Pages

Tuesday, March 21, 2017

Pulang Pagbabago (Part1)

By: Red

"Kahit anong mangyari Red, gusto ko malaman mo na mahal na mahal kita." Pagkatapos niya masambit ay  isang malambot na labi ang dumampi sa aking noo.
"Eto pala si totoy eh. HAHAHAHA! Halika dito ng may kalalagyan ka!"
"Red mahal kita...mahal na mahal...sana mapatawad mo ko... paalam" "Habulin niyo ko mga gago!" At narinig ko nalang ang mga yapak niyang palayo sa akin.
"Akala mo ba makakatakas kang tarantado ka?! Hahaha!"
 "Yung kasama niya walang malay kaya pabayaan niyo na" 
"Ano totoy? Handa ka na?! HAHAHAHA Maganda to!
Ramdam ko ang luha kong bumubuhos habang naririnig ko siya. Hindi ako makagalaw. Hindi ako makasigaw. Hindi ko.... hindi ko siya nagawang-
" REEEEEEEDDDDDD!!!! REEEEEEEDDDDDDDD!!! REEEEEEEEEEE!!!!!!-"
Minulat ko ang aking mata at nagising ako sa aking kama. "Panaginip, tangina. Panaginip nanaman" ramdam ko ang luha kong bumubuhos habang nakatingin sa aking mga kamay.
Isang taon na ang nakakalipas simula nung mangyari ang karumal-dumal na pangyayari na yun. Hindi ko padin mapatawad ang sarili ko. Para akong pinaparusahan araw-araw sa tuwing maalala ko ang oras na yun. Siguro nga, habang buhay ko itong dadalhin sa isipan at puso ko. Kung wala na akong karapatan maging masaya, tatanggapin ko makita ko lang siya at masabi na mahal ko din siya.
Ako si Red, sa ngayon ay isang estudyante sa kolehiyo.  Galing sa isang pamilya ng politiko. Hindi kami mayaman tulad ng ibang politiko pero masasabi kong may kaya kami sa buhay. Nagiisa akong anak. Ang magulang ko ay naninilbihan sa gobyerno. Si mama ay konsehal at ang aking ama ay government worker naman. Simula nung nangyari sakin iyon, laging nagaalala sila mama sa akin. Sa kaligtasan ko at sa nararamdam ko.
"Anak, malapit na ulit magpasukan. Sigurado ka bang gusto mong lumipat ng unibersidad?" Batid ko ang pagaalangan ni mama
"Ma, Pa, kung mananatili ako sa kasalukyan kong pinapasukan eh lalo ko lang maaalala lahat. Sana naman maintindihan niyo ako. Gusto ko makalimot na ma. Sakit na sakit na ako" habang sinasabi ko ito. Hindi ko namalayan na nakayakap na pala sa akin si mama.
"Sige, kung yun ang tanging paraan para makapagpatuloy ka, walang problema sa akin. Basta magingat ka sa Maynila anak." Naiiyak niyang sabi saakin
Ako' y tumango lamang at umakyat na sa akin kwarto. Nung kinagabihan na yun din ay tinawagan ko ang aking tita na nagtatrabaho sa isang unibersidad sa Maynila upang ibalita na ang plano kong ituloy ang pagaaral dun.
"Sige Red. Pakipadala nalang sa e-mail ko yung mga requirements ng school at ako na mismo ang magaapply sa registrar. Kakausapin ko nalang sila para mapakiusapan" halata kong excited siya habang nakikipagusap sa kabilang linya
"Salamat po tita, matutulog na po ako"
Agad kong binaba ang telepono pagkatapos naming magpaalam sa isa't isa at nahiga nako sa kama para makapagpahinga na.
"Red"  yun lang ang narinig ko sa kanya habang siya'y nakangiti lang saakin. Magkatabi kami sa kama habang magkaharap. "Miss na kita" naluluha kong sabi habang nakatingin parin siya sa akin. Nang akmang yayakapin ko na sana siya ay bigla akong nagising.
"Kael" 
Unang beses kong nasabi ang pangalan niya simula nung nangyari yun. Ang sakit sakit dahil buong akala ko kahit sa panaginip lang mahahawakan ko siya ulit. Sadyang ganoon siguro sa akin ang buhay.
"Sana maging maayos na ang lahat."
Mabilis dumaan ang mga araw at hindi ko namalayan na sa susunod na bukas na pala ang pasukan namin. Habang ako'y nanananghalian ay tumawag si mama. "Nakapagimpake ka na ba 'nak? Okay na yung titirahan mo sa Maynila. Bibigay ko nalang sayo bukas kung sino hahanapin mo ha?"
"Opo ma. Tapos na po. Sige ma salamat po. Ay ma! Siya nga pala pwede ba akong lumabas mamaya saglit? May pupuntahan lang ako ma"
"Red anak?"
"Ma, wag kang mag-alala walang mangyayari sakin. Magiingat po ako"
"Okay walang problema nak. Magingat ka"
"Salamat ma! Bye po!"
Pagkatapos naming magusap ni mama ay agad kong tinapos ang aking kinakain at dali daling bumalik sa aking kwarto para maghanda na.
Mga alas tres ng hapon na ako nakaalis ng bahay. Sakay ng aking kotse, tumungo muna ako kay aling Celis.
"Oh Red! Kamusta? Napadalaw ka?" Masayang bati  ni aling Celis sakin
"Magandang araw po.  Tita Celis, bibili po sana ako ng bulaklak. Yung dating gawi po ah?"
"Sige Red. Maghintay ka muna saglit habang inaayos ko yung bibilhin mo ah?"
Pagkaraan ng ilang minuto inabot na sakin ni alic Celis ang aking inorder na bulaklak.
"Ayan, sana magustuhan niya ito Red" sabay ngiti saakin
"Haha Tita Celis naman, siyempre bukod sa laging ito nalang inoorder ko,  di naman siya magarbo pagdating sa ganito, simple lang yun."
"Haha alam ko naman yun. Oh siya baka abutin ka ng gabi sa daan pauwi"
Pagkatapos ng konting usapan ay tumungo na ako sa aking pupuntahan. Pagdating ko agad kong inabot sa kanya ang aking pasalubong.
"Kael, eto yung lagi mong binibigay sakin na bulaklak oh."
MICHAEL JAMES Z. LARAZABAL. Ang pangalan ng pinakakamahal ko na ngayon ay nakaukit nalang sa puntod. Habang inaayos ko ang binili kong mga bulaklak ay di ko napigilang maalala lahat ng pait at tamis.
"Kael. Magpapaalam na ako ha? Sa susunod na bukas  magaaral na ako sa Maynila. Alam ko naman masaya ka na ngayon. Isang taon nadin nakalipas Kael, kailangan ko  na magsimulamuli. Kung naririnig mo man ako, mahal na mahal kita Kael. Parte ka na ng buhay ko at wala ng makakapag pabago dun"  hindi ko napigilang maluha habang sinasabi ko yun. Parang ayaw ko pa sana pero kailangan ko na magawa yun para makapagpatuloy na sa aking buhay.
Malapit na sumapit ang dilim kaya't ako ay muli nang nagpaalam sa huling pagkakataon.
"Paalam Kael"
Nung gabing yun agad kong sinigurado ang aking mga dadalhin na mga gamit pa Maynila at pagkatapos ay nagpahinga na.

Nagising ako ng maaga sa boses ni mama at papa. Maghahalfday nalang sila  para makasama ako bago umalis ng hapon.
"Oh nak ready na ba?" Tanong sa akin ni itay.
"Opo tay ready na, salamat po sa lahat ulit tay, nay"
"Para sayo nak kahit ano pa." Tugon ni nanay
Kinailangan ko na umalis. Malayo pa kasi ang biyahe. Pagkatapos kong magpaalam ay pinaandar ko na ang sasakyan. Bago umalis ay isang malalim na hinga ang aking pinakawala dulot ng kaba. Matapos ay kumaway na ako sa aking mga magulang at umalis na patungong maynila.

Habang nagmamaneho agad kong tinawagan ang may ari ng tutuluyan kong apartment sa Maynila.
"Magandang hapon po. Eto po ba si Mrs. Baleno?"
"Hello, ikaw ba si Red? Oo ako to" dali dali niyang sinagot
"Opo ma'am ako nga po siya. Mga ten na po ako makakarating ma'am masyado pong matraffic. Pasensiya na po"
"Ay walang problema iho. Iiwan ko nalang sa caretaker yung susi eto yung numero niya. pakitawagan mo nalang siya sabihin mo na ikaw yung titira sa Unit J ha? Teka sasabihan ko na din siya. Sa makalawa na ako makakapunta sayo para makilala ka ng personal. Madami din kasi ako ginagawa eh. Sana magustuhan mo yung unit."
"Maraming salamat po ma'am"
"Magiingat ka iho. Salamat" at agad niyang binaba ang telepono.
Nakaramdam ako ng uhaw kaya minabuti ko na magstopover sa susunod na gasolinahan. Pagdating doon agad akong humanap ng makakainan dahil tiyak ko gutom na gutom na ako. Ng makaorder nako ay agad akong kumain at dali daling inubos ito. Nang matapos na ako ay agad ako umalis para di abutin ng sobrang gabi sa daan.
Mga alas onse ng gabi na mg makarating ako sa aking magiging tirahan dito sa Maynila. Ginawa ko ang sinabi sakin ni Mrs. Baleno.
Maayos ang unit. Malinis, malaki, maaliwalas. Sa palagay ko naman hindi ako mahihirapan makaadjust sa buhay dito sa Maynila. Matapos kong iligpit lahat ng mga gamit ko ay nagpasa na akong mamahinga dahil bukas ng hapon ay ang unang araw ng pasukan ko bilang 2nd year.
Maraming mga subjects ko sa dati kong paaralan ang nacredit dito sa unibersidad ngayon. Mas mabuti naman yun para mas lalo kong malibot itong maynila.
Sumapit ang hapon at dumerecho na ako sa school para sa aking klase.
"Medical building Room 309. 309" para akong mawawala dito sa skwela sa sobrang. Nang makita ko na ang silid agad akong pumasok. Marami nadin ang tao sa room. Medyo nailang ako kasi para silang nakakita ng multo nung pumasok na ako. Agad kong naghanap ng bakanteng upuan at nilagay ang aking earphones para makinig ng kanta. Sa kasagsagan ng aking malalim na pagiisip, di ko namalayan na may taong nakatayo sa aking harapan.
"Diyan ako nakaupo pwede ba?" Ang tangi niyang nasabi sakin habang magkasalubong ang kilay niya.
"Pasensiya ka na. Dito ka na maupo oh" ang tangi ko nalang nasabi habang nakaulyuko dala nadin ng hiya sa kanya.
"Dapat lang". Medyo nabastos nako pero pinigilan ko nalang ang sarili ko. Ayoko namang isipin na ke bago ko dito, magpapakita ako ng ugali.
Nakahanap naman ako ng mauupuan agad sa likod. Pagkalapag ko ng gamit ay naupo ako agad at nagbasa ng schedule ko para lang kunwari busy ako at walang kumausap sakin.
"Pasensiya ka na dun kay Jude. Siga kasi yun dito kaya ganyan lang talaga yun" ang sabi ng aking katabi
"Ah eh? Yun?"  Gulat kong sinabi. "Okay lang. Sanay na ako sa ganung bagay"  pero sa totoo lang gusto ko na siya patulan sa loob loob ko.
"Bagong lipat ka lang ba? Di kita nakikita dito kasi. Jan nga pala."
"Oo. Galing akong probinsiya. Napagdesisyunan ko nalang lumipat kasi mas maganda daw ang chance na makakuha ng magandang trabaho pag sa kilalang unibersidad ka nag aral." Dinahilan ko nalang pero sa totoo lang hrap akong sinabi yu dahil gusto ko lang naman talaga makalimot sa mga pangyayari sa probinsiya eh.
Di ko namalayan na nakasimangot pala ako habang sinasabi ko yun. Bigla nalang napatanong si Jan. "Sigurado ka ba pare? Parang ang iba eh. Pero kung ano man yun, sa iyo na yun."
"Haha salamat Jan. Siguro dami ko lang iniisip ngayon kaya ganito."
Dumating na ang aming professor at nagpakilala. Nagpakilala isa isa ang mga estudyante. Akmang hinuli ako para lubusan daw akong makapagpakilala.
"Magandang hapon sa inyo. Ako si Red. Reden Albert S. Lihim. 18 years old. Galing ako sa pangasinan. Nice to meet you all" pero habang nagsasalita ako. Pansin ko na si Jude ay nakatingin sa malayo.
"Banggit saakin ng iyong tiya na guro din dito na magaling magaling ka daw na estudyante sa inyo. Bakit mo bang naisipan dito magatuloy ng pagaaral sa Maynila?
"Opo. Valedictorian po ako nung Highschool at Dean's Lister naman po ako nung 1st year sa amin. Naisip ko po na dito magaral sa Manila para po pag nakatapos ako ay hindi po ako mahirapan maghanap ng magandang trabaho."
"Ganun ba iho? Tama naman yun. Buti nalang at dito mo naisioan magaral. Siya maupo ka na at magsiula na tayo"
Nagsimula nang magturo si Sir. Discuss dito discuss doon. Habang nagsasalita siya ay di ko maiwasang mapatingin kay Jude. Gwapo siya, maangas ang dating pero may ugali. Siguro ganoon talaga kasi siga diba. Pero parang may mali eh pag tinitignan ko siya. Habang pinagmamasdan ko siya parang may nakikita ko sa mukha niya na may dinadala siya. Di ko namalayan nakatingin din pala siya sakin at magkasalubong nanaman ang mga kilay niya. Agad akong umiwas ng tingin sabay kunwari ay nagsusulat ng notes nalang ako.
Natapos ang klase ng mga alas siyete ng gabi. Noyaya ako ni Jan tumambay saglit pero tumanggi nako kasi gusto ko na din magpahinga. Dali dali akong tumungo sa pintuan para lumabas nang narinig ko ang aming prof na tinawag at kinausap si Jude. Lumabas na ako ng pintuan kunwari pero nakikinig sa usapan ng dalawa.
"Jude. Utang na loob pang apat na beses mo nang kinukuha itong subject na ito. Yung mga ka batch mo graduating na ikaw 3rd na nga lang. Irregular pa. Ano bang problema iho?"
"Ser wala akong problema. Sadyang mahina nga lang ang kokote ko gaya ng sabi nila diba? Tsaka wala naman ako pakialam kung gagraduate na sila eh." Medyo maangas na tono ang narinig ko sa bibig noyang yun
"Jude sa totoo lang, sawang sawa nako makita ka dito sa klase ko. Magiisip ako ng paraan para huling beses mo na kukunin itong klase ko. Tsaka di ako naniniwalang mahina kukote mo Jude."
"Bahala kayo ser. Uuwi nako". Ang angas talaga
Akma na sana akong tatakbo palayo ng bumukas ang pinto. Lumabas si Jude. Nagsalubong namaman ang mata namin at nakita kong di masaya mukha niya. So sobrang gulat ko ay nabati ko nalang siya.
"Hello."
"Tangina nakikinig ka ba kanina?" Galit niyang tanong sa akin. Pero bago ako makasagot nagsalita na siya
"Wala naman akong pakialam. Diyan ka na nga bwiset!" sabay naglakad na siya palayo.
Hindi ko maramdaman tuhod ko noong oras na yun. Parang gusto ko na maihi si kinatatayuan ko sa hiya nun buti nalang ako nalang tao sa hallway at si Sir sa loob ng classroom ng mga oras na yun.
Agad akong tumungo sa sasakyan ko at umalis na. Habang nagmamaneho, nakita ko si Jude sa labas ng isang tindahan malapit sa skwela naninigarilyo at may hawak na alak. Ilang saglit pa ay nakita ko na siya na may kausap at sabay na silang umalis. Hindi ko naman na ito pinansin kasi baka kabarkada niya yung kasama niya. Tinuon ko nalang ang aking sarili sa pagmamaneho. Nakarating ako sa apartment na sobrang pagod. Halos dambahin ko na ang akin kama sa kasabikang mahiga.

Habang nakahiga ako sa aking kama, hindi ko padin mawala sa isip ko ang itsura ni Jude habang nagdidiscuss ang prof namin. "Siguro malalim ang hugot nitong taong ito kaya malayo ang tingin"  ang tangi ko nalang nasabi sa sarili ko.  Ibinaling ko nalang ang atensiyan ko sa ibang bagay. Nagaral muna ako at pagkatapos ay natulog na.
Nagdaan ang mga araw at naging maganda naman ang mga marka ko sa mga subjects ko. Lagi akong pinupuri ng aking mga guro sa tuwing makakasalubong ko sila. Sa isip isip ko, sana magtuloy tuloy ito. Si Jude ganun padin, mainit padin sa akin at lagi akong pinagtitripan. Nakakainis pero hindi ko magawang magalit, nasanay na din siguro ako sa mga ganung tao eh.Si tita naman tuwang tuwa sa akin dahil mahusay daw ako magaral. Lagi nga niyang binabalita sa pamilya ko eh kaya di narin magkamayaw itong mga magulang ko sa tuwa.
Pero sa araw araw din na nagdaan. Napapansin ko na iba iba din ang kasama ni Jude. Parehong lugar at gawain ang mga nakikita ko sa kanya. Yosi sabay hawak ng alak sa kabilang kamay. "Siguro madami talagang tropa itong si Jude." Ganyan siguro kapag sikat ka, yaya ng inuman kaliwa't kanan, tambay dito, yosi doon.
Isang linggo bago mag prelims. Narinig ko magkausap ang prof ko at si Jude sa hallway.
"Ser. Pasensiya na pero tangina naman. Bakit ko pa kailangan magpatutor sa kanya? Di na ako bata rtsaka inutil ser!" Medyo pasigaw na siya habang sinasabi niya yun.
"Jude! Kung hindi ka magpapatulong kay Red! Babagsak ka at mapapatalsik ka na dito sa skwela! At tsaka isa pa, ayaw kang lapitan ng mga kaklase mo diba?! Kasi lagi mong pinababantaan na bubugbugin mo sila?!" Pagalit nading tugon ni sir.
"Aaaah tangina naman!" Sabay alis si Jude.
Nang umalis na si Jude. Agad naman akong nakita ng prof namin.
"Red ikaw pala. Marahil narinig mo yung usapan namin. Maari mo bang tulungan si Jude? Pang apat na beses na yang nagtatake dito sa subject. Sawang sawa nako makita yang batang yan. Medyo naaawa na nga din ako eh. Matutulungan mo ba ako? Alam ko naman matalino yang batang yan. Napabarkada lang siguro kaya ayan kinalabasan."
"Titignan ko ser ang magagawa ko po. Kung ayaw niya talaga, wala nako magagawa po"
"Sige Red, salamat. Ikaw na bahala"
Umalis na ako para magtungo sa aking sasakyan. Nakita ko ulit si Jude sa tambayan niya. Pumihit ako papunta sa kanya at binaba ko ang aking bintana. .edyo madilim sa loob ng kotse kasi masyadong tinted ang bintana. Akma ko Nang tatawagin na sana siya pero bigla niya akobg naunahan magsalita.
"Ser. Naghahanap ka ba ng aliw? Sakto nakajackpot ka oh? Tara?"
Nanginig ako sa aking narinig hindi ko magalaw ang aking kamay. Gusto kong humarurot paalis pero di ko nagawa. Madami pumasok sa isip ko pero hindi padin ako makatitig sa kanya. Sabay nagsalita siya.
"Ano? Ayaw mo?"lalo niyang nilapit ang mukha niya sa bintana habang pilit niyang tinatanong. bakas sa boses niya ang pagtataka.
Humarap na ako at hindi ko makakakimutan ang itsura ng reaksyon niya.
"Red?!"

No comments:

Post a Comment

Read More Like This