulit na ito may kontrata na, sisingitan pa ng revision,
Nasa malungkot akong kalsada at tahimik na binabagtas ang daan pauwi sa amin nang bigla akong matigilan dahil sa kanta mula sa car stereo
Do you know where you're going to?
Do you like the things that life is showing you?
Where are you going to?
Do you know?
Bigla akong napaisip.  Naalala ko ito yung unang kantang itinuro ni Kuya Paul sa akin na kinanta ko sa isang program sa school para sa Teachers’ Day. Grade 4 ako no’n ang galing ni Kuya Paul kumanta kahit ang magturo.
“Ang husay mong kumanta Pat, pwedeng-pwede kang maging magaling na singer balang araw.” Pagpuri niya sa akin, pagkatapos ng aming practice.
“Ikaw po Kuya Paul ang magaling, hindi ko nga alam iyan dati, pero naituro mo sa akin, pati sa pag gitara ang husay mo po Kuya, ngayon ko nga lamang nalaman na kaya ko palang kumanta.” Pag amin ko sa kanya.
“Natuto lamang ako kay Papa, pero noong ka-age mo ako hindi pa ako kasing galing mo, alam ko Pat, balang araw malayo ang mararating mo.” Ang sarap sa pakiramdam kung gaano kami kasaya noon.
Do you get what you're hoping for?
When you look behind you there's no open door
What are you hoping for?
Do you know?
Ibang-iba na ngayon ang buhay. Ang dami ng nagbago, ang dami ng naiba, Hindi ko alam Kuya Paul, malayo na nga narating ko, malayung malayo na,  pero nalulungkot akong hindi ka kasama. Malayung-malayo na tayo sa isat-isa. 
Wala ka habang tinutupad ko ang mga pangarap mo para sa akin. Sana masaya  ka kasi heto na ako ngayon, naabot ko na ang pangarap ko. Pero bakit ganon,  bakit sa kabila na naabot ko na ang pangarap ko hindi ako masaya.  At higit sa lahat  sa ngayon hindi ko na alam kung saan ako pupunta. 
Gaya ng sinasabi sa kanta, I don’t know what I am hoping for, parang wala namang silbi ang lahat ngayong napakalayo mo.  Ngayon ko lamang naintidihan ang kantang ito.  Noon kinanta ko iyon base sa turo ni Kuya Paul. Ang lalim pala ng ibig sabihin ng kantang iyon at ang nakakalungkot, tamang-tama sa akin ang lyrics ngayon. Ngayon huli na nga ba ang lahat sa atin. Kuya Paul hindi ko alam paano magpapatuloy ngayong wala ka na sa tabi ko.  Kahit yata gaano pa katagal ang dumaan hindi ako masasanay na wala ka na. 
Wala na nga bang open door para sa ating dalawa.  Ang hirap tanggapin na nariyan ka lamang sa malapit pero hindi kita maabot.  Kitang-kita kita pero hindi kita malapitan.  Ang sakit Kuya Paul.  Dahil lamang ba sa pagkakamaling iyon hindi na pwedeng maging masaya.  Pinagsisihan ko na naman ang ginawa ko, hindi pa ba sapat ang lahat ng hirap na pinagdaanan ko.  Kuya Paul, gusto kong personal na magsorry sa iyo.  Gusto kong umiyak para patawarin mo lamang ako pero paano ko gagawin iyon.  Kitang-kita ko na iniiwasan mo ako, nilalayuan.  Ayaw mo na ba talaga kahit maging kuya ko man lamang.  Tuluyan mo na bang isinara ang pinto mo para sa akin.

Now looking back at all we planned
We let so many dreams just slip through our hands
Why must we wait so long before we see
How sad the answers to those questions can be?
Sana hindi na lamang ako lumaki. Noon ang dali ng buhay, pag may gusto akong malaman magtatanong lamang ako sa iyo aayus na. Kuya Paul, noon para ang dali lamang ng lahat kasi lahat ng tanong ko alam mo ang sagot, Noon kapag nagkamali ako, kapag sinabi mong kalimutan ko na iyon at huwag ng uulitin, nakakalimutan ko na nga kasi alam ko pinatawad mo na ako.  Sana Kuya Paul ganon pa rin, tulungan mo akong kalimutan ang kasalanan ko sa iyo kasi hangga ngayon inuusig pa rin ako ng konsensiya ko.  Madalas hindi pa rin ako makatulog kasi guilty ako sa ginawa ko sa iyo. 
Akala ko pag lumaki na ako magiging kasing galing mo ako, kasing bilis mo akong makaisip ng solusyon sa anumang problema.  Pero hanggang ngayon hindi ko parin kaya, ang dami kong tanong na hindi ko mahanapan ng sagot.  Ang daming kong gustong gawin pero hindi ko pa rin magawa. Namiss na kita Kuya Paul. Aaminin ko kailangan pa rin kita Kuya Paul.  Kailangan ko pa rin ang pagpapalakas mo ng loob ko, kailangan ko pa rin ang paalala mo. Sana lang ganon ka pa rin, sana pag dumating ang panahon na kaya na kitang harapin tanggapin mo pa rin ako kahit kapatid na lamang gaya ng dati.
Once we were standing still in time
Chasing the fantasies that filled our minds
You knew how I loved you, but my spirit was free
Laughing at the questions that you once asked of me
Mahal na mahal pa rin kita Kuya Paul, sa limang taon na hindi kita nakasama hindi ka po nawala sa isip ko.  Hirap na hirap na ako pero wala akong magawa.  Alam ko namang kasalanan ko ang lahat.  Binalewala ko ang pagmamahal mo kaya siguro tama lamang ito para sa akin.  Pero ang sakit Kuya Paul, ang sakit dahil sa kabila ng lahat, umasa at umaasa pa rin akong babalik ka. Ang sakit kasi akala ko pag nagkita tayo magiging ayos na ang lahat.  Akala ko Kuya Paul, naghintay ka, akala ko pagbalik ko yayakapin mo ako at sasabihin mong namiss mo rin ako.
Kung narito ka lamang sa aking tabi alam ko magiging okay ang lahat.  Miss na miss ko na kung paano mo ako inalagaan at minahal. At nanghihinayang ako sa mga panahong sinayang ko, sa pagkakataong mahalin ka rin gaya ng pagmamahal mo sa kin.  Sobrang tanga ko Kuya Paul, Sorry,  sana ay mapatawad mo pa ako.  Hindi ko alam kung mahal mo pa ako, pero sana kahit forgiveness mo makuha ko. 
Inihinto ko ang sasakyan at ipinatabi dahil pakiramdam ko ay hindi ko kayang magdrive.  Hilam na sa luha ang aking mga mata. Wala na akong makita sa dinaraanan ko. Isinubsob ko ang mukha ko sa manibela at hinayaan ang mga luha ko na kusang pumatak.
Nasa ganon akong ayos nang makarinig ako ng marahas na katok mula sa labas. Huli na nang mapansin kong may nakaharang ng sasakyan sa harapan ko at may dalawang lalake sa labas na pinababa ako. Mga holdaper, iyon ang agad pumasok sa isip ko. Wala na akong pagpipilian, may konti naman akong dalang cash at ang cellphone ko, Ibibigay ko na lamang para hindi na ako masaktan.  Tiyak naman iyon din ang pakay nila.  Nagpunas ako ng luha, saka marahang binuksan ang pintuan. Nagulat ako ng bigla akong  hinila at sinuntok sa sikmura ng isa sa kanila.  Namilipit ako sa sakit at kung hindi ako nahawakan noong isa ay tiyak bagsak ako sa kalsada. Magtatanong pa sana ako ng iyong isa naman ang sumuntok sa labi ko.  Napaluha ako sa sakit kasabay ang maalat na likidong naramdaman ko sa aking bibig na umagos sa aking labi.  Pinunasan ko iyong sa pamamagitan ng aking braso.
“Ano bang kasalanan ko sa inyo?” iyon lamang ang naitanong ko.
“Sa amin wala, pero kay boss meron, sinundan ko ang galaw ng ulo niya at natanaw ko sa kotse nila si Dianne.
“Ikaw na naman Miss Dianne, akala ko ba nagkaintindihan na tayo” ano na naman ito?
“Ako nga Josh Patrick, akala ko din e, pero hindi pala. Hindi pa pala tayo tapos. At para matapos iyon kailangang matapos ka muna.” Ang mayabang niyang sagot saka ipinakita sa akin ang isang baril na hinahawakan pa niya ang dulo niyon.
“Pero Miss Dianne, alam mo namang wala na kaming ugnayan ni Kuya Paul.  Ni hindi ko siya nakakausap.”
Umiiyak kong pahayag sa kanya, sobra talaga akong natatakot sa ipinakikita niya. Mukha siyang demonya sa mga horror movies.  Iyong mga mata niya sobra ng sama kung makatngin.  Ramdam ko ang sobrang galit sa mukha niya.  Alam kong hindi lamang siya nananakot handa siyang pumatay nang mga oras na iyon.
“Ikaw, oo, pero si Paul yata iba ang iniisip, umaasa pa rin na magiging kayo, kahit ano ang gawin ko, wala pa ring kwenta ikaw pa rin ang gusto niya.”
“Wala akong gusto kay Kuya Paul,” pagsisinungaling ko, kailangang makaligtas ako dito at pangako lalayo na ako, mabuhay lamang ako, hindi ako pwedeng mamatay, nakakaawa si Mommy. Alam kong sobra niyang dadamdamin kung may masamang mangyayari sa kin.
“May girlfriend ako at magpapakasal na kami.”
“Pasensiya na Josh, hindi ko rin gusto ito, pero matatauhan lamang si Paul at tatanggapin iyang sinasabi mo kapag wala ka na.  kaya iyon ang kailangan kong gawin ang mawala ka, ang patayin ka.” Matapang niyang sagot sa akin na may mala demonyang ngiti. Pumikit na lamang ako at nagdasal, sana po Diyos ko kayanin ni Mommy ang pangyayaring ito.  Ikaw na po ang bahala sa kanya.

SPO4 Carillo
Pauwi na kami ng dalawa kong kasamahan nang may marinig kaming putok sa hindi kalayuan.  Agad naming pinuntahan.  Sa pamamagitan ng liwanag ng sasakyan namin nakita ko ang isang lalakeng may tama sa gawing dibdib.  Nakaluhod siya samantalang nakatutok pa rin sa kanya ang baril ng isang babae.  May sinasabi siya pero dahil sa kalayuan ay hindi namin madinig.
“Men alerto tayo, mukhang hindi bubuhayin iyong biktma.” Tumango lamang ang dalawa. Agad kaming pumwesto para makalapit sa kanila.
“May tao!” sigaw ng kasama niya.  Agad niyang kinalabit ang baril niya at pumutok ulit.  Nakita kong nabuwal na sa kalsada iyong lalaking may tama. Agad ko siyang pinaputukan at natamaan naman siya at nabitiwan ang baril bago bumagsak.  Nakita rin namin ang dalawa pang lalake na tatakas sana, nabaril namin iyon isa sa hita pero yung isa ay mabilis na nalatakbo.  Mabilis na nakakilos ang isa  kong kasama at hinabol yung isa.Iyong isa naman binalikan muna yung isa saka pinosasan. Pinabayaan ko na sila.  Lumapit ako sa biktima.  Naka dapa siya sa kalsada.
Iniangat ko ang mukha niya at mula sa aking pagkakaluhod ay ipinatong ko sa aking hita ang ulo niya pagkatapos ko siyang itihaya. . Pamilyar ang mukha niya.  Inisip ko kung saan ko siya nakita.
“Diyos ko, si Josh, ang boyfriend ni Shayne.” Kinabahan ako.  Wala na siyang malay. 
“Josh, Josh,” tapik ko sa pisngi niya.  Hindi siya nagigising.  Pinulsuhan ko siya.  May pulso pa naman.  Pero marami ng dugo ang nawala sa kanya.  Sakto namang papalapit na ang dalawa kong kasama at bitbit na ang lalakeng tatakas sana pero nakaposas na siya doon sa lalaking nabaril sa hita.
“Men, kailangan na natin siyang madala sa ospital.  Delikado ang lagay niya. 
“Sir, dalhin mo na sila, nakatawag na kami ng back up, padating na sila, kami na ang bahala dito.  Isinakay din nila sa sasakyan yung babae. Sa daan hindi ko malaman ang gagawin ko, kailangan kong tawagan si Shayne, pero mamaya na mas kailangan ng dalawa ang madala sa ospital.  Pareho silang walang malay.  Narinig kong umungol si Josh pero saglit lang at natahimik ulit. Paulit-ulit ko pa ring tinatawag ang pangalan niya.
Mabilis lamang at nakapasok na kami sa compound nag ospital. Dahil service namin ang gamit ko kaya alam agad ng mga staff na emergency kaya paghinto ko pa lamang ay may nakahanda ng stretcher.  Naunang naibaba si Josh, maya-maya ay inilapit ang pangalawang stretcher at ibinaba yung babae.  Sumunod ako sa kanila sa emergency room dahil tiyak tatanungn nila ako, pero inisip ko ano nga ba ang isasagot ko.  Nang mga oras na iyon ay natataranta rin ako.  Hindi naman bago sa akin ang ganoong sitwasyon, pero dahil alam kong mahal ni Shayne ang lalaking iyon, hindi ko alam natatakot ako sa pwedeng mangyari.
Nang mahimasmasan ako saka ko pa lamang naisip na tawagan si Shayne at ipaalam sa kanya ang nangyari..

Shayne

Naalimpungatan ako nang tumunog ang phone ko.  Sinilip ko muna ang alarm clock.  ‘Lang ‘ya naman, 12:35 am, sino ba ang walang pusong tumatawag ng ganitong oras. Pagtingin ko sa cellphone ko si Daddy.
“Naman Daddy, anong oras na, pede ba bukas na iyan may pasok po ako bukas.” Hindi ko na hinintay magsalita siya.
“Hindi pwede anak, si Josh nabaril, narito kami ngayon sa hospital.  Pumunta ka na agad dito, hindi ko alam kung ano ang gagawin dito hindi maganda ang lagay niya magmadali ka sana anak.”natataranta niyang sabi
“Dad, sure ka si  Josh iyan, hindi pwede Dad…” at tuluyan na akong napahagulhol. 
“Anak, kahit minsan ko lamang siya nakita, kilala ko ang mukha niya at hindi ako maaring magkamali, siya nga ito anak,”
Hindi ko alam ang gagawin ko.  Litong-lito ako kahit nakapantulog ay bumaba ako ng kwarto ko at sumakay sa kotse.  Hindi ko na nagawang magpaalam kay Mommy. Mabuti na lamang at nakuha ako ang pangalan ng hospital. Diyos ko tulungan mo po si Josh, iyon lamang ang paulit-ulit kong dinadasal habang daan.  Naalala ko pa ang usapan namin bago ako umuwi kanina.  Kinukulit ko kasi siya na magdinner kami kaya lamang ay may kakausapin daw siya kung alam ko lamang na ganon sanay hinintay ko na lamang siya. Kung alam ko lamang kahit ayaw niya hindi ko siya iiwan.
Pagdating sa hospital nakatayo lamang si Daddy, maraming dugo ang damit niya.
“Dad, anong nangyari, sinong bumaril sa kanya, kumusta na siya, anong sabi ng mga doctors Dad?” sunud-sunod kong tanong sa kanya.
“Iyong babae, pero nabaril din naman namin yung suspect.  At kasalukuyan ding nasa ER. Wala pa,  hindi pa lumalabas ang mga doctors, kinakabahan ako anak maraming ng dugo ang nawala sa kanya.
“Dad, sino ang punyetang babae na iyan, pwede ba akong pumasok kakalbuhin ko lamang kung sino man ang demonyang iyon.”
Anak, huminahon ka, hindi makakatulong ang init ng ulo sa ganitong sitwasyon. Hindi pwede ang pabigla-bigla”
“Pero Dad, napakawalanghiya niya, kailangang maiganti ko si Josh sa ginawa niya.
“Ang mabuti pa ay tawagan mo ang pamilya ni Josh at ipaalam mo ang nangyari. Kailangan sila dito ngayon.”
  Hindi pa rin ako mapakali, pero tama si Daddy kailangang ipaalam ko sa Mommy niya, pero wala akong number ng Mommy niya.  Nag-isip ako,  tiyak may number iyon sa record niya pero sa ganitong oras walang tao sa opisina.  Ayoko namang umalis para puntahan ang Mommy niya, Ayokong iwan siya ditong mag-isa. Naalala ko si Sir PJ, Tama si Sir PJ.  Dinial ko ang number niya.

Paul
Nagising ako sa kahimbingan ng tulog ko dahil sa tunog ng cell phone ko.  Kinabahan ako pero nakahinga ako ng maluwag nang maisip kong kasama ko sa bahay sina Mama at Papa.  Pinakiramdaman ko pero tahimik sa kanilang kwarto.  Siguradong okey lamag sila. Pero muling tumunog ang phone kaya inabot ko lamang nang makita kong number iyon ni Miss Carillo. Nagtataka man ako bakit siya tumawag ng ganoong oras ay sinagot ko pa rin.  Hindi pa ako nakakapagsalita nang madinig ko ang boses niya.
“Hello Kuya Paul.” Nabigla ako bakit niya ako tinawag na Kuya Paul at ramdam ko sa boses niya ang panginginig halata ang pag-iiyak. Hindi ako nakapagsalita dahil sa pagkabigla.
“I mean sir Pj, si Josh po kasi nabaril, hindi ko alam kung paano makokontak ang Mommy niya.  Masasabihan mo ba siya narito kami sa hospital, magmadali sana kayo kasi hindi ko alam ang gagawin dito.”
“Shayne, sure ka ba sa sinasabi mo? Hindi ka ba nagbibiro, Shayne si Patrick ba talaga ang tinutukoy mo, saang hospital siya?” hindi ko alam kung ano ang uunahin kong itanong, sobrang lakas ng kabog ng didbdib ko.
“Oo, hindi ko naman magagawang  gawing biro ang ganito.”
“Diyos ko, Shayne, kumusta siya, okay lang ba siya?
“Sa totoo lang sir, hindi po ako sure, kakarating ko lamang din dito, nasa ER pa rin siya hanggang ngayon.” Umiiyak niyang sagot
“Shayne, please bantayan mo siya ha, pupuntahan ko si Ninang ngayon din, huwag mo siyang iiwan ha. Pupunta na rin kami agad diyan.”
“Sure sir!”
Hindi na ako nakapag paalam sa kanya.  Lumabas ako at pumunta sa bahay nila.  Ang tagal bago ko nakitang nagbukas ng ilaw sa kwarto Ate Hazel.  Lumalabas pa lamang siya ng pinto nang tawagin ko.
“Ate, pakigising si Ninang, naaksidente raw si Patrick.  Pupuntahan namin, Ilalabas ko lamang ang sasakyan.”
“Paul, Si Josh? Bakit anong nangyari, Totoo ba iyan?”
“Hindi ko alam kung anong nagyari, itinawag lamang ni Shayne.  Sige na kukunin ko ang sasakyan pakisabi kay Ninang magmadali.” At tuluyan na akong bumalik sa amin.
Pagkalabas ko ng sasakyan, nakita ko si Ninang at si Ate Hazel nasa tapat ng gate nila.  Mabilis kong binuksan ang pinto para makasakay silang dalawa.
Mabilis lamang naman ang naging biyahe namin dahil madalang ang sasakyan sa kalsada.
“Paul, ano ba talagang sabi ni Shayne bakit daw ba nangyari iyon?” Umiiyak na tanong ni Ninang.
“Pasensiya na po Ninang hindi ko na nagawang itanong, ang naisip ko agad ay mapuntahan kayo at maipaalam sa inyo.”
“Ang anak ko naman Diyos ko tulungan mo kami, huwag naman po sana baka mauna pa ako.” Ang lumuluha niyang sabi.
“Ma, huwag ka ngang ganyan, ano ka ba, magpakatatag ka, everything will be alright. Mag pray ka na lamang.” Saway ni Ate Hazel habang hinihimas ang likod ni Ninang. Pero kita ko ang pagtulo ng luha niya.  Alam ko kung gaano nila kamahal si Patrick.  Baby nilang lahat si Patrick kaya ramdam ko ang hirap ng kalooban niya kahit pinapalakas niya ang loob ni Ninang.
“Anak, paano ba ako mapapanatag sa nangyayaring ito, Hindi natin alam kung anong nagyari sa kapatid mo. Buhay pa ba siya o,…  Diyos huwag naman po sana, maawa ka sa amin. Parang gusto ko ngang sisihin ang sarili ko sa pagpilit sa kaniyang bumalik dito sa atin.  Mas mabuti pa nga yata noong nasa Davao siya kahit hindi ko nakikita ay wala namang ganitong nangyayari.”
“Wala kang kasalanan ‘Ma, hindi natin gusto ito at kahit si Josh hindi matutuwa diyan sa sinasabi mo.”
“Ano bang gagawin ko?  Paul anak, bilisan mo naman, baka kung ano na ang nangyayari do”’ natataranta niyang pakiusap sa akin. Hindi ako nagsalita dahil ramdam ko patuloy na pagpatak ng luha ko.
“Diyos ko ikaw na po ang bahala sa kanya, tulungan mo po si Patrick.” Iyon ang patuloy na ibinubulong ko.
Pagdating namin ng hospital, mabilis kaming bumaba at diretso agad sa emergency room.
Nakita ko agad si Shayne sa harap ng ER, may katabi siyang isang pulis na maraming dugo ang damit.  Patakbo siyang lumapit sa akin.  Pero pagkakakita niya kay Ninang ay yumakap siya at umiyak nang umiyak.. Hindi ako makapagtanong dahil naging hysterical na sila pati si Ate Hazel ay humagulhol na rin.  Natakot ako sa naging reaction niya kaya ang nilapitan ko iyong pulis.
“Kumusta na po siya sir?”
“Wala pang lumalabas mula nang ipasok siya. Wala pa kaming matanong.” Nakahinga ako ng maluwag, mabuti na lamang at mali ang naisip ko. 
“Sir, ano po bang nangyare?
“Nakita namin na binaril siya ng isang babae, tatlo sila actually siya at dalawa pang lalake. Iyong babae nabaril ko agad at iyong dalawang lalake naman, tatakas sana yung isa nabaril din sa binti ng mga tao ko.  Nasa presinto na siguro sila dahil inuna ko muna itong dalawa na madala dito.”
“Sir, sinong babae, saka bakit niya ginawa may lead na ba kayo kung anong motibo?”
“Wala pang malinaw sa ngayon, hindi pa rin tumatawag ang mga tao ko.  Iniimbestigahan pa siguro nila iyong dalawa. Basta ang sigurado ko matindi ang galit nong babae sa kanya.  Talagang papatayin siya kasi may tama na si Josh pero pinaputukan pa rin.”
“May identity ba kayo ng suspect?” iyon lamang ang naitanong ko.
“Oo narito sa bag ko iyong wallet niya.” At kinuha niya ang bag at inilabas ang isang plastic na naglalaman ng wallet na nakaplastic ng separate at isang baril sa isa pang plastic.”
Iniabot niya sa akin ang plastic na may wallet. Halos mabitawan ko ang hawak ko pagbukas ko sa wallet. “Diyos ko!” iyon lamang ang nasabi ko saka isinara ang wallet at ibinalik sa kanya. Parang binuhusan ako ng malamig na tubig sa aking nakita.  Natigilan ako at hindi makapagsalita
“Bakit sir, kilala mo ba ang suspect?” tanong niya na kita ko ang pagkabigla sa naging reaction ko.
Sa halip na sumagot iniwan ko siya at mabilis na lumabas, narinig ko ang pagtawag sa akin ni Ninang pero hindi ako lumingon.  Hindi ko kayang harapin sila. Gulung-gulo ang isip ko., hindi ako makapaniwala sa nalaman ko.
“Bakit ikaw pa? bakit ikaw?” iyon ang naririnig kong ibinubulong ko sa aking sarili habang mabilis na naglalakad palabas.
“Paano mo nagawa iyon? Bakit mo ginawa? Dahil ba sa akin? Sana ako na lamang, sana sa akin mo ibinunton ang galit mo?” parang gusto kong iuntog ang ulo sa pader.  Hindi ko alam ang gagawin ko,  Paano ko haharapin sina Ninang at Ate Hazel.  Kahil si Shayne, paano ko ipapaliwanang sa kanila.
Naupo na lamang ako sa isang bench at isinubsob ang mukha ko sa aking tuhod.  Anong gagawin ko ngayon? Gusto kong tawagan ang parents niya pero paano ko sasabihin sa kanila ang totoo.  Hindi ko kayang ako ang magbalita dahil alam ko na ginawa niya iyon dahil sa akin. Naramdaman ko na may naupo sa tabi ko.
“Sir, anong nangyari bakit bigla kang lumabas? Iyon lamang ang narinig ko pero alam kong si Shayne iyon.
“Shayne, si Dianne, siya ang bumaril kay Patrick.”
“Bullshit! Siya ang babaeng sinasabi ni Daddy.” Tumango lamang ako.
 “Sigurado ka ba sir, si Dianne ang demonyang may kagagawan ng lahat ng ito?”
“Oo Shayne. Nakita ko ang wallet niya don sa pulis”
“Putang ina, sir pwede ko bang patayin iyong babaeng iyon, sinabi ko na nga ba na hindi dapat pagkatiwalaan ang hayop na iyon.” Hindi ko pa rin magawang magsalita, nakatingin lamang ako sa ilaw sa harap namin.
“Sir patawarin mo ako kung hindi ako makapagpigil pag nakita ko ang ex mo.  Magalit ka na kung magagalit pero gusto ko talaga siyang unahing patayin.”
“Shayne, iyon din ang gusto kong gawin, pero huwag na nating palalain ang sitwasyon”
“Pero sir, napakahayop niya, hinding-hindi ko siya mapapatawad.”
“Naiintindihan kita Shayne, walang kapatawaran ang ginawa niya.”
“Bakit niya ginawa iyon, kung selos man, wala na naman kayo ni Josh hindi ba, ano pang dahilan para patayin niya yung tao?”
Ang sakit lalo pala kapag ang girlfriend niya ang magsasabi na wala na kami.  Iyon siguro ang sabi ni Josh sa kanya, Muling tumulo ang luha ko.  Parang dinudurog ang puso ko sa nangyayari.  Heto kasama ko ang girlfriend niya at nagsasabing wala na kami.  At ang masakit pa ex ko ang may kagagawan ng lahat ng ito.  Sumagi sa isip ko, hindi kaya siya rin ang gumawa noong unang aksidente ?
Lalo akong kinilabutan sa naisip ko.  Hindi ko alam kung ipapanalangin kong mamatay na siya o huwag nang makaligtas o mabuhay siya para malaman ko ang totoo at mapagbayaran niya ang kasalanan niya.  Kung may death penalty lamang sana. Kung pwede lamang paglabas ng ospital ay bitayin na siya kaagad.
Pero hindi ito ang oras para don.  Isa pa totoo namang wala na kami. 
“Hindi ko alam, hindi ko rin naiintindihan ang nangyayari.” Iyon lamang ang naisagot ko.  Matagal kaming walang imikan nang magpasya akong pumasok na sumunod naman siya. Hindi ko magawang kausapin si Ninang, kahit si Ate Hazel, hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanila.
“Dad, umuwi ka muna magpalit ka ng damit, puro dugo iyang uniform mo.” Daddy pala niya yung pulis.  Saka ko lamang napansin ang pangalan sa uniform niya, Oo nga SPO4 Carillo. Mabuti na lamang at Daddy niya ang nakakita mabilis naming nalaman ang nangyari.
“Ikaw anak, paano ka?” tanong ng Daddy niya.
“Dito muna ako Dad, samahan ko muna silang magbantay.” Tumango lamang si SPO4 Carillo saka humarap sakin.
“Tutuloy muna ako sa presinto para malaman ang resulta ng imbestigasyon baka may linaw na rin kung sino ang  babaeng iyan.” Bulong niya sa akin. Nilapitan niya si Ninang.
 “Mrs, babalitaan ko na lamang kayo at gaya ng sinabi ko personal kong tututukan ang kasong ito huwag kayong mag-alala.”
Tumango lamang ako ng bahagya. Sa isip ko hindi na kailangan kasi alam ko na kung sino siya at kung ano dahilan niya. Pero sana ay mali ako, o isa lamang itong masamang panaginip.
“Salamat po  sir, aasahan ko ang tulong ninyo.” Lumuluha pa rin si Ninang habang naka alalay sa balikat niya si Ate Hazel.
Lumayo ako sa kanila, parang hindi ko matagalan na nakikita nila ako.  Sumandal lamang ako sa pader at hinawakan ang ulo ko.  Nakita kong may lumapit na dalawang nurses sa kanila.  Pupunta sana ako para makibalita pero nakita kong may ipinakitang papel at ball pen sa kanila.  Mukhang may pinapipirmahan lamang.  Inabot ni Ate Hazel dahil naghihysterical si Ninang kaya inalalayan siya ni Shayne paupo habang binabasa ni Ate Hazel iyong nakasulat maya-maya ay pinirmahan niya saka lumapit kay Ninang at yumakap.  Umiiyak silang tatlo. Hindi na ako makatiis aalamin ko kung anong nangyari.  Sobra ang lakas ng kabog ng dibdib ko. 
Pero nakita kong may inilalabas sa ER, sigurado akong si Patrick iyon.  Lumapit ako pero pinigilan ako ng isang nurse.
“Sir, maghintay na lamang po tayo, dadalhin na po siya sa Operating Room.”
“Kumusta siya?”
“Ooperahan pa lamang po sir, ipagdasal po natin na sanay maging maayos ang lahat.” Iyon lamang at mabilis na nilang itinulak ang stretcher.
“Please gawin ninyo ang lahat para mailigtas siya, nakikiusap ako.”
“Makaasa po kayo sir.”
 Nasa tabi ko na pala ang tatlo.  Sumunod kami sa kanila pero pagkapasok nila ay isinara na ang pinto kaya naiwan kaming nakatayo.  Maya-maya ay niyaya ni Ate Hazel si Ninang sa malapit na bangko. Nanatili akong nakatayo sa may pintuan wala kaming kibuan,
Naisip ko ang sinabi ng nurse.  Hinanap ko ang chapel at dahil sa alanganin ang oras ay napakadalang ng tao.  Wala akong mapagtanungan.  Hanggang may nakita akong sign na chapel this way.  Sinundan ko lamang iyon at nang makarating ako sa dulo pumasok ako.  Isang naiilawang crucifix lamang ang naroon.  Lumuhod ako at tumingala. Tanging ang crucifix  ang natatanaw ko ang dahil sa ilaw,  puro luha na ang mata at buong mukha ko.
“Lord, huwag naman po sana, maawa po kayo kay Patrick.  Alam kong nadidinig mo ako, sabihin mo Diyos ko , ano po ang pwede kong gawin para makaligtas siya? Tulungan mo po siya.”
Hanggang sa sumubsob ako sa sandalan ng upuan sa harap ko.  Doon ko na iiiyak ang lahat ng nararamdaman ko.  Noong una, tahimik lamang pero nauwi sa malakas na paghagulhol.  Iyon lamang ang natatandaan ko dahil nakaramdam ako nga antok.  Hinayaan ko na lamang ang sarili kong mapaidlip kahit papaano ay makapahinga ang isip ko.
Nagising ako sa pag tawag ni Shayne. Hindi siya nagsasalita pero kita ko ang kanyang pag-iyak.  Yumakap siya sa akin.  Hindi pa rin siya nagsasalita.  Kinabahan ako. Pagkatapos ay humakbang siya palabas ng chapel kaya sumunod ako.  Nakarating kami sa operating room, nakita ko si Ate Hazel, nasa may pintuan umiiyak.  Dali-dali akong pumasok si Ninang nakasubsob sa katawan na may takip na puting kumot.  Hindi ko na kailangang alamin kung sino iyon, sapat na ang lahat ng nakikita ko para maitindihan ang lahat.  Napaurong ako hindi ko magawang lumapit,  hanggang maramdaman ko ang panghihina ng mga tuhod at tuluyan na akong napaluhod sa sahig.  Gusto kong sumigaw, pero walang lumalabas na boses sa akin.  Gusto kong tumakbo papalabas para takasan ang aking nakikita pero hindi ako makatayo.  Parang nagsisikip ang dibdib ko hindi ko alam ang gagawin.  Wala akong nadidinig kundi ang malakas na kabog ng aking dibdib.
“Hindi totoo, hindi ito totoo? Iyon ang paulit-ulit kong sinasabi pero ramdam ko walang boses na lumalabas sa bibig ko.  Tuyung-tuyo ang lalamunan ko.  Gusto kong tawagin si Patrick, gusto kong isigaw ang pangalan niya pero hindi ko magawa.  Pumikit ako pero iyon pa rin ang nakikita ko kahit nakapikit ako.  Si Ate Hazel nasa may pinto umiiyak, si Shayne nasa labas ayaw pumasok pero umiiyak,  Si Ninang patuloy na niyayakap ang katawan ni Patrick kahit nakatakip siya ng puting kumot. Diyos ko hirap na hirap na po ako.  Tulungan mo ako Diyos ko.  Pilit kong isinisigaw ang mga katagang iyon pero alam ko wala talaga akong boses, tanging ang malakas na tibok lamang ng puso ko ang nadidinig ko. Pero nagpatuloy pa rin ako sa pagtawag kay Patrick kahit alam kung wala namang mangyayari.

No comments:

Post a Comment

Read More Like This