Pages

Thursday, March 16, 2017

Batchmate Mo, Tira Mo (Part 7)

By: Ton

Salamat po talaga sa mga nag babasa at patuloy na sumusuporta hehe. Pagbubutihan ko pa po ang pagsusulat kahit di talaga ako bihasa magsulat sa tagalog. Hehehe

Patuloy pa rin kami ni Nikko sa aming relasyon. Going strong kami. Yung higad na kumalantari kay Nikko, nakikita ko.pa din palagi. Pinagkakalat pa niya na may nangyari daw sa kanila ni Nikko. Sinasabihan nalang ako ni Nikko na wag ko nalang daw pansinin. Kaya yun na din ang ginawa ko. Dahil dun sa nangyari, ay parang naging baliktad kami ni Nikko. Ako naman ang nagka trust issues sa kanya. Ako.na naman ang naging seloso. Pero very light lang naman. Di ko naman sya inaaway, pinaghihinalaaan lang hehe.
One time, inaya ako ni Nikko na dun mag spend ng weekend sa bahay nila. Sumama naman ako.
Papa nlang ni Nikko ang kasama nya. Wala na kasi ang mama nya.
Mabait si Tito. Very accomodating. Strict sya kay nikko pero sa paraang tama naman. Masaya kasama si Tito Brian.
Ayun na nga. Friday night umuwi na kami kela Nikko. Magkasama kaming natulog ni nikko sa kwarto nya. Syempre hindi nawala yung umaatikabong sex. Ingat na ingat lang kami para d magising papa nya.
Saturday night nun, nung nag goodnight na kami at pumasok na sa kwarto. Nakaupo kami nun sa higaan ni Nikko, nag kiss kami very passionate. Nagulat nalang ako ng bigla akong natulak ni nikko. Pagtingin ko sa pintuan, nahuli pala kami ng papa nya.
Gulat na gulat kami. At ako kinakabahan ng sobra sobra.
Yung mukha ni Tito hindi maipinta. Galit na galit.
Nilapitan nya si Nikko at sinunggaban ang tshirt nito.
"Anong ibig sabihin bito?" Galit na galit niysng tanong.
Umiiyak nalang kami pareho ni nikko sa takot. Sasampalin na sana ni tito si Nikko dahil sa gigil pero pinigilan nya ito. Nag walk out nalang si tito at sa pag labas ay sinuntok ang pintuan.
Namumutla kami ni Nikko sa takot at kaba. Parehong umiiyak. Wala kaming magawa. Sinabi ko kay Nikko na aalis nalang ako at babalik nalang sa dorm. Pero ayaw nya. Dun lang daw ako sa tabi niya. Sorry ako ng sorry kay Nikko dahil sinira ko sya sa mata ng Papa nya.
Nagsisisi ako sa mga nangyari. Para akong nanliit.

Nung gabing yun. Hindi kami magkatabing natulog ni nikko. Sa kama ako, sya naman sa may sahig. Iniwan na rin naming nakabukas ang pinto ng kwarto para di na magduda si tito.
Nung sunday na, buong araw ay hindi nagkikibuan ang mmag-ama. Kahit nung nagpaalam na kami ay hindi nya pa rin kami pinapansin.
Sa byahe namin pabalik ng dorm ay halatang apektado si Nikko sa mga nangyari. Hindi sya mapakali. Minsan ay mangiyak ngiyak ang mata.
Pero buong byahe ay hindi nya binitawan ang mga kamay ko.
Pagdating ng dorm ay kaming dalawa palang ang nakabalik, dahil Monday pa babalik ang ibang kasama namin. Long weekend kasi dapat pero dahil sa mga nangyari ay bumalik na kami ni nikko sunday pa lang.
Kinagabihan ay tabi kaming natulog ni Nikko. Panay ang yakap nya sakin. Ayaw ako pakawalan
"Langga, sorry..." sabi ko sa kanya
"Sorry kasi dahik sakin nagkagalit kayo ng papa mo.  Di ko naman sinasadya langga eh. "

"Langga, pareho naman tayong may kasalanan dun eh. Ginusto ko yun, pero nahuli lang tayo. Wag ka ng mag sorry." Ang sagot ni Nikko.
"Pano na si Tito?" Tanong ko
"Hindi ko alam Langga. Hindi ko alam kung mapapatawad pa niya ako, or matatanggap. Pero kailangan maging matatag tayo langga. Sana wag mo akong iwan kasi kailangang kailangan kita ngayon." Tugon nya.
Nag yakapan kami at natulog ns nung araw na yun.Paggising ko ay napansin kong panay vibrate ng cellphone ni Nikko. Sinabi ko ito sa kanya at sinabi nyang tingan ko nalang daw, dahil nasa CR sya. 21 missed calls na galing sa papa nya. At andaming messages.
Binuksan ko yung pinaka top at naiyak ako dun sa message
" 'Wag kang umuwi dito sa bahay hangga't di mo inaayos yang sarili mo. Hiwalayan mo muna yang baklang yan saka ka umuwi dito. Wala akong anak na bakla."
Naabutan ako ni Nikkong umiiyak, kinuha nya ang cp at nagulat din sa message. Nkaupo ako nun sa edge ng bed, lumuhod si Nikko sa harap ko.
"Langga, hindi mo ako iiwan diba langga? Ipaglalaban naman kita kay Papa langga.  Basta don't give up ha?" Ang kabadong at parang malungkot na tanobg ni Nikko sakin. Di ko sya nasagot dahil naguguluhan ako. Gulong gulo ang isip ko dahil kung ipaglalaban ko ang pagmamahalan namin, ah baka masira ko.naman ang tanging pamilyang meron si Nikko.

No comments:

Post a Comment

Read More Like This