Pages

Thursday, March 9, 2017

At Your Service Nikko (Part 7)

By: Lonely Bulakenyo

“Ako naman.” ang bulong ko sa kanya sabay sunggab sa leeg nya. 

Tinapatan ko ang paghimod na ginawa nya sa akin kanina.  Ramdam ko ang sarap na nararamdaman ni Oliver dahil napayakap ito sa akin at nagagawang kalmutin ang likuran ko.  Sa halip na masaktan ay kakaibang sarap ang naidulot nito sa akin kaya mas pinagbutihan ko ang ginagawang paghimod sa kanya.  Sinimulan ko na ding pagkiskisin ang mga alaga namin na lalong nagpa-ulol sa kanya.  Nang dahil dun ay napahalinghing sya ng malakas.  Dahil sa pagkabigla ay agad kong tinakpan ang bibig nya.

“Fuck! Shhhhh! Wag kang maingay.  Baka may makarinig sa atin.” Pagsaway ko sa kanya.  Hindi na sya umimik pa bagkus ay tumango na lang at muling hinatak ang ulo ko pabalik sa leeg nya.

Sinimulan kong pagapangin ang dila ko patungo sa dibdib nya. Nilamas ko ang matambok na dibdib nya at kasabay nito ay ang paghimod at pagsupsop sa utong nya.  Halos mawala sa ulirat si Oliver. Hinawakan nya ako sa ulo at pilit na isinusubsob ang mukha ko sa dibdib nya.  Muli kong ibinaba ang dila ko sa abs nya.  Inisa isa kong dilaan ang 6 packs nya bago ko sinimulang laruin ang pusod nya. Nasa kasarapan ako ng pagdila sa pusod nya nang maramdaman ko ang pagtuon ng dalawang kamay nya sa bunbunan ko at pilit na itinutulak ang ulo ko papunta sa alaga nya.  Agad kong itinigil ang ginagawa ko at tsaka tumayo.

“Hindi ko isusubo yan, pre.” Ang sabi ko.

“Ha? Bakit? Ang daya mo naman.” Ang disappointed na sagot nya.  Agad akong luminga sa paligid ng banyo para maghanap ng palusot.  Eksaktong tumambad ang bukas na petroleum jelly sa akin na nakalagay sa may lababo.

“May gagawin ako sa iyo na mas magugustuhan mo.” Ang sabi ko sa kanya sabay bigay ng ngiting nakakaakit.

Hinawakan ko sya sa magkabilang bewang at dahan dahan na ibinaling ang katawan nya  patalikod sa akin.  Parang nahipnotismo lang si Oliver na sumunod sa pinagawa ko.  Pagkatalikod at dahan dahan kong ibinaba ang pantalon at brief nya hanggang tuhod.  Pagkatapos ay hinawakan ko sya sa ulo at dahan dahang pinayuko.
Nang nakayuko na sya ay muli akong pumwesto sa likod nya. Nagsimula ako sa paghalik sa dalawang pisngi ng puwetan nya. Saglit itong nilamas bago pinaghiwalay.  Nang tumambad sa akin ang pinakabutas ay saglit ko itong pinagmasdan. Humugot ko ng malalim na hininga at tsaka ko ito sinunggaban.  Dahil sa pagkabigla ay agad na napahawak si Oliver sa dingding ng CR.

“Ahhhhh! Shit!” ang tanging nasabi ni Oliver nang magsimulang maglaro ang dila ko sa butas ng puwet nya.

Lalong bumilis ang paghinga niya nang patigasin, pabilugin at pilit kong ipasok ang dila ko sa pinakabutas ng puwit nya.  Nakadikit na ang mukha nya at nakalapat na ang kanyang mga palad sa dingding ng CR.  Hindi na din malaman ni Oliver kung paanong pihit ang gagawin nya sa katawan nya.  May mga pagkakataon na napapaigtad sya.  Ilang minuto din kaming tumagal sa ganung posisyon.  Ginalingan ko ang ginagawa ko sa kanya at siniguradong mamamanhid ang butas ng pwet nya para maging handa sya sa mga susunod kong gagawin. Dahil alam kong libog na libog na si Oliver kaya dahan dahan kong pinagapang ang dila ko mula sa butas ng puwit nya, papuntang bewang, likod at leeg nya.  Pagdating sa leeg ay saglit ko itong hinimod bago tuluyang pagapangin ang dila ko sa tenga nya.  Dinilaan at isinubo ko muna ang earlobe nya bago ako bumulong.

“Ano Oliver?  Masarap ba? Kaya mo pa ba? ” ang pabulong na tanong ko.

“Oo. Tangina Pre. The best ka." Ang sagot nya habang napapatango.

Pasimple kong inabot  ang petroleum jelly gamit ang isang kamay at kumuha ng kaunti.

“Eto? Masarap ba?” ang tanong ko sabay pahid ng petroleum jelly sa butas pwet nya.  Hindi na sya kumibo.  Tumango na lang. Hinimas at minasahe ko ang butas nya bago ko sinubukang ipasok ang kalahati ng hinlalato ko.

“Ahhhhh!” ang tanging nasabi ni Oliver. Napapangiwi sya ng kaunti nung una dahil may kongting kirot pero napapalitan din naman ng sarap.  Sinimulan kong ilabas masok ang daliri ko sa butas nya.  Nang makita kong relaxed na sya ay sinubukan kong dalawang daliri ang ipasok sa kanya.

“Eto Oliver? Kaya mo ba?” ang bulong ko sa kanya habang naglalabas masok ang dalawang daliri ko sa kaibuturan nya.

“Medyo masakit pero ok lang. Ahhh!” tugon niya sa akin.  Dahil dun ay agad kong hinimod ang leeg at tenga ni Oliver. Napatingala sya sa sarap dahil sa paghahalo ng kirot, sarap at libog na nararamdaman nya.  Ilang saglit lang ay naramdaman kong naging kumportable na si Oliver sa ginagawa ko dahil sinasalubong na ng pwet nya ang paglabas masok ng daliri ko.  Agad akong tumigil sa pagfinger sa kanya pero ipinagpatuloy ko ang paghimod sa leeg at tenga nya.  Pasimple akong kumuha ng petroleum jelly at ipinahid ito sa pinakaulo ng alaga ko.  Itinigil ko ang paghimod ko sa kanya at itinutok ang malintog na ulo ng alaga ko sa bukana ng lagusan nya.  Hindi pa man ako umuulos ay kaagad akong hinawakan ni Oliver sa may puson ko para pigilan ako sa aking gagawin.

“Teka lang Nikko.” pagpigil nya sa akin.

“Ha? Bakit?” agad na tanong ko.

“First time ko yan.  Hindi ko alam kung kakayanin ko.  Ang laki pa naman ng alaga mo.” Pag-aalala ni Oliver.

“Huwag kang mag-alala.  Akong bahala sa iyo.”

“Basta magrelaks ka lang.”

“Sa una lang masakit 'to.  Pero kalaunan mararamdaman mo din ang sarap. Ok?” ang paniniguro ko sa kanya.

Kinakabahan man ay hindi na sya kumontra pa. Huminga na lang sya ng malalim at inabangan ang pagpasok ng alaga ko sa lagusan nya.  Hinalikan ko muna ang batok nya bago ko sinubukang ipasok ang ulo ng alaga ko sa kanya. Nung una ay marahan lang.  Dahil sa unang beses pa lang mapapasok ang lungga ni Oliver ay medyo nahirapan ako.  Kaya ikiniskis ko muna sa pinakabutas ng pwet nya ang ulo ng alaga ko para malagyan ito ng mas maraming petroleum jelly.  Muli ko itong itinutok at pilit na ipinasok sa butas niya.  Dahil sa dinagdagan ko ng pwersa ang pag-ulos ko kaya dahan dahan na lumusot ang ulo ng alaga ko sa butas niya.  Agad na napaigtad si Oliver sa sakit na naramdaman.

“Ahhh. Aray! Saglit lang.” ang hinaing ni Oliver sabay hawak sa hita ko para ako ay pigilan.

“Hayaan mo lang.  Huwag mong pigilan.  Irelaks mo lang katawan mo.”  Bulong ko sa kanya.  Naging sunud sunuran lang si Oliver sa akin.  Kaya muli kong pilit na itulak ang alaga ko papasok sa kanya. At saglit na hihinto kapag napapaigtad si Oliver. Ganun lang ang ginagawa ko hanggang sa tuluyan nang makapasok ang kahabaan ko sa kaloob looban nya.  Hinalikan ko sya sa batok at hinimas ang balakang nya.  Lumingon si Oliver sa akin at tsaka nagsabi ng…

“Sige na Nikko.  Angkinin mo na ako.”

Agad ko syang hinawakan sa balakang at nagsimulang kumadyot.  Nuong una ay marahan na pag-ulos lang ang ginagawa ko.  Madidinig mo ang mga mahihinang ungol ni Oliver sa tuwing ipapasok ko ang anim at kalahating pulagada ko sa kanya. Kapag nararamdaman ko na narerelax na siya ay mas binibilisan ko ang paggiling ng balakang ko.  Ilang saglit lang ay naramdaman ko na sinasalubong na ni Oliver ang pagbayo ko. Natuwa naman ako dahil alam kong nasasarapan na sya.

“Ano? Ok ka lang ba?” ang pabulong na tanong ko sa kanya.  Lumingon sya sa akin at ngumiti.

“Oo. Tama ka. Naghahalo na ang sakit at sarap.  Hindi ko maintindihan.  Kahit hindi ko hinahagod ang alaga ko ay para akong lalabasan.”  Nakangiting sabi nya.

“Hayaan mo lang.  Basta namnamin mo lang.” ang sabi ko bago ko muling ituloy ang pag-angkin kay Oliver.

Dahil sa alam kong hindi na masyadong nasasaktan si Oliver ay itinaas ko ang isa nyang paa at ipinatong sa may inodoro para mas madali ang pagpasok ko sa kanya.  Kung kanina ay hindi maipinta ang mukha niya sa sakit na nararamdaman, ngayon ay bakas na bakas ang ligaya at saya nya dahil naaabot na nya ang ikapitong glorya.  Kaya mas binilisan ko pa ang pagkadyot.  Mas ginalingan ko pa ang paggiling. Dinig sa loob ng banyo ang mga halinghing ni Oliver at ng pagtama ng balakang ko sa pisngi ng puwetan nya.

Maya maya pa ay lumingon si Oliver sa akin.  Bigla akong napahinto.  Sa pagkakataon na iyon ay hindi na mukha ni Oliver ang nakikita ko kundi ang mukha ni Kuya Joseph. Mukha ni Kuya Joseph na nakangiti at nakatitig sa akin.  Sa halip na matakot ay nakaramdam ako ng pagkamuhi.  Agad na umakyat ang dugo sa ulo ko dahilan para bigyan ko ng isang malakas na bayo si Oliver. Sa halip na masaktan ay napatingala lang ito sa sarap ng ginawa ko.

Sunod sunod na malalakas na bayo ang pinakawalan ko dahil sa galit at panggigigil.  Huhugutin ko ang alaga ko hanggang sa ulo na lang ang nakapasok sa loob bago ako bumayo ng malakas muli.  Mas lalong binilisan ko ang pagbayo ko habang nasa isip ko ang mukha ni Kuya Joseph.  Libog, sarap at sobrang galit ang nararamdaman ko.  Kombinasyon ng mga emosyon na maaaring makapatay.  Halos mabali na ang katawan ni Oliver dahil hindi nito alam kung paano ipipihit ang katawan nya ng dahil sa sarap na nararamdaman nya.

Ilang saglit pa ay naramdaman ko na ang muling pamumuo ng sensayson sa puson ko.  Ramdam ko na malapit ko nang marating ang sukdulan.  Kaya hinawakan ko sa ulo at sinabunutan ang buhok ni Oliver kasabay ng sunod sunod na bayo.

“Ahhhh! Malapit na ako, pre…” ang mga bulalas ko.

“Sige lang, pre. Aaaahhhhh!” tugon nya.

Mas lalong bumilis ang pag-ulos ko na sinalubong naman ng balakang ni Oliver.  Naging mas marahas na ang pagkadyot na ginagawa ko sa kanya. Lumalakas na din ang pag-ungol ni Oliver na tila wala na syang pakialam kung may makarinig man sa amin.

“Ayan na ako, Oliver.”

“Malapit naaaahh…”

“Ayan nah… Ayan nah… Ayan naaahh!!”

“Ahhhhhhhhhh!...” ang nasabi ko sabay hugot ng alaga ko.  Kasabay nito ang sunod sunod na pagsirit ng katas ko na tumama sa likuran ni Oliver.  Nakadikit ang mukha ni Oliver sa dingding at napapanganga dahil sa sarap ng nadadama nya.  Napasandal na lang ako sa dingding dahil pakiramdam ko ay babagsak ako.  Nanlalambot ang mga tuhod ko.  Pilit kong hinahabol ang aking hininga.  Nagkalat na din sa sahig ng banyo ang katas ni Oliver na kanina pa nilabasan.

Tuluyan na naming hinubad ang suot naming damit at sabay na tumapat sa shower para makapaglinis.  Si Oliver na mismo ang nagsabon at naglinis sa akin.  Nang makapagbanlaw ay agad akong nagpunas at nagpatuyo.  Dinampot ko ang aking damit at lumabas ng banyo.  Nasa kalagitnaan ako ng pagbibihis nang biglang lumabas ang nakatapis lang na si Oliver at niyakap ako mula sa likod.

“Grabe ka Nikko.  Ang galing mo pala.”

“Gigil na gigil ka kanina eh.”

“Hindi ko inakala na makakaya ko yun.”  ang sinabi ni Oliver habang nakayakap sa akin.  Hindi ako nakasagot agad dahil nakaramdam ako ng pagkakunsensya nang maalala ko si Ate Shiela.

“Hindi ka ba nakukunsenya sa nangyari sa atin ngayon?”  seryosong tanong ko sa kanya.  Hindi nakaimik si Oliver.

“Ikakasal ka na sa susunod na buwan.”

“Pinsan ko pa ang papakasalan mo.” ang dagdag ko pa.  Alam kong tinamaan si Oliver sa sinabi ko kaya hindi ito umimik.  Inalis nya ang pagyakap nya sa akin at umupo sa may kama. Humarap ako sa kanya pero hindi nya magawang tumingin sa akin.

“Oliver. Magpakatotoo ka sa sarili mo. Kaligayahan mo ang nakasalalay dito.”

“Alalahanin mong hindi lang ang pamilya mo.”

“Hindi lang ang pinsan at mga kamag-anak ko ang niloloko mo.”

“Pati ang sarili mo.”

“Huwag kang pumasok sa isang bagay na hindi mo kayang panindigan.” Ang naging paalala ko sa kanya. 

Nanatili lang akong nakatayo sa harap nya.  Hindi pa din sya umiimik. Hindi pa din sya makatingin.  Kaya tumalikod na ako at dumerecho sa pinto para lumabas.  Nakabukas na ang pintuan ng kwarto nya nang…

“Nikko… Sandali lang.”  ang pagpigil ni Oliver sa akin sabay tayo.  Dinampot nya ang kanyang pantalon at kinuha ang wallet nya tsaka naglabas ng isang libo.

“Eto oh.” Ang sabi nya sabay abot ng pera.

“Ano yan?” tanong ko.

“Bayad ko… sa serbisyo mo.” Tugon nya.

Hindi ako lumapit sa kanya.  Bagkus ay ngumiti lang ako.

“Hindi na kailangan.  Isipin mo na lang na yung nangyari sa atin ang pinakamalupit na regalo ko para sa kaarawan at nalalapit na kasal mo. Ok?” ang huli kong sinabi bago ako tuluyang lumabas ng kwarto nya.

Mag-aalas onse na ng umaga nung magising ako.  Tanghali na akong nagising dahil late na akong nakatulog kagabi.  Gabi na kasi kaming nakauwi mula sa birthday celebration si Oliver. Halos 30 minutes din kaming nawala ni Oliver kahapon kaya nag-away sila ni Ate Shiela.  Wala syang kamalay malay na kami ang magkasama at sa kung ano ang ginawa namin.  Hindi na din kami nakapag-usap ni Oliver dahil pakiramdam ko ay umiiwas na sya sa akin. Tinanguan na lang nya ako nung umalis kami ni Lola.

Pagkatapos kong mananghalian ay ako ang tumao sa tindahan ni Lola.  Si Lola na ang nagligpit ng pinagkainan namin. Pagkatapos nyang makapaghugas ay sinimulan nyang gawin ang tinatahi nyang kurtina.  Abala ako sa pagkalikot ng cellphone ko nang biglang may pumarada na sasakyan sa harap namin. Ilang saglit lang ay bumukas ang pinto sa harap at lumabas si Tristan.

Bigla akong napatanga.  May kakaiba na naman akong naramdaman nang makita ko sya.

“Dug dug!  Dug dug! Dug dug!”  ang tibok ng puso ko.

Napangiti lang si Tristan nang makita nyang nakatingin at nakatitig lang ako sa kanya.  Parang nagslow motion ang lahat habang dahan dahan siyang lumalapit sa akin.  Nakaporma si mokong.  Mukhang may lakad.  Bagay na bagay sa kanya ang plain black na body hugging na polo shirt nya.  Halos mamutok ang mga hita nya sa tight fit na pantalon nya.  Mas lalong umastig ang porma nya dahil sa white Jordan Air na sapatos na suot nya. Maaliwalas at kitang kita ang kagwapuhan nya dahil sa man bun nya.  Bigla akong napaisip.

“Bakit ganun?  Bakit ako namamangha kay Tristan.” Ang naguguluhang tanong ko sa sarili ko. Dahil nga sa pagkatulala ko ay hindi ko na namalayan na nasa harap na pala ng tindahan namin si Tristan.

“Huy!” ang bungad nya sa akin.

“Alam mo malapit ko nang isipin na hobby mo na ang pagtanga.  Hehehe.” Ang biro nya.

“Langya ka.  Dito lang pala ang bahay nyo.” Dugtong nya.

Hindi pa din ako makasagot.

“Huy Nikko. Anong nangyari sa iyo?” ang sabi nya sabay dutdot sa noo ko.

“Ha? Ah… Eh… Wala.” Ang tanging nasagot ko.

“Saan ang lakad?” ang tanong ko.

“Dyan sa Robinsons. Aayain sana kita kaya lang hindi ko naman nakuha ang number mo kahapon. Kaya dinaanan na lang kita ngayon.”

“Tinanong ko kay ateng magfifishball ang bahay nyo.”

“Tara. Samahan mo ako.”  Pag-aya ni Tristan sa akin.

“Hindi ako pwede. Ako ang bantay ng tindahan.  May ginagawa si Lola.” Ang sagot ko.

“Ganun ba? Akong bahala. Ipagpapaalam kita.” Ang sabi ni Tristan sabay lakad papunta sa loob ng bahay namin. 

Agad akong tumayo at sumunod sa kanya.  Pagkapasok ng bahay ay agad nyang nakita si Lola na nakaupo sa harap ng makina.  Lumapit si Tristan.  Bumati at nagmano kay Lola.  Bakas sa mukha ni Lola ang pagtataka.

“Ay. Sino ka ba iho?” ang nagtatakang tanong ni Lola.

“Lola.  Hindi nyo na po ba ako natatandaan?”

“Ako po si Tristan?” pakilala nya.

“Tristan?”

“Yung anak ni Konsehal?” ang sagot ni Lola.

“Opo.” Ang sagot ng nakangiting si Tristan.

“Ay susmariyosep. Ikaw na ba yan?”

“Ay kalake mo na ih.”

“Gwapong gwapo ah.” Ang gulat na tugon ni Lola.

“Naku. Hindi naman po masyado. Hehehe.” Ang nahihiyang sabi ni Tristan.

“Naku. Maupo ka muna at ipaghahanda kita ng makakain.” Ang sabi ni Lola sabay tayo.  Agad naman syang pinigilan ni Tristan.

“Lola huwag na po. Aalis po kasi ako.”

“Actually, ipagpapaalam ko po sana itong si Nikko.  Magpapasama po ako sa kanya kung ok lang po sa inyo?” ang paki-usap ni Tristan.

“Ay, oo naman. Walang problema.  Linggo naman ngayon at nagbabantay lang naman si Nikko sa tindahan.” Ang pagpayag ni Lola.

“Ayos!  Nikko, magbihis ka na.” ang natutuwang sabi ni Tristan.

Habang ako ay nag-aayos ay masayang nagkukwentuhan ang dalawa sa may sala.  Nagkamustahan. Kinamusta din ni Lola ang Mama ni Tristan na dati nyang kasama sa may Kapilya.  Naikwento na din ni Tristan ang naging desisyon ng pamilya niyang mamalagi na sya dito para mag-aral ng kolehiyo. May konting tsismisan din tungkol sa madrasta nya. Nang matapos ay agad kong inaya si Tristan.

“Tristan tara na.” pag-aya ko sa kanya.

“Paano Lola mauna na po kami.  Dalaw na lang po ako sa susunod para mahaba haba ang kwentuhan natin.”  Paalam ni Tristan sabay mano.

“Sige. Mag-ingat kayong dalawa.” Paalala ni Lola.  Lumapit din ako para magpaalam at magmano.

Paglabas kami ng gate ng may maalala ako.

“Teka. Paano kang makakapagdrive e wala ka namang lisensya?” ang tanong ko.

“Huwag kang mag-alala.  Hindi ako ang magdadrive. Kasama natin ang driver namin. Siya muna ang nagmamaneho sa akin hangga’t wala pa ang lisensya ko.”

"Law abiding citizen po kaya ako. Hehehe." ang sagot ni Tristan sa akin.

Nakaupo sa harap si Tristan katabi ng driver.  Nasa likuran naman ako at nakatingin sa kanya.  Alam kong may sinasabi sya pero hindi ko ito naiintindihan dahil nakatitig lang ako sa likod nya.  Hindi ko talaga maintindihan ang pagkamangha ko sa kanya.  Sa kabila ng mabilis na tibok ng puso ko ay magaan ang pakiramdam ko.  Nagugustuhan ko ba talaga sya? Pero bakit?

Ilang minuto lang ay nasa harap na kami ng mall.  Ibinaba kami ng driver sa may entance.

“Manong itetext na lang kita kapag malapit na kaming umuwi.  Sunduin mo na lang kami ha?” ang sabi ni Tristan.

“Sige po Sir.” ang tugon naman ng driver.

Pagka-alis ng sasakyan ay dumerecho na kami sa loob ng mall.

“Gusto mo kumain muna tayo?” tanong ni Tristan.

“Hindi ako gutom Tristan. Kakakain ko lang ng tanghalian nung dumating ka.” Sagot ko.

“Ganun ba? Kungsabagay, kakakain ko lang din naman.”

“Sige. Mamaya na lang.” sabi nya sa akin.

Dahil sa pareho pa naman kaming busog ay napagpasyahan na lang namin na gawin ang ipinunta nya sa mall. Palakad na ako ng walang anu ano ay naramdaman ko ang mga bisig ni Tristan sa balikat ko. Bigla akong nagulat at hindi ko malaman ang magiging reaksyon ko.  Halos lumusot ang puso ko mula sa dibdib dahil sa lakas ng pagkabog kaya napahawak ako dito. Nag-iinit ang mukha ko kaya hindi maiwasan na ito ay mamula na agad na napansin ni Tristan.

“Ayos ka lang ba? Namumula ka na naman?” ang pag-aalala ni Tristan sabay salat sa leeg ko para tingnan kung may lagnat ako.

“Ok lang ako Tristan.” Paniniguro ko.

“Ganyan ka din kasi kahapon.  Bigla kang namula tapos nakahawak ka pa sa dibdib mo.”

“Sigurado ka bang ok ka lang?” ang muling tanong ng nag-aalalang si Tristan.

“Oo. Don’t worry.” Ang sagot ko sabay ngiti para tanggalin ang pag-aalala sa kanya.

Dumerecho kami sa may second floor ng mall.  Nasa tapat kami ng Addidas store ng biglang marinig ko na tumunog ang cellphone ko.  Saglit akong huminto at kinuha ang phone sa bulsa ko. Tatlong message agad ang sunod sunod na pumasok sa phone ko at lahat ng iyon ay galing kay Derek.  Bubuksan ko na sana ang mga messages nang biglang may bumangga sa akin mula sa likod.  Sa lakas ng pagkakabangga sa akin ay nabitwan ko ang hawak ko.  Bumagsak ito sa sahig at nagkalasog lasog.  Natanggal ang back cover.  Tumilapon ang baterya.  At ang pinakamalala ay nabasag ang screen. Agad akong napaluhod para damputin ang nasira kong cellphone.  Nang makita kong basag ang screen ng cellphone ko ay agad kong sinipat ang nakabangga sa akin.  Ilang dipa mula sa harap ko ay nakatayo at tumatawa si Dave kasama ang tatlong tropa nya.  Tiningnan ko lang sya ng masama.  Sumagot lang sya ng ekspresyon na para bang nang-aasar pa.

Ilang saglit pa ay bumaling ang mukha ni Dave kay Tristan na nakatayo sa gilid ko. Biglang nagbago ang ekspresyon ni Dave. Biglang naging seryoso.

“Anong problema mo?” ang matapang na tanong ni Dave kay Tristan.

“Iyang ugali mong bulok ang problema ko, bakit?” tugon ng inis na si Tristan.

“Aba, ang gagong ito ah.” Sagot ni Dave sabay akma na lalapitan si Tristan.  Agad na pinigilan sya ng isang kasama.

“Pare huwag.  Anak ni Konsehal yan.  Mayayari tayo.” Ang paalala ng tropa ni Dave.

“Ganun ba?”

“E kaya naman pala mayabang e.” ang sabi ni Dave.

Dinuro ni Dave si Tristan.  Pagkatapos ay humarap sya sa akin.  Binigyan nya ako ng dirty finger, lumakad at umalis ng tumatawa. Akma nang susugurin ni Tristan si Dave pero hinawakan ko ang kamay nya para pigilan.

“Tristan… Huwag mo nang patulan.” Ang sabi ko.  Ramdam ko ang panggigigil ni Tristan dahil nakakuyom ang mga kamay nya at mabigat ang paghinga nya.  Saglit lang ay hinatak nya ang kamay nya, lumakad at kinuha ang tumilapon na baterya ng cellphone ko.  Pagkaabot nya ng baterya ay ikinabit ko ito sa cellphone ko ay sinubukang buksan.  Saglit na iilaw pero namamatay na ang phone ko. Ilang beses ko sinubukang buksan pero ganun pa din ang nangyayari.

“Tsk.. Wala na ito.  Sira na talaga.” Ang malungkot na sabi ko.

“Hay. Ano ba yan?” Inis na sabi ni Tristan.

“Sino ba yung gagong yun?” tanong nya.

“Si Dave.” Sagot ko.

“Dave?” tanong nya.

“Yung anak ni Colonel Robles.” tugon ko.

“Fuck.  Yun na ba si Dave?”

“E kaya naman pala ganun kagaspang ang ugali ng gagong yun. Mana sa ama!” ang inis na sabi ni Tristan.

“Kaya nga. Hindi na ako magtataka kung isang araw ay malaman kong lumulutang ang katawan nyan sa ilog sa dinami dami ng kagaguhang pinaggagagawa nya.” Sagot ko.

“Ikaw naman kasi.  Bakit mo ako pinigilan?”

“Bibigyan ko sana na papaisa ang hambog na iyon.” Inis na sabi ni Tristan.

“Ano ka ba? Nakita mong apat sila at nag-iisa ka lang.”

“Mamaya mapuruhan ka pa.” sagot ko.

“Mayabang lang naman sya dahil sa tatay at mga tropa nya”

“Balewala naman ang pagkahambog nya kapag mag-isa na lang sya.”

Biglang pumasok sa isip ko yung naikwento sa akin ni Derek ang tungkol sa pagiging jutay at bano sa kama ni Dave kaya ako napailing at napatawa.

“Sira na nga ang phone mo pero nakuha mo pang tumawa.” Nagtatakang sabi ni Tristan.

“Mabubuo ba ang phone ko kapag nagngangalngal ako dito?” sarkastikong tugon ko.

“Kungsabagay.”

“Panahon na rin siguro para magretire na ang phone mo. Baka matetano ka pa dyan sa sobrang kalumaan nyan.  Hahaha.” Biro ni Tristan sa akin.

“Grabe ka naman. Kahit ganito ito may sentimental value naman ito sa akin.” sabi ko sabay tulak sa kanya.

“Matagal kong pinag-ipunan kaya ito."

"Ito ang kauna unahang gamit na naipundar ko para sa sarili ko.” ang medyo seryosong dagdag ko.

“Kow. Baka magkaiyakan pa tayo dito.  Tara na nga.”  pag-aya ni Tristan sa akin sabay akbay sa akin.

Halos apat na oras din kami nagpaikot ikot ni Tristan sa mall. Addidas. Bench.  Penshoppe. Levis. Converse at Department Store ang pinasok namin.  Nagwaldas talaga ng pera si mokong.  Matapos magshopping ay dumerecho kami sa Pancake House para kumain.  Habang kumakain kami ay tinawagan na din nya ang driver nila para ipaalam na kailangan na nya kaming sunduin.  Forty five minutes din ang lumipas nung magtext ang driver nila para sabihin na naghihintay na sya sa may parking lot.  Agad na binayaran ni Tristan ang bill namin at tsaka namin tinungo ang parking area. Nang matunton naming ang sasakyan nya ay inilagay nya ang mga napamili sa may compartment.  Pasakay na ako nang biglang nagsalita si Tristan.

“Nikko.  Dito ka muna.  May nakalimutan lang ako.” Ang sabi nya.

“Ganun ba? Gusto mo samahan na kita?” tanong ko.

“Hindi na.  Dyan ka na lang.” ang huling sinabi nya bago nagmamadaling bumalik sa loob ng mall.

Halos isang oras din syang nawala.  Pagkabalik ay may bitbit na syang isang white na paper bag.  Agad na inilagay nya ito sa compartment at tsaka sumakay ng kotse. May ilang lugar pa kaming pinuntahan bago kami umuwi. Inabutan na kami ng paglubog ng araw.

Abala ako sa pagkalikot ng phone ko habang binabagtas namin ang daan pabalik ng bahay namin.  Pinipilit ko pa ding paganahin ang cellphone ko pero hopeless na.  Hindi na ito nabubuhay pa.  Kaya napapaisip na naman ako. Ilang beses na pagpapahada na naman kaya ang gagawin ko para makaipon para sa bagong cellphone?

“Hay!” ang tangi kong nasabi sa sarili ko.

Dahil sa abala ako sa pag-iisip ay di ko na namalayan na nasa tapat na pala kami ng bahay namin.

“Huy! Dito na tayo.” ang nakangiting sabi ni Tristan na nakalingon sa akin.

Medyo nagulat ako. Agad akong napalinga sa paligid.

“Ay. Oo nga. Hehehe. Salamat ha?” ang sagot ko sabay bukas ng pinto at baba ng sasakyan.

Kasabay ko ay bumaba din si Tristan ng sasakyan.

“Nikko, saglit lang.” ang sabi ni Tristan sabay punta sa may compartment.  Binuksan nya ito at kinuha ang apat na paper bag.  Lumapit sya at iniabot ito sa akin.

“O. Para sa iyo.” alok nya.

“Ha? Ano ito? Bakit?” nagtataka kong tanong.

“Pasalubong ko sa iyo”

“Bago kasi ako umuwi dapat ibibili na kita. Kaya lang hindi ko naman alam ang size mo.” Paliwanang nya.

“O. e paano mong nalaman?” tanong ko.

“Kanina kay Lola. Habang naliligo ka e tinanong ko sa kanya kung ano ang mga size mo.  Hehehe.” Ang nangingiting sabi ni Tristan.

Isa isa kong tiningnan ang laman ng paper bags.  Pantalon sa Levis. Dalawang polo shirt at polo sa Bench. Sapatos na Converse.  Alam kong mahal na ang nagastos ni Tristan sa mga pasalubong nya sa aking damit at sapatos. Pero mas lalo akong nakaramdam ng hiya nang buksan ko ang pang-apat na white paper bag.

“Cellphone?” gulat na sabi ko.

“Tristan. Hindi ko matatanggap ito.  Ang mahal neto.” Nahihiyang sabi ko.

“Bakit?  Hindi mo ba nagustuhan?” pag-aalala nya.

“Hindi naman sa ganun.  Kaya lang…” hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil biglang nagsalita muli si Tristan.

“Alam mo ang corny mo. Kunin mo na yan dahil para sa iyo talaga yan.”

“Nakokonsensya ako kasi feeling ko ako ang may kasalanan kaya nasira ang phone mo."

"Kung hindi kita inaya e di sana buo pa yang phone mo.” sabi ni Tristan.

“Hala. Ano ka ba?"

"Hindi mo naman kasalan yun.  Wala namang nakakaalam na mangyayari yun di ba?” Sagot ko.

“Kahit na. Basta. Kunin mo na yan.”

“Mamili ka. Kukunin mo yan o ibebenta ko na lang yan sa iba tapos magdadrugs ako?"

"Ano?” ang banta nya sa akin.

“Sira ulo ka talaga.” Ang tanging nasagot ko.

“Sira talaga ang ulo ko kaya kunin mo na yan.” ang pagpilit ni Tristan sa akin.

“Sige na nga.  Salamat ha?” tugon ko.

“Good.  Siguro naman ngayon ay ibibigay mo na ang number mo sa akin?” tanong niya sabay abot ng cellphone nya sa akin.  Pagkalagay ng number ko ay ibinalik ko din agad sa kanya ang cellphone nya.

“Thanks. Paano? Uwi na ako.  Text text na lang.” ang paalam nya.

"Sige. Ingat ka."

"Salamat ulit dito ha?" Tugon ko.

Hindi na sya nagsalita pa. Nagsmile lang sya sa akin. Ilang saglit pa ay medyo naging awkward na ang sitwasyon. Para bang nag-iintayan na lang kami. Ako... hinihintay ko lang na sumakay sya ng sasakyan. Samantalang sya naman ay naghihintay lang na makapasok ako. Medyo hindi na ako kumportable kaya nagdecide na akong pumasok na...

"Sige... pasok na ako." ang sabi ko sabay bigay ng medyo awkward na mga ngiti.

Akma na akong papasok nang bigla akong hawakan sa braso at hatakin ni Tristan papunta sa kanya. Isang mahigpit na yakap ang bumalot sa katawan ko na nagpabigla sa akin.

"Dug dug! Dug dug! Dug dug!" ang tibok ng puso ko na tanging naririnig ko lang sa mga pagkakataon na iyon.

Hindi ko maintindihan. Ibang kaligayahan ang nararamdaman ko. Parang napawi ang lahat ng hinanakit ko sa buhay. Gustong sumabog ang dibdib ko sa ligaya.

"I am really happy that I am back."

"Hindi mo alam Nikko kung gaano ko katagal hinintay na magkita tayong muli."

"Sobrang namiss talaga kita." ang bulong sa akin ni Tristan.

Parang gusto kong umiyak nang dahil sa mga sinabi ni Tristan na iyon sa akin. Pero pilit kong pinipigilan dahil hindi ko maunawaan ang dahilan kung bakit nangingilid ang luha sa mga mata ko. Gusto kong magsalita pero hindi ko alam ang sasabihin ko. Gaganti na sana ako ng yakap nang biglang kumalas si Tristan sa pagkakayakap sa akin.

"Ano ba ito? Ang drama eh."

"Sige na. At baka magkaiyakan pa tayo dito.  Hehehe. Bye!" ang huling sinabi ni Tristan sa akin bago nya ako tinapik sa pisngi at sumakay sa sasakyan nya.

Hindi mapukaw sa mukha ko ang mga ngiti habang tinatanaw ang palayong sasakyan ni Tristan. Kung ano man itong nararamdaman ko sana huwag na syang mawala.

Tahimik ang bahay nung pumasok ako. Malamang ay nasa itaas na si Lola at nagpapahinga. May kanin at ulam na itinira si Lola para sa akin. Pero dahil sa kabusugan ay hindi ko na ito kinain. Pagkatapos na makapagligpit ng kaunti at mailagay sa ref ang natirang pagkain ay agad na akong pumasok sa loob ng aking kwarto.

Pagkapasok sa loob ng kwarto ay agad kong tiningnan ang mga pinamili ni Tristan para sa akin. Halos umabot sa tenga ko ang aking mga ngiti dahil sayang nararamdaman ko. Para akong bumalik sa pagkabata. Kinikilig at natutuwa. Maliban kasi kina Lola at Derek, kailanman ay hindi ako nakatanggap ng regalo mula sa ibang tao. Kaya labis ang galak ko nung iabot sa akin ni Tristan ang mga regalong ito.

Matapos kong mailagay ng maayos ang mga bagong damit at sapatos sa aking cabinet ay pinagtuunan ko naman ng pansin ang mamahaling cellphone na ibinigay nya sa akin. Sobrang nahihiya talaga ako pero wala akong magawa kundi ang tanggapin ito. Maliban kasi sa kailangan ko ay nagbanta si Tristan na ibebenta nya ang cellphone at gagamitin nya ang pera pangdrugs kapag hindi ko iyon tinanggap. Marahil ay iniisip nyo na hindi naman nya gagawin yun. Pero sa pagkakakilala ko kay Tristan, hindi malabo na gawin nya yun.

Bago sa akin ang touch screen na smartphone. Buong buhay ko ay bar phone ang ginagamit ko. Bukod sa mura na ay user friendly pa. At matibay. Apat na taon ko ding ginamit yung nasira kong phone. Kung hindi lang dahil sa kagaguhan ni Dave ay sana buo pa sya. Mabuti na lang at nakastore sa Sim Card ko ang lahat ng contacts ko kung hindi ay mahihirapan ako.

Matapos kong pahapyaw na basahin ang user's manual ng phone ay agad kong sinalpak ang sim card ko. Kahit first time kong magkaroon ng ganung klase ng phone ay madali na para sa akin na i-set up ito. Kahit na papaano ay may alam na ako dahil minsan ay kinakalikot ko ang smartphone ni Derek.

Nang matapos kong maayos ang setting at nasa main interface na ako ng phone ay bigla itong tumunog. Kasabay nito ang paglabas ng
isang maliit na window na may nakasulat na 'New Message'. Sa ilalim nito ay nakalagay ang number kung saan nagmula ang mensahe. Agad ko itong binuksan.

+630********* (9:45 pm)
"Kamusta naman ang bagong phone?"

NIKKO (9:47 pm)
"Tristan?"

+639********* (9:49 pm)
"Hala. Sino pa ba ang nakakaalam na may bagong phone ka? Hmp!"

Hindi muna ako nagreply sa kanya. Bagkus ay sinave ko muna ang number nya. Pagkasave...

NIKKO (9:55 pm)
"Ang sungit naman..."

TRISTAN (9:57 pm)
"Hahaha. Hindi naman. So, kamusta ang phone? Ok ba?"

NIKKO (9:58 pm)
"Oo naman. Medyo naninibago pero masasanay din ako. Hehehe."

TRISTAN (10:00 pm)
"Yup. Masasanay ka din."

NIKKO (10:01 pm)
"Pero nahihiya talaga ako sa iyo, Pre. Salamat ha?"

TRISTAN (10:03 pm)
"Alam mo hindi ka lang weird. Baduy ka din. Drama mo. Nako!"

NIKKO (10:04 pm)
"Ay! Grabe ka. Ewan ko sa iyo."

TRISTAN (10: 07 pm)
"Ahahaha. Pikon! I can imagine ang hitsura mo now! Nakakunot ang noo. Nakanguso at nanlalaki ang mga butas ng ilong. Hahaha."

Magrereply na sana ako pero mabilis na nakapareply muli si Tristan.

TRISTAN (10:08 pm)
"Ang cute! :-)"

"Dug dug! Dug dug! Dug dug!" ang biglang pagtambol ng puso ko.

"Putcha! Ano ba ito?" ang tanong ko sa isip ko habang nakahawak ako sa dibdib ko.

"Bakit parang kinikilig ako?" muli kong tanong sa sarili ko.  Agad akong umiling ng mabilis para iwaksi ang nasa isip ko. Tinuktok ko ng kamay ko ang ulo ko para matauhan ako.

NIKKO (10:14 pm)
"Cute? Mukha na ba akong tuta?"

TRISTAN (10:15 pm)
"Ahahahaha. Oo."

NIKKO (10:17 pm)
"Sira ulo. Grrrr. >:-("

TRISTAN (10:18 pm)
"Hahaha. Ang cute talaga. :-p"

TRISTAN (10:19 pm)
"O sya. Pahinga na tayo. May lakad pa ako bukas. Ikaw din. Magpahinga ka na at may pasok ka pa. Ok?"

NIKKO (10:20 pm)
"Ok po Boss!"

TRISTAN (10:21 pm)
"Ayan. Very Good. Di dapat matigas ang ulo. Matutong sumunod nang di napapahamak. Hehehehe. Gud nyt!"

Hindi na ako nakapagreply pa. Kung dati ay nagtataka ako sa mga nararamdaman ko pero ngayon ay nakangiti na. Hindi ko kasi maialis sa akin ang kiligin at matuwa. Kung dati ay madaling araw ako kung matulog pero ngayon ay maaga na dahil for some reason ay natatakot ako na mapagalitan ni Tristan kapag hindi ko sya sinunod.

Saglit akong lumabas ng kuwarto at nagtungo sa CR para magsipilyo at maglinis ng katawan. Pagbalik sa kwarto ay nagpalit na ako ng damit at naghanda para matulog.

Halos kalahating oras na ako akong nakahiga pero hindi ako dinadalaw ng antok. Sanay ang katawan ko sa pagpupuyat. Nakadagdag pa ang lalim ng iniisip ko. Nakatitig lang ako sa kisame habang laman ng isip ko ang mukha ni Tristan. Ngiti at kilig ang bumabalot sa katawan ko. Hindi ko alam ang gagawin ko pero hindi importante yun. Masaya ako. Masarap ang pakiramdam ko at yun ang mahalaga.

Ilang saglit pa ay unti unting bumagsak ang mga mata ko. Dahan dahan itong pumikit. Kasabay nito ay umusal ako ng isang mahinang panalangin na sana ay hindi isang masamang bangungot ang dumalaw sa akin kundi isang masayang panaginip.

Ilang segundo pa sana ay tuluyan na akong lalamunin ng antok ko nang biglang tumunog muli ng makailang beses ang cellphone ko. Agad kong minulat ang mga mata ko at sabik na kinuha ang bagong cellphone ko. Umaasang sana si Tristan ang nagtext.

Subalit lahat ng ngiti at kilig na nararamdaman ko ay napalitan ng pagkadismaya. Nagsimulang malukot ang mukha ko nang mabasa ko ang pangalan ng pinagmulan ng mensahe.

Binuksan ko ang mensahe.

+630********* (11:34pm)
"Nikko. Ready ka na ba para sa special project mo?"

+630********* (11:35 pm)
"This coming Saturday. 7 pm. Punta ka sa bahay. Dun ko ididiscuss ang project mo. Ok?"

+630********* (11:37 pm)
"BTW. This is Mr. Domingo Robles."

(Itutuloy...)

No comments:

Post a Comment

Read More Like This