Pages

Sunday, March 26, 2017

Baby You Are All That I Need (Part 2)

By: Ryan

Bumungad sa akin ang mukhang masungit at naka arkong kilay ng HR Assistant. Maya-maya at nagpakilala siya. Si Marie.

Itinuro niya sa akin ang magiging office ko. Katabi lang iyon ng office ni boss at glass wall lang ang pagitan namin, kaya kitang-kita ko kung ano man ang gagawin ni boss sa loob.

"He will be here at 10:00 AM" aniya. May early meeting daw kasi si boss.

In-orient muna ako ni miss kilay sa mga dapat kong gawin at company policies. Saka umalis at bumalik sa pwesto.

Maganda ang magiging office. Mejo malawak ang room na pwede akong tumambling anytime.

Sinimulan kong i-familiar ang mga equipment at computer. First time ko kasing makakagamit ng apple computer, pero sa tingin ko ay makakasanayan ko din. Hindi naman na bago sa akin ang ibang equipment kasi meron din kaming ganoon sa dati kong work.

Maya-maya ay bumalik si miss kilay at ibinigay sa akin ang access card at ang magiging email address ko.

Pagkaalis niya ay sumandal muna ako sa swivel chair at huminga ng malalim. 'Good luck sayo Riju.' sa utak ko. Saka nag patuloy sa mga gagawin.

----

Naging maayos naman ang first day ko. Smooth naman lahat dahil magaling naman talaga akong magtrabaho.

Ambilis ng panahon, isang buwan na pala akong nagtatrabaho dito. Si Ms Kilay naman ang una kong naging kaclose sa lahat. Mabait naman pala siya. Friendship na nga kami ngayon eh. Minsan tinatawag ko siyang Ms. Kills, iniirapan lang ako.  Minsan hinaharot niya ako, tingin ko nga may crush sa akin yun. Maganda naman si Ms Kilay, pero hindi talaga siya ang tipo ko. Ang tipo ko kasi ay si boss. hehe.

Si boss naman, masungit pero okay naman siya. Gwapo pa din at mas lalong gumagwapo araw-araw, hindi ata nag eexpire ang kagwapuhan niya. Madalas ko siyang sulyapan, pero iniiwas ko kapag nararamdaman niyang nakasulyap ako sa kanya. Kaso parang lagi yata siyang seryoso. Hindi ko pa kasi siya nakikitang tumawa, ngumingiti pero simple lang din. Parang laging malungkot ang mga mata niya. Ayoko naman derektang magtanong sa kanya about his personal life. Malay mo one day makasundo ko siya at magshare siya about personal life.

Hayss crush ko talaga siya. Pero hanggang doon na lang, hindi naman ako babae para maranasan yung sa mga palabas na ang boss ay nainlab sa isang sexytary. Pag siniduce ko si boss baka sipain niya ako at sa ibang planeta mapunta.

Alas diyes na pala, hindi ko man lang namalayan dahil sa naging busy ako.
Dumating si boss at dire-direcho sa loob ng office niya.

Hindi man lang ako tiningnan at mukhang badtrip. Pero gwapo pa din siya. Kahit ano yata ang reaction niya ay gwapo pa din.

Nagring ang local phone ko. Agad ko itong sinagot.

"Please come inside". aniya. Si boss pala ang tumawag. Kitang-kita niya naman ako mula sa loob, hindi nalang siya sumenyas upang tawagin ako.

Pag pasok ko ay agad siyang nagsalita.

"I have a business trip tomorrow for three days." seryoso niyang sabi.

Tahimik lang ako at naghihintay ng iba pang instruction. Baka maghahabilin lang to ng gagawin ko habang wala siya.

"I need you to pack your things. You'll come with me." seryoso pa din siya.

Kasama ako? Agad-agad?

"W-where would it be, sir?"

"Davao, we've got new client na interested mag invest sa atin. And I need you to prepare the presentation." aniya.

"Ok sir." sagot ko.

Saka tinanong ko kung anu-ano ang mga kelangan para sa presentation. Madali lang naman sa akin ang mag prepare kasi nakasanayan ko na iyon.

Matapos niya ilahad sa akin ang mga dapat kong gawin ay nagpatuloy siya.

"You don't have to book a room, may sarili kaming bahay sa Davao at doon tayo mag stay."

Okay lang ang sinagot ko saka bumalik sa table ko.

Eto na ang magiging first out of town namin ni Sir. Ibig sabihin makakasama ko siya ng tatlong araw sa Davao. Noon ko pa talaga gustong magpunta ng Davao, madami daw kasing magagandang puntahan doon at higit sa lahat safe ang lugar.

Naexcite tuloy ako lalo, sa isiping makakasama ko ang gwapo kong boss.

---

WELCOME TO DAVAO

Nabasa ko doon sa karatula na bumungad sa amin. Paglabas namin ng arrival area makikita mo talagang napaka organize ng airport. Maliit lang ito pero napakaayos.

Saka tumuloy na kami sa bahay nila boss.

Napakalaki ng bahay nila, sinalubong kami ng caretaker at katulong. Si manong Joseph at si Inday.

Kinuha nila ang aming maleta at agad kaming pumasok sa bahay at dumirecho sa dining area. Alas dose na kasi kami nakarating.

May dalawa pang katulong na lumabas at nag serve ng aming kakainin. Napakabango ng amoy ng mga pagkain. Kumulo tuloy ang tiyan ko at tingin ko narinig yun ni sir kasi bahagya siyang tumingin at napangiti pero umiwas din kaagad. Namula tuloy ako sa kahihiyan.

Napakagwapo niya talaga kahit sa simpleng ngiti lang. Nagdiwang tuloy ang puso ko noong makita ko ang mga ngiti niya, ganoon din naman ang mga alaga ko sa tiyan ng maamoy ko ang napakasarap na pagkain.

Nagsimula na kaming kumain.

Pagkatapos ay iginiya na ako ng katulong sa guest room na tutulugan ko.

Ganoon lang ang turingan namin ni boss. Nag-uusap lang kami kapang tungkol sa business. Nahihiya kasi akong mag initiate ng usapan na hindi tungkol sa trabaho.

Bukas pa naman ang business meeting namin ni boss.

Napag-isipan kong maglibot-libot muna sa buong bahay. Napakalaki nito, may garden sa harap at likod. Pumunta ako sa may likod. May mga nakahilerang rose na noon ay nagyayabangan at nagpapagandahan. May maliit din na batis na nangagaling sa maliit na man-made falls, na may mga isda at nalililiman ng isang malagong puno. 'Napakasarap naman tumambay dito, iba na talaga ang mayayaman.'

May nakita akong bench sa ilalim ng puno na iyon at naisipan kong umupo. Pinagmasdan ko lang ang magandang tanawin at sinasamsam ang preskong ihip ng hangin.

Maya-maya ay may narinig akong kalaskas sa hindi kalayuan. Noong nakita ko, tila ulo ito ng ahas. Kaya napasigaw ako ng malakas.

"MAY AHAS!!! MAY AHAS!!". takot na takot at ipinatong ko ang mga paa ko sa bench. Tumaas lahat ng balahibo ko.

Agad namang lumapit si inday at si manong Joseph. Tumingin sila sa tinuturo kong parang ulo ng ahas at biglang nagtawanan.

Lalo si inday na parang nang-aasar ang tawa, humahagalpak pa.

"Palaka lang po yan sir." ani ni Mang Joseph habang pinipigilan ang tawa

Namula tuloy ako sa kahihiyan. Para kasi akong babae sa inasta ko.

Tawang-tawa pa din si inday na humahawak pa sa tiyan. Nainis ako lalo, babatuhin ko na sana ng tsinelas na suot ko.

Mas lalo akong namula nang makita ko si sir na nasa terrace pala ng mga time na yun. Hindi ko alam kung nakita niya ang reaction ko. Pero sa tingin ko ay nakita niya. Nagpipigil din kasi ng tawa tapos iiling-iling pa.

Sobra na itong kahihiyan na to. Bakit ba lagi akong nalalagay sa mga gantong sitwasyon. Sa harap pa ni boss. Nakakahiya. Narinig niya pa tuloy ang tili kong pang Mariah Carrey.

---

Natapos na ang meeting namin at successful ito. Malaking deal. Ang galing kasi ni boss mag deliver ng presentation, hinangaan ko tuloy siya lalo. Kaya masayang-masaya si boss. Ang lawak kasi ng pagkakangiti eh mula Jolo-Sulu hanggang batanes. Napapangiti din tuloy ako dahil nahahawa ako sa ngiti niya at nahuhumaling sa kagwapuhan.

"Be ready tonight!" ngiting sabi ni Geremy na nakatingin sa akin habang nakahawak sa manubela.

"Huh?? para saan??" tanong ko sabay tingin sa kanya.

"Basta!!" nakangiti pa din.

Saan na naman kaya kami pupunta. Ano kaya balak niya.

Sinulyapan ko ulit siya na may pagtataka sa mukha ko. Nakakahawa talaga ang ngiti niya. Kaya ngumiti din ako.


---

Pag dating ng alas-sais ng hapon nakabihis na ako, naka casual lang ako. Pinasakay niya ako sa sasakyan at sabing may pupuntahan daw kami.

Huminto kami sa isang mamahaling restaurant at kumain. Kinikilig ako, kasi para kaming nagdi-date. Napaka romantic kasi ng lugar at dalawa lang kami.

Pagkatapos namin kumain ay nagtungo kami sa isang acoustic bar. Pagpasok pa lang namin ay titig na titig ang mga babae kay boss. May mga nakatingin din sa akin pero naalibadbaran ako.

Nagpareserve siya ng isang table at umorder ng beer.

Eto pala ang sinasabi niyang magready ako tonight. Mukhang mapapainom ako ah, hindi pa naman ako sanay uminom.

Wala lang akong imik, sunod-sunuran lang ako sa kanya. Galante naman pala ni boss.

Dalawang bote palang ang naiinom ko, pero nakaramdam na ako ng tama. Maya-maya ay umalis siya at nagtungo malapit sa stage, parang may kinausap saka bumalik.

"LET ME CALL ON MR. RIJU SALVADOR!" sabi ng mc

Huh?? pangalan ko yun ah. Sa isip ko at tumingin ako sa kinaroroonan ng MC. Gulat ako at nakatingin din sa akin. Tiningnan ko si Geremy, ngiting-ngiti lang at pilit akong pinapapunta sa stage.

"HE WILL SING A SONG FOR US." dugtong pa ng mc. Nakarinig ako ng palak-pakan.

"Bakit ako?" gulat na sabi ko sa kanya.

"You'll sing!" tumatawa na siya. Kaya siguro siya lumapit sa stage kanina.

Nataranta ako dahil hindi talaga ako sanay sa maraming tao, tapos kakanta pa. Buti nalang at medyo may tama na ako kaya napilitan nalang akong tumayo at nagtungo sa stage.

Magaling naman talaga akong kumanta pero hindi ako sanay mag perform sa maraming tao.

Nang marating ko na ang stage ay agad lumapit ung mc at tinanong ako kung anong kakantahin ko. Nag-isip ako ng mga madalas kong kantahin.

"Hero ni Enrique Iglesias" sabi ko sa mc.

Agad itong lumapit sa guitarist.

Nagsimula na ang tug-tog, pinikit ko lang ang mga mata ko para mabawasan ang tense at saka nagsimulang kumanta.

Let me be your hero.....

Would you dance if I asked you to dance?
Would you run and never look back?
Would you cry if you saw me crying?
Would you save my soul tonight?

Would you tremble if I touched your lips?
Would you laugh? Oh, please tell me this.
Now would you die for the one you love?
Hold me in your arms, tonight.

Minulat ko ang mga mata ko at tumingin ng derecho kay Geremy, nakita kong namangha siya at bahagyang nakabuka ang bibig niya.

Napangiti ako at muling ipinikit ang mga mata.

I can be your hero, baby.
I can kiss away the pain.
I will stand by you forever.
You can take my breath away.

Would you swear that you'll always be mine?
Would you lie? Would you run and hide?
Am I in too deep? Have I lost my mind?
I don't care. You're here tonight.

Nagmulat ulit ako ng mata, ganun pa din ang reaksyon niya pero this time may halong ngiti.

I can be your hero, baby.
I can kiss away the pain.
I will stand by you forever.
You can take my breath away.

Oh, I just want to hold you.
I just want to hold you, oh, yeah.

Am I in too deep? Have I lost my mind?
Well, I don't care. You're here tonight.

I can be your hero, baby.
I can kiss away the pain, oh, yeah.
I will stand by you forever.
You can take my breath away.

(I can be your hero, baby)
I can be your hero.
I can kiss away the pain.
And I will stand by you forever.
You can take my breath away.
You can take my breath away.

I can be your hero.

Natapos ko ang kanta at narinig ko ang malakas na hiyawan at palakpakan. Nakita ko si Geremy na naka standing ovation pa.

Nang makalapit na ako sa table namin.

"ANG GALING MO!!" bati niya sa akin na may malawak na ngiti.

"Salamat" tipid kong sagot.

"Paano mo nalaman na marunong akong kumanta?" derecho kong tanong sa kanya.

"Remember, I reviewed your resume." sabay ngiti at tungga ng beer.

Oo nga pala, nailagay ko pala dun sa interest ko yung singing.

"Hindi ko akalaing ganyan ka kagaling. Pinapahanga mo lalo ako."

"Pinapahanga lalo?" tanong ko

"Oo, ever since na makita kita sa revolving door, alam ko may potential ka. At hindi mo ako binigo dahil magaling kang assistant"

Nang-iinsulto ba to? Mukha nga akong daga sa mousetrap. Tapos sasabihin niyang potential ako?

Hindi na lang ako umimik.

Naparami na ang naiinom ko. Lasing na ako. Nagiging madaldal na at kung anu-ano ang pinagsasabi. Minsan ay napapaduwal ako kakapigil ng suka.

"A-alam mo serrrr!, g-gwapo ka shana eh. K-kasho masungit." dinuduro ko mukha niya. Lasing na talaga ako.

Pinagtawanan niya lang ako.

"B-bawash b-bawashan mo nga yang pagsushungit mo., tulad n-ngayon. Ang gwapo m-mo l-lalo dahil tumatawa ka." hindi na ako nakaramdam ng hiya sa mga sinasabi ko.

Tuwang-tuwa talaga siya. Hiindi ko alam kung anong pinagtatawanan niya, yung sinasabi ko ba o yung itsura ko.

Mediyo namumula na din siya. Pero alam ko hindi pa siya lasing.

"Alam mo, kamukhang-kamukha mo yung kapatid ko. Katulad mo din siyang kumilos. Paborito ko yung kapatid ko na yun." sabi niya at biglang lumungkot ang mga mata niya.

Yun na ang huli kong narinig at nawala na ako sa ulirat.

----

"Good morning!"

Napabalikwas ako ng bangon at tiningnan ang oras sa phone ko. 9:45 AM na.

Hala si sir nakatayo sa gilid ko. Pero nakangiti siya.

Napansin ko ang suot ko, iba na. Sumilip ako sa ilalim ng kumot, nakapajama na ako. At parang hindi ito yung guest room na tinutuluyan ko.

"S-sir... sorry late ako nagising. May nangyari ba kagabi?"

Tumawa siya.

"Relax, wala naman tayong gagawin ngayong araw. At saka puro suka yung damit mo kagabi kaya pinahiram ko muna yung pajama ko. Dito na din kita dinala para mabantayan kita"

Ha? Pinalitan niya ako ng damit? Binantayan niya ako?? "Hindi pwede!!" sigaw ng utak ko. Nakakahiya tsaka nakita niya na buong katawan ko. Paano na ang kinabukasan ko.

Tumawa siya ulit sa reaksyon ko.

"Don't worry, kung ano man yung nakita ko. Akin na lang yun." tumawa siya ng mahina, sabay kindat.

"Ang cute cute mo talaga" ginulo niya ang buhok ko saka nagtungo sa computer table niya.

Lalo akong namula sa huling sinabi niya. Si boss ba yung kausap ko? Naguguluha na ako sa inaasta ng boss ko. Parang dati lang ay nabibilang lang ang sandali na ngumiti siya. Ibang tao na ata yung kasama ko. 'Kung sino ka mang espiritu na sumapi sa katawan ng boss ko.....SALAMAT!' sa isip ko.

Nag-aya siyang kumain at saka kami nagtungo sa dining area.

Pagkakain ay nag-aya siyang manuod ng movie sa entertaiment room. Isinalang niya ang 'IF ONLY' ni Jennifer Love Hewitt. Paborito niya daw kasi yung movie na yun. Napanuod ko na din yun pero gusto ko ulit panuorin lalo kasama ko si boss. Kinikilig na naman ako. Mahilig din pala sa romantic movies tong si boss. May itinatago din palang ka dramahan sa katawan.

Habang nanunuod nasabi niya din na one day lang daw talaga yung business meeting niya. Ginawa niya nalang na three days para makapagrelax din daw kami. Diba ang swerte ko sa amo ko.

Naikwento niya din na may pagkakahawig daw kami ng namayapang kapatid niya at katulad ko din daw itong kumilos. Paborito niya daw talaga yung kapatid niya na yun. Yun daw pala ang dahilan kung bakit niya agad-agad akong hinire noong nag-aapply ako. Hindi din naman daw siya nagkamaling ihire ako dahil responsable daw ako sa trabaho.

Napapansin ko medyo nagiging malambing na si boss sa akin. Lihim itong ikinatuwa ng puso ko.

Baka namiss niya talaga ang kapatid niya.

-----

Nag-aya siyang mag beach sa may Samal Island. Sumakay pa kami ng yacht para marating ang nakapagandang isla. Nagtravel din kami by land ng 20 minutes bago kami nakarating sa destination. Magdadapit-hapon na din bago namin narating ang lugar.

Napakaganda ng lugar at dinagdadaga pa lalo ng kulay kahel na kalangitan dahil sa sunset.

Napakaromantic talaga ng lugar.

Nagrent kami ng isang cottage at sabi ni boss doon daw kami magpapalipas ng gabi, bago kami tumulak pabalik sa Manila. Isang cottage lang ang nirentahan namin pero dalawa ang bed.

Bukod sa libreng bakasyon ay lihim na nagdidiwang ang puso ko dahil sa kilig. Kasama mo ba naman ang boss mong gwapo.

Kumain muna kami sa isang seafood restaurant bago siya nagtungo sa isang bar upang bumili ng apat na boteng beer.

Naglatag kami ng sapin sa may buhanginan at gumawa ng bonfire. Kung hindi ko lang boss to eh, gagahasain ko na talaga to.

"This is my favorite place. Bata pa lang ako lagi akong bumabalik dito sa tuwing malungkot ako or brokenhearted."

Tiningnan ko lang siya. 'Dumadanas din pala ng heartbreak ang gwapong katulad niya' sa isip ko.

"I like this place also" nginitian ko siya.

Tahimik

"Geremy..... may girlfriend ka na ba?" lakas loob kong tinanong sa kanya.

"Hmmmm... yeah."

Gumuho tuloy ang mga pangarap ko. Sana hindi na lang ako nagtanong.

"Her name is Elise..... She's in the states. Yearly lang siya kung umuwi." nahimigan kong may lungkot sa boses niya.

"I'm sure miss mo na siya" tumingin ako sa kanya at nagkatitigan kami.

Tumango lang siya at umiwas ng tingin pero napansin ko talaga ang lungkot ng mga mata niya. Mahal na mahal niya siguro ito.

"How about you?" balik tanong niya.

"Wala." tipid kong sabi

"Wala? Sa gwapo mong yan?" at ginulo niya ang buhok ko.

Gwapo daw ako. Kinilig na naman ako. Sanay naman akong masabihan ng ganoon. Pero iba kasi pag galing sa kanya.

"Wala eh. Hindi pa siguro time." tumingala lang ako sa mga bituin. Saka humiga.

Humiga din siya.

"Nagkaroon ka ba dati?"

"Wala din." hindi ko masabi na iba ang preference ko.

Tumingin siya sa akin at nagkatinginan kami. May pagtataka sa mukha niya.

Tumikhim muna siya.

"Sa itsura mong yan, ever since hindi pa nagkakaroon ng girlfriend..... You must be..." agad kong pinutol Alam ko na ang idudugtong niya.

"Gay." sinabayan ko ng tango.

"I see.... kaya pala."

Hindi na ako nagkaila pa, halata naman sa kilos ko at malalaman niya din naman kung ano ang tunay kong pagkatao.

Tumikhim muna siya saka nagpatuloy.

"What is your type?" tanong niya pero nakatingin pa din sa kalawakan.

"Hmmmm... Siyempre gwapo, matalino at yung mamahalin ako kung ano man ako...pero hindi na ako aasang dadating pa yun."

'Parang ikaw, ikaw mismo ang gusto ko' sa utak ko.

"Nagka boyfriend ka na ba?"

"Hindi pa din... Takot kasi akong masaktan. Alam ko naman na walang magandang mangyayaring relasyon sa mga tulad ko. Kaya mas pinili ko nalang ang mag-isa. Kesa.... kesa ang masaktan." sabay hinga ng malalim.

"I believe na may dadating na taong magmamahal at tatanggapin ka... Maghintay ka lang. Don't lose hope." naramdaman kong tumingin siya sa akin.

Tiningnan ko din siya at nagkatitigan kami. Ilang segundo din bago natapos ang titigan na yun.

Napakagwapo niya. Ansarap pagmasdan.

'Sana siya yung taong tinutukoy niya' nangangarap na sabi ng puso ko.

Nginitian ko siya at muling tumingala sa langit.

"Thanks." tipid kong sambit.

Pumikit ako. Pinapakiramdaman ang paligid. Ang dampi ng alon sa dalampasigan at ang pagaspas ng mga dahon na gawa ng hangin. Di ko namalayan na nakatulog na pala ako.

"Riju!." sabay mahinang yugyog sa balikat ko.

Nagising ako.

"Let's go."

Sumunod na lang ako.

Tuluyan na kaming nakapasok sa cottage at itinuloy ang pagtulog.

"Good night!" sabi niya. Nakangiti siya.

"Good night boss. See you in my dream!"

Yung itsura niya nagtataka.

"I'm just kidding"

Nagkatawanan kami. Saka ako tumagilid patalikod sa kanya.

Ansarap ng pakiramdam ko ng mga time na yun... May itinatagong kasweetan din pala ang boss ko.

Hindi ko tuloy mapigilang mangarap habang iniisip si boss. Alam ko namang hanggang pangarap lang ako at hindi ako umaasa.

Hinayaan ko na lang ang puso kong magpaanod sa nararamdaman ko..

Itutuloy....

No comments:

Post a Comment

Read More Like This