Pages

Thursday, March 9, 2017

Ang Pinsan kong Inosente (Part 2)

By: Ryan

Mabilis na lumipas ang pahanon. Naramdaman kong onti-onti ng lumalayo si Jake sa akin. Siguro napapansin niyang umiiwas na ako sa kanya. Sa pag iinarte kong iwasan siya ako naman tong nasasaktan. Diba ang gulo, umiiwas ako pero ako din ang nasasaktan.

Hindi ko lang talaga kasi matanggap sa sarili ko na magkakaroon ako ng pantasiya sa pinsan ko at lalaki pa.

May mga times na nakakasama ko siya sa mga family gatherings pero hindi na kami tulad ng dati. Nawala yung closeness namin. Ilang taon na din buhat nung may nangyari sa amin. Nababalitaan ko nalang sa iba kong pinsan na naging babaero na daw si Jake. Oo sa ibang pinsan ko pa nabalitaan kasi nga hindi na kami tulad ng dati na nag s-share ng kwentuhan at walang ilangan.

Habang lumilipas ang panahon lalo akong nangungulila sa kanya. Deserve ko naman to kasi ako ang nagpasyang umiwas sa kanya.

Mahirap lang sakin sa tuwing nakikita ko siya. Nasasaktan ako ng wala namang sapat na dahiilan. Lalo ngayon malaking ipinagbago ng itsura niya. Mas lalo siyang gumagwapo. Minsan nga nahuhuli niya akong sumusulyap sa kanya, pero sa tuwing nagtatama ang paningin namin ay iniiwas ko.

Basta malayong malayo na kami kumpara sa dati. Namiss ko yung datig Jake na makulit at malambing na kahit anong taboy ko ay mas lalong nangungulit.

Naisip ko din minsan na tama lang siguro yung ganto kami. Dapat may gap. Wala dapat intimacy na nararamdaman sa isa’t isa.

Birthday noon ni mama at nagpahanda siya sa bahay at imbitado lahat ng angkan. Lagi naman kasi kaming ganon. Pag may nag birthday, automatic imbitado lahat. Masyado kasing close ang mga pamilya namin.

Nagsidatingan na lahat ng kamag-anak. Pero may isa akong hinahanap. Si Jake.

Nililibot ko ang aking paningin, masayang masaya ang lahat habang nagkakainan. Yung ibang tito at mga pinsan ko naman ay nagiinuman kasali na din ako. At syempre hindi nawawala ang videoke. May lahi kasi kaming mga singer at isa na ako sa nabiyayaan ng magandang boses. Hehehe

Alas otso na ng gabi pero wala parin akong nakikitang Jake. Napansin yata ng isa kong pinsan na may hinahanap ako kaya tinanong niya ako.

“Sinong hinahanap mo kuya?” wika ni Don. Anak siya ng isa kong tita na sumunod kay mama. Bale yung mama ko yung panganay sa walong magkakapatid.

“Si.. Si Jake, hindi ko ata napapansin. Hindi pa ba dumadating?” sagot ko.

“Ah si Kupal, mamaya pa yun. Nagtext siya sa akin. Hinihintay niya daw kasi ang GF niya. Ipapakilala niya daw sa atin.” Sagot naman ni Don. Kupal kasi tawag naming doon. Magkakaclose kasi kaming magpipinsan at yun ang pang asar naming kay Jake.

GF niya? Ipapakilala niya? May konting kirot akong naramdaman. Naisip ko kaagad, hinahalikan din kaya siya ni Jake ng tulad ng ginagawa namin dati? Ano kaya ginagawa nila pag magkasama sila? Hindi naman ako naiinggit sa idea na may GF siya, kasi may mga naging GF din naman ako. Pero yung IDEA na magkasama sila at kung ano ang ginagawa nila ay doon nagpupuyos ang kalooban ko. Well, tama kayo. Nagseselos ako. Sobra.

Maya-maya ay may narinig na kaming nag doorbell. Nakiramdam lang ako, sa tingin ko si Jake na yung dumating.

“HAPPY BIRTHDAY TITA!!” malakas na sambit ni Jake pagkapasok na pagkapasok pa lang ng pinto. Na nagpalingon sa akin. Nakita ko si Jake, ngiting ngiti, guwapong-guwapo. Biglang bilis ng pintig ng puso ko. Pero hindi din nagtagal at napalitan iyon ng selos. Hawak niya sa kanang kamay yung GF niya na ipapakilala niya.

Buong pagmamalaking ipinakilala ni Jake sa mga kamag anakan namin ang girlfriend niya. Sabagay maganda naman talaga. Mukhang artistahin. Naninibugho na naman ang damdamin ko.

Maya-maya ay napansin kong tumingin si Jake sa akin. Siguro nagdadalawang-isip kung ipapakilala niya sakin. Kasi nandoon pa talaga yung ilangan namin eh. Naramdaman kong palapit na sila sa akin nagkunwari akong mag-browse ng facebook, hindi ko naman kasi alam kung paano ko sila pakikitunguhan.

“Kuya, this is Gelic. My girlfriend.” Malumanay niyang sabi.

“Oh, Hi! Welcome.” Sabay shake sa kamay ni Gelic. Pilit kong pinakita na okay lang ako. Pero hindi ko tinitingnan si Jake. “Join us.” Sabay ako ko ng isang bote ng beer.

“Sorry po, hindi kasi ako umiinom eh.” Sagot niyang may kasamang ngiti.

Mukha namang mabait, pero sa isip ko baka pakitang tao lang. Baka nasa ilalim ang kulo. Di ko alam kung naging mapanghusga lang ako dahil na din siguro sa nararamndaman ko.

“I see. I hope you’ll enjoy the party.” Saka ko tiningnan si Jake na noon ay nakatingin din pala sa akin. Saka niya binawi yung tingin niya. Ramdam ko sa tingin niya na wala siyang ganang kausapin pa ako.

Nagpaalam sila sa amin. Kakain lang daw muna sila.

“Jake! Balik ka dito, ilang occasion ka na naming hindi nakakainom!” pasigaw na sabi ni Don.

Tango lang ang sinagot ni Jake saka nagtungo sa dining table.

Tuloy-tuloy lang kami sa kwentuhan. Naririnig ko silang nagtatawanan at nakikisabay lang din ako kahit hindi ko alam kung ano yung pinag-uusapan nilang nakakatawa. Occupied kasi ang isip ko at madalas napapagawi ang tingin ko sa lugar kung saan nandoon sila Jake at ang girlfriend niya. Naiinis ako lalo pag nakikita kong nagsusubuan sila. Minsan nakapulupot na parang ahas itong si Gelic. Gusto ko sana kaladkarin palabas, hindi na nahiya. Hindi ko maintindihan yung nararamdaman ko, di ko alam kung galit o inggit.

Maya-maya napansin kong parang nagpapaalam itong si Jake na makikisalii sa amin at iiwan niya muna si Gelic sa mga pinsan naming babae na nagvi-videoke. At tumungo na si Jake sa kinaroroonan namin.

Hindi ko na siya nilingon mamaya mahuli na naman niya akong nakatingin sa kanya. Nang makarating ay pumuwesto siya sa tabi ni Don at inabutan nung huli ng bote ng beer, kinaasiwa ko dahil nakaharap siya sa akin. Kaya nag kunwari na naman akong mag browse-browse.

“Kuya Rye! Mamaya ka na mag facebook. Minsan nga lang tayo magkainuman.” Kunway nagtatampong sabi ni Don. “Nandito na si Jake oh, diba kanina mo pa siya hinahanap.” Dugtong niya.

Buti nalang at mejo naparami na ang nainom ko kaya hindi nahalata ang pamumula ko ng dahil sa pagkakahiya. “Hinahanap? Tinanong ko lang. Pero hindi ko siya hinanap.” Depensa ko.

“Ganoon din yun eh!.” Wika ni Don sabay tawa.

Tumingin ako sa magiging reaksyon ni Jake sa narinig niya. Nakita kong nagningning ang mga mata niya, ngunit hindi ito umabot sa labi niya. Parang may pinipigilan siyang nadarama. Hindi ko mawari kung tuwa ba yung nakita ko dahil narinig niyang hinanap ko siya.

Hindi pa din ako umiimik. Naririning ko na lang silang nagkukwentuhan. Lalo itong si Jake na ibinibida ang bago niyang girlfriend. Eh alam naman naming lahat na di magtatagal ay iiwan niya din yun. Si Jake pa, dakilang babaero. Patuloy lang ako sa paglaklak ng alak. Biglang nabaling sa akin ang atensiyon ng isa pa naming pinsan na si Paul. Si Paul naman ay anak siya ng pinakabunsong kapatid nila mama. Guwapo din tulad namin hehe.

“Kuya Rye! Kanina ka pa tahimik jan. Napansin ko noon dumating si Kuya Jake ay hindi ka na nagsasalita. Magkaaway ba kayo? Actually dati pa namin napapansin ni Don yan.” Nagtatakang tanong niya sa akin.

“Hindi ah. Inantok kasi ako!” depensa ko sa sarili.

“Di nga? Kasi dati-rati naman halos hindi na kayo maghiwalay sa pagiging close niyo. Nakapagtataka lang na hindi na yata namin kayo nakikitang nag-uusap man lang.” dugtong niyang may pagtataka pa din sa mukha.

“Oo nga! Matagal na naming napapansin yan. Pero pag wala ang isa sa inyo, lagi naman kayong naghahanapan. May LQ ba kayo?” sinabayan pa ni Don ng nakakalokong tawa.

“May LQ kayo no?” dugtong naman ni Paul.

“Tigilan niyo nga kami” binaling ko ang tingin kay Jake. “Ikaw ba may galit sakin?”

“Wala Kuya ah.” Sinabayan ng tawa. “Ikaw.. Galit ka ba sakin?” balik tanong niya sa akin.

“Hindi din. Maissue lang tong mga pinsan mong kulugo!” sinabayan ko ng pekeng tawa.

“Yun naman pala eh.” Sabay wika ng dalawang kulugo.

Kwentuhan na naman. Pero as usual hindi pa din kami nag uusap ni Jake. Tila nagpapakiramdaman lang kami kung sinong unang magsasalita sa amin.

“Kuya Rye!! Ikaw naman kumanta. Namimiss na namin boses mo.” Sabi ni Jessica. Siya naman yung bunsong kapatid ni Jake. Dalawa lang silang magkapatid.

Sumunod naman kaagad ako. At hiningi yung song book. Naisip kong kumanta ng pang mataasan pero biglang sumagi sa isip ko yung kantang lagi naming kinakanta ni Jake noon. Kaya yun na ang pinili ko, gusto ko lang malaman ang reaksyon ni Jake pag narinig niyang kinanta ko yun. Naalala ko kasi dati, ilang beses pa naming inuulit-ulit yun. Sabi niya kasi yun daw yung theme song naming. Haha. Di ko naman alam kung bakit yung ang naisip niyang theme song. Kaya isinalang ko na lang ang “Gemini” ng spongecola.

Nang magsimula na ang familiar sound ay tiningnan ko kaagad si Jake. Nahuli ko siyang nakatingin sa akin na para bang masaya siya at kinanta ko yung kanta namin. Binawi ko kaagad yung tingin ko sa kanya, naiilang kasi ako. At nagsimula na akong kumanta.

Come a little closer

Flicker in flight

We'll have about an inch space

But I'm here I can breathe in

What you breathe out

Let me know if I'm doing this right

Let me know if my grip's too tight

Let me know if I can stay all of my life

Let me know if dreams can come true

Let me know if this one's true

Cause I see it

And I feel it

Right here

And I feel you right here

Sa part ng kantang to “cause I see it and fee it, right here”. Sabay kaming nagkatinginan at tila damang dama ang bawat lyrics. May action pa siyang ginawa na nakahawak sa puso niya habang nakatingin sa isa’t isa. Ganun na ganun kasi yung ginagawa namin dati. Nakaramdam ako ng kilig, kasi ang cute niya habang ginagawa yun. Napangiti nalang ako.

The vacuous night

Steps aside to give meaning

To Gemini's dreaming

The moon on it's back

And the seemingly

Veiled room's lit

By the same star

And I feel it right here

And I feel you right here

Natapos ko din ang kanta. Pero as usual walang pumalakpak, sanay na kasi silang lahat sa boses ko. Pero nung ibaling ko ang tingin kay Jake, nakangiti siya sa akin. Parang may ipinapahiwatig. Binalewala ko lang at iniiwas ang tingin sa kanya.

Natapos ang inuman mag-aalas dose na ng gabi. Nagsiuwian na ang ibang kamag anak. Pero napagkasunduan naming magpipinsan na sa bahay na matulog. Sanay naman kami sa ganun kapag may okasyon at walang pasok kinabukasan. Ihahatid lang muna daw ni Jake si Gelic sa kanila. Mejo malapit lang naman ang tinitirhan ni Gelic.

Lasing na lasing na si Don at Paul, inunahan pa akong humiga sa kama ko. Ako tuloy ang nawalan ng pwesto. Kaya inilatag ko nalang yung extra foam sa baba ng kama. Mejo Malaki yun na kasya ang apat na tao. Napag-isipan kong maligo nalang muna para kahit paano ay mahimas-masan, kaya nagtungo ako sa baba ng bahay kasi wala namang attached bathroom yung kwarto ko.  Wala ng tao sa baba, malamang ay mga tulog na.

Nang matapos akong maligo lumabas ako ng banyo ng nakatapis lang ng puting tuwalya. At naramdaman kong parang may tao na nagbubukas ng pinto. Tumungo ako sa sala para alamin kung sino ang tao na iyon. Maya-maya ay iniluwa ng pinto si Jake.

Napatitig siya sa akin. Kinabahan ako sa titig na yun. Kasi yun ung mga titig na nasisilayan ko sa mga mata niya dati. Yung titig na may pagnanasa. Yung titig na kinakabaliwan ko. Napansin niya sigurong nakatingin ako sa kanya. Iniiwas niya din kaagad ang mga mata niya.

“I-ikaw pala yan!” malamig kong sabi. Saka agad tumalikod sa kanya at tinungo ko ang hagdan. Nung akmang hahakbang na ako, ay bigla siyang nagsalita.

“KUYA RYE!” mejo malakas na pagtawag niya sa akin.

Nilingon ko siya, at itinaas ko lang ang dalawa kong kilay na kuway nagtatanong.

“Kuya!” ulit niya pero mejo malumanay na ang boses niya. Nakita kong lumungkot ang mga mata niya. Nakakaawa siyang tingnan, pero ayoko namang alamin ang dahilan ng lungkot na yon.

“ANO NGA?!!” inis kong sagot sa kanya.

“Kelan mo pa ako papansinin ng tulad ng dati?” ramdam ko ang lungkot sa mukha niya.  Natulala ako sa nasabi niya, tila nag flashback sa isipan ko ang nakaraan. Pero agad kong pinigil, ayoko kasi magpadala sa awa na yon. Ayoko magkasala ulit. Pinsan ko siya at pareho kaming lalake.

“Anong pinagsasabi mo? Kinakausap naman kita ah.”  Muli ay pinagmasdan ko siya. Tila may nangingilid na luha sa mga mata niya. Nabibigla ako sa inaasta niya. Anong ibig sabihin ng mga luha na yun? Nasasabik din kaya siya sa akin? Samantalang ilang panahon na din ang lumipas at kinaya niya akong tiisin? Hindi na siya lumalapit sa akin, nagmamatigas lang naman ako eh. Pero ayoko namang lumayo siya sa akin. Hindi ko lang talaga kasi maintindihan yung nararamdaman ko. Noong una akala ko libog lang yun. Pero habang tumatagal ibang-iba ang nararamdaman ko. Nangungulila ako sa kanya. Pero laging sinasabi ng isip ko. ‘hindi pwede’.

Namimiss niya din kaya ako? Gusto ko sanang malaman yun. Pero para saan pa, kung pipigilan ko din naman. Hindi ko kayang matanggap sa sarili ko itong nararamdaman ko para. Kasi ang alam ko lalake ako.

“Kinakausap mo nga ako, pero hindi na tayo tulad ng dati.” Nakayuko lang siya at alam kong pinipigilan niyang mapaluha.

Wala akong maisip na salitang sasabihin sa kanya.

Tumahimik siya sandali saka nagpatuloy “MISS NA KASI KITA KUYA!! Miss na miss na kita!!” mangatal-ngatal ang boses na binanggit ang mga salitang yon na nakatingin sa akin. Nakita ko ding may tumutulong luha sa mga mata niya.

Miss niya nga ako. Gusto kong mapaluha din sa narinig ko. Kasi yun ang gustong gusto kong marinig mula sa kanya. Bumilis ang tibok ng puso ko. Gusto ko siyang lapitan at yakapin at sabihing MISS NA MISS ko na din siya. Pero may bahagi ng pagkatao ko na pumipigil sa gusto kong gawin.

“Lasing ka lang.” mahina kong tugon

Dahil hindi ko na alam kung ano pa ang itutugon ko at ramdam ko din na may namumuong luha sa mga mata ko ay tumalikod na lang ako. Ayoko siyang harapin. Mas minabuti ko pang umalis sa harapan niya at nagmadaling umakyat sa kwarto.

Alam ko mali ang inasta ko. Iniwan ko lang siya. Hindi ko talaga kasi alam ang dapat gawin. Kung alam niya lang sana din kung gagano akong nangungulila sa kanya. Kung alam niya lang kung gaano kahirap para sa akin ang pigilin ang nararamdaman ko.

Nang marating ko ang kwarto ay lumapit ako sa kama upang gisingin ang isa sa kanila. Palilipatin ko lang sana sa foam na inilatag ko. Kasi alam ko dito matutulog si Jake. Kaso parang mga mantikang tulog at ayaw magising. Kaya wala akong nagawa kundi humiga nalang sa foam na nilatag ko. Nilagyan ko nalang ng isang unan sa gitna namin para kung sakali mang humiga si Jake ay hindi kami magkakadikitan.

Hindi ako makatulog dahil sa narinig ko mula sa kanya. Madaming pumasok sa isipan ko.

Isang oras na ang lumipas pero wala pa din si Jake sa tabi ko. Naisip ko na baka sa sofa na siya matutulog dahil sa nangyari. May bahagi na gusto ko siyang makatabi at yakapin. Nagtatalo pa din ang isipan ko. Hanggang sa di ko na namalayang nakatulog na pala ako.

Nagising ako ng may gumalaw sa tabi ko. Baka si Jake na ito. Nakatalikod kasi ako at nakatalukbong. Pinakiramdaman ko lang ang ginagawa niya. Tila inaayos nya ang unan at saka marahan na humiga. Nang wala na akong maramdamang pag galaw ay nakatulog na ulit ako.

Muli akong nagising ng napansin kong may nakayakap sa likod ko. Mahigpit ang pagkakayakap at ramdam ko ang init ng katawan na dumadampi sa likod ko. Hindi ako kumilos, dahil gustong gusto ko yung init na dala ng yakap niya. Alam kong si Jake yun. Pero hindi na ako kumawala, dahil hinayaan ko na lang ang isang bahagi ng pagkatao ko na maranasan yung yakap na yun.

“Sana miss mo din ako.” Mahinang sabi niya.

Nagkunwari pa din akong natutulog at dinadama ang sandaling yun. Napakasarap. Nakatulog nalang ulit ako na may mga ngiti sa labi. Hinayaan ko na sarili ko. Tutal eto naman ang tunay na nagpapasaya sa akin. Pag gising ko nito ay magkukunwarian na lang akong walang alam sa ginawa niya.

Sobrang guwapo talaga ni Jake ngayon. Gumanda ang katawan. May hawig siya kay Nikko ng Hashtag. Pero mas guwapo pa siya kay Nikko. Siya yung Nikko na brusko ang dating.

Habulin pa ng chicks at bakla. Wala na nga akong laban sa kagwapuhan niya eh. Ako guwapo lang, siyang SOBRANG guwapo.

Pag nakita niyo siya baka mainlove din kayo.

Pasenya na, ngayon lang kasi ako nagsulat. Hindi talga kasi ako writer kaya hindi ko masyado ma express in words.

Pag nagustuhan niyo pa din ito. Itutuloy ko pa.

Itutuloy…

No comments:

Post a Comment

Read More Like This