Pages

Saturday, June 3, 2017

Basang Medyas

By: Zander

Pagkalabas ni Pedro sa bahay, biglang bumuhos ang ulan. Napaatras siya pabalik sa silong ng front door bago pa man mapatakan ang kanyang bitbit na camera at puting mga sapatos.

“Shit,” bulong niya sabay bukas ng pintuan. That's Baguio for you, naisip niya. Kahit gaano kaliwanag ang araw, may 150% paring uulan.

Pagkapasok niya sa bahay, nanginig ang kanyang cellphone.

<<Peter, tuloy pa ba? Lakas ng ulan ngay.
Si Hector, kaibigan at modelo ni Pedro sa kanyang mga personal na photoshoot. May fantasy-inspired sana silang shoot ngayong araw. Sa John Hay, para mapuno at wala masyado tao.

Dude, sorry, pero oo. Unless may matatawag kang assistant na papayungan ako habang kinukuhanan kita>>
Sagot ni Pedro. Nilapag niya ang cam sa mesa katabi ng kanyang laptop.

<<Demet. Sige, dude. Next time nalang.
Sagot ni Hector.

Umupo si Pedro, may konting dismaya. Alam niyang hindi siya ganun kagaling sa pagkuha ng mga litrato, pero ito talaga ang hilig niyang gawin kapag walang pasok sa trabaho. Buti nga madaling hatakin si Hector, na palaging maaasahang makaka-isip ng kung anu-anong konsepto para sa shoot, kahit last minute pa.

Nag-vibrate ulit ang kanyang phone. Unregistered yung number.

<<Peter?

Napakunot ng noo si Pedro. Bukod kay Hector, wala nang ibang taong tumatawag sa kanya gamit ang kanyang totoong pangalan. Lahat ng mga kaibigan at kakilala, kahit na alam nilang Peter Alapo ang kanyang pangalan, eh Pedro ang tawag sa kanya.

Bago pa siya makareply para magtanong, nasundan na ang text:

<<Si Wayne to. Remember me?

Nanlamig ang mga daliri ni Pedro, halos malaglag niya ang kanyang phone.

Diba’t halos tatlong linggo na silang di nag-uusap ni Wayne?
Katrabaho niya dati si Wayne Crisanto. Actually, nasa mas mataas na posisyon si Wayne. Administrative Assistant si Pedro, Training Supervisor si Wayne. Nagkakilala sila dahil kapag walang mahilang tutulong sa pagset up ng training room, o pagpapa-xerox ng mga handouts, at iba pang mga kailangan ayusin bago ang isang training. May mga Training Specialist si Wayne, pero kadalasan, may mga sariling training kaya di matulungan ang kanilang Supervisor. Kaya sa HR humihingi ng tulong si Wayne, at lagi namang handa si Pedro.

Three months ago, nag resign si Wayne para makalipat sa isang kumpanya sa Manila.

Nang malaman yun ni Pedro, di na siya nag dalawang isip na i-add siya sa Facebook. Agad namang na-approve ang kanyang request.

Matapos ang simpleng mga pagbati, naging madalas ang kanilang pag-uusap gamit ang Messenger.

Isang gabi, (yun ang oras na sila'y kadalasang nakakapag-usap) nag message si Wayne. Sinabi niyang nalulungkot siya. Nang tanungin ni Pedro kung bakit, inamin niyang homesick siya.

Gamit parin ang Messenger, tinawagan ni Pedro si Wayne. Sa simulan ng tawag, bakas sa boses ng dating taga-Baguio ang lungkot at pangungulila. Binanggit niya lahat ng mga nami-miss niya. Mga kainan: Volante, 50’s Diner, yung Jollibee na McDo. Mga pinupuntahan: John Hay, SM, Center Mall. Mga tao: kanyang mga Specialists, yung Manager niya, at...si Pedro.

Namula si Pedro nung narinig niya ang kanyang pangalan mula sa bibig ng trainer. Pero di na niya masyadong pinansin. Nag-focus nalang siya kung paano pasayahin si Wayne.

Sinabayan lang ni Pedro si Wayne sa kanyang pag-aalala sa Baguio. Di siya nag offer ng advice, o words of comfort. Pinakinggan niya lang si Wayne.

Matapos ang isa't kalahating oras na pag-uusap (mainit na ang phone sa pisngi ni Pedro), halata sa boses ni Wayne na gumaan na ang kanyang pakiramdam. Ngayon, pinag usapan naman nila ang kanyang buhay sa Manila: mainit, mainit, mainit. And other things.

Ilang oras din ang lumipas na masaya at puno ng birong usapan.

Pagkatapos ng tawag na yun, humingi ng favor si Wayne.

“Pag may time akong umakyat diyan, labas tayo ha?”

Natapos ang usapang yon sa isang pangako.

*

Di na ulit nangyari yung ganoon ka intimate na usapan sa pagitan nila. Actually, naging mas busy ata si Wayne kasi di na siya masyadong nakikipag-chat kay Pedro. Kung may time man, babati lang siya, at di na makakapagreply ng buong araw. Babati nalang ulit siya pag matutulog.

Hanggang sa umabot na kahit pag-good morning lang eh wala na.

Sa simula, kahit walang reply, bumabati parin si Pedro. Pero nang naramdaman niyang parang tanga lang yung ginagawa niya, di na din siya naggu-good morning.

*

Wayne! What's up? Long time no talk ah.>>
Reply ni Pedro nang maibalik niya ang kanyang kaluluwa sa kanyang katawan.

<<Onga. Sorry po. Medyo naging busy.
Sagot ni Wayne.

Di ka na busy ngayon?>>
Tanong ni Pedro. Naramdaman niya ang palagi niyang nararamdaman kapag magkachat sila ni Wayne: ang paggising ng kanyang titi. Di ito tumitigas ng todo, pero handang-handa itong bumangon kung kailangan.

<<Actually, nasa Baguio ako.
Sagot ni Wayne. Sinabayan ng tibok ng titi ni Pedro ang kanyang puso.
<<San ka?

Baguio din.>>
Pabirong sabi ni Pedro. Palakas nang palakas ang kabog ng puso niya.

<<Loko ka talaga. Are you out and about?
Sabi ni Wayne.

Di ngay. Umuulan naman.>>

<<onga. Baguio na Baguio. Labas parin tayo.

Seryoso? Saan naman?>>

<<Oo. Seryoso. Parang nakalimutan mo promise mo ah.
<<Tarang ‘50s Diner.

Di ko nakalimutan.>>
Wala na ‘50s.>>

<<Wala na?

Oo. Na demolish na>>

<<Grabe. Nalungkot ako bigla.

Don't worry. Marami namang pwedeng puntahan.>>

<<Saan ngarod?

May bagong kainan. Lemon and Olives. Gusto mo ba Greek food?>>

<<Interesting. Sige. Tara.
<<Saan kita susunduin?

Susunduin?>>

<<Naka-taxi ako ngayon, actually. Galing SM.

Wow. Big time ka na pala ngayon.>>

<<Care of naman ng kumpanya gastos ko. Hehe.

Matapos ang ilang linya ng biruan, sinend din ni Pedro kay Wayne ang kanyang address. Habang inaantay ang tunog ng sasakyan sa may labas ng gate nila at ang kasunod na busina, sinubukan ni Pedro ang pakalmahin ang kanyang kilig sa paglakad-lakad.

Pumunta siyang kwarto niya, tinignan ang sarili sa salamin. Ang ayos niya eh yung sakto lang na panglabas: V-neck t-shirt, cardigan, ripped jeans, white Chucks. After all, si Hector naman ang kukuhanan ng litrato. Nag-isip siya. Okay naman nang tignan, pero mag-effort kaya siya? Ano kaya suot ni Wayne? Naka-pang opisina kaya? Kung ganun, pangit ata pag naka-ripped jeans siya pag magkasama na sila. Or baka naman nakabihis din siyang pang-gala?

Bago pa man siya makapagpasya, may bumusina sa labas ng kanilang gate.

Pinigilan niya ang matinis na hiyaw na muntik nang tumakas mula sa kanyang lalamunan, humingang malalim at sinubukang lumabas ng bahay na may ere ng confidence.

Saktong wala nang ulan, kaya di na inalala in Pedro ang kanyang payong.

Naka dungaw mula sa likurang upuan ang gwapong mukha ni Wayne. Corporate haircut, puting Igorot na balat, at prominenteng cheekbones. Nakasuot nga siyang pang-opisina, pero bukas yung dalawang pinakataas na butones ng berdeng polo niya.

Pumasok si Pedro, nanlalamig ang mga daliri at paa.

Nag-kamayan sila, at pinansin ni Wayne ang lamig ng kamay ni Pedro.

“Malamig ang panahon eh,” sabi ni Pedro, may ninenerbyos na ngiti sa mukha.

“Yeah, I really miss this kind of weather.” May ngiti din sa mukha ni Wayne, pero di ito buhat ng nerbyos, kundi purong galak sa muli nilang pagkikita ni Pedro.

“Saan na po tayo, mga ser?” singit ng taxi-driver. Napatalon si Wayne sa gulat, kinakabahang sumagot.

Sinalba siya ni Pedro. “Sa Outlook Drive na, boss. Alam mo yung Lemon and Olives? Bagong patak na lang po.”

Tumango yung driver. Kinalikot ang kanyang metro, at umatras palayo sa gate ng bahay ni Pedro.

Bumuntong hininga si Wayne habang inabot yung bayad ng unang patak ng taxi. Natawa si Pedro.

“Relax, sir,” sabi niya. “Mga taxi driver dito, di gaya ng mga taga-Manila. Di ba, boss?”

Tumawa ang driver. “Ay wen adi,” sabi niya. “Mas gwapo pa kami.”

“Naman,” sang-ayon ni Pedro.

Napangiti si Wayne, tinignan si Pedro na may tawa sa mga mata. Nagkatitigan silang dalawa, parehong ayaw ibaling ang kanilang tingin. Nawala lang ang eye contact nang biglang pumreno ang driver dahil may tumatakbong pedestrian.

Sinubukan ni Pedro na kunin ulit ang tingin ni Wayne, pero naka-focus na ang ‘turista’ sa mga nadadaanang gusali sa labas ng taxi. Napaisip si Pedro kung anong ibig sabihin ng titigan nilang iyon.

On and off ang ulan habang bumibiyahe sila papuntang Outlook Drive. Di naman ito masyadong pinansin ng dalawang lalaki, dahil pareho silang ligaw sa mga ala-ala nilang dalawa nung sila’y magkatrabaho pa, at kung anu-ano pang mga naisip nilang pag-usapan.

Saktong pagdating nila sa labas ng Lemon and Olives Taverna, tumigil ang ulan, pero minabuti nilang umupo sa inner area, at hindi sa balcony.

Nang sinasabi ni Pedro sa waitress ang kanilang order, ramdam niyang pinagmamasdan siya ni Wayne. Hindi naman siya bothered. Sa katunayan, kinikilig siya. Pero anong ibig sabihin noon?

Habang inaantay ang kanilang order, tinitigan ni Wayne si Pedro, habang nakakunot ang kanyang noo, at halos maging isa ang kanyang mga kilay.

“May something ba sa mukha ko?” sabi ni Pedro, at kinapa niya ang kanyang noo at pisngi.

Napangiti si Wayne. “Pala-biro ka talaga kahit kailan.” sabi niya. “Iniisip ko lang…”

“Ano?”

“Bakit ngayon lang tayo naging close?” sabi ni Wayne. Umiwas na siya ng tingin, at kinukurot kurot ang kwelyo ng kanyang blazer. “I mean, oo, malapit tayo nung nasa kumpanya palang ako. Pero professional lang yun eh.”

Nagkibit-balikat si Pedro. “Bakit mo naman pino-problema ang timing?”

Umiling si Wayne. “Wala, wala,” sabi niya. Dumating ang tubig na pinauna nilang i-serve, at agad na nilaklak ni Wayne ang laman ng kanyang baso.

“Wayne,” sabi ni Pedro, nanumbalik ang lakas ng kabog ng kanyang puso. Iniisip niya, kulang nalang pati yung mesa eh pupulso kasabay ng kanyang puso.

“Yeah,” ngiti ni Wayne. Pinunasan ang kanyang basang labi.

“Gusto mo ba ako?”

“Ah,” umiwas ulit ng tingin ang dating taga-Baguio. Di niya sinagot ang tanong. Namula si Pedro. Sa isip-isip niya, pinagsisipa niya ang kanyang sarili. Bakit mo sinabi yun? Di talaga siya yung prangkang tao. Kung pwedeng idaan sa biro ang usapan, mas gugustuhin pa niya yun. Kaya di niya alam kung bakit nalang niya natanong ng diretsahan ang gusto niyang malaman. Halatang nabigla din si Wayne.

Dumating ang kanilang pagkain na bahagyang bumura sa awkwardness ng tanong na yon.

“Maalala mo nung surprise birthday para sa boss ko?” tanong ni Pedro, para lang maka-move on na sila.

“March,” sabi ni Wayne. “Hapon. Of course. Kinuntsaba mo lahat ng mga supervisor para magbigay ng video message para sa kanya. Bakit mo nabanggit?”

“Well, nung ineedit ko yung mga narecord, I had to cut yours out.”

“Huh? Bakit?”

“Di ko alam kung narealize mo or not,” sabi ni Pedro, nangingilid ang tawa sa kanyang mga labi. “Pero sa video, may dark spot ka sa ilalim ng ilong mo. Halatang-halata, as in. Di ko alam kung dumi siya sa camera or sa mismong mukha mo, pero I had to remove you from the collection.”

Tumaas ang mga kilay ni Wayne, tsaka siya tumawa.

“My God!” sabi niya, naghugis O ang kanyang bibig. “Now it makes sense! Ramdam ko na may inis siya sakin sa mga weeks after that! Siguro akala niya ayoko siyang batihin!”

Tumawa din si Pedro. “Baka nga!”

“Grabe,” sabi ni Wayne. “Pero salamat at binura mo yung sakin. Mas gugustuhin ko pang awayin ako nun kesa pagtawanan ang dumi sa mukha ko.”

“Sino may sabing ‘binura’ ko?”

“Wait, what?” nawala ang tawa sa mukha ni Wayne.

“Di ko siya sinama sa greeting montage,” sabi ni Pedro, “Pero naka-save parin siya sa computer ko sa office.”

“Peter!” pabulong sa sigaw ni Wayne. May halong takot at tuwa sa mukha niya. “Grabe ka met!”

*

Matapos ang isang oras ng pag-uusap at kainan, tuluyan nang nawala ang tension na dulot ng prangkang tanong ni Pedro.

Tinuloy nila ang kwentuhan habang nagpapababa ng pagkain.

“Maalala mo si Melany?” tanong ni Pedro.

“Melany with a Y o IE?”

“Y,” sabi ni Pedro.

“Ah, oo. Yung bukambibig na siya ang pinakamagaling sa department niya,” sabi ni Wayne. “Bakit siya?”

“Nasuspend siya last week,” tsismis ni Pedro.

“Well,” sabi ni Wayne, may ngiti sa kanyang mukha. Kung may tao mang natutuwa kay Melany, siguro ay di siya empleyado sa kumpanyang iyon. “Anong ginawa niya?”

“Nahuli siya sa CCTV na lumalabas galing sa male’s bathroom,” pagtutuloy ni Pedro.

“What?” nanlaki ang mga mata ni Wayne. “Ibig sabihin...?” Bakas sa kanyang mukha kung ano ang gusto niyang tanungin.

Tumango lamang si Pedro. “Siyempre walang napatunayang nangyari maliban sa pagpasok sa maling banyo,” sabi niya. “Pero, yeah, naniniwala ang karamihan na may ka-jerjeran siya sa banyo nung time na yun.”

“Sino naman daw ang ka-sex niya?”

“Well, again, walang proof, pero ang sumunod na lumabas sa banyo eh si Sir Nick.”

Hindi inasahan ni Pedro ang paglaho ng ngiti ni Wayne sa kanyang mukha. Parang mas bagay pa sa balitang “Wala na ang ‘50s Diner” ang kanyang expression.

“Ah, wow,” pabulong ni Wayne. “Scandalous.” Pinilit niyang tumawa.

Tempted ulit si Pedro na prangkahin ulit si Wayne at tanungin kung may something sila ni Nick noon. Mukhang meron. Pero inisip nalang ni Pedro na balewalain ang kakaibang reaction ni Wayne.

“Ano, bill na?” sabi nalang ni Pedro.

“Sige,” sabi ni Wayne, pinabalik ang tuwa sa kanyang mukha.

Sa senyas ni Pedro, dinala ng waitress ang bill, na agad dinampot ni Wayne. Nagprotesta (ng mahina) si Pedro, pero nag-insist si Wayne na siya na.

*

Walang dumadaang taxi sa labas ng taverna. Kung meron man, may karga na ito.

“Di naman na umuulan, lakad nalang tayo hanggang Pacdal, gusto mo?” sabi ni Pedro.

“Ah,” pag-aalangan ni Wayne.

“Tara na kitdin,” pagpipilit ni Pedro. Nagsimula na siyang maglakad. Hinabol siya ni Wayne.

“Grabe ka nga talaga,” sabi ni Wayne nang makahabol siya. “Naka leather shoes ako.”

“Parang di ka naman taga-Baguio dati,” sumbat ni Pedro. “Ilang minuto lang lalakarin natin. Tsaka naka puting sapatos ako, madaling madumihan. Patas lang tayo. Wag ka na maarte.”

“Ugh!” dabog ni Wayne, sabay akap sa leeg ni Pedro, kunyaring chokehold.

Wala pang limang minuto silang naglalakad nang--

VROOM! SPLASH! “FUCK!”

Mula paa hanggang beywang, nabasa ang dalawang lalaki.

Dahil konti lang talaga ang dumadaan na sasakyan sa Outlook Drive, madalas mabilis magpatakbo kung sino man ang dumadaan dito. Sa sobrang bilis ng dumaan na Revo kanina, naging tsunami ang isang puddle na saktong nakatapat kina Pedro at Wayne.

Mabilis ang mga pangyayari. Bago pa man maisip ng dalawa na murahin ang sasakyan, nasa malayo na ito.

“Shit!” sigaw ni Pedro, tinitignan ang sarili. Ang kanyang ripped jeans na light blue, ngayon dark blue na. And kanyang puting sapatos, brown na. Bilang gawa lang sa canvas ang sapatos niya, nakapasok agad ang tubig, at basang-basa na rin ang kanyang mga medyas. Malamig, mabigat, basa. Pinag-isipan niya kung huhubarin ba niya ang kanyang sapatos at medyas, at maglakad nalang nang naka-paa.

Si Wayne naman, ang kanyang gray slacks, parang pakiramdam niya naging manipis nang mabasa ito, dahil sa bawat ihip ng hangin, tila wala siyang pantalon sa nararamdaman niyang lamig.

Agad lumayo ang dalawa sa puddle na pinanggalingan ng pinangligo nila, parehong gulat sa pangyayari. Parehong may pangambang mapahiya kung may makakita sa kanilang ganoon: putikan, basang-basa, at parehong hindi bagay sa tag-ulan ang suot.

“Para!” biglang sigaw ni Wayne.

May nakita siyang bakanteng taxi, at agad niyang inangat ang kanyang kamay upang patigilin ito.

Ang swerte nga naman, aantayin pa kung kailan dumaan ka na sa dumi at lamig, sa pagkagulat at hiya bago ka niya bibiyayaan.

Unang pumasok si Pedro, at nang pumasok na si Wayne, sinabihan ang driver na ipunta sila sa A Hotel, kung saan siya tumutuloy, care of the company.

Nang wala na sila sa labas at natakasan ang posibilidad na may makakita sa kanila, at mapahiya. Tumingin si Wayne kay Pedro at tumawa. Sinabayan nalang siya ni Pedro.

Nang humupa na ang tawa, nanginginig parin ang mga katawan nila. Di dahil sa tuwa, pero dahil sa lamig.

Hindi na pinigilan ni Pedro ang sarili. Dinampot ng nanginginig niyang kamay ang kamay ni Wayne, at hinawakan ng mahigpit. Di niya maipaliwanag kung paano ito makakatulong sa pag-alis ng lamig, pero yun talaga ang ginawa niya.

Di pumalag si Wayne, kundi bumawi siya sa higpit ng pagkahawak ni Pedro sa kanyang kamay.

*

“Mr. Crisanto!” gulat na sabi ng nasa front desk, malamang dahil sa itsura ni Wayne.

“Not a word more,” sabi ni Wayne. “Padala ng extra towels sa room ko, thanks.”

*

Nasa fourth floor ang kwarto ni Wayne, so tiniis ni Pedro ang squishing at squelching feeling ng kanyang basang mga medyas habang nasa loob sila ng elevator.

Bumitaw si Wayne sa pagkakahawak sa kamay ni Pedro nang bumaba sila kanina sa taxi. Pero ngayong sila lang ang nasa loob ng elevator, siya na mismo ang kumuha ulit sa kamay ni Pedro, ang kanyang mga daliri, sa pagitan ng mga daliri ni Pedro.

Nanginginig ang dalawa sa lamig at kilig.

*

Room 410.

Pagkasara ng pinto, nagsalubong ang mga labi nila Pedro at Wayne. Pero saglitan lang. Pagkasalubong nila, umatras agad si Pedro at bumulong:

“Hindi ko kayang gawin to na may basang medyas.”

Natawa si Wayne. “Actually, ako rin.”

Una nilang hinubad ang kanilang sapatos, tapos medyas, tapos pantalon, tapos underwear.

Habang suot-suot parin ang kanilang pang-itaas, naglapat muli ang kanilang mga labi.

Tila bumagal ang pagdaan ng oras. Bawat galaw ng kanilang labi ay tila nagtatagal ng ilang minuto. Bawat segundong lumilipas, anong init ang binibigay sa katawan ng isa.

Matagal na nagkakilala ang kanilang mga labi bago nila pinakilala sa isa’t-isa ang kanilang mga dila. Malambot, karinyoso, mainit. Dahan-dahan silang nagyakapan, nag-iikutan, nagpapasahan ng init at laway.

Matapos ang tila ilang araw ng halikan, humiwalay si Pedro, at humatsing.

“Uh-oh,” sabi ni Wayne. “Tara na muna sa shower.”

With their cocks hard as pipes, naghubad na silang tuluyan. Pinagmasdan nila ang katawang ng isa’t-isa. May pagka-payat si Pedro, pero di mo paring maipagkakailang taga-Baguio siya dahil sa pagka-maskulado ng kanyang mga binti. May tattoo siya ng ibon sa kaliwang parte ng kanyang tagiliran, saktong sa baba ng umbok ng kanyang dibdib.

Nang mapansin ito ni Wayne, agad dumapo ang kanyang mga daliri sa tattoo. Walang salitang tinatanong ng kanyang mga mata kung ano ibig sabihin ng tinta sa balat ni Pedro. Sa bawat haplos ng daliri ni Wayne sa detalye ng tattoo, pumupulso ang burat ni Pedro.

Ngumiti ng misteryoso si Pedro, kumindat, tila sinasabing “Malalaman mo sa tamang panahon.”

Si Wayne naman ay mahahaba ang kanyang mga braso at hita, pinagmumukha siyang mas matangkad kaysa sa 5’10”. Halata sa hulma ng katawan niyang lumaki sa physical activities si Wayne, ngunit siguro dahil nagkatrabaho na at wala nang oras ay may pagka-lambot na ang kanyang beywang. May makapal pero pina-igsing karug ang dumudugtong sa kanyang puson at matigas na ari.

“Sino mauuna?” bulong ni Pedro.

“Mauuna nga?” tanong ni Wayne sabay patid kay Pedro at mapahiga sa kanyang mga malalakas na braso.

“Wayne!” sigaw ni Pedro sa gulat at kilig. Tila ang gaan niya sa dali ng pagka-bridal carry sa kanya ni Wayne.

Sa kanyang kilig, dinakma niya ng madiin na halik si Wayne. Tila nanghina ang kanyang tagabuhat sa halik na iyon, kaya humiwalay siya agad.

“Hot o cold shower?” tanong ni Wayne habang buhat-buhat parin si Pedro nang pumasok na sa banyo.

“Shit,” bulong ni Pedro. “Kahit cold shower ata eh hot parin ang kalalabasan niya.”

Dahan-dahang binaba ni Wayne si Pedro sa loob ng shower area. Pagkalapag ng kanyang mga paa sa tiles, siniil agad ni Pedro ng halik si Wayne. Sinumbatan siya ni Wayne ng madiin at pangahas na halik; agresibong labanan ng mga dila, gigil na mga kagat sa labi.

Napasinghap si Pedro nang biglang bumuhos ang malamig na tubig sa kanyang balat. Pero bumalik agad siya sa paghalik sa kanyang dating katrabaho.

*

Hindi naman siya exclusive na crush. Oo, malakas na ang pagkagusto ni Pedro kay Wayne nung nasa iisang kumpanya palang sila. Pero siyempre, hindi lang naman si Wayne ang gwapo, matalino, mabait, at may sense of humor na lalaki sa opisina. Ang iba sa kanila, naka-fling na rin ni Pedro. Yung iba dun sa mga fling, gusto din sana niyang maging karelasyon, pero strikto ang opisina sa workplace romance. At bilang Administrative Assistant ang position ni Pedro, hindi siya ganun kaligtas kung sakali mang ma-issue, lalo na’t karamihan sa mga nakasiping niya eh mas mataas ang posisyon kesa sa kanya.

Pero ngayong si Wayne na ang sumusupsop sa kanyang mga utong, at naglalaro sa butas ng kanyang pwet, hindi mapigilang isipin ni Pedro na...pwede na sigurong umasang hindi lang kami hanggang fling?

Dinalawa ni Wayne ang daliring pinapasok sa pwet ni Pedro. Napahiyaw siya, napakapit sa mga biceps ni Wayne.

“Ah, sarap!” singhap niya. “Wayne, dahan-dahan. Laruin mo butas ko.”

Sumunod si Wayne. Sa bawat pasok ng kanyang mga daliri eh ginagalaw-galaw niya ng konti habang pumapasok, na kumikiliti sa loob ni Pedro.

Di na inalintana ni Pedro ang lamig ng shower. Walang makakatalo sa init na dulot ng mga daliri ni Wayne sa loob niya.

Lumuhod si Wayne at sinubo ang tirik na tirik na burat ni Pedro. Di niya mapigilang umindayog. Sa kabila ng ingay ng shower, dinig ni Pedro ang paglabas-pasok ng kanyang ari sa bibig ni Wayne. Minsan titigil sila saglit, kapag nabibilaukan si Wayne.

“Ang laki mo, shit,” sabi niya, at hihinga ng malalim. “Parang gusto kong ikaw titira sakin.”

Hinawakan ni Pedro ang mukha ni Wayne sa kanyang baba. “Bakit? Ang akala mo ba ikaw ang titira sakin?”

Sa tono ni Pedro, tila nanghina sa libog si Wayne. “Shit,” sabi niya. “Ibo-bottom mo ako?”

“Oo,” sabi ni Pedro, at gamit ang kanyang kamay sa baba ni Wayne, pinatayo niya ang tsumupa sa kanya. “Angal ka?”

“Top ako, Peter,” bulong ni Wayne, pero walang protesta sa kanyang tono at mata. “I’ve never been--ah!”

Natigilan siya nang sinunggaban ni Pedro ang kanyang mga itlog.

Napapikit si Wayne sa paghimas ni Pedro sa kanyang balls. “Peter…”

“Top ka?” bulong ni Pedro.

“Yeah.” mahinang sagot ni Wayne.

“Talaga?” Inayos ni Pedro ang kanyang daliri para mahimas niya ang pagitan ng itlog at pwet ni Wayne.

“Oo. Ever--shit, Peter--ever since.”

Diniinan ni Pedro ang paghimas sa parteng yun ng katawan ni Wayne. Napaliyad ang lalaki, napanganga. Sinalok ng bibig niya ang tubig mula sa shower, at umagos sa gilid ng kanyang bibig papuntang baba.

“Peter! Shit. Anong ginagawa mo sakin?”

“Hinahanda kita sa pag-iyot ko sa yo.”

“Fuck.”

“Fuck talaga.”

Hinalikan ni Pedro si Wayne, pero ang pagsasama ng kanilang labi ay napuputol sa bawat pag-ungol ni Wayne.

“Kayang ka, boy,” sabi ni Pedro.

“Peter…” halinghing ni Wayne. “Top talaga ako--”

Gamit ang kanyang paa, pina-kayang ni Pedro si Wayne. Nilaro niya ang sabon ng hotel sa kanyang kamay, hanggang sa ito’y nabalot na ng bula. Binalik ni Pedro ang kanyang kamay sa dating pwesto sa pwet ni Wayne. Dahan-dahang minasahe ng kanyang daliri ang lagusan ni Wayne.

Nanginginig ang mga tuhod ni Wayne, kaya iginiya siya ni Pedro para sumandal sa pader ng banyo. Umuungol siya sa bawat galaw ng mga daliri ni Pedro sa kanyang pwet.

“Please, Peter. Fuck. Oh, my God.”

“Ayaw mo ba talaga?” hamon ni Pedro. “Kung ayaw mo, sige, ikaw na umiyot sakin.”

Ungol lang ang sagot ni Wayne. Pulang-pula ang kanyang mga pisngi; ang kanyang mga labi, naka-hugis O; ang kanyang labi madalas sumisilip upang dilaan ang kanyang upper lip.

“Sige, ayaw mo eh.” Gumalaw si Pedro na tila ilalayo ang kanyang masabong kamay.

Pinigilan siya ni Wayne. Gamit ang kanyang mga hita, inipit niya ang kamay ni Pedro.

Nagsalubong ang kanilang mga mata.

“Masakit ba?” tanong ni Wayne.

Habang ipit ang kanyang kamay sa malalakas at matitigas na hita ni Wayne, ginalaw niya ang kanyang mga daliri, tinusok tusok ang lagusan ni Wayne.

“Fuck!” hiyaw ni Wayne, at napa-kayang ulit siya.

Diniretso na ni Pedro na ipasok ang kanyang middle-finger sa pwet ni Wayne. Swabe ang pasok; halatang relaxed na ang mga muscle sa pwet ni Wayne.

“Ano, masakit ba?” tanong ni Pedro habang nilabas pasok niya ang kanyang daliri.

“Peter!” lang ang sagot ni Wayne.

“Di mo na ata kailangan ng finger eh,” tukso ni Pedro. “Reding-ready na butas mo.”

Tila hindi talaga alam ni Wayne kung ano ang sasabihin, ano ang isasagot. Puro nalang “Peter!” o “Fuck!” ang lumalabas sa kanyang bibig.

Kaso na-realize ni Pedro na wala pala siyang lube. Pero ayaw niyang putulin ang moment para tanungin kung may dalang lube si Wayne. Or kahit lotion. Baka sa mga sandaling ititigil nila ang kanilang ginagawa para lang maghanap ng pwedeng gamitin eh matauhan bigla si Wayne at tatanggi na talaga siyang magpa-bottom.

“Talikod ka,” utos niya kay Wayne.

Sumunod ang kanyang inutusan. Pinatay ni Pedro ang shower.

“Taas mo ng konti ang pwet mo.”

Di mapigilan ni Pedro na paluin ang maumbok na pwet ni Wayne.

“Ah! Harder!” biglang sabi ni Wayne na ikina-gulat ni Pedro.

“I’ll give you something hard,” sabi ni Pedro at sinimulang pahiran ng sabon ang kanyang titing kanina pa tigas na tigas at basang-basa sa precum. Sa pagpahid palang ng sabon sa kanyang ari, ramdam na niya ang lapit ng kanyang pagputok.

“Ready, Wayne?” sabi niya habang sinasabon naman niya ngayon ang lagusan ni Wayne.

“Peter…”

Tinutok ang malaking ulo ng kanyang ari sa birheng butas ni Wayne. Yung titi naman niya ngayon ang naglalaro sa lagusan ng pwet ni Wayne.

“Fuck me!” sigaw ni Wayne sabay ng pag-atras niya kay Pedro.

“Ah, shit!” hiyaw niya nang pumasok ang buong laki at taba ng burat ni Pedro sa kanya.

*

“Oh, God, Peter! Ramdam ko titi mo sa loob ko!”

“Sige pa. Shit, ang sarap!”

“Tangina, may tinatamaan ka! Ang sarap. Shit.”

“Ukinana, ukinana, ukinana.”

*

Sa sikip ng butas ni Wayne at sa mga hiyaw niyang nagpapa-angat ng libog, di nagtagal si Pedro sa pag-kantot sa kanyang dating katrabaho.

Nang maramdaman na niyang sasabog na siya, iginiya ni Peter ang ulo ni Wayne para maghalikan sila habang naka-dog style.

“Malapit na ako, Wayne. Iputok ko sa loob mo ha?”

“Fuck, Peter!”

Sa pagbigkas nun ni Wayne, pinasikipan pa niya lalo ang kanyang pwet. Ito na ang tuluyang tumulak kay Pedro upang sumabog.

Hindi tumigil si Pedro sa pag-kadyot habang nilalabasan siya. Nang ubos na ang kanyang lakas, at lumambot na ang kanyang titi, dahan-dahan niyang hinugot ang kanyang burat at in-on muli ang shower.

“Shit, grabe ka nga talaga, Peter,” hingal ni Wayne.

“Sensiya na, sir,” sabi ni Pedro. Naglapat ang kanilang mga labi. Banayad nang humalik si Pedro, pero may gigil parin ang halik ni Wayne. “Hot mo eh.”

“Wag kang madaya,” sabi ni Wayne. Hinawakan ang tigas na tigas na batuta. Nagtaas ng kilay kay Pedro. “Ako naman.”

“Of course,” naka-ngiting sabi ni Pedro.

“Tara sa kama,” sabi ni Wayne. “Sisipunin tayo lalo pag dito tayo magdamag.”

Pinagsaluhan nila ang iisang twalya sa banyo upang magpatuyo ng buhok at balat.

Hawak-hawak ang mainit at matabang burat ni Wayne, iginiya siya ni Pedro papunta sa kama.

“Ano, titirahin mo ba ako?” tanong ni Pedro. Ayaw niya, sa totoo lang, pero inisip niyang kailangang fair.

Umiling si Wayne. “Deep throat mo ako,” sabi niya. “Tapos lulunukin mo lahat ng tamod ko.”

Napakagat-labi si Pedro. Pinaupo niya si Wayne sa kama, habang siya ay lumuhod sa tabi nito. Nilaro niya ang ulo ng batuta ni Wayne gamit ang kanyang dila. Binasa ito ng malapot na laway. Sinamahan ito ng pre-cum na umusbong bula sa butas ng titi ni Wayne.

Sinubo ni Pedro ng buo ang matabang ari ni Wayne. Napahiga sa sarap si Wayne. Di gaya ni Wayne, di nabilaukan si Pedro kahit tumatama na sa lalamunan niya ang ulo ni Wayne.

“Fuck, Peter! Kayang-kaya mo ah--ahhh!”

Habang subo-subo niya ang burat ni Wayne, naglaro ang dila ni Peter sa kahabaan nito.

Iniluwa saglit ni Pedro ang basang-basang batuta. “Fuck my mouth, Wayne.”

Kumayang siya, hinawakan ang ulo ni Pedro at kinadyot-kadyot ang bibig nito. “Peter! Peter! Ang init--ahhh, deep throat. Shit. Sarap! Ohhh, dila. Dila!” Hindi na magkamayaw ang mga lumalabas sa bibig ni Wayne.

“Malapit na ako, shit. Daytan! Daytan!”

Sa isang napalakas na unang sabog, sumirit ang malapot, mainit, at mapaklang tamod diretso sa lalamunan ni Pedro. Sinundan agad ito ng apat na malalakas ding mga pasabog. Agad napuno ang bibig ni Pedro ng sariwang tamod. Dali-dali siyang lumunok. Di pa niya nalulunok lahat, marami nang nailabas ang burat ni Wayne. Tangina, kailan kaya ang huling pagpapalabas nito? Tanong ni Pedro sa sarili.

Naloka man siya sa dami ng tamod na kailangan niyang lunukin, natuwa naman siyang isipin na matagal-tagal (kung meron man) ang huling sex ni Wayne.

Nung sigurado na siyang wala nang lalabas, lumunok ulit siya, walang patak na pinalampas. Matigas parin ang burat ni Wayne nang iluwa ito ni Pedro. Grabe, kung di lang kita gusto, isip ni Pedro.

“Ang galing mo, Peter…” hingal ni Wayne. May tono sa boses niya na parang hindi lang yun ang gusto niyang sabihin, pero yun lang ang lumabas. Dinamdam ni Pedro ang mga salita ni Wayne, hinayaan niyang painitin nito ang kanyang puso at katawan.

Pumwesto si Pedro sa kama, akmang hihiga sa malapad na dibdib ni Wayne, pero bago pa man niya maipatong ang kanyang ulo sa pecs ni Wayne, bumangon it at walang sabi-sabing dumiretso sa banyo.

Narinig ni Pedro ang pag-lock ng pinto.

*

Kung gaano kabilis uminit ang kanyang katawan sa huling salita ni Wayne, ganoon din kabilis siya nan-lamig. Para bang may dumaan ulit na mabilis na sasakyan at nabasa ulit siya ng maduming tubig mula sa kalsada.

Nakaupo si Pedro sa kama, tinitignan ang nakasarang pintuan ng banyo.

So, hanggang sex lang pala ang hanap ni Wayne. Paraos lang. Matapos noon, wala nang time para magtabi, o mag-usap. Diretsong banyo para linisin ang katawan mula sa dumi ng one-night stand.

Nanginginig na tumayo si Pedro mula sa kama. Gusto niyang pumunta sa banyo, pero yung mismong tunog ng pag-lock kanina eh nangangahulugang ayaw maistorbo ni Wayne. Dumiretso nalang si Pedro kung saan nakakalat ang kanyang mga damit.

Bakit nga ba niya inisip na may something romantic ang pagtagpong ito?

Dahil ba pinutok niya sa loob ng pwet ni Wayne ang kanyang tamod eh may something more na?

Dahil ba si Wayne ang nagbayad ng kinain nila?

Dahil ba si Wayne ang sumundo sa kanya?

Lahat nang ito, senyales lang ng mabuting lalaki. Pero hindi kailangang ibig sabihin nito eh magiging magjowa na kayo.

Habang sinusuot ni Pedro ang kanyang v-neck, naalala niya yung usapan nila tungkol sa alleged affair ni Ma’am Melany at ni Sir Rick. Nag-iba tono ni Wayne nung nabanggit ni Pedro ang pangalan ng Manager ng Finance. Sila ba ang may something?

Sinuot na ni Pedro ang basang boxer-brief at ripped jeans.

Naiiyak siya habang kumakapit sa balat niya ang malamig na maong.

Wag kang iiyako, gago ka. Sabi niya sa kanyang sarili. Focus ka nalang sa basang medyas.

Sinuot niya ang kanang basang medyas.

Walang mas malala pa sa pakiramdam ng basang medyas sa loob ng sapatos.

Kahit na may dagok ka sa puso, wala parin ito kumpara sa feeling ng naglalakad ka habang suot ang makakapal at basang-basang mga medyas.

Kahit na nangingilid na ang mga luha dahil sa sakit mula sa pag-ibig, wala parin ito sa pagka-ilang habang nakatayo ka sa mahabang pila at sinusubukan mong wag pansinin ang lamig at basa ng mga medyas sa paa mo.

Walang mas malala pa sa pakiramdam ng basang medyas sa loob ng sapatos.

Magugunaw man ang mundo, wag lang basa ang medyas mo.

Focus on that, sabi ni Pedro sa sarili.

Tsaka kung one night stand lang naman pala ang hanap ni Wayne, okay lang. Wala namang promises na nasabi. Naka-ilang fling din naman si Pedro. Wala lang to sa kanya. Marami pa namang pwedeng higit pa sa fling diyan. Okay lang to.

Sinisintas na niya ang brown niyang sapatos nang--

“Peter?”

Si Wayne.

“Uh?”

“Uuwi ka na?”

Nakatapis ang twalya sa beywang ni Wayne. Nakapamewang siya, naka-kunot ang noo. Tila lito sa nakikita niya.

“So ano to? Fling lang?” tanong ni Wayne. Siksik sa emosyon ang kanyang mga salita.

“Ah?” bulol ni Pedro. Hindi niya maintindihan kung ano ang nangyayari.

“Nag-banyo lang ako saglit, tapos walk out ka na?” Halos di na maintindihan ang pagbigkas ni Wayne dahil sa emosyon sa kanyang boses.

“Teka!” sabi ni Pedro, angat ang kanyang mga kamay. “Teka!”

Dali-dali niyang inalis ang sapatos, ang basang medyas.

“Di ako magwo-walk out, promise,” emosyonal na rin ang boses ni Pedro. “Akala ko lang...Akala ko lang…”

At pinaliwanag niya, habang pulang-pula ang kanyang mukha, kung ano ang inakala niya.

Nang matapos siya, yinakap siya ni Wayne. Napakahigpit, napaka-init, napaka-mapagmahal na yakap.

“Hindo ako ganun, Peter,” bulong niya sa tenga ni Pedro, habang nakayakap parin siya.

“Pero kasi ambilis mo akong iniwan sa kama,” mukmok ni Pedro. “Di man lang kita nakatabi…”

“Drama mo,” tukso ni Wayne. “Eh andami mo naman kasing pinutok sa pwet ko. Naramdaman ko bigla na gusto na nilang lumabas. So siyempre…”

Nagkunwari siyang tumatakbo, may takot at sakit sa kanyang mukha.

“Shit, seryoso?” tawa ni Pedro.

“Hindi. Hindi shit eh. Sperm.”

Tumawang umiiyak si Pedro.

“Hala, maghubad ka na at maligo,” utos ni Wayne sa kanya. “Pili ka nalang mamaya sa mga damit ko ng susuotin mo.”

“Pwede namang nakahubad nalang ako the entire time.” Nanumbalik na ang palabirong ugali ni Pedro.

Natigilan si Wayne, napakagat-labi. “Ah, eh. Yeah. Pwede rin.”

Nakangiting pumunta sa banyo si Pedro.

WAKAS.

No comments:

Post a Comment

Read More Like This