Pages

Thursday, June 1, 2017

Taste of A Sailor (Part 6)

By: JR the sailor

May mga bagay sa ating buhay na kailan man ay  hindi natin kayang kontrolin. Mga bagay na kahit pilit nating iwasan ay nakatadhana na talagang mangyari. Mga taong nakakasalamuha o mga kaganapan na wala sa plano na magpapabago sa mga bagay nais mong kahinatnan. Hindi mo alam bigla ka na lang magugulat sa ibibigay sayong surpresa ng buhay. Hindi ka magiging handa kung ngiti sa labi o luha sa mata ang idudulot sayo nito. Susuko ka o kakayanin mo.

Nagugustuhan ko man ang mga nangyayari sa akin sa kasalukuyan dahil sa pinapakitang espesyal na pakikitungo ni Stef at Jacob ngunit hindi maalis sa parte ng utak ko ang pagtataka at mga nakabinbing tanong kung ano ang dahilan ng lahat. Hindi nyo naman ako masisisi kung may pag aalinlangan ako sa aking isipan.

Nagpatuloy Si Stefano at Jacob sa espesyal na pagtrato sa akin . At hindi lumaon ay mas nakilala pa namin ang isat isa. Mas lumalim pa ang aming pagkakaibigan. Saan mang lakad ay lagi nila akong kasa kasama.  Madalas akong bumibisita sa kanilang mansyon, minsan kina Stefano, minsan kay Jacob. Naging bonding na namin ang pagtambay sa bahay ng bawat isa. Food trip, movie marathon, Card games, at pagtugtog ng Piano ang kalimitan naming pampalipas ng oras.Halos hindi na talaga kami mapaghiwalay tatlo. Sobrang sarap sa pakiramdam na parang prinsesa ang turing nila sa akin. Sana ganito na lang habang buhay. Yung masaya lang, wala nang iyakan o anupaman.

Habang lumilipas ang oras, araw linggo at buwan ay mas nahuhulog na talaga ang loob ko sa isa sa kanilang dalawa.  May isang taong mas naging matimbang at nagkaroon na ng espesyal na puwang sa puso ko. Pero sa kabilang banda ay hindi pa talaga ako sigurado sa aking nararamdaman.  May kakaibang hatid na saya at kabog sa dibdib ko tuwing nakikita ko sya.Pero hanggang tingin at pangarap na lang ako. Kailanman man ay hindi ko kayang aminin at ipagtapat ang tunay kong nararamdaman sa kanya. Bukod sa ayaw kong masira ang pagkakaibigan naming tatlo, baka hindi ko kayanin na bigla niya akong pandirian. Alam ko sa sarili ko na talagang KAIBIGAN lang talaga ang turing nila sa akin. Dahil kilala na namin ang bawat isa sigurado akong kong tunay na babae ang kanilang gusto. Hindi ako nag eexpect ng anuman, kahit katiting. Sapat na sa akin na TUNAY ko silang kaibigan. Pero hindi mo naman ako masisi di ba? Tayong mga kabilang sa ikatlong kasiraan, mabilis tayong mahulog at magmahal ng tao lalo na kung magaganda at mabubuting bagay ang ipinapakita sayo. Hayyyyyyyyyy bakit ba kasi mas komplikado ang mga bagay sa mga taong tulad natin kumpara sa mga tunay na babae at lalaki? Bakit sa pagdating sa kanila madali lang ang lahat. Bakit hindi patas ang buhay?

---------
Sa Library

“Edward? Pwede ka ba mamayang gabi?” Tanong ni Jacob sa akin

“Ahh Oo, Wala naman akong gagawin mamaya, Bakit?” nagtataka kong tugon sa kanya.

“Ayos, Sige Basta mamaya sunduin kita sa bahay nyo” nakangiti nyang sagot sa akin

“Huh? Saan tayo pupunta? Kasama ba si Stefano?” At napakunot na lang ako ng kilay dahil wala akong ideya kung saan nya talaga ako dadalhin

“Basta! Wag nang maraming tanong” at pansin kong mukhang excited ang mokong

“Malay ko bang ipagbebenta mo na ako sa sindikato haha” pagbibiro ko sa kanya

“Haha Baliw! Basta mamaya mo na lang malalaman” tugon nya sa akin

Pagkauwi ko nga ng bahay ay agad akong naligo at inihanda ang aking sarili. At ilang saglit pa ay dumating na si Jacob dala ang kanyang sasakyan.
At dinala ako ni Jacob sa isang mamahaling Italian Restaurant. Napakaganda ng lugar halatang mayayaman at kilalang tao lang nakakakain duon. At pumasok na nga kami sa Loob. Sinalubong kami ng attendant at inasikaso papunta sa aming table. Nagpa-reserved na pala sadya si Jacob para sa dalawang tao.

“Jacob? Bakit mo ako dito dinala?”, Tila nahihiya kong tanong sa kanya

“Bakit? Hindi mo ba nagustuhan?” Malungkot nyang sabi

“Hindi naman sa ganun. Kaso ang mahal ng presyo ng pagkain dito, sa magazine ko lang to nakikita eh” mangha kong sabi sa kanya

“Minsan lang naman, nagsasawa na kasi ako sa mga typical resto sa mall, sabay inom ng tubig na nasa harapan nya.

“Kahit na! Edi sana kumain na lang tayo ng Fishball, KwekKwek at isaw haha” pagbibiro ko sa kanya.

“Haha baliw, umorder na nga tayo Edward, Nagugutom na ako” at tinawag na nga nya ang waiter para hingin ang menu card.

At halos lumuwa ang mata ko ng mabasa ko ang presyo ng bawat pagkain dun. Grabe sa mahal mga Bes! ,ang presyo ng isang dish pa lang ay  pwede ka nang makabili ng
5 kilo ng bigas, 2 kg ng manok at baboy, 3 lata ng sardinas at 2 packs ng kape. Hahahaha. Dahil nahihiya akong pumili ay si Jacob na lang ang hinayaan kong umorder para sa akin.

Ilang oras pagkatapos kuhanin ang aming order ay dumating na nga ang mga pagkain. Sobrang sarap ng pagkakaluto ng bawat dish . Halatang kamay ng propesyonal ang nagprepare nun . Mula sa plating, garnishing at paraan ng pagluluto ay napakahusay! Kaya naman pala mala ginto ang halaga into hehe. At nasa maincourse na kami ng kinakain ng biglang may isang lalaki na may hawak ng Violin ang pumunta sa tapat ng aming table. At hindi nagtagal ay nagsimula na nga itong tumugtog. Para akong hinihele sa duyan. Para akong nakalutang sa ulap. Napakasarap sa pakiramdam na habang kumakain ka ay magandang musika kang naririnig.

“Salamat Jacob sa lahat, hindi mo lang alam gaano mo ako nabusog at napasaya” marahan kong sabi sa kanya

“Sus, wala yun basta Ikaw Edward” at hinawakan nya ako sa aking kamay. Halos mapaso ako sa init ng aming mga palad. Parang kinuha nya lahat ng lakas ko nang naglapat ang aming balat. Hayyyyy Jacob, wag kang ganyan! DumadaMoves!Haha. . . . . .(Masyadong ginagalingan Edward!)

At bigla syang may inilabas na maliit na kahon at ipanatong sa lamesa. Binuksan nya ito at kinuha nya ang White gold na Bracelet na laman nito

“Wow! Ganda naman nyan Jacob. Bagay na bagay sayo yan” mangha kong sabi sa kanya dahil sa pag aakalang binili nya ito para sa sarili.

“Hindi naman sa akin to eh”, at bigla nyang kinuha  ang braso ko at akmang isusuot ang bracelet sa akin .

“Hala Bakit Jacob!? Anung meron? Sobra na ata ito” gulat kong sabi sa kanya at aktong ilalayo ko ang aking braso

“Ssshhhh wag kang malikot para maisuot ko sayo ng ayos” At tuluyan na nga nyang ikinabit sa akin yun. Halos maiyak na ako sa sobrang saya. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Gusto kong magtatalon sa kilig mga Bes!

“Nakakainis ka Jacob! Bakit ka ganyan? at tuluyan na nga akong napaluha sa sobrang saya at galak

“Wala lang gusto lang kita bilhan ng regalo. Hehe Yan oh, mas bagay pala sayo Edward eh kaya sayo talaga yan” at kita ko sa mga mata nya ang kislap dahil sa naging reaksyon ko

“Maraming salamat talaga Jacob dito, iingatan ko to promise” sabay pahid ng luha sa mata ko. Napansin kong may may nakaukit na letrang E&J sa pendant ng bracelet . Hindi ko alam kung titili ba ako o tatumbling sa saya! Diyos ko! Initials namin yun hahhaha.

At yinakap ko syang ng mahigpit na mahigpit bilang pasasalamat para sa napakasayang gabi na yun.

“Walang Iwanan ha”, bulong nya sa akin habang nakayakap ako sa kanya

“Oo naman nandito lang ako palagi sa tabi mo tugon ko sa kanya” at kumalas na ako ng pagkakayakap kay Jacob

At Isa nga iyon sa mga hindi ko malilimutang araw ng buhay ko.
At natapos na nga ang magical na gabi ng lola nyo. Hehehe

Sa school

Alas 7 ng umaga Bago ako pumasok sa una kong klase ay dumaan muna ako sa office ng Scholar Guild, para magpasa ng ilang requirements para sa aking scholarship. Ang opisina nito ay  Nasa bandang likod ng campus at medyo tago sa nakakarami. Habang naglalakad pabalik ay bigla kong nakita  sina Jacob at Stefano , babatiin ko sana sila ngunit napansin kong may kausap silang babae. Si Stacey. Mukhang seryoso ang dalawa sa kung ano man ang pinag usapan nila. Dala ng aking kyuryosidad ay nanatili lang ako sa di kalayuan. Nagkubli na lang ako sa may puno para hindi nila ako mapansin.

“Sino nagsabi nyan sayo?!” Mahina ngunit medyo galit na sabi ni Jacob dito.

“Hindi na importante kung kanino ko nalaman, So totoo nga?” Tugon ni Stacey kay Jacob

“Wala kang pakialam, matagal nang nangyari yun! Matagal na naming hindi itinuloy dahil nagbago na ang lahat. Pwede ba layuan mo na kami? Masaya na kami” galit na sabi naman ni Stefano dito
 At talagang naguguluhan na ako sa aking naririnig. Hindi ko naman kilala kung sino tinutukoy nila dahil wala silang pangalang binabanggit.

“Eh kung sabihin ko kaya sa kanya lahat ng alam ko? Baka sya na mismo ang lumayo sa inyo. Baka isumpa kayo ng pinakamamahal nyong kaibigan hahaha”  Tila may pagbabanta sa tono ni  Stacey sa sinabi nyang yun

“Subukan mo! Anu ba gusto mo para manahimik ka lang!” Balik naman ni Jacob

Hindi ko na tinapos ang pakikinig sa pag uusap nila dahil bukod sa wala akong maintidihan, ay malalate na ako sa una kong klase. Hindi ko inisip kung anuman ang narinig ko. Mukhang hindi naman importante eh. Natapos na nga ang maghapon ko sa araw na yun at tila. may kakaiba sa mga ikinikilos ni Jacob at Stefano pagkatapos nung nangyari. Parang malalim ang iniisip ng bawat isa. 
“Ui Stef at Jacob Kamusta? May problema ba?” bati ko sa kanila bago sinakbit ang aking bag.

“Ahhh. Wala Edward”, tila balisang tugon ni Jacob at halatang malalim ang iniisip nito

“Hindi ka muna namin maihahatid ngayon Edward” malamig na sabi ni Stefano

“Ah Ok. No problem”, mahinahon kong sagot pero medyo nabigla ako sa sinabi ni Stefano na yun. Masyado kasing biglaan at walang pasabi man lang. Sabagay wala din naman akong karapatang magdemand kaya ayos lang talaga kahit masakit.

“Oh sige mauuna na kami sayo Edward” pamamaalam nila at naiwan nga akong mag isa. At ramdam kong may mali sa inaasta ng mga ito.
Pinagkibit balikat ko na lang lahat ng nararamdaman ko. Baka may problema lang sila at hindi pa handang sabihin sa akin.

Mula nung araw na nakita kong nagkausap si Stacey at yung dalawa  ay nagsimula na ang pagbabago ng pakikitungo sa akin ni Jacob at Stefano. Unti unti nang silang lumayo sa akin. Hindi na gaya ng dati ay hindi na nila ako hinahatid at sinusundo sa bahay at pagpasok sa school at umuuwi na lang ako mag isa . Hindi na nila rin ako sinasamahang kumain sa canteen. Wala na ring Jacob o Stefano na humihingi ng tulong about sa mga lessons at projects namin . Hindi na rin nila ako sinasama sa mga lakad nila. Wala na yung kaibigan kong sobrang sweet at maalaga. Nagmumukha na akong asong ulol kakahabol sa kanila para humingi kahit konting paliwanag pero nasayang lang ang pagod ko.

Marami akong gustong itanong sa kanila.Pero sa tuwing sinusubukan ko silang kausapin ay lagi itong umiiwas, nagmamadali at umaalis palayo. Masakit para sa akin na nagbago sila bigla.Sobrang sakit. Daig ko pa ang nakipag break ng sampung beses sa aking nobyo. Na yung naksanayan mong tao na laging nandyan at kasama mo ay bigla na lang naglaho. Masakit na kahit simpleng paliwanag ay hindi nila kayang ibigay sa akin .

 Akala ko kaibigan ako. Akala ko importante ako sa kanila. Akala ko lang pala. Bakit napakabilis ng lahat? Hindi ako naging handa na darating ang pagkakataon na yun.Balik na naman ako sa Edward na laging nag iisa.Si Edward na walang kaibigan. Si Edward na walang nakikipag usap. Si Edward na malungkot.  Hindi ko alam kung may nagawa ba akong masama kay Jacob at Stefano . Siguro deserved ko naman siguro ng kahit konting explanation,Right? Para akong gago na nanghuhula kung ano ba ang nagawa kong mali.  Sobrang sakit sa pakiramdam.
________
Sa Music Room

“Class, last week I have given you an assignment, which is you need to play any kind of instrument for this subject, and the result would be a big factor for your final grade. Ok? And you have to perform it right now, one by one” malakas na announcement ng aming Professor sa Humanities.

Isa isa na nga tumugtog ang mga kaklse ko gamit ang ibat ibang music instruments. May electric at acoustic guitar, may gumamit ng Violin, My drums, lyre etc etc. Tila wala akong ganang mag perform sa oras na yun. Bukod sa kinakabahan ako ay bumabalik lang sa akin lahat ng masasayang alaala namin nina Jacob at Stef, nung panahong tinuturuan nila akong gumamit ng piano. Haaayyyyyy

“Wrong timing naman tong si Prof!” Bulong ko sa aking sarili

Ilang sandali pa ang lumipas, Maliban sa akin, natapos na nga lahat sa practical exam na binigay ng aming Prof, maging si Jacob at Stefano. Nanatili lang akong tulala sa isang tabi at malalim ang iniisip.

“MR.ROSALES!? MR. ROSALES! MR. ROSALES! ikaw na ang susunod!” malakas na sigaw ng prof ko sa akin. At tila nagtawanan lahat ng kaklase ko dahil kanina pa pala ako tinatawag sa unahan.

“Sorry Maam”, nahihiya kong tugon sa Professor ko.

“Bingi ka ba? Wala ata sa Music Room ang utak mo Mr. Rosales?” Masungit nitong wika sa akin

“Sorry po talaga Maam”, at pansin kong nakatingin sa akin si Stef at Jacob.

“So ano ang gagamitin mong instrument? At anong piyesa?”  Magkasunod na tanong nito sa akin

“JEALOUS by Labrinth , at Piano po ang gagamitin ko”, magalang kong sagot sa kanya

“Ok, you can proceed now”, utos naman nito

Kinakabahan man ay pumunta na ako sa unahan, pansin kong lahat sila ay nakatuon ang atensyon sa akin. Dumoble ang kaba sa dibdib ko.  Hayyyy bahala na.

Umupo na nga ako sa tapat ng piano,at huminga ng malalim pero bago ako magsimula ay sinulyapan ko muna ang dalawa, Si Jacob at Stef.. Ilang saglit pa ay inilapat ko na ang aking daliri sa tiles at sinimulan ko na ring umawit

Im jealous of the rain
That fall from your skin
Its closer than my hands have been
Oh Im Jealous of The Rain
Im jealous of the wind
That touches of your clothes
Its closer than my shadows
Oh Im jealous of the wind

Nakapikit lang ako nung oras na yun, Tahimik lang nakikinig ang kaklase ko, halos boses ko at  tunog ng piano lang ang maririnig mo sa buong kwarto. Malumanay, mabagal at puno ng lungkot ang mararamdaman mo. Bawat linya ng kanta ay naghahatid sa akin ng pagdadalamhati. Tinangay na nga ako ng awitin at unti unti nang umiinit ang aking mata. May nagbabadya ng bumagsak ngunit pilit kong nilalabanan ito.

“EDWARD WAG KANG BIBIGAY,NOT NOW!” Sigaw ko sa aking isipan

Itinaas ko na rin ang KEY kasabay ng boses ko  pagsapit ng chorus ng kanta

Cause I wished you the best of
All  this world could give
And I told you when you left me
There's nothing to forgive

And I’d always thought you'd come back And tell me all you found was
Heartbreak and misery
Ohh Its hard for me to say
Im jealous of the way
You're happy without me

At hindi ko na nga kayang pigilin pa.Masyado na akong tinangay ng awitin. Nalunod na ako sa emosyon na ipinapabatid nito. Wala na akong pakialam kung anong iisipin nila. At nabigo nga akong labanan ang aking emosyon. Dumaloy na ang maalat na tubig sa mata ko. Tumungo na lang ako para hindi nila makita. At ipinagpatuloy ko ang pagtugtog

I'm jealous of the nights
That I don't spend with you
I'm wondering who you lay next to
Oh, I'm jealous of the nights
I'm jealous of the love
Love that was in here
Gone for someone else to share
Oh, I'm jealous of the love

Cause I wished you the best of
All this world could give
And I told you when you left me
There's nothing to forgive
But I always thought you'd come back, tell me all you found was
Heartbreak and misery


It's hard for me to say,
 I'm jealous of the way
You're happy without me

Ohhhhhhh And it's hard for me to say
I'm jealous of the way
You're happy without me……

Isang malakas na palakpakan ang aking narinig pagkatapos bigkasin ang huling linya ng kanta. Meron din akong nakitang nagstanding ovation pa at tila namangha sa inawit ko. Pasimple kong pinunasan ang mga luha sa mata ko at nag bow sa harapan nila bilang pasasalamat.

“That was AMAZING Mr. Rosales!I don't have any idea that you're such talented person! You know how to play and sing very well” . Habang pumapalakpak pa rin ang prof ko

“May pinagdadaanan ka ba Hijo Maging ako eh muntikan ng mapaluha sa kinanta mo”, napakahusay! paliwanag pa nito.

“Wala Maam, nadala lang rin ako sa kanta” hehe pagsisinungaling ko sa kanya.

“I hope, I could see more of you!” Dagdag pa ni Prof

“Naku, salamat po”

At natapos na nga klase namin sa araw na yun. At tulad ng dati ay wala pa rin nagbago sa pakikitungo sa akin ni Stef at Jacob. Plano kong kausapin silang dalawa mamaya. Kahit ayaw nila ay gagawa ako ng paraan. Desidido na talaga ako.

Nagsi-uwian na ang lahat at sinadya ko talaga abangan si Jacob para makausap. Pumunta ako sa may parking lot para Hintayin sya dun at ilang minuto pa ng paghihintay ay hindi nga ako nabigo. At pansin kong papalapit na sya sa kanyang sasakyan

“Jjj-jacob saglit lang Please, Uus-sap nnaman tayo oh” mahina at paputol putol kong sabi

“Para saan pa? Anu ba gusto mong malaman” seryosong sabi nito at blanko lang ang reaksyon ng kanyang mukha

“Anung nangyari? May problema ba? Bakit bigla nyo na lang ako iniwan? May nagawa ba akong mali?” naluluha kong sabi sa kanya Pero pilit kong nilalabanan ang aking emosyon. Pansin kong inilihis nya ang kanyang paningin at tila ayaw nya akong makitang umiiyak.

CAhhh yun ba? gusto mo talaga malaman ang rason Edward?” Tila medyo may kalakasang tanong nito.Tumango na lang ako bilang tugon sa kanya.

AYAW KA NA NAMING MAGING KAIBIGAN! Hindi na kami komportable na kasama ka! Hindi mo ba maintindihan yun? Hindi ka bagay sa mundo na meron kami! KAYA LAYUAN MO NA KAMI” Bulyaw nito sa akin at parang may kidlat na tumama sa aking puso habang pumapasok sa tenga ko ang mga salitang binitiwan nya

“Wag ka naman ganyan oh, Di ba nagbibiro ka lang ? Bawiin mo na naman yung sinabi mo oh, Ui Jacob, hindi naman talaga totoo yung sinasabi mo Right? Akala ko magkaibigan tayo, akala ko walang iwanan” nangininig kong sabi sa kanya at para akong batang nagmamakaawa sa kanya

“Akala mo lang yun Edward, Please wag ka nang lalapit sakin o samin. Mas masaya at tahimik buhay namin kapag wala ka! Im begging you to stay away from us," pagpapatuloy nito.

Ni isang salita ay walang nang lumabas sa bibig ko. Marami akong gustong sabihin sa kanya,gusto ko syang sigawan at murahin. Ngunit tila nawala lahat ng lakas ko para gawin yun. Katulad ng inaasahan, bumigay na sa pag agos ang mga luhang kanina ko pang pinipigilan. Naging hobby ko na ata ang pag iyak. Sa lahat ng lahat ito na ata yung pinakamasakit.

Totoo ba lahat ng narinig ko? Sa kanya ba nagmula lahat ng yun bulong ko sa aking isipan dahil hindi ako makapaniwala sa sinabi na yun ni Jacob. Parang bangungot lang lahat.Game Over na mga Bes! Huhuhu

Habang tumutulo ang masaganang luha sa mata ko ay marahan akong lumapit kay Jacob at Kinuha ko ang kanyang kanang kamay. Marahan kong Ibinukas  ang kanyang malamig na palad at ibinalik ko sa kanya ang white gold na bracelet na binigay nya sa akin dati. Alam kong nabigla sya sa ginawa ko.

“Wala na sigurong rason para manatili pa sa akin yan”, nanginginig kong wika sa kanya at nabasag na nga ang boses ko sa oras na yun

Sa huling sandali ay tiningnan ko sya sa mga mata, mga matang puno ng tanong, lungkot at sakit. Bigla ko syang  yinakap  ng mahigpit. Yakap ng pamamaalam at pasasalamat. Yakap ng pagdadalamhati. Hindi sya tumutol sa ginawa ko. Dama ko ang mabilis nyang paghinga at malakas na tibok ng kanyang dibdib ngunit hindi pa rin sya gumagalaw

“Hindi ko alam kung makakaya kong magpatuloy ng wala ka Jacob. Sinanay mo kasi ako na nandyan ka lagi eh, pinaniwala mo kasi ako sa pangako mong hindi mo ako iiwanan kahit anong mangyari”  hinigpitan ko pa ang aking yakap sa kanya at mas tumaas na nga emosyon ko

“Wala nang Jacob na magtatanggol sa mga nang aaway sa akin, wala nang Jacob na magtuturo sa akin tumugtog ng Piano, wala nang Jacob na magbibigay sa akin ng matatamis na ngiti, wala nang Jacob na sasabayan akong kumain. Wala na yung kaibigan kong nag iisang nakakaunawa sa mga pinagdadaanan ko. Wala na sya. Iniwan na nya ako. Iniwan mo na lang ako bigla, Ang daya daya mo Jacob, Hindi ako naging handa”. Garalgal kong sabi  habang nakayakap pa rin sa kanya at halos kapusin na ako ng hininga sa bigat ng nararamdaman ko

“Mmmaraming maraming….SSalamat...Jacob sa lahat ha, hinding hindi kita makakalimutan, Isa ka sa pinakamaganda at pinakamasakit na nangyari sa buhay ko Mag iingat ka parati.. Mamimiss kita ng sobra” habang patuloy na umiiyak ay bumitaw na ako sa mahigpit na pagkakayakap at nakita kong may luhang umaagos sa kanyang mga mata. Para akong sinasaksak ng paulit ulit. Hindi ko alam kung para san ang mga luha nyang yun. Hindi ko na yun pinagtuunan ng pansin.

Tumalikod na lang ako upang lumakad palayo sa kanya habang patuloy parin sa pagtangis. Sapat na sa akin ang mga sinabi nya para gumising sa katotohanan. Sa katotohanang ilusyon lang lahat ng ipinakita nila sa akin. At iniwan ko lang syang nakatayo,lumuluha, tulala at nag iisa sa lugar na yun.

Ganun na lang ba talaga ang tadhana ko? Laging masasaktan? Paluluhain? Pero hindi pwedeng iiyak na lang ako lagi. Subukan mo ulit buuin ang sarili mo. Magsisimula na lang ako ulit. Edward na mas matatag, mas matibay at mas matalino.

 Pinagpatuloy ko na nga lang ang buhay ko bilang dating EDWARD. EDWARD na kung saan wala nang JACOB AT STEFANO NA NAG EEXIST Kung kinaya nga nila dapat kayanin ko rin.

Madalas kong nakikita na kasama nina Jacob sina Stacey at barkada nito,minsan kasi ay nakikita ko silang magkakasabay kumakain, tumatambay sa study area ng University at magkakasama na gumagala sa Mall. Siguro ay na realized  na ni Jacob at Stef kung kanino ba dapat sila nakikipagkaibigan at kung sino ba talaga ang dapat nilang sinasamahan.Ano nga ba naman ang mapapala nila sa akin kung ako ang lagi nilang kasama? Ano ba ang laban ko kay STACEY na anak ng Mayor ng bayan namin at ang mommy nya ay isa sa mga Shareholders ng UNIVERSITY na pinapasukan namin plus yung barkada pa nilang may mga gintong kutsara sa bibig. It's like choosing gold over rust. Isn't it?

Alam ko rin na nakikita ni Jacob at Stef na lagi akong nag iisa at walang kasama sa lahat ng bagay na ginagawa ko.Minsan ay nahuhuli ko silang nakatingin sa akin na parang nakokonsensya sa ginawang pag iwan nila ngunit binabawi nila rin ito tuwing magkakasalubong ang aming mata. 

Tinuon ko na lang ang sarili ko sa pag aaral para kalimutan lahat ng masasakit na paingdaanan ko. Tinanggap ko na lang ang sitwasyon na may mga taong dadaan lang  talaga sa buhay mo at mag iiwan ng aral sa buhay.

Sa kabilang banda ay naisipan kong humanap  ng part time job upang meron naman akong konting maipon para sa sarili ko at makatulong sa gastusin sa bahay. Bukod dun ay gusto kong maghanap talaga ng bagay upang pagugulan ng aking oras at sa gayun ay makalimutan ko ang mga masasama at masasakit na alala na binigay nila. Hitting two birds in one stone ika nga nila.
     So natanggap nga ako bilang isang waiter sa kilalang coffee shop sa isang mall. Naging ganun nga ang routine ko araw araw School-Trabaho-Bahay, nakakasawa man at least ay produktibo naman kung tutuusin.

Naging maayos naman ang naging takbo ng buhay ko bilang working student. Pagod at mahirap man ngunit kayang kaya ko naman balansehin ang aking oras.

Araw ng Sabado at walang pasok sa School , ay maaga akong naghanda upang pumasok naman sa aking trabaho. Hindi ko inaasahan sa araw ring iyon ay magkakaroon lahat ng kasagutan  ang mga nakabinbing katanungan s aking isipan. Ang magmumulat sa akin sa katotohanan na ipinagkait nila sa akin.

Habang nagseserve at inaasikaso ko ang  ibang guests ay may pumasok na grupo ng lalaki at babae, mga pito silang lahat. Pamilyar silang lahat sa akin. Si Jacob, Stefano, Stacey at ang iba nitong barkada, umupo sila sa may bandang gilid na table ng shop. Agad syang pinuntahan ng isa sa mga waiter duon at kinuha ang kanilang mga order. Alam kong hindi nila ako nakita at napansin.
May konting kirot at kaba akong naramdaman. Hindi ko alam kung bakit naiinggit ako. Naiisip kong dapat ako ang kasama nila ngayon. Hayyyyyyy   

Habang iniintay nila dumating ang kanilang inorder ay nagkekwentuhan lang sila at mukhang nagkakasiyahan.Pero pansin kong hindi nakikisali si Stefano at Jacob sa usapan. Ako naman ay dumako sa may bandang likod kung saan sila nakapwesto upang linisin ang kalat na iniwan ng naunang customers.Hindi ko intensyon na makinig sa kanilang usapan.. Ng biglang nagsalita si Stacey.

“Oo nga pala anu na balita sa “FRIEND” nyong si Edward, hahahaha?” Medyo malakas ang pagkakasabi nito habang  tumatawa.

At medyo nabuhay ang diwa ko dahil sa akin napunta ang usapan nila at wala silang kaalam-alam na nasa likod lang ako at tahimik na nakikinig.

“Bakit pala hindi na natuloy yung pustahan nyo Jacob at Stef about kay Edward?Matagal na yun di ba?”  Nagtatakang tanong nung isa nilang barkada Pansin kong tahimik lang na nakatingin sa kanila si Stef at Jacob. Natulala lang ako sa mga bagay na aking naririnig, at hindi pa ito rumerehistro sa utak ko

“Oo nga pala, Anung update dun sa pustahan nyo? Napasagot mo na ba Jacob? Halatang kinikilig sya sa mga ginagawa mo sa kanya eh Hahahaha” sabat naman ng isang lalaki ngunit walang naging reaksyon si Jacob.

“First week pa  ng First Sem yan di ba? Hindi na kami nakabalita sa nangyari, madalas kasi sya na ang kasama nyong dalawa” dugtong nung isang lalaki

“Malapit ka nang Manalo Jacob ahh,  sakay na sakay si Edward sa paandar mo dati, Sweet nyo nga lagi. Pabalato naman dyan, hahaha”

“Assuming talaga yang Si Edward, ano tingin nya kay Jacob? Bakla? Hahhaha na magkakagusto ka sa kanya? Eh halatang may gusto sya sayo eh” Pahabol na sambit ni Stacey at tumingin sya kay Jacob

“Sus! Selos ka lang Stacey kasi si Jacob naging sweet kay Edward kahit hindi totoo, hahaha” biro ni Slater sa kanya at inirapan lang sya nito

Ni isang salita ay walang lumabas sa bibig ni Jacob at Stef. Parehas malalim ang iniisip. Nakasalubong lang kapwa ang kanilang kilay at halatang hindi gusto ang naririnig.

“Stacey Enough! We made a deal, Right? Galit na sabi ni Jacob” at pagkatapos nun ay natahimik silang lahat

Parang may bombang sumabog sa dibdib ko dahil sa mga bagay na aking nalaman. Akala ko ay masakit na ang mga nagpadaan ko dati. May aftershock pa pala ang lahat. Hindi pa nga naghihilum ang sugat na ginawa nila sa akin heto may panibago na naman Nanlalamig at nanghihina na ako sa oras na yun. Gusto kong maglaho na lang ako bigla upang hindi ko na maalala ang katotohanang sinampal nila sa akin. Sana pinatay na lang nila ako. PUSTAHAN lang pala lahat !

Nanginginig man ay ipinagpatuloy ko na ang pagliligpit ng mga kalat sa lamesa at gusto ko nang lisanin ang lugar na yun. Nagbabadya na naman tumulo ang maalat na tubig sa mga mata ko. Awang awa na ako sa sarili ko dahil sa mga nangyayari sa akin. Durog na durog na ang pagkatao ko. Wala akong magawa.Wala akong kakayanan ipagtanggol ang sarili ko. Tanging pagtangis na lang ang kaya kong gawin. Pagod na pagod na akong umiyak.Pagod na pagod na ako. Napakawalang hiya nilang lahat, pinagkaisahan nila ako,mga walang puso!

At natapos ko na ngang linisin ang mga kalat sa kabilang mesa. Dala ang tray na puno ng tasa at plato ay hahakbang na sana ako palayo sa kanila pero dahil sa luha sa aking mata ay hindi ko napansin ang nakaharang na upuan sa harapan at bigla na lang akong natisod. Nawalan na nga ako ng balanse at nabitawan ko ang tray na aking hawak. Nag dulot yun ng malakas na ingay sa loob ng shop at nakaagaw ng pansin sa lahat ng customers kasama sina Jacob at Stef.    Para silang nakakita ng multo sa tagpong yun. Nanlaki ang mga mata nila dahil nasa likod lang pala ang naging sentro ng kanilang usapan.

Habang umiiyak ay agad kong pinulot ang mga nabasag na piraso sa sahig.

Nagmamadaling lumapit sa akin si Jacob at Stefano na parang kinakabahan

“Edward Please Let me explain si Jacob” at pansin kong nanginginig ang boses nya.

“Edward kung ano man yung iniisip mo hindi ganun yun”, magpapaliwanag kami dagdag ni Stefano

Tinitigan ko lang sila ng matalim sa mga mata at umiling iling ang aking ulo. Wala na akong lakas para makipag argumento sa kung anuman ang gusto nilang sabihin. Manhid na manhid na ako. Wala na akong pakialam para makinig sa kanilang paliwanag. Paliwanag na kanilang pinagdamot noon. Anung karapatan nila para magdemand na makinig ako sa kanilang ekspalanasyon.

Tumayo na lang ako at tumalikod sa kanila. Lalakad na sana ako palayo ngunit

“Please Edward Im begging you to listen first”, sabay hinawakan nya ang  braso. ko upang pigilan .

“Kung ayaw mong magkagulo dito Bitawan mo ako!” mahina pero may pagbabanta kong tugon sa kanya, habang patuloy na umaagos ang luha sa mata ko ay lumakad  na ako palayo sa kanila.

Nagpaalam muna ako sa aking supervisor na mag uundertime muna ako ngayong araw. Sinabi ko na lang na masama ang pakiramdam ko at kailangan ko nang umuwi, mabuti na lamang at pumayag ito. Pagkatapos kong mag ayos ng sarili ay lumabas na nga ako ng shop. 
Habang naglalakad..

“Edward wait!” Sigaw sa akin ni Jacob mula sa malayo. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad at hindi ko ito pinansin. Wala na akong pakialam sa mga nasa paligid ko. Ang gusto ko lang ay umuwi na. At may kamay na biglang humawak sa balikat ko.

“Edward Please, kahit ngayon lang pakinggan mo ako” pagmamakaawa nya sa akin. Hindi ko na nga napigilan ang sarili ko. 

PAAAKKKKKK!! Isang malakas na sampal ang binigay ko sa kanya.

“ANO?! Hindi pa ba kayo kuntento sa mga kahayupang ginawa nyo sa akin? Kulang pa ba Jacob!? Huh!?” galit at gigil kong sabi sa kanya

“ANO!? KASAMA BA TO SA PUSTAHAN? NA BAKA MAPAPAIKOT NYO ULI ANG ULO KO? KUNG ILANG BESES AKONG NANIWALA NA TOTOO ANG LAHAT? . ….
PINAGPUSTAHAN NYO BA DIN KUNG ILANG LUHA ANG NAIIYAK KO. KUNG ILANG BESES AKONG NAGMUKHANG TANGA SA HARAPAN MO?”  garalgal kong bulyaw sa kanya.

“Edward,mali ka ng iniisip, Please pakinggan mo muna ako” tila naluluha nyang wika sa akin.

“Hindi pa ako handang makinig sa mga paliwanag mo. Lumayo muna kayo sa akin. Nakikiusap ako sayo Jacob. Layuan nyo na ako. Ayaw ko nang magkaroon koneksyon sa buhay mo” malamig kong paliwanag sa kanya at hahakbang na sana ako palayo ng…..

Biglang may nagbigay ng mahigpit at mainit na  yakap sa likod ko. Sandaling tumigil ang ikot ng mundo ko dahil sa ginawa ni Jacob. Nawala lahat ng tapang at lakas na meron ako. Nakakapanghina…

“Please! Please Edward don't leave”, naiiyak nyang pakiusap sa akin at ramdam kong humahagulgol na nga ang lalaking nasa likod ko.

Pilit kong nilakasan ang loob ko. Marahan kong tinanggal ang pagkakayakap nya sa akin.

“Huli ka na Jacob. Wala na yung Edward na kilala mo, wala na yung Edward na iniwan mo dati,Wala na sya” mahinahon kong tugon sa kanya, mahirap man ay hinakbang ko papalayo ang aking mga paa. At iniwan ko sya sa lugar na yun na nag iisa, bigo at tumatangis
ITUTULOY…..

1 comment:

Read More Like This