Pages

Saturday, June 17, 2017

Little Infinities (Part 4)

By: Joshua Anthony

Dahil na rin sa kabutihang loob ni Chard at pagsusumikap na mas makilala ako ay tuluyan nang naging magaan ang loob ko sa kanya.

Madalas na rin kaming magkausap sa pamamagitan ng text messaging o kaya naman ay phone call. Madalas pa rin na ginagamit niya si Basty na dahilan upang pumunta sa aking tinutuluyan sa tuwing wala akong pasok.

Balik trabaho na rin ako sa coffee shop. Kasabay niyon ay ang pagtapos ko sa proyektong ibinigay sa akin ng aking propesor. Katulad ng orihinal na balak ay naisumite ko iyon ng mas maaga kaysa sa inaasahan.

Halos araw-araw din kung magpunta sina Chard at Basty sa coffee shop, kung minsan ay kasama pa si Tita Edith. Maigi na rin at ganito dahil nakababawas ng pagod ang sayang dulot ni Basty sa aming lahat. Maging ang mga customers ay magiliw siyang kinatutuwan.

Sa tuwing sila ay inaabot ng aming closing time ay inihahatid ako nina Chard sa aking bahay. Madalas ay doon na rin sila naghahapunan bago umuwi.

Si Chard. Ang napakagandang tao na si Chard.

Hindi mo aakalain na mayroon pa palang ganoong uri ng tao dito sa mundo. Halos lahat ay nasa kanya na: itsura, tangkad, kisig, kabaitan, at pagiging responsable.

Siya pa lamang muli ang taong nakapagpadama sa akin na hindi naman mahirap na muling magtiwala. Totoo siya sa lahat ng kanyang ipinapakita. Hindi ko pa man nasusundan pa ang kwento ng aking buhay sa kanya, walang pag-aatubili niyang ibinahagi sa akin ang kanyang buong buhay.

Dahil doon ay napag-alaman kong hindi niya pala biological son si Basty. Anak daw si Basty ng matalik niyang kaibigan na si Sebastian. Namatay daw ito dalawang taon bago sila makapagtapos ng kolehiyo. Mahal na mahal daw niya ang kaibigan niyang iyon kaya’t ganoon na lamang din ang pagmamahal niya sa bata. Alam ko ang kanyang ibig sabihin patungkol sa pagmamahal niyang iyon sa kaibigan.

Maging ang ina ni Basty ay nakausap ko na rin ng minsan sa pamamagitan ng Skype. Magiliw siya kung kausapin. Katulad ng anak ay matanong din at kung ituring ako ay parang matagal na kaming magkaibigan.

Kasabay daw nilang umuwi ng Pilipinas ang ina ni Basty, maging ang mga magulang ni Sebastian, upang makiramay. Kinailangan lamang daw na bumalik din kaagad ng London dahil sa kanilang mga trabaho’t negosyo.

Alam ko naman sa aking sarili na hindi pa rin ako handa sa kung ano man ang kahinatnan ng istorya namin ni Chard. Ang alam ko lang ay masaya ako sa tuwing kasama ko sila. Itinuturing ko na rin kasi silang parte ng aking buhay.

Minsan, isang gabi, ay muli akong inihatid nina Chard at Basty sa aking tinutuluyan. Dito na rin sila naghapunan. Nagluto kami ni Chard ng paborito ni Basty na Sinampalukang Manok.

Matapos naming kumain ay nanood na muna kami ng pelikula sa aking laptop habang nakasalampak sa couch. Nakaupo kami ni Chard sa magkabilang dulo habang si Basty naman ay nakaunan sa hita ni Chard at nakapatong ang mga paa sa akin.

Ilang minuto pa lamang ang nagdaan ay nakita namin na mahimbing na natutulog si Basty. Matapos matitigan ng ilang sandali ay nagkatinginan kami ni Chard at nginitian ang isa’t isa.

Kahit na hindi talaga magkadugo ay hindi mo maipagkakailang may pagkakahawig silang mag-ama. Makakapal na mga pilik-mata, maputing balat, kulot na buhok.

“Magkamukha kayo.” mahina kong sabi kay Chard.

Ngumiti siya at muling tiningnan ang anak. “I have so much love for this kid.” sabi niya.

“I bet you do.” sagot ko.

“I want nothing but the best for him, you know?” pagpapatuloy niya habang hinahaplos-haplos ang buhok ng anak. “I had never understood such love until I got the chance to be his dad.”

Kita ko sa kanyang mga mata ang sinseridad. Mapayapa ang kanyang mukha; animo’y nahuhumaling sa paghahaplos sa isang anghel.

“Basty is beyond blessed to have you as his dad.” malumanay kong sambit.

Ibinaling niya sa akin ang kanyang paningin at saka ako nginitian. Ang mapupula ngunit maninipis niyang mga labi ang siyang pinagtuunan ko ng pansin. Kitang-kita ang lambot niyon.

Muli ko siyang tinignan sa mga mata. Ganoon pa rin; parang noong unang beses ko siyang nakita—nakapanlalambot, nakapupukaw ng atensiyon.

Napansin ko na may iba sa kanyang pagkakatitig. Inililibot niya ang kanyang mga mata sa aking mukha na parang kinakabisado ang bawat detalye. Sa pagkailang ay bumitaw ako sa pagkakatitig at idinampi ang mga palad sa aking batok.

“Nate.” bigla niyang pagtawag.

May kaunting hiya man ay muli ko siyang tiningnan.

“I think, I have so much love for you, too.” sunod niyang sabi.

Hindi ko alam ang sasabihin. Nanunuyo ang aking lalamunan dahil sa pagkagulat. Maging ang aking mga mata ay halos lumuwa na dahil sa kanyang sinabi. Nararamdaman ko rin ang pag-init ng aking tainga. Samantalang siya ay mapayapa pa rin na nakatingin sa akin.

“Another kind of love, of course!” nangingiti niyang paglilinaw.

Bakas din naman sa kanyang mukha ang pagkahiya. Napipikit lamang siya at saka tatawa nang bahagya upang mapagtakpan iyon.

“I want to be with you. I want to take care of you.” pagpapatuloy niya. “And yes, it’s not that easy because I know that you have your own plans in life. Still, I’m in love with you.”

May kung ano sa aking pakiramdam na hindi ko maintindihan. Para akong maiiyak na nakikiliti sa sikmura.

“Uh—” panimula ko. Hindi pa rin sigurado sa sasabihin.

Paano ko ba sasabihin sa kanya na gusto ko rin siya, ngunit hindi pa ako handa? Ayaw kong mawala sila sa akin ni Basty. Ayaw kong muling mawalan.

Muli na sana akong magsasalita, ngunit naunahan niya ako hindi ko pa man naibubuka ang aking bibig.

“You might not be ready yet, I know, but I just wanna tell you that I am willing to wait. Just give me a chance to prove my love to you, Nate.” pagpapatuloy niya. “Because it’s something on the inside that just wants to explode for all the world to see.”

Bigla ko na lamang naramdaman ang maiinit na pagpatak ng aking luha. Hinila ko ang manggas ng aking damit at saka nagpunas ng mga mata. Matapos niyon ay muli ko siyang hinarap.

“I—” bigla kong tugon. “I would hug you right now, but—” sunod kong sabi bago itinuro ang mga paa ni Basty sa aking mga hita.

Napasandal sa couch si Chard at inilapat ang ulo patingala sa kisame kasabay ang abot-tainga na pagngiti.

“Don’t worry about it.” natatawa niyang sabi sa akin.

Muli kong idinampi ang aking mga kamay sa aking mukha. Naramdaman ko na lamang na pilit inabot ni Chard ang isa kong kamay at mahigpit itong kinapitan. Nakangiti akong nakatitig sa aming mga kamay.

“We’ll figure this out, yeah?” nakangiti niyang sabi sa akin. “Let’s be scared together.”

Tumango lamang ako at marahan ding pinisil ang kanyang kamay.

Sa kanilang tinutuluyan kami nagdaos ng kasiyahan sa pagsalubong sa bagong taon. Sama-sama kaming naghanda mula sa pamimili ng mga lulutuin at maging sa pagluluto. Si Jackson ay masaya rin na palaging kalaro si Basty. Si Tita Edith naman ay malugod pa rin ang pagtanggap sa pagtanggap sa akin at tinuturing na rin akong parte ng kanilang pamilya.

Bagong taon at siguro nga’y bagong buhay para sa amin… para sa akin.

Unang beses na hindi libro lamang ang kaharap ko habang ang iba ay nagbibilang na upang salubungin ang bagong pag-asa. Pag-asa na akala ko noo’y nawala na kasama ng mga alaala ng nakalipas.

Naging mas maaliwalas ang mga sumunod na mga araw. Hindi pa man ganoon kalinaw para sa aming dalawa ni Chard ang kung anong meron kami, mas naging malinaw naman ang pakikitungo namin sa isa’t-isa.

Kinasasabikan ko ang bawat sandali na kami ay magkikita. Madalas ay sinusundo niya ako pagkatapos ng aking klase dahil nag-aalala raw siya para sa akin. Para namang hindi niya alam na sanay na ako dahil evening classes naman na ang palagi kong kinukuha noon pa.

Ang mga araw ay mabilis na lumipas. Mga araw na naging mga linggo, hindi ko na namalayan na halos matatapos na pala ang unang buwan ng taon.

Ipagdiriwang namin ang kaarawan ni Chard bago matapos ang buwan. Isang maliit na salu-salo lamang ang aming naisipan, ngunit pinilit ni Sir Mark na idaos ito sa coffee shop dahil inimbita rin niya ang ilan nilang mga kaibigan mula sa Maynila. Iyon kasi ang unang beses na magkikita-kita rin sila ng sama-sama kung sakali.

Kahit na may halong kaba, ay sabik din naman ako na makilala ang mga kaibigan ni Chard.

Sabado ng gabi ng kaarawan ni Chard ay hindi kami matapos-tapos na dalawa sa pagdedesisyon kung ano ang kanyang susuotin. Halos nasa tatlong oras na kaming panay tawanan lamang dito sa kanyang silid dahil kung anu-ano ang aming napag-uusapan, imbes na maisipan na kung ano ang pinakabagay sa kanya.

Patagilid akong nakahiga sa kanyang higaan paharap sa bandang paanan nito kung saan siya naman ay nakaupo. Pinagmamasdan ko ang kanyang mukha at binabalikan ang aming mga matatamis na karanasan sa mga nakalipas na mga linggo.

Tinaggal niya ang tali ng kanyang buhok upang patuyuin. Wala siyang ibang suot kundi boxers dahil nga paiba-iba siya ng mga sinusukat na damit. Iniwawasiwas niya ang mga buhok gamit ang mga kamay. Hindi ko mapigilan na muli siyang titigan—ang matipuno niyang braso at balikat na parang inaaya akong mayakap, ang matikas niyang dibdib at kaakit-akit na sikmura.

“Hon, I’m sexy and I know it.” bigla niyang sinabi habang may pasayaw-sayaw pa kahit na nakaupo.

Tumawa lamang ako ng malakas at binato siya ng unan. Bigla akong bumangon upang muli siyang hanapan ng damit, ngunit bigla niya akong hinila at saka mahigpit na niyakap.

Ramdam ko ang init at kisig ng kanyang katawan. Bahagya siyang kumalas mula sa pagkakayakap at tinitigan ako sa mga mata. Hinahaplos-haplos niya ang aking mukha at nilapat ang isang daliri sa aking mga labi.

Titig na titig pa rin ako sa kanyang mga mata habang siya naman ay parang baliw na nahuhumaling sa aking labi.

Nais kong lumunok ng laway dahil natutuyuan na ako ng lalamunan ngunit parang hindi ko magawang kumilos. Nag-iinit na rin ang aking mga pisngi dahil sa kung anong sensasyon na nararamdaman.

Muli niya ako tiningnan sa mga mata at saka nginitian. Hindi ko naman magawang ngumiti dahil may kung anong kiliti sa katawan akong nararamdaman. Napansin ko ang paglapit niya sa aking mukha at saka dahan-dahan akong hinalikan sa aking mga labi.

Wala na akong pinalampas pang pagkakataon at sinuklian din ang mainit at sabik niyang paghalik sa akin. Halos maubusan kami ng hininga dahil sa pagpapalitan namin ng pagkahumaling sa isa’t-isa. Inililibot ko ang aking mga palad sa kanyang katawan habang hindi bumibitaw sa kanyang mga labi. Nakadaragdag sa sensasyon ang paghaplos niya sa aking batok at marahang pagsabunot sa aking buhok habang patuloy pa rin ang aming halikan.

Bigla niya akong ihiniga at saka pinatungan.

Ramdam ko ang tigas ng kanyang alaga na kanyang idinidiin sa aking harapan. Hindi ko napigilan ang aking sarili at ibinaba na rin sa kinaroroonan niyon ang aking isang kamay. Pinisil-pisil ko ang galit niyang alaga, hindi alintana ang tela ng kanyang boxers sa pagitan niyon at ng aking palad.

Maya-maya pa’y ibinaba niya ang paghalik sa aking leeg at saka dahan-dahang hinuhubad ang aking pang-itaas. Bahagya akong bumangon upang alisin iyon ng tuluyan, ngunit hindi ako muling humiga. Bumuwelo ako at siya naman ang aking ihiniga upang paibabawan. Bigla ko na lamang hinila pababa ang kanyang boxers at saka sinunggaban ang kanyang alaga na naglalaway na. Sinubo ko iyon habang pinagmamasdan ang kanyang hindi maipaliwanag na reaksyon. Hindi niya malaman kung ano ang kakapitan nang nagsimula na akong itaas-baba ang aking bibig sa kumikislot-kislot niyang sandata.

Hinawakan niya ang aking ulo at kinadyot-kadyot ang aking mukha habang umuungol dahil sa sarap na nararamdaman.

“Ohhh… Fuck, fuck, fuck!” mahihina niyang sambit.

Ilang sandali pa ay tumigil ako sa pagsubo at nagsimula muling halikan ang puno ng kanyang alaga pataas sa kanyang pusod, papunta sa kanyang mga utong. Patuloy siya sa paghaplos sa aking batok at likod habang umuungol-ungol pa rin.

Iniikot niya ako at muling pumaibabaw sa akin. Madali niyang hinubad ang aking pang-ibaba kasama na ang aking underwear at saka rin sinunggaban ang aking matigas na ari. Halos ikabaliw ko ang sarap ng kanyang bibig sa aking alaga. Mas naging masarap iyon nang magsimula siyang laruin ang aking butas gamit ang kanyang daliri.

Inialis niya ang kanyang bibig sa aking alaga upang halik-halikan at himurin ang aking mga itlog at singit. Binabate niya ang aking ari gamit ang isang kamay, habang patuloy na nilalaro ang aking butas gamit ang mga daliri sa kabila.

Dahan-dahan niyang ibinuka ang mga pisngi ng aking puwit saka nilaro-laro ito gamit ang kanyang dila. Halos pasigaw na akong umuungol dahil sa sarap niyon.

Ilang sandali pa ay bigla siyang bumangon at saka ipinusisyon ang sarili upang ako ay pasukin na. Dumura siya sa kanyang kamay at saka ipinahid sa kanyang alaga. Idinikit niya ang ulo nito sa aking butas at saka dinuraan. Taas-baba niya itong inilapat-lapat sa aking butas bago nagsimula akong pasukin.

Hindi man ito ang aking unang beses ay may sakit pa rin akong naramdaman. Hindi ko na rin kasi alam kung kailan ang huling beses na pumayag ako sa ganito.

Nang maipasok ang ulo ng alaga niya ay sandali muna niya akong hinayaan. Tinanguan ko siya at nagsimula na siyang ipasok pa ito nang mas malalim. Naging mas madali na nang maipasok niya iyon ng buo at saka dahan-dahang inilabas-masok.

Sa bawat kadyot ay kakaibang sakit at sarap sa aking pakiramdam. Sinasabayan ko ang kanyang pagkadyot sa paglalaro rin ng aking ari.

Tanging ungol ng sarap at ingit ng higaan ang tunog na bumalot sa silid na iyon…

Matapos ang mainit naming pag-iisa ni Chard ay sabay din kaming naligo dalawa.

Sa huli ay nauwi lamang ang aming desisyon sa isang floral na longsleeves at denim jeans. Kung sakaling masyadong malamig sa labas ay may bitbit din akong leather jacket para sa kanya.

Maayos din naman ang aking suot na damit. Hindi na kailangan pang idetalye dahil hindi ko naman araw ito. Sabihin na lang natin na maganda na ring tignan para maipakilala ako sa kanyang mga kaibigan.

Ang palagi niyang nababanggit sa akin ay sina Maddie at Zeke na ngayon ay mag-asawa na. Sila raw ang pinakamadalas niyang kasama noon at halos kapatid na rin talaga ang turing sa kanya.

Tinahak namin ang mamasa-masang daan habang nag-aawitan ng kung ano mang tugtugin sa kanyang playlist. May paulan-ulan kasi buong maghapon, ngunit hindi naman naging ganoon kalakas. Si Basty ay nauna na kasama ni Tita Edith sa coffee shop. Nakatanggap ako ng mensahe mula sa kanya at nagtatanong kung nasaan na kami dahil nandun na raw ang ibang mga bisita.

Habang nagmamaneho ay panay ang pag-indayog ni Chard dahil sa mga masasayang awitin na aming sinasabayan. Ang paborito niyang “Love Like This” ng Kodaline ang aming sinasabayan habang nagtatawanan.

Pagdating sa coffee shop ay mabilis namin iyong nai-parke dahil sa tapat lang naman iyon ng mismong shop. Bago lumabas ay isinuot ko na muna kay Chard ang jacket.

“Check out my dashing boy!” pangungulit ko.

Ngumiti siya ng malaki habang itinataas-baba ang mga kilay.

“I know. What a stud, right?” may kayabangan niyang pangungulit din at saka tumawa. “Let’s go, hon? I’m excited to see my old friends!” dagdag niya bago binuksan ang pinto ng sasakyan at saka lumabas.

Nakaakbay siya sa akin habang kami ay naglakad papasok ng coffee shop. Sinalubong kami ni Basty na animo’y binata na rin dahil sa suot na polo at slacks.

“Happy birthday, dad!” bati niya sa ama matapos itong yakapin. “Ninang Maddie’s got a baby in her belly!” dagdag niya bago ituro ang isa sa mga bisita.

“Here’s the guy of the night!” biglang sigaw ng isang lalaki na mukhang black American.

Nagtinginan sa amin ang mga nakangiting mga tao sa loob ng coffee shop at saka isa-isang binati si Chard. Sa bawat pagbati at pag-abot ng kanilang kamay ay ang pagpapakilala sa akin ni Chard sa kanila. Kung tutuusin ay iilan lamang sila, ngunit hindi ko alam kung papaano matatandaan ang kanilang mga pangalan—Zeke, Maddie, Jerry, Brett, Natalie.

Ang ilan daw sa kanila ay kanina pang tanghali dumating. Narinig ko rin na may isa pa raw na parating pa lang at isasama ang kanyang boyfriend.

Walang kung anu-anong mga seremonya. Tanging kwentuhan, kainan, at tawanan ang pumuno sa selebrasyong iyon. Sa tuwing may pagkakataon ay hinahawakan ni Chard ang aking kamay may kausap man siya o wala, nakaupo man o nakatayo.

Hindi naman ako nahirapan na makipag-usap at kilalanin ang mga kaibigan niya. May mga sandali na tampulan kami ng kanilang mga asaran, ngunit alam kong kasiyahan lamang talaga iyon.

Si Maddie, kahit na nagdadalang-tao, ay hindi rin ako pinapakawalan. Sa tuwing maglalabas ako ng mga pagkain mula sa likod ay sumasama siya huwag lamang maputol ang aming kwentuhan. Ganoon din si Natalie na binulong sa akin ni Maddie na naging girlfriend daw ni Jerry noong sila ay nasa kolehiyo pa.

Si Basty ay paikot-ikot lang din habang nakikipagkulitan kay Candice. Panay din ang tanong niya kung ayos lang kaya si Jackson sa aking tinutuluyan.

Si Brett naman ay napag-alaman kong pinsan ni Sir Mark. May pagkakahawig nga sila kung pagmamasdan, may katangkaran nga lang ng kaunti si Sir Mark sa kanya. Malakas ang tawanan nila kasama si Mario.

Kami ni Maddie ay nasa likod ng counter kasama si Tita Edith, masayang kakwentuhan si Zeke na panay ang alalay sa buntis na asawa.

“Lobong-lobo na ‘yan, anak, ha.” puna ni Tita Edith kay Maddie. “Noong burol ng Tito ninyo ay hindi pa naman masyado.”

“Mama Edith naman! Natural po, lumalakad po ang panahon!” natatawang sagot ni Maddie sa kanya.

“We’re so blessed to finally have this baby, Mama Edith!” nakangiting sambit naman ni Zeke. “We just want this kid to be healthy.”

“Of course!” tugon ni Tita Edith.

Lumapit sa amin si Candice dala-dala ang lalagyan ng isang putahe na kanyang dinagdagan sa loob. Nakatutuwa silang pagmasdan kapag nag-iingayan ni Maddie. Magkasundo sila dahil na rin siguro sa parehong kalog.

Mula sa aming pwesto ay natuon ang aking paningin kina Chard na kausap sina Sir Mark. Palingon-lingon siya sa paligid at parang may hinahanap. Nagtama ang aming mga mata, para siyang napanatag na makita ako at saka ako ngitian. Sinenyasan ko siya na harapin ang mga kausap at ‘wag akong alalahanin.

Para akong nawala sa realidad ng mga oras na iyon habang pinagmamasdan siya at ang kanyang malalaking ngiti. Kasabay ng mga pagkislap ng mga maliliit na ilaw sa paligid ay ang pagkislap ng kanyang kagalakan.

Nagulat ako sa agresibong kalabit sa akin ni Candice na kanina pa pala ako tinatanong. Nagtawanan lamang kami dahil hindi ko alam ang isasagot sa tanong niya na hindi ko naman maalala kung patungkol saan.

“Kung anu-ano na naman iniisip mo at nawawala ka na naman sa ulirat, ano?” natatawang tanong ni Candice sa akin.

“Andiyan lamang ‘yan si Chard, ‘di ‘yan aalis!” pang-aasar naman ni Maddie.

Tinawanan ko lang din sila sa kanilang mga hirit at nahuli kong muli si Chard na nakatingin sa akin. Kinindatan niya ako bago muling humarap sa mga kasama.

Nakita ko si Sir Mark na tumayo mula sa kanilang mesa at may lumabas habang may kausap sa kanyang cellphone. Marahil ay may importante bagay na dapat asikasuhin.

Walang mapagsidlan ang aking kagalakan. Parang hindi ko na ito nais na matapos pa.

“Look at him.” sambit ko kina Candice. “He’s so happy!”

Inakbayan ako ni Candice at hinalikan sa pisngi. “And I’m so happy for you, too!” sabi niya.

Tiningnan ko siya at nginitian bago pinasalamatan.

“How long have you guys been friends?” tanong ni Zeke sa amin.

Mabuti na lamang at kahit papaano ay nagbago ng kaunti ang usapan. Usapan na makasasabat ako. Ikinukwento namin ni Candice sa kanila ang aming pagkakaibigan habang patuloy pa rin sa pagtatawanan.

Si Zeke na nakatayo sa aming harap ang sunod na nagkwento patungkol sa kanilang mga naging karanasan noong nasa kolehiyo pa. Nakatutuwa siyang pagmasdan habang nagbabahagi dahil sa itsura niya na hindi mo aakalain na marunong at sanay na sanay magsalita ng Tagalog.

Sa kanyang likuran ay naaninag ko ang muling pagpasok ni Sir Mark. Nang makapasok na ay hinawakan lamang niya ang pinto upang panatilihing bukas.

“The late comer has arrived!” sigaw niya.

Isang pamilyar na mukha ang pumasok.

Hindi ko alam kung papaniwalaan ko ba ang aking mga mata dahil sa aking nakikita. Para akong binuhusan ng isang timbang malamig na tubig at ni hindi magawang huminga ng maayos.

Ang utak ko ay nagsasabing bigla na lamang umalis at umiwas ng tingin, ngunit hindi ko magawa. Nakita ko siya, may napakalaking ngiti at pagkasabik sa mga mata, isa-isang tinignan ang mga tao sa paligid. Katulad ko ay parang tumigil din ang kanyang mundo nang magtama ang aming mga mata.

Nilapitan siya ni Chard at niyakap. May mga sinasabi silang lahat dahil sa huli niyang pagdating ngunit hindi ko iyon naiintindihan. Ang alam ko lamang ay pareho kaming hindi ito inaasahan.

Inilapit siya sa akin ni Chard habang nakangiting may ikinukwento patungkol sa aming dalawa. Hindi malinaw kung ano ang mga salitang kanyang sinabi ngunit kahit na sandali ko siyang iniwasan ng tingin ay siya pa rin ang aking nakikita.

Nang makalapit ay inakbayan ako ni Chard.

“Raya, this is Nate. Hon, this is my friend, Raya!” nakangiting sambit ni Chard sa amin.

Nakikita ko ang pagtaas-baba ng aking dibdib dahil sa lalim ng paghinga. Hindi ko alam ang sasabihin. Wala akong ideya kung ano ang gagawin.

Bigla na lamang akong bumitaw kay Chard at patakbong lumabas. Bahala na kung ano ang iisipin nila, ngunit wala akong balak na magpaliwanag. Para akong nasa ilalim ng dagat at hindi malinaw na naririnig ang sinasabi nilang lahat. Pagtatanong kung saan ako pupunta. Pagpipigil sa kung ano man ang balak kong gawin.

Nang makalabas ng pinto ay lamig ng hangin ang siyang humalik sa aking mukha. Hindi ko pa rin magawang lingunin ang kahit na sino sa kanila. May isang tao akong nasalubong ngunit hindi ko alam kung sino siya. Nagpatuloy lamang ako upang makaalis na.

Naglakad ako papunta sa sasakyan ni Chard ngunit may humila sa aking balikat at saka ako niyakap. Muli, isang pamilyar na tinig ang aking naririnig habang mahigpit akong yakap-yakap.

“Oh my god, Nate!” hingal niyang sabi. “I’m so glad to see you again.”

“Alex?” mahina kong sambit.

“Hey!” sigaw ni Chard na mabilis na papalapit sa amin.

Bigla niya kaming kinalas at saka sinapak sa mukha ang taong kanina lamang ay mahigpit akong yakap. Gulat pa rin akong nakatingin sa kanilang dalawa.

Ang daming tumatakbo sa aking isip. Lahat ng mga alaalang akala ko ay nalimutan ko na ay parang baha na bumuhos at nilulunod ang lito kong isipan.

I thought you’d die for me?
You’re supposed to be my sister!
This is the best thing for all of us…

Rinig ko ang sigaw ni Tita Edith kasabay ang pagpipigil ng iba sa kanila sa kung ano pa ang gagawin ni Chard. Nilingon ko sila at muling nakita si Raya na nakatingin din sa akin habang lumuluha. Maging sila Candice ay bakas ang kalituhan sa mga mukha.

“Hon, what’s wrong?” tanong sa akin ni Chard habang hawak ako sa magkabilang balikat.

Nag-iinit na ang aking mga pisngi. Nalulunod na rin ang aking mga mata dahil sa mga namumuong luha. Hindi ko man naibubuka ang aking mga labi, sinasabi ko sa aking isipan ang mga paliwanag na nais kong sabihin kay Chard.

Lumapit sa amin si Raya at iniharap ako sa kanya.

“Nate…” mahinahon niyang sabi habang patuloy na umiiyak.

Hinawakan niya ang aking mga pisngi. Hindi ko na napigilan ang aking sarili at umiyak. Sa sobrang tindi ng iyak ko ay napapaupo ako at nanghihina.

Pinili ko pa ring tibayan ang aking loob. Kahit na humihikbi-hikbi ay pinunasan ko ang aking mga luha at pinilit na pakalmahin ang sarili. Nilingon ko si Chard at pilit na nginitian bago umiling sa kanya.

“I gotta go.” bigla kong sabi.

“Where? Why? Tell me, honey, what’s wrong?” lito niyang tanong.

“I’m sorry.” sagot ko at saka muling nagmadaling lumayo.

No comments:

Post a Comment

Read More Like This