Pages

Thursday, March 9, 2017

Totek (Part 5)

By: SJ

Kahit mejo late pa ito ganapin ay excited talaga kaming lahat. Palapit na ng palapit ang prom night. Ang bawat isa ay may kanya kanyang partner para sa prom. Wala akong partner that time pati si Art. Si Ben ay partner si Leah, At si Jenny naman ay may bago na ring boyfriend, si Erwin. Ang ex ko namang si Grace ay nabalitaan kong wala talagang tumatagal na relasyon. Dun ko narealize na wala pala sakin ang problema.

Naging mabilis ang dumaang araw at malapit na ang prom, gayun din ang mga sunod sunod na tests na lalo ng mas mahirap dahil palapit na rin ang final exams. And soon, bakasyon na naman na. Kaya naging puspusan ang paghahanda ng bawat isa. Pero para sakin, mas prioridad ko ang pag aaral tlga. Kahit pa excited ako sa dadating na prom ay hindi ko pa rin pinabayaan ang aking pagaaral.

Gabi na ng prom, lahat ay talagang excited para mamaya. Maski ako ay hindi na rin mapakali. First time ko din kasi ito. Dati sa tv o kaya sa mga kwento ko lang naririnig ang prom, pero ngaun, mararanasan ko na ito. Mamayang 7pm ang start ng program at matatapos nmn ng 12am. Pagkatapos ng prom ay napagkasunduan ng tropa na pupunta kami ng malate at dun itutuloy ang kasiyahan.
Halos hindi rin ako nakatulog dahil sa excitement na nadadama. Kahit pa walang partner ay ok lang. Andyan naman ang mga kaibigan ko. May mga babae din naman dyan na pwede isayaw. Marami man sakanila ang nagbibigay ng motibo ay di ko muna pinapatulan. Hindi sa dahil hindi sila pasado sa standards ko, pero as of now, di ko muna focus ang lovelife. Gusto ko lang ienjoy ang sandali ng buhay ko na pagiging single.

Nagpasya muna ko pumunta ng mall dahil naiinip pa rin ako sa bahay. Pamatay oras ba. Mamaya pa naman ako dapat mag ayos at mahaba pa ang oras.

Pagpasok ko ng mall ay nagpunta agad ako sa may bandang sinehan, naghahanap ng magandang palabas, pero wala, di ko gaano trip ang mga palabas kaya nagpasya nalang ako magikot ikot.

Sa pagiikot ko ay napadaan ako sa arcade. Nagpasya bumili ng ilang tokens kahit hindi sure kung gusto ko maglaro. Hindi naman kasi talaga ako mahilig sa games. Pero dahil sobrang bored, at minsan lang naman, why not?

Pagtapos maglaro ay nakaramdam ako ng gutom. Nagaalburuto na ang mga bulate ko sa tyan kaya nagpasya akong humanap ng makakainan. Nakakatawa dahil sa dinami dami ng pwedeng kainan, eto, bumagsak ako sa pinakapinagsasawaan ko, MCDO! Amff. Hindi ko alam kung bakit dun ako kumain pero parang may humihila sa akin na dun kumain.

Pagka order ay agad agad akong kumain. Kasalukuyan kong ineenjoy ang aking french fries ng mapatigil ako sa nakita. Kitang kita ko na dumaan si Philip at umupo sa table sa harap ko. Alam kong nakita nya ko dahil sinadya nya talagang umupo sa opposite na upuan. Kaya ayan, magkaharap kami, magkaiba nga lang ang table. Nang mga oras nay un ay tumigil ang oras. Naalala ko yung mga panahong okay kami, yung hinihintay ko sya matapos sa training nya at sabay kami kakain sa mcdo. Yung magkaharap kami sa table at nagkukulitan. Pinaguusapan ang mga nakakatawang nangyari sa maghapon. Pero eto ngayon, kaharap ko rin sya, pero animo’y di kami magkakilala dahil sa agwat na nasa pagitan namin.

Sinubukan kong kumalma, dahil ang totoo, kahit pa nararamdaman ko ang pananabik sakanya ay di ko makalimutan ang mga masakit na salitang binitawan nya sakin.

“Why should I care? Sino nga ba ko sa inaakala ko?! Sus, he said it himself.”, nasabi ko sa sarili ko.

Pero di ko pa rin maiwasan hindi tumingin sakanya, pero yung sulyap sulyap lang, ayaw ko naman kasing ipahalata na tinitingnan ko sya. Kunwari, dedma dedmahan. Pero sa twing susulyap ako saknya ay nakikita ko itong nakatingin sakin. Di ko makakalimutan ang mga tingin nay un. Yung tingin na tumatagos sa kaluluwa ko at parang nangungusap. Pabilis ng pabilis ang pintig at pagkabog ng dibdib ko. Di ako dapat paapekto, pero ayun, nanlalambot ako. Alam kong may gusto syang sabihin pero nagmatigas ako. Nanaig pa din kasi ang pride at galit na nararamdaman ko. Binilisan ko nalang ang kain at dali dali tumayo. Lumabas at naglakad.. Dire-direcho. Ayaw ko lumingon, kahit pa nararamdaman kong nakatingin sya sakin at feeling ko sinundan nya ko. “Ayaw ko. Tama na ang disappointment. Lakad lan, direcho ang tingin. Wag kang lilingon. Umuwi ka na.”, sinisigaw ko sa utak ko.

Nang makarating na sa labas ay agad akong pumara ng taxi at dali daling sumakay. Hindi pa rin lumilingon. Kahit halos nararamdaman ko ng gusto kong bumaba at makipag usap sakanya at tanungin kung bakit ganun ang mga nasabi nya sakin. Ang daming tanong sa isip ko. Ayaw ko na rin umiyak, pagod na ko iyakan sila. Baka nga bakla na ko kasi iyak na ko ng iyak. Mali. Lalake ako.

Pagkauwi ay pinilit ko na hindi ko na isipin ang pagkikita namin ni Philip sa mall. Nagpahinga muna ako sandali at umidlip. Tama na ang pagiisip, kailangan fresh ako mamayang prom. Buti na lang at agad din ako nakaidlip.

Pagka gising ko ay ala singko na ng hapon, agad agad akong naligo at nag gayak. Ramdam ko na talaga ang excitement. Pagtapos masiguradong gwapo na ako ay lumarga na ko papunta sa hotel na pagdadausan ng aming prom.

Pagdating ko sa hotel, di ko maitago ang excitement ng nakita ko ang tropa ko na naka abang sa labas. Aba! Ang mga mokong, ang ggwapo at ang gaganda! Sari saring coat at polo ang nakita ko sa mga lalake. At pabonggahan nmn ng dress, makeup at hairstyle sa mga babae. Sunod kong nakita ay si Art, medyo bumalik na ang dati nyang postura at malinis na sya uli tingnan. Mas gwapo lalo ngayon at mas lumabas ang pagkagandang lalaki nya sa suot nito. Nginitian ko sya sabay binati ang pagkagwapo nya. Pero teka, syempre, ako pa, di ako papatalo noh! Ako pa ba! Hahaha!

Pagkatapos makapag register ay dumirecho na kami sa hall. Dun nakita ko ang lahat ng mga 3rd year at 4th year na ang garbo ng mga ichura. Di rin pahuhuli ang mga teachers. Magsisimula na ang program kaya naisipan ko muna dumaan ng cr. Lumabas ako sa hall at tinungo ang cr.

Pagpasok ng cr ay wala halos tao, agad ako nagpunta sa isang urinal at dun umihi. Pgatapos umihi ay naghugas na ko ng kamay at nanalamin. Sinisigurong gwapo pa rin ang ichura ko.

Palabas na ko ng cr ng may pumasok sa loob. Halatang parehas kami nagulat. “Sa dami dami ba naman ng makakasalubong ko, eto pa.”, sa loob loob ko. Napansin kong nakatingin sakin ung nakatayong lalake.. si Philip. Nang makita ko sya sa posturang yun, kahit anong laki ng galit at sama ng loob ko sakanya ay nakuha ko pa rin mapansin na ang gwapo nya talaga. Lalo na ngayon sa suot nya na formal coat. Gusto ko syang kausapin pero umiral ang pride ko. Lalabas na ko ng cr ng bigla nyang hinawakan ang kamay ko. Magsasalita sana sya ngunit buong lakas kong hinila ang kamay ko at bago pa tuluyang makalabas ay akmang susundan ako nito. ngunit pinigalan at sinabihan ko sya ng isang matigas na, “Don’t”.

Bumalik na ko sa loob ng hall. Agad ako pumunta sa table namin at tumabi kay Art. Hindi ko alam kung nahalata nya ang biglang pagpalit ko ng mood. Ayaw ko ipahalata. Peron g mapatingin ako sa pintuan ay nakita ko sya na papasok, di ko mapigilan hindi mangalaiti. Pero I tried to stay calm.

Nang magsimula ang program ay nagbigay muna ng konting mensahe ang principal naming at sinabihan kami na kakain daw muna kami. Katabi ko sa kanan ko sila Jenny sa upuan at sa kaliwa ko naman ay si Art. Bago pa kami kumain ay naglabas si Jenny ng camera at picture picture daw muna kaming magbebestfriend. Nakita kong hinila nya papalapit si Philip. Napilitan na magpapicture samin ni Philip kahit di pa din kami kinakausap ni Art. After all, they’ve been friends for a long time. Sino ba naman ako para pagbawalan sila. Picture lang din naman so wala namang problema sakin. Tumabi sakin si Art at mas lalo kong gusto asarin si Philip kaya inakbayan ko pa ito at niyakap ng mahigpit. Alam ko kasing titingin sya. Mas gusto ko sya asarin.

Sayawan na! tugs! tugs! tugs! tugs! Lahat ay napapaindak sa bawat music na tumutogtog! Lahat kami ay naaliw sa mga sayawan na nagaganap. Yung iba pa ay pasiklaban sa pagsasayaw. Napakasaya nung panahon na yun. Maya maya nung medyo bumaba na ang tension ay love songs na ang pinatugtog. Bigla kong naalala ang eksena nung victory party. Yun din yung araw na hiniwalayan ako ni Grace. Pero ngayon iba na ang eksena. Hindi na ako uuwi at maglalakad sa daan dahil sa kalungkutan sa pag iwan sakin. Ngayon, masaya ako. Napkasaya. Wala naman akong partner kaya napagpasyahan kong umupo muna. Pumwesto ako katabi si Art sa mga lamesa since wala kaming mga partners.

Nakaupo lang kaming dalawa ni Art at nagkatinginan. Minsan, nag uusap ng onti. Pero parang may ilangan kaming dalawa. Parang kaming nagliligawan. Parehas kaming nakangiti sa isat isa.

Mistulang naging mas tahimik ang kapaligiran. Mas nakakakilig ang music. Parang sa bawat music love song na tumutugtog ay tumatama ito sa amin. Nakatingin lang ako kay Art. Nagtititigan kaming dalawa. Kahit sa simpleng tinginan naming habang nakaupo ay parang nagsasayaw ang aming mga damdamin. Hindi ko alam kung ano ito, pero masarap at magaan sa pakiramdam. Titingin tingin ako sakanya habang nakangiti. At minsan napapataas ang dalawang kilay at magbibigay ng malokong ngiti. Mas lumapit sa akin si Art. Inusog nya ang kanyang upuan sa tabi ko. Ang sarap ng feeling. Tinitingnan namin ang mga sumasayaw at karamihan sa kanila ay mga couples.

“Ang sarap nila tingnan noh?”, banggit ko kay Art.

“Oo nga ee.. Nakakainggit.”

“Bat di ka kasi hindi pumili. Ang dami naman pwede.”

“Magsalita ka naman. E ikaw wala nga din.”

“Meron ha.. Hindi ko lang nasabi.”, mahina nyang sinabi. Pero narinig ko pa rin. Hindi lang ako nagpahalata.

“Ang ganda at nakakaaliw silang tingnan noh.”, ngiti kong sinabi kay Art. Bigla akong napatingin sakanya at nagulat ako na sa akin pala sya nakatingin.

Sa mga tingin nya sa akin ay bumilis ang tibok at kabog ng dibdib ko. Hindi naman ako kinakabahan pero ang bilis talaga ng pintig nito. Ibang saya at sensasyon ang nararamdaman ko.

“Oo.. Lalo na ikaw..”, sinabi nya ng nakatingin sakin. Isang tingin na di ko makakalimutan. Isang nangungusap at nakakalusaw na tingin.

Nang biglang umeksena si Jenny.

“Peram naman si Jerry”, sambit ni Jenny.

“Sure”, sabi ni Art.

At dun, nagsayaw na kami ni Jenny.

“Ahem. Nakasira ata ako sa moment nyo kanina.”

“Hah? Hindi ah..”

“Wushu. Hindi daw. Oo n lang ha.”

“Ok nga lang.”

“Bes, ang gwapo gwapo mo naman ngayon.”

“Oo, ngayon lang yan bes, pagsawaan mo na. Bukas wala na yan. Hahaha!”

“Bes, thanks for being a good friend ha.”

“Bes, prom ngayon, hindi retreat. Hahaha!”

“Tse! Kala mo jan! Hahaha!”

“Pero hindi, kahit ako, thankful dahil naging kaibigan kita. Masaya ako at nagkakilala tayo.”

“Hindi ka ba nalulungkot? I mean, ok, cge, tayo tayo, okay tayo, pero kayo kayo? I mean, wala ka na bang planong makipag ayos kay Philip? Malapit na kaya magbakasyon.”

Ngunit isang ngiti lang ang tinugon ko saknya.

Kasalukuyan kong kasayaw si Jenny ng mapansin kong nakatingin sakin si Philip habang kasayaw nya ang isang babae. Nung una ay di ako sure kung sakin ba nakatingin. Pero nung tumagal ay di nya inaalis ang tingin sakin. Habang kasayaw ko si Jenny ay di ko rin maiwasan na sulyap sulyapin sya.

“Shit! Taenang buhay naman to! Bakit ba ganto nararamadaman ko! Kahit galit ang nararamdaman ko para sakanya, bat di ko maiwasan di tumingin sakanya? Bakit hinahanap hanap ko pa rin sya? Eh gago yan eh! Taena bat ba ganto nararamdaman ko? Bakit nangungulila ko sayo Philip? Hindi dapat ganto.. ”, ito ang sinisigaw ng aking utak. Hirap na hirap na ko.. Hindi ko na maintindihan ang nangyayari.

Nang matapos ang prom night ay napagkasunduan naming tropa na pupunta na sa malate tulad ng napag usapan. Pero yung iba ay nagyaya nalang na pumunta sa bahay imbis na mag malate, mas malaki kasi ang matitipid at ang iba naming kasamahan ay wala ring budget. Pumayag naman din ako. Ang boring naman kasi at malungkot kung hindi kami kumpletong tropa. Nalaman ko rin na niyaya ni Jenny si Philip sumama ngunit tumanggi ito at sumama sa ibang grupo. Kinumbinsi man ito ni Jenny ng maigi, ngunit nagmatigas si Philip.

Nakarating kami agad sa bahay at nagsimula na kaming uminom magbabarkada. Habang nagiinom kami ay tinawag ako ni Jenny habang may pilyang ngiti naman ito sa kanyang mukha. Tinawag nya ko palabas sa gate.

“Oh, Jenny, bakit?”

“Nako, basang basa na ng lahat dito, ikaw nlng ata ang di nakakagets”

“Huh? Ng ano?”

“Sa mga nagyayari sa paligid mo! Hanurpaber!”

“Ano bang nangyari?!”

“Nakita ko kayo kanina ni Philip na nagkakatinginan habang nagsasayawan. Ang arte nyo kasi, ayaw nu pa mag ayos dalawa!”

“Wala sakin ang deperensya Jenny, alam mo kung anon..”

“Ssshh.. I know what happened. Ilang beses mo na kaya kinwento. Nakakasawa na noh.. Hay nako! Ewan ko ba kasi sa inung mga “lalake”, ang dami nyong eksena sa buhay! Nakakawindang!”, pag emphasize nya sa LALAKE.

“Eksena?”

“Oo, nako bes, malakas ako maka amoy noh. Pero don’t worry, kung ano pa man ang pagkatao nyo ay tanggap ko. Pero geez! Pakatotoo naman kau pwede?”

“Jenny, what are you talking about?”

“Ang lakas mo maka tanga ha. Nakakaloka ka na. Ano ba toh?! Ewan ko sayo! I don’t know kung dedma ka ba or just playing plain stupid. Hhmmm.. Pero hukei, don’t worry bes, I’ll do what every beautiful bestfriend has to do”
.
At yun na nga, umalis ito at nag iwan lang ng isang pilyang ngiti. Hindi ko naman nagets kung ano ba tlgang ibig sabihin nito ni Jenny. Nakakawindang. Ano bang pinagsasabi nitong babaeng to?!

Pag pasok na pagpasok ko ay nabaling ang tingin ko kay Art at napansin kong medyo namumutla at matamlay ito. Nang pinuntahan ko ito ay labis ako nabigla.

“Shit! Taena Art, ang taas ng lagnat mo, bat ka pa ba naginom? Dun na nga tayo sa kwarto.”, napasigaw kong sinabi na ikina alarma naman ng lahat. Agad naming dinala si Art sa kwarto upang mapaghinga. Nagdala rin sila ng bimpo at tubig para mapunasan ko si Art ng bumaba naman kahit kaunti ang kanyang lagnat. Maya maya pa’y pumasok din si Jenny na may dalang gamot at tubig na agad nyang pinainom nya kay Art. Halata at bakas sa lahat ang pagaalala.

“Pahinga ka na Art. Ikaw talaga, nilalagnat ka pala, di mo man lang sinabi sakin. Tsk tsk tsk.. Ikaw talaga…”

“Okay lang ako Jerry. Kaya ko.”

“Hindi pwede Art. Nangako ako kay Tito Lance at tska sa sarili ko na di kita papabayaan.”

“Sige na, bumalik ka na dun. Ok lang ako. Ayoko masayang ang oras mo ditto, magpapahinga ako dito.”

“Art, ano ka ba.”, sablay haplos sa buhok nya, “Hindi saying ang oras ko lalo na pag ikaw ang kasama ko. Kaya pahinga ka na dyan para maka gala na uli tayo.”

Nginitian lan ako ni Art at pumikit na ito at nagpahinga.

Nang nakatulog na si Art ay nagpatuloy na kami mag inuman.

Kahit pa nagiinom ay binabalik balikan ko si Art sa kwarto para icheck sya kung ok sya. Napansin ko din si Jenny na iiling iling sabay tatawa ng bahagya.

“Youre so predicatable.”, patawang sabi ni Jenny. Di ko nalang pinansin.

Maya maya ay may tumawag sa cellphone ni Ben. Nung una ay di namin pinansin pero ng magbago ang reaksyon sa mukha ni Ben ay napatutok kami dito. Mas nagulat nalang ako ng biglang inabot sakin ni Ben ang kanyang cellphone. May gusto daw kumausap sakin. Lalo naman ako nagtaka kaya agad agad kong kinuha ang kanyang cellphone at nakipagusap.

“H-hello? Si Jerry to. Sino to?”

Lalake ang sumagot.

“Jerry, si Philip…….”

“WHAT?! Ano nangyari?! Taena, BAKIT?.”, nataranta kong sinabi sa kausap ko. Lahat naman ay mistulang tulala at naghihintay sa sasabihin ko. Lahat sila ay clueless sa mga nangyayari. Lahat sila ay nagtatanong kung sino ba ang kausap ko at bat ganun nalang ako mag react.

“Ha.. O sige….”, utal utal kong sinagot sa kausap ko bago tuluyan ibaba ang cellphone at inabot kay Ben.

Pagka abot ko ng cellphone ni Ben ay napaupo ako muli sa aking kinauupuan. Tulala at di mawari ang sinabi ng kausap sa telepono. Lahat naman sila ay nangungulit at inuusisa ako sa anong nangyari sa aming usapan ng lalake sa telepono.

“Si James yun, yung kakambal ni Philip. Nasa isang bar daw sila nila Philip at lasing na lasing, nagwawala.. At..”

“AT ANO?!!!”, tanong ng lahat.

Tulala pa rin ako. Di ko alam pano sasabihin. Ni hindi ko nga maexplain sa sarili kung anong nangyayari o kung totoo ba yung tawag na natanggap ko just now. Parang nablock ang utak ko.

“Hinahanap…. daw ako…?”, tanging sagot ko lang. Nathimik ang lahat. Medyo curious ang mukha. Nagtataka din sila bigla sa turn of events. Bigla akong nilapitan ni Jenny.

“Go. He needs you.”

“Bakit? Ano naman matutul..”

“Hay nako Jerry! Just go! I know its hard for you. Nakakalito, kahit ako nagulat noh! Pero cge, I’ll go with you. Kung di mo kaya talaga mag isa, I’ll go with you. Erwin, you stay here. This is something a little personal kaya ako nalang sasama. Guys, kayo na bahala muna dito at kay Art.”, matigas na sabi ni Jenny. Iba talaga ang lakas ng personality ni Jenny. Lahat ay napatango nalang bilang pangsang ayon at wala nang sinabi pa. At dali dali na kaming lumabas at sumakay ng taxi.

Kasalukuyan kaming nasa taxi at nagiisip pa rin kung sa ano bang nangyayari.. Hindi ko pa rin lubos maisip kung bakit naglasing at nagwawala si Philip sa loob ng isang bar at bglang hahanapin ako. “Bat nya ko hinahanap? Narealiza nya na kaya ang mali nya? Magkakaayos na rin kaya kami sa wakas?”, yan ang mga tanong na naglalaro sa isip ko. Pero kahit anong isip gawin ko, hindi pa rin ako makuntento. May halong kaba at excitement akong nararamdaman sa pagpunta at muli naming pagkikita ni Philip.

Habang nasa taxi naman ay nagsalita si Jenny. Halong inis at pagaalala ang maririnig mo sa tono ng kaniyang pananalita.

“You still don’t get it, do you? I don’t think you realize what’s happening here.”

At tama sya. Clueless pa rin ako talaga. Wala akong ka ideideya sa mga nangyayari. Naguguluhan na rin ako. Kasi teka ha, recall muna. Una, inaway away nya ko, tapos ngayon maglalasing sya, magwawala at hahanapin ako? WEIRD!!!! Kaya sumagot ako sa sinabi ni Jenny na medyo may inis din sa tono ko.

“What’s to realize Jenny?! Im clueless. And yeah! I DON’T GET IT!!”

“Magusap nga tayo ng masinsinan! Gawd!!!! kailangan ba ako talaga magparealize sayo nito?! Okay.. Whew!!!! HELLO!!!! Excuse me lang Mr. Jerry cruz ha! Why would some guy be over affected dahil galit saknya ang isang lalake? Bakit din halos pagsukluban ka ng langit sa galit ng makita ka niyang kayakap si Art? Bakit halos magtunawan kayo sa pagtitinginan kung TUNAY na mga lalake kayo?! And bakit naman magiinom, magpapakalasing, magwawala at hahanap hanapin ka ng isang lalake, eh, lalake ka din?! Okay, your friends and all that, pero do regular friends do that??!! Cmon Jerry!!!! Matalino ka!! YOU know what im talking about! Sa tingin mo ano nga ba talaga mga personality nyo?! Wake up girl!”

Medyo nagpintig ang tenga ko sa narinig ko. Lalo na ung..

“Girl?! Jenny lalake ako! Ano bang pinagsasabi mo?! Pati ba naman ikaw?!”

“Okay, I know that Jerry. Nagka girlfriend ka and girls interest you. Pero Jerry, look ha.. Boys don’t do stuff like you guys do. At sabi ko nga, malakas ang pang amoy ko noh! I know one when I see one. At tsaka sa tingin mo ba, oo, magbestfriends tayo, pero ung mga gngwa nyo ba, gngwa nyo samin?! Masyado kayong duwag aminin mga nararamdaman nyo. At ano ang ending?! Edi kayo kayo ang nagkakasakitan imbis na get over your stupidty and just do what you have to do! Gawd! Think about what I’ve said and PLEASE magisip ka tlga ng mabuti. ”

Natameme ako. Di ko alam ang sasabihin. Ramdam kong tagos sa buto at kaluluwa ang mga sinabi ni Jenny. Sinubukan ko magisip, ngunit di ko na rin alam ang iisipin. Tangina, ano ba! Hindi na ko magkanda uga uga sa kinauupuan ko, at eto, may iniwan pang palaisipan sakin si Jenny. Lalo akong naguguluhan. Asar!

At doon, muli nanaman nagkakaron ng konting linaw sa utak ko.. Unti unting nasasagot ang mga katanungan ko sa isip. Nagkakaron ng kahit konting linaaw ang mga damdaming hindi ko noon maintindihan.

Nang makababa na kami ng taxi ay agad agad kaming pumasok ni Jenny. Pagpasok na pagpasok ay nakita ko agad ang grupo nila Philip. Nang naglalakad ako palapit ay nakakapit sa braso ko si Jenny. Halatang kabado din ito. Pero kahit ako ay kabado. Hindi ko maiwasan na hindi pagpawisan. Ang init init ng mukha. Ramdam ko ang init na lumalabas sa bawat butas sa balat ko. Napalunok at napahinga ako ng malalim.

Ngunit sa di inaasahang pagkakataon, nang makalapit ako at makita ako ni Philip ay isang malakas na suntok ang naramdaman kong bumaon sa mukha ko. At sa sobrang lakas ng impact ay na out of balance ako at natumba sa sahig. Ramdam ko na biglang may tumutulo sa ilong ko. Pakiramdam at hula ko, dugo iyon. Nang tingnan ko ay nakumpirma kong dugo nga ito. Dahil sa lakas ng kanyang suntok ay nagdugo ang aking ilong. Nagdilim ang aking paningin. Hindi na ako nakapagpigil. Lahat ng galit na namumuo sa loob ko ay gusto ko na rin ilabas! Tumayo ako agad at binigyan sya ng isang suntok, dalawa, sunod sunod. Hindi ko na madetalye ang mga nangyari. Ramdam ko nalang ang mga kamao at tadyak na tumatama sa ibat ibang parte ng aking katawan. BLAGAG! Bumagsak nanaman ako. Susugod na sana ako uli ng maramdaman kong may mga brasong nagbitbit samin palabas. Agad agad din naglabasan ang mga kasamahan ni Philip at halata ang pagtataka sakanila. Maski si Jenny ay lumbas at agad na lumapit sakin.

“Taena mo Philip! Ako, masyado na kong nagtitimpi sayo!! Ano bang ginawa ko sayo?!! Bat ganto na lang kalaki ang galit mo sakin?!!”, galit at duguan kong sinabi saknya. Tinitigan ko sya mata sa mata. Bakas at ramdam ko ang galit sa kanyang mga mata. Maski ako ay nararamdaman ko ang init ng katawan ko sa sobrang galit na nararamdaman. Nakita ko syang duguan din ang mukha. Pero walang awa ang dumaloy sakin. “Masyado na kong nagtitimpi sayo Philip!”, sa loob loob ko.

“Gago kang bakla ka! BAKLA! Kinaibigan kita pero wala, hindi ko alam na isa ka palang AHAS and worst ay isa ka palang BAKLA!”

“Ahas?! Bakla?! E gago ka pala eh! Ano bang pinagsasabi mo jan! Ngayon mo ilabas lahat ng sama ng loob mo! Hindi ko na talaga maintindihan kasi! Ipaintindi mo nga yang mga paratang mo! Ako pagod na pagod na ko kakaisip sa mga drama nyo! Hindi ba pwede na kausapin nyo nalang ako ng matino?! Madali naman akong kausap ha! Kinaibigan kitang totoo Philip!! Lahat ng mga gusto nyo, sinunod ko! Wala akong pinakita sayong hindi maganda!”, ng biglang makatakas sa mga kamay ng umaawat samin ay dali dali kong nilapitan si Philip at hinarap ito. Binitawan na rin sya ng mga umaawat sakanya.

“Hindi mo alam?! Nakakatawa ka!! HA! HA! HA! E ano yung nakita kong magkayakap kayo ni Art?! Taena, e ang sweet sweet nyo pa ngang dalawa!! Yan ba ang sasabihin mong hindi BAKLA?!”

“Alam mo! Kung hayaan mo sana akong magpaliwanag muna!! Hindi yung basta basta kang nagkakaganyan!! Kung kaibigan mo man lang ako, sana binigyan mo ko ng pagkakataon magpaliwanag. At tsaka, ano bang kinagagalit mo ha?!”, matigas na tugon ko.

“Ano pang dapat mo ipaliwanag?! Kitang kita na ng dalawang mata ko ang lahat. Kung pano nakayakap sayo yang taenang Art na yan na isa din palang BAKLA!! Alam mo, hindi ko alam kung bakit ka nga pumayag na yakapin ka!! Pero malamang, ginusto mo rin yun! Kasi Bakla ka din!!”

Magsasalita na sana ako ng biglang umagaw eksena si Jenny. Nabigla ang lahat ng biglang nagpakawala ito ng isang malakas na sampal. Sinampal nito si Philip.

PPAAAKKKKK!

“Tumigil na nga kayong dalawa! Ikaw Philip!! Ikaw! e gago ka pala eh! Nagtanong ka ba kung anong nangyari?! You know what Philip, YOU are so SELFISH! Nakakapanggigil yang katangahan mo!!! GEEZ!!!! Just so you know ha, at pwede, luwagan mo muna yang utak mo dahil nanggigil na ko!! kinocomfort nya po si Art! Ang gago mo! Hindi mo ba naisip na NAMATAYAN YUNG TAO?! BESTFRIEND DIN PO SYA NI ART!! And magisip ka nga Philip, I’m sure, if you were in Art’s place he would’ve done the same for you! I know because I would! Pero naging makitid yang utak mo!! Hindi mo man lang ba naisip kung ano pinagdadaanan ni Art?! Alam mo, ang tindi ng pride mo!! Nilapitan ka na ni Jerry before, pero anong ginawa mo?! Pinagtabuyan mo at minaliit mo sya dba?! Pano mo ngayon sasabihan na kaibigan ka! At tsaka teka nga ha!!! E ano naman ngayon kung niyakap nya si Art?! Mind you, Bestfriend KA LANG PO!! Bakit ka ba masyadong affected sa nakita mo?! Ano bang meron kung bakla nga si Jerry?! What are you so angry about?! Psss, cge nga! TELL US! Ngayon mo sabihin saming lahat kung ano bang kinagagalit mo sa nakita mo!”, galit at matigas na sinabi ni Jenny kay Philip. Halata naman ang pamumutla at biglaang pagkalma ni Philip. Mukhang natauhan ito at biglang nagiba ang aura nito.

Lahat ay tahimik, pati ang mga tao sa paligid ay tahimik. Lahat ay tila naghihintay sa magiging susunod na hakbang ni Philip. Maya maya ay humakbang ito at akmang hawakan at kausapin ako ng biglang umeksena nanaman si Jenny at biglang nilayo ang kamay ni Philip at nilayo ako.

“Alam mo, before you say something again! Pagisipan mo muna mabuti! Kasi alam mo, nung nagsabog ng katangahan, sinalo mo na lahat, nang agaw ka pa! Let this be an eye opener to you! Hanggang hindi mo naamin sa sarili mo at na reresolve ang issues mo, wag na wag mo kaming lalapitan! I’m tired of giving advices to you! Ang tagal na din kitang sinasabihan! Pero it seems di ka rin nakikinig! Para sakin, ive said enough! Ikaw na bahala sa susunod mong hakbang! You’ve screwed everything up!”, sabay hila sakin at naglakad kami palayo sa bar.

Pero bago kami tuluyang umalis, ay hindi na din ako nakapagpigil ng sarili. Gusto ko ng sabihin sakanya ang tunay kong nararamdaman. Nararamdaman ko ang mga luha na unti unti nanamang namumuo sa mga mata ko. Masakit. Hindi ang mga pasa o sugat na natamo ko mula sa away naming dalawa, pero ang tunay na masakit ay ang kirot sa puso ko. Yung tipong ang bigat bigat at hindi ka makahinga. Yung nararamdaman mo na unti unti kang hinihiwa, sabay pagkahiwa e bubulatlatin ang sugat gamit ang mga kamay. Masakit na masakit na.. Kailangan ko na ito ilabas.

“Una sa lahat, hindi ako ang lumapit sayo para makipagkaibigan. But I’m thankful that you did. Hindi rin ako ang nagclaim na bestfriend kita. Pero I’m thankful pa rin ako na you did. Pero ako ngayon ang lumalapit sayo, I came here with the intention na malaman kung okay ba. Tumawag sakin ang kambal mo to tell me what’s happening here. Oo, At first, I was hesitant, pero nung papunta na kami d2, I was hoping na magkaayos na tayo. Meron sa loob ko na masaya kasi we can spend time together uli. Hindi mo alam kung gano kita namis. Hindi mo alam kung gano ako nalulungkot at nasasaktan ng panahong di tayo okay. Akala ko ay magiging okay na tayo. Pero hindi ko inexpect na ito ang aabutan ko dito. Hindi ko narealize na ganyan pla kababa ang tingin mo sakin. Philip, I cared for you. Nung una mo kong pinahiya sa sarili ko nung sinubukan kong makipag ayos sayo, tiniis ko yun, hindi mo alam kung gaano naging kaliit ang tingin ko sa sarili ko. You don’t know how much pain I was in. Pero ngayon, pinahiya mo ko for the second time, sa harap pa ng maraming tao. Masaya ka na…..?! Masaya ka ng ipagsigawan sa lahat na nagpakatanga ko sa pakikipagkaibigan sayo?!”,

Hindi ko namalayan na habang sinasabi ko yun ay tumutulo at dumadalay na pala ang mga luha sa aking mata. Malamang dahil sa sobrang sakit na rin ng nararamdaman ko. Umiyak na ko ng tuluyan. Nasabi ko na ang iba kong gustong sabihin, lahat ng kalungkutan na nadarama ko ay nasabi ko na. But then, naramdaman ko na ang galit.

“Alam mo Philip, Putang ina mo!! Kaibigan kitang tinuring!! Nung sinabi mo sakin na wag kita iwan, ginawa ko naman ah!! Kahit pa ngayon na ganto ang inabot ko sayo!! Pero ikaw, ikaw na gago ka!! IKAW ang nangiwan!! Wag na wag mo isisi sakin to, dahil kung nagkamali man ako, yun ay pilit kang intindihin. Hindi ko gusto na tapusin ang pagkakaibigan natin sa ganto. But then again, Im thankful that you did. Im thankful na pinakita mo sakin kung sino ka. Screw you!”

Tuloy tuloy na akong naglakad at sumunod si Jenny at kumapit sa mga kamay ko. Mahigpit ang hawak nya sakin. Alam kong natatakot sya dahil ngayon nya lang nakita ang side ko na galit.

Pagpasok ng taxi ay di ko na maiwasan ang hindi pa rin umiyak. Nakita ko rin si Jenny na umiiyak. Napansin ko nalang na niyakap niya ko. Habang yakap niya ko ay hinihimas naman nya ang aking likuran.

“Jerry, I’m so sorry for what happened. Aaminin ko, Ive been talking to Philip for quite some time now. Nagbibigay ako sakanya ng advices and updates about you. Lagi ka kasi nyang tinatanong sakin. I know things Jerry. Pero ayoko manggaling sakin. I know this is not easy for you. Ganun din sakin. Pero I promise you, bilang bestfriend nyo ay gagawin ko ang lahat para maayos to.”

Hanggang sa makarating kami ng bahay ay tahimik pa rin ako. Bago pa kami tuluyang bumaba ay nag ayos muna ko ng sarili para di mahalata ng iba na umiyak ako. Alam kong may mga galos at pasa ako. Pero wala na kong pakialam. Basta kahit papano ay presentable pa rin ang ichura ko na haharap sa mga kaibigan upang d naman din sila magalala sakin. Pagdating namin ay tapos na maginuman ang lahat. Yung iba pa ay nakatulog na rin sa pagkalasing. Ang iba naman ay di na nakapaghintay at umuwi na. Lahat ay gusto magtanong pero umiling lang si Jenny. Kaya nanahimik na rin muna sila. Ako naman ay agad agad na pumasok sa kwarto at pinuntahan si Art na noo’y nilalagnat pa rin. Naramdaman ko nalang na tumahimik na sa bahay.

Nagpunta ako ng banyo upang maligo. Gusto kong makapaglinis ng katawan. Gusto kong iligo lahat ng dumi na nararamdaman ko sa katawan. Sinabay ko ang pagtulo ng mga luha ko sa agos ng tubig na lumalabas sa shower. Gustuhin ko mang humagulgol ng malakas ay di ko magawa dahil magtaka ang mga kasama ko sa labas, o kaya ay baka magising si Art. Kaya pilit na pilit ang hindi ko paggawa ng ingay habang umiiyak. Ramdam ko na mas malamig ang tubig na dumadaloy sa aking katawan. Pilit kong hinuhugasan ang mga dugong natuyo sa ibang parte ng katawan ko at umaasa na sa bawat pagtanggal ko ng mancha ng dugo ay mawala na rin ang sakit na nararamdaman ko. Pero hindi, mas masakit ang lahat dahil sat wing ginagawa ko yun ay mas naaalala ko ang lahat kay Philip. Kung gaano kami naging mabuting kaibigan. Lahat ng happy memories. Ang pagkain naming sa mcdo, ang paghintay nya sakin sa babaan ng jeep, ang sabay naming paguwi, at ang iba pang magagandang alaala na meron kami. Nasasaktan akong isipin na lahat ngayon ay tnapos nya na ngayong gabi.

Nararamdaman ko na ang pangungulubot ng aking balat dahil sa sobrang pagkababad sa tubig kaya nagdesisyon na kong ihinto muna ang pagiyak at magkunwaring normal. Mahirap man ay sinubukan ko.
Mag uumaga na ngunit di pa rin ako nakakatulog. Pilit kong iniisip ang mga nangyayari. Simula sa pagkakakita ni Philip samin ni Art na magkayakap, pagtatalo naming ng sinubukan ko makipag ayos, ang nanguari samin ni Art,ang pagtingin sakin ni Philip sa hallway sa school, ang mga sulyap na ginawa namin sa prom, ang mga sinabi sakin ni Jenny sa taxi hanggang sa pagtatalo namin kanina. Lahat ay naging palaisipan sakin.

Nang bumaba ako para kumuha ng tubig para sa gamot at pampunas ni Art ay kinuha ko sa bulsa ang cellphone ko at nakita ang sangkaterbang txt at miscalls. Galing ang iba sa mga kaibigan, at kay Philip. Di ko na nagawa pang magreply sakanila at umakyat na ko. Pagka akyat ay agad kong pinunasan uli si Art. Habang ginagawa ko yun ay napaisip ako sa mga sinabi sakin ni Jenny.

“Bat nga ba ko ganto ka apektado?Bakit nga ba nangungulila ako kay Philip? Bakit hinahayaan ko rin na yakap yakapin ako ni Art? Bakit nga din ba naglasing sya ng dahil sakin? Bat ba ganto ang nararamdaman ko? Hindi ko na maintindihan kung ano nagyayari pero alam kong may mali. Bakit iba ang nararamdamn ko? Sino at Ano nga ba ako?!”, paulit ulit na tinanong ko sa sarili.

Pagkatapos magpunas ay pinainom ko naman ng gamot si Art. Maya maya ay tumabi na rin ako upang magpahinga. Pagkahiga ko ay di pa rin mawala sa isip ko ang lahat ng mga nangyayari. Pilit kong kinakalimutan ang mga nangyari ngunit naaalala ko lamang ulit ang lahat ng ito. Naramdaman ko nalang ang biglaang pagpatak ng luha mula sa aking mga mata. Matinding kalungkutan ang bumalot sakin. Hindi ko nalang napansin na nakatulog nalang pala ako.

Nang magising ako ay hapon na. Pagkamulat ko ay wala na sa Art sa tabi ko. Nung umupo ako ay ramdam ko matingding sakit ng ulo. Dahil ata to sa pinaghalo halong hang over sa alak, pagkakasuntok at problemang iniisip. Pagkatayo ay agad akong nagpunta ng banyo. Pagtingin ko sa salamin ay halata ang pagkahagard ko. Namamaga ang aking mga mata at may mga pasa sa aking katawan. Mukhang napuruhan din ako.

Nang matapos makapaghilamos at sipilyo ay agad na kong lumabas ng kwarto para bumaba.

Pagkababa ay nadatnan kong nakahiga si Art sa sofa at nanonood ng tv. Agad ko naman syang nilapitan. Nang makalapit ay umusog si Art upang makaupo ako. Pagka upo ko naman ay bigla namang inunan ni Art ang ulo nya sa lap ko. Napatingin nalang ako saknya ng bigla nya kong binati ng “Good Morning”, sabay ngiti. Medyo nawala ang problema ko ng makita ang mga ngiting yun. Napagaan sa pakiramdam pag nakikita ko ang mga ngiting yun.

“Bakit ka nanonood ng tv? May lagnat ka pa ha?”

“Ang tagal mo kasi magising. Halatang pagod ka kaya di na kita ginising muna. Uminom na rin naman ako ng gamot.”

“Nako Art, pasensya ka na ha. Medyo pagod kasi nga ako talaga. Teka, magluluto na ko ng makakain tayo.”, akmang tatayo na ko sa kinauupuan pero nagpabigat ito.

“Huwag ka na muna magluto. Umorder na ko ng pagkain sa fastfood. Parating na yun.”

“Hala! Sawa ka na sa luto ko noh? Hahaha! Gumastos ka pa tuloy. Ikaw talaga.”

“Hindi ah! Gusto ko lang bumawi sa pag aalaga mo sakin at di mo pagiwan sakin.”

“Wala yun.”, sabay ngiti sakanya.

Pero hindi ito ngumiti tulad ng inaasahan. Alam kong nakita nya ang mga pasa sa mukha ko, pero di sya nagtatanong.

Maya maya ay dumating na ang pagkain. Mcdo. Shit! Naalala ko nanaman si Philip. Hindi ko naiwasan malungkot. Ngunit pilit ko itong tinago para di mapansin ni Art.

Bago pa kumain ay nginitian ko si Art. Ngunit di sya ngumiti tulad ng inaasahan ko. Sa halip ay sumimangot ito.

“You can stop pretending now. I know what happened last night. Jenny told me all about it.”, maluha luha nitong sambit sakin sabay tungo. Iniangat ko naman ang ulo ang ulo nya at tiningnan ko sya sa mata at sinabing..

“Alam mo.. It’s not your fault. And I’m not pretending. Masaya ako na andyan para sayo. Kung ano man ang nangyari, it has nothing to do with you..”

“I know its partly my fault..”

“Hindi noh. How will it be your fault? Walang may gusto sa mga nangyari. And even if it was your fault, nangyari na. So, don’t put too much thought about it. Kung pinipili nyang tapusin ang pagkakaibigan namin, wala na ko magagawa.”

Tumingin sakin si Art ng taimtim. Hinawakan nya ang mukha ko. Ang labi ko na may sugat dahil sa pumutok ito sa suntok. Ang pasa ko sa kilay, sa braso, at ang mga gasgas ko sa siko.

“Ang dami mong pasa.”

“Pasa lang yan. Gagaling yan. Pero ung ginawa nya? Mas masakit yun.”

Sa ideyang yun ay di ko na maiwasan malungkot. Ayaw ko sana ipakita kay Art na sobra akong apektado pero di ko na naitago. Kaya tahimik na ako simula nun. Simula ng kumain kami at matapos, hindi na ko uli nagsalita. Pagkatapos naman naming kumain ay hinatid ko na si Art pabalik sakanila. Naging tahimik pa rin kami sa loob ng taxi. Hanggang sa naihatid ko na sya at nakauwi na uli ako sa bahay ay di ako nagsalita.

Nang makauwi ako ay dumirecho na ko sa kwarto. Pagkasara na pagkasara ko palang ng pinto, dumaloy na ang mga luha ko. Lahat ng pinipigil kong emosyon ay lumabas na. Hindi na ako umiyak, kundi humagugol ako ng sobra. Ung tipong batang inagawan mo ng kung ano, or maybe, mas grabe pa dun. I was literally crying my heart out. Hinayaan kong kumawala ang lahat ng sakit na kagabi ko pa pinipigil. Matagal akong humahagulgol hanggang sa naupo ako sa sahig dahil naramdaman ko ang panlalambot ng mga tuhod ko. Napakasakit.. Nakakapanghina.. Nkakapanglumo.. Paikot ikot ang lahat ng eksena sa utak ko. Pati na rin ang kinukubli kong pagkalito sa nararamdaman ko para kay Philip. Sa pagiiyak ko, sinasambit ko pa rin ang pangalan na sanhi ng lahat ng sakit na nararamdaman ko.. Hanggang sa di ko na namalayan na nakatulog nlng ako sa sahig ng kwarto ko..

“Philip…………”

No comments:

Post a Comment

Read More Like This