Pages

Thursday, March 16, 2017

A Beautiful Artifice (Part 2)

By: Joshua Anthony

Mga ilang araw din ang nagdaan na kinukulit ako ni Cha sa pagtetext. Hindi ko rin naman pinalampas ang pagkakataon na konyatan si Marky noong nabalitaan ko na siya nga ang nagbigay ng number ko kay Cha.
Kasabay ng pangungulit sa akin ni Cha ay ang umpisa ng panliligaw sa kanya ni Seb. Hindi ko man palaging iniisip, hindi ko maiwasang makonsensiya sa mga nangyayari. Una kay Cha, dahil patuloy siyang naniniwala na may pagtingin nga ako sa kanya. At kay Seb dahil hindi niya alam na sa akin naman nakatuon ang atensiyon ni Cha at hindi sa kanya. Bukod pa sa text, ay walang tigil din siyang nangungulit at nagpapapansin sa akin sa school. Mabuti na lamang at palaging nagkakataon na wala si Seb sa paligid.
Dahil hindi ko rin naman makausap tungkol doon si Seb ay kay Zeke ko naiku-kwento ang mga bagay na iyon. Malapit na kaibigan ko naman din talaga si Zeke kahit na palaging maloko. Nakakatuwa nga dahil maging ang lihim kong pagtingin kay Seb ay matagal ko nang nasabi sa kanya, kasama na rin doon ang totoo kong pagkatao. Kahit na kailan ay hindi naman nagbago ang pagtingin sa akin Zeke. Dahil sa kaklase ko rin naman siya sa lahat ng klase dahil pareho kami ng kurso, mas pinipili ko na sumama rin palagi sa kanya.
Hindi naglaon at nagsawa na rin siguro sa pangungulit si Cha sa akin at huminto na siya ng tuluyan. Nagulat man ay nabawasan din ang pinoproblema ko kahit papaano nang dahil doon. Balak ko na rin kasi talagang magpalit ng sim card dahil sa pangungulit niya. Halos murahin ko na siya, tigilan lang niya ako dahil wala talaga akong interes sa kanya o sa kahit na sinong babae pa.
Sa mabilis na paglipas ng panahon, nagulat na lang ako isang araw na dalawang linggo na lang at semestral break na naman. At ilang linggo lang din pagkatapos noon ay Christmas vacation naman. Wala naman kaming napagpaplanuhan ni Seb sa kung ano ang gagawin namin sa sembreak. Ganoon naman kasi halos parati, kung saan ako, doon din siya. Mas madalas nga lang na siya ang nagde-desisyon.
“Ano balak niyo ni Seb this sembreak, pre?” tanong ni Zeke habang nag-uunat ng mga braso. Naisipan kasi naming sabay na magtapos ng term papers namin sa Starbucks malapit sa school.
Inialis ko ang aking mga kamay sa aking laptop at hinalo ang aking frappe gamit ang straw nito. “Wala.” kibi-balikat ko lang.

“Sabagay, wala pang two weeks ang kabuuan ng sembreak this year.” sambit niya matapos humigop ng kape.
“Oo nga. Ano kayang pwedeng gawin sa ganun kaikling panahon.” natatawa kong sagot sa kanya. “Isa pa, panigurado namang marami tayong dapat tapusin din sa maikling bakasyon na ‘yun.”
“Basta ang gusto ko lang ay magpunta sa isang maaliwalas na lugar. Beach, pwede na! Kahit Batangas lang.” sabay higop muli ng kape.
“Ako rin, tol. Sawang-sawa na rin ako sa indoor pool ng school. I need some real nature!”
Natawa si Zeke sa sinabi kong iyon at muntikan nang maibuga ang kapeng iniiinom. “Next year naman hindi ka na masyado busy diyan sa swimming team niyo. Siyempre sa OJT na rin ang focus natin.”
“Sa totoo lang, hindi ko pa rin alam kung saan ko gusto mag-OJT.” sabi ko sa kanya. “Gusto ko rin na sa malapit lang. Ayoko rin naman na bumiyahe ng pagkalayu-layo, lalo na’t terible pa naman ang tindi ng traffic ngayon sa EDSA.” nailing-iling ko pang dagdag.
“Oo nga, pre. Commute ka na noon palagi!” natatawa niyang pasaring. “Wala ka nang Sebbie na hahatid-sundo sa’yo.”
Napaisip ako. Oo nga naman. Kung magkataon, iyon ang unang beses sa kolehiyo na hindi kami sabay na papasok na ni Seb sa school dahil malamang ay ibang-iba na ang schedules namin.
“Oo nga.” maikli kong sagot sa kanya pagkatapos ay humigop ng kape.
“Wala ka ba talagang balak na aminin na sa kanya?” eto na naman. Nag-uumpisa na naman ang negrong ‘to.
African-American kasi ang tatay ni Zeke na dito na sa Pinas nagtatrabaho. Matangkad din siya na halos kapantay ni Seb, at batak ang katawan dahil sa pagkahilig sa basketball. Tall, dark, and handsome ika nga nila.
Bigla ko lang siyang tinitigan na ikinalaki naman ng mata niya at umiwas ng tingin. Alam ko naman na gusto rin ni Zeke na sabihin ko na kay Seb ang lahat—maging ang pangungulit sa akin ni Cha.
Inilapag ko ang hawak na inumin at sumandal nang maayos sa aking upuan.
“Nagtatanong lang, Chard.” kibi-balikat din niyang sabi.
“Hindi ko alam.” mahina kong tugon. “Sabi ko naman sa’yo diba? Takot ko lang na bigla siyang magalit sa akin at iwasan ako… Layuan ako.”
“Tol, ako nga eh. Tanggap kita! Malay ko ba na maton din mga tipo mo! Sa itsura mong ‘yan?” sunod-sunod niyang sabi. “At sina Cha at Maddie na lang ha! ‘Wag na nating isama ang iba pang chicks na umaaligid-aligid sa’yo kahit sa ibang universities.”
“Hindi ko naman sila pinoproblema eh.” sabi ko. “Kahit nga mga magulang ko ay hindi ko pinoproblema dahil alam ko naman na maiinitindihan nila ako kung sakaling lumantad ako sa kanila.”
“Oh, eh anong pumipigil sa’yo? Tol, kahit ano pang sabihin mo, kaibigan mo si Seb! Maiintindihan ka niya!” pagpapaliwanag sa akin ni Zeke. “Ano bang akala mo, makitid utak nung mokong na ‘yun?”
“Hindi mo kasi naiintindihan, tol.” tangi kong naging sagot.
“Talagang hindi ko maiintindihan dahil wala naman talagang problema.” tugon niya. “Ikaw lang nagpapahirap sa sarili mo, Chard.”
“Easy for you to say.” mahinahon kong sambit sa kanya. “Hindi kasi ikaw ang pwedeng mawalan ng matalik na kaibigan.”
Dinaan na lang ni Zeke sa tawa ang kanyang sagot habang umiiling-iling.
“Ayaw kong mapunta lang sa wala ang pagkakaibigan namin.” Dagdag ko pa.
“Basta sinasabi ko lang sa’yo, lahat ng tanong diyan sa isip mo—lahat ng ‘yan—hindi mo malalaman ang kasagutan kung hindi mo aalamin.” tugon niya.
Minsan talaga, may kung anong espiritu na sumasapi dito kay Zeke at may mga sinasabi na grabe kung tumama sa akin. Iyong huling bagay na kanyang sinabi sa akin ay isa sa mga katotohanang pilit kong iniiwasang marinig. Alam ko naman na isa rin ‘yun sa mga paraan upang malaman ko kung totoo nga ba si Seb sa mga pangako niya bilang kaibigan kahit na sabihin ko kanya ang totoo kong nararamdaman.
Siguro nga ay kailangan kong mamili: kaibigan o katotohanan.
Minsan iniisip ko, hindi ba maaaring pareho na lang? Hindi ba’t kadikit naman ng pagkakaibigan dapat ang katotohanan? Pero iba kasi talaga ang sitwasyon kong ito sa ngayon. Ano ba itong pinasok ko? Kung may gamot lamang na maaaring inumin upang mawala ng nararamdaman kong ito para kay Seb, siguradong uminom na ‘ko! Marahil ay overdosage pa!

Nauna akong umuwi ng condo dahil may tinatapos pa raw na group report si Seb kasama ang ilan niyang mga kaklase. Naisipan ko rin na gumawa na lang ng sandwich bilang hapunan dahil nagsabi na rin naman si Seb na sa labas na lang sila kakain din.
Matapos kumain ay muli akong tumutok sa aking laptop at tinuloy ang pagta-trabaho sa aking papers. Konti na lang din naman ang natitira, ngunit kailangan ko talaga tapusin dahil bukas na rin kailangang ipasa. Mabuti na lamang at may magandang piano pieces playlist sa Spotify na palagi kong pinapakinggan sa tuwing may kailangang tapusin na paper. Mas madali kasi akong nakakapag-focus sa dapat tapusin, maging sa pagre-review.
Halos dalawang oras na rin akong nakatutok sa aking laptop habang nakaupo sa aking higaan at nakasandal sa pader. Basa ng ilang articles online dito, tapos ay type-type naman doon. Kaunting unat ng mga braso at inom ng tubig. O kaya naman ay tugtog muna ng ukulele at pakanta-kanta.
Maya-maya’y narinig ko na bumukas na ang pinto. Agad akong tumingin sa orasan ng aking laptop at nakita na halos alas-dos na rin pala.
Pagkapasok niya sa kwarto ay naamoy ko na amoy alak si Seb kaya’t nilingon ko siya. Tahimik lamang siyang naupo sa tabi ko at pilit na hinuhubad ang mga sapatos habang sinisinok. Kitang-kita ko sa kanyang mukha ang pamumula.
“Anyare?” mahinahon kong tanong sa kanya. “Ba’t lasing ka?”
Hindi naman siya sumagot at ngumiti lamang. Matapos mahubad ang isang sapatos ay initsa lamang niya ito sa ilalim ng aking kama at natatawa-tawa pa.
“Huy. Kailan ka pa natutong maglasing?” dagdag kong tanong sa kanya.
Tinignan niya lang ako at pinipilit na imulat ang mga mata. Inilapit niya rin sa akin ang isang paa na may sapatos pa dahil hindi na niya mahila ang sintas upang lubusang mahubad ito.
Isinara ko naman ang aking laptop at inilapag muna sa isang tabi. Pagkatapos ay tinulungan siyang hubarin ang isang sapatos niya.
“Salamat.” mahina nitong sabi sa akin.
“Gusto mo’ng kape? Hot tea?” tanong ko sa kanya. “Ano bang dapat inumin ng lasing? Teka, i-Google ko lang, Seb, ha.”
Kukunin ko na dapat mula sa maliit na mesa ang aking cellphone upang buksan ang Google nang bigla niya akong pinigilan. Nakatitig lang siya sa akin habang kinukunot-kunot ang kanyang mga labi. Maya-maya ay lumingon siya sa aircon.
“Ang init naman. Bukas ba ‘yung aircon?” tanong niya.
“O-oo. Nilalamig nga ako eh.” sagot ko naman sa kanya. “Baka naman kailangan mong mag-shower kahit mabilis lang? Para mahimasmasan ka rin. Naiinitan ka eh.”
Lumingon siyang muli sa akin at tumango. “Maliligo ako.” kanyang pagsang-ayon. “Ay hindi, punas na lang. Asan ba ‘yung towel ko?” biglang bawi.
Ngayon ko lang nakitang lasing si Seb kaya naman hindi ko talaga alam kung ano ang dapat gawin. Nung panahong naghiwalay sila ni Naomi, hindi naman din siya nagpakalasing ng ganito.
Papalabas na sana ako upang kumuha ng towel ngunit muli na naman niya akong pinigilan. Mas seryoso na siya sa kanyang pagtitig sa akin kahit na halos bumagsak na ang kanyang mga mata.
Ang asul niyang mga mata! Panginoon…
“Ang kulit mo naman, tol. Kanina ka pa pigil ng pigil oh.” natatawa ko pang sabi sa kanya. Dahil nakita kong hindi siya natatawa ay bigla ko rin tinanggal ang aking mga ngiti at parang napahiya. “Kukunin ko na sana ‘yung towel at babasain para makapag-punas ka ng katawan mo.” mahinanon ko na lang na sabi sa kanya.
“Alam mo ba na finally, may nangyari na rin sa pagpoporma ko kay Cha?” walang emosyon nitong sabi sa akin. “Nilapitan niya ako kanina.” bigla siyang tumingala at ngumiti. Nasa loob man kami ng condo ay nakikita ko ang mga bituin sa biglang pagkinang din ng kanyang mga mata.
“H-huh?” sambit ko.
Patuloy pa rin siya sa pagngiti at tumingin muli sa akin. “Tol, for the first time! For the first, she actually came up to me and talked to me. She even hugged me! Pwede na raw kaming magkaibigan.”
“K-kaya ka ba lasing? Nag-celebrate ba kayo ng mga classmates mo?” tanong ko sa kanya.
Napangisi na lamang siya at nagbuntong-hininga. “Celebrate? Hah, walang dapat i-celebrate, Chard.”
“What do you mean? Ayusin mo kasi pagku-kwento, Seb. Para ka na namang gago.” sabi ko sa kanya. Napansin ko ang pagbago ng awra ng kanyang mukha.
“Gago?” tanong niya sa akin. “Mas gago ka, Chard.” natatawa pa niyang sabi. “Gago ka, ikaw pala tipo ni Cha, hindi mo sinabi sa akin.”
Biglang nanlaming ang pakiramdam ko sa aking mukha pababa sa aking buong katawan. May kung anong bagay din akong naramdaman sa aking tiyan. Si Seb ang lasing na lasing, ngunit parang ako ang biglang nais sumuka.
“Kaya pala ‘ko nilapitan nung babaeng ‘yun dahil sa’yo.” pagpapatuloy niya. “Ilakad ko raw siya sa’yo. Hindi mo raw kasi siya pinapansin kahit sa text.” bigla siyang umiwas ng tingin at pilit naman ngayon na hinuhubad ang kanyang polo shirt.
Napayuko na lamang ako dahil hindi ko na naman alam ang sasabihin.
Ito na ba ang ikinakatakot ko? Dito na ba matatapos ang pagkakaibigan namin? Lalayo na ba sa akin ang pinakamamahal kong tao sa buong buhay ko?
Dahil sa hindi niya mahubad ang polo shirt ay tumigil na muna siya sa pagpipilit. Kahit nakayuko ay pansin ko hindi niya pa kasi tinatanggal ang butones niyon, kaya hindi niya lubusang mahubad ang damit.
“Sana sinabi mo, Chard.” mahina niyang sabi. “Para hindi na ako nagmukhang tanga, tol. Na-gago ako eh. Akala ko ako lang ang gago, ikaw rin pala.”
Hindi ko na napigilan ang aking sarili at naramdaman na lamang na tumutulo ang luha mula sa aking mga mata. Kahit na anong pagpipigil ang aking gawin, tanging hikbi at pagsinghot ang mga naging sagot ko sa kanya. Ramdam ko ang init ng mga luha sa aking mga pisngi at pilit na kinokondisyon ang sarili upang makapagsalita. Pilit ko ring inilalapat sa aking isipan ang mga tamang salita na nais kong sabihin upang makapagpaliwanag sa aking matalik na kaibigan.
Maya-maya pa’y napansin kong maging siya ay nagulat sa biglaan kong pag-iyak. Iyon ang unang beses na nakita ako ni Seb na umiiyak at hindi lamang basta iyak, hagulgol at malalim na hikbi.
“T-tol!” bigla niyang tawag sa akin. “Wag naman ganyan, tol. Kala ko ba walang iyakan?” pag-aalala niya.
Pinipilit kong tumahan ngunit iyon yata talaga ang oras upang ilabas ko ang lahat ng takot at lungkot na nararamdaman. Sinaktan ko si Seb. Ginago ko ang aking pinakamamahal na kaibigan. Wala na akong ibang nagawa kundi takpan ng aking mga kamay ang aking mukha.
Agad naman iyong hinawi ni Seb at hinila ang laylayan ng kanyang damit upang gamitin pamunas sa aking mga luha. Hindi ko iyon masyadong pinansin dahil sa sobrang sakit na nararamdaman.
“Huy, Chard…” maamo niyang pagpapatahan. “Sorry na. Hindi ko naman akalain na ganito magiging reaksyon mo.” paliwanag niya.
Hindi ko alam kung bakit siya pa ang humihingi ng tawad.
“Alam ko naman na ginawa mo lang din ‘yon para sa akin at hindi mo sinasadya na masaktan ako.” dagdag pa niya. “At naiintindihan ko, Chard. Nasaktan lang din ako, oo. Pero naiintindihan ko, tol. Tahan ka na, para ka namang gago eh.”
Bigla niya akong niyakap. Pakiwari ko’y biglang nawala ang tindi ng tama sa kanya ng alak na nainom. Marahil ay matindi ang amoy ng alak noon sa kanyang pakakayakap, ngunit hindi ko ito maamoy dahil na rin sa sipon na dulot ng aking pag-iyak.
“Hindi ako galit, tol. Nasaktan lang, pero hindi galit.” sabi pa niya sa akin. “I will never get mad at my bestfriend, tandaan mo ‘yan. There’s nothing that will make me so mad at you, I promise.”
Dahil sa pagkakayakap ay nakadikit na ang kanyang kaliwang pisngi sa kanan kong pisngi na marahan kong ikinakalma.
“Oo, nag-inom ako kasama sila Jerry at ibang mga kaklase pero wala akong sinabi na kahit na ano sa kanila.” mahinang sabi niya. “Akala lang din nila ay isang normal na inuman lang din ‘yon, Chard.”
Mas humina ang aking paghikbi at pag-iyak nang marahan niyang inilapat ang aking ulo sa kanyang balikat at hinahagod ang aking likod. Ramdam ko ang init ng kanyang katawan dahil na rin sa panlalamig na bumabalot sa akin.
“Tumahan ka na, tol. Para ka namang sira-ulo eh. Gusto ko lang naman sabihin sa’yo para makapag-usap tayo.” dagdag pa niya. “Ang gago ko lang din talaga. Akalain mong ako pa magpapa-iyak sa’yo ng ganyan? Sorry na, Chard.”
Kahit na gusto kong manatili sa ganoong posisyon nang mas matagal ay minarapat kong bumitaw sa kanyang yakap. Para na rin makapagsalita at mag-umpisang makapagpaliwanag.
“S-sorry, S-seb.” may pahikbi-hikbi kong panimula. “M-matagal ko na gustong sabihin, natakot lang ako na ma-disappoint ka.”
Nakatingin lamang siya sa unan na nasa pagitan namin.
“Kasi…” pagpapatuloy ko na halos hindi ko magawa dahil nag-uumpisa na naman akong maiyak. “Kasi, Seb… Ayoko na ulit makita kang malungkot dahil sa isang babae. ‘Y-yung nangyari sa inyo ni Naomi…”
Tinignan na niya akong muli sa mga mata.
“Ayoko nang maulit ‘yon, Seb. Hindi ko kakayanin na makita ka ulit na ganoon. Ayoko nun, tol.” dagdag ko. “Pero eto, katangan ko, ako pa pala makakapagdulot ng sakit sa’yo.”
“Ano ka ba, tol. Hindi na! Wag mo nang isipin ‘yun.” sabat niya. “Ayos na. Gets ko, Chard. Sorry rin.”
“Sorry talaga, Seb! Ayoko rin na mabalewala ‘yung pagkakaibigan natin.”
“Hindi, tol. Hindi ‘to mababalewala!” paniniguro niya. “Oo, nasaktan ako pero hindi naman ibig sabihin nun na tapos na tayo, Chard. Mahal kita, pare. Ikaw ang pamilya ko, ikaw ang tropa ko! Solid tayo diba?”
“Sorry…” walang katapusan kong paghingi ng tawad.
“Okay na, tol. Bukas-makalawa mas okay na ako, mas okay na rin tayo.” sabi niya sa akin. “Sorry rin ulit kasi pinaiyak kita! Payakap nga ulit!” at agad niya akong niyakap muli ng mahigpit at medyo natatawa na.
Pagkabitaw ay muli niyang sinubukang hubarin ang kanyang polo shirt.
“Teka nga.” pagpigil ko sa kanya. “Gago, hindi mo tinatanggal ‘yung butones kaya ka nasasakal.” nakangiti kong sabi sa kanya habang tinatanggal ang bunotes niya sa damit.
Bigla na lamang din akong tumayo at nagtungo sa banyo upang magbasa ng isang face towel. Tanging tubig-gripo lang ang aking ginamit para malamig sa pakiramdam dahil naiinitan nga si Seb. Bago bumalik ay naisipan ko rin na maghilamos na muna at mag-sipilyo. Isininga ko rin ang pagkarami-raming sipon na naipon sa aking pag-iyak.
Pagbalik ko ng kwarto ay nakita ko siyang nakahiga na sa aking higaan at wala nang pang-itaas. Nabaling ang aking atensiyon sa aking laptop na maayos niyang inilapag sa kanyang higaan sa itaas ng bunkbed.
Dahil bukas ang ilaw, malinaw sa aking paningin ang itsura ni Seb. Magandang pangangatawan, maputing kutis. Natuon din ang aking paningin sa kanyang mukha at nakapikit na mga mata. Mukha talaga siyang anghel sa kanyang maamong mukha. Ibinaba kong muli ang aking paningin sa kanyang katawan.
May kung anong init na bumalot sa akin kaya’t naisipan kong umupo sa tabi niya.
“S-seb? Seb?” dahan-dahan kong paggising sa kanya. “Ako na lang ang magpupunas sa’yo. Di mo na yata kaya eh.”
Nagbigay lamang siya ng mahinang tunog bilang pagsagot. Marahil ay patulog na nga siya.
Inumpisahan kong punasan ang kanyang mukha. Marahan kong idinadampi ang towel sa kanyang mga mata, papunta sa kanyang ilong at mga pisngi. Napapalalim naman ang kanyang paghinga dala na rin marahil ng lamig ng basang tuwalya. Nagtungo naman ako sa kanyang tainga at dahan-dahan din itong pinunasan pababa sa kanyang leeg. Kapansin-pansin ang pamumula ng leeg niya epekto na rin marahil ng dami ng alak na nainom.
Bumalik ako sa banyo upang muling basain ang tuwalya agad din namang pumasok ulit sa kwarto. Sinimulan kong kunin ang kanyang isang kamay at pinunasan ito pababa sa braso hanggang sa kanyang kili-kili. Hindi ko maialis ang aking paningin sa lago ng buhok niya sa kili-kili. Ganoon din ang pagpunas na aking ginawa sa kabilang niyang kamay.
Matapos noon ay mismong katawan niya ang aking pinunasan. Mariin ngunit dahan-dahan kong dinaanan ng tuwalya ang matambok niyang dibdib, maging ang mamula-mula niyang mga utong tayung-tayo rin. Halos manginig ang buo kong katawan dahil sa sensasyon na aking nararamdaman sa mga oras na iyon. Hindi ko rin napigilan ang aking sarili at nakita na lamang na malumanay na nilalaro na ng aking mga daliri ang kayang magkabilang utong. Napapansin kong mas matagal ang atensiyon ko sa kanyang mga utong kaysa sa mga nauna kong pinunasan kaya naman bigla ko muling kinuha ang tuwalya at itinuloy ang pagpupunas sa kanyang tagiliran at sa bandang tiyan.
Bumaling ang aking paningin sa kanyang pusod at ang maninipis na buhok sa ilalim niyon hanggang sa papasok sa kanyang pantalon. Ilang segundo ko rin iyong tinitigan. May nagtutulak sa akin hawakan ang nakabukol na iyon sa kanyang harapan, kaya’t dahan-dahan kong inilapit ang aking kanang kamay sakanyang pantalon. Kaunti na lang at madadampian na sana ng aking mga daliri ang bukol na iyon, nang bigla siyang kumilos at tumagilid paharap sa akin. Agad naman akong napabalikwas at nagtungo na lamang sa banyo upang banlawan ang towel na hawak-hawak.
Pagbalik ng kwarto ay nagdesisyon na akong umakyat sa top bunk dahil ayoko na rin naman na makipagsiksikan pa sa ibaba. Sa totoo lang kasi, may kakulitan din talagang matulog ito si Seb. Mabuti na lamang at walang akong klase kinabukasan at may panahon pa ako upang tapusin ang mga dapat tapusin.
Nahirapan akong makatulog dahil hindi ko maialis sa aking isipan ang itsura iyon ni Seb kani-kanina lang. Malinaw kong nailalarawan sa aking isipan ang amo ng kanyang mukha habang payapang natutulog. Maging ang kisig ng kanyang katawan; mamula-mulang mga utong sa matambok na dibdib, marahang paglatag ng mga abs sa kanyang tiyan, ang mabalahibong bahagi ng ilalim ng kanyang pusod, at ang malaking bukol sa kanyang harap.
Dahil sa init ng sensasyong nararamdaman ay dahan-dahan ko na lamang ipinasok ang aking isang kamay sa loob  ng aking shorts. Ang kanina ko pang galit na galit na sandata ay marahan kong hinagod papalabas ng aking pang-ilalim na kasuotan. Ang kabila ko namang kamay ay itinaas ang aking pang-itaas na damit at nilaro-laro ang magkabila kong mga utong habang patuloy na inilalarawan sa isipan ang katawang matagal ko nang nais na matikman. Sa aking pagtaas-baba sa aking matigas at naglalaway na alaga ay halos hindi naman ako mapirmi kakaikot-ikot ng katawan habang nakahiga. Pilit kong pinapakiramdaman kung masyado na ba akong magalaw at baka magising si Seb sa ibaba ng higaan.
Maya-maya pa’y mas tumindi ang aking pagnanasa. Habang kurot-kurot ng kaliwa kong kamay ang aking utong, ay bumibilis naman ang paghagod ng aking kabilang kamay sa aking alaga. Hindi nagtagal ay nanigas na rin ang aking buong katawan, napapikit ng madiin, at nagpakawala ng mainit at malapot-lapot na katas sa aking tiyan.
Buong pag-iingat kong hinubad na lamang ang aking damit at siyang ipinamunas sa nagkalat na likido sa aking katawan maging sa aking kumikislot-kislot pa rin na sandata. Matapos magpunas ay inirolyo ko na lamang ito at inilapag sa tabi ng unan. Sana lang ay hindi umalingasaw ang amoy niyon sa higaang iyon ni Seb sa mga susunod na mga araw.
Ayon lamang siya, nasa ibaba ng aking kama. Lasing na lasing. Kung tutuusin ay pwedeng-pwede kong samantalahin ang pagkakataon upang magawa ang aking nais. Kahit ang mapaglapat lamang ang aming mga labi sa isa’t-isa, kahit iyon lang, ay maaari kong gawin. Ngunit sa kabila ng init at pagnanasa na aking nararamdaman, mas inisip ko pa rin ang aming pagkakaibigan.
May tiwala sa akin si Seb. Simula’t simula pa, malalim na ang aming samahan dahil na rin sa kanyang angking kabaitan at mapag-bigay.
Siguro nga ay marami-rami rin naman akong ginawa para sa kanya, ngunit hindi naman sa bilangan nasusukat ang pagkakaibigan. Nasa lalim iyon ng samahan; sa lawak at tatag ng tiwala na pinatitibay at pinatatatag ng panahon. Kaya’t sa kabilang banda, naiisip ko rin talagang tama lang na isantabi ko ang sarili kong nararamdaman para sa kanya. Hindi mo rin naman kasi matatawag na katapangan ang isang bagay na nais mo lang gawin para pansariling kapakanan.

Matapos ng gabing ‘yon ay hindi na namin muli pang pinag-usapan ang tungkol kay Cha.
Nagpasya rin ako na kausapin ng maayos si Cha patungkol sa kung ano man ang iniisip niyang mayroon kami. Hindi naman naging madali kay Seb ang kalimutan siya kaya hindi niya rin talaga lubusang nilayuan si Cha.
Siniguro ko naman kay Seb na ayos lang iyon sa akin. Inisip ko na lang na iyon rin ang nakakapagpasaya sa kanya.
Madalas ko silang nakikita na magkasama sa school. Ilang gabi na rin niyang inihahatid si Cha sa kanilang tahanan na siyang dahilan kung bakit hindi na rin kaming sabay ni Seb pauwi. Maging sa pagpasok, madalas, ay nauuna na lamang ako sa kanya. Pagbibigay-daan na lang din dahil alam ko naman na nililigawan na rin talaga niya si Cha.
Marahil ay ayos na rin naman talaga ‘yun. Kinakailangan ko na rin kasing bawasan ang pagdepende kay Sebastian. Para rin naman iyon sa aking kapakanan, inisip ko na lang.
Hindi na rin kami palaging nagkakausap ni Seb. Oo, may mga usapan pa rin kami sa gabi bago matulog o kaya naman ay kapag nagkakasama sa school, ngunit hindi na katulad ng dati. Naging madalang na. Hindi na rin kasing personal katulad noon.

Napagkasunduan namin na magpunta na lamang sa beach resort sa Batangas na pag-aari ng pamilya ni Brett para sa aming sembreak at maglibang-libang doon ng tatlong araw.
Katulad last year, kasama rin namin ang ilan naming mga kaibigan sa school. Wala naman akong ibang maisama rin kundi ay sina Maddie, Marky, at Zeke lamang. Ang alam ko naman na isasama ni Seb ay ang mga kaklaseng sina Raya, Brett (na pinsan nga ni Marky), at Jerry na isasama rin ang kanyang girlfriend na si Natalie.
Dahil sa siyam nga kami ay isang malaking van nina Zeke ang aming napag-usapang gamitin at si Zeke na rin ang siyang magmamaneho.
Gabi bago ang aming paglarga papuntang Batangas ay nagpasya akong kina Zeke na lang din magpalipas ng gabi at dalhin na rin ang aking gamit.
    Bilang pampalipas-oras ay kinuha ko na muna ang aking ukulele at kumanta-kanta. Mga kantang kino-cover ni Steffan Argus ang aking madalas na kantahin. Gusto ko kasi ang boses niya dahil ganoon din ang tunog ko kapag kumakanta.
“Autumn Leaves” ni Ed Sheeran ang huli kong naiisipang kantahin.
Is it that it’s over
    Or do birds still sing for you?
Matapos noon ay nagsimula na akong mag-ayos ng mga gamit na dadalhin. Habang nag-aayos ay napunta naman ang aking paningin sa mga bagay na nakadikit sa pader ng aming kwarto. Ang ilan sa mga iyon ay mga posters ng bandang aming madalas na pinapakinggan ni Seb simula pa noong high school.
Nakadikit din doon ang ilan naming mga litrato; ang ilan ay kaming dalawa lang, ang iba ay kasama ang aming mga pamilya o ibang kaibigan.
May isang malaking litrato sa gitna ng lahat ng iyon. Litrato namin ni Seb kasama ang aming mga pamilya na kinunan noong kami ay nagtapos ng high school. Nakaakbay sa akin si Seb at ginugulo ang aking buhok habang suot ni Papa at ni Tito Lance ang toga namin na isinusuot sa ulo. Sina Mama at Tita Liza naman na nasa magkabilang dulo ay mga nakangaga at nakatingala dahil sa kakatawa.
Sa kabilang dako ng pader ay naroroon ang isang tula na aking isinulat at isinumite sa aking paboritong manunula online na si Atticus.
“Does the sun promise to shine?
No, but it will.
Even behind the darkest clouds, it will.
And no promise will make it shine longer or brigjhter,
For that is its fate—to burn until it can burn no more. …”
Muli, nakaramdam ako ng kalungkutan. May mga pagkakataon talaga na bigla na lang mananadya ang kapalaran at bigla kang pagdidiskitahang palungkutin.
“So, to love you is not my promise,
It is my fate—to burn for you
Until I can burn no more.”
Bigla ko na lang naramdaman na naluha na pala ako. Naalala ko ‘yung dati. Yung pangungulit niya sa akin na madalas kong ikinaaasar. ‘Yung sabay naming pag-alis at pag-uwi.
‘Yung kami lang ni Seb; kami lang lagi.
Nawala ang atensiyon ko roon dahil biglang tumunog ang aking cellphone. Bigla kong pinunasan ang aking mga mata gamit ang bukana ng aking damit pang-itaas. Nagtext pala si Seb na paakyat pa lang daw siya sa condo. Marahil ay nasa parking area na ‘yon. Ganoon naman siya palagi. Nagtetext na paakyat na pagtapos makapag-park ng sasakyan.
Kinuha ko rin ang aking ukulele at ipinasok ito sa kanyang case bago inilapag sa tabi ng aking sapatos na akin ding dadalhin.
Maya-maya pa ay narinig ko na rin ang pagbukas ng pinto mula sa kwarto.
“Yo, bro!” pagtawag niya mula sa labas ng kwarto.
Sasagot na sana ako nang biglang may narinig ako na ibang boses na kausap niya. Boses ni Cha. Inilapag ko na muna sa aking malaking bag ang hawak-hawak na mga damit at binuksan ang pinto palabas ng kwarto. Hindi nga ako nagkamali at si Cha nga iyon. Nakikita ko kung papanong natataranta si Seb na asikasuhin ang bisita niya.
“Upo ka na muna diyan. Make yourself at home!” sabi niya kay Cha.
Agad naman niya akong nakita at nilapitan. Nginitian ako Cha habang papaupo sa couch na ginantihan ko rin naman ng isang ngiti. Napansin ko rin ang isang malaking bag na nasa tabi niya.
“Sama siya bukas?” tanong ko kay Seb.
“Ah, oo. Nakalimutan ko yatang sabihin sa’yo.” sagot niya sa akin at umiiwas sa aking mga mata. “Kina Zeke ka ngayon, diba?” pag-iiba niya ng usapan.
“Oo. Para deretso na rin.” sagot ko bago nagtungo sa ref upang kumuha ng isang bote ng inumin. “Kita na lang tayo bukas, pre. ‘Wag kayong male-late ah.”
“Oo naman.” sambit niya.
“Your place looks nice.” biglang singit ni Cha.. Inilibot-libot niya ang kanyang paningin sa condo. “And too neat for bachelors like you two!”
Natawa lamang si Seb at umakbay sa akin habang umiinom ako. Kailan ba ang huling beses na inakbayan ako ng tukmol na ‘to?
“Nako, oo.” pagsagot niya. “Eto kasing komander ko tinotopak kapag makalat.” pang-aasar niya at kinuha ang boteng hawak ko upang uminom din.
Nangisi na lamang ako. “Welcome, Cha.” panimula ko kay Cha. “Kumain na kayo?”
“Yeah. We ate dinner before coming here.” sagot naman niya.
Matapos uminom ay nagtungo si Seb papuntang kabilang kwarto. Sa kwarto nila Tita Lisa. “Ayusin ko lang muna dito para makapagpahinga ka na rin.” aniya.
Dahil kami na lang ni Cha ang naiwan sa sala ay nagpasya akong manatili rin muna doon. “Ang ikli lang ng sembreak ngayon, no?”
“Oo nga eh.” pagsang-ayon niya. “Pero ayos na rin kesa naman walang bakasyon, diba?”
Tumawa na lamang ako ng mahina at napakamot ng ulo. Kahit na may kaunting sakit akong nararamdaman dahil sa paglago ng relasyon nila ni Seb, hindi ko rin naman maipagkakaila na masaya ako dahil kahit papaano ay maayos ang pakikitungo namin ni Cha sa isa’t isa.
“So, ikaw na lang ang gumising bukas diyan kay Seb ha?” sabi ko. “Baka kasi late na magising. Pero usually, maaga naman talaga ‘yan si Seb gumising.” pagpapatuloy ko.
Narinig pala ni Seb ang aming usapan mula sa kwarto ng mga magulang niya at sumigaw, “Hoy, hindi ako tulog-mantika katulad mo.”
Natawa kami ni Cha sa narinig namin na iyon.
Maya-maya pa ay bumalik na si Seb sa kinaroroonan namin ni Cha. “Don’t worry, I’ll ring your phone tomorrow morning para magising ka. Don’t turn your phone into silent mode, though.” sabi niya.
“Alarm clock ka pala dito, Seb?” natatawang sabi ni Cha sa kanya.
“Hay nako! Eto kasing si Chard, night owl.” umupo siya sa tabi ni Cha. “Zombie. Nocturnal.” May patirik-tirik pa ng mata na nalalaman ang halimaw.
“Bahala na nga kayo diyan.” pagpapaalam ko sa kanila. “Kunin ko na lang gamit ko tapos alis na rin ako.”

Pagdating kina Zeke ay pansin niya agad ang tamlay ko at kawalang-gana sa mga ikinukwento niya. Naisipan muna namin na tumambay sa balcony nga kanilang second floor at kumain ng mga chips.
“Huy!” pagtawag niya matapos ako batuhin ng corn chips na kinakain niya. “Anong problema? ‘Wag mo sabihing buntis ka?”
“Gago!” dinampot ko ang kanyang ibinato na napunta sa sahig malapit sa paanan ko at initsa iyon sa basurahan sa tabi niya.
“Ano nga?” pangungulit niya. “Si Seb ‘yan, for sure.”
Nginitian ko siya at ipinatong ang mga paa sa maliit na mesa sa tapat ng aming mga upuan. “Si Cha kasama pala bukas.” panimula ko. “Andun siya ngayon sa condo. Dun matutulog.” mahina kong dagdag.
Napabalikwas naman sa Zeke at umupo ng maayos. Inilapit niya rin ang kanyang mukha sa akin. “Magse-sex siguro sila.” pang-aasar pa nito sa akin.
Bigla ko siyang inambahan at bigla siyang sumandal muli sa kanyang upuan at tumatawa.
“Sira-ulo talaga ‘to si Sebastian, pare. Sila na ba?” tanong niya sa akin.
“Malay ko.” maikli kong sagot sa kanya.
“Gago, umamin ka na kasi. Ilang beses na kitang sinasabihan diyan eh.”
“At ilang beses ko na ring sinasabi na hindi ko nga kaya.” tumayo ako at lumapit sa mga moog ng kanilan balcony. “Isang araw, masasabi ko rin naman ‘to sa kanya. Hindi pa nga lang sa ngayon.”
“Well, bilis-bilisan mo lang. Baka mas lalo kang masaktan at magsisi sa bandang huli.” seryoso niyang sagot sa sinabi ko.
Napatingin ako sa langit, sa mga bituin. Naalala kong muli ang ningning ng kanyang mga mata noong ibinalita niya sa akin ang unang beses na nilapitan siya ni Cha. Noong akala niya ay may interes na sa kanya ‘yung babaeng ‘yun.
Inisip ko na ngayon ay nagbubunga na nga ang lahat ng panunuyo niya kay Cha. Masaya siya, lalo na ngayon na nakita niyang ayos naman ako sa kanilang dalawa.
Ayos ako dahil hindi naman niya alam kung ano ang totoo kong nararamdaman para sa kanya.
“Ayos lang ako.” bulong ko sa sarili. “Ayos na ang ganito.”

Hindi ko pa lubusang naimumulat ang aking mga mata ngunit hinahanap ko na ang aking cellphone. Tumutunog kasi ito ng malakas. Tulad ng ipinangako ay tumatawag nga si Seb upang marahil ay gisingin nga ako.
“H-hello.” mahina kong sabi sa linya.
“HELLOOOOOOO!” malakas nitong sigaw mula sa kabilang linya.
Agad ko namang inilayo ang aking cellphone mula sa aking tainga dahil sa lakas. “Bwisit.” sambit ko at muling ibinalik ang cellphone sa tainga. “Sebastian, ang aga pa! Wala pang 3AM oh.”
Natawa lang siya. “Gising na, boy. Ang kupad mo pa naman kumilos.”
“Ikaw ang makupad, gago. Tulog muna ako saglit.” pakiusap ko.
“Hindi pwede!” pagbabawal niya. “Bangon na, Chard. Wag na matigas ang ulo, para ka na namang bata eh.”
“Matutulog lang, bata agad? Iba ka rin eh.” sagot ko habang nakapikit pa rin ang mga mata.
“Basta bumangon ka na at mag-toothbrush. Baho ng hininga mo eh.” pang-aasar pa nito. “Abot dito. Baho!”
“Ulol!” bigla kong sagot. “Sige na.”
“Sige. Bumangon ka na ah. Sapak ka sakin!” pagbabanta pa niya,
Bigla ko na lang ibinaba ang cellphone ko at naghikab ng napakalakas at nag-unat ng katawan habang nakahiga pa rin.
Nakapikit pa rin ang aking mga mata, iniisip kung may nangyari kaya sa kanila noong gabing iyon. Sino bang niloko ko? Malamang meron. Kilala ko si Seb, hindi niya rin mapapalampas ang ganoong mga pagkakataon.
Napapabalik na ulit ako sa pagtulog nang biglang pumasok si Zeke ng kwarto kung saan ako natutulog at biglang binato ako ng tuwalya matapos buksan ang ilaw.
“Huy, gumising ka na!” bungad niya. “’Yung boyfriend mo, este bestfriend mo, tinawagan ako at pinapabangon ka na dahil paniguradong hindi pa rin daw bumabangon diyan.”
“Alam mo ikaw, Ezekiel, isa ka ring panira ng buhay eh. Gising na ‘ko kanina pa, pre. ‘Wag kang ano diyan.” sagot ko sa kanya.
Alas-kwatro ng madaling-araw kami umalis ng baha ni Zeke. Sa passenger’s seat ako nakapwesto at gaya nga ng napag-usapan ay siya ang magmamaneho. Nagprisinta rin naman si Brett na humalili sa kanya kung sakaling napapagod na siya.
Sa Starbucks malapit sa school na lang kami nagpasya na magkita-kita upang makapag-almusal na rin muna kami doon. Mabuti na lamang at 24/7 iyong bukas at kilala namin ang ilan sa mga nagtatrabaho roon.
Sina Marky, Brett, at Maddie ang pumwesto sa likod namin ni Zeke. Samantalang ang sa likod naman nila ay sina Jerry, Natalie, at Raya. Sa pinakadulo naupo sina Seb at Cha.
Sa buong biyahe namin ay panay ang tingin sa akin ni Zeke. Nag-aalala marahil sa kung anong nararamdaman ko patungkol kina Seb at Cha sa likod. Si Maddie naman ay walang-preno rin sa kakakwento sa akin kahit na sa likod nakapwesto. Mabuti na lang din at ganoon dahil hindi na masyadong sumasagi sa isip ko si Sebastian.
“Where are we gonna eat lunch?” biglang tanong ni Natalie habang nakasandal sa nobyang si Jerry. “It’s almost noon already.”
“Anywhere na lang siguro basta paglampas ng expressway.” sagot naman ni Brett.
“Mga ilang minutes pa ba bago tayo makaalis ng expressway?” tanong naman ni Raya. “I need to pee na rin kasi.”
“Roughly, 40 minutes?” tansya ni Zeke na tumitingin-tingin sa kanila sa rearview mirror.
“Konting tiis na lang, girl.” sabat naman ni Cha na nagpatawa ng bahagya kay Seb.
“I have an empty bottle here, Raya.” pang-aasar ni Seb. Binato na lamang ni Raya sa kanya ang hawak na maliit na unan habang medyo natatawa-tawa rin pati na rin ang iba.
Bigla sigurong napansin ni Seb ang pananahimik ko at bigla niya akong tinawag. “Tahimik ka diyan, Chard. You okay?” tanong niya.
Hindi ko magawang sumagot sa kanya. May malamig na pawis na tumutulo sa aking patilya. Malakas naman ang aircon ng sasakyan ngunit pinagpapawisan talaga ako ng matindi. Hindi ko na rin masyado maigalaw ang aking ulo dahil sa hilo.
“Sleepyhead still?” sabat ni Maddie patungkol sa akin. Akala siguro’y antok na antok lamang ako.
Maya-maya pa’y pinilit kong lumingon kay Zeke at sumenyas na nahihilo’t nasusuka. Agad naman siyang lumingon sa akin sandali at ibinalik ang paningin sa daan.
“Dude, are you okay? What’s wrong?” pag-aalala nito. “Hey, hey! Who has a candy or anything?” tanong niya sa iba naming mga kasama. “Chard’s being sick here.”
“Shit. May motion sickness ka nga pala, I forgot!” narinig kong sambit ni Seb sa likod.
Naririnig ko namang nagkakalkalan ng mga gamit ang iba sa kanila. Naghahanap marahil ng candy or kahit na anong makakatulong sa pagkahilo ko.
“Bro, are you gonna throw up?” tanong ni Marky.
“No, no! Please, don’t.” biglang tugon ni Natalie na sinang-ayunan naman kaagad nina Raya at Cha.
“Here, here.” biglang sabi ni Maddie. “This might help…” sabay abot sa akin ng eucalyptus gel na nakabukas na. Kinuha ko ito at inamoy-amoy.
“Why’d forget your meds kasi?” medyo pagalit na tanong ni Seb. “Alam mo naman na mabilis kang mahilo eh.”
Hindi ko na lamang siya pinansin at pilit pa ring pinipigilan ang sarili na masuka. Si Zeke naman ay kumuha ng ilang tissues at pinunas-punasan ang aking noo’t leeg gamit ang kanang kamay. Patingin-tingin lang siya sa akin dahil sa nagmamaneho pa nga rin siya.
“He placed them in his massive bag sa likod yata eh.” tugon ni Zeke sa tanong sa akin ni Seb. “Let’s get it when we park at the stop over na lang.”
Pinakikiramdaman ko kung anong sunod na gagawin o sasabihin ni Seb, ngunit wala na rin siyang naging imik patungkol doon.
“Brett, bro. Could you adjust his seat and recline a little?” pabor niya kay Brett. “Konti lang so he could at least lay down.”
Agad naman akong tinulungan ni Brett na mai-adjust ang sandalan ng aking upuan.
“Alagang-alaga ka talaga ng kapatid mong hilaw, Chard!” pang-aasar ni Jerry na ikinatawa naman ng lahat. “Prinsipeng-prinsipe ang datingan sa’yo ng bromance niyo eh.”
“Ayos na po ba ang pakiramdam niyo, kamahalan?” dagdag ni Brett matapos akong tulungan sa aking sandalan.
Nagawa ko naman na lingunin sila kahit papaano at ngitian habang dinadampi-dampian pa rin ni Zeke ng tissue ang aking mukha. Nakita ko ang pag-aalala ni Seb, ngunit may kung anong bagay rin akong napansin sa kanyang reaksyon na hindi ko na lang din masyadong inintindi.

Humupa man sa pagpapawis ang aking mukha, ay may kaunting hilo pa rin akong nararamdaman nang dumating kami sa stop over.
Iba-iba ang gusto nila na kainan kaya’t nagkanya-kanya na lang na lakad kung saan gusto kumain. Naghanap naman kaagad sina Natalie, Raya, at Maddie ng comfort room kaya’t nauna na silang umalis. Sina Brett, Jerry, at Cha naman ay nagsabi na sa Taco Bell na lang kakain. Sinabihan ni Seb si Cha na susunod ito dahil aasikasuhin lang daw ako sandali.
“You should go, bro. Ako na lang bahala dito kay Chard.” pagmamagandang-loob ni Zeke kay Seb.
“No, it’s fine.” sabi naman sa kanya ni Seb na pumwesto sa pinuan ng aking upuan upang pababain na ako.
“I’ll get your meds na lang muna.” sambit ni Zeke sa amin bago bumba at nagtungo sa likod ng van upang kunin ang bag ko.
“Nasa bandang likod na bulsa lang ‘yon, pre. Thanks!” paalala ko sa kanya.
“Lagi kong sinasabi sa’yo na dapat kahit sa bulsa mo na lang ilagay ‘yung mga gamot mo kapag may biyahe tayo, diba?” pagpapagalit sa akin ni Seb. “Para namang hindi ka nakikinig, Chard. Palagi na lang ganito!”
Napansin kong may pagka-inis ang tono ng kanyang pananalita kaya’t pagkababa ay hinayaan ko na lang na siya na ang magsara ng pinto at nagtungo kaagad ako kay Zeke sa likod.
“Tignan mo, hindi ka na naman nakikinig.” dagdag pa niya habang sumusunod sa aking likuran.
“Oo na, Seb. Next time, promise.” mahinahon kong sagot.
“Puro ka ganyan, tapos ano? Ganito ka na naman.” mahina lang naman ang boses ni Seb noong mga oras na iyon, pero ay pasigaw pa rin ang tono ng kanyang inis na pananalita. “Baka naman pag-uwi natin pabalik ng Manila, aarte-arte ka na naman ng ganyan.”
“Bro.” pag-aawat ni Zeke kay Seb dahil nakita niya rin na nakakunot na rin ang aking noo at hindi nagustuhan ang huli niyang sinabi.
“Hindi ako nag-iinarte, Seb.” tugon ko sa kanya.
“Hindi nga. Pero kakaganyan mo, lahat kami nadadamay sa’yo.” bigla niyang sagot sa akin. “Pati sina Cha natakot na baka masuka ka pa kanina.” dagdag pa niya.
“Don’t worry, hindi na ako magpapabigat ulit sa’yo.” sabi ko. Agad ko na lamang kinuha ang gamot kay Zeke at umalis.
Nagpakawala ng isang malakas na buntong-hininga si Seb at tumingala. “That’s not what I meant!” sigaw niya sa akin.
“Yo! What’s happening over there?” sigaw ni Jerry na napalingon pala sa amin, pati na rin sina Brett at Cha.
“Seb!” sigaw naman ni Cha. Naglakad na sila pabalik sa amin.
“Bro, let’s chill.” sabi sa kanya ni Zeke.
Bigla ko na lang naramdaman ang kamay niya na hinablot niya ang aking kaliwang braso paharap sa kanya.
“Aray ko, Seb! Parang gago ‘to.” sigaw ko rin sa kanya.
“Makiramdam ka naman kasi, Chard!” hawak niya pa rin ang aking braso. “’Yang mga ganyang asta mo, panira ng bonding eh. Time to relax ‘to diba? Unwind-unwind, bonding. ‘Wag mo naman i-spoil.” sabi pa niya.
Bigla kong tinabig ang kanyang kamay mula sa pagkakahawak sa akin. Nasaktan ako sa mga sinabi niya. Noon ko lang narinig sa kanya ang mga ganoong salita.
“What the fuck is wrong with you?!” galit kong tanong sa kanya. “Anong ini-spoil ko? Bakit ako panira? Nahilo lang ako, Seb! Kung anu-ano na sinasabi mo diyan, gago ka.”
“Wait. You, guys, need to calm down.” pagsingit ni Zeke na tumataas na rin ang boses.
“No, Zeke. This is between us, just us! ‘Wag ka na muna makisali, pre. Masyado ka nang mapapel eh.” tugon sa kanya ni Seb matapos itong humarap sa kanya at marahang itinulak sa balikat.
“Hey, hey! Chill, bro!” sabi nina Brett at Jerry na malapit na sa amin.
“Seb, para kang gago!” bigla kong sabi sa kanya. “Nakikita mo ba sarili mo ngayon? Ang init-init dito oh. Kasing init ng ulo mo!”
“Eh, etong batang ‘to eh. Biglang umaasta na parang akala mo kung sino.” pagrarason ni Seb. “Sino ka ba ha? Kailan ka lang naging kaibigan, akala mo magulang ka kung umasta  ngayon.”
“What the fuck? Naririnig mo ba mga sinasabi mo, pre?” sagot sa kanya ni Zeke.
Nakita ko na parang naiinis na rin si Zeke dahil sa inaasta ni Seb kaya’t tinutulak-tulak na rin nito si Seb sa dibdib. Sa takot na baka ay magpang-abot pa sila, bigla ko siyang nilapitan at inakbayan upang kayagin palayo.
“Ezekiel, tumigil ka. Tara na. Lock mo na lang ‘yung sasakyan.” pag-aaya ko sa kanya.
Bakas naman sa mukha ni Seb ang pagkadismaya. Hindi ko talaga alam kung saan nanggagaling ‘yung init ng ulo niya na ‘yon.
Hindi naman ganoon kadaling mag-init ang ulo niya noon. At kahit na hindi sila masyadong close ni Zeke ay maayos naman ang pakikitungo nila sa isa’t-isa kahit noon pa. Madalas pa nga silang maglaro ng basketball eh.
Hinahawak-hawakan na lang ni Cha ang likod ni Seb upang pakalmahin ito kahit papaano. Sinenyasan rin ako ni Brett na ilayo ko na rin muna si Zeke.
“Magpalamig ka ng ulo mo, gago! Bigla ka na lang nagagalit nang walang dahilan, you fuck.” huli kong sabi kay Seb bago siya muling sinimangutan at naglakad na palayo kasama si Zeke.

No comments:

Post a Comment

Read More Like This