Pages

Saturday, June 3, 2017

Tagpi (Part 1)

By:Yoriyuki

Hi KM Readers. Nais ko pong ibahagi ang kwento naming magkakaibigan sa inyo. Totoo pong nangyari ang mga ito, tanging pangalan lamang ang iniba ko para rin sa privacy ng mga kaibigan ko. Pauunahan ko na kayo. Hindi ko masyadong gamay ang tagalog as medium for writing lits. Yung magagaling dyan magbigay na lamang po ng tips para maging maayos ang pagbigay ko sainyo ng detalye ng aming kwento.

Sa Apartment…

Kuya Yuki, KUYA!!! Gising… Simisigaw si Rein mula sa labas ng kwarto. Rinig kong paakyat pa lamang siya. Lakas talaga ng boses ng babaeng ito. Hinintay ko na lamang siyang makapasok sa aking silid.

Lumapit siya. Ginising ako habang yinuyugyog ang aking balikat.

                Kuya… Kuya… Gising…

                Bakit? Tugon ko at mukhang na ngangamba.

                Kuya, si Kuya Denmark nasa loob ng banyo. Kanina pa. Hindi binubukasan ang pinto. Tapos yung tubig sa bathtub ata kanina pa din umaapaw.

                Huh? Pagkabigla ko at parang binuhusan ako ng tubig at nawala ang itutulog ko. Nagpaalam na ako kanina pang alas dyes sa kanila para matulog. Nagiinuman kasi kami dahil sabado naman. At nandito ang tropa sa apartment.

                Napabalikwas ako at dalidaling tumakbo pababa patungo sa banyo. Simisigaw ako sa habang kinakatok ang pinto ng malakas. DEN… DENMARK! Buksan mo ang pinto! HOY DEN! Malakas pa din ang katok ko halos mawasak ang pinto.

                Kuya, kanina nagpaalam lang siya na magjijingle daw. Pero kanina pa siya at ngayon lang naming na pansin. Kund hindi pa ako kumuha ng yelo sa ref. Paliwanag ni Rein.

                Rein, ‘asan yung iba?

                Nandoon pa kuya sa labas. Uminom.

                Kumalma muna ako ng konti. Sige ganito. Umakyat ka sa taas bukasan mo yung isang drawer sa kaliwa ng tukador at may mga susi dun. Dalhin mo dito.

                Dali-dali naman pumanhik pataas si Rein upang sundin ang utos ko sa kanya. Wala pang isang minuto nakabalik na siya. Siguro adrenalin na rin marahil sa sobrang pag-alala sa kaibigan na hindi sumasagot sa loob ng CR.

                Habang hawak ko na ang mga susi at hinanap ang tamang susi. Rein, tawagin mo si Joshua. Umalis sa tabi ko si Rein at pumunta sa labas.

                Trial and error sa susian. Pero sa pangatlong subok kumagat at nabuksan ko ang pinto. Nanlumo ako bigla sa nakita ko. Hindi ko alam na nasa likod pala si Rein at Joshua at napabiglang sigaw ako.

                TANGINA, DEN!!! Ang tubig umaapaw na sa bathtub gawa ng bukas ang gripo at naroon ang kaibigan naming nakalulob ang mukha. Hindi ko alam kong matagal na siya sa gano’n posisyon. Kinabahan ako habang papalapit sa kanya. Lasing na lasing si Den. Puno ng suka ang sahid. Sumunod sina Rein at Joshua na tulala. Hindi maipaliwanag ang mga mukha. Pero linakasan ko ang loob ko. Hindi pwedeng may mamatay sa mga kaibigan ko. At apartment ko ‘to. Mahirap na.

Hinila ko si Den. Binuhat. Tinulungan na rin ako ni Joshua na mas malaki pa sa akin. At salamat sa Diyos at umubo si Den. Hindi siya nalunod. Pero may mga tubig na naisuka siya habang pinapaupo naming siya sa sahig nanaka lapat ang kanyang likod sa pader,

Den… Den… Yinuyuyog ko siya. Parang wala siya sa huwisyo. Nagsimula nang umungol siya at may mga luha na pumapatak. Nagkatinginan kami tatlo.

Kuya. Akyat muna ako. Kukuha ako ng damit. Tapos panlatag sa sala para maayos ang posisyon ni Den. Pagputlo ni Josh. Tumango na lamang ako.

Kuya, magiinit ako ng tubig panghilamos ni Den. Sunod naman na tugon ni Rein.

                Alam ko na ang ibig nilang ipahiwatig. Si Den magsisimula ng magtantrums. Kilala na talaga nila ang bawat isa. At alam nila na ako lang ang pakikinggan nito. Tama nga ang pakiramdam nila. Biglang tumayo si Den. Bakas mo sa mukha niya ang sobrang lungkot at ang mga mata nito ay pulang-pula. Kahit nanghihina, pilit humarap sa pader at…

                PUTANGINA… BAKIT GANITO?! Sinusuntok ang pader ng malakas. Malakas rin ang sigaw nito na alam kong naririnig na sa labas ng apartment. Kaya yung mga tawanan sa labas at natigil. Alam nila ang nangyayari sa loob.

                HAYOP. BAKIT AKO PA? BAKIT AKO PA ANG SINASAKTAN MO AKIHIRO?! ANG SAKIT NA… Patuloy pa rin ang kanyang pagsuntok sa pader. May dugo na nagmamarka sa pader at kamay niya. Humahagulgol na rin siya. Ang kanyang baga ay halatang hirap na sa kakaiyak.

                Hinahayaan ko lamang siya na mailabas ang sama ng loob. Para rin maging magian ang kanyang damdamin na alam naman ng buong barkada ang heartbreak niya sa taong kahit kailan ay hindi siya pinahalagahan. Sa bawat suntok at sigaw niya habang umiiyak ay syang ring pagkawala ng pait at kabiguan.

                Hindi ko na napigilan ang sarili ko sa aking nasasaksihan. Napatingin ako sa may pintuan. Naroon na pala ang buong barkada. Nakatulala. Yung dalawang babae ay umiiyak na rin. Samantalang ang iba ay hindi maiipinta ang mukha. Lumapit na ako. Hinawakan ko ang kanyang balikat. Nanginginig si Den. Sabi ko sa makalma kong boses. Den… Den… Den… Tama na yan. Sinasaktan mo ang sarili mo. Alam naming na masakit. Pero hindi na tama ‘yang pananakit mo sa  sarili mo. Let loose na.

                Natigilan bigla si Den. Hindi na siya sumunsuntok sa pader. Pero ang kanyang pagiyak ay hindi parin tapos. Mas lalo lang lumakas at humarap sa akin at bigla akong niyakap at nagsalita.

                Kuya! Pasensya na… Kuya sobrang sakit. SOBRA NA! Halos mabingi ako sa lakas nasigaw nito dahil nakapatong ang panga niya sa kanang balikat ko.

                I know… Tama na…

                Ilang sandal lang ay huminahon na si Den.

                Kuya, kami na bahala dito sa CR ni Miyumi. Tugon ni Rein. Si Josh at Roj na ang umalalay kay Den papunta sa sala. After 30 minutes parang wala lang nangyari. Ayon si Den natutulog sa sala. Napalitan ng damit at nalinisan din ang mga dumi sa katawan.

                Lumabas ako at tumungo sa kubo kung saan naroon ang lahat na hanggang ngayon ay tumatagay pa rin. Nahalata kong sumenyas sa lahat ‘yung nakikita sa akin na paparating. Tumahamik ang lahat.

                JOSHUA! Tawag ko sa kinakapatid ko habang nasa pagitan ng pinto ng kubo. Tumingin naman siya sa akin pero alam niya na galit ako. Pero ang mga sumunod ng salita sa akin ay mahinahon din.                “

                ‘Di ba, bago ako natulog binilin ko sa’yo na wag n’yong hayaan si Den na lumaklak ng lumaklak. Alam n’yong suicidal yung tao.

                Kuya, namilit eh… Sabi ni Roj.

                ‘Di ba makulit nga. Kamakailan nga halos masagasaan na ng tren dahil tulala kakaisip kay Akihiro.

                Akala ko kasi okay pa siya. Siya pa nga bumili nitong inumin namin. Sagot ni Josh sa akin.

                Kinonsente mo pa. Ikaw ang pinakamantanda na natira dito. Nurse ka pa naman. Inis kong baling sa kanya.

                Sorry! Mali na ako. Alam mo naman kahit pigilan ko pa ‘yon. Magmamatigas pa rin yun. Tulog ka na. Kaya bwelo siya.

                Kuya wag ka nang magalit kay Josh. Lahat naman kami sumangayon sa paginom niyang madami. Dugtong ni Miyumi.

                Well, wala naman akong magagawa eh. Sa akin lang tingnan n’yo ang isa’t isa. Pano pag wala pala ako… Ano na lamang mangyayari sainyo. At si Den pa talaga hinayaan niyo? Kakambal n’yan si Rein. Mga suicidal! Pagpapaliwanag at pagpapatawa ko.

                Sumali na lamang muli ako sa inuman dahil nawala na rin itutulog ko,

                Nakalipas ang isang oras. Nasa kalagitnaan ng saya sa kubo. Sumigaw ng malakas si Den, napatingin kami, siya ay na nasa may pintuan na pala ng apartment nakatingin sa gate. May nakatayong lalaki. AKIHIRO! PLEASE... Napaluhod. PLEASE, KAUSAPIN MO AKO! WAG MO AKONG IWASAN AT PAHIRAPAN.

Itutuloy...

No comments:

Post a Comment

Read More Like This