Pages

Thursday, March 16, 2017

Tales of a Confused Teacher (Part 19)

By: Irvin

Panahon ng kapaskuhan, naging malungkot ang dati ay masayang araw. Naalala ko ang mga pangyayari noong nakaraang taon.  Ang dating maingay na pagsalubong namin sa bagong taon ay naging kabaligtaran. Kumain lamang kami at sandaling nagkwentuhan pagkatapos ay pumasok na sa aming mga kwarto. 

Dati ito ang pinakamasayang panahon namin kung saan lumalabas ang pagiging bata namin pare-parehas. Madalas nga ay si Papa ang pasimuno ng kalokohan dahil sabi nga niya hindi niya naranasan ang mga ganoong bagay noon kung kaya ngayon lamang niya nagagawa. Marami kasi silang magkakapatid at nag-aabroad ang kanilang ama kung kaya naging mahigpit sa kanila ang nanay nila.  Ganon din pinagkakasya nila sa lahat ng pangangailangan nila ang hindi naman ganoong kalaking kita ng pamilya.

Noong bata pa kami ay palihim kaming ibinibili ni Papa ng mga paputok dahil hindi kami pinapayagan ni Mama na gawin iyon. Sa likod bahay namin pinapaputok iyon kung kailan abala sina Mama sa paghahanda ng pagkain at hindi kami masyadong napapansin. Kami ni Lester ang madalas niyang kinukunsinti dahil nga may asthma si Kuya hindi pwede sa kanya ang magtagal sa mausok. Si Irish naman ay takot, At pagkatapos namin magpaputok ay saka kami babalik sa bahay at  sasamahan naman namin si Kuya sa malalaking torotot na siya namang binibili ni Mama para sa amin. Alam kong alam ni Mama ang ginagawa namin dahil titingnan lamang niya ng masama si Papa na hindi malaman kung papaano magpapaliwanag,  Pinalaki kami ni Papa na ramdam namin ang pagmamahal sa aming lahat.  Bagamat alam kong ako ang paborito niya hindi niya kailanman binigyan ng dahilan si Kuya at si Lester na magakaroon ng galit sa akin.  Pantay pa rin ang pagmamahal niya sa aming lahat kahit nga kay Irish .

Nalala ko pa ng dati ibinili niya ako ng complete set ng Power Rangers dahil nanalo ako sa isang contest.  Matagal ko na iyong gusto kaya lamang ay may kamahalan kaya hindi ko siya mapilit bilhin.  Sobrang saya ko noon at alam kong madami akong kaklase na maiinggit sa akin. Nang dumating kami sa bahay narinig  kong gustung-gusto din ni Kuya ang ganon.  Nakiusap si Kuya kay Mama na gusto rin niya ang katulad ng toy ko pero  sinabihan siya ni Mama na sa malayo namin iyon binili at hindi na pwedeng pumunta dahil malayu nga isa pa ay alam niyang mahal din ang pagkakabili ni Papa.
Alam kong gusto ni Mama na ibigay ko kay Kuya iyon dahil bihirang magkagusto si Kuya madalas ay masaya na siya kung ano ang binibili para sa kanya kasi nga bihira naman siyang makasama sa labas, pero ayaw din naman niyang ako ang magtampo dahil ramdam niyang gustung-gusto ko iyon kasi yakap-yakap ko pa ang box isa pa ay reward iyon ni Papa sa pagkapanalo ko.

Lumapit sa akin si Papa, at pagkatapos guluhin ang buhok ko ay nakangiti akong kinausap.

“Bing, ‘di ba ang dami mo ng toys?” Tumango lamang ako dahil iyon naman ang totoo. Bukod kasi sa kanya ay ibinibili rin ako ni Lola kapag isinasama niya ako. “Si Kuya konti lamang, gusto mo ba ibigay na lamang natin iyan sa kanya. Kapag may pera ulit si Papa bibili na lamang tayo ng bago.  Look at Kuya o, diba love mo siya?” Nag-isip muna ako pero bago ako sumagot.

Gusto ko talaga ang toys na iyon, pero paano ko ba tatanggihan si Papa, nakita ko rin na nakatingin lamang sa akin si Kuya, Si Irish naman at si Mama naghihintay kung ano ang gagawin ko.

Tiningnan ko muna ang toys ko, binuksan ko ang box at hinimas silang isa-isa saka ako nakangiting lumapit kay Kuya at iniabot sa kanya.  “Kuya Ivan o sayu na lang sila.” Nakangiti naman siyang yumakap sa akin.

“Thank you  Bing. Hayaan mo iingatan ko ito” Alam ko namang iingatan niya iyon kasi ganon talaga si Kuya masinop sa lahat ng bagay.  Nakangiti rin naman si Mama na niyakap ako. 

“Napakabait talagang bata nito. Salamat anak.” Hinalikan pa ako ni Mama sa noo.

Sobra rin ang saya ng Lola ko nang malaman niya ang ginawa ko.  Nagkataon kasi na wala siya sa bahay noon at kinuwento lamang ni Papa dahil proud na proud siya sa ginawa ko.

“Tama iyon apo, hindi dapat madamot ha. Lagi kayong magmamahalang magkakapatid.”

Ganoon ang Papa ko, ganon niya kami pinalaki.  Kahit kailan hindi ko nakita na may dahilan para magtampo ako sa kanya. At ngayon ang sakit dahil habang inaalala ko ang lahat ng ginawa niya sa amin,  hindi ko rin maiwasang isipin na sumama ang loob niya sa akin. Hindi man lamang ako nakapag sorry sa kanya.  Alam ko namang pinatawad na niya ako gaya ng sabi ni Mama pero nakakalungkot pa rin na nang mga huling araw na buhay siya hindi na kami nakapag-usap.

Nanghihinayang ako dahil hindi ako gumawa ng paraan para magkausap kami.  Hindi ko naman kasi alam na iiwan na niya kami.

“Sorry Pa, sana kung nasaan ka man, huwag mo pa rin kaming pababayaan. Alam kong hindi mo rin gusto na iwan kami at maging ganito pero hindi ko lang maiwasan ang malungkot. Miss na miss na po kita ‘Pa.”

Ramdam ko na gusto ni Kenn na magkwentuhan pa kami pero hindi na siya nangulit nang magpaalam ako. Siguro ramdam niya ang pagtamlay na pakiramdam ko nitong mga huling araw pero nakasanayan na rin niya mula nang mawala si Papa na huwag akong pagtatanungin kapag alam niyang tumatahimik ako. Iyon pa ang labis kong inihanga sa kanya.  Sa mura niyang edad napakalawak ng pang-unawa niya.  Alam niya kung kailan siya mangungulit at kung kailan dapat ay tahimik lamang siya. May mhga pagkakataon na aabutan lamang niya ako ng tubig pero hindi nagsasalita.  Minsan naman ay biglang hahawakan ako sa kamay.  Ramdam ko yung kagustuhan niyang tulungan ako sa aking pinagdaraanan kaya lamang hindi niya alam kung paano.

Nang makapasok ako ng kwarto muling nagbalik sa aking isip ang isang pangyayaring hindi ko makalimutan.

Nasa grocery ako noon nagkataong may tinatapos na project si Kenn kaya hindi ako sinamahan nang aksidenteng makasalubong si Ms. Nazareno.

“Kumusta ka na si Sir?” bati niya

“Mabuti naman po, kayo kumusta na?”

“Hindi ko masabing mabuti lamang ako dahil hindi ko maintindihan bakit hindi yata saklaw ng isip mo na dapat man lamang ay isina alang-alang ninyo na sa akin iniwan ng kanyang ina si Kenn Loyd at kung ano man ang desisyon ninyo ay sinabihan nyo man lamang ako”

“Anong ibig ninyong sabihin?”

“Iyong pagpapatira mo don sa mag-ina sa bahay ni Susan, hindi ninyo man lamang ako naabisuhan na may ibang tao na palang gumagamit noon”

“Mrs, Nazareno, desisyon po iyon ni Kenn at ng Mommy niya, tapos na silang mag-usap nang malaman ko.”

“At bilang guro niya hindi mo man lamang siya sinabihan na banggitin man lamang sa akin tutal ay ako lamang naman ang malapit doon, mabuti at hindi namin nabaril ang mag-ina doon malay ba namin kung sino sila basta na lamang naroon sa bahay ng kapatid ko” Naisip ko concern ka ba talaga sa bahay o natatakot ka lamang na baka mawalan ka ng karapatan doon.  Hindi ko pa rin malimutan ang lahat ng narinig kong usapan nilang magkakapatid noong maaksidente si Kenn,  Buo pa rin sa isip kung paano nila niloko at dinaya ang mag-ina sa napakaraming pagkakataon.

“Mas mabuti siguro ay kayo ang mag-usap gaya ng sinabi ninyo kayo ang magkaka mag-anak at usaping pang pamilya po iyan kaya mas maganda siguro kung hindi ako makikisali.”

“Nakisawsaw ka na sa usaping pampamilya noon pa. Alam kong alam mo kung ano ang problema namin.”

“Alam ko Mrs. Nazaeno at wala akong magagawa kung ano man iyon, dahil hindi ko maintindihan bakit ninyo ginawa iyon. Pero huwag kayong mag-alala hindi ko nga binanggit kay Kenn kung ano man ang narinig ko sa inyo,”

“Hindi mo nga binanggit sa kanya pero sa kanyang ama, ano ba ang sinabi mo, bakit ganoon na lamang ang galit niya sa akin?”

“Bata pa si Kenn para maintindihan ang mga nangyayari pero alam kong karapatan ng kanyang ama na malaman ang totoo. Lalo pa at ipinagkatiwala niya sa akin ang bata at tinanong niya ako kung ano ang dahilan bakit siya naaskidente.”

“Bata pa nga si Kenn Lloyd at iyon ang sinamantala mo.”

“Anong ibig ninyong sabihin?

“Huwag kang mag maang-maangan sir.  Alam kong alam mo ang ibig kong sabihin. Alam ko Sir kung anong meron kayo ni Kenn Lloyd at  hindi ninyo magugustuhan kung ilalantad ko kung ano man ang relasyon ninyo” Nabigla ako sa sinabi niya pero hindi ako nagpahalata.

“Hindi ko alam kung ano ang sinasabi ninyo, mas makabubuti kung si Kenn ang kausapin ninyo tungkol sa mga bagay na iyan. Ayusin ninyo kung anuman ang problema ninyo. Dahil hanggang ngayon ay hindi ko matanggap ang dahilan ninyo bakit kailangang gawin ninyo iyon sa kanya.”

“Hindi nga siguro katanggap-tanggap ang ginawa namin, pero ang ginagawa ba ninyo katanggap-tanggap, teacher ka Sir, alam mo ang sinasabi ko.”

“Gaya ng nabanggit ko Mrs. Nazareno, si Kenn ang kamag-anak ninyo at kung may dapat kayong tinatanong upang malinawan siguro ay siya at hindi ako ang dapat ninyong kausapin, dahil wala akong obligasyon na magpaliwanag sa inyo.

“Hindi na Sir Irvin, wala na akong kailangang patunayan, malinaw na sa akin ang lahat, at alam kong kahit sino sa inyo ay hindi aamin, kaya para saan pa? Pero tinitiyak ko sa inyo walang lihim na hindi nabubunyag.”

“Nasa sa inyo naman po iyan, Karapatan ninyong gawin kung anuman ang inaakala ninyong tama.” Saka ko siya tinalikuran.

Hindi ko  alam kung ano ang nasa isip ng taong iyon.  Sari-sari ang pumapasok sa isipan ko.  Nagalit kaya sila dahil nalaman ng Mommy ni Kenn Lloyd ang ginagawa niya sa pera kung kaya masama ang loob niya lalo pa nang magdesisyon ang mag-ina na patirahin sila Jasper sa bahay nila.  Siguro naisip nila na talagang tuluyan na silang nawalan ng karapatan sa buhay ni Kenn  na lalong magiging dahilan para maging mahirap sa kanila na makuha kung ano man ang ipinamana sa mag-ina.

“Haist ano bang klaseng mga tao ito, hanggang ngayon pala sa kabila ng nangyari kay Kenn hindi pa rin nawawala sa kanila ang paghahangad na makuha kung ano man ang para sa mag-ina. Nakakahiyang pamilya dahil lamang sa kasakiman handang magkawatak-watak kahit magkakapatid.”

Ilang araw ko na ring pinag-iisipan kung sasabihin ko iyon kay Mr. Suarez pero naiisip ko naman na baka lalo lamang maging kumplikado ang sitwasyon. Kung tutuusin wala naman talaga silang karapatan doon sa bahay kaya hindi ko naisip na sabihin sa kanila, saka sinabi ko iyon kay Mr Suarez noon ilang araw pa lamang nakakalipat ang mag-ina at wala namang issue sa kanya.

“Mabuti nga iyon sir, nang hindi naman mukhang inabandona ang bahay, tama si Susan madali nga iyong masisira kung walang nakatira.” Iyon lamang ang narinig ko mula sa kanya.

Pero ano kaya ang balak ng pamilya ng Mommy ni Kenn, mukhang hindi pa rin sila titigil hanggang hindi napapasa kamay nila ang ari-arian ng kanilang mga magulang. Paano kung muli nilang bawiin si Kenn at piliting tumira sa kanila.  Kung lampas 18 years old lang sana si Kenn hindi ako mag-aalala.  Hindi rin naman maasahan ang kanyang ama dahil hindi nga niya kayang ilantad na anak niya si Kenn dahil alam niyang mapuputol ang anumang sustento na naibibigaya niya.  Kailangan pa raw niyang hintayin na makatapos siya ng pag-aaral para kung anuman ang gawin ng asawa niya ay sigurado siyang kaya na ni Kenn na tumayo sa sarili niya.

Hindi ko talaga alam kung ano ang gagawin ko, minsan gusto kong sabihin kay Kenn ang totoo pero naawa naman ako sa kanya ayoko nang dagdagan ang dinadala niya.  Masyado pa siyang bata para problemahin ang mga bagay na iyon. Sobra na ang hirap na pinagdaanan niya mula pagkabata. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit hanggang ngayon problema pa rin niya ang kanyang pamilya. Kaya madalas ay basta ko na lamang siya yayakapin.

“Sir bakit po, may problema ka po ba?”

“Wala naman namiss lamang kita”

“Pambihira ka sir, araw-araw na nga po tayong magkasama, namimiss mo pa ako?”

“Bakit hindi mo ba ako namimiss, ayaw na ba ng baby boi ko na niyayakap ko siya?

“Sir, pansin ko nitong mga huling araw talagang pinanindigan mo na ang pagiging emotero ha, sabi mo sa akin dati huwag akong ganon kasi hindi makakatulong iyon pero ikaw yata ngayon ang ganon.”

“Basta Kenn anuman ang mangyari kailangan mong makatapos ng pag-aaral, alam kong kahit wala dito ang Mommy mo iyon din ang gusto niya at kahit ang Daddy mo iyon ang madalas na sinasabi sa akin.”

“Kaya nga po sir, kahit mahirap nag-aaral akong mabuti, di ba sabi mo sakin, patunayan ko sa kanila na kahit ganon ang ginawa nila sa akin,  nagsikap ako at hindi sinira ang buhay ko? Iyon po talaga ang gusto kong gawin kahit naman iniwan ako ni Mommy gusto kong maging proud pa rin siya sa akin.  Kasi sir naisip ko rin kung hindi naman nangyari iyong lahat ng pinagdaanan ko baka nga hindi kita nakilala”

“Ano ba yan, bumalik na naman pagiging emotero mo, diba kinalimutan na natin yung lahat ng hindi magandang pangyayari na iyon?”

“Nahawa po ako sa iyo sir. Pero thank you po talaga  sir, dahil nariyan ka, na laging nagpapaalala sa akin, siguro kung hindi ka po dumating sa buhay ko baka magulo pa rin ang isip ko at walang direksiyon.  Akala ko kasi noon dahil iniwan ako ng mga magulang ko wala ng silbi ang pagkatao ko, pero ngayon sir ang dami kong pangarap.”

“Talaga, ano naman yun?”

“Secret!”

“May nalalaman ka pang secret ngayon ha”

“Basta sir sa ‘kin na muna iyon. Pero isa lamang ang sigurado sir, sa lahat ng pangarap ko kasama ka”

“Ang corny mo pa nga  Kenn, pero sige na nga kinikilig ako kasi ang sweet mo.” Nakita ko naman na napangiti siya.

“Kasi sir, hindi naman po ako mangangarap kung wala ka. Ikaw po ang nagbigay sa akin ng dahilan hindi lamang para mangarap kundi pilitin abutin ang mga pangarap na iyon.”

“Kenn, alam mo ba naisip  ko nitong mga huling araw dapat bigyan ka talaga ng award”

“Ano sir? Award? Anong award po?”

“Hari ng corny! Haha..hindi ko alam kung saan mo natutunan ang mga ganyan.”

“Hala, ganon? Hari ng corny pala ha…” at kiniliti niya ako sa tagiliran

“Kenn Lloyd ano ba, mahuhulog ako, tama na.” saka pa lamang siya tumigil pero tawa pa rin nang tawa.  Nang mapagod kami ay muling siyan nahiga na nakaunan sa aking hita.

“Alam ko naman sir, naiintindihan mo ang sinasabi ko, kunwari lamang ayaw mong maniwala, madami ang nagbago sa akin mula nang makilala kita at lalo pang naging maayos ang buhay ko dahil minahal mo po ako.” Nakita kong seryoso ang kanyang mukha kaya nginitian ko na lamang siya pagkatapos pisilin ang kanyang ilong. Haist buti na lamang talaga at narito si Kenn, kung nag-iisa siguro ako sa bahay na iyon baka nabaliw na ako.

Napangiti ako habang inaalala ang usapan naming iyon.  Napaka sweet talaga ng batang ito.  Isang dahilan kung bakit madali akong naka recover sa pain na dala ng pagkawala ni Papa ay iyong ipinapakita niyang pagmamahal at pagmamalasakit sa kin.  Ayokong maramdaman niyang balewala iyon kaya kinaya ko kahit mahirap,

 Hindi ko rin maiwasang isipin ang lahat ng nangyari sa akin mula nang makilala ko siya.  Ganito pa rin kaya ang lahat kung hindi kami nagkakilala.  Sariwa pa rin sa isip ko ang unang beses ko siyang nakita.  Ang halos hindi nagupitang buhok, ang maraming guhit sa manggas ng polo niya at pantalon, ang maduming swelas ng kanyang sapatos.  Pero mas lalo kong hindi malimutan ang maamo niyang mukha at ang malungkot niyang mga mata.  Noon pa naging misteryoso na sa akin ang buhay niya pero hindi ko nga lamang siguro napansin. May mga gabing iniisip ko pa rin kung tama ba ang pagtatagpo namin o dala lamang ito ng kapwa namin pananabik sa pagmamahal siya sa pamilya ako dahil niloko ng babaeng akala ko ay talagang para sa akin.

Kung pagbabatayan ko ang naging pagbabago sa kanyang buhay, tama nga siguro ang pagtatagpo namin lalo na ang saya na nararamdaman ko sa tuwing nagkukulitan kami.  Pero kapag naiisip ko ang sitwasyon na pinasok namin at ang consequences nito sa buo naming pagkatao naroon pa rin ang takot.  Hanggang kailan namin itatago ang ganito.  Hanggang kailan kami ganito.  Totoo kayang kaya niya akong panindigan habang buhay.  Bata pa siya at marami pa ang pwedeng magbago, marami pa ang pwedeng mangyari.  At higit sa lahat marami pa ang pwede niyang makilala.  Maaring sa ngayon ay sa akin lamang naka tuon ang atensiyon niya dahil mula bahay hanggang school ay magkasama kami.  Pero paano kung mag college siya.? Ang hirap namang isipin pero ang possibilities napalaki. At gaya ng dati iniisip ko pa lamang nasasaktan na ako.

“Nakakainis naman, new year ngayon dapat masaya ako sa pagsalubong sa bagong taon pero eto ako puro problema ang iniisip. Hindi naman ako emotero bakit ba ayaw akong tantanan ng mga alalahaning ito” Huminga lamang ako ng malalim at hinatak na pataas ang aking kumot. “Kahit ngayon lamang please lubayan mo muna ako, gusto ko munang magpahinga.”  Bahagya pa lamang akong nakakatulog nang maramdaman ko ang paggalaw ng aking kama.

“O Kenn, bakit narito ka?”

“Sir alam kong mabigat pa rin ang nararamdaman mo, kung may maitutulong po ako sa inyo, sabihin mo lang po, kahit ano, basta kaya ko sir, tutulungan kita.” Saka ko napansin ang pagpatak ng mga luha niya.

“Batang ito talaga, bakit ka umiiyak?”

“Kasi po sir nasasaktan pa rin ako hanggang ngayon sa nakikita ko sa inyo, alam ko po namang hindi ninyo lamang sinasabi pero nahihirapan kayo.”

“Oo Kenn, aaminin ko nahihirapan ako, pero mas mahihirapan akong kayanin ang lahat ng ito kapag nakikita kong umiiyak ka.”

“Pero sir, gusto ko po sanang tulungan ka.”

“Alam ko iyon at sapat na sa akin na lagi kang nariyan, kahit nga hindi ka nagsasalita, naiintindihan ko na iyon.”

“Basta po sir, huwag kang susuko ha, kaya mo po iyan, ang dami mo ng nalampasan, matapang ka po sir, huwag mo pong kakalimutan na marami pa naman kaming nagmamahal sa inyo.  Saka sir, hindi lamang po ako ang may kailangan sa inyo kailangan ka rin po nita Tita pati ni Ate Irish at Kuya Lester.”

“Huwag kang mag-alala sa akin, basta alam kong kasama ko kayong lahat, kakayanin ko ito.” At niyakap ko na siya.  Gusto kong isipin na tama ang sinasabi niya.  Makakagaan iyon sa kalooban ko.  Paano nga kaya kung sa panahong ito ay walang Kenn na karamay ako.  Ang bata pa niya  pero aaminin ko sa panahong iyon sa kanya talaga ako humuhugot ng lakas at tapang para kayanin ang mabigat naming sitwasyon.  Dahil kagaya ko ang pamilya ko ay wala ring kakayahan upang palakasin ako dahil sila man ay nangangailangan ng magpapalakas sa kanila.

“Salamat Kenn, salamat sa lahat-lahat.” Iyon na lamang ang mahinang naibulong ko sa kanya.

Tinapos namin ang Christmas Vacation na pinipilit naming lahat na maging masaya.  Ramdam ko naman na kahit hindi totoo ay pinipilit naming lahat na maging malakas.  Kahit papaano ay nagtatawanan kami minsan ay nagkakabiruan.  Lalo na si Mama, alam kong kahit nahihirapan siya ay kinakaya pa rin niyang pasanin ang responsibility na naiwan sa kanya ni Papa.  Pinipilit niyang iparamdam sa amin na normal pa rin ang buhay kahit kita ko namang nahihirapan siya.

Kinabukasan tumawag si Kuya.

“Okay lamang kami Kuya huwag mo kaming alalahanin. Happy New Year din.” iyon lamang ang naging sagot ko nang kumustahin niya kami. Iyon lamang naman ang pwede kong isagot.  Kasi iyon talaga ang gusto kong maramdaman at isipin.  Na okay na kami kahit alam kong pinipilit pa lamang namin na maging ganoon.

“Bing, si Mama. Aalalayan mo muna ha, kilala mo naman iyan, matapang lamang siya kapag kaharap tayo, pero sigurado akong nahihirapan pa rin siya sa pangyayari. Hindi paladaing si Mama at kapag kausap ko pinaparamdam niya sa akin na ayus na siya pero sigurado ako na hindi pa.  Alam naman natin kung gaano niya kamahal si Papa.” Naalala ko si Papa at si Kuya, sila lamang ang tumatawag sa akin ng Bing noon.  Pero si Papa nang lumaki na ako ayaw na niya ako tawagin ng ganon kasi para daw akong bata pero hindi si Kuya hanggang nag-asawa siya iyon parin ang tawag niya sa akin.

“Naiintindihan kita Kuya, umuuwi naman kami kapag weekend, sinabihan ko nga siya na sa Manila na muna mag stay ayaw naman kasi nga si Lester ang iniisip.”

“Hindi naman talaga iyon papayag nabanggit nga niya sa akin minsan na sinabihan mo raw. Ikaw kumusta ka na?” Hindi ako makasagot, bihira kaming magka kwentuhan ni Kuya pero hindi ko rin kayang maglihim sa kanya. Lalo na ng mag-abroad siya mas lalo kong naramdaman iyong pagging Kuya niya, iyong pag-aalala niya.

“Alam ko Bing, kahit hindi mo sabihin, hindi ka pa okay, hindi pa tayong lahat okay, pero siguro nga sa ating magkakapatid mas lalo ka na dahil bata pa tayo ay ikaw na ang pinaka close kay Papa.  Pero wala na tayong magagawa kailangang ituloy ang buhay, sigurado ako iyon din ang gusto ni Papa na gawin natin.  Hindi rin siya matutuwa kung nakikita niyang nahihirapan pa rin tayo hanggang ngayon. Si Papa pa gagawin non ang lahat para sa ikakasaya natin.”

“Pero Kuya, ang sakit pa rin, una bakit si Papa pa, wala naman siyang ginawang kasalanan sa kanila diba? Saka bakit hanggang ngayon wala pa rin nangyayari sa imbestigasyon?”

“Ipagdasal na lamang muna natin sa ngayon at umasa tayong lalabas din ang totoo. Patuloy pa rin naman akong nakikipag coordinate sa lawyer natin pati sa imbestigador na may hawak ng kaso.  Pati nga yung law office nila tumutulong din sa pagpa follow up sa mga imbestigador.”

“Ang gusto ko lamang naman mabigyan ng katarungan iyong nangyari kay Papa.  Huwag naman sanang parang ganon na lamang.”

“Tatapusin ko lamang itong kontrata ko, uuwi na rin ako, Hindi rin ako mapakali dito dahil alam ko bilang Kuya ninyo may responsibilidad ako sa pamilya natin lalo na ngayon na wala na si Papa”

“Sure ka ba Kuya, sa akin maganda iyon pero pumayag ba si Ate?”

“Alam naman niya ang pinagdadaanan ko saka may konting ipon naman kami, pwede nang mag simula kahit maliit na negosyo.”

“Siguro Kuya mas makakatulong nga kung narito ka.”

“Si Ian kumusta, nag-aalala si Mama kasi ang laki na raw ng ipinagbago ni bunso, please Bing, huwag mo siyang pabayaan ha, alam ko sa iyo lamang nag oopen ang taong iyon.” Ian ang tawag niya kay bunso, Ian Lester kasi ang name niya kaso kami nakasanayan na namin lalo na ako na Lester ang tawag sa busno namin. Si Kuya lamang ang hindi nagbago ang tawag sa amin.

“Hindi na nga rin siya masyadong nag-oopen sa akin Kuya, madalas tahimik lamang at gusto laging nag-iisa.  Hindi ko naman matanong kung okay dahil sigurado naman akong hindi pa. Naawa na nga rin ako sa kanya, pag wala ako alam kong kinakaya niya ang responsibilidad sa bahay, sabi ni Irish, bihira na ring lumabas at pakiramdam daw niya break na sila ng girlfriend niya.”

“Iyong si Kenn, diba sabi ninyo close sila, kausapin mo na kung may pagkakataon ay yayain pa rin niya si bunso, nakakaawa kasi alam mo naman kung paano siya inispoiled ni Papa kaya talagang malaki ang epekto non sa kanya.  Sana naman ay hindi masira ang pag-aaral niya dahil doon”

“Kuya, kaya ba natin talaga ito, I mean paano tayo magtutulungan kung lahat tayo nangangailangan ng tulong.  Paano natin palalakasin ang isat-isa kung tayo mismo mahina?”

“Hindi naman tayo pinalaki ni Papa na mahina diba? Magagalit iyon lalo na sa iyo kapag narinig na ganyan ka ngayon, Ikaw pa naman ang ipinagmamalaki niya lagi na nagmana sa kanya ng tapang at lakas ng loob. Saka diba ang sabi niya dati hanggang sama-sama tayo kahit anong pagsubok kaya nating lampasan. Basta alam ko malalampasan din natin ang lahat ng ito, hindi lamang tayo ang dumaan sa ganitong sitwasyon. Huwag tayong mawalan ng pag-asa, maniwala tayo na may dahilan ang Diyos kung bakit nangyari sa atin ang ganito.”

“Lalo ko tuloy namiss si Papa, sa mga ganitong pagkakataon na ang hirap mag-isip ng gagawin, pag siya ang nag advice parang iyon talaga ang the best. Ang hirap pa rin kasi lahat tayo laging sa kanya nakaasa. Kaya ngayong nawala siya hindi natin alam pare-pareho paano magpapatuloy.”

Natapos ang usapan namin na puro pagpapalakas ng loob sa isat-isa, pero alam ko mas mahirap ang kalagayan ni Kuya dahil nag-iisa siya. Kami kahit papaano ay magkakasama pa rin kahit minsan.  Mabuti na lamang malakas na ang loob niya kahit na siya ang sakitin noong bata pa kami. Pinapanindigan na talaga na kuya namin siya.

“Sir, uwi na po tayo, baka gabihin tayo sa biyahe,” boses ni Kenn Lloyd.

Saka ko lamang napansin na nasa harap kami ng puntod ni Papa. Hindi pa rin mawala sa isip ko ang usapan namin ni Kuya nang umagang iyon.  Dumalaw muna kaming dalawa bago bumalik ng Manila. Hindi na sumama sina Mama dahil umaga silang tatlo pumunta pagkatapos magsimba. Ito na ang nakagawian namin twing Linggo bago kami bumalik ng Manila ay dadaan muna kami sa sementeryo gusto ko talagang humingi pa rin ng guidance sa kanya.

“Sige, nalimutan ko. Pasensiya na at palihim akong nagpahid ng luha.

“Okay lang po sir naiintindihan ko kayo.  Kung hindi po maganda ang pakiramdam ninyo sa madaling araw na lamang tayo bumalik para makapahinga ka po muna ng maayos.”

“Nako huwag na mas mahirap ang lumuwas ng madaling araw kasi marami ang magbabalikan galing bakasyon. “

Tumango lamang siya pero kita ko sa kanya ang pag-alala.  Gusto kong itago sa kanya ang lahat ng nararamdaman ko dahil naawa na ako sa kanya.  Mula nang mamatay si Papa parang naging pabigat na ako sa kanya.  Madalas niya akong inaalala at alam kong pati siya nadadamay sa akin.

“Sorry Kenn ha, hayaan mo pipilitin kong maging maayos na ang lahat. Alam kong naiinis ka na sa nangyayari.”

“Sir huwag ka nga pong magsalita ng ganyan.  Alam mo naman kung bakit ko ginagawa ang lahat ng ito.  Hindi lamang po dahil tinulungan mo ako noong ako ang nangangailangan, ginagawa ko ito kasi sir, mahal kita at ayokong nakikita kang nahihirapan. Huwag kang mag-alala hinding-hindi kita iiwan at hindi ako magsasawa na samahan ka. Kasi sir mahal na mahal po kita”

“Thank you at lagi mong tatandaan mahal na mahal din kita.”

Sa awa ng Diyos at sa tulong na rin ng mga taong malalapit sa amin ay nakarecover na rin.  Malaking bagay talaga kapag sa ganoong pagkakataon ay alam mong may mga taong handang dumamay at makinig sa iyo.  Kahit wala silang magawa iyong pakiramdam na karamay mo sila ay sapat na upang kahit papaano ay makabawas sa bigat ng pakiramdam.  Bukod pa ron ay itinuon ko muna ang aking atensiyon sa trabaho upang kahit papaano ay nababawasan ang oras sa pag-iisip. 

Patapos na ang school year at gaya ng dati ay busy naman kami.  Dahil graduating si Kenn Lloyd ay maraming pagkakataon na ginagabi siya ng uwi.  Madami siyang requirements na kailangang tapusin.  Sanay na ako na hindi kami sabay umuuwi pero hinihintay ko pa rin siya sa gabi para sabay kaming kumain.  Kung gagabihin naman siyang masyado ay mag tetext siya kaya umuuna na ako at madalas ay nakapaligo na ako pagdating niya pero pipilitin pa rin niya akong sabayan siya sa pagkain.  Hindi siya naniniwala na kumain na ako.

“Ang kulit mo nga Kenn, sinabing kumain na ako.”

“Kung hindi ka po kakain sir, hindi na rin ako kakain, matulog na lamang tayo.” Kaya napipilitan na rin akong kumain.   Alam kong paraan lamang niya iyon kahit sinasabi ko sa kanya na ayus na ako na naka recover na rin.

Pero nagulat ako isang hapon pagdating ko na nasa bahay na siya.  Alam kong hindi siya bagong dating pero naka uniform pa.

“O akala ko nasa school ka pa?” Hindi siya sumagot, saka ko lamang naisip na hindi gaya ng dati na kung hindi iPad ay cellphone ang hawak niya. Basta lamang siya nakaupo na parang may malalim na iniisip.

“May problema ka ba?” Umiling lamang siya.

“May sakit ka ba?” hinipo ko ang noo niya.

“Wala po sir.”

“Bakit ganyan ka, parang bad trip ka?”

“Sir masakit pa rin pala kahit ito naman talaga ang gusto kong mangyari matagal na.” Hindi ko maintindihan ang sinasabi niya.  Kaya ibinaba ko ang laptop at naupo paharap sa kanya.

“Ano ba iyon, linawin mo nga?”

“Sir nakipag break na po si Paula sa akin, kanina lamang.”

“Ha? Bakit nag-away ba kayo?”

“Hindi nga po sir, sabi lamang niya, baka iyon na ang best para sa amin.  Hindi ko rin maintindihan yung paliwanag niya na nagbago na raw kasi ako.”

“Baka naman maayos pa ninyo iyan.”

“Sir hindi ko po alam, parang gusto ko ang nangyari, baka nga po nasasaktan lamang ang pride ko kasi nakipag break siya sa akin. Kasi lately napapansin ko malapit na ulit siya kay Enzo.” Tumingin siya sa akin bago nagpatuloy pagkatapos ng isang malalim na buntunghininga.

“Sir aaminin ko po, iniisip ko na rin minsan ang makipag break kasi alam ko naman na unfair na ako sa kanya.  Mahal ko po talaga siya pero mas mahal kita sir, alam ko parehas akong unfair sa inyong dalawa. At nag-iisip ako ng paraan paano iyon gagawin dahil alam kong masasaktan siya.  Naisip ko naman habang pinapatagal ko lalo ko lamang siyang sinasaktan, Pero naguguluhan ako ngayon bakit ako ang nasasaktan?”

“Hayaan mo muna palipasin mo ang ilang araw, tiyakin mo sa iyong sarili kung ano ba talaga ang gusto mo, baka nga naguguluhan ka lamang sa ngayon.”

“Pero sir, mahal po kita talaga”

“Oo alam ko iyon pero kung dumating ang panahon na kailangan mong mamili huwag mo akong alalahanin.  Kaya ko ito. Ang isipin mo ang kinabukasan mo.  Kailangan mong magkapamilya at alam kong iyon din ang gusto mo.” Sabi ko lamang iyon pero sa sarili ko hirap na hirap akong ilabas sa aking bibig ang mga salitang iyon dahil alam kong napakasakit.
 
“Pero sir, ikaw po ang gusto kong kasama sa pagtanda ko, kung magkakapamilya man ako gusto ko ikaw iyon dahil alam kong pag kasama lamang kita magiging masaya ako.” Alam kong totoo ang sinasabi niya dahil nakikita ko sa mga luhaang mata niya na sincere siya pero hindi ko pa rin magawang maging masaya.  Hindi ko alam kung bakit natatakot ako, kinakabahan ako ganong nararamdaman ko naman na mahal talaga niya ako.

Nang maghiwalay kami. Nakaramdam pa rin ako ng takot. Paano nga kung dumating ang araw na maghangad siya ng pamilya.  Isang pamilya na hindi niya naranasan.  Bata pa siya at hindi malabong magbago pa ang isip niya.  Sa ngayon sa akin nakatuon ang atensyon niya dahil kami ang magkasama pero paano kung dumating ang panahon na magkahiwalay kami at may makilala siyang iba.  Kahit pa paulit-ulit niyang sinasabi na mahal niya ako hindi ko magawang panghawakan ang pangakong iyon dahil alam ko maaring magbago ang lahat kapag hindi na kami masyadong nagkakasama.

Hindi pa man nangyayari ay sobra na akong nasasaktan. Isang kaisipan na nabubuo pa lamang sa utak ko ay para na akong mauubusan ng hangin.  Nahihirpan na akong huminga. Parang hindi ko kayang tanggapin na magkakahiwalay din kami.  Hindi ko talaga kaya. Pero iyon ang totoo darating ang araw na maghahangad siya ng pamilya.  Pero paano ako? Maiiwang mag-isa? Ito pala ang mahirap sa ganitong relasyon. Hindi sapat na nagmamahalan lamang kayo laging naroon ang banta na isang araw magigising ka na lamang wala na pala siya. 

“Haist Kenn, sana naman kung dumating ang panahong iyon kaya na ng puso kong tanggapin ang sakit.  Kaya kong tanggapin na sapat na ang mga araw na magkasama tayo para ipagpasalamat ko. Kailangan ko na bang ihanda ang aking sarili na mangyayari iyon”

Madalas ko siyang tinitingan lalo na at kasama niya ang kapwa niya estudiyante.

“Kenn ayokong agawin sa iyo ang pagkakataong maging masaya, alam kong karapatan mo iyon pero bakit nasasaktan ako kapag naiisip ko gaya ng mga barkada mo, darating ang isang araw na mag-aasawa ka rin.”

“Alam kong mahal mo ako, ilang beses mo ng pinatunayan iyon sa akin at hindi ko pinagdududahan iyon kaya lamang bakit natatakot pa rin ako. Kaya mo ba talagang panindigan ang nararamdaman mo para sa akin. Mahaba na rin ang panahon mula ng maging tayo pero tanging pamilya ko at Dad mo ang may alam ng tungkol sa atin.  Paano natin haharapin ang pangungutya ng mga tao kapag nalaman nila ang tungkol sa atin.  Masaya tayo kapag magkasama pero paano kung dumating ang araw na hindi na ganon ang nararamdaman natin, maghahanap ba tayo ng iba o pipilitin nating ayusin ang problema?”

“Gusto kong maniwala na tayo ang itinakda ni Kupido, tayo ang pinili niya.  Pero paano kung nagkakamali lamang pala tayo. Hindi pala tayo para sa isat-isa. Paano kung mali ang interpretrasyon natin sa lahat ng nangyayari. Bakit ang hirap maging ganap na masaya.  Bakit laging narito ang takot.  Bakit sa bawat saya parang laging may nag-aabang ng panganib na isang araw hindi na ganito ang sitwasyon.” Napatingala ako.

“Lord kung ano man po ang plano mo sa aming dalawa. Ikaw na po ang bahala.  Hindi ko talaga alam ang gagawin ko. Sana lamang kayanin namin parehas kung ano man ang mangyayari.” Iyon lamang ang mahinang bulong ko.

Nang biglang mag vibrate ang cellphone ko.  May nag text.

“Sir huwag kang malungkot, mahal na mahal kita!” galing kay Kenn. Putek naman alam ba niya ang iniisip ko?

Napaisip ako pero nabigla ako nang makita ko siya nasa harapan ko pala.  Nasa lab kasi ako at kasalukuyang nagche check ng mga activities noon.  Napangiti ako sa kanya lalo na nang makita ko ang kanyang mga mata. Hindi pa rin nawawala ang dalang magic ng mga matang iyon na para bang sa twing titingnan niya ako nawawala ang anumang alalahanin ko.  At ang kanyang mga ngiti  ay sapat na sa akin para patuloy akong umasa sa magandang kahihinatnan ng relasyon namin.

“Happy monthsary sir?” sabay lapag ng chocolates at isang maliit na cake sa table. Saka naupo sa bangko sa harapan.

“Monthsary?”

“Nalimutan mo na po ba sir?” ang nakangiti pa rin niyang tanong

“Alin?”

“Kung kailan naging tayo? Kumunot ang noo ko

“Kailan nga ba? 

“Ang totoo sir, hindi rin ako sure, hehe”

“E paano naging monthsary natin now?” naguguluhan pa rin ako.

“Hindi ako sure kung noong nalasing ako, na pumunta sa house nyo, kasi diba noon ko inamin na may gusto ako sa inyo tas noon mo rin po inamin na may gusto ka rin sa akin?”

“So hindi naman itong date na ito yun diba?” Tumango siya

“Kaso nong naramdaman kong talagang love mo po ako noong birthday ko, e diba 12 yun kaya naisip ko yun na lamang para madaling tandaan kasi nga same date ng birthday ko.” Kailan nga ba talaga naging kami.  Ang hirap pala ng ganitong relasyon pati kung kailan naging kami walang official date. Kasi ang sigurado ko bago pa nga namin inamin sa isat-isa ay yun na ang nararamdaman namin at iyon na rin ang ipinaparamdam namin.

“Wala akong masabi baby boi, thank you pero bakit ngayon mo lamang naisip yan?”

“Kasi dati sir hindi ko na iniisip yun basta mahal kita alam ko mahal mo po ako masaya na ako.  Saka baka kasi nako cornihan ka sa ganon.  Hindi ako sigurado baka hindi mo gusto na may ganun-ganon. Pero nong last birthday ko na kumain tayu sa labas gusto ko sanang i –greet ka ng happy anniversary kaso nalibang na rin ako sa kakagala natin kaya nawala sa isip ko. Pero lately napapansin ko madalas ka pong tahimik.  Sabi ko baka namimiss mo si Tito kaya naisip ko baka sakaling mapasaya kita kapag binate kita ng Happy monthsary, baka maisip mo na narito pa naman ako” Na touch talaga ako sa ka-sweetan ng batang ito.

“Thank you Kenn ha, at pasensiya na medyo occupied talaga ang utak ko nitong mga huling araw hindi ko na naisip ang mga bagay na iyon.”   Totoo naman iyon, pagkukulang ko iyon, bata pa si Kenn at alam kong sabik pa siya sa mga ganon.   Alam kong sa gaya niya mahalaga ang nga ganoong okasyon, kahit simpleng okasyon sa relasyon ay binibigyan ng pansin. Marami na talaga akong pagkukulang sa kanya mabuti na lamang at maunawain siya na dapat sana ay ako ang ganon.

“Nako sir, wala po iyon sa akin, alam ko naman ang mga pinagdaanan ninyo nitong mga huling araw kaya naiintindihan ko po kayo. Happy 18th monthsary sir.”

“Thank you Kenn for 18 months of happiness you brought into my life.  Hindi mo alam kung gaano ako kasaya sa 18 months na iyon.”

“Kainis naman si Sir,” ang tila nayayamot niyang reklamo. Nakita ko na naman ang pagsimangot niya.   Ito talagang batang ito ang bilis magbago ng mood.

“O bakit may nasabi ba akong masama?”

“Kasi po sir, ako sana ang magsasabi non, pinraktis ko na yun tapos naunahan mo ako.”

“Ayy ganon ba, o sige kunwari hindi ko sinabi sabihin mo.” Napapatawa naman ako,

“Ayoko nga niloloko mo lamang po ako sir, nasabi mo na e.” Hindi pa rin ako nagsasawang tingnan ang mukha niya lalo na kapag ganoon siya na parang naiinis pero walang magawa. Ang cute pa rin niyang tingnan.

“Halika nga dito lapit ka sa akin.” Lumapit naman siya kahit kita ko ang pagtataka.  Tiningnan ko muna kung may tao sa labas.  Saka ko siya mahigpit na niyakap.

“Baby boi kahit hindi mo na sabihin, alam kong mahal mo ako, at labis kong ipanapagpasalamat iyon dahil hindi ko alam kung magiging ganito ako kung hindi ka dumating sa buhay ko.  Ikaw ang nagpuno sa kung ano man ang kulang sa kin. Mahal na mahal kita kahit hindi ko madalas sabihin sa iyo lalo na nitong mga huling araw.  I love you very much!” Bumitaw siya at bumalik sa bangko.

“O bakit parang hindi ka masaya.”

“Kasi naman sir, lahat ng sasabihin ko sinabi mo na, yun talaga ang hinanda ko na sasabihin ko sa iyo tapos naunahan mo ulit ako.” Saka tila naiinis na napakamot sa ulo. Napangiti ako sa reaction niya para siyang bata na inagawan ng laruan.

“E diba teacher ako, dapat advance ako sa student ko ng 3 chapters?” Napangiti naman siya sa logic ko.

“Nakupo ganon? Hindi bale sir, sa next month I’m sure hindi mo ako mauunahan sa sasabihin ko.”

“Haha, sige paghandaan mo iyan at hihintayin ko.”

“Promise sir”

“O kainin na natin itong cute mong cake at sabay kaming nagkatawanan.”

“Huwag ka na pong mareklamo sir, hindi kasi pwedeng malaki kasi makikita ng mga tao.  Yan lamang ang kasya sa bag ko.”

“Cute nga sabi ko diba. Parang ikaw!  I love you baby boi!”

“I love you sir kong pogi”

Nang gabing iyon nagcelebrate kami.  Kumain kami sa labas at nanood ng sine.  Hindi na namin inisip na may pasok sa kinabukasan basta masaya kaming magkasama ayus na iyon.  Kasiyahang hindi ko ipagpapalit sa anumang alalahanin na bumabagabag sa aking isip.  Basta kasama ko siya at nararamdaman kong mahal namin ang isat-isa dapat makuntento na ako.

No comments:

Post a Comment

Read More Like This