Pages

Monday, June 26, 2017

Matunaw ka Ten

By:Ten

Hi po sa mga readers ng blog na ito. I am ten. Not my real name. 22 years old and college grad already. Nagpost na ako about sa sex story dito sa blog when i was 12 years old. The title is "Kapit Kamay ni Ten". Try to read it guys and feel free to leave some comments so i can improve my narrating skills :)

Ngayon, gusto ko sana ishare ko paano ako nainlove with the same sex. I don't know if that is love already. Im not sure. Because way back 5 years ago na kase yon. 17 years old ako non. Sa tuwing naiisip ko yung mga nangyari sa aken non at kung paano ako nainlove, natatawa na lang ako. And sorry na rin in advance if ever na may mali ako sa punctuations, spelling and grammar. Pleasee, feel free to comment.

So i started to hell inlove with the boy when i was 17 years old. Paano ko nga ba sya nakilala noon? May kaibigan ako named Patrick. Magkasing edad lang kami. I treated him like my brother. Minsan doon ako natutulog sa kanila at minsan ay natutulog sila sa amin. Halos kapatid na ang turing namin sa isa't-isa. Naalala ko pa non, kuya ang tawag ko sa kanya kase ahead sya ng 1 month saken. Maputi, mga nasa 5'6 ang height ni patrick then may itsura. Masasabi na total package kase bukod sa physically blessed sya, e mabait naman talaga sya.

Isang araw, pumunta ako sa kanila (magkapitbahay lang kasi kami). Walang sumasagot sa bahay nila. Halos sumigaw nako kakatawag ng pangalan nya hanggang sa may dumungaw sa bintana nila. Di ako familiar sa muka ni kuya.

"Wala sya rito e. May pinuntahan sya" sabi ni kuya sa bintana. Sinabi ko na lang na babalik na lang ako pag nandyan na si patrick. "Sige balik ka na lang. Sabihin ko na lang na dumaan ka para pag nandito na sya, puntahan ka nila sa bahay nyo.Teka nga pala, ano ba pangalan mo?" Sabi nya saken. "Ten po kuya". Sagot ko sa kanya. "Ahhh sigee. Sabihin ko na lang sa kanya ten na dumaan ka dito." Pagkatapos nya yung sabihin ay umalis na ako at nagpasalamat sa kanya.

Habang naglalakad ako napapaisip ako kung sino yung lalaki na yon. Mga 5'6 din ang height kagaya ng kay patrick, moreno, malaki ang katawan, nangungusap yung mata tapos palangite. Nahihiwagan ako sa lakaking yon ah.
"Ten Ten!"May natawag saken galing sa likod ko. Lumingon ako at nakita ko si Aya. ( Friend ko since kinder until now pero di kami masyadong close na kase may iba na syang friend and nay kaibigan na rin akong iba.) Maganda si faye. Matangkad at sakto lang katawan. ( di payat, di rin mataba)

Ako: ohhh bakit nanaman?
Aya: nakita mo na ba yung lalake kela patrick? Ang gwapo nya no?
Ako: ahhh. Oo sakto lang.
Aya: Anong sakto lang? Gwapo gwapo nya nga e. May dimples sya tapos kahit di ka kilala, nginingitian ka nya. Ihhhh  kinikilig ako!
Ako: uuwi na ko. Wala namang kwenta yang pinagsasabi mo.

Natulog na lang ako at kinabukasan ay pumunta ako kela patrick. Buti naman at nandon sya. Nandon din yung lalaking sinasabing gwapo ni aya. Actually gwapo talaga sya. "Ten, kain tayo!" Alok sa akin ni patrick. "Baba na ko patrick. Antayin na lang kita sa baba." Sabi ko sa kanya habang pababa ng hagdan. "Sige ten. Libre kita 1 hour sa net. May pera ako e. Binigyan ako ng tito ko ng pera e" pagmamayabang na sinabi ni patrick"

Habang nag aantay ako kay patrick sa baba, biglang may nag Hi sa aken. Sya yung kasama ni patrick sa taas. "Hello din" habang nag aantay ako kay patrick ay nakipagkwentuhan muna ako sa kanya. Nalaman ko na sya si John at  Pinsan sya ni patrick. Mejo napatagal ang pag uusap namen dahil sobrang bagal kumain ni patrick. Base sa paguusap namen ni John, masasabi ko na muka naman syang mabait.  Humingi pa sya ng pabor na kung pwede ay samahan ko sya sa mga lakad nya dahil di pa nya alam ang pasikot sikot sa lugar namen kase taga province sya. Lumuwas sya ng maynila para maghanap ng trabaho. That time, he was 22 years old.

Dahil pang umaga pasok ko non, nasasamahan ko sya kumuha ng mga documents na kailangan nya sa pag aaply. Alis dito, alis doon. Hindi sya masamahan ni patrick dahil busy sya sa school. Ako kasi 1st year college pa lang sya second na. Nagkatoon na lahag ng subj. ko ay umaga Ang sched kaya nasasamahan ko sya kahit papano. Dahil sa lagi kaming magkasama non, bakit may nafefeel ako na hindi normal? Yung tipong gusto ko lagi ko syang kasama. Gusto ko ako lang kakausapin nya at wala ng iba. Hindi ko maintindihan sarili ko that time. I dont know kung love na yon or ano ba. Hinayaan ko lang yung feeling na nararamdaman ko at inenjoy ko na lang yung bonding namin.

Isang araw pumunta ako kela patrick kase may nakalimutan sya sa bahay. Yung cd na hinihiram nya. Wala nanamang nasagot. Baka wala nanamang tao. Paalis nako pero may sumisitsit saken galing bintana."umakyat ka dito ten. Di ako makasilip kase nakahubad ako." Mahinang sabi ni John.

Umakyat na ko at nakita ko na wala talagang tao sa bahay nila patrick kundi si john lang. "Bat mo ko pinaakyat? Wala pa ba si patrick?" Tanong ko sa kanya. "Wala pa e." Sagot nya sakin. Bagong ligo si John non at wala syang pang itaas na damit at nakatakip ng tuwalya ang ibabang parte ng katawan nya. Tinitignan ko sya mula ulo hanggang paa at napapalunok ako sa sobrang hot nya. Literal na may 6 pack abs sya. Di na ko magtataka dahil batak katawan nya sa pagtatrabaho nya sa probinsya.

Napansin nya na nakatingin ako sa kanya at bigla nya kong nilapitan. "Hoyy. Matunaw ako! Kanina ka pa nakatingin saken e." Sabi nya saken. "Ahhh ehhh  anoo e. Sorry. Laki kase ng katawan mo. Samantalang ako, walang abs." Tumawa sya nung sinabi ko yon sa kanya.

"Gusto mo ba hawakan katawan ko?" Nagulat ako nung sinabi nya yon. Kinilig ako very light. Hahahahahaha." Tinawanan ko sya. Sinabi ko na wag syang magbibiro saken at baka gawin ko nga. "Seryoso nga ako! Papahawak ko sayo katawan ko" sabi nya saken.

Napalunok ako ng laway ko at di ko alam kung hahawakan ko ba o hindi. That time den, naalala ko yung first sexperience ko with the same sex. Hinawakan ko na ang kanyang abs at bigla akong tinigasan habang hinihimas ko yung abs nya. "Gusto mo rin bang hawakan etits ko?" Nagulat ako sa sinabi nya. Dahil sa panggayaring yon ay hindi na ko nakapagsalita at bigla na lang ako bumaba at umuwi sa aming bahay.

Hindi ko alam kung ano ang nagudyok saken para gawin yung paghawak nya sa abs. Para akong tanga na isip ng isip kung tama ba o mali ang ginawa ko. Ang daming what if's. What if hinawakan ko yung sa kanya? May chance ba na maging kame? Hahahahaha realtalk yan. Inisi p ko yan noon. May what if din ako na baka hinuhuli nya lang ako at isumbong kay patrick kung anong ginawa ko. Di muna ako nagpakita kela patrick at john ng magdadalawang linggo. Natatakot ako non baka sabihin ni john kung ano pinagawa saken.

Hanggang isang araw, may tumatawag saken. Si patrick tinatawag ako. "Ten! Baba ka. May tatanong ako sayo." Biglang kumabog dibdib ko non. Di ko alam kung bababa ako o hindi. Pero sabi ko para matapos na sasabihin ko na lang kay patrick kung magtatanong sya.

Bat di ka na  napunta sa bahay? Tanong nya saken. "Marami kasing pinagawa sa school kaya di na nakakabisita." Nag alibay na lang ako. Mukang di naman nya alam kung ano ginawa ko e. "San mo nilagay yung cd na hiniram ko sayo? Tara panuorin naten sa bahay!" Pumayag na lang ako para di maghinala si patrick na naiwas ako sa kanya.

Nasa taas na kami ng bahay nila at biglang bumaba si patrick par bumili ng mga snacks. Ten, galit ka b saken? Kung galit ka man, sorry na. Di ko talaga alam kung bakit ko sinabi yon sayo. Sorry talaga. Alam mo namang ikaw lang kaibigan ko dito e. Tapos iiwasan mo pa ko? Sorry na."  Habang nagsosorry sya ay nagsorry din ako kasi kasalanan ko din yon. Dahil don, naging okay na kami at bigla nya kong inakbyan sabay sabing,  "Okay na tayo ah!" Bigla syang ngumiti saken at bigla akong kinilig sa ngiti nya.

Habang nanonood kaming tatlo ng movie, nagtanong saken si john kung kilala ko daw ba yung babae sa baba na maganda. "Si aya ba tinutukoy mo?" Tanong ko sa kanya. "Oo! Sya nga yon! Ang ganda nya no? Pakilala mo naman ako sa kanya." Bakit nasaktan ako nung sinabi nya yon? Bakit parang nagselos ako bigla? Ang daming bakit sa isip ko. Nagsabi na lang ako ng oo. Baka sabihing di akong tapat na kaibigan e.
Sinabi ko kay aya na gusto syang makilala at ganon din naman si aya kay john. Simula noon, lagi na silang magkasama. Sa tuwing nagala kami nila patrick, lagi na kasama si aya. Tuwing may lalakaren si john, si aya na ang lagi nyang kasama. Sa mga napapansin ko sa kinikilos ko, masasabi kong nagseselos ako kay aya. Kase ako yung naging unang kaibigan ni john tapos bigla na lang ako na echapwera dahil kay aya?  Inisip ko na lang na wala akong karapatang magselos dahil una walang kaalam alam si john kung ano nararamdaman ko para sa kanya at second is ONE SIDED LOVE yon. Ako lang ang nay gusto sa kanya kaya its ny resposibility as well to handle my emotions eventhough it's breaking my heart whenever i see them happy and enjoying the companion of aya.

Realtalk nasaktan talaga ako that time. May times na moody na ko. Badtrip nako. Minsan pati na din kay patrick. Noong mga panahong yon, di ako nagpapakita kela aya, john at patrick. Pero sinabihan ko si patrick na magiging busy ako sa school kaya less gala muna. Okay lang naman kay patrick yon. Habang di ako nakikipagkita sa kanila, napaisip ako na baka ginamit lang ako ni John para mapalapit kay Aya. Di ko na alam kung ano na mga naiisip ko.

After 2 weeks, nagkasalubong kame ni aya. "TEN! Kamusta ka na? Tagal mong di nalabas ah!". "Oo mejo busy lang sa school. Una nako ah! Dami ko pa kasing gagawin eh" nagmamadali akong naglalakad pauwi pero hinahabol ako ni aya. "UYYYY. TEN, may sasabihin ako sayo! Kami na ni John. Last week pa. Bigla akong nanghina sa sinabi nya at napahinto sa paglalakad. "Ahhhh, ganon ba? Congrats." Yun lang ang mga salitang lumabas sa bibig ko. Biglang dumoble yung sakit na naramdaman ko nung pinasalamatan ako ni aya dahil kung hindi daw saken, di daw sila nagkakilala ni John.

Habang naglalakad ako ay paulit ulit na naririnig ko yung sinabi ni aya na "Kami na ni John". Wala ako sa wisyo maglakad kaya ang dami kong mga nababangang mga tao. Paguwi ko sa bahay ay bigla akong naiyak. Nasasaktan ako sa mga bagay na ako rin ang may gawa. Sana di ko na lang pinakilala si aya kay John. Sana di na lang ako naging close kay John. Ang sakit ng nararamdaman ko noon na halos di ako makapagfocus sa ginagawa kong projects at assignments.

Dahil semestral break na noon, napagpasyahan ko na umuwi muna ng province para malimutan at makapag relax from stress. Almost 2 months ako sa province at masassbi ko na nakatulong ng malaki ang pagbabakasyon ko.

Umuwi na ako ng manila dahil magpapasukan nanaman. Nakita ko si John na nakaupo sa tapat ng bahay nila patrick. Alam ko sa sarili ko na okay na ko kaya pumunta ako sa kanya at kinamusta. "Kamusta na? Pahawak nga ng abs mo? Pabiro kong sinabi sa kanya. "Gago ka talaga" pangiti nyang sinabi saken. Nagkausap kame ni john at nalaman ko na naghiwalay na sila ni aya. Nalaman daw kase ng mama ni aya kung anong meron sila at di na pinayagan na makipagkita kay John dahil sa ito ay tambay at wala pa ring trabaho.

Naaawa ako kay John dahil kita mo sa kanya yung lungkot habang nagkukwento sya sa akin. Nakikita ko kay John na talagang seryoso sya kay Aya pero dahil nga sa wala syang trabaho ay wala syang nagawa at wala din syang napatunayan.

Makalipas ang isang linggo, nakita kong may bag at maleta si John na hawak. Nilapitan ko sya at tinanong kung san sya pupunta. "Uuwi nako ten sa probinsya. Mahigit 5 buwan nako dito pero wala pa rin ako mahanap na trabaho eh. Nagiging palamunin nako kela tita."

Nagpasalamat sya sa akin sa lahat ng nga bagay na naitulong ko sa kanya. Nagpasalamat din ako sa kanya sa lahat ng naituro nya sa akin. Mapabarubal man o maayos. Habang naglalakad na sya pasakay ng jeep ay bigla syang tunakbo palapit saken at binigyan na ako ng bracelet. Simbolo ng pagkakaibigan at pasasalamat.

Simula non, hindi ko na sya nakikitang bumibisita dito sa bahay. wala na rin akong balita kung anong nangyari sa kanya.

Habang tinatype ko ang kwento na to, natatawa na lang ako kase  dumating sa point na nagmahal ako ng lalake at iniyakan ko pa. Pero sa mga pangyayaring yon, kahit na sakit ang naramdaman ko, nakatagpo ako ng isa
ng mabuting kaibigan na pwede mong ituring din bilang isang kapatid. Oo mejo awkward na minahal mo yung taong yon pero in the end, ang nangibabaw saken is yung pagkakaibigan bago ko sya minahal at yun ang masarap alalahanin at maalala.

Thank you guys for reading and I hope nag enjoy kayo :) and please do put some comments :) Thanks again :)

No comments:

Post a Comment

Read More Like This