Pages

Tuesday, June 13, 2017

Leave Your Lover (Part 1)

By:Pascal

Hi I'm Pascal, 22 years old. First time ko magsulat ng story sana mapublish. Gawang phone lang po ito kaya hindi malabong maraming typo at hindi ganoon kapulido ang pagkakasulat. Ang mga tauhan, lugar, oras at mga pangyayari po sa kwento ay kathang-isip ko lamang pero sana mag enjoy po kayo sa story ko. Open po ako sa lahat ng pamumuna.

Me: Hi! I'm Shaun Garcia, 18 years old blah...blah...blah.
Pangatlong beses na yata namin nagpapakilala isa-isa pero ni isa wala parin akong natatandaan sa mga kaklase ko. Hindi ko narin sila binigyan pa ng atensyon bawat isa kasi sure naman na makikilala ko rin sila kapag tumagal na. Third year college na ako at every sem talaga paulit ulit lang ang scenario kapag unang araw ng klase. Hindi ko rin naman sila masisisi kasi naman sa dami naming mga estudyante eh bawat sem talaga halos 90% ng klase eh mga bagong muka talaga (nagconduct po talaga ako ng study tungkol dyan.. chos!). Kung walang darating na professor puro naman pagpapakilala bawat subject. Nababagot na ako at patago nalang akong naglalaro sa cellphone ko.
Ako nga pala si Shaun. May tamang tangkad, may tamang puti, may tamang laki ng katawan ung tipong hindi mamaskel pero hindi rin naman mabuto, may tamang kagandahan chos! Haha! Pero sabi nila cute daw ako muka daw akong koreano pero ung medyo sunog na version daw. (Ok lang yun) at yung mga mata ko daw ang assets ko. Ako yung tipong kapag una mong nakita at una mong nakausap eh hindi mo mapagkakamalang paru-paro pala. Hindi naman kasi ako baklang bakla kung kumilos at magsalita. Lalaki parin naman kasi ang kilos ko pero hindi ung tigasin version (alam mo na bes).
Habang busy ako naglalaro sa phone...
Sam: Shaun! Shaun! Shaun! (Pabulong)
Me: ano ba!? Wag ka ngang magulo dyan.
Sya nga pala muntik ko ng makalimutan si Samantha (Sam) ang kaibigan ko. Magandang babae pero mas bakla pa kesa sa akin mga ateng. Napakaingay pa ng bruha. Minsan topakin din. Nagsimula ang friendship namin nung mga freshmen palang kami. Naging magkatabi kami sa klase noon at dun na nagtuloy tuloy ang pagkakaibigan namin. Pareho kaming galing sa probinsya ako sa Isabela sya naman sa Bicol. Di naman mahirap ang mga pamilya namin at di rin naman mayaman na mayaman. Medyo malawak ang lupain namin sa probinsya at sila Sam naman ay may negosyo sa kanila. Umuupa kami pareho ng boarding house at halos magkalapit lang ang mga ito kaya madalas kaming magkita. Halos araw-araw nga yta kami magkita at para na talaga kaming magkapatid. Yun ang turingan namin ni Sam. Lahat ng sikreto nya alam ko at lahat din ng sikreto ko ay alam nya. Wala kaming tinatago sa isa't isa.
Sam: ano ka ba may sasabihin ako sayo importante to.
Me: pwede ba na mamaya nalang yan magha hi-score na ako oh.
Sam: feeling ko kasi nakita ko na yung lalaking mamahalin ko at mamahalin din ako ng totoo (pabebe ang pananalita)
Me: hay naku Samantha Aquilana tigil tigilan mo yang kalandian mo ha kung ayaw mong umiyak ulit. D ka pa ba nagtatanda sa limang lalaki na iniyakan mo? Magtino ka nga! (Habang busy parin ako sa paglalaro)
Sam: ano ka ba! Iba to pakiramdam ko hindi sya katulad nung mga hinayupak na mga yun. Pakiramdam ko sya na talaga bes.
Since nagkakilala kasi kami nitong si Sam nagkaroon na sya ng limang boyfriends at lahat ng mga yun eh hindi nagtatagal. Sa una daw kasi akala nya mga gentlemen pero sa una lang pala at iba na ang gusto ng mga ito after nyang sagutin. Mga manyakis daw sabi nya. Kaya hinihiwalayan sya dahil hindi naman nya isinusuko ang bataan nya sa mga ito.
Me: hay naku! Yan din ung mga sinabi mo noon. Don't me!
Sam: basta ha mamayang break time pupuntahan natin sila makikipag friends tayo. Kailangan ko nang suporta mo dito friend.
Me: bahala ka sa buhay mo. Di kita sasamahan.
Sam: ah ganon.
Kinuha ni Sam ung phone ko at yun nga na game over ako. Kainis.
Me: ano ka ba malapit na ako maghi-score dun eh. Badtrip naman oh!
Sam: frend wala ka mapapala sa kakalaro mo pero dito sa gagawin natin meron. (Sabay turo dun sa grupo ng mga lalaki sa malayong gilid namin. )
At nakita ko nga ung tatlong lalaki sa gilid namin. Mabilis ko silang nakita kasi sila lang naman ung mga lalaki dun. Malayo naman na yung iba. At infairness ha may mga hitsura. Gwapo kung sa gwapo. At halatang mga nagdyigym. Nag uusap ung dalawa pareho namin ni Sam na hindi din nakikinig sa professor maliban dun sa nasa gitna nila na busy sa phone nya. Muka naman silang magkakakilala.
Sam: ano teh may bet ka?
Me: wala
Sam: ay choosy teh? Ganda mo.
Me: di ako katulad mo wala akong panahon sa kalandian.
Sam: eh basta mamaya samahan mo ako. Bet ko kasi teh ung naka blue.
Yung nakablue ung nasa bandang dulo sa window part. Gwapo pero d ko type. Mas gwapo ung nasa gitna for me. Ung isa naman nakasalamin pero gwapo din. Walang tapon mga bes.
Me: ang harot mo talaga. (Sabay kaming tumawa ng mahina)
After 1 hour break time na. Nagpaganda muna si Sam para daw presentable sya. After nun agad nya akong hinawakan sa kamay at nagtungo sa kinauupuan nung tatlo. Marami sa mga kaklase ko ay nasa labas na probably kakain sa promenade o ung iba mag ccr pero ung tatlo parang walang plano tumayo sa kinauupuan nila kaya parang maganda talaga ang timing nitong si Sam.
Sam: hi boys i'm Samantha, sam for short di ba kayo kakain sa baba?
Tumayo ung dalawang lalaki maliban sa gitna.
Luis: hi i'm luis. Kakakain lang kasi namin kanina kaya wala pa kaming gana kumain ulit. (Sya ung nakasalamin)
Miguel: hi i'm miguel and this is Mark (si miguel ung naka blue at si mark ung kanina pa walang pansin sa amin busy sa phone). Pasensya na kayo sa kaibigan namin pipi kasi yan kaya tahimik lang.
Me: ah ganun ba?
At dahil bibo ako at may konting alam ako na mga sign language dahil may pinsan din naman akong pipi eh pinamalas ko sa kanila ang pagsasign language ko.
Me: hi! Ako-si-shaun-kumusta-ka? (In sign language)
After ko ginawa un nakita kong takang taka yung mga muka nila, nilang tatlo pati si Sam.
Makalipas ang mga limang seconds...nagsalita si Mark.
Mark: baliw ka ba? (Inis ang reaction nya)
Sabay nagtawanan sina luis at miguel at nakitawa narin si Sam.
Sam: frend hindi mo ba nagets na joke lang un?
Miguel: pasensya na ... Ano nga palang pangalan mo?
Sam: ah nga pala sya si shaun. Ang maseryosohin kong kaibigan. Pasensya na mahina pumik up ng joke to eh.
Luis: pasensya na shaun. Wala lang sa mood tong kaibigan namin eh.(habang tumatawa parin)
Me: naku ok lang pasensya nadin. (At hiyang hiya ako nakipagkamay kina luis at miguel)
Nandun parin si mark at parang mas nagdugtong pa ang kanyang mga kilay habang nagcecelphone. D ko nalang sya pinansin. Nagpatuloy ang usapan nina sam at miguel, ako at si luis habang mukang wala parin namang pakialam sa amin ang kaibigan nilang si Mark. At dahil wala din sya sa mood makinig sa mga usapan namin ay nagheadset nalang ito at nagpatugtog. Nakwento ni luis sa akin kaya ganun si mark ay dahil last month nakipagbreak at umalis papuntang Canada ang ex-girlfriend nya. Seryosong tao daw talaga si Mark pero nadagdagan daw yun ng kasungitan mula ng iwan sya ng ex nia. Iniintindi nalang daw nilang dalawa ni miguel. Nalaman ko din na matagal na silang magkakaibigan. Pagkatapos ng break time ay agad namang may pumasok na professor kaya nagsi upo upo na ulit kami sa aming mga upuan.
Tuwang tuwa namang nagkekwento si Sam sa akin at madami daw silang napag usapan ni Miguel. Mabait daw si Miguel at may sense kausap. Wala din daw girlfriend ngayon si Miguel at tingin daw nya eh may pag asa talaga sya. Nabubuang na naman talaga ang bruha.
Natapos na nga ang klase at nagpaalam na kami kina luis at miguel.
Pagdating ng mga 7:00 pm nag aya si Sam na sa malapit na past food nalang daw kami kumain at dahil tinatamad akong magluto pumayag nalng din ako. Nagkita kami ni Sam at nakarating kami sa lugar ng mga 7: 25 pm. Humanap na kami ng mauupuan at si Sam na ang inutusan kong umorder dahil pakiramdam ko nafull charge ang pantog ko at kailangan ko ng magbawas ng tubig sa katawan at nagpunta na nga ako ng cr. Pagdating ko sa cr ugali ko talagang maghugas muna ng kamay bago umihi etc. Malinis yung cr, may dalawang urinal at isang cubicle. Pansin ko may tao din maliban sakin at gumagamit sa urinal. Habang naghuhugas ako ng kamay tapos narin gumamit ung lalaki at papunta narin sa pwesto ko para maghugas. Nakatingin lang ako sa kamay ko kaya di ko pa nakikita yung itsura nung lalaki. Nang biglang may nagsalita.
Mark: nandito pala ang sign language master. (Parang naiinis yung pagkakasabi nya)
Nagulat ako at si mark pala ung lalaki.
Me: oh mark ikaw pala anong ginagawa mo dito?
Mark: malamang kakain! Ano bang ginagawa ng mga tao sa ganitong lugar magsashopping?
Ginalingan nya mga bes. Pilosopo ang mokong.
Me: ay akala ko kasi mall to. Mali pala ung napasukan ko. Pasensya na po! (Painis kong sabi)
Mark: weirdo! (Sabay alis)
Me: werdo....werdo..... Sino kayang mas mukang weird sa aming dalawa. Gwapo sana masungit lang. Hay naku! Panira ng gabi ko!
Pagkatapos ko gumamit ng restroom ay bumalik na ako sa table namin ni Sam. At wala parin dun ung kaibigan ko. Tinanaw ko din sya sa counter pero wala din sya dun kaya nanatili lang akong nakaupo sa pwesto namin. Nang biglang may umupong lalaki na may dalang tray ng pagkain. May hitsura na namn mga bes at mukang madalas din sa gym. At mukang kaedaran ko lang.
Me: ay kuya sorry po d na po available tong table nauna po kasi kami dito nung kaibigan ko.
Si kuya: ha eh bakante ito kanina at walang tao dito at saka ito ung mga gamit ko oh iniwanan ko dito kanina para sure na wala ng ibang umupo.
Me: ah eh kuya kami po talaga yung nauna dito. Pasensya napo!
Dalawahan lang kasi ung table na nakuha namin. At isa pa wala na akong makitang bakanteng table. Kaya naman pinaglalaban ko talaga ung karapatan ko dun sa pwesto namin.
Si kuya: wait lang nasaan ba yung kasama mo? Medyo painis na sabi ni kuya.
Oo nga nasaan na ba ung bruha na un. Antagal na ha. Wala parin.
Psst! Psst! Psst! Shaun!
Napatingin ako at si Sam nasa stairs.
Sam: halika na dito. Dito nalang tayo sa 2nd floor.
Nakatingin ako kay Sam ng may pagkainis at pagkahiya namn kay kuya. Si kuya eh nakakaloko yung ngiti nya parang sinasabi nya na sya ang nagwagi. Bruha talaga ang kaibigan ko mamaya lang yun sakin.
Me: ay sorry kuya. Dun nalang daw kami pla sa taas. Pasensya na po ulit.
Si kuya: ok goodbye Shaun right? (Nakangiti parin)
At umakyat na nga ako papunta sa pwesto ni Sam at bes kaya pala na nawala sa baba ang bruha ay dahil nandito sila miguel, luis at mark alam nyo na kung bakit. At kaya pala nagkita kami nung mokong kanina sa cr.
Luis: oh Shaun kanina ka pa namin hinihintay.
Miguel: kanina pa namin kasama si Sam san ka ba nagpunta?
Ngumiti lang ako sa kanila ng pilit papunta kay Sam at alam na nya ibig sabihin nun. Ngumiti lang din sya na parang nagmamakaawa na makicooperate ako sa kanya.
Mark: nagshopping pa yta eh. (Sinabi nya un habang nakangiti)
Me: ha ha ha ha ha
Wla na akong nasabi pa kundi tumawa nalang ng pilit.
Pero wait, ngumiti ang lolo mo. At lalo syang gumwapo ha. Parang malalaglag ang bra ko mga bes. Pero wala pala akong bra.
Kumain na kami habang masayang nag uusap usap maliban kay Mark. Malamig parin ang pakikitungo ng mokong. Muka namang magiging kaibigan namin si miguel at luis eh dedma nalang siguro kay mark. Masasanay din kami.
Itutuloy...

No comments:

Post a Comment

Read More Like This