Pages

Thursday, June 1, 2017

Little Infinities (Part 2)

By: Joshua Anthony

“You were supposed to be my sister! You were supposed to be my friend!”
“I am your sister and I have to protect you from anything that could harm you, Nate.”

Ang mga ala-ala. Kahit anong pilit iwaksi, napakahirap malimutan.

Kamusta na kaya si Raya? Madalas ay Raya lamang ang tawag ko sa kanya, ngunit ina-ate ko siya sa tuwing nais kong maglambing o kaya ay kapag sinusumpong ako ng kabaitan sa kanya noon. Bukod pa roon, isang taon lamang ang tanda niya sa akin. Napagkakamalan din kaming kambal simula pa noong kami ay mga bata pa.

Siya ang palagi kong kakuntsaba sa lahat ng kalokohan at mga pag-iinarte na aming ginagawa dati upang makaiwas sa mga gawaing-bahay. Halinlinan din naming pinagtatakpan ang isa’t isa sa tuwing kailangan naming tumakas sa gabi.

Siya ang best friend ko noon. Kakampi.

Maaga akong nagising dahil na rin sa pangungulit ni Jackson. Napabalikwas ako mula sa pagkakahimbing dahil sa malakas niyang pagtahol.

Pinakain ko siya sa kusina at saka naligo na muna. Hindi ko kaya ang lamig sa labas kaya’t napagpasyahan ko na hindi na muna tumakbo. Marahil ay pagpapawisan din naman ako kahit na papaano sa aking paglalakad papuntang coffee shop.

Matagal-tagal pa naman bago muling magbukas ang coffee shop, ngunit magtutungo kami roon ni Sir Mark upang tignan kung ano na ba ang lagay niyon.

Matapos makapaghanda ay nagpaalam na ako kay Jackson at saka isinara ang pinto bago iyon ikandado. Saglit lang naman ako sa coffee shop at babalik din kaagad. Inilagay ko na lamang sa aking maliit na sling bag ang aking cellphone at wallet.

Malinaw at kahali-halina ang kalangitan. Ang haring araw ay matingkad ang pagbati sa kahit na sino nitong nasisinagan. Masilaw ngunit hindi masakit sa mga mata kung sandaling pagmamasdan. May pabugso-bugso ring pag-ihip ng hangin na kinatutuwan ng mga dahon sa bawat puno sa paligid.

Malamig, ngunit banayad sa pakiramdam ang pagdampi ng hangin ng Disyembre sa aking pisngi. Para kang nakatayo sa dalampasigan at nagdadalawang-isip kung hihintayin mo bang puntahan ka ng alon upanng tuluyang mabasa ang iyong mga panyapak, o maglalakas-loob ka nang suungin ang dalisay na tubig-dagat.
Hindi ko kakayanin ang lamig kaya’t nagpasya na lamang ako na magkalad. Mangangatal kasi ako kung ako ay magba-bike pa.

Ilang araw bago ang kapaskuhan, mas nagiging abala ang mga tao dahil sa pagdami rin ng mga turista sa aming lugar. Mabuti na lamang at hindi ganoon kalapit sa mismong daanan ng mga sasakyan ang daan papunta sa lugar ng aking tinitirhan.

Nadatnan ko si Sir Mark na nasa counter at may inaayos. Akala ko ay namamalik-mata lamang ako nang mapansing siya ay nagsasalita. Ang alam ko kasi ay dalawa lamang kami na papunta dito ngayon.

“Zeke and Maddie’s wedding!” natatawa niyang sigaw. “That was the last time we saw each other, man.”

Hindi ko maiwasang hindi mapakinggan ang kanyang sinasabi. Nasa loob yata ng office sa likod ng counter ang kanyang kausap. Hindi ko maaninag kung sino dahil may kalabuan na rin ang salamin sa pintuan doon. Malamang ay hindi si Mario dahil hindi naman nagi-ingles si Sir Mark sa mokong na iyon.

Tumalikod na lamang ako at saka inilapag ang dalang sling bag sa isa sa mga mesa.

“We need to buy a new cash register na siguro, Nate.” sabi sa akin ni Sir Mark. “This one’s too rusty na siguro sa loob. Takes forver to come out when clicked eh.”

Tinignan ko lamang siya at tinanguan. Hindi ko rin talaga alam kung ano ang gagawin dahil ang sabi niya ay check-check lang daw.

“Ano gagawin ko, sir?” tanong ko.

“I actually don’t know.” sagot niya. “There’s literally nothing naman na kailangan gawin actually.”

“Si Mario ba ‘yun, sir?” tanong ko ulit sabay turo sa kung sino ang nasa loob ng office.

“Oh, no no.” sagot niya. “My friend. Taga-dito rin sila before. Dumalaw lang.”

Magsasalita na sana ako ngunit nakita ko na may batang lumabas mula doon. Si Basty.

“Nate!” masigla niyang bati.

“Oh, so you, guys, know each other?” tanong ni Sir Mark. Nalilito.

Nagulat man ay kinatuwan ko siyang makita. Iba ang sayang hatid ng batang ito sa akin.

“Yes, ninong.” sagot niya.

“Basty! What are you doing here?” tanong ko habang papalapit sa kanya.

Lumapit din siya sa akin at saka ako niyakap. “Ninong Marky is dad’s friend since college.”

Siguro ay narinig niya ang lakas ng boses ng anak kaya’t lumabas din mula sa loob si Chard. Taliwas sa kasuotan ko, sila ay hindi gaanong balot na balot. Sanay siguro sa lamig. Nakakagulat dahil maging si Basty ay nakasuot lamang ng manipis na t-shirt at shorts.

“Hey.” bati niya. “You work here pala?”

Nginitian ko lamang siya.

“Can we bake one of these days?” kalabit sa akin ni Basty. “My mum doesn’t know how to bake, but she’s a try-hard so I appreciate that. I still wanna learn how to bake, though.”

“Basty, I’m sure Nate has a busy schedule.” tugon ni Chard.

Napatingin ako kay Sir Mark na nangingiti lamang na pumasok sa loob ng office.

“Do you?” tanong ni Basty.

“I mean… We can, actually.” sagot ko. “We can’t do it here right now, though. Thursday?”

Lumingon siya sa kanyang ama. “Dad?”

“Of course.” mabilis naman nitong tugon at nginitian din ako bago pumasok din muli sa office.

“What are they doing in there?” tanong ko kay Basty.

“They’re trying to figure out how to improve the menu, I reckon. Well, that’s what I heard. I didn’t mean to eavesdrop, though.”  sunod-sunod niyang sagot.

Naupo kami ni Basty sa upuan at nagkwentuhan. Ang daming kwento ng batang ito. Hindi na yata mauubusan. Maging ang crush daw niya sa kanilang paaralan na si Jasmine ay naibahagi sa akin.

Maging ang mga bagay patungkol sa kanilang pamilya na sa tingin ko ay hindi ko na dapat pang malaman ay walang habas niyang idinitalye. Natatawa na lamang ako dahil napaka-natural niya mag-kwento. Mababatid mo rin ang kanyang katalinuhan dahil sa mga detalye.

Nakatutuwa ring pakinggan ang mga iyon dahil sa Posh accent niya.

Maya-maya pa ay lumabas na rin sina Sir Mark at Chard. Bitbit na nila ang kanilang mga gamit. Kinuha na rin ni Sir Mark ang susi mula sa counter.

“Do you need to go somewhere, Nate?” tanong ni Sir Mark. “Let’s eat breakfast?”

Nais kong tumanggi, ngunit ayaw ko naman lumabas na bastos.

“Ninong, I’m starving.” reklamo ni Basty.

“You had cereals earlier.” sambit ni Chard sa anak.

“Cereals are just like illusion. They don’t exist in reall life, dad.” sagot naman ni Basty.

Natawa kami ni Sir Mark dahil sa sinabi ni Basty.

“Town Market, sir?” tanong ko kay Sir Mark.

“Okay.”

Ang daming tao sa Town Market. Pancake lamang ang aking inorder at hot choco. Si Basty ay naupo sa aking tabi at sa tapat naman namin sina Sir Mark at Chard.

Naiilang ako dahil hindi naman talaga ako kumportable sa ganitong mga okasyon—kasama ang mga taong hindi ko lubusang kilala. Kahit naman kay Sir Mark ay hindi ako talaga kumportable. Mas maigi siguro kung kasama namin si Mario o si Candice.

Nagtitingin-tingin lamang ako sa paligid upang makaiwas sa usapan kung sakaling may itatanong ang kahit na sino sa kanila. Sa labas kami nakapwesto.

May maganda para sa akin dahil kintutuwan ko talaga ang mapagmasdan ang labas. Kahit na napakaraming tao at may kaunting kaingayan, masayang makita ang mga makukulay na palamuti sa pasko.

“Done with your school works, Nate?” tanong bigla ni Sir Mark.

Nalintikan na. Lumunok lamang ako ng laway at saka ngumiti bago sumagot.

“Almost.” tugon ko.

“You’re still studying?” pagsingit ni Chard.

“Yup. Junior year. Classical Architecture.” sagot ko.

“How old are you?” sunod niyang tanong.

“23.” maikli kong sagot at saka tumingin sa aking pagkain. “Long story.”

Nagpakawala lamang ng isang maliit na tawa si Sir Mark dahil sa aking tugon.

“Mahihirapan kang kilalanin ‘tong si Nate. Trust me, I’ve tried.” natatawa niyang sabi sa kaibigan.

Ngumiti lamang ako sa kanila.

Wala nang iba pang naging usapan patungkol sa akin dahil sa mga maiikli ko ring sagot. Mabuti na lamang at hindi naitanong sa amin ni Sir Mark kung papaano kami nagkakilala nina Chard at Basty. Hindi ko rin kasi alam paano iku-kwento. Nahihiya kasi ako.

Mabilis kong tinapos ang aking pagkain at saka nagpaalam. Mabuti na lamang at madaling gawing dahilan si Jackson. Iyon siguro ang tanging rason kung bakit ko naisipang mag-alaga ng aso.

Hindi man sabihin ay halatang naiilang din para sa akin si Chard. Hindi ko lang alam kung bakit. Siguro’y may nais siyang sabihin na hindi niya masabi-sabi. Ginulo ko lamang ang buhok ni Basty bilang pagpapaalam at saka tumayo.

Mga ilang hakbang na siguro ako mula sa kanila nang bigla akong tawagin ni Chard at hinabol. Agad ko naman siyang nilingon ngunit dahil sa dami ng taong naglalakad ay may kabagalan ang kanyang pagpunta sa akin.

“Regarding your—” hingal. “—your baking time with Basty?”

Kumurap lamang ako. Hinihintay ang sunod niyang sasabihin.

“Yeah?” sunod niyang sabi. Hindi malinaw sa akin kung tanong ba iyon o ano. “I thought it would be better if I get your number na lang?”

May pakamot-kamot pa ng ulong nalalaman ang Briton na hilaw na ito. Iniunat ko ang aking kamay upang hingin ang kanyang cellphone. Tiningnan niya lamang ang palad ko at muli akong tiningnan. Marahil ay hindi ako naiintindihan.

“Your phone.” mahina kong sabi.

“Oh. Of course!” bigla niyang sagot at saka dali-daling dinukot ang cellphone sa bulsa ng suot niyang pantalon.

Nang maiabot ay nasa dial pad na ang screen ng cellphone niya. Agad ko rin namang inilagay ang aking numero roon at saka iniabot pabalik sa kanya.

“Very well.” mahina niyang sambit matapos maibalik sa bulsa ang cellphone.

“Just say who you are when you text me. I ignore anonymous messages kasi.” sabi ko. “I have to go now. Thanks again for the breakfast!”

“Sure, sure. Don’t worry about it.” sagot niya habang nakangiti.

Matapos niyon ay tumalikod na lamang ako at nagpatuloy sa paglalakad.

Nang makarating sa aking apartment ay dumeretso lamang ako aking kwarto at nahiga. Naisip kong magbasa ng libro ngunit parang napagod ako sa kalalakad kaya’t naidlip na muna ako.

“You said you would die for me…”
“You said it’s you and me against the world…”

Siguro ay wala pang isang oras akong nakaidlip. Agad akong bumangon dahil sap ag-uungol ni Jackson sa aking tabi. Hindi ko napansin na umiiyak pala ako sa aking pagkakatulog kaya’t ganoon na lamang ang pag-aalala sa akin ng aking alaga.

Kinuha ko mula sa sling bag ang aking cellphone upang tignan ang oras at upang magpatugtog na rin. Halos alas-dose na pala. Nakita ko rin na may dalawa akong mensahe mula sa iisang numero.

“Hey. This is Chard. :)”

“Do you have plans tomorrow? Maybe, we could visit the strawberry farm? Basty really wants you to come with us.”

Matapos mabasa ay lumingon ako kay Jackson na nakanganga lamang at nakalabas ang dila habang hinihingal.

“Stop it.” natatawa kong sabi sa kanya. “It’s not what you think, Jackson.”

Kumurap lamang siya sa akin at saka itinabinge ang ulo.

“Hindi ito date, Jackson. Tigilan mo ako.” pagbabanta ko sa alaga.

Wala akong ideya kung ano ang sasabihin ko. Siguro ay umabot sa apat na beses akong nag-type ng aking response ngunit agad ko rin naman binubura.

Hindi ko rin kasi gustong lumabas bukas. Kagaya nga ng nabanggit ko, hindi ako mahilig sa mga ganoong bagay. Huminga lamang ako ng malalim at saka muling nag-type ng aking isasagot.

“Hi, Chard. I still have to finish my project tomorrow. Another time, maybe? Send my hello to Basty.” at saka pinindot ang send button. Delivered.

Hindi ko alam kung ano ang nais sabihin sa akin ni Jackson ngunit bigla na lamang siyang tumayo mula sa pagkakahiga sa aking kama at saka lumabas ng kwarto.

“What?” malakas kong tanong sa kanya habang sinusundan siya ng tingin. Nahiga na lamang ako ulit at saka tinakpan ang mukha ng unan.

Maya-maya pa’y narinig ko ang pagtunong ng aking cellphone. Agad koi tong hinawakan at nakitang tinatawagan ako ni Chard. Hindi ko alam kung bakit, ngunit bigla ko na lamang itong sinagot.

“Chard?” pauna kong salita.

“Nope. Basty.” sagot ng nasa kabilang linya.

“Basty? Why did y—”

“Please come with us! Please, Nate!” bigla niyang pakiusap.

Hindi ko alam ang sasabihin dahil hindi talaga ako magaling sa pagtanggi. Lumunok na lamang ako ng laway at huminga ng malalim.

“I really need to—”

“I will help you with your project. My dad is great at school stuff! He’s a teacher, as you know…” pagpapatuloy niya. “And I promise, neither would I be noisy and nosy…”

“Uhm, where’s your dad?” tanong ko sa kanya.

Naririnig ko mula sa kabilang linya na bumubulong siya at parang may kausap na iba.

“I can hear you, Basty…” sabi ko habang natatawa. “Can you hand the phone to your dad? Please?”

“Uh… Okay!” sabi niya.

“I’m so sorry, Nate! I’m so sorry!” natatawang sabi ni Chard sa kabilang linya. “I was about to compose a response, but Basty took my phone and called you…”

Natawa ako nang bahagya. “That better be true.”

“It is!” bigla niyang sagot. “I’m not lying, I swear!”

Tinawanan ko lamang siya.

“You don’t have to come if you’re too busy. I completely understand!” sambit niya.

“What time tomorrow?” bigla kong tanong.

“What?” gulat niyang sabi. “Uh… Ten? Sounds good?”

“Alright.”

No comments:

Post a Comment

Read More Like This