Pages

Friday, June 23, 2017

Leave Your Lover (Part 2)

By:Pascal

Lumipas ang mga araw mas naging malapit kami ni Sam kina Miguel, Luis at Mark. Oo mga bes tama ang nabasa nyo pati kay Mark. Paano nangyari? Hindi ko din alam. Normal naman na namin syang nakakausap pero madalas pinipilosopo parin ako. Ewan ba mukang nageenjoy naman ang mokong. Syempre di din ako nagpapatalo mga bes lagi din ako may pambara sa mga banat nya pero madalas ako parin ang basag. Madalas yata ganun kami mag usap. At mukang nasanay nadin ang mga kaibigan namin sa amin.
Lumipas pa ang mga araw at mas nakilala ko pa sila. Sa kanilang tatlo si Mark pala ang pinakamatalino. Oo bes nasa kanya na ang lahat kagwapuhan at katalinuhan pero iniwan parin ng jowa, sabagay family decision at hindi naman kagustuhan ni girl daw yun kaya hindi naman siguro counted minalas lang talaga sila. Matataas ang grades ni Mark at minsan sya pa ang highest sa klase. Di mo mapagkakamalang matalino bes di ko naman kasi nakikitang nag-aaral.Akala ko kasi dati si Luis ang matalino kasi nakasalamin sya, mukang henyo ba. Kaya madalas din nagpapaturo kami kay Mark sa mga lessons madalas pag lunch break namin. Maganda lang kasi ako mga bes di naman ako ganon katalino. Akala nyo siguro pag bida matalino na agad. Sakto lang mga grades ko pumapasa naman.

Miguel: Mark ikaw na naman highest sa quiz natin kanina ah iba ka talaga idol.
Luis: buti nalang tinuruan mo kami kahapon sa subject na yun kung hindi bagsak siguro ako kanina.
Miguel: bakit ilan ba grade mo kanina?
Luis: 85, ikaw?
Miguel: 86, ikaw Sam?
Sam: 86 din.. Hmmmmp meant to be talaga tayo migs.
Miguel: hahahaha.. Eh ikaw Shaun?
Me: 97

Sam: hoy 79 ka lang kaya, dont us. Nakita ko yun kanina.
Me: joke lang naman, kayo naman di na mabiro.
Sam: eh bakit ba kasi ang baba ng nakuha mo? Naturo naman sa atin ni Mark yun kahapon ah.
Me: naturo siguro sa inyo pero sakin hindi naman, ayaw nya pa akong sagutin sa mga questions ko.
Mark: anong hindi kita tinuruan sabihin mo mahina ka lang talaga pumick-up (sabay tawa)
Me: (make face)
Mark: makinig ka kasi sakin mabuti hindi yung lagi kang nakatitig sa gwapo kong muka.
Me: wow! San banda?
Mark: eto oh! (Habang nagpapacute)

Ganyan sya bes lagi feeling gwapo (though gwapo naman talaga sya pero di ako kinikilig mga bes mas nananaig ang pagkainis ko sa kanya.. Wow! Haahaha). Alam din naman niya na di ako straight kaya siguro lagi ako pinipikon. Actually alam nilang tatlo im sure pero never naman nila binanggit sa akin at nakikita ko naman sa kanila ang pagrespeto. Never nila ako binastos about my sexual preference.

Sam: ano ba kayo tigilan nyo na nga yan, kain na tayo at gutom na ako.
Miguel: bilisan natin kumain at magpapatutor pa tayo kay mark. May quiz pa tayo mamaya.

Laging ganito ang scenario naming lima. Kapag may quiz o exam nagpapatutor talaga kami kay Mark. Gustong gusto ko rin naman kasi bukod sa natututo na ako eh may rason talaga ako para matitigan ko ang gwapo nyang muka. Charr! PS wala akong gusto sa kanya, wala pa hahaha. Nagagwapuhan lang talaga ako sa kanya.

Lumipas pa ang mga araw, mga linggo mas naging malapit pa kami sa isat isa. Muka na nga kaming F4 sa school at syempre ako si sanchai, joke lang walang ganun bes iniimagine ko lang yun. Si Sam at Miguel parang may something na nga pero wala pa namang binabalita sa akin si Samantha kaya hinahayaan ko nalang. Muka namang masaya ang best friend ko. Medyo nagiging busy na nga rin kami sa school dahil sa mga projects na kailangang i-submit. Malapit na kasi ang finals dalawang linggo nalang kaya nirarush na namin para wala ng abala sa review.

Sa dorm ko habang busy ako gumagawa ng mga project ko biglang nagring ang phone ko. Si muder tumatawag. Madalas text lang kami mag usap pero ngayon tumawag sya. May kakaiba mga bes kinakabahan ako.

Me: hello ma napatawag po kayo.
Ma: anak, wala na ang lolo mo. (Habang huhikbihikbi sa pag iyak).

Speechless ako. Bigla ko naalala ang lolo ko. Kelan ba kami huling nag usap? Last month pa yun. Mahina na sya nung huling bakasyon ko pero hindi ko naman ineexpect na kukunin na sya agad sa amin. Malapit ako sa lolo ko. Madalas nga sa bahay nya ako tumitira pag nasa probinsya ako. Gusto ko na agad umuwi sa amin. Nag usap kami ng mama ko habang umiiyak. D ko kasi talaga mapigilan. After naming mag usap tinawagan ko naman si Samantha. Binalita ko sa kanya ang lahat at agad naman syang pumunta sa dorm ko. Kailangan ko kasi talaga ng kasama.

Sam: bes, condolence
Me: bes gusto ko na umuwi sa amin ngayon.. Gusto ko makita yung lolo ko. (Habang umiiyak)
Sam: naiintindihan kita bes pero pano sa school? Di ka naman pwedeng umabsent ng matagal baka madrop out ka. Pwede mga ilang araw lang gawa nalang tayo ng sulat.

At yun nga, kahit gustong gusto ko na umuwi sa amin di ako basta basta makakauwi dahil sa attendance ko sa klase. Mahigpit kasi ang school namin dun. So wala akong choice, kailangan ko maghintay ng mga tatlong araw bago makauwi. Ipinaliwanag ko nalang sa mga magulang ko. Sakto naman weekend libing ng lolo ko kaya tatlong araw lang ako maaabsent. Gagawa nalang ako ng sulat sa mga professor ko para wala na akong maging problema pagbalik ko. Meron pa pala akong magiging problema. Malapit na ang finals namin kaya magagahol ako sa review. Bahala na si batman. Basta ngayon malungkot lang ako. Lagi ko naiisip si lolo.
Ang tagal ng araw gusto ko na talaga umuwi. Lagi ko talaga naiisip si lolo. D rin ako makapag focus sa school. Lagi parin ako umiiyak lalo na sa gabi. Pero di ko pinapakita sa mga kaibigan ko. Etong si Mark di narin ako pinipikon mas bumait din ang pakikitungo nya sa akin. Di man nya ako masyadong kinakausap batid ko naman ang pakikiramay nya. Ganun din sina Luis at Miguel. Nawawalan din ako ng gana sa pagkain. Buti nalang may mga kaibigan na nagpapalakas ng loob ko.
Nakauwi na nga ako sa amin. Kahit pagod ako sa byahe ay ako ang nagbantay magdamag sa burol ng lolo ko. May tatlong gabi pa sya na ibuburol kaya susulitin ko na magbantay sa kanya. Kahit yun nalang ang magawa ko para sa kanya. Habang lumilipas ang mga araw unti unti ko narin natatanggap ang pagkawala nya. Ganon talaga. Move on nalang. Tuloy lang ang buhay. Nailibing na nga ang lolo ko at kailangan ko narin bumalik agad sa maynila dahil kaylangan ko pa magreview.

Sam: bes ok ka na ba?
Me: di pa masyado pero mas magaan na ang pakiramdam ko ngayon. Kumusta pala sa mga subjects natin? Madami ba ako namiss?
Sam: oo bes. Mga ilang araw din un at nagmake up class pa kmi nung weekend ilang araw nalng kasi diba magpafinals na.
Me: naku teh! Pano yan turuan mo na ako ngayon na.
Sam: gustohin ko man na turuan ka eh limited din itong knowledge ko diba?
Me: hay naku puro ka kasi landi eh.
Sam: speaking of kalandian. Nagpapatutor pala ako kay Miguel pupuntahan ko sya mamaya hahaah.
Me: ay malandi talaga (sabay kaming tumawa). Eh nga pla kumusta na ba kayo ni Miguel? Kayo na ba?
Sam: hindi pa bes pero parang papunta na kami dun. Hahaaha.basta. Sya nga pala kinausap ko si Mark kanina na kung pwede sya nalang magtutor sayo.
Me: gaga ka talaga! Bakit mo naman ginawa yun?nakakahiya naman dun sa tao.
Sam: ano teh gusto mo bumagsak? Matalino yun si Mark kaya sure ako na matuturo nya sayo lahat ng di mo alam. Dont worry pumayag naman na sya. Puntahan mo nalang daw sya sa dorm nya mamaya.
Me: ganoin? Sira ulo ka talaga. Nakakhiya dun sa tao. Pero himala ah pumayag sya na tulungan ako mag aral.
Sam: oo bes naiintindihan naman daw nya. Ano push?
Me: ok sige para sa ekonomiya. Push!

So yun nga. Iniisip ko parin yung pagpayag ni Mark sa pagtututor sa akin. Malaking bagay yun ha at hindi basta basta. Syempre oras ang ilalaan ng tao sa akin. Kahit papano naman pala eh may puso yung lalaking yun. Pagkatapos ko kumain ng hapunan ay nagtungo na ako sa dorm ni Mark. Medyo malayo pala dorm nitong si Mark kaya napatric ako.
Ayaw sumagot sa mga text at tawag ko si Mark kaya dumeretso na ako sa dorm nya ang huli nya kasing text eh ung address nya. Mabait naman yung gwardya pinapasok ako.

Tok tok tok!
Antagal ha kanina pa ako katok ng katok sa pintuan nya. Pero sure naman ako na may tao sa loob kasi naririnig ko yung ingay ng pagpapatugtog nya. Kakatokin ko na sana ulit yung pintuan ng bigla itong bumukas. At tengene! Mga bes napanganga ako sa nasilayan ko hahahah! Binukasan ni Mark ang pintuan ng nakaboxer lang habang nagpupunas ng basang buhok. Naligo pala ang mokong kaya antagal akong pagbuksan.
Mark: oh shaun. Anjan ka na pala. Kanina ka pa ba dyan?
Me: ay hindi picture lang toh. Oo kanina pa ako.
Mark: sorry naligo pa kasi ako. Tara pasok ka.

Di ko ineexpect ang pagsosorry nya mga bes ang inaasahan ko kasi babarahin din nya ako. Sanay kasi ako sa ganun. Pero di pala. Naguilty tuloy ako ng very very light. Mukang bumait bait na nga yata itong si mokong. Ok balik tayo dun sa magandang tanawin mga bes. Napanganga talaga ako pero di ko pinahalata. Para syang katawan ni James Reid. May abs mga bes. At yung bakat sa boxer omg ayoko na magkasala pa. Shut up na muna ako.
So yun nga pumasok na ako sa dorm nya. Medyo makalat, yung mga maduduming damit nya nakakalat din. Na turn off ako bigla mga beshie burara pala itong si Mark. Pero nateturn on din ako agad pag nakita ko ung abs nya. Chos! Medyo malaki din ang dorm ni Mark mas malaki sa dorm ko ng konti.
Me: Mark thank you pala sa pagpayag mo na itutor ako. Malaking bagay yun para sa akin.
Mark: walang anuman, maliit na bagay- sabay tawa (sinasabi nya yun habang nagsusuot ng sando)
Me: anong kapalit? Para makabawi ako?
Mark: wala naman akong hinihinging kapalit.
Me: wow nemen... Ang bait mo na sa akin ah. Hahaha. Basta pag may kailangan ka sabihin mo lang tutulungan din kita basta kaya ko.
Mark: ganon talaga basta kaibigan ko tutulungan ko hahahahha.

Para talagang nakakaloko ito si mark. Minsan di ko maintindihan. Parang ibang mark na itong kinakausap ko. Pero dedma nalang mga bes kailangan ko magfocus sa pag aaral ngayon.

Me: sya nga pala mark paano schedule natin ng pagtututor mo?
Mark: baka kasi di tayo matapos, kung gusto mo dito ka nalang muna tumira sa dorm ko hanggang matapos ang finals natin. Mag aaral tayo hanggang 11 pm.

Medyo nagulat ako sa sinabi nya. Di ko naman kasi ineexpect yun. Sa dorm nya ako matutulog for three nights derederetso. Sabagay mas ok nga din naman. Sya padin kasi ung oras na gugugulin ko sa dorm ko at yung pagbyahe byahe ko pa papunta sa dorm nya. Eh kung titira ako sa kanya pansamantala eh mahabahabang oras ang masesave ko. Wais din naman.

Me: hindi ba nakakahiya sayo dito? Saan ako matutulog?
Mark: walang problema dun kaibigan naman kita saka ilang araw lang naman. Saan ka matutulog? Edi dito sa kama ko. Malaki naman kasya lang tayo dyan.
Me: ha? Ay nakakahiya naman ng masyado yun. Dito nalang ako sa lapag.
Mark: ano ka ba ok lang yun. Madaming ipis dyan sa lapag gusto mo ba makatabi mga ipis dyan? (Sabay tawa)
Me: eh panong di ka iipisin napaka dumi ng kwarto mo. ( pabulong kong sabi pero sure ako narinig nya)
Mark: kaya nga inooffer ko na share tayo sa kama ko eh unless may malisya ka saakin?
Me:ako? My god di kita type no. Anlayo para matypan kita. O sige, dito ako matutulog sa tabi mo yun lang naman pala eh. Napakaliit na bagay para ko lang katabi yung alagang aso namin sa bahay. (Sabay nagpakawala ng tawa)
Mark: hahahhaha defensive ka namang masyado nagjojoke lang naman ako eh.
Me: ewan ko sayo. Tara na nga mag aral na tayo sayang oras.

Ngiti lang ang sinagot sa akin ni Mark. Tinuruan nya ako hanggang 11 pm at pagkatapos umuwi narin ako.  Magaling talaga syang magdiscuss ng mga topics namin madami ako natutunan. So yun nga, pareho kami nagkasundo sa kung anong mangyayari sa pagtututor nya sa akin. At start na akong matutulog sa dorm nya bukas.Choosy pa ba ako eh ako din naman magbebenefit nun. Good luck to me mga beshie sana makapag focus ako sa mga susunod na araw.
Itutuloy...

No comments:

Post a Comment

Read More Like This