Pages

Tuesday, June 13, 2017

Ang Boss Kong Hustino (Part 1)

By:MD

Umalis ako sa Pinas taong 2010. Ang dahilan ko parehas ng mga kababayan natin na nagsisipag-alisan. Alam niyo ang mga dahilang yon. Kaya hindi ko na iisa-isahin. Simple lang naman ang gusto ko pagdating ko sa Dubai. Gusto ko lang magkaraoon ng trabaho na kayang tumustos sa aking mga pangangailangan at kayang makatulong sa pamilya. Yon bang puwede kong mabili ang mga bagay na gusto ko at para sa pamilya ko na walang alinlangang damputin at bayaran sa counter. Naalala ko kasi dati sa atin kapag may gusto akong gamit, unang-una kong tinitingnan ang presyo. Kakabadtrip kaya yon lalo na kung kulang ang dala mong arep.
    Kaya nong nakarating ako sa Dubai, swerte namang na tiyempohan ko ang mga astig na trabaho. Sa ibang bansa kasi kasama mo din ang swerte aside sa katalasan ng isip. Kahit Summa Cum Laude ka pa sa atin kapag hindi talaga para sa iyo, hindi talaga. Kung ibinigay naman sa ‘yo ng tadhana, magpasalamat ka at ituring mo itong isang bagay na sa malaon ay mawawala din. Kaya save more while it lasts ang motto dapat.
    Ang trabaho kong nakuha ay Executive Secretary. Maganda ang compensation package. Libre ang accommodation. Nong ininterview ako ng HR na babaeng local, nagpa impress ako. Nagturo din kasi ako sa college sa atin, 4 years yon. Matagal din at ang last na posisyon kong nahawakan sa kolehiyo ay ang pagiging dean. Maganda ang trabaho pero hindi ganon kalaki ang sweldo. Nagsisipag alisan na ang lahat don kaya minabuti ko na din na suungin ang pagiging OFW. Sinabi ko sa HR officer na kaya ko ang pagiging Secretary.
    Noong una nagtaka ako bakit lalaki ang hinahanap ng Operations Manager. Pero hindi ko na tinanong pa ang sarili ko kasi baka panlalaki din yong mga duties hindi kakayanin ng babae. Sa atin kasi pag secretary ay agad agad babae ang nasa isip – sexy, matalino, charismatic.
    Noong tinawagan ako ng HR ng kompanya, ibang saya ang naramdaman ko kasi nagustuhan ko ang ambiance ng lugar at isa pa gusto ko ang environment ng News at Printing Company. Writer din kasi ako nong grade school hanggang mag college ako although yong natapos ko na kurso ay Business Administration. Kaya sa araw ng interview, nagpa pogi ako – bagong gupit, bagong damit, bagong perfume. In fairness, may pogi points din naman ako. 5’9”, may dimple, tama lang ang kaputian, may postura. Hindi ako gym buff pero maganda ang built ng katawan ko kasi sa bahay ako ng eensayo. Simple lang na exercise routine, mano-mano.
    Dumating ako sa reception ng umagang yon. Kinabahan ako ng sobra. Ewan ko ba. Nasa isipan ko ang isang Arabong manager na walang ginawa kundi ang mgtanong ng walang pagka kwenta kwenta. Na paranoid ako bigla. Lima kami doon. The final five ang laban. Huli na pala ako ng dumating. Mas may excited pa pala sa akin, ang apat na kabayan. Ayun dahil galing sa iisang bansa, nag usap-usap kami. May mga offers na din pala sila sa ibang kompanya, visit visa din ang mga loko. Kaya kahit sino makakuha ok lang kasi alam namin na may fallback pa din ang bawat isa sa amin.
    Andun si Polo, Marco, Rick, Sid, at syempre ang iyong lingkod Drigo. Taga Maynila ang apat na mokong, mga magagandang lalaki din at syempre dahil ako ang pinakamatangkad ako dapat ang pinaka pogi. Haha.
    Tinawag na si Polo. Nasa dulo ang office na patutunguhan. Nakaupo lang kami sa reception area. Parang mga batang walang nanay. Ang nasa reception ay isang Briton. Bata pa, maganda. Naaaliw kami pag ito’y nagsasalita. Ang dami palang tawag dito sa kompanyang to. Mangagarag ang bagong saltang receptionist kung saka-sakaling aalis si Briton Ganda. Bridgette name niya.
    Pero matapos ang 15 minutes nagtaka kaming mga naiwan bakit hindi na dumaan si Polo sa reception area. Tinawag din agad si Marco ng HR Assistant. Ano kaya resulta ng interview? Kinabahan na naman ako bigla.
    “Malamang nasungkit na ni Polo ang vacancy,” sambit ni Rick.
    Ngiti lang sagot namin ni Sid. Gusto ko sanang tawagan si Polo at tanungin kung ano nangyari sa interview total kahit sino sa amin ok lang naman ang estado, may mapupuntahan pag hindi sinuwerte dito.   
    Ngunit natantiya ko hindi pa naman kami ganon ka close. Baka ano pa isipin ng mokong. Nalaman naming sa malaon may exit pala doon malapit sa Operation Manager’s office. Doon na ng exit ang mga ininterview.
    Nagsipag tayuan na ang lahat. Ako na lang ang naiwan. Ngumiti si Bridgette sa akin. Sabi niya,  “Break a leg.”
    Pa impress naman din akong ng reply ng “I will.” At nag ngitian kami parehas. Ang gaan ng loob ko sa tao kaya ganon na lang din ka totoo ang ngiti ko sa kanya.
    At tinawag na  nga ako. “Rodrigo Perez, follow me,” request ni HR Assistant. Napa smile na lang ako. Iba kasi accent niya kaya parang feeling ko nasa ibang mundo talaga ako.
Ayon, pag pasok ko sa OM’s office, na torete ako. Parang nawala ang pagka pogi ko, bumalik sa pagka musmos. Hindi naman ako ganito at siguro malamang dala na rin  ng gutom. 11:45 AM na kaya!
“Take a seat,” request na naman nag local na HR assistant.
Nginitian ko na lang siya. Ayaw niya makipag eye-to-eye. Hindi gaya ni Bridgette. Siguro may boyfriend na. Iniwan na din nya ako.
Napaka aliwalas ng office. Malaki, parang isang bahay na to sa Pinas. May sariling CR, may mini living room, mini library, may pantry at sa inuupuan ko, malaking mesa. Magara, may Apple desktop, walang anik-anik sa mesa. Yon lang, desktop. Siguro nasa drawer lahat ng mga gamit nito. Napaka organized. Nalula ako.
     Sa likod ng upuan niya ay mga libro at magazines. Naka cabinet ang mga yon, ang linis. Napaisip ako,”Babae siguro ang Operations Manager.”
    Nadinig ko may mga yapak na paparating, mahina lang. Galing sa pantry. Di ko napigilang lumingon. Ayon pagkakita ko, natulala ako, parang nahulog lang sa upuan at dali-daling pumuwesto agad. Seryoso ang mukha nya. Kasi naman may kausap pa sa phone.
    “I’ll check into it. I will give you a callback for sure,” patapos nyang sabi.
    “Puchax, hindi pala babae,” nasabi ko sa sarili.
    Ngumiti si Mister Universe. Yon kasi sumagi sa isip ko nung nakita ko ang mokong. May mas pogi pa pala sa akin! Mas matangkad, mas malinis ang mukha, mapupungay ang mata, tama lang ang tangos ng ilong, malakristal na ngiti at eto, napakasmart niya. Para siyang pinaghalong Amerasian, Middle eastern-Latino, parang halo-halo lang eh, napakaganda ng resulta.
    Ngumiti siya. “Sorry I kept you waiting.”
    I smiled back. Ginamit ko ang ngiting pang Mr. World. “It’s fine Sir.”
    May kinuha siya sa drawer, ang CV ko. Ayon may mga linya ang info ko dun sa CV.
    Parang naging microscopic ang mga mata ko. Naka office suit siya. 6’1”, fit, malakas ang dating, maamo, red lips, may facial hair na katutubo lang, tamang-tama lang na bushy eyebrows, mahaba ang pilik-mata. Yong mata nya Asian-descent. Hinalo halo ang mga magagandang genes ng sanlibutan at napunta sa kanya.
    “It seems that you’re not here,” tugon niya.
    Nabigla ako. Nawala ako sa mundo bigla. Dala na siguro ng kaba at kamanghaan, kaya hindi ko na siya narinig kung ano man yong nasambit niya.
    “I am impressed with your CV.”
    Ngumiti ako. He smiled back. Natunaw naman ako bigla.
    Pero yong ngiti niyang binitiwan, ngiting umaamo, parang sinasabi niya sa akin na kumalma at magsalita. Bagsak ako kung saka-sakali sa standards ng interview. Naaalala ko tuloy yong mga sinasabi ko sa klase na the first few minutes during the interview are the most crucial. Para naman sinampal ko sarili ko non. Pero okay lang, andito naman ako sa ibayo. Hindi ako mapepektuhan ng mga iniidolo kong mga estudyante.
    “Tell me about your life in the Philippines.”
    Ayan na. Nagsimula na ang napaka generic na tanong. Gusto ko siyang tanungin kung ano talaga gusto nya malaman para direct to the point ang reply ko. Pero minarapat kong sagutin lahat ng aspeto para wala siyang mga tanong pa.
    “I have a happy life in the Philippines for the most part. I had a stable job which I loved doing. I have a loving family whose been my support all this time. Life is better in flip flops I guess.”
    “But why did you venture here?” Counter na tanong niya.
    “I wanted to test the water.”
    Napa smile si Mister Universe. Pogi points ako don sa isip ko. Nagtanong siya ano expectations ko sa trabaho. Sabi ko naman marami, nandyan yong about sa overtime, business trips at mga pressures.
    Mabait si Justine. May halong Pinoy pala ang loko. Ang mom kasi niya may dugong Noypi din pero yong lola niya talaga ang half-blooded Noypi. So siya sa tantiya ko hati ng one fourth. Kaya yong mata niya Asian ang dating. Halo-halo na kasi siya. Ewan ko ba. Ang ganda ng resulta. Sobra.
    Nagbigay din si Justine ng expectations nya.
    “I expect you to be hard-working since I am as well. And I hope whenever there are urgent things to attend to related to the job, you are open to do so. I need you as my support  and I believe with your work experience back home, I can root for you as you are smart and industrious,” pa smile nyang sabi.
    Gusto ko sana magtagalog siya pero parang hindi na nya galamay ang lenggwahe so I’m savoring his American accent. Hindi naman din ako pahuhuli kasi nakakapagsalita din naman ako gaya niya. Hindi sa pagmamayabang. Nakapasok kasi ako sa call center dati pero hindi na ako umabot ng isang taon kasi umuwi ako sa amin sa Mindanao upang kumuha ng MBA at magturo. Ayon nahasa ng todo ang pagsasalita ko.
    Hindi na siya ngpatumpik-tumpik pa.
    “You are hired, Rodrigo. I’ll be endorsing your papers to HR right now and they will advise you on your starting date.”
“Salamat po.” Nasabi ko sa kanya. Hindi ko na na ingles sa tuwa ko. Malaki din kasi ang compensation package at alam ko na sa trabahong to marami akong matututunan at matutulungan.
Tumawa si Justine. Tatlong taon lang pala ang tanda niya sa akin. 32 years old, nakapagtapos sa Stanford University. Nagkwento kasi siya ng kanyang background din nong pinag usapan namin ang academic background ko.
Advice nga niya pwede ako mag aral ng doctorate while nagtatrabaho. Sabi ko naman wag na muna kasi baka sisisantihin niya ako pag hati ang focus ko. Nag smile lang siya. Yong pang close up smile. Pwede siya talagang endorser. 100% smile with confidence.
Inabot niya kamay niya. Nabigla ako. Ewan ko ba siguro kasi baka pawisan ang kamay ko at maramdaman niya.
    I extended my sweaty palm. “Congrats again, Rodrigo. I’ll see you soon.”
“I’m looking forward to working with you Sir.”
“No Sir, please. You are making me feel like a forty-year old,” sagot niyang pabiro.
“So shall I call you Justine?”
Si Mister Universe nagbitiw na naman ng kanyang malakristal na ngiti. “That sounds better.”
“Justine then. I’ll see you soon.”
“Right on. You better be ready for the pressure, man!”
At ng smile na lang din ako sa kanya. Ng slow mo ang buong mundo feeling ko. Ewan ko ba. Hindi naman ganito ang feeling ko noong una ko nakita yong girlfriend ko.
Paglabas ko sa room ni OM, nabunutan ako ng tinik. Puchax bakit ganon? Don lang sa interview na yon nawalan ako ng ulirat. Nagbibigatan ng mga tao ang naka interview sa akin kay Justine lang ako kinabahan ng todo.
Pero ok na yon. Tapos na. Nakuha ko na din ang trabaho.
Pumunta ako sa HR at binigyan nila ako ng list of documents to be submitted na may salitang Urgent! After sa HR, don na ako nag exit malapit sa reception area. Andon si Bridgette. Nagtanong siya, “Did you get it?”
“I did!”
Sambit niya, “I knew you’re the one.”
Parang pang bg-gf nman ang linya ni Briton Ganda. “Thanks.”
At ng ba bye na ako sa kanya. Tumawag si Mariz.
“Baby, anong nangyari sa interview?” tanong nito.
“Kakain tayo sa labas, baby ko.” May pagkamalungkot ang boses.
“So hindi ok ang result baby? Sige lang may mga offers ka naman din sa iba. Pag desisyunan na lang natin kung ano don.
And the sudden shift.
“I got the job, babe!”
“Wow! Congrats baby. Mag cecelebate tayo mamaya ha.”
Tatlong taon na si Mariz sa Dubai. Siya ang nag udyok sa akin makipagsapalaran sa Gitnang Silangan. Hindi niya ako mapa oo non dahil nag eenjoy ako sa work ko sa Pinas at isa pa kaka hire ko lang ng pagiging Dean don kaya gusto ko din ma experience ang magtrabaho ng ganon. Tamang-tama lang din nong nagsipag alisan na ang mga tao sa academe, minarapat ko na din na pagbigyan si Mariz.
“I’ll see you later baby.”
Umuwi ako sa flat ng ala una. Gutom na gutom ako. At doon sa kitchen na ako lang mag isa since work day ng lahat at ako lang ang visit visa, lumipad ang aking imahinasyon. Na eexcite ako sa trabaho, sa boss kong si Justine, parang gusto ko siyang barkadahin. Alam mo yong ang gaan gaan ng loob mo pag nakaharap ka sa tao. Hindi ko mawaglit ang mukha niya sa isipan ko. Puchax, nababading na yata ang Mister World.
At natapos din ang pinakamatagal kong lunch. Nag slow mo ang lahat sa akin. Hindi ko pa na get over ang interview. Ahaha. Alas dos at ako’y nagpahinga. Kinailangan ng hapo kong isip ang rest na yon.
Pagkagising ko, tiningnan ko ang aking cellphone. 4:30 na ng hapon. May tumawag. Unregistered ang number. Nakatatlong missed calls. Baka si Mariz.
Wala namang SMS. Tinext ko si Mariz. “Babe, tumawag ka?”
After 1 minute, “Wala babe. Busy ako dito. Baka may interview ka na naman?”
“Baka nga. Hindi ko nasagot eh. Nakatulog baby mo,” lambing ko sa kanya.
“Sige babe. Kumain kana ba?” Tanong niya. Naririnig ko tinatawag name niya. Busy nga ang gf ko.
“Tapos na babe. Sige baby. Mamaya ah. I love you.”
Nakalma din ang katawan ko. Tumayo ako at naalalang hindi na ako ng pupush –up. Tatlong araw na din pala. Na busy kasi ako sa kakajob hunt.
So since rested na ako, ng umpisa akong mgpapawis. 100 sit-ups, 100 push-ups, 100 dumb bell lifts. Pinawisan ako ng husto. Tatlong araw na pawis siguro. Kasi dati-rati araw-araw kasi ginagawa ang mga to.
Nabasa ang white shirt ko pati ang boxers ng pawis. Kinuha ko ang tuwalya para tunguhin ang CR upang maligo ng biglang may tumawag. Same unregistered number
“Hello, good afternoon”, pambungad ko.
“Hey Rodrigo. Am I disturbing you?” sagot ng kabilang linya.
“May I know who’s this please?” Hindi ko matantiya ang boses pero parang feeling close naman ang pang opening ng mokong. Wala naman akong kilala na ganon mag ingles. Puro pa TH lang.
“Justine.”
At kinabahan ako. Bakit kaya siya tumawag? Baka babawiin niya ang offer o kaya na disappoint siya sa pagiging uncommunicative ko sa interview.
“Hey,” sabi ko at dead  air. Nawala na naman ang katinuan ko. “What’s up?” Nasambit ko. Para kang tanga! Naisip ko. Boss mo yang kausap mo!
Sport naman si Justine. Siyempre siya naman kasi ang tumawag at nandisturbo.
“I’m good. I’m just wondering if you are free later. I need to go to a business meeting and I  want to introduce you to these people. You will be my frontline when I am committed with other client meetings.”
Na tulero ako bigla. “Ahmm…”
“No, no it’s ok if you have other commitments to attend to besides you are not formally inducted as an employee. I was just thinking if you..”
At hindi ko na siya pinatuloy pang magsalita. “I will be free later after 8PM.”
“Well, an hour later does not make any difference. So I’ll pick you up then I suppose.”
Nakakahiya naman, si Boss Justine pa talaga ang susundo. Para naman akong chicks nito na ididate. Napangiti ako. “Sure. I ‘ll wait for you at Starbucks Ghurair then.”
“That’s cool. See you later, Rodrigo.”
Hindi pa rin ako makapaniwala. Si Mister Universe, ang boss ko tumawag. Parang nakikilig ako sa ginawa niya pero nasa isip ko rin tama naman talaga na iintroduce niya ako the soonest time para pag start ko na sa work, eh ok na.
    Gusto ko siya itext at mag thank you pero parang halata masyado at ayoko din dahil baka sa pagiging pa close ko ay ma aloof siya. Hinay-hinay lang siguro dapat.
    Alas sais ng gabi. Nagsidatingan ang mga flatmates ko. Pero si Mariz  hindi pa dumating. Tatawagan ko na sana siya nang biglang mag ring ang phone ko, si Mariz.
    “Baby, pasensiya na mamaya pa ako makakauwi. So paano yan postpone na lang date natin ah.”
    Nasiyahan ako sa narinig ko. Ewan ko ba. “O cge baby. Ano oras dating mo?”
    “Mga 10PM pa baby. Kasi may mga tatapusin pa akong work. Pano yong text mo sa akin kanina tuloy ba yon?”
    “Ah yong kay boss Justine. Yep, tuloy yon. Kinakabahan nga ako baby. Hindi ko alam ano suotin ko.”
    “Dress casually lang muna baby. Tapos don ka na magmamasid kung paano sila nagdadamit.”
    “Thanks baby. Magreready na lang ako dito para sa meeting namin.”
    Inilabas ko ang mga damit kong bago. Paano nga ba ang casual na pagdadamit? Hindi naman talaga ako dressed up to the nines na tao. Pang komportable lang ang style na alam ko.
    Tinawagan ko si Boss Justine.
    “Justine, my date did not push through. We could be there at the meeting same time you told me a while back,” intro ko.
    “Well and good. I’ll see you then early at Starbucks,” masayang sabi niya.
    “Ok.”
    At nagready na ako. Nakailang beses na tiningnan ang mukha sa salamin. Hindi pala ako nakashave, may mga stubbles ako at yong sideburns ko parang sobra na. Pero alam ko hindi naman yong tipong pang kanto. Pang office pa rin ang dating ng facial hair ko.
    Nagshower, nagbihis, nagpabango at napatingin ulit sa salamin. Walang hiya, daig pa nito ang unang date ko kay Mariz. Siyempre naman kasi trabaho ang pinag uusapan, baka mawala pa. Sayang naman.
    Alas siyete. Naglakad ako patungong Starbucks. Malamig ang hangin, pa winter na kasi. Tumingin ako sa relos ko, 5 minutes before 7PM. Tama lang.
    Dumating ako sa Starbucks. Maraming tao, kumpulan. Right in the nick of time, may tatlong kabayan ang tumayo. Sinunggaban ko na ang table baka maunahan pa ako. Eksato alas siyete. Asan na kaya si Boss Justine?
    Umorder na lang ako ng cafĂ© latte para maaliw naman ako sa kakaantay. Sa totoo lang pet peeve ko ang mag antay, wala sa personalidad ko kasi. Paano kailangan sa ngayon.
    May SMS na dumating. Binuksan ko, galing kay Mariz.
    “Babe, kamusta diyan? Mag bar hop muna kami ah. Dito lang sa Boracay.”
    Magrereply na sana ako nang biglang may tumapik sa balikat ko. Paglingon ko, ayun si Justine at ang kanyang mala-anghel na ngiti.
    “Am I late?” sabay upo.
    “Nope. I just arrived here 5 minutes ago Sir,” sambit ko. Puchax, nakalimutan  ko na naman ang habilin ni Mr. Universe.
    “What happened to the first name basis advice?” Pangiti niyang sabi.
    “My bad. I guess I need more time to be comfortable calling you that.”
    “Take your time. Anyway, the meeting was postponed. I was on my way to being here but one of the big guns called me up and said there was an emergency to attend to. We had a conference call a few minutes ago and they confirmed it’s best to move it. I didn’t bother to call you since I was near already and besides, I want to go someplace else and talk.”
    Parang sumeryoso si Justine bigla don. Siguro may problema to.
    “Well, if that’s the case we better go to Boracay,” dugtong ko.
    “Are we meeting your friends there?” sabay ngiti.
    “My girlfriend’s there and her officemates. I just got a message from her,” tuloy kong pagkwento.
    “I’d rather stay at my pad than go in a bar. Would you fancy coming to my place? I have some booze back there you could make use of. My friends don’t really drink that much. Well, yeah they did but now they’re all hitched so I’m the only one left unwed.”  Si Justine parang hindi empleyado turing sa akin, parang best buddy. Nakakatuwa ang pakiramdam na ganon.
    “Well, we better get going,” paanyaya ko.
    Ayon sumakay ako sa pamosong kotse ni Mr. Universe. Napipi ako bigla. Parang hindi pa rin ako makapaniwala sa sitwasyon. Hindi ko hiniling ang ganitong pakiramdam pero malaking pasalamat ko kasi kung hindi eh malamang nagpaplano na akong umuwi. Napakaswerte ko.
    “Oh man, I forgot. Christian hasn’t eaten yet,” sambulat niya.
    “Who is?” tanong ko. Baka anak niya. Ang loko baka pagdating ko eh nakaabang ang pamilya niya. Tiningnan ko siya. Wala namang bahid ng pagiging family man, bachelor-look talaga ang aura.
    “He is my girlfriend’s puppy. She figured it would be best for me to look out for him while she’s out of the country. I can’t wait for her to be back. Christian could be a real pain in the neck.”

    Narating din namin ang pad niya. Sumalubong sa amin ang cute na cute na black Labrador pup, si Christian. Hindi ko napigilan ang sarili kong kargahin eto.

    “So you love puppies I assume,” deklara ni Mister Universe.

    “Well this one’s a keeper. Besides I have one back home in the Philippines.”

    “Feel at home bro. I’ll be back in a bit. I just need to change.”

    “Thanks Justine,” wala na akong maisip na iba pang sabihin. Nagpumiglas si Christian, binitiwan ko. Habang nagbibihis si Justine, tumayo ako at tumigin sa mga larawan na nasa mesa, ang kanyang pamilya.
   
    Dalawa pala silang magkakapatid, ang isa babae. Siya ang bunso. Masaya ang mga ngiti nila sa larawan. Malamang dalawa o tatlong taon na ang lumipas nang kinuha ito. Napansin ko ang isang frame, malaki. Doon nakita ko ang magsing irog. Girlfriend ni Mister Universe at siya. Bagay na bagay, si Adonis at si Venus pinagsama.
    “So what’s up?” bulaga ni Justine.
    “Nah, I was just looking at your pictures.”
    Since andun ang paningin ko sa picture niya at ng kanyang nobya, napangiti siya at sabay sabi, “That’s Sandy.” Tinungo niya ang isang cabinet sabay kuha ng dog food. Tumahol ang cute na tuta. Nakakain na din.
    “Pretty.”  Pagtingin ko sa kanya, napahanga na naman ako. Naka white shirt lang at naka boxers ang loko. Siguro napansin niya ang aking mga tingin.

    “Sorry bro. Do you mind?”

    “No, not at all. Besides this is your pad and there is no better way to feel relaxed than to be in your most comfortable gear,” matter-of-factly kong sagot.
   
    Umupo kami don sa sofa. Nagpaka comfy na din ako. Inalis ko ang sapatos ko. Nakita niya.

    “Hey, why don’t you put on like these. Fair and square,” tawa niya.

    Natawa ako sa suhestyon niya. Napangiti ako. Wala na akong nagawa. Bago pa man ako sumagot, pumunta siya sa kanyang kwarto at ilang segundo ay  pinasa sa akin ang isang white shirt at boxer shorts.

    “You’re silly!” Hindi ko na mapigilan ang maging loko din sa kanya. Nagtawanan kami sabay sabi ko, “Whatever makes you happy.”

    Tinumbok ko ang washroom. Napakalaki naman, ang gara. Napaka organized talaga niya, daig pa ang babae. Lumabas ako ilang saglit.

    Nagmukha kaming kambal. Magkapareho ang suot. Nakahanda na pala ang inumin, may Jose Cuervo na sa mesa.

    “Are you okay with this?” sabay turo niya sa bote.

    “Beggars can’t be choosers,” sabay kaming tumawa. Hindi pala talaga kami magkakalayo sa porma. May hitsura din naman ako, Pinoy-look nga lang. Si Justine kasi sandamukal na genes ng mundo ang umakibat sa kanyang kakisigan kaya nagmukha siyang Mister Universe, pinagkalooban pa ng magandang puso at utak. Swerte ng mokong.

    Nagpunta siya sa pantry saglit para maghiwa ng sariwang oranges. Ibinaling ko ang attensyon sa tele pero hindi ito rumehistro. Nakakalito naman. Nagta tug of war ang puso ko at isipan.

    “Here are the tropical sliced oranges. Suit yourself bro,” may galak niyang sabi. “And since you are my guest tonight, you are going to chug the jig first. Do the honors, bro!”

    Winelcome ko ang challenge. Nagpasikat ako. Kinuha ko ang jig, sabay tingin kay Justine at ngsaboy ng ngiting bring-it-on. Muntik akong mabilaukan sa tapang ng inumin, buti sa tulong ng sliced orange, napawi ang init. Napa smile na naman ako sa kanya.

    “I bet you like to rock.

    “Only if it’s Greenday,” sambit ko. Paborito ko naman talaga ang punk rock na banda. Kaya ayun, isinalang ko ang numero ng kantang “Holiday”.

    Bago ko sinimulan ang kanta ay kinuha niya ang jig at syempre pares-pares ang salted sliced orange. Dahil katabi ko si Justine, nakita ko ang kanyang mga tingin habang inuubos niya ang unang tagay. Natawa ako habang ngatngat niya ang orange. Tuwang-tuwa ang mokong, animo’y nakikipaglaro lang.

    “Is the orange sweet enough?” pang-aamo ni Mister Universe.

    “I couldn’t complain,” dali-dali kong sambit.

    Inaamin ko hindi ako sweet na tao ngunit sa sandaling yon napagtanto ko na hindi naman pala talaga OA ang maging sweet lalo na kung sincere ka sa tawag ng emosyon, gaya ni Justine. Hindi siya ang tipong nahihiya magbigay ng compliment. Kung ano ang nasa isip at puso niya ay siya ding sambit ng kanyang bibig.

    “So I guess you need to rock on for now!” sabay bigay niya ng mic.

    Wala na akong nagawa kundi bumigay sa hamon.

    “Hear the sound of the falling rain. Coming down like an Armageddon flame. The shame, the ones who died without a name.”

    “Hear the dogs howling out of key. To a hymn called Faith and Misery, And bleed the company lost the war today.”

    At nabigla ako nong kinuha ni Justine sa akin ang mic at pinagpatuloy ang kanta.

    “I beg to dream and differ from the hollow lies. This is the dawning of the rest of our lives. On holiday.”

    Natapos namin ang kanta. Nahapo ako bigla. Matagal-tagal din kasi akong hindi nakipag-inuman gawa ng paghahanda noong nasa Pinas lang ako para sa medical exam dito. Ayoko din kasi madiskarel ang magandang trabaho dahil lang sa may nakitang spot sa lungs ko. Marami din kasing mga kasong ganyan. Hindi nabibigyan ng residence visa dahil sa resulta ng medical exam. Gusto ko plantsado lahat.

    Nagsalang ng ibang kanta si Justine. Mahilig pala talaga siya sa mga rock songs. This time kinanta niya ang “Far Away” ng Nickelback. Puchax, paborito ko din yon. Kaya nong sinimulan niya, sumabay na din ako. Isa-isa na kami ng mic.

    Tawa kami ng tawa. Pareho kasi kami mga trying hard. Nalilihis ang tono pag nasa kataasan na. Nakakatuwa. Tumayo na kaming dalawa parang nag peperform na sa stage.

    At natapos ang kanta.

    “We rock!” sabay high-five.

    “You could snag fame right out from Nickelback, man!” sabi ko kay Justine.

    Napa-smile na naman siya. Sa sandaling yon, nakita ko ang saya sa mga mata ni Mister Universe. Ganito pala talaga siguro siya kapag nasisiyahan, nagkikislap ang mga mata. Napansin kong medyo tipsy na ako. Siya din.

    Naging komportable na din ako. Sabi ko, “I’m sorry, bro but I usually get hungry during keg parties.” Humalakhak siya.

    “Well, the fridge is there. You better prep up double orders  since I am starved too.” Si Justine napaka inviting, walang bahid ng pagiging arogante. Natuwa naman ako kasi hilig ko din ang magluto. Tinungo ko ang kitchen. Napakalinis talaga. Binuksan ko ang fridge at voila meron nga siyang pork meat strips, pwedeng pwede pang pulutan.

    Dali-dali kong pineprep ang lulutuin, sinalang ang frying pan, nilagyan ng butter, pinainit at dahil di  na makahintay, nilagay ang mga meat strips.

    “Hey, bro. I hear frying from here. What are you cooking?”

    Si Justine, ang magiging boss ko sa unang pasukan, parang buddy ko lang. “You better guess, bro. You can try listening to how it sizzles.”

    At natawa siya sa phrasing ko. Napaisip tuloy ako. Tama naman ang English ko, ano nakakatawa don?

    “I like the way you talk. You use phrases I rarely come across.” Ang loko pinapansin ang mga style ko ng pag iingles. Haha.

    “I’ll take that as a semi-compliment. Minus the laugh, that’s an A plus from you for me.”

    Si Christian, ang tuta nakaamoy sa niluluto ko. Nagpupumilit pumasok sa kitchen.

    “Bro, it’s your jig now. Are you not done yet? Christian’s peeping on the menu.” Tinawag niya ang tuta, ayon umalis at naglambing sa kanyang amo.

    Five minutes passed.

“Done.” Dinala ko ang isang platong puno ng pork meat strips. Ang bango, nagutom  ako bigla. Kasi naman Tequila pa ang tinira pwede naman Heineken lang. Madali ang tama sa akin pag ibang inumin.

    “You’ve done well. I like the way these are cooked, not too stiffly done, just the right strippy feel.”

    Haha. Grabe naman mag compliment si Sir. Parang tinali naman ako sa lobong pagkalaki-laki at nilipad ako patungong exosphere.

    “Aren’t you gonna eat then?” Hindi naman kumilos ang mokong. Natulala bigla si Mister Universe. “Hey Justine, are you still here?”

    At nag snap back to reality si Hustino. Parang na-camera freeze mga sampung segundo tapos balik ulit sa mundo.

    “Does that happen to you often?” Nag-usisa na ako. Palagay naman ang loob niya sa akin kaya totodohin ko na baka kasi kinabukasan magiging iba na ulit ang turing niya sa akin. Baka pagkabukas servile mode na ang style.

    “Nah,” sambit niya. “ I guess I am just torn these days. My Pop wants me to go back home and start a political career. He’s always been pushing me to come home and share the limelight with the rest of our clan. He’s getting old is what he says.”

    Napa-isip ako. Bakit parang iba nararamdaman ko sa taong to? Para akong high school student na nakikilig sa tuwing papasok na ang crush na teacher.

    “I have a good life here,” patuloy niya. “But I also want Pop to be proud of me. You know, I have always lived far from him, Mom and sis too. It’s funny because as soon as I turned 18, I told them I have to move out of the house or else they won’t see me around. It was my way of telling them I’m a grown man and I needed to grow apart from them. That was 14 years ago.”

    “Wow. You were too old for your age when you were 18.” Nakayuko siya, nakatingin sa isang platong pork strips. Wala na naman yata sa mundo.

    “I was. I don’t know bro but I feel indebted to Pop. I couldn’t be where I am now if he weren’t around. He’d sent me to the best schools in the world and I was just so fortunate to have been born with more than enough.”

    Naanod ako sa kwento ni Justine. Napaisip. Narinig ko ang katahimikan. Tanging haloshos lang ng AC ang nasa paligid.

    “Whatever makes you happy, you need not argue more with yourself. If it’s about independence you fear of losing, thank the heavens above you have had a fair share of it already. Bond with the people who mattered most to you and do the things you would love to do for the world.”

    Ayan na nga si Makata. Napatingin si Hustino at tumawa.

    “What!?” Seryosong-seryoso ang phrasing ko ganon lang ang response.

    “Goodness, man. You sound like my professor back in Stanford.” At humalakhak na naman siya.

    Nakakainis naman. Pati istilo ng pananalita ko, microscopically identified. Nasa akin na ang jig. Inubos ko sabay kuha at ngatngat ng sliced orange.

    Tumahimik ako. Ayoko na magsalita. Haha.

    “Speak, you Rodrigo.” Nagstart ng mag slur si Justine. Lalong pumungay ang mga mata niyang Asian descent at ang mga pilik mata niyang mahaba nagiging obvious.

    “I don’t like to. I want to sound like myself not like someone I don’t know of.”  Puchax. Napagtanto kung nagiging over sensitive na ako.

    “Hey, keep your emotions at bay. Look around you, feel the serenity and embrace.” Sabay ngiting aso.

    “Yea, right!” Nang iinis si Mister Universe.

    Tumawa siya. Sabay sabi, “I like it when you get annoyed. You tend to morph into this wolf ready to jump on someone.”

    “You’re silly.” Napatawa na din ako. Nakakainis na nakakatuwa. Sa mundo konti lang ang mga taong ganon, yong malambing na pinaiinis ka muna. Iba pala talaga yon.

    Dumaan ang ilang minuto. Naging isang oras, dalawa, tatlo. Ang dami naming napagkwentuhan. Ngunit sa mga kwentong yon, hindi namin napag usapan ang mga gf namin. Naubos namin ang isang bote at nakalahati ang isa pa.

    Tinungo ko ang bathroom. Paglabas ko knockdown na si Hustino. Ayun nasa sofa, tulog. Napatingin ako sa maamo niyang mukha. Kahit tulog ang lakas pa rin ng dating. Malalim na ang tulog niya, may mahinang hilik na akong narinig.

    Napa smile ako. Kinuha ko ang camera phone at ng snap ng pic niya. Tatlo yon. Isang facial close up, isang whole body pic at isang close up ng lips niya. Para akong pervert nung umagang yon.

    Ala una. Dahil hindi ko na kaya ang antok, humiga na lang din ako sa kabilang sofa. Nakatulog ako ilang segundo. Malalim. Masaya.

    7:00 AM at ako’y nagising sa ingay galing kitchen. May nagluluto. Napansin kong may kumot na pala ako. Si Justine, naisip ko. Ang mokong naunahan pa akong gumising. Nakakahiya hindi ko alam paano umakto.

    At tumahimik ang buong paligid. Tapos na siyang magluto.

    Dahil wiwing wiwi na ako at baka sumabog na ang pantog ko, kumaripas ako ng takbo patungong toilet.

    Naaktuhan ako ng mokong. Haha. “Hey, you’re up and running.” Sabay tawa.

    Grabe naman talaga tong si Hustino. Iba ang timing. Pwede bang dapat naka ready muna bago ako makita. Ayun at narelax na ako. Naghilamos, nagmumog at lumabas.

    Sa dining table may mga pagkain ng hinanda. May sunny side up, hotdogs, corn soup and Milo. Haha. Si Hustino parang bata.

    Lumabas siya galing kwarto. Ngumiti sabay sabing, “I cooked for us.”

    Grabe ang linya. For us? Bakit kaya ganun ang phrasing niya. For us? Or baka nagiging paranoid lang ako. Nag iimagine na magkakagusto ang isang lalaking may gf sa isang lalaking tulad ko na may gf din. Nakakalito.

    Dahil tom jones na din ako, I eagerly went to the dining table. Magkaharap kami. Tinuro ko ang Milo bottle.

    “I know what you’d think of me for this. Hey but I like this still. I don’t drink coffee although my status calls for it my tummy refuses.” Nag explain pa talaga siya. Haha.

    “It’s ok. You can be a kid as long as you want. No one will know.” Pause. “Does she know?”

    “Hell, no! I don’t think she’d fancy a man with a kid heart.”

    “So you keep a lot of those in your mystery cabinet and brings one out when she’s not around I guess.”

    “Yes Mister Taylor!”

    Ayan na naman ang Stanford prof niyang si Mr. Taylor. Para daw ako kung magsalita.

    Nakakatuwa. Sa kainan ganun pa rin siya. Walang nagbago. Siguro pag nasa trabaho to iba na. Dito lang siguro sa labas.

    Natapos namin ang masayang agahan. In fairness to him, masarap naman ang breakfast menu niya. Hindi ko namalayan ang oras. Hindi pala ako nakapagpaalam man lang kay Mariz. Ang last kong text sa kanya ay kasama ko si Justine.

    “Bro, your clothes are there in my room. I hanged ‘em at the back of the door.”

Habang naghuhugas ng plato si Hustino, kinuha ko ang phone ko sa pantalon. Nasa room pala ni Justine. Nakita ko ang 30 missed calls galing kay Mariz. Oh my!

“Baby, saan ka ba? Kanina pa ako tawag ng tawag hindi mo naman sinasagot. Nag aalala na ako dito.”

Isang text at marami pa. Ang last text niya

“Rodrigo, magreply ka naman!”

Galit na si Mariz. Kapag kasi tinatawag na niya akong Rodrigo alam ko seryosong usapan na yon. Naka sad face ako. Si Justine nasa harap ko na pala.

“I know what you’re up to. Your girlfriend’s gonna kill you. Don’t you worry bro, I’ll bring you home besides I’ll be buying some things for me.”

Nagpaka knight in shining armour naman si Justine.

“I need to phone her man. What will I say?”

“Well, tell her you were with me and you were too drunk to go home. Plain and simple.”

Napakasimpleng sabihin pero parang hindi naman kapani-paniwala.

“Better yet, phone her now and tell her you’re going home and I will drive you there.”

Hindi ko na sinagot. Tumawag na ako. Ayun, on the second ring, sumagot na si Mariz.

“Hello. Saan ka ba?”

Halatang pagod ang boses niya, malamang napuyat dahil sa kaaantay.

“Baby, I’m sorry. Ang dami ko kasing nainum kagabi tapos hindi na ako makahindi sa kanila. Natulog na lang ako sa sofa dito.”

“Sino ba yang mga hayok sa inum na yan?”

“Boss ko at mga barkada niya.”

Kelangan ko ng magic twist kaya dinagdagan ko ang kwento. Baka kasi ano isipin pa niya kung sakaling sinabi ko na kami lang dalawa hanggang magdamagan at nakuha pang mag breakfast.

    “Baby, uuwi na ako ah. Ihahatid ako ng boss ko diyan kasi may lakad daw din siya.”

    “Okay. Next time naman magpaalam ka at sagutin mo ang mga tawag ko.”

    “Pasensiya na baby. Hindi na mauulit. I love you.”

    “Ok.” Deadma na si Mariz. Walang I love you too.

    Nakangiti si Justine. “Cool?” Sabay thumbs up.

    “She will be okay,” sambit ko.

    Hindi na ako nag dalawang-isip pang hindi magbihis. Kihuna ko ang mga damit ko kagabi, pumunta ng toilet at nagpalit. Ayan , fresh na fresh na ang looks kahit hindi nakapagshower.

    Si Justine naman, hindi din nagshower. Konting hygiene exercise lang, good as new na. Sa tingin ko hindi na niya kelangan maligo araw-araw. Napaka fresh kasi ng pagmumukha.

    Nakaraan ang sampung minuto. Iba talaga pag boys ang maghahanda. Parang ipo-ipo kung maka ready.

    “I guess you are ready, bro!”  Naka japorms na si Hustino. Naka Fred Perry polo shirt na dark blue at striped shorts at naka Sebago dock sides. Walang kupas. Kahit na casual lang, over the top ang dating.

    “Yes, we are!” Nanghina ako bigla. Para naman akong second class citizen nito pag kasama siya. Dagdagan pa na kagabi pa yung suot ko.

    “Come on bro, let’s take the stairway,” paanyaya ni Justine.

    “Why the hell are we gonna take it? We are on the seventh floor,” ang pagkainis kong sagot.

    “Well because you have a lazy ass. What doesn’t kill you make you stronger.” Nakangisi na naman. “I meant that literally.”

    “Well, you gotta be a track and field champ then!” At inunahan ko na ng takbo pababa.

    Para kaming mga batang musmos na walang pakialam sa mundo. Bumalik sa akin ang konting tagpo sa pagkabata. Ang sarap balikan ng kabataan. Walang problema. Puro lang laro, tulog, kain. Ngunit sa puntong yon, namnam ko muli ang mga sandali ng nakaraan.

    Narating namin ang baba ng mahigit isang minuto. Hiningal ako. Puchax. Mas matindi pa pala sa kabayo kung tumakbo si Hustino. Tinalo niya ako. First time.

    “You ran like a limp,” saway niya.

    Nagsalubong ang kilay ko. “Well, it’s a home advantage. I bet you sprint there everyday.”

    Tumawa lang siya. Natawa na din ako. Paano naman kasi parang nauubusan na ako ng hininga ganun pa ang sasabihin ng loko.

    Nakarating ako sa flat mag aalas dose na. Wala don si Mariz. Marahil ay kasama ng ibang mga flatmates. Tiningnan ko ang phone ko. May SMS.

    “Babe, punta lang ako sa City Centre ah. Nagpapasama kasi si Aileen bibili daw siya ng mga pang balikbayan box hindi pa kasi napuno. Magluto ka na lang diyan ng ulam.”

    30 minutes ago na pala ang text niya. Hindi ko man lang napansin. Napahiga ako. Nababanaag ko na naman ang mga pangyayari kagabi. Ano ba tong nangyayari sa akin?

    Tumunog ang phone. May SMS. Baka si Mariz na naman. Ngunit pag open ko, galing kay Boss Justine.

    “I had a great time. It’s been a while…..”

    Napangiti ako. Ano kaya yong … Bakit kaya iba ang naiisip ko sa mga linya niya. Pwede naman pang brotherhood lang. Pero parang iba or dysfunctional na siguro ang perception ko sa mga bagay-bagay. Haha. Sira!

    Sinagot ko, “Because you defeated me.”

    At smiley na lang ang nireply ng loko. Nakakatuwa. Sa sobrang tuwa ko ay nakaidlip ako, mahimbing, masaya.

No comments:

Post a Comment

Read More Like This