Pages

Wednesday, March 29, 2017

Hinog sa Tamang Panahon

By: HenCock

Hello, KM readers. Matagal-tagal na rin akong nagbabasa rito. Mga less than a year pa. Minsan na akong dinala ng search ko dito, pero hindi ko talaga nabigyan ng pansin ang site na to nong una. Nang tumambad muli ito sa search results ko ay binigyan ko na talaga ito ng pansin. Magaganda naman kasi yong mga story dito. Mula non, nagsimula na talaga akong maghintay ng mga updates dito. Minsan after three days may update na agad, minsan mga six days. Yong iba kasing sites, walang update. So it stuck and I got hooked to this site.
By the way, I’m in my early twenties. 5’5”. Hindi ako maputi, hindi naman maitim. May lahing Chinese from my mother’s side way back three generations, pero hindi naman chinito. Dominant kasi yong genes ng papa ko sa akin, at sabi nila ay kamukha ko raw si itay. Gwapo si papa, so masasabi ko ring gwapo ako. Haha. Bisexual po ako, more into guys. I out myself to people every now and then, and so far, wala naming violent reactions. Okay lang kay mama. Pero di ko alam kay papa. Panganay kasi ako. Hindi naman ako malibog talaga. Mababa talaga ang sex drive ko. Wala pa akong karanasan sa mga babae, pero sa guys meron na pero foreplay lang ang kaya ko. Siguro may pagka-asexual din ako.
 Bisaya po ako. Nahihirapan din akong magsulat nito kasi nga second language ko lang ang Tagalog, at kadalasan kong ginagamit kapag nagsusulat ako ay English. Mahirap talaga. Hindi pa ako nakapagsulat ng ganitong genre kasi formal work lang yong ginagawa ko for school gaya ng sa school paper namin. Gumagawa rin ako ng mga tula. Metikuloso ako pagdating sa mga ganon. Dapat lagging regular measure, may rhyme scheme. Minsan lang ako mag free verse. Hilig ko ring magbasa paminsan-minsan. Ilang ulit ko ring isinulat ito na paiba-iba. Minsan naisip kong wag na lang tong ituloy, kasi ayaw ko nang magsulat. Naiinis ako kasi minsan ako ang pinapagawa nila ng mga essays nila. Gusto ko ng maging bad boy at kalimutan ang academics ko. Nagsasawa na rin ako sa self-image ko, yong mabait na taong naging ako sa loob ng ilang taon, although may kapilyuhan at kalokohan din naman ako paminsan-minsan. Minsan nagtatatype ako nito habang nasa CR. Minsan nag-iisip ako ng ideya habang naglalaba. Sa wakas, heto na nga. Natapos ko na rin. Sana magustuhan po ninyo ito. Kakasimula ko lang magsulat ng ganito, kaya pasensya na talaga kung parang may mali minsan. Salamat po. (insert winky face)

Natatawa ako sa dare nina Carl at Renz. Loko talaga ang kambal. Pati si Ing ay natawa nga rin. Nginitian ko naman si Ing para ipahiwatig na okay lang sa akin. Bestfriend ko si Ing. Sanay na ako sa kung anumang touchy-feely moment na sinisimulan nya, o sinisimulan ko kung minsan. Napag-isip-isip kong kagaya lang ito ng nakasanayan naming paghalik sa isa't isa sa pisngi.
Ngumiti si Ing sa akin, pero napalitan iyon ng isang seryosong mukha nang sinimulan nyang lumapit sa akin at humawak sa batok at isa kong balikat.
Medyo natatawa pa ako sa sitwasyon kaya nakangiti pa ako. Pero taliwas sa inaasahan, hindi sya humalik sa aking pisngi, kung hindi ay sa aking noo. Bago sa akin to. Isang malambot na halik. Sinundan ito ng paghalik nya sa ilong ko. "Pangalawa?" ang gulat kong tanong sa sarili ko. Medyo awkward na. Seriously? Bakit kailangan pang humalik sa ilong? Pero hindi pa dyan nagtatapos ang lahat. Bumaba pa ang kanyang mukha at eye level na kami. Nakapikit sya, habang ako naman ay dilat ang mga mata sa nangyari. Inanggulo nya ang kanyang ulo to one side, at nagtanim ng isang halik sa aking mga labi. "Pangatlo." Nakanganga ako noon, at hinagod nya ang aking mga labi gamit ang kanya. Passive lang ako. Akala ko simpleng peck lang ang ibibigay nya, pero ginagalaw nya talaga ang mga labi nya sa mga labi ko.
"It's a perfect fit," ang nasabi ko sa sarili ko. First kiss ko ito at wala pa akong experience na maikukumpara ko sa ngayon, pero para yatang tugma ang mga labi namin sa isa’t isa. Somehow, it felt right. Ewan ko kay Ing. Wala pa syang syota na ipinakilala sa amin. May kung anu-ano pa kong naiisip gaya ng Cinderella at kung ano pa pero pinigilan ko na ang sarili ko. "Tumahimik ka, Ivan Nick Andrade. Wag kang mag-isip ng ganyan," sabi ng konsensya ko. Tama sya. Hindi dapat ako nag-iisip ng kung anu-ano. Walang malisya dapat. Isa lang naman itong dare.
Inalis nya ang kanyang mga labi at dumilat. "It's a perfect fit," sabi nya sa akin. Pareho kami ng naisip. Ang kaibahan nga lang ay naging vocal si Ing. Nakaramdam ako ng awkwardness. Idinako ko na lang ang paningin ko sa mga kasama namin. Nakahawak sa magkabilang pisngi nila sina Carl at Renz, nakanganga ang mga bibig. Gulat naman sina Martin at Jerson na napanganga rin kaunti. Palipat-lipat ang mga tingin nila sa pagitan namin ni Ing. Parang gusto ko ng magtago. Ayoko talagang tinititigan ako nang matagal, lalo na kung wala naming pag-uusap na nagaganap.
Tumikhim si Jerson nang malakas. “Aherm! Di ka man lang nag-abiso, pre? May gagawin ka palang kababalaghan sa harap namin. Buti na lang di ako naihi,” biro nya na ikinatawa na rin ng lahat. Sumunod naman si Martin.
“Oo nga naman, Ing. Tingnan mo nga itong kambal. Akala ko walang gulat ang mga ‘to. Nasisindak din pala. Hahaha!” Tumawa na rin sya nang malakas. Natameme pa rin ang kambal.
Inalis ni Renz ang tingin nya sa amin at nagtanong sa kambal nya. “Tol, totoo ba to? Kurutin mo nga ako, o di kaya ay sampalin para magising kung nananaginip man lang ako?” ang request ni Renz kay Carl. Ginawa naman ni Carl ang huli.
Nasobrahan yata sa lakas ang sampal ni Carl. “Aray, tol? Ano ba naman yan? Sinobrahan mo yata eh!” ang medyo inis nyang sabi sa kambal nya habang hawak ang pisnging nasampal. Hinimas-himas nya ito, at medyo may naiwang mapulang hugis kamay na bakas sa pisngi nya.
“Alam mo, napaka-naïve mo rin ano? Para ka naming walang alam na sooner or later ay mangyayari to?" pangangatwiran naman ni Carl sa mas batang kambal.
Sooner or later? Anong pinagsasabi nila? "Psst! Anong pinagsasabi nyo?" tanong ko sa kambal. Napatingin silang dalawa sa akin.
Imbes na ang kambal ang sumagot, si Martin ang sumalo. "Ano ka ba Nick. Wala no. Di lang sila nakakapag-isip nang mabuti kasi na-trauma pa ang mga yan. O di kaya ay na-stroke."
Sumabat naman si Jerson. "Oo nga. Wag mong alalahanin ang dalawang yan." Tumingin ako sa kambal na nakakamot sa kanilang mga kulot na buhok na nakangiti awkwardly at nagpahayag ng pagsang-ayon.
Nakarecover na ako at ipinagpatuloy ang pagbibiro. "Ang sama-sama nyo talaga no? Grabe talaga kayo. Ano bang kasalanan namin ni Ing sa inyo?" ang tanong ko.
Sumagot si Carl. "Ang sama talaga? Ang cute nga non kumpara sa ibang nasa isip namin.
Nalito si Renz sa sinabi ng kambal nya. "Bakit? Ano bang nasa isip mo? Wala akong kaalam-alam sa sinasabi mo."
"Ulol! Halika nga," at bumulong si Carl sa tenga ng kambal nya. Halata ang pagkabigla ni Renz sa ibinubulong ni Carl. Ganon pa man, ngumiti ito at tumatango. Si Renz naman ang bumulong kay Carl. Naghagikhikan na sila sa anumang pinagkukwentuhan nila.
Natapos ang kanilang private conversation nang awatin sila ni Jerson. "Psst! Zoning out na naman kayo. Ano bang pinag-uusapan nyo?" Ang dating singkit na mata ni Jerson ay lalo pang sumingkit.
Ganyan talaga ang kambal kung minsan, nakakalimutang may iba pa palang taong kasama. Naikwento nga ng ama nila na si Tito Giovanni sa amin na ganon naman talaga sila simula nang maliit na maliit pa sila. Katunayan nga ay may video si Tito sa kambal na nag-uusap. Naka-diaper sila sa video. Nakatayo, nag-uusap gamit ang lenggwaheng sila lang ang nakakaintindi ngunit sa amin ay walang katuturan, nagtataasan ng boses kung minsan. Napatingin pa nga ang mga ito sa cam, pero patuloy pa rin sa tila makahulugang pag-uusap habang nakatingin ulit sa isa't isa. Old habits die hard nga siguro. Ang cute nila tingnan sa video.
"Nako, wala. Sa amin lang ni tol yon. Hehe," pag-iwas ni Renz. "Kantahan na lang ulit tayo, Ing," paanyaya ni Renz.
Sa aming magkakabarkada ay tanging si Ing lang talaga ang pinagpala ang boses. Bukod tanging sya rin lang ang nagtyagang matuto ng kung anong instrumentong nagpapainteres sa kanya. Malaya syang umaawit gamit ang sarili nyang estilo at nagagawang bigyan ng panibagong kahulugan ang bawat kanta. Si Ing lang ang maririnig at maiisip mo. Kung ang kambal ang araw na sentro ng barkada, si Ing naman ang buwan na pinaggagalingan ng mga damdaming kaiba sa hatid ng kambal. Sincerity, calmness, deep thoughts, at iba pa. Sa kambal naman yong hyperactivity, fun, at kung anu-anong klase ng humor kung minsan.
"Wag na yong foreign songs. Di kami nakakarelate. Di ako nakakarelate," suhestyon ko.
"Aprub! Pagbigyan mo na yang pinakamamahal mong bestfriend," sabi Martin. Idiniin nya talaga yong 'pinakamamahal.' Mula sa mala-porselana nyang balat ay nagmala kamatis ito. Sa puti nyang yon ay halata talaga ang pamumula nya.
Sumali naman si Carl. "Ay naku! Blushing bride ata! Kiss mo na Nick," sabi nya na ikinatawa naman ng iba pa. Nararamdaman kong umiinit na rin ang mukha ko, lalo na yong tainga ko. Pati ako ay namumula na rin.
"Gosh! Ang pula-pula nyong dalawa. Para kayong dalawang malalaking pusong sabay na pumipintig sa tabi ng isa't isa," kantyaw pa ni Jerson. Tawanan ulit.
"Sa laki ng mga pusong ito, tiyak bull's-eye yong arrow ni Kupido," dagdag pa ni Martin. Tumawa muna sya sabay dagdag. "Yohoo! Kupido, where are you? We have something really nice for you"
Nagtatawanan sila. Kami naman ni Ing ay nakayuko lang sa hiya. Tumingin ako sa kanya. Halata talaga ang pamumula nya. Maputi rin ako, kaya alam ko pareho lang kami ng kalagayan. Habang tumatagal ang pagtitig ko sa kanya, unti-unti akong natatawa. Red-skinned, red-haired, blue-eyed devil. Naalala ko sa kanya si Hellboy. Wala nga lang sungay si Ing.  Kumawala ang malakas na tawa sa bibig ko.
Narinig nya ako at lumingon sa akin. Sa tingkad ng pula, nahahawa na rin yata ang mga mata nya. Mukhang violet na ang mga ito. Patuloy pa rin ako sa pagtawa. Naluluha na rin ako, kaya napapikit na rin ako. Nalaman ko na lang na nakaheadlock na pala ako sa isang braso nya at kinikiliti nya ako sa tagiliran. Matipuno si Ing. Half Nordic kasi sya. Kahit anong pagpupumiglas ko ay hindi nya ako pinakawalan. Hinahanap nya rin ang kiliti sa aking leeg gamit ang bibig nya.
"Ing, tama na please... Please, Ing, baka maihi na 'ko nito parang awa mo na," pagmamakaawa ko sa kanya. Patuloy pa rin sya sa pagkiliti sa akin ng ilang segundo. Lumuluha na talaga ako. Sa wakas, binitiwan na nya ako.
Hinahabol ko pa ang aking hininga nang tumingin ako sa kanya. Ang laki ng smile nya, tuwang-tuwa sa ginawa nya sa akin. Nairita ako ng kaunti. Alam kung sinusuyo nya ako kapag ganon kalaki ang ngiti nya, kaya ngumiti na rin ako. Pinunasan ko ang mga luha ko gamit ang sleeves ng T-shirt ko. Sinuntok ko sya sa braso. Inakbayan naman nya ako sabay himas sa braso ko at nagtanim ng halik sa buhok ko. Niyakap ko na rin sya gamit ang isa kung kamay at tumawa.
Tumikhim si Renz. "Aherm! Get a room, you two." Nang-aasar na naman sya.
"Grabe na yang bromance nyo ha. Wala na akong alam na lugar na kakikitaan ng ganyan. Sayang, walang 3D glasses. Nakakaaliw kayo tingnan," dagdag ni Carl. Gusto ko man syang abutin para batukan, hindi naman pwede. Natutulog na kasi yong isang paa ko sa kauupo. Torture na kapag gumalaw pa ako. Isa pa, may maliit kaming bonfire na napapalibutan namin. Binigyan ko na lang sya ng isang masamang tingin, na sya namang ikinatawa nya. Umiiling-iling lang ang iba na ngumingiti o di kaya ay parang butiki sa dingding na nag-tsk tsk tsk.
Kumawala na ako sa akbay ni Ing at nagsalita. "Ano ba to? Kakanta nga lang si Ing, ang dami pa nating pinagdaanang kalokohan. Tumugtog ka na, bestie," sabi ko kay Ing.
Ngumiti si Ing at nagtanong. "Ano bang gusto nyo?"
"Yong parang throwback. Yong alam nating lahat," sagot ni Martin. Nag-isip sandali si Ing, ngumiti at muling niyakap ang gitara nya. Nagsimula syang tumugtog. Kalaunan, alam na namin kung anong tinutugtog nya. Kuhang-kuha nya talaga. Gitara rin kasi ang tanging saliw sa original na kanta. Tumango sina Carl at Renz sa pagsang-ayon. Pumapalakpak naman si Martin habang sumisipol si Jerson.
On cue, nagsimula ng kumanta si Ing. Nakangiti syang tumingin sa akin, saka tumingin sa iba pa na nakangiti pa rin.

"Alam kong hindi mo pansin
Narito lang ako
Naghihintay na mahalin
Umaasa kahit di man ngayon
Mapapansin mo rin
Mapapansin mo rin."
Nakatingin si Ing sa akin sa mga huling linya ng parteng yon. Tinumbasan ko naman ang kanyang ngiti. Ang sarap pakinggan ng boses nya. Maganda yong speaking voice ni Ing. Pero ang singing voice nya is the real deal. Gusto ko to. Yong mabagal na OPM. Walang pagmamadali, dahan-dahan ang pag-express ng damdamin kaya agad ay naiintindihan. Malamig ang kanyang boses na tugma rin sa lamig ng gabi. Full moon pa. Maayos din syang pumili, kaya hiyang sa kanya ang kanta. Hindi man kagandahan ang aming mga boses, nakisabay na rin kami kay Ing.
"Alam kong hindi mo makita
Narito lang ako
Hinihintay lagi kita
Umaasa kahit di man ngayon
Hahanapin mo rin
Hahanapin din."
Ginagawa naman nila yong best nila, pero hindi na nila yata nakaya. Nanahimik na lang sila at hinayaan kami ni Ing na magpatuloy. Palagi naman kasing nakikisabay ako kay Ing kung kumanta, kaya medyo okay na rin sa akin kasi sinasanay din ako ni Ing na umawit kahit na papano.
"Pagdating ng panahon
Baka ikaw rin at ako
Baka tibok ng puso ko'y maging tibok ng puso mo
Sana nga'y mangyari yon kahit di pa lang ngayon
Sana ay mahalin mo rin
Pagdating ng panahon

Alam kong hindi mo alam
Narito lang ako
Maghihintay kahit kailan
Nangangarap kahit di man ngayon
Mamahalin mo rin
Mamahalin mo rin

Pagdating ng panahon
Baka ikaw rin at ako
Baka tibok ng puso ko'y maging tibok ng puso mo
Sana nga'y mangyari yon kahit di pa lang ngayon
Sana ay mahalin mo rin
Pagdating ng Panahon

Di pa siguro bukas
Di pa rin ngayon
Malay mo balang araw
Dumating din yon

Pagdating ng panahon
Baka ikaw rin at ako
Baka tibok ng puso ko'y maging tibok ng puso mo
Sana nga'y mangyari yon kahit di pa lang ngayon
Sana ay mahalin mo rin
Pagdating ng panahon."

Panay ang titig naming ni Ing sa isa’t isa habang kumakanta. Naluha ng sya nang kaunti. Ewan ko ba. Ngumiti na lang ako sa kanya. Sincere naman ang palakpakan nina Jerson, Martin, at ng kambal. Nakangiti ang mga ito kay Ing. Hindi pala. Nakangiti sila sa amin.
"Isa pa," sabi ni Jerson. Tumingin ako kay Ing. Nang-aalinlangan sya, pero hindi nagpadaig sina Jerson, Martin, at ang kambal. Pinagtulungan talaga nila si Ing. Nakisali na rin ako.
"Sige na, Ing. Isa pa," pangungumbinsi ko. Tumingin sya sa akin. May nangingilid ng mga luha sa kanyang nga mata. Mukhang di ko dapat pilitin pa si Ing, kaya binawi ko na lang. "Pero okay na rin kahit hindi na."
Pinahiran nya ang kanyang mga luha at pilit ngumiti. "Sige. Anong gusto nyo?" Nababahala na ako kay Ing. Nakitaan ko rin ng pagkabahala ang iba naming kasama.
Gagawin nya talaga basta para sakin. Minsan nga ay kung anu-anong sinusuong nya para mapagbigyan lang ako. Mahilig ako sa bayabas. Nong maliliit pa kami ay nakakita ako ng isang puno ng nito. May ilan din itong bunga. Nakita nya akong nakatanaw sa mga ito. Tinanong nya ako kung gusto ko ba. "Oo," sabi ko sa kanya. Hinubad nya yong tsinelas at umakyat. Tinuturo ko naman yong gusto ko, pero pinitas naman nya lahat ng maaabot nya. May isang malayu-layo at manipis yong sangang malapit dito. Inabot nya pa rin ito, ngunit sa huling sandali ay nabali yong sangang hawak nya at nahulog sya. Hinayaan ko na lang na matapon yong mga bayabas na nakapuyos sa damit ko na ginamit ko na rin bilang basket at tumakbo sa kung saan sya bumagsak. May kataasan din kaya namilipit din sya sa sakit. Alalang-alala ako non. Lagot ako sa mga magulang namin. Dapat alagaan daw kasi namin ang isa't isa, pero anong nangyari? Nahulog si ing dahil sa akin. Ngunit ngumiti naman sya sabay labas ng isang bunga ng bayabas. Tinulungan ko syang mag-ayos nang makatayo, at umuwi na rin kami sa bahay upang hiwain ang mga bayabas at kainin ng may kaunting asin. Sabi nya ilihim lang daw namin ang nangyari. Wala namang nabali sa kanya, sa awa ng Diyos. Minsan pa nga ay nakalimutan ko yong isang sagot sa science test namin. Magkatabi kami, at mas nauna sya sa akin. Nang makita nyang hindi pa ako tapos ay palihim nyang pinakita ang mga sagot nya. Naperfect nga namin, pero minus five kasi nakita pala kami ng guro namin. Buti na lang at di pinunit yong mga papel namin. Umiling na lang yong guro namin at ngumiti ng kaunti sa amin. Hindi lang yan ang mga panahong inuuna nya ang mga kapakanan ko na sya namang ikinasasama nya.
"Okay ka lang, Ing?" Tumango naman sya. Hinimas-himas ko na lang sya sa likod. Hindi ko na sya tinanong pa.
"Anong gusto nyo?" Ngumiti na si Ing. Yong tunay na ngiti. Gumaan na rin ang aming mga pakiramdam at nawala ang pagkabahala.
"Ikaw? Ano bang gusto mo? Ikaw ang bahala. Surprise us," wika ni Renz. Nag-isip si Ing. Medyo may katagalan pero nakapili na rin sya ng kanta. Seryoso muli yong mukha nya. Nagsimula na syang kumalabit sa mga kwerdas ng gitara.
"You and me, we got along just fine
But deep inside I know there is more
Right next to you
I know you're the right one
Can't fight this feeling, I'm taking chances now."
Kakaiba yong pagkanta nya ngayon. Madamdamin talaga. Palagay ko ay may malaking hugot akong maririnig sa mga susunod na bahagi ng kanta. Parang familiar. Di ko nga lang alam kung saan ko narinig o kailan.
"In my heart I feel that this is something real
I don't wanna let this moment go.''
Nararamdaman kong namumuo ang climax ng kantang ito. Dama ni Ing ang bawat lyrics, na parang hinugot talaga ang bawat kataga mula sa damdaming nararamdaman nyang umaapaw sa kanyang puso. Sineseryoso nya talaga, na parang ito na yong huling kakantahin nya. Isang swan song, ang kanyang magnum opus, ang kanyang final tribute.
"Why oh why, do I feel this way?
When I'm with you I feel so alive
Why oh why, will I hide away
I can't help it
I'm falling in love with you

Never ending nights when I'm alone with you
A lifetime of dreams coming true
Nothing comes close to what we have right now
You're the only one that matters now
In my heart I feel that this is something real
I don't wanna let this moment go

What if I fall in love?
What if I make you mine?
I wanna know if you'll be there by my side.

Why, oh, why do I feel this way?
When I'm with you, I feel so alive.
Why, oh, why will I hide away?
I can't help it, I'm falling in love with you."
Natapos na ang kanta. "Falling in Love" by Six-Part Invention. Tahimik lang kami. Si Ing naman ay parang pagod. Baka may sakit sya kaya inabot ko yong noo nya pero pinigilan nya. "Okay lang ako," sabi nya sa akin. Nagkatitigan kami. Dumako ang tingin nya sa mga kamay namin. Tumayo sya na hawak ang kamay ko, kaya tumayo na rin ako. Naguguluhan ako sa mga nangyayari, ngunit sumunod na rin ako sa kagustuhan ni Ing.
Nakatingin pa rin si Ing sa akin. Bagamat ilang araw lang naman ang tanda ko sa kanya ay mas mataas sya sa akin by an inch. Inabot nya rin ang isa kong kamay at hinawakan sa pagitan namin. Nagsalita si Ing.
"Bago pa man ako maunahan ulit ng hiya at tuluyang maduwag," panimula ni Ing. Tumutulo na ang mga luha nya. Nasasaktan ako sa nakikita ko. Inalis ko ang aking mga kamay sa pagkakahawak nya at inalis ang mga luha gamit ang mga hinlalaki ko. Di ko na rin napigilan ang sarili ko at tumulo na rin ang aking luha. Kailanman ay di ko sya nakitang umiyak. Laging masaya si Ing kapag magkasama kami. May problema ba syang di sinasabi sa akin? Bahagi ng pag-iisip ko ay nagsasabing iba ang dahilan ng kanyang pagluha. Hindi ko na inisip kung ano, at niyakap ko na lang sya. Yumakap na rin sya sa akin, ngunit ilang sandali pa ay kumalas sya.
"Hindi pa ako tapos." Pinahiran nyang muli ang kanyang luha at ngumiti. "Sa wakas, masasabi ko na rin ang nararamdaman ko. Kaytagal ko ring itinago ito. Kaytagal ko ring niloko ang sarili ko na hindi ito totoo, ngunit sa bawat sulyap ko sayo ay lalong tumatatak sa isipan ko na itong lahat ay tunay, na hindi lang ito isang bahagi ng buhay ko na kusang mawawala sa paglipas ng panahon. Ilang taon kung nilabanan kasi sabi ko sa sarili ko na hindi maaari, na kung ipaglalaban ko ito ay maaring mawala ang lahat sa atin. Napakahalaga mo sa buhay ko, napakahalaga ng mga pinagsamahan natin para lang mapunta sa wala sa isang iglap. Sayang ang mga taon, sayang ang mga sandaling kasama kita sa piling ko. Pero hindi ko alam kung hanggang kailan magtatagal to. Sapat na sa akin lahat, kahit hanggang dito na lang, pero nagbabasakali pa rin akong tumagal ito hanggang tayo ay nabubuhay, o maging hanggang sa dulo ng walang hanggan. Alam kong pwedeng mag-iba ang tingin mo sa akin at iwasan ako, o di kaya'y kamuhian mo. Pero ngayon, handa na akong isugal ang lahat kaysa mabuhay na walang kasiguraduhan kung matatanggap mo ako anumang pagkatao ko. Gusto kong kahit itakwil mo man ako ay hindi ako magsisising ginawa ko ito."
Namumuong muli ang mga luha sa mga mata nya. Ang kaibigan kong matalik, naglalahad sya ng kanyang damdamin para sakin na higit pa pala sa isang matalik na kaibigan. Hindi ko alam kung ano ba talagang nararamdaman ko. Pati ang pag-iisip ko ay gulung-gulo na rin.
Umiiling-iling si Ing at nagbuntung-hininga. "Ano bang ginawa mo sa akin, Ivan Nick Castillo Andrade, at mahal na mahal kita ha?" Yumakap syang muli sa akin at tuluyang bumigay na sa nararamdaman nya at humagulgol. Dama ko ang bawat galaw nya. Nararamdaman ko ang tibok ng kanyang puso. Nababasa na rin ang leeg ko sa kanyang mga luha. Napaka-vulnerable ni Ing sa mga sandaling ito. Hinayaan ko na lang syang ilabas lahat. Kailangan nya ako, at ipinadarama ko sa kanya na bukas ang aking mga palad para sa kanya, kagaya ng dati. At palaging magiging bukas ang palad ko sa oinakamatalik kong kaibigan. Para syang sanggol, helpless at kinakailangan nya ng mga bisig na hahawak sa kanya upang magpadama na ligtas sya. Ilang sandali pa ay sumali na rin ang kambal  at sina Jerson at Martin. Batid kung naiyak rin sila. Dinig ko ang paghangos nila habang binalot nila kami ni Ing sa loob ng isang yakap. Palihim akong naaliw. May isang umiiyak na inaalo ng isa pang umiiyak na inaalo rin ng apat pang umiiyak. Nagpapasalamat rin ako sa mga yakap. Kinakailangan ko rin pala iyon.

********************

Umalis muna sina Jerson, Martin at ang kambal. Pumasok muna sila sa cottage para bigyan kami ng pagkakataon ni Ing para mag-usap nang masinsinan. Wala na yong apoy, kaya maginaw na talaga ang gabi. Kumuha na lang ako ng dalawang jacket para sa aming dalawa ni Ing. Hiniram ko nga lang yong isa kay Martin. Nakaupo kaming dalawa sa buhangin, nakaharap sa dagat, at minamasdan ang mahinang paghampas ng mga alon.
"Ing," tanging sabi ko sa kanya. Tumingin sya sa akin at nginitian ko. Ngumiti rin sya sa akin at lumapit ng pagkakaupo sa tabi ko. Niyakap nya ako sa bewang at nilagay nya ang kanyang ulo sa aking balikat.
"Bakit hindi ka nagagalit sa akin, Ivanick?" tanong nya sa akin. Ivanick. Sya lang ang tumatawag sa akin gamit ang pangalang yan. Iba ang pagbigkas nito. Hindi diptonggo ang pagkakabigkas sa unang titik ng pangalan ko, kundi ay gaya ng "e" sa salitang "bee" o bubuyog. Para daw maiba. Alam nya rin kasi na ayokong ikumpara kay kuya. Magkamukha kasi kami at para lang yata akong kinopya sa imahe nya. Mas maliit nga lang ako. Ewan ko ba. Baka tinamad mag-isip ang Diyos at kinopya na lang nya si kuya para sa wangis ko. May 10-year gap kami ni Kuya Vlad. Sya lang ang kapatid ko.
"Mahal na mahal kita, Ing. Bakit ako magagalit sayo? Ikaw na ang kasama ko simula pa. Oo, nabigla ako, pero hindi ako galit," sabi ko sa kanya.
"Ivanick?" tanong nya sa akin. Hindi pa rin sya makatingin.
"Hmm?" tipid kong reply.
"Pwede bang manligaw sayo? Kung oo, may pag-asa ba ako? Matagal na kitang mahal. Grade 3 pa lang tayo. Twenty plus na tayo ngayon."
Magdadalawang dekada na yata nya akong minamahal. Di ko man lang alam na ganon na pala nya ako katagal na minamahal at tinatangi. Napangiti ako sa naisip ko.
"Hmm, hindi na siguro kailangan yan. Para na tayong magjowa eh," sabi ko sa kanya. Nanahimik na lang sya. Alam kong gusto nya talagang may mapapanghawakan sya sa akin. Gusto nyang may label talaga kami. Kahit ako hindi ko pa naranasang makipagrelasyon. Wala naman talaga akong interes kahit kanino.
Ayokong masaktan ko si Ing. Gusto kong sabihin sa kanya na hindi pwede, kasi pareho kami na lalake at wala akong nararamdaman para sa kanya na higit pa sa isang kaibigan. Gusto ko ring pasayahin sya. Ayokong mabura ang mga ngiti nya sa akin, pati na rin ang ngiti nya sa aking isipan. Gusto kong bigyan sya ng chance. Ngunit paano kung hindi ko magustuhan at kailangan kong magpanggap? O di kaya ay hindi ako handa? Masasaktan rin sya kung malaman nya. Ang hirap. Bakit ba kailangang pumagitan ako sa devil and the deep, blue sea? Hindi ko maisip kung saan doon ang lesser evil.

No comments:

Post a Comment

Read More Like This