Pages

Friday, June 23, 2017

Ang Tangi kong Inaasam (Part 20)

By: Confused Teacher

“Not until I felt your sunshine,
Did I realize that I had been in the shade.
Not until I saw all your colors,
Did I realize that mine had faded.
Not until I heard your dreams,
Did I realize that I was still sleeping.
And not until I experienced my life with you,
Did I realize that I was barely
Breathing.”

Patrick

Hindi ko ma explain kung anong saya ang nararamdaman ko nang mga oras na iyon.  Parang panaginip lamang. Nakayakap ako kay Kuya Paul. Naramdaman ko na lamang na biglang tumulo ang mga luha ko. Palihim ko itong pinunasan.
“Pat, I still love you!” bulong niya. Hindi ko na kayang magsinungaling.
“I love you too Kuya Paul.” Sagot ko sa kanya.
“Mula noon Pat, hanggang ngayon, hindi ako tumigil na mahalin ka, kahit isang minuto hindi ka nawala sa puso ko. Mahal na mahal kita.” Tiningnan ko siya kahit umiiyak, ang gwapo pa rin niya.
“Hindi rin naman kita kinalimutan Kuya Paul. Mahal pa rin naman kita hanggang ngayon.”
“Sayang Patrick, nagkamali  ako akala ko kasi ipinagpalit mo na ako sa iba, hindi kita ipinaglaban,  pero huwag kang mag-alala masaya ako para sa inyo ni Shayne.” Malungkot nyang sagot.
“Nagkakamali ka nga Kuya Paul, hindi kami ni Shayne”
“Ha, anong ibig mong sabihin na hindi kayo. Break na ba kayo?”
“Hindi, hindi naman naging kami.”
“Paano nangyari iyon?”
“Mahabang kwento Kuya Paul”
“Handa akong making, kahit abutin pa tayo ng umaga”
“Kuya Paul, mahal ako ni Shayne, at minahal ko rin siya higit pa sa isang kaibigan.”
“So panong hindi kayo?”
“Kasi mas mahal kita, alam niya iyon, pumayag akong maging kami sa harap ng ibang tao, Kasi alam ko namang mapagkakatiwalaan si Shayne. Mahal niya ako sapat na iyon sa kanya.”
“Alam ba niya ang totoong nararamdaman mo?”
“Oo Kuya Paul sinabi niya sa akin na kung dumating ang panahon na tanggap ko na hindi magiging tayo, handa pa rin siyang tanggapin ako. At nangako ako na sa kapag dumating ang panahon na iyon mamahalin ko siya ng buong-buo.”
“Napakabuting tao pala talaga ni Shayne.”
“Noong panahong sobra akong nasasaktan sa paghihiwalay natin siya lang ang naging karamay ko. Sa kanya ko nailalabas ang lahat ng bigat na dinadala ko, sa kanya ko nasasabi lahat ng pinagdadaanan ko noon.”
“So meaning iyong mga paglalambingan ninyo hindi iyon totoo?”
“Totoo iyon Kuya Paul, masaya kaming magkasama, at hindi iyon pakitang tao, pero alam naman namin na hindi talaga kami.”
“Pero mahal ka ni Shayne”
“Mahal ko rin siya, higit pa sa isang kaibigan,  parang kapatid ko na siya.”
“Mahal ka pa rin ba niya hanggang nagyon?”
“Noon oo, pero sa pagdaan ng panahon, pakiramdam ko nawala na rin iyon, kahit matulog kami na magkatabi wala namang nangyayari sa amin.  Siguro nga mahal na lamang niya yung idea na mahal niya ako dahil sa haba ng panahon na parang naging kami.”
Sandali siyang natahimik bago nagsalita ulit.
“Paano kayo ngayon?”
“Hindi ko alam Kuya Paul, hindi ko alam kung ano ang nasa isip ng dalawang iyon bakit sinet up tayo. Pero mabuti na rin ang nangyari at nagkausap tayo.  Matagal ko na rin namang gusto na magkausap tayo.  Ang dami kong gustong sabihin at itanong sa iyo.”
“Ako rin Pat, ilang beses ko ng tinangka na kausapin ka, pero nawawalan ng pagkakataon, parang laging may humahadlang.”
“Baka nga may tamang panahon para sa lahat ng bagay, kaya noon gustuhin man natin hind imaging pwede pero ngayon kahit hindi natin pinlano parang nangyari pa rin.”
Saglit kaming natahimik parehas. Pero siya ang unang nangsalita,
“Pat, pwede mo ba ulit akong tanggapin, pwede mo ba akong papasukin muli sa puso mo?”
“Sorry Kuya Paul, hindi na pwede..”
Nakita ko ang paglungkot ng kanyang itsura.
“Nauunawaan kita Patrick, matagal na rin namang panahon kang nasaktan, alam kong malaki ang pagkukulang ko. Marami akong sinayang na pagkakataon hindi kasi ako nag-isip na mabuti”
 “Hindi na pwede Kuya Paul, kasi hindi naman kita pinalabas, nanatili ka sa puso ko, sa lahat ng pinagdaanan ko, laging narito ka pa rin.  Nag-iisa ka lamang dito Kuya Paul, sa loob ng mahabang panahon wala naman akong minahal ng higit pa sa iyo kasi hindi ko kayang magmahal ng iba.”
Muli na naman niya akong niyakap.
“Maraming salamat Patrick, hindi ko inasahan na darating pa ang pagkakataong ito  bagamat ito ang panalangin ko, sobrang saya ko hindi ko pa rin inakala na pwede palang mangyari ang ganito.”
“Ako din Kuya Paul.  Akala ko imposible nang mangyari ito. Thank you kasi naghintay ka pa rin kahit parang ang labo na.”
Humiwalay siya sa akin at hinawakan ako sa balikat.  Saka masuyong inilapit ang kanyang labi sa akin.  Napapikit na lamang ako.  Hanggang muli kong naramdaman ang kakaibang kiliti na iyon.  Bagamat matagal nang nanagyari yun pamilyar pa rin ang pakiramdam, hanggang naramdaman ko ang mga kamay niya sa aking batok.  Tinugon ko na rin ang halik niya.  Wala na akong pakialam kung nasa public place kami.  Ang mahalaga sa akin ay ang pagkakataong iyon na kasama ko si Kuya Paul.  Ang tagal kong hinintay na mangyari ang ganito at sana lamang ay hindi na matapos ang sayang nararamdaman ko.
Pagkatapos ay muli niya akong niyakap.
“I love you Patrick!”
“I love you too Kuya Paul”
Matagal pa kaming nag-usap, parang kulang na kulang ang oras para sa aming dalawa ng mga oras na iyon.  Nang mapansin kong malapit ng mag alas dose.
“Kuya Paul, uwi na tayo baka nag-aalala na si Mommy, alam mo naman iyon mula nang mangyari yung pagbaril sa akin, hindi mapakali hanggang hindi ako nakikitang nasa loob ng kwarto ko.
“Pero gusto pa kitang makasama, gusto ko pang pagmasdan ang mukha mo, ang tagal kitang namiss.”
“Kuya Paul kasi…”
“Patrick natatakot kasi akong baka panaginip lamang ang lahat, baka kasi pag naghiwalay ulit tayo hindi na ulit tayu magkita, gusto kong sulitin ang pagkakataong ito ayoko nang mawala ka ulit.”
“Marami pa namang pagkakataon, hindi naman siguro ito ang huli diba?”
“ Sige, sisiguraduhin ko magkikita pa ulit tayo, ngayong alam kong mahal mo pa ko hindi na kita hahayaang mawala pa.”
Naglakad kami papunta sa aming sasakyan na magkahawak ang kamay.
“Paano Kuya Paul, bukas na lang ulit.”
“Pat, totoo ba ito. Hindi ba talaga ito isang panaginip?”
“Kuya Paul, naalala mo ba iyong sinabi mo noon sa akin?”
“Ano yun, kelan pati iyon”
“Noong unang gabi na naging tayo”
“Ano palang sinabi ko?”
“Kung panaginip ito, sasamahan mo ako sa aking panaginip” Napatawa naman siya.
“Hahaha…sasamahan mo ba ako Pat?”
“Oo naman?”
“Gaano mo ako kamahal Patrick?”
“Nakakainis naman si Kuya Paul e”
“Sige na sagutin mo ako,”
“Mahal na mahal kita.”
“Gaano nga, yung sagot mo noong bata ka pa”
“Hanggang langit, hanggang dagat, hanggang sa malayung-malayo.”
Napatawa na lamang ako nang bigla niya akong niyakap.
“I love you Patrick”
“Mahal na mahal din kita Kuya Paul”

Paul

Nasa sasakyan na ako hindi ko pa rin mapaniwalaan ang lahat nang nangyari para akong lumulutang sa sobrang saya.  Nalimutan ko na ang lahat ng masasakit kong karanasan parang ang alam ko ay ang ngayon lamang. Ngayong kami na ulit ni Patrick.  Ngayong alam kong mahal niya ulit ako.  Mali hanggang ngayon pala mahal pa rin niya ako. Yung mga ngiti niya, ang mata niya, ang dimples niya.  Sobrang kinasabikan ko siyang mayakap at mahalikan, hindi talaga ako makapaniwala na nangyari ang lahat sa isang iglap lamang.
“Salamat Patrick, hindi mo hinayaang tuluyang mawalan ako ng dahilan para umasa. Muli mo akong binigyan ng dahilan para mabuhay at makita ang ganda ng buhay.”
Hindi naman pala masama ang araw na ito.  Ang totoo ito na yata ang pinakamagandang araw sa aking buhay dahil sa nangyari.
Pagdating ko sa amin, nakita ko ang kotse ni Kenzo. At tama ako nasa loob siya kausap ni Mama.
Hindi ko alam kung paano ako magpapasalamat sa ginawa nila. Pero minabuti kong magkunwaring galit.  Kahit papaano ay makaganti ako sa bestfriend ko. Nagmano lamang ako kay Mama hindi ko siya pinansin.
“Bro, kumusta?” nahihiya niyang bati.  Hindi ako sumagot bagkus ay tumuloy sa kusina para kumuha ng tubig.  Saka ko  naalala na hindi pa ako naghahapunan. Maghahanda sana ako nang magtanong si Mama.
 “Kakain ka ba anak?” tanong ni Mama.  Tumango lamang ako.
Napansin ko na kasunod ko pala sila pareho.
Nakita ko si Mama na maghahanda sana ng pagkain ko.
“Ma, pahinga ka na po, ako na ang bahala dito, ako na ang mag-iinit niyan.”
“Sigurado ka ba anak?”
“Opo, wala namang pasok bukas, kaya wag kayong mag-alala.”
“O sige, mag-usap kayo ng maayos ha, wag daanin sa init ng ulo.”
Tumango lang ulit ako nakita ko si Kenzo, Nakatungo lamang na nakaupo sa isang bangko sa dulo ng mesa.
“O bakit narito ka?” tanong ko sa kanya pagkaalis ni Mama.
“Kasi bro, ano,…”
“Ano, may kasalanan ka?”
“Gusto ko lang naman makatulong na maging maayos kayo, kaya nakipagtulungan ako kay Shayne.”
“So noon pa pala alam mo na ang lahat”
“Oo kaso sinabihan ako ni Shayne na huwag sasabihin sa iyo”
“At sinunod mo siya, kahit ako ang bestfriend mo?”
“Sorry talaga bro, akala ko kasi makakatulong kami kaso pumalpak”
“Halika may sasabihin ako sa iyo” Lumapit naman siya na parang maamong tupa.
Paglapit niya ay binatukan ko siya.
“Aray naman, ang lakas non!”
“Kasi magpa plano rin lamang hindi pa ayusin para walang sabit”
Napatawa rin naman siya saka ko niyakap.
“Salamat bro, salamat sa lahat ng pag-uanawa at pagsuporta sa akin ha.”
“Ibig mong sabihin mo bro. ayus na kayo ni Patrick?” biglang tanong niya pagkatapos bumitaw sa pagkakayakap
Tumango naman ako at ngumiti sa kanya.
“As in kayo na ulit dalawa?”
“Ang kulit mo parang ayaw mo”.
“Hindi naman sa ganon, sobrang saya ko, at least hindi mo na ako susungitan ngayong may lovelife ka na.”
“Hindi naman kita sinusungitan ah”
“Patunayan mo iyan ngayon”
“Ha? Anong ibig mong sabihin?”
“Gawa nito..” Dinukot niya sa bulsa niya ang cellphone ko. Nanlaki naman ang mata ko.
Bigla ko siyang inakbayan at inipit ang leeg sa aking braso.
“Tita, Tito, tulungan nyo po ako, pinapatay ako ni Paul” Lalo ko namang hinigpitan.
“Hindi ka nila madidinig tulog na parehas ang mga iyon”
“Paul. bro, sorry na uhhh, uhhh, mamatay ako. bro, tama na…. please…ahh, hindi ako makahinga” muling pakiusap niya.
Saka ko siya binitawan, napaupo naman siya sa sahig. Naupo ako sa tabi niya na tawa nang tawa.
 “Hayup ka Paul, papatayin mo ba talaga ako?”
“Sana kaya lang naalala kong bestfriend kita.”
“Bestfriend e bakit mo ako papatayin.”
“Kasi naman sa dami ng nanakawin mo cellphone ko pa, alam mo naman kung gaano ito kaimportante lalo na sa ganoong oras. Halos mabaliw ako sa kakaisip paano ito nawala”
“Kung nagkataon, wala ka ng bestfriend, brutal ka nagdadalawang isip tuloy ako kung dito nga ako sa inyo matutulog ngayon.”
“Haist nako huwag ka ng mag inarte, tayo na. kain na tayo alam ko namang gutom ka rin.
“Ayoko wala na akong gana.”
“Bahala ka, alam ko hindi ka pa rin naghahapunan.”
“Natatakot na ako sa iyo bro, may tendency ka palang pumatay.”
“Baliw, hindi ko iyon magagawa lalo na sa iyo, ikaw pa!”
“Hindi magagawa, ginawa mo na nga”
“Sobrang saya ko lamang ngayon at lahat iyon ay utang ko sa inyo ni Shayne. Thank you talaga! Sige bukas ililibre ko kayong dalawa.”
“Talaga ha, huwag mo iyang babawiin.”
“Pero nagtataka ako paano mo nakuha ang phone ko na hindi ko alam?”
“Secret na lamang iyon.”
“Paano nga, may lahi ka ba talagang magnanakaw, halos ginalugad na namin ang buong site pati mga tao natin nataranta sa kakahanap.”
“Nagkataon lang na tanga ka bro.”
“Gusto mo talagang mamatay?”
“Hindi na sorry na.”
“At ikaw pa ang nagtext kay Patrick”
“Idea lahat iyon ni Shayne ako lang ang nag execute.”
“Ang galing ninyong dalawa”
“Si Shayne din ang kumausap kay Mr. Go para paghintayin ka at pahirapan ka para ma test kung ano ang gagawin mo at kung willing ka talagang puntahan si Patrick. Gusto kasi niyang masigurado na desidido ka talagang maging maayos ang tungkol sa inyo ni Patrick. Pero ayaw naman niyang basta na lamang kasi nga hindi siya sigurado kung mahal mo si Patrick dahil hindi ka naman gumagawa ng move.”
Saglit akong nag-isip, sabagay tama siya, pero hindi muna iyon ang mahalaga dahil ayus na kami ni Patrick.”
“Pati iyon kagagawan ninyo? Kinasabwat ninyo pati ang pangit na Intsik na iyon, hindi mo ba alam na kung hindi ko lamang iniisip na malaking kliyente yun ay isinakay ko na sa back hoe at ipinatapon sa bangin dahil sa dinadami-dami ng pagkakataon bakit noong hapon na iyon pa siya pumunta.” at aktong lalapit ako sa kanya.
“O tama na ha, nagpasalamat ka na saka masakit pa ang leeg ko, idedemenda na talaga kita ng frustrated homicide akala mo.”
“Kahit pa murder wala akong paki.”
Napatawa naman siya.
“Hindi ko talaga naisip na may kalokohan kang gagawin kaya ka pumunta sa site”
“Kailangan ko nga kasing makuha ang phone mo”
“Ay bakit maling restaurant ang ibinigay mo?”
“Na excite ako e, nalimutan ko ang usapan namin ni Shayne.”
“Haist sige na nga pinapatawad ko na kayo talaga, at thank you ulit.
“Kayo na ba talaga ulit ni Patrick?”
“Isang tanong mo pa sasakalin ulit kita.”

Patrick

Pagkapasok ko ng pinto, tama ang hinala ko naghihintay pa si Mommy, nanood ng TV.
“Anak naman kailan mo ba talaga matututunan ang tumawag o magtext man lamang kung nasan ka sa ganitong oras?”
“Ma naman ang tanda ko na para naman magpaalam pa sa inyo kung nasaan ako.”
“Oo nga, pero maiiaalis mo ba sa ‘kin ang mag-alala pagkatapos ng dalawang aksidente na nangyari sa iyo?”
Sasagot pa sana ako nang magsalita si Daddy.
“Sinabihan ko nga na matulog na kami at siguro naman ay gumimik ka lamang dahil wala namang pasok bukas, pero etong Mommy mo ayaw pumayag na hindi ka hintayin.” Ibinaba niya ang dalawang tasa ng kape sa center table.
“Pati kayo Daddy napupuyat sa paghihintay sa akin.”
“Saan ka nga ba galing anak?” tanong ni Daddy.
“Bigla kasing nagyaya si Shayne na mamasyal hindi na ako nakatanggi saka nag-usap din po kami ni Kuya Paul.”
“Si Paul anak?” si Mommy halata ang excitement
“Anong pinag-usapan ninyo?”
“Kung anu-ano lang Ma”
“Yung totoo anak, hindi ako naniniwalang kung anu-ano lang, iba ang kislap ng mga mata mo.”
“Aakyat na ako Ma, magpapahinga na ako.”
“Tumigil ka Josh Patrick, sabihin mo ang totoo, nag ka ayus na ba kayo ng Kuya Paul mo?”
“Aakyat na nga po ako, inaantok na ako.”
“Isa, Josh Patrick, makukurot kita, magsabi ka ng totoo.” Nakita ko naman si Daddy nakatingin lamang sa aming dalawa, alam kong naghihintay ng sagot ko.
“O sige na Ma, oo na, parang ganon na nga pero hindi pa ako sure basta, nakapag sorry na ako sa kanya at nakapag-usap na kami ng maayos.”
“Ayy, salamat naman sa Diyos at nagising na rin kayong dalawa.  Mabuti at kinalimutan na ninyo ang mga pride ninyo.”
“Sana anak maging masaya ka na, alam ko namang iyan ang gusto mo.” Nakangiti namang sagot ni Daddy.
“Thank you Ma, thanks din Dad at naiintindihan ninyo ako.” Nakangiti namang tumango si Mommy. Si Daddy ang sumagot.
“Basta kung saan ka masaya. Nasa likod mo kami anak.”
Hindi rin pumayag si Mommy na hindi alamin kung paano kami nagkausap kaya napilitan akong ikwento kung ano ang ginawa nina Shayne at Kenzo.  Tawa rin nang tawa si Daddy habang nagkukuwento ako.  Lalo na nang malamang itinago ni Kenzo ang phone ni Kuya Paul para lamang magtext sa akin kaso mali naman ang text.
“Anak ipakilala mo sa akin yung si Kenzo ha.” Si Daddy
Nagtaka naman ako pati si Kenzo gusto niyang makilala.
“Gusto ko lamang magpasalamat sa kanya, dahill sa ginawa niya naging okay na kayo.
“Oo nga, akala ko suplado yung si Kenzo, kahit naman kasi nakikita kong kasama ni Paul dati ay bihirang magsalita.  Pag hindi ko tatanungin hindi pa kikibo.” Si Mommy.
“Kay Shayne Ma, hindi ka ba magpapasalamat?”
“Nako, hindi na ako nagtataka sa batang iyon, napaka bait niya, kahit na nga may katarayan alam kong napaka buti ng kanyang kalooban.
“Maswerte ka anak may mga kaibigan kang gaya nila.” Si Daddy
“Pero mas maswerte ako dahil may magulang akong gaya ninyo?”
“Akala ko ba bawal na ang isa pang OA dito” napatingin naman sa amin si Mommy pero napatawa rin agad ng kindatan ni Daddy.
Naisip ko ang swerte ko nga pa rin talaga dahil sa kanilang lahat.
Pagpasok ko sa kwarto, nagtext ako kay Shayne and as expected tumawag agad ang babaeng luka.
“Josh, sorry talaga, hindi naman ganon ang plano namin.”
“Luka-luka ka kasi, hindi mo pa sinabi sa akin na may binabalak kayo.”
“E kung sinabi ko sa iyo di nag inarte ka pa, saka gusto ko talagang ma surprise ka para hindi ka na maka atras.”
“Thanks pa rin sa effort ninyo, na appreciate ko naman”
“Nagka ayos ba kayo ng prince charming mo?”
“Secret!”
“Josh naman e, pag hindi mo sinabi ang totoo, pupunta ako diyan promise!”
“Sira ka talaga 2 am na”
“Kaya nga sabihin mo na kung anong nangyari.”
“Ano bang gusto mong isagot ko?”
“Gosh, you mean….”?
“Hindi ba iyon naman ang gusto mo, ang gusto ninyo palang mangyare?
“Oo naman, I’m happy for both of you.”
“Salamat Shayne, salamat talaga.”
“But I’m sad for me.”
“Shayne naman eh, huwag mo na akong paguiltihin.”
“Kasi naman Josh, does it mean break na tayo, hindi na tayo?”naramdaman ko ang pag-iyak niya.
“Shayne, di ba naiintindihan mo naman ako?”
“Oo nga, kaya lang Josh….”
“Please Shayne, nakakainis ka naman e, pati ako napapaiyak sa ginagawa mo.”
“Pasensiya na Josh, hindi ko lamang mapigil ang sarili ko.”
“Gusto mo ba puntahan kita diyan ngayon?”
“Huwag na. I will be fine. Basta happy ako na ayos na kayo.”
“Shayne kasi e, nakukunsensiya ako”
“Okay nga lang ako don’t worry, ngayon lang ito promise”
“Sorry Shayne, and thank you for everything.”
“Welcome Josh, basta para sa iyo, para sumaya ka gagawin ko.”
“Naman e, wala ng ganyan, bestfriend pa rin naman tayo diba?”
“Oo naman.”
“Hindi mo ako iiwasan ha?”
“Oo promise!”
“Now I realize kaya ka ganon kanina, iyon na ba ang nasa isip mo?”
“Pinag-aaralan  ko na kasing tanggapin at inihahanda ko na rin ang sarili ko sa posibleng mangyayari.”
“Pasensiya na talaga hindi ko gustong saktan ka pero alam mo naman ang totoo.”
“Oo na nga, basta huwag na huwag ka lamang sasaktan ni Kuya Paul.  Promise Josh kahit gwapo siya babalatan ko siya ng buhay.”
“Huwag naman, para mo na rin akong pinatay non”
“Siguraduhin mo lang na hindi ka niya paiiyakin, lagot talaga siya sa akin. Makikita niya kung paano ako magalit.”
“Mas matindi pa ba sa mga nakita ko?”
“Nako wala pa sa kalahati ang nakita mo.”
“Nakakatakot ka nga pala.”
Natapos na ang pag-uusap namin pero nanatili pa rin sa isip ko si Shayne.  Tama si Kuya Paul.  Napakabuting tao nga niya.  Sa kabila ng pagmamahal nya sa akin nagawa pa rin niyang ayusin ang gusot namin ni Kuya Paul.  Malayung-malayo sa ginawa ni Dianne.  Sana naman ay makatagpo siya ng totoong pagmamahal. Sana ay dumating na iyong tao na nararapat psa kanya.  Sayang nga lamang at nauna kong minahal si Kuya Paul pero kung hindi siguro mamahalin ko talaga si Shayne. Dahil sa loob at labas ay napaganda niya.
Hanggang muli kong maisip si Kuya Paul.  Parang panaginip lamang talaga ang lahat. Iyong lahat ng iniisip ko dati, lahat ng pinapangarap kong mangyari.  Nangyari sa isang iglap lamang.  Hirap na hirap akong makaisip ng tamang paraan kung paano ko masasabi sa kanya ang lahat ng gusto kong sabihin. Tapos bigla na lamang kahit wala man lamang akong preparasyon nasabi ko lahat.
At totoo nga pala na kahit kailan hindi niya ako kinalimutan. Kahit magkahiwalay kami minahal pa rin niya ako. Kahit may kasalanan ako sa kanya, kinalimutan niya iyon dahil mahal niya ako.
“Salamat Kuya Paul.  Kung hindi lamang ako naging duwag sana noon pa naging maligaya na tayo parehas.  Pero gaya ng sinabi ni Peter Pan.  I will think about our happy thoughts, at magsisimula ulit tayong gumawa ng happy memories, yung tayong dalawa, yung masayang-masaya.”
“Salamat din Kupido, akala ako ay tuluyan mo na akong nalimutan.  Hayaan mo hindi ko na sasayangin itong pagkakataong ibinigay mo.  Hindi ko na hahayaang mawala pa siyang muli at maramdaman ang hirap na naranasan ko noong magkahiwalay kami.  Salamat dahil kahit matagal naalala mo pa rin kami.  Mayayakap talaga kita kapag nakita kita. Promise!”
At muli ay nakipagtitigan ako sa mga glow in the dark sa aking kisame.  Hindi ko alam parang ang ganda nilang pagmasdan ng mga oras na iyon.  Parang kahit may ilaw ay nakikita ko ang kanilang glow.  Hindi ko alam ganon siguro talaga ang pakiramdam ng inlove parang lahat ng bagay maganda.  Parang lahat ng tingnan ko masaya.
Hanggang makaramdam ako ng antok  habang patuloy pa rin ang pag-iimagine tungkol kay Kuya Paul pero bago ako tuluyang makatulog  tumunog ang cell phone ko,
“Good night Baby Pat, sweet dreams!”
Hindi na ako nagreply pero kiniss ko ang phone ko.
“Good night Kuya Paul. I love You!”

No comments:

Post a Comment

Read More Like This