Pages

Saturday, June 17, 2017

Ang Tangi kong Inaasam (Part 19)

By: Confused Teacher

“But who can say what’s best? That’s why you need to grab whatever chance you have of happiness where you find it, and not worry about other people too much. My experience tells me that we get no more than two or three such chances in a lifetime, and if we let them go, we regret it for the rest of our lives. “

Paul

“Ano ba talaga Kenzo, bakit ka sumama dito?” Nagtataka kong tanong kay Kenzo nang dumating kami sa site.  Hindi ko talaga maintidihan kung bakit nasa field ang lokong ito. Nasa opisina pa kami nang sinabi nyang sasama siya hindi ko naman sineryoso dahil first time niyang gagawin ang ganoon,  akala ko nagbibiro lamang.  Pero nang makita kong kasunod ko nga ang kotse niya saka lamang ako naniwala.

“Wala naman, gusto lamang ni Boss na maging familiar ako sa nangyayari sa field.”
“At kailan pa naging concern ng accounting ang field works?”
“Malay ko bakit hindi si Boss ang tanungin mo, saka teka muna, bakit parang ayaw mo akong makita dito, may itinatago ka ba na pwede kong matuklasan dito?”
“Gago! Anong itinatago ang pinagsasabi mo diyan?”
“Bakit parang hindi ka mapakali na narito ako?”
“Nagtataka lamang ako dahil first time na may taga accounting na lumabas.”
“Well masanay ka na dahil lagi na akong pupunta sa field, nakakainip kaya sa office.”
“O siya, halika na at maipakilala na kita sa mga tao natin, the Great Kenzo Martinez, next accounting head.”
“Baliw!”
Hindi ko talaga alam kung ano ang pumasok sa utak ng lokong ito at sumama sa akin. Hindi naman siya nakakaabala dahil hindi naman nagtatanong, bagamat laging nasa tabi ko mukha namang walang interes sa aking ginagawa o sinasabing instructions sa mga tao.  Hanggang dumating ang lunch time.  Nagpadeliver na lamang kami ng pagkain para hindi na rin kami lumabas ng site.
Mga bandang 3 pm nagtext si Patrick. 
“Boss, pwede ba tayong lumabas ngayong gabi.” Nabigla ako sa nabasa ko kaya kailangan ko pang ulitin ang basa.

“Bakit may problema ba?” iyon agad ang naitangong ko kasi mula ng mag join siya sa company first time siyang nagtext.  Usually ay ako ang tumatawag sa kanya kung may kailangan akong itanong regarding his project pero never niyang ginawa ang una akong kausapin sa phone.
“Wala boss, gusto ko lamang magkausap tayo ng personal.” Iyon ang maikli niyang sagot.
“Sure, no problem,” hindi ko alam pero may kilig akong naramdaman sa sinabi nyang magkausap ng personal.
“Kuya  Paul doon na lamang tayo magkita sa restaurant kung saan tayo kumain after ng JS ko if you still remember the place.”
 “Of course I remember that Pat!”
Halos mapalundag ako sa tuwa, sa nabasa ko, una tinawag niya ulit akong Kuya Paul. Pangalawa ay don pa sa memorable na restaurant na iyon kung saan naging kami. Alam kong sobra ang ngiti ko. Nakita ko naman ang nagtatanong na mukha ni Kenzo,
“Bagong textmate?” sarkastiko niyang tanong.
“Mind your own business!” tiningnan ko lang siya ng masama.
“Patingin, aktong aagawin niya ang phone ko, pero naiiwas ko.
“Sabing mind your own business,” natatawang asar ko sa kanya. 
Hindi naman bago sa amin ang maghiraman ng phone.  Para ko talagang kapatid ang lokong ito kaya walang issue sa amin ang magbasa kahit mga messages sa phone. Kahit ako nahihiram ko ang phone niya at nababasa kung ano man ang naroon na hindi nagiging problema.
“Mukhang luma lovelife na si lover boy!”
“Wala kang paki, humanap ka ng sa iyo.” At tinalikuran ko siya.  Sinagot ko lamang ang text ni Pat at sinigurong dadating ako bago pinuntahan ang mga trabahador namin. Hindi pa rin matapos ang pang-aasar ni Kenzo na hindi ko pinansin ayoko namang mapansin ng mga trabahador ang kulitan namin.
Before 5 ay umalis na rin si Kenzo, hindi ako sumabay dahil nagpasabi ang kliyente namin na kakausapin ako.  Kaya naghintay na lamang ako habang nakikipagkwentuhan sa mga tao.  Maaga pa naman. 7 pm pa ang usapan namin ni Pat.
Pero lampas ala sais na ay wala pa.  Medyo naiinis na ako. Plano ko pa naman na ako ang mauuna sa restaurant. Tatawagan ko sana ang kliyente namin nang mapansin kong…
“Putek, wala ang cellphone ko.”
Lumapit ang isa naming tauhan at nagtanong dahil napalakas yata ang pagsasalita ko.
“Boss may problema ba?”
“Nawawala ang cell phone ko”
“Kailan pa boss?”
“Hindi  ako sure, now ko lamang napansin,  pero mga 4 pm ako last na my tinawagan.”
“Sige boss, hanapin natin, sandali lang sabihan ko ang mga tao, na baka makita nila para mabalik agad sa inyo.”
“Salamat,” iyon lamang ang naisagot ko nakakainis talaga bakit ngayon pa,
Hindi pa rin ako makaalis dahil may kakausapin nga ako. Hindi ko pa naman memorize ang number non para ma inform na huwag tumawag sa phone ko. Malamang wala na ring tao sa opisina, nakauwi na tiyak si Krizza. Hindi ko rin memorize ang number ni Patrick para maipaalam na male late ako.
Quarter to seven nang dumating ang kausap ko, hindi ko alam kung nararamdaman niyang gusto ko ng tapusin ang pag-uusap namin dahil wala naman siyang concern.  Lahat naman ay nasa ayos at nakasunod sa plano.  Pero ang dami niyang kwento. Natutuwa siya at maayos ang lahat pero nakakatakang ayaw pa niyang umalis.  Kung hindi lamang kabastusan ay tatapusin ko na ang pag-uusap namin. Pero malaking kliyente siya at hindi ko pwedeng gawin iyon.  Oo o kaya ay tango lamang ang sagot ko sa kanya dahil ang nasa isip ko ay si Patrick.  Naghihintay na siya, ayokong ma late. Pero alam kong late na ako.
Mahigit isang oras kaming nag-usap.  Sobrang late na ako. Hindi ko alam kung ano na ang nangyayare kay Patrick.  Sana naman ay maghintay siya.
“Bwisit talaga, bakit naman ngayon pa sumabay ang kamalasang ito.”
    Halos paliparin ko ang sasakyan para lamang mapabilis.  Bawat minutong naka stop ako sa traffic light pakiramdam ko ay inaapuyan ako.
    “Please naman makisama kayo. Kahit ngayon lang pagbigyan na ninyo ako” iyon lamang ang paulit-ulit kong sinasabi. Mayat-maya rin akong nakatingin sa aking relo.
    Pagdating sa restaurant eksaktong 9 o’clock. Lumapit sa akin ang isang waitress. Hindi ko na siya hinintay magtanong.
    “May reservation ba dito si Josh Patrick Villanueva?”
    “Yes sir!” biglang nagliwanag ang paningin ko.
    “Nariyan na ba siya, nasaan siya?”
    “I’m sorry sir, umalis na po siya mga 30 minutes ago, kasi matagal na rin po siyang naghintay, kayo po ba ang ka-meet niya?”
    “Oo sana, kaso late ako, by the way may nasabi ba siya kung saan siya pupunta? Susunod na lamang ako sa kanya”
    “Nako sir, pasensiya na po, hindi po kami nagtatanong sa customer kung saan siya susunod na pupunta from here. Why don’t you call him?”
    Oo nga naman bakit mag papaalam sa kanya ang customer kung saan pupunta, Bakit ba para akong tanga, ano ba itong ginagawa ko. Kung anu-ano ang sinasabi ko, mabuti na lamang at mabait ang waitress na ito.
    “Ah yes, I will call him, Thank you” Hindi ko naman maipagtapat sa kanya na nawawala ang cellphone ko. 
    Bakit ba puro kamalasan ang nangyayari sa akin.  Ano na ang gagawin ko, saan ko siya hahanapin?
    “Patrick nasaan ka na, bakit hindi mo ako hinintay, nangako naman akong dadating ako diba?”
    Isa na namang sablay, paano kami magkakaayus na dalawa kung lagi na lamang akong sablay.  Siya na nga ang nag effort na magkausap kami heto naman ako hindi na naman nagawa ang part ko. Lumabas ako ng restaurant pero hindi ko alam ang susunod kong gagawin.
    Napasandal na lamang ako sa kotse.  Hindi ko alam ano ang gagawin kanina nagugutom ako pero tiniis ko para sabay kaming kakain pero ngayon hindi ko maramdaman ang gutom.
    Gusto kong sisihin ang sarili ko bakit ba ang tanga ko.   Ayoko pang umuwi naiinis ako.  Hindi ko alam kung saan ako pupunta.

Josh   

“Kanina pa ang sungit mo ano bang problema?” tanong ko kay Shayne.  Napansin ko kasi mula pa nang lumabas kami ng opisina hindi siya nagsasalita. Magkasama nga kami sa kotse ko pero abala siya sa cellphone niya. Nagmemeryenda nga kami pero hindi niya ako kinakausap hindi gaya ng dati.
“Wala, masama bang tumahimik?”
“Hindi naman nagtataka lamang ako, hindi ka naman ganyan kaninang tanghali.”
“Dati naiinis kapag madaldal ako ngayon nagrereklamo ka pag tahimik ako.”
“Ewan ko sa iyo Shayne, ang gulo mo.”
“Mas magulo ka Josh Patrick!”
“Ano nga pingkakaganyan mo, naiinis ka ba sa akin?”
“Kung naiinis ako, sasama ba ako sa iyong magmeryenda?”
“E bakit hindi mo ako kinakausap?”
“For your information, Mr Josh Patrick Villanueva, kanina pa tayo nag-uusap”
“Haist, bakit ba ang labo mo ngayon.” 
Hindi naman siya sumagot
“Saglit lang mag CR lang ako. Babalik din ako agad.” Paraan ko lamang iyon dahil hindi ko talaga maintindihan ang babaeng iyon bakit biglang tinopak. 
Noong tanghali naman ay matino pa panay ang pagbibiro. Sa pagmamadali ko naiwan ko ang cellphone sa table namin.  Hindi na ako bumalik alam ko namang hindi niya iyon pababayaan.  Nagpalipas pa  ako ng ilang minuto sa CR bago bumalik.  Naroon pa rin siya same position pinaglalaruan yung kanyang float.
“Ano tayo na?” tanong ko sa kanya paglapit ko.
“Umuna ka na, dito muna ako.”
“Sira wala kang sasakyan.”
“Mag ta taxi na lang ako.”
“Hindi pwede, hindi ka marunong magtaxi, halika na.” yaya ko sa kanya.
“Hindi na ako bata, para mag taxi lamang hindi ko magagawa?”
“Basta sumama ka sa akin, ayokong iwan ka dito”
“Ayoko nga, mamaya ako babalik wala naman akong gagawin sa office.”
“Shayne, naiinis na ako, tinitingnan na nila tayo, baka isipin ng mga iyan inaaway kita.”
“Ano pa nga ba ang ginagawa mo, sinabi ng ayoko pang bumalik ang kulit mo.”
“Hindi kasi kita maintindihan, o sige kung hindi ka sasama, hindi na rin ako papasok, dito tayong dalawa,”
“Umalis ka na nga sabi, may hinihintay akong kaibigan”
“Sinong namang kaibigan, kilala ko ba?
“Hindi mo kilala kaya umalis ka na”
“Sigurado ka ba?”
“Oo nga, ikaw ang magulo alam mo ba yun?”
“Hindi ka ba galit sa kin?”
“Hindi, pasensiya na masama lang ang pakiramdam ko”
“Gusto mo ba samahan kita sa duktor?”
“Huwag na ako na ang bahala sa sarili ko. Sige na please bumalik ka na sa office.”
Kahit naguguluhan ako ay napilitan na rin akong lumabas pero hindi muna ako umalis, Nakita ko naman may tinawagan siya at matagal silang nag-usap. Naisip ko may hinihintay nga siguro kaya pinaalis na ako.
Kahit nakabalik na ako sa office hindi pa rin mawala sa isip ko ang ikinilos ni Shayne. Bakit  ganon siya parang walang gana na kasama ako. Mataray siya dati pero alam kong biro lamang iyon  dahil sandali lamang ay magpapatawa na, pero nang mga oras na iyon alam kong seryoso,
Nagulat pa ako ng biglang tumunog ang phone ko. Nagtext si Kuya Paul.
“Pat, pwede bang magkita tayo ng 7 pm?
Nagtaka ako, tinawag niya ako sa phone na Pat, at nagyaya na makipagkita ng ganong oras.  Ano na naman ang drama ng masungit kong boss.
“Sige po boss, saan tayo magkikita?” wala sa loob kong sagot sa kanya.
Ibinigay niya sa akin ang pangalan ng restaurant at address kung saan kami magkikita. Pamilyar ako sa lugar na iyon dahil malapit lamang iyon sa opisina namin.  Mabuti na lamang at madaling puntahan.
 “Hmm, at bakit naman kaya doon pa?” Bulong ko sa sarili ko.  Madalas  kasi kaming kumain doon ni Shayne, pero ayus na rin iyon hindi mahirap puntahan mga 30 minutes lang siguro naron na ako.
Bago ako mag out ay tumawag ako kay Shayne. Yayayain ko sa labas habang nagpapalipas ng oras.  Naka off ang phone kaya ginamit ko ang landline, pero nakaalis na raw at nagmamadali. Hindi ko talaga alam kung ano ang nangyayari.  Bakit siya aalis na hindi kami magkasabay.  Kung masama naman ang pakiramdam dapat nagpasama iyon sa akin sa clinic.
Dahil 7 pa naman ang meeting namin ni Kuya Paul, hindi muna ako bumaba.  Ginawa ko na lamang ung ibang pwede kong gawin
6:30 nang lumabas ako, tamang tama naman at hindi ma traffic.  Pagdating ko sa restaurant.  Agad akong nagtanong kung may nakareserve kay Mr Paul Rivera at tama ako meron nga.  Naupo lamang ako at naghintay. Kaso may isang oras na akong naghihintay wala pa rin. Nakaramdam na ako ng gutom kaya nag order na ako at kumain.  Binagalan ko ang pagkain para kung dumating man siya hindi pa ako tapos
“Ano ba namang tao ito, siya ang nagsabi ng 7 pm tapos siya ang wala.”
Hindi na ako makatiis, kaya tinawagan ko na pero nag riring ang phone hindi naman sinasagot.  Naisip ko baka nag bi biyahe, kaya naghintay pa rin ako.  Pero nang mag 9 pm na hindi ko na kaya.  Nagbayad  ako at lumabas na.  Nakaramdam ako ng pagkainis. 
“Hindi ko alam kung ano ang intention mo pero hindi ako natatawa sa ginawa mo.” Iyon ang text ko sa kanya.
Nakasakay na ako sa kotse nang tumunog ang phone ko.

Shayne

“Huwag mo akong kausapin, nakakainis ka talaga Kenzo, ayus na sana kung hindi ka pumalpak?”
“Sorry na Shayne, hindi ko naman alam na hindi pala iyon ang tinutukoy mong restaurant.”
“Sabi mo kasi okay na, akala ko matino kang kausap at naintindihan mo ako.”
“Akala ko iyon ang paborito ni Patrick  kasi diba doon ko kayo madalas makitang kumakain.”
“Ang sabi ko sa iyo, yung restaurant  kung saan sinagot ni Josh si Kuya Paul oo paborito iyon ni Patrick dahil doon naging sila, saka hindi naman kami ni Josh ang mag de date bakit ang naisip mo ay yung madalas naming puntahan?”
“Oo na nga sorry na.” napapakamot siya ng ulo, gwapo sana siya pero nako, nakakainis.
“Paano na iyan, magkaibang restaurant pinuntahan nila, paano sila magkikita?”saglit siyang nag-isip
“Puntahan ko na lang kaya si Paul kasi wala iyong cellphone nasa akin, tapos isasama ko don sa resto kung nasaan si Patrick.”
“Bahala ka, hindi ko alam kung maayos pa ito, baka lalong gumulo. Sa halip na magkabati sila ay baka magkaaway pa. At kapag nangyari iyon Kenzo kasalanan mo lahat, ikaw lamang ang sisihin ko.”
“Sige na aalis na ako, sorry ulit.”
After 30 minutes tumawag na ang loko.
“Wala pa rito si Paul, naloko na pano natin siya maiinform na hindi dito ang meeting place nila?”
“Nagtanong ka ba diyan, baka naman umalis na,”
“Nope, sabi nila hindi pa dumarating.”
“Sige, magtago ka lamang at hintayin mo siyang dumating, tatawagan ko si Josh, titingnan ko kung ano ang pwede kong gawin, huwag ka munang magpapakita kay Kuya Paul tatawagan kita ulit, haist, masasapak talaga kita Kenzo”
“Eto naman o, natataranta na nga ako, tinatakot mo pa.”
Pagkatapos naming mag-usap ni Kenzo, tinawagan ko si Josh.
“Shayne, okay ka na ba, may sakit ka pa ba, pasensiya na ha….”
“Josh, nasaan ka, okay ka lang ba….I mean?
“Medyo badtrip lamang ako, “ nakunsensiya naman ako sa narinig ko
“Nasaan ka, pupuntahan kita”
“Huwag na magpahinga ka na, alam kong masama ang pakiramdam mo, okay lang ako, salamat.”
“Basta pupuntahan kita nasa restaurant ka ba na madalas nating puntahan?”
“Huh, bakit alam mo. Nasaan ka?”
“Basta huwag kang aalis diyan ha, papunta na ako”
“Sige dito lamang ako sa parking area”
“Hintayin mo ako diyan”
“Salamat Shayne”
Pagkababa ng phone ay agad akong nag drive para puntahan si Josh.
“Bwisit ka talaga Kenzo, ang palpak mo!” iyon lang ang nasa isip ko habang nag da drive, naawa ako sa sitwasyon ni Josh.
Ilang minuto pa nakita ko si Josh na nakasandal sa kotse niya.  Nagpark muna ako at nilapitan siya.
Bigla ko siyang niyakap at alam ko namang nabigla siya.
“Sorry Josh!”
“Okay ka lamang ba? Nakakapanibago ka, kanina lang ang sungit mo ngayon naman bigla kang nangyayakap”
“Shut up! Basta sorry ha”
“Okey na yun, kumain ka na ba?”
“Hindi pa nga, halika kain tayo ililibre kita.”
Habang kumakain kami tumawag si Kenzo, lumabas muna ako para kausapin siya.
“Ano na naman, nakakainis ka talaga.”
“Sorry na nga po, narito na si Paul, magkasama na kami”
“Oo na so paano natin ito maayos?”
“Ganito na lamang pumunta kayo don sa tabing dagat.  Tapos pupunta rin kami don, iwan na lamang natin sila pag naron na tayo”
“Sigurado ka bang hindi na palpak iyan?”
“Promise, hindi na.”
“Baka sa Pacific Ocean kami pupunta, tapos nasa Atlantic Ocean pala kayo?
“Naman ito e,”
Para makasiguro ibinigay niya ang exact na lugar kung saan kami pupunta. Pagbalik ko kay Josh

“Josh, may lakad ka ba after nito?”
“Wala na. kasi yun nga lamang meeting namin ni Kuya Paul ang reason kaya lumabas ako, alam mo naman na hindi na ako masyadong nagpapagabi sa labas ngayon, kaso hindi ko alam anong nangyari don.”
“Gusto mo gala muna tayo?”
“Gabi na saan tayo pupunta?
       
“Wala namang pasok bukas, halika na tayo na?”
“As in ngayon agad, hindi pa natin natatapos ang pagkain.”
“Ayus lang iyan, halika na nabayaran ko na iyan, huwag ka ng mag-alala, di ba sabi ko libre kita ngayon.”
“Ang bait mo talaga Shayne, sana araw-araw ka na lamang ganyan.”
“Sumunod ka na lang sa akin ha.”
“Okay!”

Paul

Hindi ko talaga alam ang gagawin ko  naiinis pa rin ako nang bigla kong matanawan si Kenzo papalapit sa akin.
“Bro,  salamat at dumating ka.”
“Bakit anong nangyari?”
“Nagyaya si Patrick na magkita kami kaso sobrang nalate ako, nakaalis na siya nang dumating ako,”
“So ano ang plano mo ngayon?” Kaswal niyang tanong parang hindi man lang siya apektado na si Patrick ang pinag uusapan namin alam naman niyang malaking bagay sa akin kung magagalit si Pat.
“Wala!” maikli kong sagot. Ipinaramdam ko sa kanya na bad trip ako
“Tara!”
“Ayoko, tinatamad ako, nawawala pa cellphone ko”
“Ayos lang iyan, tayo na  punta tayo sa tabing dagat”
“Narinig mo ba ang sinabi ko?”
“Oo nawawala ang cellphone  mo, huwag mo na yong isipin phone lang yun, bibili tayo ng kapalit.”
“Gago ka mahal yun!”
“Pahihiramin kit ng pambili, o kaya bibigyan kita,  unless my scandal ka don kaya ka natatakot.”
“Tarantado ka, hindi ko gawain iyon.”
“Iyon naman pala e, halika na balik tayo don sa pinuntahan natin dati sa tabing dagat  papalipas lang ng oras.”
Wala na akong magawa, sumakay na siya ng kotse niya kaya sumunod na lamang ako. Sa daan iniisip ko pa rin ang mga nangyari.  Nakakainis lamang.  Sana naman ay huwag siyang magalit.  Oo nga at iniiwasan ko siya pag nasa opisina pero gustong-gusto ko siyang kausapin.  Hindi ko nga lamang alam kung paano.
Hindi ko kasi masabi sa kanya na nahihiya ako sa nangyari.  Kahit sana maging magkaibigan na lamang kami o kahit mag kuya gaya ng dati.  Tanggap ko na rin na sila talaga ni Shayne.  Nakita kong masaya sila kapag magkasama kaya hindi na ako eeksena.  Pero gusto ko pa rin siyang makausap.  Naalala ko noong nasa hospital siya mali nga lamang isipin na sana hindi muna siya lumabas. At least doon nagagawa ko iyong mga dati kong ginagawa sa kanya.  Naalagaan ko siya at naasikaso.  Kahit iyon lamang masaya na ako.  Basta kasama at nakakausap ko pa rin siya.  Wala naman akong balak na guluhin sila ni Shayne.

Alam ko hindi na siya galit sa akin, minsan nagkukusa na siyang batiin ako kahit nagpapaka pormal ako sa kanya.  Ayoko lamang paasahin ang sarili ko. Pero ang saya ko pag tinatawag niya ako,  Pero sa nangyari sana naman ay huwag siyang tuluyang magalit sa akin.  Ang hirap nong pinag daanan ko iyong mga panahong galit siya.
Nauna pa pala ako kay Kenzo.  Naka park na ako nang dumating siya.  Tumabi lamang siya sa akin habang nakasandal ako sa kotse.
“Bro, swimming tayo”
Biglang bati niya paglapit sa akin.
    “Alam mo na we-weirduhan na ako sa iyo, hindi ko alam kung hinahangin na iyang utak mo o naeengkanto ka na nga”
    “Eto naman. Gusto ko lamang gumaan ang pakiramdam mo.  Mukha kasing isang tonelada iyang dinadala mo. Kaya narito ako para samahan ka”
    “Hindi ko nga alam kung may dalang malas yung pagsama mo sa akin sa site.  Ang daming palpak na nangyari ngayong araw at nagsimula iyon nong sumama ka kanina sa akin.”
    “Ang brutal mo naman sa akin bro.  Lagi naman tayong magkasama pero wala namang nangyayaring masama sa iyo ah.”
    “Iniisip ko nga e, parang mas marami nga yatang kamalasan na nangyayari sa akin kapag magkasama tayo.”
    “Walanjo bro, ganyan na ba talaga tingin mo sa akin?”
    “Joke lang, pero bakit tayo narito anong gagawin natin dito, magbibilang ng stars?”
    “Hinde magbibilang ng buhangin, kaya simulan mo na marami-rami kang bibilangin.”
    Babatukan ko sana siya kaso tumunog ang phone niya.  Naalala ko na naman ang phone ko,  Lumayo siya at mahinang nagsalita.  Maya-maya ay lumapit sa akin.
    “Bro wait lang ha. May titingnan lamang ako sa banda ron.”
Hindi na ako nakasagot kasi tumalikod na siya.  
    Pinagmasdan ko lamang ang maliliit na ilaw na natatanaw ko sa dagat.  Wala namang masyadong tao, gaya ng dati bagay na bagay sa pag eemote.  Pero wala ako sa mood mag emote.  Naiinis ako sa mga nangyari sa araw na ito. Maliwanag sa lugar ko pero paisa-isa lamang ang nakikita kong dumadaan.
    Nang mula sa likuran narinig kong may nagsasalita.
    “Ano bang gagawin natin dito?” pamilyar ang boses na iyon. At paglingon ko nakita ko nga si Patrick nakasimangot kasama si Shayne.
    “Hi Sir Paul, narito ka rin pala?” bati niya. Tumango naman ako sa kaniya pero halatang  naiinis si Patrick.
    Hindi naman ako nakapagsalita.  Nakatingin lamang sa akin si Patrick hindi ko alam kung nabigla o talagang bad trip.
    “Ay Josh, naiwan ko phone ko sa car, wait babalikan ko” sabay talikod at nagmamadaling naglakad.  Naiwan si Patrick na walang kibo.
    Lumapit ako sa kanya.
    “Patrick sorry ha, may kinausap pa kasi ako tapos matraffic hindi ko naman alam na aabutin ako ng ganoong oras.”
    Hindi pa rin siya nagsalita nakatingin sa malayo.
    “Ano pala ang pag-uusapan natin, bakit mo ako gustong kausapin?” Nabigla yata siya sa tanong ko kaya humarap sa akin.
    “Ikaw kaya ang nagtext na kakausapin mo ako?”
    “Hindi ako, ikaw ang may sabi na magkita tayo don sa restaurant na pinuntahan natin noong JS mo?”
    “Huh, hindi naman doon ang address na ibinigay mo sa akin.  Eto ang message mo” ipinakita niya sa akin ang cellphone niya at may message nga galing sa number ko. Napangiti nga ako dahil Kuya Paul ang nakaregister na name ko. Pero paano nangyari iyon hindi naman ako nagtext sa kanya. Saka bigla akong may naisip
    “ E sino ang pumunta don sa resto na kakaalis lamang daw nang dumating ako?”
    “Ako iyong galing doon, kinonfirm ko kasi kung pumunta ka,  hindi na kita kinontak  diba nawawala ang phone mo. Umalis din ako noong wala ka pa ‘ron para ipaalam kay Shayne na hindi ka pa dumarating.”
 Biglang sagot ni Kenzo galing sa kung saan, kasama ang nahihiyang si Shayne. Hindi ko maintindihan bakit alam nilang dalawa ang lahat ng nagyayari. Pati pagkawala ng phone alam niya e sinabi ko lamang iyon sa kaniya nang magkita kami. Parang may mali. Magtatanong sana ako nang biglang sumagot si Shayne.
    “Kasi Kuya Paul, nagkamali si Kenzo ng bigay ng address, hindi alam ni Josh na don kayo magkikita, iba ang pinuntahan mo iba ang pinuntahan niya.”
    Nagkatinginan naman kami ni Patrick.
    “Ibig sabihin Pat, hindi ikaw ang nagtext sa akin na pumunta doon?”
    “At hindi rin ikaw ang nagbigay ng address ng restaurant na pinuntahan ko?”
    Sabay kaming napatingin sa dalawang salarin
    “I think Shayne we better go, its too late”tumingin pa sa relo niya.
    “Right Kenzo, hinahanap na ako ni Mommy, aalis na ako, Bye Josh, bye Sir PJ.”
    At walang sabi-sabing tumalikod at sumakay sa kotse nila.
    Naiwan kaming walang imikan.  Ilang sandali rin kami sa ganoong sitwasyon.
    “Sorry!” sabay naming bigkas.
    “Ahm, sige Kuya Paul kung may sasabihin ka okay lamang mauna ka na”
    Hindi na ako papayag na hindi ko masabi sa kanya ang lahat. Iyon na lamang ang naisip ko,  Ito na nga siguro ang tamang pagkakataon at hindi ko na ito palalampasin.
    “Pat, siguro nga kailangang nating mag-usap.  Alam kong malaki ang kasalanan ko sa iyo, Hindi ko alam kung kaya mo pa akong patawarin pero sorry pa rin. Sorry din sa ginawa ni Dianne”
    “No Kuya Paul, ako ang may kasalanan sa iyo, naging selfish ako hindi kita binigyan ng chance magpaliwanag,”
    “Hayaan mo na iyon Pat, tapos na iyon nalimutan ko na ang lahat ng iyon.”
    “Pero gusto ko pa ring mag sorry Kuya Paul, nahihiya lamang ako sa iyo kaya ako umalis…”
    “Sssshhh, matagal na iyon, kumusta ka na?” pagbabago ko ng usapan
    “Ayos naman ako Kuya Paul, ikaw ba?”
    “Ngayong nagkausap na tayo, okay na ako, masaya na ako.”
    “Kuya Paul, I miss you, I miss you so much,” at walag sabi-sabing yumakap siya sa akin.
    “I miss you too Pat, ang tagal kong hinintay marinig mula sa iyo ang mga salitang iyan. Ang tagal kong pinangarap na sabihin mo iyan sa akin.”
Bumitiw ako sa pagkakayakap. Tinitigan ko siya sa mukha pero tumungo siya
    “Sorry po Kuya Paul,  nasaktan kasi ako akala ko noon kinalimutan mo na ako, akala ko kasi hindi mo na ako babalikan.”
      “Kahit kailan Pat, hindi nagbago ang nararamdaman ko para sa iyo. Mahigit anim na taon kong hinintay ang pagkakataong ito na mayakap ka. I really miss you Patrick.” At muli ay niyakap ko siya.

No comments:

Post a Comment

Read More Like This