Pages

Saturday, June 3, 2017

Impyerno (Part 1)

By: Hell

Hi guys! Believe it or not my name is Hell. Helldric. Siguro ilan sa inyo ay nakasalubong na ako sa daan, at ang ilan naman sa inyo ay nadaanan na ako sa Romeo o Grindr... though deleted na ang pareho kong account, Im still taking the chance na baka may ilan sa inyong nakakaalala saakin.

Panget ako. Tanggap ko yun noon pa... maraming besis ko nang narinig na "Gago di ka panget may itsura ka naman eh" pero hanggang ngayon di parin ako naniniwala. Maliit palang ako isang malaking blur na ang buhay ko...

Wala kaming pera noon. Literal. We were illegal settlers... skwater in laymans term. Ang nanay ko nagsimula sa pakuha-kuha ng labahin sa halagang nasa gitna ng 100-200 o paglilinis ng bahay na nasa ganung presyohan din. Ang tatay ko naman ay habang pinagaaral ng aking Ninong na seaman (Bestfriend ata ng Lolo kong pumanaw na at may malaking utang na loob) as an Engineer, ay nagkakarpintero sya.

At the age of 2 ay naiwan na ako sa kamay ng pamilya na aming kapitbahay; si Kuya Jay at ang kanyang supladang nanay... tunay namang maganda kasi ito kaya siguro ganoon ang ugali nya? Pero malamang sa malamang ay dahil nag po-pokpok rin kasi ito sa kanto kanto.

Mabait si Kuya... sobra. Sya yung tipo na oo siga-siga, masama ugali, mukang adik? Pero ito ay panlabas lamang nya dahil kailangan nyang maging malakas dahil nga delikado sa lugar namin. Once na makita mo si Kuya Jay na mag alaga o manlambing? Asahan mong iibig at iibig ka sa kanya.

Well hindi tungkol doon ang istoryang ito dahil kahit kailan ay hindi papasok saisip ng kuya ko yun dahil siguradong mabuting tao sya at may prinsipyo... ayaw nya sa mga nagaadik, naninigarilyo, at klase ng manginginom na pataas palamang ang araw ay sabog na ang atay nila dahil nagsisimula na ang shot nila. Pero sabi ko nga, mabuting tao sya. Ayos lang sa kanya na gawin mo yan basta't wag lang sa harap na, o LUMAYO KA SA KANYA. Maliban nalamang kung isa ka sa mga NAGBABAYAD at NAGPAPABAYAD. Baboy, balahura, nakakadiri, lapastangan. Ilan lamang yan sa mga salita kung pano nya ipakita ang pagkamuhi nya sa mga taong ganyan.
Unti-unti akong lumaking katulad ni Kuya... walang bisyo, numero uno ang respeto sa lahat, at higit sa lahat ay may prinsipyo. Pakiramdam ko nga ay wala ng kulang saakin.

Ng ako ay mag limang taon, unti-unting nabawasan ang mga tinatrabaho ng nanay ko dahil nga ito ay buntis at inaasahang manganganak na sa susunod na ikatlong buwan pero syempre ay pinipilit parin nito dahil kailangan namin ng pagkain araw araw.

Nadiagnose ng Aids ang ina ni Kuya. Labis akong nalungkot ng nalaman kong napagdesisyunan ng kanyang ina na bumalik na ng Naga upang "ayusin" muli ang kanilang buhay. "Walang future sa Maynila, bunso" Yan ang huling bilin na iniwan sakin ni Kuya... mukhang tama nga sya.

Lumabas ang aking pangalawang kapatid at unting unting lumabas ang buwenas sa aming pamilya. Si Papa ay nakagradweyt at tila ba'y jackpot dahil nais syang hugutin ng kanilang Prof sa Saudi dahil sa Talento at Talino na kanya raw nakita sa aking ama, ang aking ina naman ay nasama sa last will and testament ng isang matandang inalagaan nya habang naglilinis ng bahay dahil sandaling may binili sa labas ang amo. Ito ay nagsabing 20% ng kanyang ari-arian ay mapupunta sa amin.

Ang aking ina ay naging housewife na nga, at ang aking ama ay nag trabaho na abroad... ako? Magisa parin at tuluyang sinusubuan ng luho upang hindi mangulit o maging magulo. Punong puno ng Ice Cream ang aming freezer at mayroon akong sariling computer samantalang ang lahat ng atensyon ng aking ina ay nasa pagpapalaki ng aking kapatid.

Ng lumabas ang aking ikatlong kapatid ay si Dad ay
naging isang fulltime Engr na... sya na ang naguutos na "Do this, do that, youre doing it wrong, it should be like this, good job, do it again". Ako? Ibang iba ang ugali ko... 15 ako ay may sarili na akong ipon dahil sobra sobra na ang ibinibigay nila saakin.

Bagong labas na Iphone? Meron ako sariling pera ko pa nga. Bank account? Meron ako nyan. Magandang damit? Marami. Malaking bahay? Oo, sobra pa sa aming apat na may anim na kwarto't centralized pa. Pero ito ba ang kailangan ko? Hindi. Pagmamahal ang kailangan ko... hindi ko alam yan, hindi naturo sakin yan, hindi ko naramdaman sa nanay at tatay ko kahit kailan.

15 years old palang ako at may account na ako sa Romeo pero agad na idinelete ko ito dahil unang nakausap ko ay nasabihan akong "Mataba, panget, masama ugali". Kasalanan ko bang inalok nya ako PERO sya pa ang nagalit ng ang isagot ko ay "Ayoko sa mga bayaran. Nakakababa ng pagkatao at nakakadiri"? Kayat napagdesisyunan kong magbago simula noon. Nag gym ako araw araw at pumasok ng dance workshops... nagpafacial ako upang unti-unting mawala ang blackheads at kuminis ako dahil kung ano anong pinaglalalagay ko sa mukha ko noon (RDL ang pinaka effective). Sobrang nasaktan ako nun mga ka-KM... kahit na kitang-kita ko na pumapayat na ako ay hindi parin ako kumakain ng tama para lang maretain ko ang magandang hubog na nakuha ko.

Isang taon lamang ang lumipas ay malaki na ang pinagbago ko... totoong mala dragon nga ang metabolismo ng isang bata. At sa araw ng aking kaarawan, alas dose ng hatinggabi, ay gumawa ulit ako ng account. Samutsaring messages agad ang aking narecieve sa unang 30 mins ko pero isa ang pinakatumatak saakin... same picture, same name, same account. Si Kuyang nagpapabayad.

(Yan talaga ang usapan namin. Kahit malabo, nagkakaintindihan kami dahil madalas ay hookups lang ang hanap. Kung ikaw ay meron, malamang maiintindihan mo ako)

Him: "Hi"
Me: "Sup. Napamessage ka po?"
Him: "Bago ka lang dito?"
Me: "Hehe opo. Ano pong hanap natin?"
Him:"Trade pics?"
Me: "Sure (Attachment). Sorry panget"
Him: "Wow panget? Pahumble eh (attachment)"
Me: "So saan mo gustong umabot usapan natin?"
Him: "Meet?"
Me: "San kita susunduin? May auto ako"

Sinundo ko sya sa pangatlong subdivision mula saamin. Hindi naman ako nadisappoint dahil may itsura nga sya, gwapo infact... sobrang baby face nya at mukha pa akong mas matanda sa kanya. Agad ko namang pinaandar ang makina at umalis.

Me: Sure ka discreet ka? Hahahaha.
Him: Huh?
Me: Discreet pero ahit kilay mo. HAHAHA. Anyways... t or b?
Him: More T. Ikaw ba?
Me: Virgin.

Medyo nanlaki ang mata nya nun.

Him: "Weh? Ulul haha"
Me: "Oo nga gagi. Im serious"
Him: "How old are you?"
Me: "Guess"

Kung ako'y titignan mo nga... hindi ako mukang 16. Muka akong 21. Siguro dahil narin sa dami ng aking napagdaan sa buhay, at sa pamumuhay na kinalakihan ko.

Him: "20. 21?"
Me: "Ikaw?" Tinanong ko sya upang maiwasan kong sumagot.
Him: "24 palang"

Tinignan ko sya ng nakasmirk at bumira.

Me: "Ahh. So magkano ka?"
Him: "Huh?" Kumunot ang noo nya.

I stopped the car.

Me: "I said magkano ka para mapapayag kita"
Him: "Anong pinagsasasabi mo? Libre lang to no muka ba akong callboy?" At tumawa sya ng awkward.
Me: "So whats different in me a year ago? Im the kid na binastos mo noon sa Romeo. Panget, mataba, masama ugali. Those were your words tama?" Kita sa kanyang mukha ang gulat.

Me: "Ako yung Weo_Weo."
Him: "Sorry"
Me: "Well sucks to be you. You could have simply said sorry pero dinagdagan mo pa yung pambabastos mo sakin. Pinalaki akong kapag ako ang tama di ako magpapatalo... so Im asking you. How. Much. Are. You?"
Him: "S-sorry"

I drove my way back to the place na sinundo ko sya, tahimik kami the whole 15 mins.

Me: "Isa lang ako sa mga magpapatikim sayo sa pait na meron ang LGBTQ community... diba yan ang sabi mo sakin noon? Same goes for you now, tama? Now. Get out of the car."

Pagbaba nya narinig kong suminghot sya bago maisara ang pintuan. Umiiyak sya.

I took some deepbreaths at pinatay ko ang makina. Bumaba ako at hinabol sya.

Me: "Sandali" Ng maabutan ko sya ay hinila ko sya sa balikat ay iniharap ko saakin at niyakap ng mahigpit. "Sorry". Mga hikbi lang ang naging sagot nya. "Stop judging other people based on their looks ha? Siguro kung sakin mo ginawa yun kaya kong bumalik sa paa ko at iangat pa muli ang nawala kong self-esteem. Pero pano na yung iba? Konsensya mo pa kung may mangyaring masama sa kanya diba?"

Him: "Sorry talaga"

Niyakap ko pa sya ng mas matagal at saka hinila sya pabalik sa kotse. "Tara kain tayo. My treat para makabawi ako"

Kumain kami noon sa Starbucks sa may expressway... I gave him my SBcard at inutusang umorder ng kahit anong gusto nya at ganun narin ang iorder sakin. Nagstay naman ako sa likod nya at ng marinig na mga frappe lang ang inorder nya at grande lang ang kanya ay tinabihan ko sya bigla at inayos ang order.

Me: "Make those venti, add a shot of cappucchino on each and two blueberry cheesecakes please"

Napatingin sa kanya ang babae sa cashier.

Me: "Ah. He's my boyfriend." At biglaan kong hinalikan sya sa labi sa harap ng babae.

"Umm, ok sir. Sorry"

Kinuha ko ang card sa kanyang kamay at sinabing "Find us a seat" ng may sincere na ngiti. Nanatili naman syang nakatitig saakin which made me laugh. "Hahaha. Ano?"
Him: "Wala."

Tuluyan na syang umalis at ibinigay ko na ang card sa babae.

"Sir. Ang cute nyo pong dalawa... LQ po?"

Tinawanan ko lang sya. Ilang sandali pa ay nakuha ko na ang mga inorder namin sa kabilang counter.
Nakita ko naman ang lalaki at umupo ako sa tabi nya  ng dala-dala ko ang mga inorder namin.

Him: "Pa fall ka."
Me: "Hahaha. What do you mean?" Isa isa kong binaba ang laman ng tray sa mesa namin.
Him: "Wala"
Me: "Bakit. Nafall ka ba?" Kinindatan ko sya at ngumiti ng malaki.
Him: "Oo. Siguro... gago ka eh"
Me: "Mas gago ka parin. Anyways. Whats your name?"
Him: "Art"

Unti unting nabuo ang hatinggabi namin. Medyo awkward ng simula dahil nga sa past namin pero ng simulan ko na ng kwentuhan sa kung discreet ba talaga sya pero mukang nagfo-foundation sya at nagaahit ng kilay ay may pagkakaibigan namang nabuo sa amin.

Mga bandang 1:30 na nga ng napagdesisyunan naming umuwi...

Me: "Ingat ka Art. Goodnight"
Him: Goodnight din... ay. Di ko pala nakuha pangalan mo"
Me: "Its better that way diba?"
Him: "Siguro. Pa fall ka eh, di mo naman ako sasaluhin eh"
Me: "Tama ka dyan babe. Wala kang aasahan sa akin hahaha"
Him: "Mahal na ata kita tangina ka"
Me: "anong basehan mo ulul" Talagang hindi ako naniniwala dahil nainlove ng unang kita? "And please wag mong kakalimutan... ang mga taong katulad mo lang ang nagbibigay ng pait sa mga LGBT. Dapat sunod na ang mga fuccboi sa listahan ni Duterte eh"

Nagtawanan lang kami.

Akmang bubuksan na nya ang pinto ng humarap sya ulit saakin.

Him: "Ulitin natin to... can we be friends?"

Natawa ako ng malakas nun.

Me: " HAHAHAHAH. See?! If you started talking to me like that noon palang, siguro magbestfriends na tayo! Baka nga magboyfriend na tayo at Anniversary na natin!"

Natawa nalang din sya.

Him: "So anong sagot mo?"
Me: "No. Gago ka eh. Sad, but the chance has walked past you. Sorry"
Him: "Last kiss?"

Lumabas ako at sumunod naman sya... ng magkaharap kami ay bigla nya akong niyakap ng mahigpit, walang imik.

Him: "Please?"
Me: "Pumayag nga ako diba? Kiss mo na ako, late na oh"
Him: "Yung friendship... lets start over"
Me: "Kiss nalang. I'll think about it" Naramdaman kong basa ang balikat ko. "Wait. Are you crying?"
Him: "Ulul hindi ah. O sya sige na. Goodnight. Pagisipan mo ah" at tuluyan na nga syang naglakad palayo.

Pagkauwi ko ay may nagnotif sa akin... si Art.

"Nagsisisi ako. Sorry talaga Hell... sana maitama ko pa ang mali ko."

Guuuys! Sama ng ugali ko no? T^T sorry na ganto talaga ako lumaki... anyways. This a test if magugustuhan nyo. Everything is true to life and I tried to remember the exact words na ginamit namin and exact topics... if you do, leave a comment below and tell me. Also, if you have anymore suggestions para mas maging maganda ang flow ng story or mas magustuhan nyo pang basahin, critisize me po CONSTRUCTIVE CRITISIZM po sana hindi basta lait lang. Thank you!.

End

No comments:

Post a Comment

Read More Like This