Pages

Tuesday, March 21, 2017

Little Infinities (Part 1)

By: Joshua Anthony

“Here’s your receipt and change, ma’am. Have a great evening and please come back again!” nakangiti kong sabi matapos ibigay ang sukli at resibo sa kanya na huling customer namin sa araw na iyon.

Kinindatan ko si Candice upang ipaalam na maaari na niyang kunin ang mga pera sa kaha at nang mai-lock na rin ito.

“Thank you for coming, ma’am!” nakangiting sabi niya sa customer na tumango lamang bago tuluyang lumabas.

Si Mario naman ay tinatapos na rin ang pagma-mop ng sahig kaya’t muli ko na rin kinuha ang basahan at lumapit sa kanya upang magpunas na rin ng mga mesa.

Ipinatong niya ang dalawang upuan sa isang mesa na aking pinunasan habang nagku-kwenbto na sobrang sabik na siyang umuwi dahil dumating ang kanyang kapatid mula sa Maynila. Panay din naman ang sagot sa kanya ni Candice na nagsimula nang magbilang ng pera.

Hindi ako makasali sa usapan nila dahil natuon ang aking atensyon sa ginang na aming last customer. Mula sa malaking salamin na aming bintana ay nakita ko na nasa labas pala ang kanyang anak siguro na naghihintay sa kanya sa loob ng kotse sa driver’s seat. Iniabot niya ang biniling muffins, hot chocolate, at brewed coffee sa kaniya na iniabot din sa nakaupo sa likod.

Bago tuluyang sumakay ang ginanag ay nagtama ang paningin namin ng lalaking nakaupo sa driver’s seat, ngunit agad din naman akong umiwas dahil hindi ko rin naman maaninag ang kanyang mukha.

“Tulala ka na naman diyan, Nate.” biglang puna sa akin ni Mario at saka tumingin din sa labas. “Don’t tell me type mo ‘yung last customer? Cougar hunter ka na rin?” natatwa pa niyang dagdag.

“Hoy! ‘Wag mo akong igaya sa’yo!” pagtanggi ko.

Maya-maya pa’y lumabas na si Sir Mark mula sa kanyang office sa likod, Siya ang aming manager at owner din ng “Imong Kapihan” na aming pinagta-trabahuan. Halos magta-tatlong taon pa lang ding bukas ang coffee shop niyang iyon.

“Job well done today, guys! So happy that everything goes pretty well still.” nakangiti niyang sabi at saka lumapit kay Candice para sa pagbibilang.
Sabado na kasi at sarado ang aming coffee shop bukas. Sa Huwebes pa ang bukas ulit nito dahil ika-25 sa Miyerkulas. Pasko.

Maganda na rin upang makapagpahinga ako at maagang matapos ang ilan pang mga paperworks na kailangan kong tapusin bago muling magpasukan pagkatapos ng Holiday Break.

Oo, nag-aaral pa rin ako. Kahit na dalawampu’t tatlong taon na ay nasa junior year pa lang din ako at kumukuha ng kursong Classical Architecture.

Minadali ko nang ayusin ang mga mesa at ipinatong doon ang mga upuan. Ibinaba ko rin ang mga blinds ng mga bintana upang matakpan na ang mga naglalalkihang mga salamin na iyon. Iniingatan ko rin na huwag masagi ng blinds ang mga doodles na nakasulat doon sa mga salamin ng bintana. Matagal pa kasi bago iyon dapat palitan dahil nakalagay pa rin doon ang aming Holiday Promo na hanggang sa susunod na taon pa matatapos.

“What have you, guys, planned for the holidays?” tanong ni Sir Mark sa amin. “You, Nate? Luwas ka ba ng Manila to see your family?”

Ngintian ko siya. “No, sir. You know I’m loyal to this place.” biro ko.

Hindi ko man direktang nakikita ay alam kong napapatingin-tingin sa akin si Candice. Marahil ay siya ang naiilang para sa akin patungkol sa tanong ni Sir Mark. Siya lang kasi ang nakakaalam ng istorya ko. Alam niya ring hindi ko gusto ang usapang pamilya, lalo na kung tungkol sa mga magulang.

“A-ako, sir! Dito lang din ako.” biglang sabat ni Candice. Marahil ay upang mapunta sa kanya ang atensyon ni Sir Mark.

Natawa naman ng malakas si Mario.

“Natural! Tubong Baguio ka naman talaga eh. Anong gagawin mo sa Maynila?” natatawa niyang sabi.

“Ay, bawal mamasyal? Epal ka na naman eh.” nakairap niyang sagot kay Mario. Hinubad na rin niya ang kanyang apron at saka isinabit sa sabitan malapit sa counter.

Patuloy lang naman sa tawanan sina Sir Mark at Mario. Palibhasa’y nag-iisang babae si Cnadice sa amin kaya’t palaging tampulan ng pang-aasar. Kung minsan ay nakikisali rin naman ako sa kanilang asaran.

Matapos i-lock ang kaha ay bumalik na muna si Sir Mark sa loob ng opisina niya upang kunin marahil ang kanyang bag. Nagtungo na rin si Mario sa banyo dala-dala ang mop at mga basahan na aming ginamit.

Ako naman ay bumalik sa likod ng counter upang isabit din sa pader ang apron na hinubad.

“You can come to our house na lang and spend the Christmas Eve there with my family.” paanyaya ni Candice sa akin at saka lumapit sa akin.

Nakit ko ang isang zipper ng kanyang isinusuot na bag na hindi masyadong nakasara kaya’t marahn ko iyong hinila upang maisara.

“Ano ka ba, ayos lang naman ako.” nakangiti kong sagot sa kanya. “Thank you ha? Don’t worry, I might drop by. Might!” dagdag ko.

Nginitian niya ako at saka tinapik ang aking balikat. “Up to you, Natey. Basta you’re always welcome in our home ha?” sabi niya.

Kinuha ko ang aking cellphone mula sa aking knapsack upang tingnan ang oras. Alas-otso pa lamang pala ng gabi. Sinilip ko ang bintana sa labas at nakitang bahagya na namang umaambon.

“Go get umbrellas, guys. Off we go.” sabi ni Sir Mark matapos i-lock ang kanyang opisina at saka ihinagis sa akin ang susi na agad ko namang nasalo rin.

Matapos kong isuot ang aking jacket ay isinabit ko na rin sa mga balikat ang aking knapsack at saka lumabas ng shop kasama silang lahat. Nagkuhaan din kami ng kanya-kanyang paying mula sa umbrella jar bago tuluyang lumabas.

“Buti na lang may pa-payong si Mayor!” biro ni Candice.

Ibinaba na rin ni Mario ang main switch ng kuryenta at saka ako tinulungan na ibaba ang bakal na takip ng pintuan ng shop bago ko ito ini-lock. Matapos kong iabot kay Sir Mark ang susi ay nagpaalaman na rin kami.

Isinasabay kasi palagi ni Sir Mark sina Mario at Candice dahil halos magkakalapit lamang ang kanilang mga tahanan.

Malapit lang naman ang apartment na aking tinutuluyan mula sa coffee shop kaya hindi na rin ako sumasabay sa kanila. Siguro ay nasa dalawampung minuto lamang iyon sa tuwing lalakarin ko. Bukod pa roon ay iba rin kasi ang daan ko sa dadaanan nila, kaya’t minamabuti kong hindi na lang talaga magpahatid.

Mahilig din akong maglakad, tutal hindi naman kainitan sa lugar namin.

Nang makita silang nakasakay na sa kotse ni Sir Mark ay tumalikod na rin ako at nagsimulang maglakad pauwi. Binuksan ko ang Spotify app sa aking cellphone at saka ikinabit ang earplugs sa aking tainga.

Golden Oldies Playlist. Shuffle Play.

Mamasa-masa ang daanan dahil sa paulan-ulan na panahon. Marami-rami rin akong nakakasabay sa daan dahil hilig din ang mga tao roon sa paglalakad.

Hindi man naririnig masyado ang kanilang ingay, ay kinatutuwaan kong pagmasdan ang mga sasakyan na nag-uunahan na rin pauwi. Ang mga nagsasayawang mga ilaw naman na may iba’t-ibang kulay ay nagbibigay din ng kakaibang saya sa aking mga mata.

Kay gandang pagmasdan ang pagkinang ng daanan dahil sa repleksyon ng ilaw sa mga patak ng ulan. Maging ang mga lumang establisyemento ay may angking tatag na kahanga-hangang tignan. Kasabay niyon ay ang taas-noo paring pagtayo pa rin ng mga street lamps na sunod-sunod ding nakapila sa kahabaan ng kalsada.

Napapansin kong tila lumalakas ang pag-ulan kaya’t nagsimula na akong maglakad ng mabilis. Ayaw ko kasing tuluyang mabasa ng ulan ang suot kong balat na bota. Halos mapunit ang suot kong skinny jeans dahil sa laki ng aking bawat hakbang.

Nang sobrang lakas na ng ulan ay nagpasya na muna akong magpatila sa tapat ng isang boutique na may malapad na masisilungan. Dahil nasa tapat naman iyon nga kalsada ay may iilan-ilan ding nagpapatila roon at saka mag-aalisan.

Ipinagpag ko ang aking mga sapatos upang magtalsikan ang mga patak ng ulan na naroroon.

Maya-maya ay may kumalabit sa aking likuran. Sa gulat ay napabalikwas ako at kamuntikan nang makapagmura. Paglingon ay nakita ko ang isang lalaki na siguro ay nasa late twenties na. Natatawa siya marahil sa pagkagulat ko.

“Yeah?” tanong ko sa kanya.

Ngumuso lamang siya at itinuro ang bata sa aking harapan. Hindi ko marahil napansin dahil maliit pa ang bata. Siguro ay nasa mga anim na taon pa lamang ang batang iyon.

“Oh. Why, hello there!” bati ko sa kanya.

Nginitian niya lamang ako at saka inabutan ng ilang tissue papers. Tinanggap ko ang mga iyon at nginitian din siya.

“Saw you trying to dry your boots, so…” mahinahon niyang sabi sa akin. Pansin ko ang makapal na accent sa kanyang pananalita.

Muli akong tumingin sa lalaking natatawa kanina at napagtanto na anak niya pala iyong bata. Nginitian ko lamang siya.

May kahabaan siguro ang kanyang buhok dahil napansin kong naka-man bun pala siya. May kakisigan din siya na kaunti at may katangkaran din. Kahit na hindi ko masyadong maaninag ay kapansin-pansin na medyo maputi rin siya dahil kitang-kita ang kanyang malinis na facial hair. Mukha rin siyang malinis sa katawan.

May kaputian din naman ako. Bahagyang singkit, medyo matangkad din, at may kapayatan. Ngunit siya kasi ay mukhang imported ang dating kaya’t bigla akong nahiya at tumingin na lang ulit sa batang habang inaayos ang aking suot na beanie.

“Thanks, buddy!” pasasalamat ko at saka yumuko upang mapunasan ang aking mga bota.

“My dad thinks you’re cute.” bigla niyang sabi sa akin.

Nanlaki naman ang aking mga mata dahil sa sinabi niyang iyon at saka humarap ulit sa kanilang mag-ama. Tumayo akong muli at iniayos ang tindig. Naiilang.

Namula naman ang kanyang ama sa hiya at dali-daling tinakpan ang bibig ng kanyang anak.

“I, uh, I’m sorry! It’s not like that, I swear.” nauutal niyang pagpapaliwanag.

Pinilit namang tanggalin  ng batang lalaki ang mga kamay ng kanyang ama at saka tumingala at tiningnan ng masama siya ng masama.

“What?” sambit nito sa kanyang ama. “You were the one who told me to give those to the cute lad!”

Nagpapalit-palit ang aking paningin sa kanilang dalawa. Hindi pa rin makapagsalita. Naiilang.

Muli niyang tinakpan ang bibig ng anak.

“Okay, okay. Off we’ll go now!” tanging sabi niya dito at nahihiyang tumingin sa akin.

Natatawa-tawa na rin siya sa nangyayari kaya’t bigla na lamang niyang binuksan ang hawak na paying at hinila ang anak.

“It’s true! He’s just embarrassed!” sigaw sa akin ng bata matapos muling lumingon. “What’s your name?”

Patuloy lang sa pagpapatahimik ang kanyang ama palayo. Kahit na nagulat ay hindi ko naman magawang hindi matuwa sa kulit nilang dalawa.

“Nate!” sigaw ko sa bata habang kumakaway-kaway sa kanya palayo. “Thanks again, yeah?”

May mga isinisigaw-sigaw pa ang batang makulit, ngunit hindi ko na iyon maintindihan pa.

Pagdating sa aking apartment ay agad akong sinalubong ni Jack, ang alaga kong pug. Hindi ko siya masyadong makita dahil patay pa ang ilaw at itim ang kanyang kulay.

“Who missed me the whole day, huh?” paglalambing ko sa kanya matapos kong isara ang pinto at saka siya binuhat. “Missed you, too, buddy! How was your day, Jackson? Huh?”

Panay lamang siyang ungol.

Lumuwas kasi si Nanay Vivian sa Maynila upang doon magdiwang ng pasko kasama ang kanyang anak, kaya dito ko lang naiiwan si Jack sa apartment kapag pumapasok ako.

Parang nanay na rin ang turing ko kay Nanay Vivian. Siya ang tumulong sa akin upang makapagsimula ulit nang mapadpad ako dito sa Baguio apat na taon na ang nakakalipas. Sa kanya ko madalas si Jack dahil kinatutuwaan niya naman din itong alagaan. Mag-isa na lamang din kasi dito si Nanay Vivian dahil byuda na at ang nag-iisang anak naman ay sa Maynila na nagtatrabaho.

Sa istasyon ng bus kami noon nagkakilala. Inihatid niya ang kanyang anak sa doon dahil iyon ang unang beses na pupunta iyon sa Maynila. Nakita niya akong balisang-balisa dahil hindi ko alam kung papaanong magsisimula ng buhay dito dala-dala ang kakaramput na salapi.

Pinatuloy na muna niya ako dito sa apartment na iyo na tinirhan ng kanyang anak bago ito lumuwas ng Maynila. Magalak niya akong tinanggap at inaruga na parang sariling anak.

Napagpasyahan kong magluto ng French toast bilang hapunan. Oo, hapunan. Paborito ko kasi iyong kainin.

Ikinonekta ko sa aking Bluetooth speaker ang cellphone at nagpatugtug ng Christmas songs sa Spotify. Nilagyan ko rin ng pagkain si Jackson sa kanyang kainan.

Matapos kong kumain ay hinugasan ko kaagad ang mga pinagkainan. Binuksan ko na rin ang tubig sa tub upang madaling matantsa ang init niyon. Nais ko kasing magbabad sa mainit na tubig dahil sa nakakapagod na araw.

Nang maging tama na ang init ng tubig ay agad akong naghubad ng damit at contact lenses at saka lumublob sa bathtub.

Nahiga ako sa aking kama suot ang aking PJ’s matapos maligo. Isinuot ang salamin sa mata at nagbasa na muna ng nobelang aking tinatapos. “A Good American” ni Alex George ang aking tinatapos basahin. Si Jackson naman ay tumalon din sa akin kama at nahiga sa aking bandang paanan.

Halos mag-iisang oras din akong nagbabasa. Naramdaman ko ang pagod ng aking mga mata kaya’t isinara ko na ang libro at hinubad ang salamin. Matapos kong ilapag ang mga iyon sa aking bedside table ay pinatay ko na rin ang bed lamp.

Tumitig lamang ako sa kisame ng aking apartment. Pinapakinggan ang mahinang tunog ng ulan sa labas, maging ang mga kuliglig na humuhuni sa paligid.

Pumikit ako at naisip kung gaano ka-boring para sa marami ang takbo ng aking buhay mag-isa. Nguni dito ako sanay at ito ang nais buhay—tahimik, payapa, malaya.

Kamusta na kaya ang aking mga magulang sa Maynila? Siguradong magiging masarap na naman ang Noche Buena dahil sa roasted chicken ni Mommy. Excited na naman siguro si Dad na magbakasyon at maglagi sa bahay dahil makakasama niya ang mga apo sa panganay na anak na si Kuya Marcus. Si Ate Raya naman ay malamang nakauwi na rin siguro mula sa States upang dito magdiwang ng kapaskuhan.

Apat na taon na rin ‘yun.

Apat na taon na hindi ko sila nakikita o nakakausap. Apat na taon na hindi nila ako hinahanap. Marahil ay masaya na nga rin sila na wala ako sa kanilang mga buhay.

May balak din naman akong bumalik sa Maynila at magpakita sa kanila. Hindi pa nga lang sa ngayon. Nais ko kasing makapagtapos na muna at makapagtrabaho upang makaipon. Kailangan ko ring bayaran ang mga utang ko kay Nanay Vivian dahil sa mga pagpapahiram niya sa akin ng pera sa tuwing nagigipit ako pambayad ng matrikula.

Hindi man madali upang intindihin ng karamihan, ngunit mahalaga para sa akin ang may mapatunayan sa aking pamilya. Nais kong ipakita sa kanila na kahit ganito ako ay may pangarap ako at kaya kong abutin ang lahat ng iyon. Bilang pambawi na lang din sa mga nagawa ko noon sa kanila.

Kahit na itinakwil ako ng aking mga magulang, ay nais ko pa rin na balikan ang aking pamilya. Kaya ko nga ito ginagawa ay para sa kanila. Para matanggap na nila ako ulit.

Sabik na sabik na kasi akong makapiling sila ulit. Sabik na akong maging parte muli ng isang pamilya.

Maaga akong nagising dahil na rin sa pangungulit ni Jack sa aking pagtulog. Nais na yatang maglakad-lakad sa labas at magbawas. Nasanay kasing kada-umaga ay inilalakad ko siya sa labas at doon sa ‘di kalayuan sa likod-bahay dumumi.

Nagmumog lang ako at naghilamos bago nagsuot ng jacket at scarf at saka lumabas. Halos itakip ko sa buong mukha ang scarf na suot dahil sa sobrang lamig. May kalabuan din ang paligid dahil sa hamog. Nakatutuwa namang pakinggan ang tunong ng aking suot na tsinelas sa basing kalsada habang naglalakad.

“Aga mo naman, anak!” bati sa akin ng matandang magtataho na nakasalubong. “Gusto mong strawberry taho?” alok niya.

“Nako, ‘tay. Wala po akong dalang pera.” sagot ko.

Nginitian lamang ako ni manong at sakay naghanda ng taho.

“Hayaan mo na, libre ko na lang sa’yo. Magpapasko na rin naman, anak.” sabi niya matapos iabot sa akin ang mainit-init pang taho.

“Nako, ‘tay. Salamat po!” pasasalamat ko matapos abutin ang regalo. “Sana po ay makarami kayo, ‘tay!”

“Salamat, hijo!” sabi niya at saka binitbit na ang paninda palayo.

Naglakad-lakad pa kami ni Jack ng ilang saglit at saka nagpasyang umuwi na rin. Nagsipilyo na muna ako ng ngipin at saka pinakain si Jack.

Matapos noon ay iniwan ko na muna ulit siya sa bahay dahil mamimili ako ng pagkain namin sa bayan. Kinakailangan ko na rin kaisng maunang bumili ng iluluto ko sa Noche Buena upang hindi na maubusan.

Gamit-gamit ang aking bisikleta ay lumarga na rin ako.

Mabilis akong natapos sa pamimili dahil sa may nakahanda naman akong listahan. Naisipan ko ring bilhan si Jackson ng treats kaya’t pumasok na muna ako sa isang pet store.

Papunta n asana ako sa bandang likod ng pet store nang biglang may kumalabit na naman sa aking likod.

“Nate! Nate!” pagtawag sa akin ng isang pamilyar na boses.

Agad akong lumingon at nakita na iyon ulit ang batang makulit kagabi. Tumingin ako sa paligid, hinanap ang kanyang ama.

“My dad’s back there. Getting Suzies some food.” sabi niya sa akin.

“Oh.” sagot ko. “Who’s Suzie, by the way?” tanong ko sa kanya.

“My nan’s cat!” bibo niyang sagot. Inilapit niya ang kanyang mukha sa akin habang pinipilit na tumingkayad. “I don’t really like Suzie.”

Natawa ako sa sinabi niyang iyon at saka sumagot, “Oh, yeah? How come?”

“She meows all the time.” mahina niyang sagot at may pailing-iling pa. “And one time, she peed on my toy! Couldn’t even go to the loo and do her business there.” dagdag pa niya habang hinahawi-hawi ang mga malalagong buhok na humaharang sakanyang paningin.

Hindi ko na napigilan ang sarili at napatawa na rin ako nang malakas. Ang cute kasing pakinggan ng kanyang pananalita dahil sa accent niya. Bibong bata rin kaya masarap kausap.

“Oh, snap!” biglang sabi ng kanyang ama nang makita kami na magkausap muli.

Ang lakas ng kanyang dating dahil sa suot na knitted longsleeves na pinatungan niya ng leather jacket. May suot din siyang beanie at scarf. Denim jeans ang kanyang pang-ibaba at isang pares ng dark brown boots ang suot na panyapak.

“Is he bothering you again?” tanong niya habang pakamot-kamot pa ng ulo.

“No, no! Don’t worry about it.” sagot ko.

“Can we go now?” tanong sa kanya ng anak.

Tumingin naman siya ulit sa akin at natawa kaming dalawa pareho. Umiiling-iling siyang ginulo ang kulot na buhok ng anak.

“Yes, sir.” pabiro nitong sagot.

“Okay!” tugon ng kanyang anak na may pagtaas pa ng mga balikat.

Muli niya akong tiningnan at nginitian.

“Are we friends now?” tanong niya sa akin.

Napatingin ako sa kanyang ama at sasagot n asana, ngunit bigla na naman niya akong inunahan.

“Okay! Can we play?” bigla niyang sabi. “You should come and visit me so we could play, yeah? I have loads of toys at home. I promise I will have them cleaned because Suzie may have peed on them a little.”

Bigla niya akong niyakap at saka naunang tumakbo na papuntang counter. Napapailing naman ang kanyang ama dahil nahihiya sa akin.

“Sorry about that again.” nangingiti niyang sabi. “Makulit lang talaga eh. Bored na rin siguro dito.”

Tumawa lang ako. “Nagta-Tagalog ka naman pala! Akala ko ibang lahi ka rin eh.”

“No, no. Pinoy ako.” sagot niya. “’Yung si kulit lang ang medyo Briton.”

“Oh, okay. Your wife’s British?” tanong ko pa.

Huminga siya ng malalim at sasagot n asana ngunit bigla na siyang tinawag ng kanyang anak. Agad ko rin siyang sinenyasan na ayos lang sa akin.

“Oh, go ahead! You should be running, actually.” sabi ko na lang.

Napakamot na lamang siya muli ng ulo at saka ngumiti bago tuluyang tumalikod.

Sa kanyang pagtalikod ay biglang sumagi sa isipan ko ang pagtalikod din sa akin ng isang tao na minsan kong kinapitan bilang aking pag-asa. Ang taong tinalikuran ako apat na taon na ang nakakalipas.

Bumalik sa akin ang lahat ng sakit. Kung papaano akong nagmakaawa at nagpilit na ipaintindi sa kanya ang lahat. Kung papaanong ang lahat ay pilit kong kinaya upang piliin lamang siya… Upang mahalin lamang siya.

“Just tell me what to do because I can’t imagine myself living without you.”
“Say the word and I’ll do it, Alex.”
“Please.”

Bumalik ako sa ulirat dahil tinatawag pala ako ulit noong ama ng makulit na bata.

“S-see you around, then.” sabi niya at saka iniabot ang kamay sa akin. “Nate, right?”

Nakipagkamay naman ako at saka tumango. “Y-yeah. What’s you name again? And your kid’s right there?” tanong ko.

Nilingon niya ang anak sa counter na naglalaro-laro at muling ibinaling sa akin ang paningin.

“Oh, that kulit is Basty. I’m Chard.”

No comments:

Post a Comment

Read More Like This