Pages

Thursday, June 1, 2017

Ang Tangi kong Inaasam (Part 18)

By: Confused Teacher

"Dreams do come true, if only we wish hard enough. You can have anything in life if you will sacrifice everything else for it."
Shayne
"Sige na Josh, samahan mo ako sa bangko, kailangan ko lamang talaga ma replace yung ATM Card ko. Maghalf day na lamang tayo." Pakiusap ko sa masungit kong boyfriend habang kumakain kami,
"Ang kulit mo nga Shayne, di ba may meeting kami mamaya, hindi na nga ako pinapansin non, baka naman lalong magalit, alam mo namang one month akong nag bakasyon tapos mag ha half day ako, first week pa lamang ng pasok ko?"
Sagot naman niya kahit hindi tumitingin sa akin. Alam ko namang tama ang sinasabi niya at naiintindihan ko iyon kaya lamang wala naman talaga akong makasama.
"Basta Josh, samahan mo na kasi ako, hindi ako sanay na mag-isa.
"Alam mo para kang hindi taga HR, ikaw pa nag-uudyok na hindi pumasok." Sagot niya na alam kong naiinis na.
"Kung tutuusin kasalanan mo naman kaya na snatch ang bag ko di ba?" sumbat ko sa kanya.
"Bakit ako?" nagtataka naman niyang tanong saka tumingin sa akin, kanina kinakausap niya ako pero hindi naman tumitingin.
"Kasi ang kulit mo, samahan mo nga ako."
"Bakit nga ako, kasalanan ko bang hindi gumana ang pagka amasona mo sa snatcher, sa akin ka lamang matapanag palibhasa alam mong bukod sa gwapo ako e napakabait  ko pa."
"Yung hangin sa utak mo lampas sa ceiling."
"Shut up! Sabihin mo baka crush mo iyong snatcher at kakatingin mo sa kanya hindi mo alam na nakuha ana pala bag mo."
"Baliw ka. Nalimutan mo ba, di ba nagpapasama ako sa 'yo sa mall noon, hindi mo ako sinamahan ayun mag-isa tuloy akong pumunta." Simangot ko sa kanya.
"Naman Shayne, sinundo namin si Daddy sa airport diba, sabi ko naman sa iyo next day tayo pumunta, ayaw mo naman, ano ba binili mo non bakit hindi pwede ipagpaliban?"
"Nag ninang si Mommy sa kasal, nakapag promise ako sa kanya na ako ang bibili ng damit niya."
"Tapos?"
"Tapos nga nong papauwi na ako sa parking lot malapit na nga ako sa kotse ko, bigla na lang may umagaw ng bag ko,"

"E bakit hindi mo binugbog yung umagaw, sayang lamang ang pagiging blackbelter mo, naisahan ka." Natatawa niyang komento
"Shut up, kung hindi lamang talaga ako na heels, hahabulin ko ang hayop na iyon, wala namang perang lamang iyon, kaso lahat ng cards ko naron, bwisit talaga, unahin ko lamang iyong ATM kasi paano ako susweldo? Haist, nakakainis talaga."
"Lagi kasing napakataas niyang takong mo, minsan nga natatakot ako bigla kang matapilok yari ka."
"Shit ka, anong gusto mo naka rubber shoes ako e diba galing akong office non, tumuloy lamang ako kasi nga the following day gagamitin na ni Mommy yung damit nawala kasi sa isip ko."
"O huwag kang mabadtrip, tapos na wala ng magagawa."
"Sige na Josh, samahan mo ako, kasi naman yung taga Treasury na iyon bakit Friday ang appointment sa bangko, alam naman nilang ang daming tao sa bangko pag Monday at Friday."
"Basta next week sasamahan kita sa pag-aayos ng credit cards mo o pati yung iba mo pang ID huwag lamang ngayon."
"Hmp, nakakainis ka pa rin." Hindi naman siya kumibo kaya after naming kumain bumalik kami agad sa office dahil 2:00 dapat makapunta ako ng bangko.
As expected ang daming tao, kahit may appointment ako naghintay pa rin ako. Dala ko naman lahat ang sinabi nilang requirements kaya pagkabigay ko ay pinaupo lamang ako para maghintay.
Napansin ko lamang iyong isang mama na kanina pa nakatingin sa akin. Hindi ko alam kung bakit nakatingin siya. Disente naman siya at mukhang mabait pero hindi ko talaga siya kilala. Pag napansin ko naman ay iiwas ng tingin. Napansin kong tapos na ang transaction niya pero naupo pa rin siya at sinusulyapan pa rin ako. Kinabahan man ako pero iniisip ko naman kung itong payat na lalakeng ito lamang kayang-kaya ko to Hindi naman niya kamukha nong umagaw ng bag ko dati, kasi kahit hindi ko nakita ang mukha niya sigurado naman akong hindi ganito ang built ng katawan niya.
"Miss Shayne Carillo!" tawag sa akin ng teller." Lumapit naman ako saka niya iniabot sa akin ang isang envelope.
"Thank you Miss." Nakangiti kong sabi don sa babaeng napaka pula ng lips. Haist! Ayokong awayin siya dahil napaka bait niya sa akin, pero hindi talaga mawala ang tingin ko sa bloody red niyang lips, parang nakipag lips to lips lang kay Dracula. Palabas na ako nang sabayan ako nong nakita kong lalake.
"Hi Shayne Carillo!" bati nito sa akin. Tiningnan ko naman siya ngiting-ngiti pa siya. Sino ba ito?
"Hindi mo na ako matandaan?" bahagya lamang akong tumango pero nakatngin pa rin sa kanya.
"Ernie, Ernie Avila." Parang nahihya niyang pakilala
"Shocks! Ernie Avila, ikaw si Ernie, anong nangyari sa iyo?"
"Grabe ka naman Shayne, ang ganda ko naman para diyan sa reaction mo, Hindi nga rin ako sigurado kanina na ikaw iyan, kasi ang laki rin ng ipinagbago mo, pero nong tinawag ang name mo na confirm ko"
"Hindi lamang talaga ako makapaniwala, ang astig mo noong high school, diba tayo pa ang nanalong Mr. and Miss JS noong 3rd year saka diba ikaw din ang nanalong Campus King noong Foundation Day"
"Oo noon iyon and those days were gone. Beauty Queen na ako ngayon, at proud ako sa sarili ko now" medyo tinasan pa ako ng kilay. Shocks! Talbog aq sa pataasan ng kilay. Ang taray!
"Pambihira talaga, ang katawan mo Ernie, kumakain ka pa ba, ang payat mo, dati ang hot ng katawan nasaan na yung muscles mo at iyong tinitilian naming abs mo.?
"Hay nako Shayne, mas sexy ako ngayon tingnan mo nga oh."saka umikot sa harapan ko napatawa naman ako sa ginawa niya.
"Busy kaba?" biglang tanong ko sa kanya.
"Hindi naman, pauwi na rin ako after this nagdeposit lamang ako bakit?."
"Tara, kain muna tayo, mamaya ka na umuwi, namiss kita talaga kita, mula noong umalis ako ngayon lamang tayo nagkita, iyong iba nating barkada nako contact ko pa ikaw lamang ang kaisa-isang wala kaming balita" nang mapansin kong papunta siya sa car niya.
"No, dito na lamang tayo sa car ko balikan na lamang natin iyan mamaya, gusto ko pang makakawentuhan ka e," hindi naman siya kumontra
Sa loob ng sasakyan, hindi ko pa rin mapaniwalaan, crush na crush ko siya noong high school kaya lamang ay may girlfriend siya na barkada rin namin. Hindi ko talaga inaasahan na magiging ganito siya, Pero mukha namang happy siya.
"Kumusta kana, saan ka na nag wowork?" Excited kong tanong sa kanya.
"Ahm, teacher ako sa SJA high school department,"
"Wow! Sosyal ang laking school"
"Sinabi mo pa"
"Pero isa kang traydor kalaban yun ng school natin"
"Kasalanan ko ba nag-apply din naman ako sa ating Alma Mater kaya lamang nauna akong tinawagan sa SJA"
"Hindi ba mahirap daw makapasok don? Sabi nila dapat may malakas kang backer"
"Trulalu ang daming interviews at mga ka ek-ekang exams. Siniwerte lamang siguro ako after makapasa ng LET, ikaw ano na balita sa iyo hindi ka naman kasi nag attend noong mag reunion ang batch natin last year."
"Nahihiya ako kasi hindi naman ako graduate don, hanggang 3rd year lamang ako don kasi diba nag transfer na ako sa Davao nong 4th year."
"Ayus lamang iyon, ikaw pa sikat na sikat ka kaya noong high school tayo, lahat ng boys takot sa iyo kasi grabe kang manapak."
"Ipinaalala mo pa talaga iyon?"
"Tapos pulis pa ang tatay mo sino ang lalaban sa iyo?"
"Kailangan kasi iyon para huwag lokohin ng iba?"
"Tama! Kaya ang daming nalungkot noong hindi ka mag enroll."
"Talaga?"
"Oo naman ikaw kasi ang planong ipanglaban sa Campus Queen."
"Ang dami namang magaganda sa Batch natin diba?"
"Marami nga kaso kulang sa personality at ang utak, kapos'"
"Grabe ka naman."
"Totoo iyon kaya nga that year ang nanalo 3rd year,"
"Ganon! Pero kumusta na saan ka na nakatira.?"
"Doon pa rin sa Tandang Sora, pero mag-isa na lamang ako don, kasi lumipat na rin sa Bicol ang parents ko nang mamatay ang Lolo ko si Papa na nag manage nong resort ng family nila doon. Ikaw kumusta na may asawa ka naba? Ang ganda-ganda mo pa rin Shayne,"
"Thank you, Wala pa single pa rin ako. Kwentuhan mo ako dali anong nangyari bakit nagtransform ka." Excited talaga ako kasi close din kasi kami noong highschool.
"Wala namang significant, alam ko naman noon pa na ganito ako kaya lamang sabi ni Papa, tapusin ko muna ang pag-aaral ko kasi alam mo na marami pa rin ang hindi nakakaunawa sa gaya namin, pero kung may natapos ka kahit papaano di ka nila mamaliitin."
"So tapos, kinalimutan mo na yung pagiging heartthrob mo, alam mo crush kita non?"
"Alam ko naman iyon sinasabi nila iyon sa akin pero diba girlfriend ko si Kaye noon. Saka may boyfriend ka diba, si Jomar yung crush ng bayan."
"Oo nga barkada natin yun saka mabait sa akin iyon kaya hindi pwede. Boyfriend? Manloloko ng bayan, yun dapat title niya."
"Bitter ka pa rin hanggang ngayon?"
"Nope, naka move on na ako, but wait anong nangyari sa inyo ni Kaye?"
"Ayus lang kami nong una pero nong 4th year nag break din kami tapos naging kami ni Maia."
"Really? yung sosyalerang laging nangongopya pag exam."
"Hoy, girl, mayaman na iyon nakapangasawa ng Australian, siya nga sumagot sa gastos noong reunion.
"Never mind, ayoko siyang pag-usapan, ikaw ang gusto kong topic not her"
"Ang taray mo pa rin Shayne, saan na ang boyfriend mo?"
"Well naron siya sa work at walang time sa akin, hayaan mo na siya."
"Pinapabayaan ka niya ang ganda-ganda mo." Hindi ako nakasagot agad hindi ko naman pwdeng sabihin sa kanya ang totoo. Kaya ibinalik ko sa kanya ang usapan.
"Ikaw, kumusta na sa school na pinagtuturuan mo?"
"Girl, factory pala ng mga gwapo yun, don yata ginagawa ang mga gwapo sa bansa, akala ko dati sa school natin naron ang mga gwapo, talo pala talaga tayo, ang daming yummy sa school na yun."
"Mag-ingat ka baka mademanda ka,"
"Syempre sa loob ng classroom professional ako pero nakakapag laway talaga."
Sa isip ko totoo siguro don kasi nag high school si Kuya Paul at si Josh, Marami pa kaming napag usapan ng bading na iyon. Hindi ko talaga ma imagine na siya yung crush ko nong high school. Ngayon e mas maliit pa yata ang waist line sa akin.
Kung saan-saan pa nauwi ang aming usapan nagpalitan ng contact number at nag promise na magkikita pa ulit kami. Hinatid ko siya sa bangko kasi naroon ang car niya,
Nasa bahay na ako nang mag ring ang phone ko.
"Yes Kenzo, anong balita."
"Okey na lahat ng pinapagawa mo."
"Really?"
"Yeah, go signal mo na lamang ang kailangan."
"Siguraduhin mo lamang Kenzo Martinez na hindi tayo papalpak."
"Oo naman, basta yung promise mo ha, mag de date tayo after nilang magka ayus"
"Huh, may promise ba akong ganon?"
"Walanjo Shayne, walang ganyanan."
"Hindi nga!"
"Ewan ko sa yo ang labo mong kausap."
"Haha, ikaw talaga hindi ka na mabiro, oo naman basta siguraduhin mong magiging successful ang plano natin ha."
"Yess!" iyon lang ang narinig ko bago siya nagpaalam.
Ewan ko ba nagiging kumportable na ako sa Kenzo na iyon. Dati naiilang ako sa kanya kasi mukhang palikero at mabiro pero may sense namang kausap.
Josh
Etong si Kuya Paul ang hirap intindihin ng mood pag nasa meeting sobrang bait sa akin. Laging nakasuporta sa mga suggestions ko. Laging naka back up kapag meron akong proposals. Pero kapag kaming dalawa lamang parang hindi ako kilala. Ano kayang drama nito.
"Good morning boss!" bati ko sa kanya nang minsang makita ko siyang pumasok sa office namin.
"Yes Engr Villanueva, is there any problem?" pormal na sagot niya sa akin at bahagya pang inayos ang necktie niya.
Tumungo na lamang ako pero sa loob ko baliw yata ang taong ito. Mula ng lumabas ako ng hospital ni minsan hindi naman siya dumalaw sa bahay. Mabuti pa si Kenzo minsan nakikita kong sumasama kay Shayne kahit naman hindi ako kinakausap ngingitian naman ako kapag nagtatama ang aming paningin pero etong si Kuya Paul parang laging may sumpong. Hindi ko alam kung ano ang nasa isip. Sabagay sabi naman ni Krizia hindi lamang naman sa akin masungit kahit sa ibang empleyado strikto din ang pakikitungo. Si Kenzo nga lamang daw ang kabiruan niya. Siguro nga may relasyon sila ni Kenzo. Bahala na nga kayong dalawa.
"Haist nawala na nga sa pagitan namin si Dianne, may Kenzo naman yata."
"Engr. Villanueva, may sasabihin ka ba?"
Saka ko lamang naalala na nakatayo nga pala sa harapan ko ang masungit kong boss."
"No sir, wala naman." Wala sa loob kong sagot na hindi ko siya tinitingnan.
"Ewan ko sa 'yo, mukang ikaw ang may problema at hindi ako, Gwapo ka sana kaso ang sungit mo" bulong ko sa aking sarili. Napangiti lamang ako naalala ko na iyon ang madalas kong sabihin sa kanya kapag naiinis ako sa kasungitan niya. Buti pa noon pwede kong sabihin sa kanya ng harapan. Ngayon hindi na niya pwedeng madinig kapag sinasabi ko iyon. Kahit bulong dapat maingat ako, hindi lamang baka marinig niya nag aalala rin akong madinig iyon ng mga kaopisina ko. Wala naman silang alam tungkol sa nakaraan namin ng masungil na lalakeng ito. Haist Kuya Paul, bakit ba hindi pa rin mabura sa isip ko ang mga alaala ng pinagsamahan natin. Ang sarap sanang isipin na after all those years narito tayo at magkasama pero nakakainis lamang parang hindi naman ikaw ang mabait kong Kuya Paul. Hindi naman ikaw yung Kuya Paul na pwede kong kausapin sa kahit anong topic.
Para akong tanga, paano ko ba nasasabi na namimiss kita e araw-araw naman kitang nakikita. Araw-araw tayong nagkakasalubong o kung hindi man ay nasa iisang conference room tayo. Pero namimiss ko pa rin ang dating ikaw.
Naramdaman ko na lamang na umalis na siya na hindi nagsasalita.
Nakasanayan ko na rin ang ganoong set up namin. Baka nga sign na rin iyon para ituloy ko iyong plano ko noong nasa ospital ako na iiwasan na siya dahil mukang iyon din naman ang ginagawa niya.
Nakapagtataka lamang dahil mabait sina Tita Cel at Tito Andrew saan kaya nakakuha ng kasungitan si Kuya Paul. Laging nakakunot ang noo akala mo siya na lamang ang may pinakamabigat na problema sa buong mundo. Naalala ko kahit naman noong bata pa kami masungit na talaga siya. Ang dami niyang bawal. Mas mahigpit pa siya kay Mommy.
"Basta Pat, hindi ka pwedeng bumili ng pagkain sa labas. Kung gusto mo ipagdadala na lamang kita, hindi tayo sure kung malinis iyan."
"Kuya Paul kasi naman gusto ko lamang ng buko juice'" madalas kong pangungulit sa kanya. Gustung-gusto ko talaga ang buko juice pero nakakabili lamang ako kapag nakakatakas ako kay Kuya Paul, o kaya ay kung cleaner siya sa room o may tinatapos siyang project kaya nauuna akong nakakalabas ng gate, bibili ako at mabilis na iinumin saka pupunasan ang ang labi ko dahil baka mapansin niya na uminom ako. Pero bihira naman iyong mangyari dahil mas madalas ay nauuna siyang lumabas ng room nila at paglabas ko ng room namin ay naghihintay na siya na nakasimangot dahil mabagal daw akong kumilos.
"Hindi pwede ibibili kita ng isang buong buko para safe."
"Ayoko non ang gusto ko yung nasa jar, yung maraming yelo saka gatas. Tapos yung hinahalo saka ilalagay sa plastic"
"Hindi nga pwede, hindi sigurado kung malinis tubig na ginagamit nila, sa bahay may gatas don at yelo, lagyan mo yung bibilhin natin, wag ka ng makulit hindi talaga pwede."
"Sige na nga kahit yung fish ball na lamang saka calamares, pwede na siguro iyon ha," isa pa sa mga paborito ko ay fish ball at calamares na kadalasang malayo pa lamang ay amoy na amoy na. Pero as expected hindi niya ako papayagang bumili non.
"Lalo na iyon, ang sauce non, sinasawsawan ng iba kahit galing na sa bibig nila. Kung may sakit sila mahahawa ka."
"Napakaarte mo nga Kuya Paul, lahat na lamang sa iyo hindi pwede." At iniwanan ko siya.

"Hoy Patrick, hintayin mo ako, saan ka ba pupuntang bata ka?"
"Pupunta ako sa Department of Health don ako kakain baka malinis pagkain nila don" At lalo kong binilisan ang paglalakad habang kasunod ko naman siya na tawag nang tawag sa akin pero hindi ako lumilingon sa kanya. Kulang na lamang ay tumakbo ako para hindi niya maabutan.
Minsan naman may nakita siyang damit sa damitan ko.
"Pat kaninong damit ito?" at inilabas niya yung bagong bile kong Tshirt.
"Malamang Kuya Paul sa akin iyan, diba nasa damitan ko, imposibleng sa iyo iyan," wala sa loob kong sagot habang nakahiga at abala sa cellphone ko.
"Patrick huwag ka ngang pilosopo, mag susuot ka ba ng ganito"
"Oo, bakit naman anong problema mo diyan?"
"Tingnan mo nga ang drawing dito parang mga demonyo"
"Ano ka ba Kuya Paul uso kaya iyan"
"Bakit satanista ka ba, bakit gusto mo ang ganitong mga images?"
"Para kang sira, akina na nga yan isususot ko iyan sa Sabado." aagawin ko sana sa kanya.
"Hindi pwede, bibigyan na lamang kita ng pambili ng iba basta huwag kang magsusuot ng ganito."
"Haist Kuya Paul, ewan ko ba sa iyo, nakakainis ka talaga, pinag hirapan ko pa namang hanapin iyang design na iyan, tapos hindi ko rin pala magagamit." Hindi naman siya kumibo basta hindi na ibinalik sa damitan ko.
Napakarami pang pagkakataon na hinihigpitan niya ako. Pero ewan ko ba nasanay na rin ako na sundin siya. Siguro nga nakita ko sa kanya na ginagawa lamang niya ang mga bagay na iyon dahil mahal niya ako. At nakikita ko naman na may malasakit siya sa akin. Isa pa bata pa ako kaya naniniwala akong mas alam niya kung ano ang makakabuti sa akin. Kahit naman kasi si Mommy sa kanya naniniwala at siya ang tama kapag isinumbong ko. Kaya nakasanayan ko na rin na sundin ang mga sinasabi niya tutal wala rin naman akong magagawa. Naiinis lamang ako kahit wala rin naman mangyayari siya pa rin ang masusunod. Ganoon pa man ipinaparamdam ko pa rin sa kanya na naiinis ako kaya hindi ko siya kinakausap .Ganon ang buhay na kinalakihan ko para bang kami lamang ni Kuya Paul ang tao sa mundo. Medyo nagbago lamang ng konti ng mag college siya. Nabawasan ang oras na magkasama kami kaya kahit papaano ay nagagawa ko na ang gusto ko dahil hindi na niya ako nababantayan. Pero kapag tinatanong niya ako, sinasabi ko pa rin sa kanya dahil hindi ko kayang magsinungaling sa kanya. Kaya kahit natatakot ako dahil magagalit siya sinasabi ko pa rin ang totoo dahil mas natatakot akong mawalan siya ng tiwala sa akin dahil baka hindi na siya maniwala pa sa mga sasabihin ko.
Pero bakit ngayon hindi ko na maintindihan ang ginagawa niya. Naiinis na ako pag sinusungitan niya ako. Mas mabuti pa non nasasabi ko sa kanya ang gusto kong sabihin. Kapag naiinis ako sa kanya pwede kong ipakita sa kanya na nagtatampo ako. Pwede ko siyang hindi kausapin hanggang kulitin niya ako nang kulitin o kaya ay dalhan ng pasalubong at kung hindi pa rin ako kikibo kikilitiin niya ako hanggang mapatawa ako o kaya naman ay takutin akong siya ang kakain ng dala niya kaya sa takot kong hindi makakakain ay mapipilitan akong kausapin siya. Minsan naman ay magkukuwento siya ng kung anu-ano habang iba-iba ang boses niya, may matanda, may bata, may boses, dwende o boses kapre, habang pinapapangit ang kanyang mukha. Kahit naman kasi masungit siya ay magaling siyang magpatawa kaya kahit nagpipigil ako ay napapansin niyang napapatawa ako sa gunagawa niya. Madalas kahit napipilitan akong sumunod sa kanya nakakapagreklmo naman ako nasasabi ko pa rin ang gusto kong sabihin pero ngayon, parang bang wala akong magawa. Tatahimik na lamang ako. Hindi ko maipakita sa kanya ang totoong nararamdaman ko. Nagsisinungaling akong okay lang sa akin ang lahat kahit ang totoo nasasaktan ako hindi lamang sa ipinapakita niya kung hindi sa kawalan ko rin ng lakas ng loob na ipakita sa kanya ang totoong nararamdaman ko. Gusto ko siyang titigan, gusto kong pagmasdan ang mukha niya. Gusto ko siyang kausapain, gusto ko siyang kumustahin, alamin ang mga ginawa niya o kung ano man ang nasa isip niya. Gusto ko siyang yakapain pero higit sa lahat gusto kong mag sorry sa kanya at ipaalam na mahal na mahal ko pa rin siya.
Si Kuya Paul kaya masaya kaya sa sitwasyon namin? Naaalala kaya niya ang mga pinagsamahan namin. Naiisip din kaya niya yung kulitan namin. Hmp. Parang si Kenzo lamang ang nakakapagpasaya sa kanya. Bakit pag si Kenzo ang kasama niya lagi siyang nakangiti. Lagi silang nag-uusap, Buti pa si Kenzo, hindi niya sinusungitan.

Gaya ng dati gabi na naman ako nakarating sa bahay namin.
"Kumusta anak?" Bati ni Daddy nang minsang maabutan ko siya sa terrace pag-uwi ko.
"Okay lamang po ako Dad. Ikaw po kumusta na bakit nagsosolo kayo dito may problema ba?"
"Wala naman, gusto lamang sana kita kumustahin, mula naman noong dumating ako hindi tayo nagkakausap ng ayos."
"Alam ko Dad, nakwento na po sa inyo ni Mommy ang lahat, pero don't worry ayus lamang ako"
"Sure ka ba Josh, pansin ko kasi sa iyo na kahit nakangiti ka may dinadala ka pa rin e."
"Hindi naman po iyon maiiwasan pero kakayanin ko naman."
"Anak nahihiya ako sa iyo kasi lumaki kang malayo ako. Hindi man lamang kita natulungan nong panahong nahihirapan ka."
"Dad, naappreciate ko naman lahat ng ginawa ninyo at naiintindihan ko, alam ko namang kahit malayo kayu napaparamdam nyo pa rin ang concern ninyo sa amin."
"Pero ngayong narito na ako, huwag kang mahiyang lumapit sa akin ha, tandaan mo narito lamang ako palagi,"
"Thanks Dad, alam mo Dad, huwag ka pong masyadong magdidikit kay Mommy"
"Huh, bakit naman?" nagtataka niyang tanong
"Iilang weeks ka pa parang OA ka na rin, nahawa ka na sa kanya."
"Hoy, Josh Patrick anong pinagsasabi mo diyan ha," si Mommy sabay kurot sa tagiliran ko.

"Aray ko naman Ma, habang tumatanda ka lalong sumasakit ang pangungurot mo."
"Salbahe ka kasi, ano ba iyang pinag-uusapan ninyo at nadamay ako?"
"Wala po sabi ko kay Daddy, kayo ang most beautiful mother in outer space." Sabay iwas ko dahil alam kong kukurutin niya ulit ako.
"Ikaw talagang bata ka" nakita ko naman si Daddy na tawa lamang nang tawa.
"Dad, tatawa ka lamang ba diyan, hindi mo man lamang ako ipagtatanggol"
"Anong gagawin ko e mas malaki pa sa akin iyang bunso natin, kahit sa takbuhan o sa suntukan tiyak talo na ako niyan."
"Pero anak, kailan ka ba talaga mag-aasawa?" pag-iiba ni Mommy.
"Ayan ka na naman 'Ma, nagsasawa ka na ba talagang kasama ako?"
"Hindi sa ganon anak, pero kung kami ng Daddy mo iniisip mo, kaya pa naman namin kumikita pa naman ang tindahan kahit papaano."
"Siyanga naman Josh, isipin mo rin ang sarili mo ha, huwag laging kami."
"Hayaan po ninyo, bukas na bukas, manghihila ako ng kahit sino sa kanto kaya humanda kayo, mag-aasawa na ako agad."
Napatawa naman sila parehas at nakita ko si Mommy na kukurutin na naman ako pero tumakbo na ako papasok.
Okay na rin siguro kung hindi successful ang lovelife ko, at least sobrang happy naman ako sa family ko. Baka ganon talaga hindi lahat ibinibigay.

No comments:

Post a Comment

Read More Like This