Pages

Thursday, March 16, 2017

Sigaw ng Pugad Lawin (Part 21)

By: Bobbylove

“1,042 kilometer”

(Love is… travelling the distance for you!)

You can reach me by railway
You can reach me by trail way
You can reach me by an airplane
You can reach me with your mind
You can reach me by caravan
Cross the desert like an Arab man
I don’t care how you get here
Just get here if you can!

Kahit anong problema at balakid man ang pipigil, ay gagawa at gagawa ng paraan ang taong umiibig masunod lang ang sinisigaw ng puso.
Kagaya nga ng sabi sa kanta ni Oleta Adams…

There are hills and mountains between us
Always something to get over
If I had my way
Surely you’d be closer
(Coz) I need you closer…

Kaya hindi ako naniniwala na LDR (long distance relationship) ang dahilan ng maraming cases ng hiwalayan eh… kasi pag mahal mo lagi kang makakagawa ng paraan para maiparamdam mo’ng mahal mo siya… na espesyal siya… at kahit malayo ma’y lagi siya’ng may puwang sa puso mo… sa ngayon nga, a simple message will do…. o yung simpleng assurance na babalik ka at loyalty enough na yun to cover up all the lapses at yung mga time na hindi kayo mag kasama…

Isa pa, kahit sobrang layo niyo sa isa’t isa kung buo at tunay na pag-ibig ang naguugnay sa inyo’y mananatili kayong matatag, kahit hindi kayo laging nagkikita… kaya kapag binitawan ka na? at sasabihing hindi niya kaya ang LDR? Wag ka’ng maniwala friend… dahil ang gusto niya lang talaga sabihin sayo ay HINDI KA NA NIYA MAHAL…. Na wala… Na bumitiw ka na…

*************************
Panay ang pakuha namin ng litrato ni Jude kahit noong papasok pa lang kami sa fort Santiago. Magaling siyang kumuha ng litrato at lagi siyang may mga sensible na caption sa mga ito; madalas ay mga close-up pictures ang mga kuha dahil mas madali ma capture yun gamit ang mga telepono namin. Minsan naman ay nagpapakuha kami sa ibang tao sa paligid; bastat makakita siya ng taong maaaring maabala ng saglit ay siguradong gagawin niya yung instant photographer.

Pareho kaming namamangha sa magandang arkitektura na aming nasisilayan. Lalo na yung mga naka ukit sa isang malaking gate. Halatang ang bawat istraktura ay pinatibay at mas ginawang espesyal ng mga nagdaang taon. Nakakamangha… Sobra yung tuwa’ng naramdaman namin nun dahil pareho naming first time sa lugar na iyon. Isa pa, iba yung serenity na bigay ng atmosphere ng lugar. It was never on my bucket list of the places I wanted to visit, talagang pumunta lang ako doon upang mag document para sa report na kailangan ko’ng gawin sa aking Rizal subject na hindi ko na napapasukan dahil sa contest; pero noong nandoon na ako’y hindi naman ako nagsisi. It was a majestic place... Isa pa.., masaya kasama si Jude.

Sa isip ko, sobrang mamimiss ko si loko… kung meron man kasing unang tao na tumanggap sa tunay ko’ng pagkatao ay siya yun. Totoo’ng never ako nakatanggap ng judgement sa family ko growing up… noon pa lang alam ko’ng alam na nila’ng bakla ako; ako lang naman yung laging tumatanggi eh. Kaya thankful ako kay Jude eh… he pushed me out of my fears and hesitations… pinaalam niya sa aking walang masama sa pagiging ako… na hindi dapat ako matakot kung may tatanggap ba sa akin… dahil nariyan siya… kahit hindi pa namin ganoon ka kilala ang isat-isa (noon) alam ko’ng nasa likod ko lang siya at batid ko ring totoo lahat ng sinasabi niya…

Nasa harap kami ng isang gate na hugis arko nung marinig ko’ng tawagin niya ang pangalan ko. “Boooobbb!!!” masaya yung boses niya. Hindi ko alam, pero medyo weird yung feeling na marinig siyang bigkasin ang pangalan ko; noon na lamang niya kasi binanggit iyon. Simula kasi noong nag decide siyang tawagin akong “YABS” ay yun at yun nalang ang tinatawag niya sa akin.

Tiningnan ko siya na may halong pagkamangha. Hawak niya ang kanyang cellphone na naka tutok sa akin, malaki ang ngiti at pakiwari ko’y nagniningning ang mga mata. Bago pa man ako maka kilos at mag react ay muli ko siyang narinig na magsalita, “Smmaaaayyylll!!!!” (Smile). Pagkatapos ay mabilis rin na inalis ang atensyon sa akin pati na rin ang hawak na telepono.

“Pakol ka!!!! Wala ko kabantay! Patan-awa ko!”  Mabilis akong lumapit sa kanya upang matingnan ang kinuha niyang litrato. (Pakol ka! Hindi ako ready! Patingin nga ako!)

“Cute man!!!” hirit niya habang nilalayo ang phone sa akin.

“Patan-awa ko!” (Patingin nga ako!)

“Cute lagi ka!” sobrang lakas ng boses niya noon…

Halatang labis labis ang tuwa ni loko na hindi na niya mapigilan ang malalakas na halakhak at unguarded na mga kilos niya. Honestly.., natutuwa din akong makita siyang ganoon kasaya… I thought, kilala ko na si loko… na, na witness ko na yung peak ng personality niya; pero iba siya nung araw na yun eh! It was like, that moment unleashed the inner child in him… I know I told you na kengkoy si Jude.., at yun nga siya… may mga moment na masyado siyang quirky na sobrang awkward sa physical appearance niya! Masyado siya’ng pabebe pag naglalambing at nagpapapansin! (Mas lalo ngayon) pero iba siya nun eh. I don’t know how to explain.., pero iba…. Iba yung tawa niya! Iba yung energy! Iba yung spark ng mata! Kahit yung mga kilos niya… iba!

“Ambot nimo!” (Ewan ko sayo!) Sinubukan ko’ng magtunog galit, pero alam ko’ng hindi siya maniniwala dahil hindi ko rin mapigilang ngumiti. Oo... Loser ako nun! Natatalo ako ng saya ni Jude. Natatalo ako ng ngiti at kakulitan niya.

“Cute bitaw ka!” (Cute ka naman talaga!)

Inismiran ko lang si loko. Sinusubukan ko pa rin ang magic ng pagmamaldita at pacute epek ko.

Noon ay mabilis niyang hinawakan ang magkabila ko’ng pisnge saka iniharap sa kanya. “Cute ka nga!” ngumiti siya, habang marahang pinipindot-pindot ang mukha ko gamit ang kanyang mga palad. Makulit niyang pinaglalaruan ang mga pisnge ko’ng hindi naman mataba… pinipilit maging squeeze-y kahit wala namang tabang pwedeng pisilin. “Sobra! Cute kaayo ka Yabs!” hirit niya uli.

Natigil lang siya sa pagpisil sa pisnge ko at pagtitig sa mukha ko noong may dumaang mga namamasyal. Mabilis niya akong kinabig saka nilapitan yung mama para makiusap na kunan kami ng litrato. Noong pumayag ay agad niya akong hinila sa harap ng arko saka sinabihan na ngumiti.

Halos naka yakap na sa akin ang mga bisig niya habang nakangiting nakatingin sa kumukuha ng picture. Noong matapos ay tumakbo siya palapit sa mama mabilis na tiningnan ang picture saka humirit ng isa pa.

“Baba!” saka mabilis na yumuko para maka sakay ako sa likod niya.

(Note: ‘Baba’ pronounced as “Ba-ba” <parang baba black sheep> is a Cebuano word which means “Sakay sa likod” or “sumampa sa likod”).

“Nganong mag baba pa man?” (Bakit kailangan ko pa’ng sumakay sa likod mo?) Magkahalong pagkalito at pagkahiya ang nararamdaman ko noon.

“Dalii kay nag hulat si kuya. Ulaw kaayo!” (Bilisan mo na at naghihintay si kuya. Nakakahiya!) Bulalas niya habang sinisenyasan din ang mama ng “saglit lang”. Batid ko pa rin ang saya ni Jude, at alam ko, tulad ng lagi niyang ginagawa ay sinusubukan na naman niyang gawing espesyal ang bawat saglit para sa akin… ginagawa niyang memorable yun!

It would be unfair kay Jude kung sakaling basagin ko ang mga trip niya kaya sinunod ko na rin ang nais niyang gawin ko. Pinulupot ko ang mga bisig ko sa katawan niya habang sumasakay sa malapad niyang likod… naaalala ko pa ang malaki niyang ngiti noong sumuko na naman ako sa nais niya… hindi rin niya inalis ang tingin sa akin habang sumasampa ako. Hindi na iba sa amin yung mga bagay na iyon; hindi din iyon ang unang beses na isakay niya ako sa likod niya… ang tanging nagpapabukod tangi lang naman sa moment na iyon ay ang kilos niya… hindi ko talaga ma point out kung ano yun, basta ramdam ko at alam ko may iba sa kanya…

Mabilis namang natapos ang pagkuha ng litrato; pero noong lapitan na namin si kuya ay pansin namin ang medyo naughty grin niya. Medyo may ibang ibig sabihin din ang mga ngiti at paminsang pagngisi ni kuya sa tuwing titingin sa amin ni Jude. Alam niyo yung ngiting parang nang-aasar? Ganoon! Alam ko namang weird talaga para sa ibang tao na may makitang same sex na medyo intimate o sobrang sweet sa isa’t-isa at honestly medyo sanay na ako sa mga ngiti at tingin na ganoon (Bakla ako eh! Kahit saan ako pumunta lagi akong may na i-encounter na mga taong minamata ako. One of the stupid reason kung bakit takot ako umamin dati), kaya nga ang worry ko nalang noon ay si Jude. Alam ko nahahalata niya na rin yung gusto’ng sabihin ng mama, kaya palagay ko’y nanunuot na rin sa kanya ang hiya’ng nararamdaman ko.

Medyo nakakatakot rin… kasi baka maisip niyang iwasan ako! Kasi nga judgmental ang tao by nature at for sure kung itutuloy niya ang mga sweet gestures niya ay marami pang tulad ng Mama, na wala mang sabihin ay ipaparamdam sayo yung flaws mo. Mamatahin, hahamakin at pilit ka nilang hihilahin pababa… yun yung nasa isip ko noon, pero iba si Jude! Sa halip na mangliit dahil sa hiya? Inakbayan niya ako medyo idinikit pa sa dibdib niya, saka nginitian ang mama at pinasalamatan.

Ang mas nakakagulat pa ay ang binigkas niya bago namin iwan ang lalake. “I know what you think kuya. Pero mahal ko ito eh!” tuloy-tuloy niya’ng sinabi saka ako hinalikan sa noo sa harap mismo ng mama at inakay na papasok sa malaking gate. Nakakabigla! Pero sobrang sarap sa pakiramdam. All my life, I tried the hardest to ignore each judgement na natatanggap ko. Ganoon ako eh! Ako yung mananahimik nalang dahil yun yung nakasanayan ko. Pero sa ginawa ni Jude? Parang itinaas niya ang confidence ko! At first time ko’ng maramdaman yun… first time ko’ng naipamukha sa iba na walang mali sa akin.

“Thank you.” Pabulong ko’ng sabi kay Jude. Nakaakbay pa rin siya sa akin at busy pa rin ang kamay sa kakakuha ng litrato.

“Anong thank you?” rinig ko rin sa boses niya ang pagngisi.

“Thank you sa ginawa mo kanina!”

“Nge! Mag sorry gani dapat ako! That guy doesn’t know the right and wrong. Polluted na rin ang utak!”

“Psst…” pag saway ko.

“Oo nga! May pangiti-ngiti pa yung unggoy! Pangit naman kumuha ng picture! Buti nalang cute tayo, kaya pwede na yung mga shots niya!”

“Sira ulo!” nakangisi ko’ng sagot.

“See? Tumatawa ka na. Hayaan mo na yun si Kuya, hindi niya alam ang sinasabi niya! Basta pag maulit pa yung mga ganoon? Sabihin mo yung nararamdaman mo!”

“Ako silang awayon?” (Makikipagaway ako?)

“Tistingi kung ‘di ka ato sumabagon!” (Subukan mo kung hindi ka nun suntukin!) Tumatawa-tawa pa si loko.

“Ana ka. Ako silang sultian sa akong gibati?”   
(Sabi mo. Sasabihin ko yung nararamdaman ko?)

“O gane! Lahi man ng mangaway!”   
(Oo nga! Iba naman yung mang aaway!)

“Unsa ra diay?”
(Ano ba dapat?)

“Istorya! Ingni nga di maayo ilang ginaingon!”
(Kausapin mo! Sabihin mo’ng hindi maganda yung sinasabi nila!)

“Muhilom nalang diay ko?”   
(Kung manahimik nalang kaya ako?)

“Pwede man! Pero kabalo ko nimo maguol ka! Ug ‘di jud healthy yabs!”
(Pwede naman! Pero kilala kita, alam ko mag wo-worry ka! At hindi yun healthy yabs!)

Tahimik lang ako. Totoo yun eh! Kilala nga niya ako!

“Diba? Maguol ka? Muhilak hilak dayon unya magsige’g pangutana. Mupangit pa jud ka!”   
(Diba? Mangangamba ka? Iiyak-iyak ka agad at magtatanong ng magtatanong. Pumapangit ka pa!)

“Pangit jud diay?”
(Pangit talaga?)

“O eh! Pwerteng pangita!”   
(Oo naman! Sobrang pangit!)

Pinalo ko siya sa braso.

“Bitaw! Ing-ani imong mawong Yabs oh!” ginaya niya ang mukha ko’ng nakabusangot! Mas OA lang kasi alam ko’ng iniexaggerate niya iyon; mas pinapangitan niya ang itsura niya.
(Totoo nga! Ganito ang mukha mo yabs oh!)

Pinalo ko lang ulit ang braso niya habang natatawa sa pangaasar niya.

“‘Di ko naman kayang sabihan yung mga tao eh…. Saka marami sila!”

“Ganoon? Edi shotain mo ako… para… may magtatanggol sa iyo!”

“Loko!” sabay pakawala ng isa pa’ng palo. Dineadma ko nalang yung mga tinuran niya dahil alam ko namang biro lang ang mga iyon. Alam ko gusto niya lang ako protektahan at naniniwala ako dun, pero alam ko ring yung mga pahapyaw na pahayag niya’y talagang pahapyaw lang… walang lalim kung baga… kung meron man… siguradong bilang kapatid o pang-kaibigan lang.

Habulan at tawanan lang kami ni Jude noon. Wala kaming pakialam sa mga tao sa paligid at parang pag-aari namin ang buong lugar.

*****************

Masaya kaming nagkukuhunan ng picture sa harap ng hegante’ng rebulto ni Dr. Jose Rizal, ng makatanggap ako ng text mula kay Richard. “Boss nasan ka?”

Hindi ko matandaan kung naikwento ko na ba sa inyo na may sinabi si Jude tungkol sa pakiramdam niyang kailangan ko lang siya kapag nasasaktan ako. Siyempre hindi totoo yun! At kahit kailan ay hindi ko gugustuhing gawin yun! mahalaga sa akin si Jude, maniwala man kayo o hindi sobrang laki ng utang na loob ko sa kanya; kaya sinisigurado ko’ng  totoo yung intensyon ko’ng pakikipagkaibigan sa kanya… wala sa isip ko na gamitin lang siya o i-keep siya dahil napapagaan niya ang loob ko. Mabuti siyang tao at noong mga panahong yun ay isa siya sa mga kaibigang pinagkakatiwalaan ko.

Dahil sa sumagi sa isip ko yung mga nasabi niya dati pati na rin yung saya’ng bumabakas sa mukha niya’y pinili ko’ng hindi na lang replayan si Kumag. Magkikita rin naman kami sa Hotel kinahapunan… isa pa, naipangako ko kay Jude ang araw na yun eh! Saka medyo matagal-tagal na rin kaming hindi lumalabas o nagba-bonding.

Ilang text pa mula kay kumag ang dumating sa phone ko, hindi lang pa rin ako nag reply. Ang totoo nga’y hindi ko na rin binasa ang mga ito eh.

Maya maya’y tumawag na si Richard. Nanlaki lang mga mata ko nung marinig ang pag ring at nung mapansing nakatingin na sa akin si Jude. “Si Richard?” mahinahon niyang tanong.

Tumango ako.

“Bakit kinakabahan ka?”

Nakatingin lang ako sa kanya… hindi makasagot.

“Sagutin mo na! Bilisan mo lang para makalibot pa tayo.” Sabi niya saka binaling sa iba ang atensiyon, wari’y binibigyan ako ng privacy.

“Ayos lang?” medyo pasigaw ko’ng tugon, naglalakad na kasi siya palayo mula sa kinatatayuan ko.

“Oo!” tila isang malamig na hangin na humihipo sa aking pandinig ang boses niya. Nababahala man ako sa kilos niya’y sinagot ko na ang lalaking kanina pa tumatawag. Magpapaliwanag nalang ako pagkatapos.

“Boss nasan ka?” bungad ng lalake sa kabilang linya.

“Chard! May pinuntahan lang ako.”

“Galing ako sa hotel niyo. Sabi nila nasa Fort Santiago daw kayo ni Jude?”

“Oo nandito nga kami.” Pinilit ko’ng huwag ipabatid ang kaba at pagkabahala ko.

“Nasa loob pa ba kayo? Saan banda Boss?”

“Bakit?” Honestly hindi ko na talaga super matandaan yung conversation namin. Isa lang ang sigurado ko mukha akong ewan nun! Nakatingin kasi si Jude mula sa malayo at medyo nawala na yung magandang vides niya… pati yung ngiti niya medyo naglaho na rin at napalitan ng pagaalala. Pag-aalala na hindi ko mawari kung ano ang rason.

“Boss! Nandito kasi ako sa may fountain. Malayo na ba kayo?”

“Nandito ka rin?” medyo gulat ko’ng tanong.

“Oo eh…” bakas sa boses ang pagkahiya o baka hindi lang niya inasahan ang magiging reaksyon ko.

“Saglit chard ha. Diyan ka lang.” mabilis ko’ng inend ang call saka lumapit kay Jude.

Plain ang itsura ni loko noon. Actually feeling ko mas gwapo siya pag ganoon ang itsura niya. Naniningkit kasi at lumalalim ang mga mata niya at nag-iiba ang shape ng lips niya (I know it sounds funny) hindi ko na naman kasi alam kung paano ko idedescribe yun, para siyang naka simangot na nakangiti… lumiliit yun na parang naka pout. Basta sobrang cute.., yung parang batang nagtatampo… ganoon!

“Beb… si Chard naa daw sa gawas…” simula ko.
(Beb… si Chard nasa labas daw…)

Tahimik lang siya. Tanging titig lang ang hinayaang kumausap sa akin.

“Pwede ko ba’ng puntahan?” (I know ang kapal ng mukha ko.)

“Oo naman…” matamlay niya’ng sagot.

“Diri lang ka?”
(Dito ka lang?)

“Mu-uban ko.” walang gana niyang tugon.   
(Sasama ako.)

*****************

‘Di naman sobrang layo ng pinanggalingan namin sa fountain. Lalabas lang kami actually uli sa gate (arko) kung saan kami nag pa picture ni Jude at naroon na ang fountain.

Malayo pa lang ay tanaw ko na si Richard. Naka upo sa isang itim na metal bench sa harap ng fountain. Habang papalapit kami ay pabilis ng pabilis ang kabog ng puso ko… hindi ko noon matingnan si Jude alam ko disappointed siya… at kahit hindi ko pa masdan ang wangis niya’y na iimagine ko na ang malungkot niyang mukha. At na gi-guilty ako ng dahil doon.., nasasaktan ko siya… nasasaktan ko ang kaibigan ko… at nadudurog ako na maisip na nasasaktan siya ng dahil sa akin.

“Boss!” sigaw ni Richard. Parang naka slow motion siya’ng tumayo sa kinauupuan saka masayang nag wave sa akin, naka suot siya ng maroon na polo shirt at puting short pants hawak niya ang kanyang cellphone at ang isang map (walking tour guide) na binibigay pagkatapos mo’ng magbayad ng entrance fee.

Halos takbuhin ko na ang daan papunta sa kanya. Kaya nama’y medyo hingal ako noong makarating sa kinaroroonan niya… (Because of magkahalong pagod at kaba maybe).

“Excited ah…” bulong ni Jude na nakasunod sa akin.

‘Di ko nalang pinagtuunan ng pansin ang pinupunto niya.   

“Chard. Bakit ka nandito?” simula ko.

“Sabi kasi nila nandito ka daw Boss eh… gusto sana kitang makita…”

“Boss?! Nagwowork ka diay sa kanya?” pagsingit ni Jude nung marinig na tawagin ako’ng Boss ni kumag. For sure hindi yun yung unang beses na marinig niya yun, pero yun probably yung time niya na puwedeng sabihin yun kay Richard. (Sinadya ko po yung tagalog… ganyan po magtagalog si Jude.)       

“Yah Boss… Partner ko yan eh!” nakangiti’ng sagot ni kumag.

“Ako ang orig na partner!”

“General Partner ako. Nominal ka lang naman daw ah!” mayabang na sagot ni kumag. (Exact statement ni kumag. At never to nakalimutan ni Jude, until now. Pag nagtatampo siya minsan nasisingit niya lagi na nominal partner lang daw siya. <Which is not true>).

“Chard!!!!” sinubukan ko’ng patigilin sila.

“Sorry Boss…”

“Chard… ganito kasi eh… gumagawa kasi ako ng project… report… kaya kailangan ko’ng maglibot para makakuha ng mga datas na kailangan ko…” (Not true… I got all the necessary datas sa mga leaflets na nakuha ko sa mga nadaanan naming stations. Especially doon sa multimedia presentation na napanood namin.)

“Okay… sasamahan kita boss…”

“Kasama ko kasi si Jude. Niyaya ko siya kagabi.”

“Okay lang. Sasama nalang ako sa inyo.”

Nilingon ko si Jude. Susubukan ko sanang mag tanong kung okay lang, pero nakuha ko na ang sagot niya sa pamamagitan ng mga naluluha niyang mata. Oo naiiyak siya, for unknown reason… hindi ko man lubos na naiintindihan pero alam ko ako ang may kasalanan nun.

Mas kinumpirma pa yung sigaw ng utak ko nung magsalita siya. “Paulion nako nimo Yabs?” (Pauuwiin mo na ba ako Yabs?), medyo napangiwi pa siya nun halatang pinipigilan ang emosyon dahil takot siyang mapahiya.

“No!” bulalas ko. Na giguilty ako at alam ko’ng responsibilidad ko ang nararamdaman niya. Ako ang nagyaya sa kanya at pumasok uli sa isip ko ang request niya nung ayain ko siya, “Ako lang imong ubanon.” (Ako lang ang isasama mo.) At pinangako ko namang tutuparin yun.

“Chard. Napag-usapan na naman natin diba?” ito lang nasabi ko eh. I know it doesn’t make sense kasi ang dami na naming pinag-usapan. Pero wala eh… talagang mahina lang siguro ang utak ko lalo sa paghandle ng mga sitwasyong hindi ko inaasahan.

“Oo naman. ‘di naman ako nagseselos eh… gusto lang kita makasama…” hirit niya.

“Chard… ano kasi eh….”

“Yabs. Okay lang! Muuli nalang ko.” muli ko’ng narinig ang malungkot na boses ni Jude.

“Hindi. Nag promise ako Jude!” hinawakan ko ang kamay ni Jude upang hindi niya magawang umalis. “Chard. Nangako ako sa kaibigan ko eh… tinupad niya yung request ko kaya dapat tuparin ko rin ang pinangako ko…”

“Boss…”

“Magkikita naman tayo mamaya eh!” nginitian ko siya. “Pero sana ngayon… hayaan mo muna akong gawin yung pinangako ko sa mamang ito…” sabay turo sa lalaking katabi ko. Hindi alam ni Kumag kung ano yung ipinangako ko, pero hindi na siya nagtanong pa… pinangangatawanan niya siguro ang pangako niyang iiwasan ng magselos.

Marahan lang siyang tumango. Alam ko disappointed rin siya pero batid ko ring tama ang ginawa ko’ng desisyon. Ilang beses ko na rin kasing na take for granted si Jude. Hindi naman ako sobrang manhid para hindi maramdamang na fe-fail ko siya. Una nung… date dapat namin pero mas pinili ko’ng mag stay sa party ni kuya Rantty. Pangalawa, yung student’s night… ipinangako ko’ng kay Jude lang ang gabing yun pero nag paubaya siya para sa ikasasaya ko at upang makasama ko si Superman. Kaya hahayaan ko na naman bang maulit yun? Mahal ko ang kaibigan ko at gusto ko’ng mabatid niyang kahit pa may tinitibok na ang puso ko’y may puwang pa rin siya sa buhay ko. Na mahalaga siya… na alam ko ang value niya…

“Chard? Okay lang ba?” kinakabahan ko’ng tanong.

“Oo naman Boss. Okay lang. magkikita naman tayo mamaya eh…” ngumiti siya. Alam ko ring sinusubukan niyang ipabatid sa aking kaya niyang tuparin ang sinabi niyang iiwasang magselos. Pero.., kita pa ring fake ang ngiti ni kumag… nakangiti kasi ang mga labi niya pero iba ang sinasabi ng mga singkit niyang mata.

Pagkatapos nun ay nagpaalam na kami kay kumag. Ni hindi ko na siya nilingon nung bumalik kami sa loob, hindi ko kaya eh… na gi-guilty rin ako…

Tahimik naming binaybay ang daan papasok. Wala na ang energy ni Jude at na giguilty pa rin ako sa ginawa ko. Nasasaktan ko sila pareho kahit hindi ko naman sinasadya. Nakakainis kasi pakiramdam ko’y kahit anong gawin ko’y may masasaktan ako sa kanila.

Nilingon ko si Jude, nginitian niya ako pero… yung ngiti niya’y parang lumamlam na… alam ko yun eh! Ganoon siya kapag, sinusubukan niya’ng sabihin sa akin na ‘everything is fine’ kahit siya mismo ay hopeless na. Sabihin na nating madalas ay tarantado si Jude pero… sobrang lambot ng puso nun. Willing siya lagi mag pakumbaba para sa mga taong mahal niya.

**********************

Naka upo kami sa isang mataas na spot sa Baluarte De San Diego (Not sure. My apology just in case mali na naman ako. Can’t google it po… na-i report ko siya sa class dati pero hindi ko na rin masyado matandaan eh… kaya sorry…). Nasa spot kami kung saan overlooking ang parang malaking maze na gawa sa matitibay na bato. Malakas ang simoy ng hangin, tirik ang araw pero hindi ramdam ng aming mga balat dahil sa maya-mayang paghaplos ng hangin sa amin. Napaka nostalgic ng atmosphere, yung tipong lahat ng bagay sa paligid ay puno ng mga ala-ala…. Malulungkot… masasaya… madugo… mapanganib… pero batid ko’ng bawat yugto ay puno ng pag-ibig… iba’t-ibang uri ng pag-ibig…

Tahimik lang si Jude… nakatanaw sa malayo ang mga mata… hindi ko alam kung sinusulit ba niya ang ganda’ng nasa harap niya o iniisip lang ang mga nangyari kanina. Batid ko ang lalim ng tinutumbok ng kanyang isipan, pero hindi ko magawang alamin ito dahil sa pilit na binibigkas ng tibok ng puso ko at bawat galaw ng isip ko ang pangalan ni kumag.

Nagseselos siya… Alam ko nagseselos yung halimaw na yun! Nakakainis sa tuwing nagagalit siya… nagmamaktol ng di ko maunawaan sa tuwing nag seselos. Pero noong sabihin niyang okay lang? Kahit na alam ko namang hindi? Iba din ang dating sakin eh…. May kirot na hatid yun sa puso ko…. nasasaktan siya, pero pinipilit pa rin niyang ibigay ang sa tingin niya’y gusto ko… sinusubukan niyang gawin ang pinangako niyang iwasang magselos. Naiinis ako sa sarili ko dahil sa desisyon ko pero… alam ko yun yung tamang gawin…

“Ibang klase rin yung Koreanong hilaw na yun ah! Ang lakas ng pangamoy. Ang yabang din at ang lakas ng loob… pumunta talaga dito!” batid ko’ng naasar pa rin si Jude. Nag ngingitngit ang mga labi sa pagkainis, pero nakikita ko ring naluluha ang mga mata niya. Pilit man niyang iiwas ang mga tingin sa aki’y alam ko’ng naiiyak siya.

Medyo mahaba ang nilakad namin papunta roon, pero never siyang nagsalita about doon sa nangyari. Noon naging mas malinaw sa akin ang iniisip niya… kaya pala medyo natahimik si loko, ayaw niyang banggitin sa akin pero nababagabag siya ng mga pangyayari.

“Jude…”

“Ano?! Wala akong ginawa ah! Hindi ko nga nasuntok eh… kahit gusto’ng gusto ko na! Ikaw yung nagsabing samahan kita dito! Ikaw din nag sabi na ako lang isasa mo! Uuwi na nga sana ako diba? ” pinahid niya ang luha’ng tumulo sa pisnge niya.

“Jude…” pabuntong hininga ko’ng sabi. Mas na giguilty na ako.

“Wala akong ginawang masama ah! Nakita mo naman diba?! Siya nga yung…. tsk!” umiingos-ingos pa siya habang nag sasabi ng hinanakit niya.

“Alam ko…” saglit kaming natahimik… ni hindi din kami nagtitinginan. “Nagseselos yun…” tuloy ko.

Nung time na yun, hindi ko alam kung bakit kami nagbubulungan. Wala namang nakikinig sa amin dahil maliban sa isang grupo ng mga banyaga’ng turista ay kami na lamang ni Jude ang naroroon.

Tahimik.

“Ganoon ka talaga ka apektado?” malungkot niyang tanong.

“Anong ibig mo’ng sabihin?”

“Mahal mo talaga siya?”

Bumuntong hininga lang ako.

“Hindi ka naman mag iisip ng ganyan ko’ng wala lang siya diba? Saka…. Alam mo talaga yung nararamdaman niya?” malungkot niyang turan.

“Ilang beses na rin kasi niyang sinabi na nagseselos siya sayo. Nung malaman niyang kasama ka sa dinner kahapon? Saka nung sabihin mo’ng sa amin ka matutulog? Nagselos yun! Hindi ko nga alam kung bakit eh… pinaliwanag ko na naman sa kanya lahat… pero…”

“Ano ba kasi yung paliwanag mo?” pagputol niya sa sasabihin ko.

“Na mag kaibigan tayo… na may Kat ka…. At malabong magkagusto ka sa akin… sinabi ko yung totoo…”

“Totoo…” pag-uulit niya sa huling salita ko.

“Oo! Yun naman yun diba?” sinubukan ko’ng tumawa kahit sobrang awkward. “Hindi ko nga alam kung pano niya naisip na magkakagusto ka sa akin eh!”

Bigla niyang tinuon ang tingin sa akin na siyang nagpatigil sa pilit ko’ng pagtawa. Tulala lang siya, half open ang lips at lumuluha pa rin ang mga mata.

Kinuha ko ang panyo sa aking bulsa saka pinunasan ang luha niya. “Wag ka nga’ng umiyak diyan!” hirit ko habang tinutuyo ang mga patak ng hinanakit ng aking kaibigan. “Siyempre diba ang mga gusto mo yung Sexy… Tapos matalino… saka maganda… at siyempre dapat totoo’ng babae… yung may boobs!” pagpapatawa ko.

“Ang tanong, kung magugustuhan nila ako!” inalis niya muli ang tingin sa akin.

“Hala! Hoy! Nasan na ang confidence mo?! Diba nga sabi mo Pogi ka?!” pinalo ko pa ang kaliwa niyang braso.

Deadma lang si loko.

“Hoy! Bakit naman hindi? Ang gwapo mo kaya! Oh!” hinawakan ko siya sa baba upang magawa ko’ng iharap ang malungkot niyang mukha. “Kahit maasim ang amoy mo dahil sa pawis (Biro lang po) ang hot mo pa rin! Saka…. Ang bait mo… maalaga… mapagmahal…. Responsible… may sense of humor… kung hindi lang malaki ang mata mo ang perfect mo na! Tanga lang ang hindi magkakagusto sa iyo Beb!”

“So.., Tanga ka?”

Saglit akong napatigil sa sinabi niya. Yung mga ganoong hirit niya’y alam ko’ng dala lang ng kulit at pagbibiro niya… pero sobrang seryoso ng itsura niya, lalo na ang mga malulungkot niya’ng mata.

“Jude ha… Wag mo ako dinadamay sa kalokohan mo! Wala akong Boobs…” sinubukan ko pa ring mag patawa.

“Unsaon man nako ng Boobs?” (Aanhin ko naman ang Boobs?)

“Judah ha! Paakon taka run!” medyo nabahala na rin ako, natatakot na baka totoo nga ang mga sinasabi niya.
(Judah ha! Kakagatin kita ngayon!)

“Paaka.” Bulong niya.
(Kagatin mo!)

“Haaay!!! Jude! Hindi kita naiintindihan!” sabay buntong hininga.

Tahimik lang kami. Hindi ko na kasi alam ang sasabihin sa kanya at mukhang wala na siyang balak na kausapin ako. May mga pagkakataong sinusubukan ko siyang ayain papunta sa ibang spot dahil medyo maiinit na sa kinauupuan namin pero tumanggi lang siya… hindi ko naman siya maiwan lalo’t alam ko’ng ako ang dahilan ng lungkot niya.

Maya-maya’y…

“Kung ako ba ang nagseselos? Ganyan ka rin ba mag rereact?” tanong niya out of nowhere.

“Jude?”

“Uhm? Sagutin mo nalang kasi…”

“Una nga kasi… ano ba’ng mali sa reaction ko? Pangalawa…. Bakit ka naman magseselos?” sinubukan ko’ng ibahin ang mood ng aming conversation sa pamamagitan ng mga pagtawa kahit na medyo na baffle din ang utak ko ng mga tanong niya

“Una nga kasi… halatang-halata na siya yung gusto mo’ng makasama! Pangalawa… Bakit naman hindi ako magseselos?”

“Jude…”

“Love mo ba talaga siya?” tanong niya uli.

“Nasagot ko na yan diba? Saka ikaw naman yung nagsasabing gusto niya ako at gusto ko siya… kaya hindi ko maintindihan kung bakit mo natatanong yan.”

“Oo nga pala… kasalanan ko nga pala….”

Tahimik…

“Nominal Partner lang daw ako… ikaw ba may sabi nun sa kanya?” naniningkit na ang mga bilugan niyang mata at mukhang tumatagos sa mga naglalakihang pader ang mga tingin.

Never ko sinabing nominal partner lang siya. Kahit kailan ay hindi ko siya ginamit o binalak na gamitin lang. Mahalaga siya sa akin dahil kaibigan ko siya hindi dahil sa napapasaya niya ako o pinuprotektahan niya ako. Kaya medyo masakit din sa akin na i-accuse na ginagamit ko lang siya kasi hindi totoo yun at malayong-malayo yun sa personalidad ko…. iilan lang ang mga kaibigan ko… growing up maliban kay inday na anak ng kapitbahay namin ay ang yaya ko na lang ang lagi ko’ng kalaro. (sa kanya actually ako natuto manahi) sa school dahil nga medyo Introvert ako dati ay konte lang din ang nakikipagkaibigan sa akin… sa tingin niyo with my small circle of friends hindi ko pa ba seseryosohin yun? Gagamitin ko pa ba sila?

“Jude… ano ba yan?” na o-offend na din ako nun.

“Okay lang Yabs! Okay lang…”

“Jude… alam mo’ng hindi ganoon yun ha!”

Tahimik… nakatingin lang siya sa langit at hindi na ako kinikibo.

“Jude hindi ka nominal partner lang ha. Mahalaga ka sa akin! Ikaw nga ang kasama ko ngayon diba? Ikaw yung pinili ko’ng makasama!”

“Oo… dahil nangako ka… pero hindi naman talaga ako ang gusto mo makasama ngayon diba?”

“Jude…” dahil sa wala na akong maiisip na paliwanag ay hindi ko na napigilan maiyak (Oo na ang OA ko na. Pero ganoon talaga.) Pakiramdam ko ay ginawa ko naman ang lahat para maipaintindi sa kanya ang lahat at sobra rin akong naguguluhan sa mga sinasabi niya. “Ang hirap mo naman kasing intindihin ngayon eh! Nagseselos ka ba?”

“Nakakainis ka!!!” hiyaw niya.

Medyo nagulat lang ako.

“Iiyak ka na naman! Dadaanin mo na naman lahat sa iyak!”

“Hindi na kasi kita naiintindihan! Ikaw na nga ang kasama ko dito diba? Pinili na nga kita! Tapos galit ka pa rin! Nagagalit ka na sabihin ko’ng mahal ko si Chard… eh diba nung iwasan ko na yung tao ikaw naman ang nagpumilit na bigyan ko siya ng chance?! Ikaw din ang laging nag iinsist na mahal ko siya at mahal niya ako! Ano ba talaga ang gusto mo’ng gawin ko?”

“Nagseselos ka ba?” dugtong ko pa.

“Hindi.” Mabilis niyang tugon.

“Yun naman pala eh… at alam ko naman yun! Alam ko’ng may Kat ka… isa pa magkaibigan tayo diba?”

“Oo… mag kaibigan tayo!” dumikit siya ng upo sa akin saka hinila pataas ang suot niyang T-shirt para punasan ang luha ko. “Wag ka na nga’ng umiyak… nakakainis eh…” sabi niya habang tinutuyo ang mga luha ko.

Nung mahimasmasan na ako’y saka siya uli nag salita, “Salamat Yabs ha… pinili mo ako, akala ko papauwiin mo na ako kanina eh!”

“Bakit naman hindi kita pipiliin?”

“Kasi mahal mo yun.”

“Mahal din naman kita ah…”

“Kasi kaibigan mo ako?!”

“Ano ba dapat? Yun naman ang totoo diba? Ikaw ha isusumbong kita kay Kat!”

“Tsk!”

“Hoy! Isusumbong talaga kita pag nakilala ko siya. Mahal mo siya diba?”

“Oo naman!” umurong uli siya, ngayon mas dikit na sa akin. Nakatukod ang mga kamay niya sa inuupuan namin sa likod ko (ang hirap i-explain nun ah).

“Mag kwento ka nga kung paano kayo nagkakilala… at kung paano ka niya nagustuhan.”

Nakita ko’ng ngumiti siya. Palagay ko’y binabalikan na niya ang mga ala-ala kung paanong nagtagpo ang landas nila ng girlfriend niya.

“Fan ko yun eh.” Simula niya.

“Hindi nga?!” pang-aasar ko, habang pinupunasan pa rin ang mga luha ko.

“Oo nga! Hindi tulad mo, si Kat gusto’ng gusto ako nun!” noo’y tuluyan na niyang inakbay ang kaliwang kamay sa balikat ko.

“Lagi yung naka support sa akin. We were on the same club kahit magkaiba kami ng course. Sinusuportahan niya ako sa intrams kahit magkalaban ang college namin. Nanonood yun ng mga swimming tournament ko kahit hindi naman siya marunong lumangoy. She caught my attention dahil sa attention na binibigay niya sa akin and eventually I got to know her and I fell in love.” Nakangiti siya habang nagkikwento.

“Ang tiyaga naman ni Kat…”

“Talaga!”

“First Girlfriend mo siya?”

“Would you believe me if I said yes?”

Sinipat ko muna kunyari ang itsura niya. “Ahhhmmm… mukha ka’ng manyakis pero… kaibigan kita kaya sige I believe you!” biro ko.

“Manyakis ka diyan! Hindi ah! Hindi ako kagaya nung Richard mo! Palautog!” (Hindi ko alam sa tagalog yung ‘palautog’… pero it’s a term used to describe a person na malibog yung laging tinitigasan).

“Bunganga mo ha!” pag saway ko naman.

Tahimik…

“Yabs… alam mo ba na hindi talaga ako laging napipili? Kaya okay lang kahit hindi mo ako pinipili.” Napatingin lang ako sa kanya. “Tatay ko nga hindi ako pinili eh… hindi ako kinunsider… hindi man lang ako binigyan ng chance na maging anak niya.”

Ramdam ko yung lalim ng pinaghuhugutan niya. At noon ko lang narinig si Jude na mag kwento tungkol sa tatay niya. He would always let me talk to her mom, lola at mga pinsan on the phone pero kahit kailan he never opened a topic about his father.

“Kabit ang nanay ko eh. Binuntis niya… tapos iniwan! Alam naman niyang anak niya ako, kilala naman ata niya ako kaya ewan ko ba kung bakit ganun yun! Mas pinili nalang ata niyang magpanggap na hindi niya ako kilala… na hindi niya ako anak! Kala niya siguro manghihingi ako ng pera! Gago pala siya eh! Hindi kami mayaman pero hindi ako tinuruan mamalimos ng nanay ko!”

Kitang kita ang galit sa mukha niya… gusto ko’ng pawiin yun pero hindi ko alam kung paano ko gagawin at kung paano ko siya aamuhin.

Sa mahigit tatlong linggo’ng nakilala ko si Jude ay hindi ko kailan man naisip na may problema siya sa tatay niya; kengkoy nga eh! Laging may paraan siya to light up a dark room… siya nga yung nag che-cheer sa akin sa tuwing down ako eh… pinapalakas niya ang loob ko in his own ways… kaya nung siya na yung nasa ganoong sitwasyon ay hindi ko alam kung ano yung gagawin ko to make him feel better. How would you enlighten a person na mas magaling magbigay ng advice? yung taong sobrang positive ang disposition sa buhay? Mahirap! Kaya inexperience as I am when it comes to those matters? I just listened… at niyakap ko lang siya… yun lang nung mga panahong iyon ang magagawa ko.

“Kaya pinangako ko na pag magmamahal ako..? Isa lang! At ibibigay ko lahat para mapasaya siya. Hindi siya iiyak sa akin… hindi ko hahayaang mangyari yun!” tuloy niya.

“Ang swerte ni Kat!”

Ngumiti lang siya.

“Sana pag nakita ko yung destiny ko, tulad mo rin siya!” sabi ko ulit.

“Bakit? Feeling mo ba manloloko yung koreanong hilaw?”

“Oh? Destiny nga eh… si Richard agad?”

“Ano pa ba? Nanliligaw na eh! Mahal ka! At mahal… mo!”

“Sira!”

“Basta pagniloko ka niya… sumbong mo sa akin ha?!”

“Bubugbugin mo?”

“Hindi…………………… Aagawin kita!”

Natawa lang ako. Awkward man, sobra pa ring nakakakilig… alam ko biro lang yun pero sobrang sarap sa pakiramdam na may nagmamalasakit sa iyo diba? “Oh?! Akala ko ba loyal ka?”

“Loyal nga!” hirit niya.

“Okay fine ang loyal nga nun!” sarcastic ko’ng sagot.

Tawanan…

“Tara na Yabs!” bigla nalang siyang tumayo sa kinauupuan namin. “Init na!” agad naman akong sumunod, tinulungan pa niya akong bumaba saka kami nag lakad paalis sa lugar na yun.

“Sorry ha! Nahawa na ako sa iyo, ang drama ko na rin.” Tumatawa-tawa niyang sabi.

“Ayos lang! hindi ko alam kung paano pagagaanin ang loob mo pero… nandito lang ako Jude kung kailangan mo ng kaibigan!” inakap ko siya… mahigpit… sobrang higpit… gusto ko iparamdam sa kanya na hindi lahat ire-reject siya… kasi nandito ako… magiging tunay akong kaibigan para sa kanya.

Naramdaman ko nalang muli ang pagdampi ng labi niya sa noo ko. Tanda na siguro yun na batid niya ang nais ko’ng sabihin.

Tuloy lang ang ginawa naming paglilibot… pakuha pa rin kami ng pakuha ng litrato sa lahat ng bagay at taong makita namin, kahit kasi yung mga taong naka guwardia sibil costume ay napagtripan din niya. Sumuot kami sa mga dungeon at mga tunnel… sumakay sa naka paradang tour bus… naglaro ng tubig sa fountain (napagalitan siya)… pinaglaruan ang mga human size statue… nagkulitan sa mga kanyon… at marami pa’ng iba…

Nasa isang souvenir shop kami noon (sobrang mahal grabe ng mga binibenta… eh marami namang ganoon sa Gensan pati na rin daw sa cebu… kaya puro tinggin lang ang ginawa namin! Impractical eh!) ng mag text si Ate Angel nasa Ocean Park daw sila at walang tao sa hotel. Since medyo malapit lang naman ay nag decide kaming sumunod sa kanila. Matagal na naming gusto’ng pumunta doon infact may date nga kaming naudlot dun eh!

Ilang minutes din kaming nag abang ng masasakyang taxi hanggang sa tanungin kami ng isang padyak driver kung saan kami pupunta. Nung malaman niya ang destinasyon namin ay medyo nagulat kami pareho ni loko nung sabihin niyang pwede niya kami ihatid doon… (hindi ko na maalala kung magkano ang binayad namin dahil si Jude naman ang nagbayad).

Medyo nagaalinlangan ako nun. First time ko kasi yung sumakay sa isang bisekleta’ng may sidecar, pero inaasure ako ni Jude na magiging masaya yun, kaya pumayag na ako.

******************

Pakuha pa rin kami ng pakuha ng litrato ni Jude sa Ocean park since hindi pa nag rereply si ate angel. Mula dun sa pangalang ‘Manila Ocean Park’ sa labas, sa malaking chandelier sa loob, doon sa parang ship deck na over looking ang dagat ay super career ang ginawa naming pictorial.

Maya-maya’y nag text na si ate angel nasa fish spa pa daw sila. Kaya inaya ko na si loko na puntahan namin ang mga ka grupo ko.

“Yabs… wala na akong pera eh. Naubos na allowance ko…” biglang sabi ni loko.

“Ayos lang. ako naman mang lilibre… tara…”

“Hindi. Ayaw ko… ikaw nalang… dito nalang ako…”

“Hiya-hiya pa ‘to! Tara na!”

“Hindi nga ayaw ko nga. Pera mo yan!”

“Asus… nilibre mo naman ako nung mga nakaraang araw ah! May pa flowers ka pa nga eh!”

“Gusto ko naman yun eh!”

“Gusto ko rin naman na ilibre ka!”

“Pero ayaw ko talaga yabs!”

At kahit ano pang pag pupumilit ang gawin ko’y hindi kinaya ng powers ko ang pride ni Jude. Kahit ngayon, ayaw na ayaw niya na nagbabayad ako para sa kanya. Paglalabas kami siya lage yung taya, at pag kulang yung budget ay tipid kaming pareho… madalas nga maglalakad kami’ng dalawa kahit na may pera naman akong pampamasahe. At medyo alam na rin niya yung ibibigay niya sa akin, since hindi nga ako mahilig sa flowers ay madalas na DVD ng mga anime series na ang pasalubong niya o di naman kaya’y cosplay wig (pag nasa manila siya dadaan yun sa tayuman o sa QC para bumili sa mga cosplay shops ng mga cosplay needs) o make-up!

Noon ko naalala na hindi pa pala kami nag la-lunch. Palagay ko’y pareho kaming nawili sa kakagala kaya kahit na mag aalas dos na ng hapos ay hindi pa rin kami nakaramdam ng gutom. Noon ay inaya ko na siyang kumain, pumasok kami sa isang Korean restaurant na nalimutan ko na ang pangalan, pero ayaw pa rin niyang mag palibre at para i-respeto yung gusto niya’y isang noodles lang ang inorder ko.

Hindi naman ako ganoon ka manhid para hindi ma feel yung need niyang kumain. Kaya naisip ko na i-share yung noodles ko sa kanya. Hinipan ko muna ang sabaw bago isubo sa kanya… nung una ay nagaalangan pa si loko, nahihiya ata sa akin dahil pagkain ko yun.

“Sige na. Nganga na ang daming tao oh… nakakahiya!” pagpupumilit ko.

“Nahihiya ka pala eh! Wag na lang…” naka paawa face na naman siya… nakakaasar pero sobrang cute niya.

“Ang daming arte… sige na pasubo pa eh!” habang nilalapit ko ang kutsara sa bibig niya.

Ngumiti siya… sobrang laking ngiti pero walang ngipin na kita…

“Ngisi-ngisi ay! Kaon na!”

“Butangi pud ug unod uy! Mura man ta anag nag pasusu uy… puro sabaw lang!” nakangisi’ng hirit ni Jude.
(Lagyan mo naman ng laman! Para naman akong nagpapadede niyan… puro sabaw lang!)

Tawanan…

*******************

Nagkita na kami nila ate angel matapos naming mamili ni Jude. Bumili ako ng comforter na may anime design sa isang tindahan doon (nakwento ko na yung moment na yun sa ibang chapter). Na surprise ako na kasama nila noon si Kumag may hawak pa siyang malaking stuff toy na peguin (kulay pink) at lollipop na gawa sa marshmallows…

“Nandito ka rin?” bulalas ko; marahil ay dahil sa sobrang pagkabigla… pero promise masaya din akong makita siya doon.

“Oo… bumalik ako sa hotel niyo kanina... Hihintayin sana kita doon pero aalis pala sila eh… pupunta daw dito.” Paliwanag ni kumag.

Tumango lang ako.

“Nag enjoy naman ba kayo sa lakad niyo?” tanong niya.

“Bakit naman hindi?!” si Jude.

“Ahhh… Oo! Nagawa ko naman yung mag dapat ko’ng gawin… may irereport naman na ako!” pagsingit ko.

Medyo mahaba pa ang mga nangyari noon… pero medyo controlled na ni kumag ang emosyon niya… in fact! Binigyan pa niya kami ni Jude ng ticket sa isang virtual penguin show… kasama yun sa package na binayaran nila pero hindi daw nila feel puntahan dahil nga masyadong pangbata ang show.

 May isang malaking screen sa harap kung saan may nagsasalitang penguin. Mag iinteract kayo sa isa’t-isa dahil sa ii-educate ka niya tungkol sa buhay ng isang penguin. Wala naman akong planong maging penguin o jomowa ng penguin pero na enjoy ko naman ang show na yun… masyadong game makipaglokohan si Jude sa animated na penguin eh… biruin ba naman niya’ng Penguin ang kinakain niya nung tanungin siya kung ano ang favorite food niya. Saka sa lahat ng naroroon siya lang ang nag-iisang may guts na gayahin ang sayaw na tinuturo ng penguin.

It was a long and tiring day pero sobrang saya ko noon. Marami mang nangyari pero things still ended positively.

Hinatid na rin kami ni kumag pauwi noon at nung makarating sa hotel ay saka niya binigay sa akin ang binili niyang stuff toy at lollipop. Nahihiya ma’y sobrang kinilig pa rin ako sa ginawa niya.

Panay tukso naman ang ginawa ng mga ka grupo ko… panay din ang kwento nila sa mga ginawa nila sa ocean park… si Jude ay naka busangot lang habang nagsasaya ang mga kaibigan namin na magbahagi ng experiences nila… hindi kasi siya makapagmayabang since sa virtual penguin lang naman kami naka punta at napanood naman nilang lahat ang mga ginawa namin sa loob mula sa maliit na TV sa labas.

“Murag bata…” ngumunguso-nguso’ng bulong ni Jude pinapatungkulan ang mga hawak ko’ng bigay ni kumag.

“Inggit ka lang!” pang-aasar ko naman.

Maya-maya’y tumabi na sa akin si loko. Nilingkis ang mga bisig sa maliit ko’ng katawaan saka bumulong at nangako na parang bata, “Babalik tayo sa sunod doon promise! Pag may pera na ako susubukan natin lahat ng amenities doon!”

“Choks lang man! Hindi ko rin naman gusto ang Fish spa!”

“Pero spa gusto mo?”

Nagkunwari akong nag-iisip. “Depende kung pogi ang masahista!”

“Huh? Edi ako na lang… marunong ako manghilot! Hinihilot ko yung mama ko at lola ko parati…”

“Eh… wala namang ano eh….”

“Ano?!” lumaki lalo ang mga mata niya, wari’y na eexcite na marinig ang sagot ko.

“Basta…”

“Hoy! Ikaw ha! Nasubukan mo na yun sa masahista?!” hindi ko alam kung bakit, pero tunog worried si Jude noon.

Alam ko iniisip niya ang ES noon… pero promise hindi ko pa po nasusubukan until now… gusto ko lang talaga siya asarin noon.

Tumayo ako sa kama… nilapag ang stuff toy na bigay ni kumag saka kinuha ang tuwalya ko.

“Hoy! Yabs! Gi try na jud nimo?”

“Bakit gusto mo’ng malaman?”

“Basta!!!”

“Secret….” Tumatawa-tawa ako’ng pumasok sa banyo para maligo.

“Yabs!!! Dayaan!”

“Kaligo na! Pakol ka! Malate pa ta unya!”

******************

6 pm nung makarating kami sa hotel uli para sa victory party. Since wala na kaming dalang formal na damit ay naka t-shirt lang kaming dalawa ni Jude, parehong pula…parang couple’s shirt. Lahat ata ng makaksalubong namin ay binabati kami kung hindi man Mery Christmas ay Happy Valentines!

Wala namang special na nangyari doon… yung mga usual na kasama ko ang mga kausap ko the whole time. Para pa rin namang student’s night yun! Except that mas special na ang treatment kina Owen since sila yung nanalo.

Matagal ko ring hinintay na lapitan ako ni Kumag pero hindi niya ginawa. Madalas kasama niya si Nichole at ang mga taga Antique… nakikita ko pa rin namang tinitingnan niya ko pero iba pa rin kung lalapit siya’t kakausapin ako. Diba?

Nag didinner na noon ng tawagin ako ni Stephen. Naalala niyo pa ba si Stephen B.? Siya yung may kasalan ng drama ko… hahaha pero paninindigan ko pa ring totoo siya at totoo’ng nangyari yun!

Dinala niya ako sa CR! (kung saan ulit nangyari ang drama ko <LOL>) at doon? Sa spot kung saan kami madalas mag usap? Naroroon si kumag. Nung maka-upo ako sa tabi niya’y siyang alis naman ni Tep-tep… na parang sumusunod lang sa halimaw niyang amo.

“I miss you Boss!” simula ni kumag.

“Miss? Magkasama lang tayo kanina ah!”

“Hindi naman eh…”

Nginitian ko lang siya. “Nagseselos ka pa rin?”

“Oo… pero masaya ka eh…”

“Wala ka naman kasing dapat ipagselos…”

Tumango siya. “Pero hindi ako maka porma eh… nanliligaw nga ako diba?”

“Bakit mo naman kailangang pumorma?”

“Siyempre… baka maunahan ako eh…”

“Eh hindi nga siya nanliligaw…”

Nag kibit balikat lang siya. “Ewan ko lang ha…”

“Ang kulit mo ha!”

“Tsk! Oo na! Sige na! hindi na! Pero masisisi mo ba ako Boss? Mahal kita eh!”

“Hoy! Ipapaalala ko lang sayo ha! Baka kasi nalilimutan mo ng bakla ako! BAKLA!”

“Ipapaalala ko lang din sayo ha! Na wala akong pakialam! Mahal kita! At seryoso ako!”

“Seryoso?”

“Oo! Gusto mo isigaw ko na sa loob na mahal kita eh!”

Napangiti lang ako… masarap sa pakiramdam na nandito na siya…. na abot kamay ko na ang pangarap ko…

“Titigil ka rin pag wala na ako!” sabi ko.

“Hindi rin… titigil muna sa pagtibok ang puso ko Boss bago ako tumigil sa pag-ibig ko sayo.”

“Sira ulo ka na!”

“Oo… nasisiraan na ako ng bait ng dahil sa iyo Boss!”

“Malilimutan mo rin yan… matatapos na ito bukas eh… uuwi na ako…”

“Matatapos? Im just starting Boss… nanliligaw pa lang ako diba?”

“Baka may mahanap ka’ng iba… malayo ako… malilimutan mo rin ako!”

“Nasubukan ko na eh… after orientation? Walang text yun. Hindi ko nga alam kung anong nangyayari sa iyo nun eh… pero ikaw lang ang laman nito eh…” tinuro niya ang isip niya. “At nito…” tinuro niya ang puso niya.

Alam ko namang nagsasabi siya ng totoo eh… hindi naman siya mag eeffort ng ganoon kung wala lang ako sa kanya. At sa personality ni Chard na very conscious sa sasabihin ng iba? Ay siguradong big deal yung magtapat ng damdamin sa bading. Kaya alam ko totoo yun at nararamdaman ko’ng totoo nga! Pero feeling ko mas masusubok ko siya kung sakaling hindi siya tumigil kahit na ilang dagat at isla na ang pagitan namin. Pakiwari ko’y doon ko malalaman kung gaano siya ka determinado, kung hanggang saan ang kaya niya. Maarte na kung maarte! Pero hindi din madali sumugal sa pag-ibig eh! Sa pinagdaanan ko? at pinagdaanan niya? sa mga mga bagay tungkol sa puso? Kailangan talaga ng assurance eh… hindi pwede’ng sabi-sabi lang…

****************

Pagkatapos ng party ay inaya ako ni Kumag sa bahay nila… gusto daw magpaalam muna ng pamilya niya sa akin. Pumayag naman ako sa kondisyo’ng isasama namin si Jude na sinangayunan naman ni kumag. No choice siya eh!

Sa bahay nila’y naramdaman ko uli ang hospitality na lagi nilang pinararamdam. Naroon ang Daddy nila, si kuya Rantty at ate Liz, si Jubie at siyempre ang bayaw ko’ng si Ron… na very vocal na number one fan daw ng love team namin ni Kumag. He even made a name para sa love team namin… “MaRich”!

Pinakilala ko noon si Jude na masayang kakwentuhan ni kuya Rantty at ng Daddy nila. Si Ron naman ay walang tigil sa kakatanong kung nililigawan ba daw ako ni Jude. Kung malamig si Kumag kay Jude? Nako! Doblehin niyo yung lamig ni Ron! Ni hindi nga niya tinitingnan noon si Jude eh… at paulit-ulit pa akong tinatawag na ‘BAYAW’ sa harap ni Jude na parang may pakialam naman yung huli.

Iba din ang diskarte ng magkapatid noon… alam ko pilit nila ako’ng hinuhuli sa bitag nila… alam ko gusto nilang umamin ako noon, pero maagap ako eh. Maaga ko’ng nabanaag ang plano nila kaya hindi sila nagtagumpay… at dahil dun? Makailang ulit rin akong pinilit ni Ron na sagutin na ang kuya niya na sinasagot ko lang ng mga tawa…

Doon ko rin nalaman na alam na ng mga magulang nila na nililigawan ako ni Kumag. Nakakatakot diba? Pero kahit kailan hindi ako nakaramdam ng pagtutol sa kanila. Wala noon yung Mommy nila dahil sa trabaho, pero lagi yung nag tetext sa akin at siya rin yung unang tumawag sa akin ng anak. Hindi man namin napag-usapan ang mga bagay-bagay tungkol sa pangliligaw ng anak nila’y yung simpleng pagtanggap nila sa akin sa bahay nila’t maayos na pakikisama ay sapat na para i-assume ko’ng naka support sila. Na okay lang sa kanila… kaya hindi na dapat kami mabahala…

*******************

Sa Gensan…

Wala rin namang bago… bumalik lang ako sa normal na buhay ko… student leader at masipag na estudyante (kuno). Medyo double effort din ako nun eh… graduating kasi ako nun at ang dami ko ng na miss na lessons at activities.

Mag tatatlo’ng araw na ako’ng nasa Gensan pero alam niyo ba’ng walang ni isang text si kumag noon? Na stalk ko na siya sa fb at may mga updates naman siya…. ni like ko pa nga para magpapansin eh… pero wala pa rin! Na tempt na rin ako nung mag message sa kanya pero nahihiya ko… sa isip ko… baka tama nga yung kinakatakot ko… baka malimutan lang niya ako kapag wala na ako sa tabi niya… baka nag bago na ang isip niya!

Isang araw pa uli ang nagdaan pero wala pa ring Richard Oquendo na nangangamusta! Walang kumag na nangungulit! At promise nakakainis yun!

(Si Jude naman ay consistent sa pangungulit! Araw-araw nga ata ako nung tinatanong kung sinagot ko na si Kumag… kaya medyo mas nakakaasar kasi nahihiya akong sabihin sa kanya’ng hindi na nagpaparamdam ang damuho’ng iyon!)

Until one day! Biyernes nun… 6:30 pm… Hindi ko malimutan yung time dahil out ko yun sa klase ni Prof. Bubble gum!

(Prof. bubble gum – business law teacher ko siya na sobrang strict! Hindi ako bumili ng libro sa law dahil medyo mahal eh… kuripot nga ako… saka isang sem lang naman yun! One time may surprise oral recitation si bruha! Hindi ako ready… dinaan ko lang ang lahat sa dasal at pagnguya ng judge na bubble gum <para cool daw!> ng bigla niya ako’ng tawagin! Iba kasi yung lawyer na yun eh! Wagas makainsulto! Yung tipong ikukumpara ka sa sardinas at palito ng posporo…  Kaya sobra ako’ng kinabahan… at dahil nga sa sobrang kaba ay…….. Bumara ang bubble gum sa lalamunan ko!!! Hindi ako nun makahinga! At first time ko makita’ng kinabahan ang prof. na yun! Takot din pala mamatayan ng estudyante eh! Ang ending? Na dismiss ang klase namin… instant hero ako mga Bes! Lahat ng classmates ko? pinasalamatan ako! At simula nun… pinagbawal na ni prof. ang pag nguya ng bubble gum sa klase niya…. na trauma ata!)

Dumaan ako sa office namin… lagi ko yung ginagawa bago umuwi since doon ko iniiwan ang laptop ko… pero noong araw na yun? Maliban sa laptop ay may isa pa’ng mahalaga sa buhay ko ang naroroon…. At oo! Tama ka! Nandoon si kumag!

Medyo pinagkakaguluhan siya ng mga kasama ko sa org since gwapo nga… pero sorry sila…. Ako yung pinuntahan ni kumag doon eh…. He traveled 1,042 kilometer just to see me…

(if you would ask kung paano siya nakapasok? Si ate angel po ang sagot! Kung paanong alam niya ang school ko? Nabasa niya sa planner ko. Kung paano siya nakapunta? Maliit lang po ang Gensan. At isa lang po ang university sa city mismo; isa pa, alam ng mga tricycle driver yung pasikot-sikot sa siyudad! Siguradong maihahatid ka! Ang hindi lang sigurado ay kung mababaryahan ka ng tama!)

“Boss!!!” masaya niyang bungad noong makita ako. Halos lumipad din siya palapit sa akin. Mabilis niya ako’ng niyakap… Na parang hindi na nahiya sa mga tao sa paligid. “I miss you!”

“Akala ko nalimutan mo na ako ah! Walang text eh!” bulong ko.

“Sinubukan ko lang yung sabi mo! Na malilimutan din kita kung wala ka na! Pero hindi eh… hindi ko talaga kaya…”

“Bolero!”

“Totoo nga! Kaya nga ako nandito eh…”

“Na surprise ka ba?” dugtong niya.

“Oo!”

Narinig ko siya’ng tumawa. “Ikaw naman kasi eh… minamaliit mo yung pagmamahal ko sa iyo…” medyo napalakas ang pagkakasabi niya, dahilan para marinig ng mga tao sa office at maging tampulan kami ng tukso…

To be continued…

Note:

Sorry if this one took so long… I just got home from manila… and I have to change this note portion ng mabilisan.

Something bad happened to Chard’s family…. Mommy Doc and Ronald “Ron” died on a car accident… si Ron yung nag da-drive when they crashed on a truck… wala daw po’ng kasalanan ang truck driver.  Ate Liz phoned me and I decided to be with them since kuya Rantty is in Africa… and Chard is in other country too… kawawa yung dad nila… he’s devastated and he need to took care of everything…

They had been very very nice to me…. at kahit nung mga nagdaang taon… they remained sweet at never nag bago ang turin nila sa akin…

Mommy Anna never missed an event sa buhay ko… she always have the best greeting in all special occasions and holidays! Mahal niya ako bilang tunay na anak at mahal ko siya bilang nanay ko… hindi ko malilimutan everytime na nasa bahay nila ako? Madalas aabsent siya to take care of me…. madalas din kaming mag pa spa… nung nalaman rin niyang hindi ko pa na iexperience matulog sa isang presidential suit ng hotel? She started planning and yes we did it twice! Nung buksan ko nga ang closet ko last time I saw a lot of things na galing sa kanya ganoon siya ka generous! Nakwento ko na hindi ako masyado kumakain diba? Alam niyo nung malaman niya rin yun she look for foods… kung saan saang resto siya pumunta buying everything na baka magustuhan ko… tapos pag dating sa bahay ay sasabihan niya akong tikman lahat para malaman ko kung ano talaga yung gusto ko… madalas pag nag shoshopping I always settle to something I like! Pero ayaw niya pumayag minsan aabot kami ng 8 hours or more para sa shopping! At ang lagi niyang sinasabi ay “We will never stop until you find something you love not just something you like!”

Ron? He’s still my bayaw! Ang dami din naming plano… balak pa namin pumunta sa Korea pag naka graduate na siya… I could still remember kung gaano siya ka saya everytime na sasabihin ko’ng pinagmumukha niyang masama ang kuya niya sa akin everytime na binibigay niya lahat ng favor sa akin. He would cook for me, play with… even liked anime para makasakay sa trip ko… he even tried cosplaying ones! (Sa cosplay matsuri)… he would asked me for his OOTD para sa mga event na pupuntahan niya.  Mamimiss ko siya!

Higit sa lahat… dahil abnormal nga ang relasyon namin ni Chard sa marami…. Sila yung nag papaalala sa akin na… mahal nila ako at hindi mahalaga ang sasabihin ng ibang tao…

Ngayon? Ang sakit ng puso ko…. at hindi ko mapigilang umiyak sa tuwing naaalala ko sila… mahal ko sila eh…. Pamilya ko sila eh…. Pilit mang sabihin ng utak ko na I should rejoice dahil kasama na nila si God? Masakit pa rin eh…. At hindi ko alam kung hanggang kailan ko iindahin ang sakit…

If you would ask kung nagkita at nag-usap na kami ni Chard? No! Hindi pa po! ‘Di na kami nag abot eh… pero babalik po ako sa Friday… sabado po ang libing eh…. It took a while since hinintay nga sila kuya Rantty… at malamang hindi pa rin kami mag usap…

Pls… pray for his family po… masakit nga sa akin yung nangyari eh… ano pa kaya sa kanila?

P.S. I know some of you were disappointed when I disclose something na hindi nga naman tama na sabihin ko as early as now…. Pero believe me…. My story ended up the way we never expected it to be… actually kayo Guys yung nag pa realize sa akin ng tunay na ending eh… kaya salamat sa inyo at keep reading….

No comments:

Post a Comment

Read More Like This